You are on page 1of 13

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

NG IKA-WALONG BAITANG

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mag aaral ay inaasahan na:
 Nakapagpapahayag ng kaalaman ayon sa paksang tatalakayin
 Pinahahalagahan ang tiwala at pananalig sa Maykapal
 Nakalilikha ng isang tula base din sa sariling karanasan

II. PAKSANG ARALIN


Ang Guryon ni Idelfonso Santos
Sanggunian:
Hiyas ng lahi (Panitikan, Gramatika, Retorika), pahina 16-21
Magdalena O. Jocson (May-Akda/Patnugot)
Petrona Q. Nieto, Mary-arr D. Malirong (Mga Tagasuri)
Kagamitan:
LCD projector, speaker at mga pantulong biswal, malaki at maliit na kahon,
makukulay na laso at mga larawan.
Pagpapahalaga:
Matutong magpahalaga, magsikap at magtiyaga upang mapagtagumpayan ang
mga pangarap sa buhay, dahil hindi ito magaganap kung hindi tayo matututong
kumilos.

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
- Magsitayo ang lahat at ating ituon
ang ating presensya sa Poong
Maykapal.
(Tatawag ng Mag-aaral)
Upang pangunahan ang panalangin.
(Tatayo ang mga mag-aaral)
Bilang pabibigay galang sa ating
Poong Maykapal tayong lahat ay
tumungo at damhin ang presensya ng
Dios. Ama naming Dios banal po at
makapangyarihan sa lahat maraming
salamat po sa panibagong araw, sa
buhay at kalakasan sa pagbibigay ng
karunnungan sa bawat itturo n
gaming guro. Itinataas po naming ang
lahat sa pangalan ni Hesus. Amen.

2. Pagbati
Isang magandang araw sa ating lahat.
Magandang Araw din po.
Maari na kayong umupo.
Salamat po!
Kamusta naman ang inyong araw?
Mabuti naman po.
Nakagagalak namang pakinggan na kayo
ay mabuti ngayon.
Tunay po ang iyong sinasabi
Binibini.
3. Pagtatala ng liban at hindi
Mga mag-aaral may liban ba ngayong
araw na ito?
Wala po, Binibini
Mabuti ako ay nagagalak na walang liban
ngayon sa ating klase.

4. Pampasigla
Uumpisahan natin ang ating
pampasiglang gawain

Tatawagin natin itong “STOP DANCE”


