You are on page 1of 2

SANDOVAL, KEANNA AILA ROSE T.

BSPH201

“HALAGA"

Talunan ka
Mali ka kung iniisip mong
May pagasa ka pa
Dahil sa totoo lang
Kahit paulit ulit mo pang subukan
Pagsumikapan abutin ang iyong mga pangarap
Paniwalaan at ibigay nalang lahat sa maykapal
Tama na
Hindi mo na kailangan patunayan sa iba
Sumuko ka na
Hayaan mo nang dalhin ng hangin ang iyong hangarin
Huli na ang lahat upang kapalara'y baguhin
Mali ka sa paniniwala mong
Hindi mahalaga ang iniisip nila
Tama na
Huwag mo nang panghawakan pa ang salitang
"Kaya mo pa"
Ang tula na ito patungkol sa pagmamahal, pagmamahal sa sarili sapagkat sa tuwing
Nakakaranas tayo ng unos sa buhay lalo na ang pagbagsak na kwekwestyon na ang halaga natin.
Sinulat ko itong tula na ito para sa mga taong nahihirapan yakapin ang sarili dahil sa isang
pagkakamali.
Aking inaanyayahan ang mga taong ito upang bumangon muli sapagkat di sila nagiisa.
Hindi masama bumangon muli ang pagbagsak ay isang hudyat patungo sa bagong pamumuhay
At walang masama kung ilang beses mo pa itong subukan hanggang sa makamit o makamtan ang
iyong minimithiing pangarap.

You might also like