You are on page 1of 7

Isang Masusing banghay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4

Date: November 12, 2018

I. Layunin:
Naipapakita ang paggalang sa kultura ng iba’t-ibang pangkat upang mapanatili ang kapayapaan.

II. Paksang Aralin


Paggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay
B.P. : Pananagutang Panlipunan
K.P. : Kapayapaan
ELC. : EKAWP 4 p. 24
Kagamitan: Mga larawan ng pangkat etniko, pagkain, mga ritwal at kasuotan.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral: Anu-ano ang pangkat sa ating bansa?

B. Panlinang na Gawain:
1. Ilahad ang larawan ng iba't-ibang pangkat etniko sa bansa at hayaang kilalanin ng mga bata.
2. Ilahad sa pisara : KULTURA
Ano ang ibig sabihin nito?
3. Obserbahang mabuti ang mga larawan ng iba't-ibang pagkain, damit, paraan ng mamumuhay
ng bawat pangkat.
 Bakit kaya iba-iba ang paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino?
 Dapat ba nating igalang ang kultura ng ating kababayan? Bakit?

C. Pagsusuri:
1. Ilahad at talakayan
Maraming turista na dumadayo sabayan ni John Fitz sa Aklan upang saksihan ang mga
Ati-atihan. Ang mga taga-Akian ay abalang-abala sa paghahanda mula sa gagamiting kasuoan
hanggang sa pagkain.
Sa araw ng pagdiriwang ay makikita ang mga pagdiriwang upang maintihan kung bakit
ginagawa ito ng mga tao.

 Kayo, alam ba ninyo kung bakit ipinagdiriwang at ang kahulugan ng Ati-Atihan?

D. Paglalapat:
Panuto : Ipaliwanag ang inyong pipiliing sagot.
1. May pagdiriwang ang mga Igorot at nakita mo silang sumasayaw sa kalsada. Alin sa mga ito
ang iyong gagawin? Bakit?
a. Pagtawanan sila
b. Panoorin sila nang may paggalang
c. Kainisan ang ginawa nila

IV. Pagtataya:
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
1. Nakita mo ang Muslim na humahalik sa lupa na nakaharap sa araw na sumusikat. Ano
ang gagawin mo?
a. Pagtatakhan ang ginagawa niya at titigan siyang mabuti
b. Tatanungin siya kung ano ang kanyang ginagawa
c. Pababayaan siyang isagawa ito at igalang siya
2. Kaarawan ng kaklase mo at lahat kayo ay imbitado sa kanila pagkatapos ng klase. Ang iyong best
friend ay isang Iglesia ni Kristo at batid mong bawal sa kanila ang umatend sa ganitong
pagdiriwang. Ano ang iyong gagawin?
a. Igagalang ang kanilang paniniwala
b. Hindi na siya babatiin
c. Pipilitin siyang dumalo sa party at awayin kung hindi sasama

V. Takdang-Aralin:
Anu-ano ang iba’t-ibang pagdiriwang sa Pilipinas?
Isang Masusing banghay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4

Date: November 13, 2018

I. Layunin:
Naipakikita ang paggalang sa kultura ng iba't-ibang pangkat upang mapanatili ang
kapayapaan.

II. Paksang Aralin


Paggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay
B.P. : Pananagutang Panlipunan
K.P. : Kapayapaan
ELC. : EKAWP 4 p. 24
Kagamitan: larawan ng isang katutubong awitin

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
Pag-awit ng isang katutubong awitin

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Paano natin maipakikita ang ating pagga1ang sa kultura ng iba'tibang tao sa ating
bansa? Bakit natin ito isasagawa?

2. Paglalahad ng kuwento.

C. Pagsusuri:
1. Sino ang maraming kaibigan?
2. Bakit sila napunta sa isang pulo sa Mindanao?
3. Anong pagkakaiba ang naobserbahan ni Rosa sa uri ng pamumuhay ng kanyang mga
kaibigang Muslim?

