You are on page 1of 1

Salmo Tugunan

(Salmo 15)
Intro : C-A7-Dm—Fm-G7-C-(G7)

T- D’YOS KO,ANG AKING DALANGI’Y AKO’Y IYONG TANGKILIKIN.

1. Ikaw lamang /Panginoon/ ang lahat sa/ aking buhay/


Ako’y iyong/ tinutugon/ sa lahat kong/ ka-i-langan.
Ang biyayang kalo-ob_ mo/,ay kahanga-hangang_ tunay
Nababatid ko na ika’y/ kasama ko oras-oras
Sa piling mo kailanma’y/ hindi ako matitinag. (T)

T- D’YOS KO,ANG AKING DALANGI’Y AKO’Y IYONG TANGKILIKIN.

2. Kaya’t ako’y nagdiriwang/,ang diwa ko’y nagagalak


Ang lagi kong nadarama’y /hindi ako matitinag.
Pagkat di mo tutulu__tang/ ang mahal mo__ ay malagak
Sa balon ng mga patay/ upang doon/ ay ma-agnas. (T)

T- D’YOS KO,ANG AKING DALANGI’Y AKO’Y IYONG TANGKILIKIN.

3. Ituturo mo ang landas/ na buhay ang hahantungan


Sa piling mo’y madarama/ ang lubos na kagalakan
Ang tulong mo’y/ nagdudulot/ ng ligayang__/ walang_ hanggan. (T)

T- D’YOS KO,ANG AKING DALANGI’Y AKO’Y IYONG TANGKILIKIN. (2x)

You might also like