Binibini ano po ang ating gagawin
Mahusay! Subalit naiiba ang “STOP
DANCE” na ito kumpara sa aktwal na
larong “STOP DANCE” na
pangkaraniwan nating natutunghayan.
Habang tumutugtog ang musikang aking
pinapatunog ako naman ay tatalikod
upang hindi ko Makita kung kanino
mapapatapat ang pagtigil ng tunog ay
siyang mapalad na bubunot ng mga
katanungang nasa loob ng kahong aking
hawak.
Binibini tungkol saan po ang mga
tanong ?
Ito ay mga bugtong lamang. Huwag
kayong mag-alala sapagkat madali
lamang ito.
Binibini may premyo po ba?
Mayroon kung sino ang makasagot sa
makahandang bugtong ay makatatanggap
ng mga star galling sa ating „Star Box‟. Sa
bawat sagot ninyo sa aking mga
katanungan sa ating klase magkakaroon
kayo ng mga star sa dulo ng ating
talakayan upang magbibigay ng
karagdagang puntos sa ating quiz. Gusto
niyo ba iyon?
Opo. Binibini
May tanong pa ba?
Wala napo. Binibini
Simulan na natin? Handa na ba kayo?
Opo!
Sige, papatugtugin ko na ang musika
Hala! Sa akin napahinto ang tunog.
Dahil sayo ____ tumigil ang tugtog ikaw
ay bubunot ng isang katanungan.
Opo. Binibini
Ngayon, basahin mo ang iyong nabunot
na katanungan.
Hindi hari Hindi pari nagsusuot ng
sari-sari.
Ano ang iyong kasagutan?
Sampayan Binibin!
Magaling at dahil nasagot mo ang iyong
katanungan heto ang iyong star.
Maraming salamat po.
Muli nating papatugtugin ang musika.
____ da iyo masuwerteng huminto ang
tugtog maari ka ng bumunot ng iyong
katanungan.
Panakip butas mo lang pala ako.
Ano ang iyong kasagutan?
Panty, Binibini
Mahusay! Dahil tama din ang iyong
kasagutan narito ang iyo ding gantimpala.
Isang star!
Maraming salamat po.
At ngayon atin muling papatugtugin ang
musika. Sino kaya ang masuwerteng
matitigilan nito.
_____, sa iyo tumigil ang tugtog maari ka
ng bumunot ng katanungan.
Ano ang tawag sa unahan ng kabayo?
Ano ang iyong kasagutan?
Karera po.
Magaling at dahil tama ang iyong
kasagutan ito ang gantimpalang star.
Maraming salamat po.
5. Pagbabalik-aral
Marahil naman ay nabuhayan kayo sa
larong ating ginawa.
Opo,Binibini
Ngayon naman ay magbalik aral tayo.
Ano ang ating tinalakay kahapon?
Binibini tungkol po sa maikling
kwento.
Mahusay! Ano nga ulit ang maikling
kwento.
Binibini?
Sige___.
Ang maikling kwento po ay isa sa
akdang pampanitikan na likha ng
guni guni ito po ay mababasa sa
upuan lamang at may isa hanggang
tatlong tauhan lamang.
(Magbibigay ng star)
Tumpak! Lahat tayo ay may ama sino
naman ang ama ng maikling kwento ?
Binibini?
Sige____.
Si Edgar Allan Poe.
Magaling! Ang ama ng maikling kwento
ay si Edgar Allan Poe. Lahat ng iyon ay
natalakay na natin kahapon. Nakakatuwa
naman na Inyo paring natatandaan.

6. Pagganyak

B. Panlinang na Gawain

A. Aktibiti
Bibigyan ko kayo ng papel ang bawat isa
sa inyo upang magbigay ng maaring
ihambing ninyo sa isang bagay ang
inyong buhay. Sapagkat nagiging
makahulugan ang buhay kapag nakikita
ang kaugnayan nito sa katangian ng bagay
na pinagtutularan.
Binibini kahit ano po ba ang bagay na
aming gawin.
Uo, basta ang bagay na ito ay
sumisimbolo sa inyong buhay.
Sige po.
Magsimula na kayo maaari nyo na itong
gawin bibigyan ko lamang kayo ng
dalawang minuto para gawin iyan.
Opo. BInibini.
Pagkatapos ninyong gawin amg aking
pinapagawa ay inyong ipapaliwanag kung
bakit yang bagay na iyan ang
sumisimbolo sa inyong pangalan na
nakalagay sa kahong ito upang ibahagi sa
amin ang iyong nais ipahayag.
Binibini nakakahiya po.
Ano ba kayo, wag kayong magkahiyaan
ituring ninyong kapatid ang bawat isa.
Lahat ng ibabahagi at maririnig namin ay
hindi makakarating sa iba.
Maliwanag ba?
Opo, Binibini.
Meron na lamang kayong tatlumpung
Segundo para tapusin iyan.

