You are on page 1of 1

Ang kahalagahan ng mga tauhan sa Noli Me Tangere ay sumisimbolo sa iba't ibang uri ng tao dito sa

ating bansa. Kung saan nung unang panaho ay tayo ay nasa ilalim pa ng pananakop ng ibang bansa at
patuloy na pinapahirairapan. Ipinapakita sa Noli Me Tangere ang tauhan na dapat tuluran at
sumisimbolo na dapat tayo ay magsumikap at lumaban para sa ating karapatan.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/2096102#readmore

Para sa akin bilang isang anak, kapatid, estudyante at higit sa lahat bilang isang Pilipino ang
kahalagahan ng pag-aaral ng mga akda ni Rizal partikular na ang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo ay upang bigyang pagpupugay ang ating pambansang bayani. Bigyang tuon ang
kagitingang kanyang ipinakita sa kabila ng mga ginawa sa atin ng mga mananakop. Una sa
lahat ang mga nobela ni Rizal ang unang gumising sa mga natutulog na isipan ng mga Pilipino,
ito ang nagdilat sa mga mata ng ating kababayan sa kung ano talaga ang nangyayari sa atin at
sa inang bayan natin. Pangalawa, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay parte ng ating
makulay na kahapon, isa ang mga akdang ito sa nagpatingkad ng ating kasaysayan. Ito ang
nagsilbing inspirasyon at lakas sa ilan pa nating magigiting na bayani upang ipaglaban ang
anuman na dapat ay para sa atin. Pangatlo, may malaki itong ginampanan sa buhay ng bawat
isang Pilipino, ang mga aral na mapupulot dito ay maaari nating magamit hindi lamang ngayon
ngunit hanggang wakas ng ating buhay na maaari pa nating maipasa sa mga susunod na
henerasyon pang daraan. Napakaraming aral ang maaari nating mapulot sa mga nobela ng
ating bayani. Sa Noli Me Tangere ang aral na mapupulot natin ay ang hindi paggamit ng
anumang dahas gaano man kalaki ang nagawang kasalanan ng ibang tao sa atin. Isa pa ang
napakamakapangyarihang mensahe ni Rizal mula pa rin sa kaniyang Noli ay ang ‘hindi
paglalagay ng batas sa ating mga kamay’, para sa akin ito ang mensaheng kumatawan sa
buong nobela. Napakagandang isipin na sa kabila ng mga nagawa ng mga kastila at
pagpapakita ng kasamaan ng mga dominikong pari kay Rizal ay ni minsan hindi niya nagawang
saktan o pisikalin ang mga ito. Bagamat dawit sa kanyang mga nobela ang mga prayle ay
nagsaad lamang siya ng katotohanan. Sa nobela naman niyang El Filibusterismo bagamat
bunyag na sa titulo ang nais o patutunguhan ng kwento ay may masasalamin pa rin tayong aral
dito. Sa nobela nagbalik si Juan Crisostomo Ibarra sa katauhan ni Simoun na isang mayamang
mag-aalahas at tagapayo ng Kapital Heneral. Ang aral na nangingibabaw sa nobela ay ‘sa
kabila ng mga kasalanan na ating nagawa sa katapus-tapusan ng araw ay babalik pa rin ang
loob natin sa Poong Lumikha’ napakaganda ng bawat tagpo sa nobela kung hihimayin ang
bawat paksa dito. Ito ang mga dahilan ko para masabi na mahalaga ang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo. https://proudfilipinoako.wordpress.com/ano-ang-kahalagahan-ng-mga-nobelang-
noli-me-tangere-at-el-filibusterismo/

You might also like