D. Paglalapat:
Isinama ka ng iyong kaibigan sa kanilang pook-dalanginan. Nakita mong nag-alis ito
ng sapin sa paa bago pumasok dito, ano ang iyong gagawin? Bakit? Ano ang
ipinahihiwatig ng iyong gagawin? Ano ang maidudulot nito sa inyong pagkakaibigan.

IV. Ebalwasyon:
Pagsasadula ng bawat pangkat.
Sitwasyon: Namatay ang Lolo ng kaklase mo na isang Ifugao. Nadatnan ninyo sa burol na ito ay wala
sa kabaong kundi makalagay ito sa isang malaking banga. Paano ninyo maipakikita ang
paggalang sa ganitong kultura na kakaiba sa inyo?

V. Takdang-Aralin:
Anu-anong okasyon an gating ipinagdiriwang? Bakit natin ito isinasagawa?
Isang Masusing banghay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4

Date: November 14, 2018

I. Layunin:
Kinikilala ang pagpapahalagang ipinakikita ng iba't-ibang pagdiriwang

II. Paksang Aralin


Paggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay
B.P. : Pananagutang Panlipunan
K.P. : Kapayapaan
ELC. : EKAWP 4 p. 24
Kagamitan: larawan ng iba’t-ibang pagdiriwang pansibiko at panrelihiyon

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga pansibiko at panrelihiyong pagdiriwang sa ating bansa?

B. Panlinang na Gawain:
1. Kailan natin ipinagdiriwang ang "Araw ng Kapayapaan?”
2. Ilang taon na ngayon ang "Kalayaan ng Pilipinas?" Ano ang napansin ninyo sa mga
"Commercials" sa TV? Tungkol saan ang tema ng mga ito?
 Sa mga opisina at mga paaralan, ano ang napansin ninyong suot ng mga
kawani tuwing Lunes o Biyernes?

C. Pagsusuri:
1. lladiad ang larawan ng iba't-ibang pagdiriwang na ginagavva sa bansa tulad ng Flores
de Mayo, Linggo ng Wika etc.,
2. Papaano ipinakikita ng mga Pilipino sa iba't-ibang pagdiriwang ang pagpapahalaga
sa Kulturang Pilipino?

D. Paglalapat:
Sa anu-anong pagkakataon naipakikita ng mga Pilipino sa kasalukuyan ang
pagpapahalaga sa iba't-ibang pagdiriwang at kulturang Pilipino?

IV. Ebalwasyon:
Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ang pagsusuot ng pambansang kasuotan ay isa sa pagpapahalagang ipinakikita nating
sa ating kultura. Paaano mo ito maipagmamalaki?
a. Isuot ang Barong Tagalog at Baro't saya sa mahahalagang okasyon
b. Isuot ang mga ito sa pamamasyal
c. Isuot ito sa loob ng Amerikanong kasuotan
2. Ang mga awiting bayan natin ay kabilang din sa Kulturang Pilipino. Ano ang dapat
nating gawin dito?
a. Kolektahin ang mga ito at itago
b. Awitin ito nang buong giliw
c. Hayaang ang mga matatanda na lamang ang umawit ng mga ito.

V. Takdang-Aralin:
Gumawa ng isang album kung saan maipakikita ng mga Pilipino ang pagkilala o
pagpapahalaga sa ating kultura sa iba't-ibang pagdiriwang.
Isang Masusing banghay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4

Date: November 15, 2018

I. Layunin:
Kinikilala ang pagpapahalagang ipinakikita ng iba't-ibang pagdiriwang.

II. Paksang Aralin


Paggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay
B.P. : Pananagutang Panlipunan
K.P. : Kapayapaan
ELC. : EKAWP 4 p. 24
Kagamitan: larawan, kuwentong likha ng guro

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Panalangin
2. Balik-aral

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Anu-anong okasyon ang ating ipinagdiriwang? Anu-anoa ang kahalagahan ng
bawat pagdiriwang na ito?

2. Paglalahad ng kuwento.

C. Pagsusuri:
1. Bakit inimbitahan ni Cristy sina Loida at iba pa ni-kaibigan sa kanilang tahanan?
2. Anu-anong paghahanda ang isinasagaw nina Cristy at mga kababaryo para sa
pagdiriwang na ito?
3. Para sa inyo, tama ba ang ganitong pagdiriwang ng piyesta? Bakit?
4. Kung ang paraan ng pagdiriwang ng piyesta sa iyong kaibigan ay kakaiba sa inyo,
ano ang iyong gagawin? Bakit?

D. Paglalapat:
Isinama ka ng iyong tiyahin ng pumunta sa kanilang probinsiya dahil nuon ay Todos
Los Santos. Dadalaw siya sa namayapa niyang biyenan na isang Instik. Pagdating ninyo
sa sementeryo, nakita mong puno ng masasarap na pagkain ang ibabaw ng puntod nito.
Nang mga oras na iyon, kumakalam na ang sikmura mo dahil sa gutom, ano ang iyong
gagawin? Bakit?

IV. Ebalwasyon:
Sabihin kung bakit natin pinahahalagahan ang mga sumusunod na pagdiriwang.
1. Araw ng mga Puso
2. Araw ng mga Patay
3. Pasko
4. Mahal na Araw
5. Araw ng mga Ina

V. Takdang-Aralin:
Gumupit o gumuhit ng mga larawang nagpapakita kung papaano ipinagdiriwang sa
inyong lugar ang Mahal na Araw.
Isang Masusing banghay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4

Date: November 16, 2018

I. Layunin:
Naipapakita ang paghanga sa kultura at iba't-ibang rehiyon o pangkat

II. Paksang Aralin


Paggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay
B.P. : Pananagutang Panlipunan
K.P. : Kapayapaan
ELC. : EKAWP 4 p. 24
Kagamitan: larawan ng Sinulog

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral: Ano ang kultura? Magbigay ng halimbawa ng kulturang Pilipino

B. Panlinang na Gawain:
1. Ilahad ang larawan ng "Sinulog". Anong pagdiriwang ito" Saan ito ipinagdiriwang?
Kailan?
2. Iparinig at talakayan.
Maraming turista ang dumarayo sa bayan nina Jet-jet sa Cebu upang saksihan
ang "SINULOG" o ang pagdiriwang ng mga taga-Cebu ito ay isang pagdiriwang kung
saan ginugunita ang simula ng pagiging Kristiyano ng mga Cebuano. Ang mga tao rito
ay nagdarasal umaawit at sumasayaw sa kalsada. Bawat makapanuod ay nagagalak
at nasisiyahan.
 Dapat bang hangaan at igalang ang pagdiriwang ng mga tagaCebu'? Bakit?

C. Ang Ramadan ay isang pagdiriwang ng mga Muslim. Bawat Muslim ay nagaaral ng Banal
na Koran tuwing sasapit ang Ramadan. Minsan lamang silang kumain at uminom ng1ublg
sa loob ng maghapon upang magsakripisyo.
 Ikaw bilang Kristiyano o di - Muslim, ano ang iyong gagawin sa nakikita mong
pagsasakripisyo ng mga Muslim kung panahon ng Ramadan? Dapat ba silang
pagtawanan? Kutyain? Ikahiya? Bakit?

D. Paglalapat:
Magtala ng tatlong gawain na nagpapakita ng paghanga sa kultura ng iba't-ibang pangkat o
rehiyon sa ating bansa.

IV. Ebalwasyon:
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. May pagdiriwang ang mga Ita at nakita mo silang sumasayaw sa kalsada. Alin sa mga ito ang iyong
gagawin?
a. Gagayahin sila c. Panoorin sila ng may paggalang
b. Pagtawanan sila
2. Nakita mo ang isang Muslim na humahalik sa lupa na nakaharap sa sumisikat na araw. Ano ang
iyong gagawin?
a. Pagtatahan sila c. Pababayaan sila at igagalang
b. Lilibakin sila

V. Takdang-Aralin:
Anu-ano ang proyekto ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng ating kultura.

You might also like