______ano ang ginagawa mo sa iyong


papel na sisimbolo sa iyong buhay?
Isa pong Bangka.
Wow! Bakit naman iyon ang iyong
inihalintulad sa iyong buhay?
Sapagkat kahit gaano pa kadaming
dumaan pananatilihin ko itong
balanse upang hindi ako lumubog.
Napakahusay! Ano naman ang iyong
ginawa sa iyong papel?
Isa pong Gulong . dahil ang takbo ng
buhay ay paikot ikot minsan nasa
ilalim o minsan ay nasa ibabaw.
Napakahusay!
(Magbibigay ng Star)
Ano naman ang iyong ginawa sa iyong
papel?
Isa pong saranggola.
Naks! Bakit naman iyan ang
binihalintulad mo sa iyong buhay?
Sapagkat bago tayo makarating sa
taas kailangan nating magsumikap
upang maabot natin an gating mga
pangarap sa buhay.
(Magbibigay ng star)
Mabuti naman at naibahagi ninyo ang
inyong mga saloobin tungkol sa
sumisimbolo sa inyong buhay. Ngayon
tutunghayan na natin ang tulang ating
tatalakayin kung saan inihalintulad niya
ang kanyang buhay.

Paghahawan ng balakid

Ngunit bago tayo tuluyang dumako sa


pagtatalakay ng aralin ay sagutan ninyo
muna ang mga salitang maaring
makasagabal sa inyong pagkatuto.
Mayroon lamang kayong dalawang
minuto para sagutan ito.

Panuto: Ilagay ang letra ng kahulugan ng


mga di pamilyar na salita.

_____1. Ikit
_____2. Kiling
_____3. Dagitin
_____4. Mapatid
_____5. Guryon

A. Nakapaling o nakahilig sa isang panig


B. Malaking saranggolang may tunog na
nalilikha habang lumilipad
C. mapatid
D. pag-ikit patungo sa iniikutan
E. Makuha.

Tapos na ba ang lahat?


Opo, Binibini.
Sige sagutan mo ang mga
katanungan____.?
Binibini ang sagot po sa limang
katanungan ay D, A, E, C, B.
Napakahusay mo____. Dahil tama ang
iyong sagot bibigyan kita ng 3 star!.

Ayan. Nasagutan ninyo ng tama ang lahat


ng talasalitaan. Ngayon naman gamitin
ninyo ito sa pangungusap.
Halimbawa:
Ang tali ng kambing ay nag IKIT.

Bibigyan ko kayo ng dalawang minuto.

Tapos na ba kayo lahat?


Opo. Binibini
O sige___? Maari mo bang maibahagi
ang iyong mga halimbawa?
Opo. Binibini
IKIT.
Siya ang mag_aaral na nag-ikit ng
bandila.

KILING.
Sa pag killing ng kanyang leeg ay
nangalay siya

DAGITIN.
Ng dagitin ng uwak ang sisiw ay
nagwala ang inahain na manok.

MAPATID.
Ng mapatid ang kanilang relasyon ay
wala na silang ugnayan nito.

GURYON.
Ang guryon ay isang magandang
laruan ng mga bata.
Tumpak lahat ng iyong sagot___. Dahil
dyan bibigyan kita ng tatlong star!

B. Analisis

1. Presentasyon
May ipapamahagi akong kopya ng
isang tula. Basahin ninyo ito sa loob
ng tatlong minuto.

Ano amg pamagat ng tula na inyong


binasa at sino ang may akda nito.
Ang pamagat po nito ay ang Guryon
ni Ildenfonso Santos.
2. Pagtatalakay
Ano ang Guryon?
Ang guryon ito po ay yung lumilipad.
(Magbibigay ng Star)
Maaari! May iba pa bang kasugatan?
Guryon ito po ay malaking
saranggola may tunog na nalilikha
habang lumilipad.
(Magbibigay ng Star)
Tumpak! Ang Guryon o Saranggola
ito ay malaking sarangggolang may
tunog na nililkha habang lumilipad.
Naiintindihan nyo ba ?
Opo. Binibini
Bago natin talakayin ng lubusan ang
tula na napapatungkol sa guryon.
May isa muna akong katanungan.
Binibini ano po iyon?
Para saan ang guryon na ibibigay ng
ina sa kanyang anak?
Binibini, binigay po ito upang
magsilbing laruan ngunit kung
babasahing mabuti may mga
nakakubling mahalagang aral na
makikita sa tula.
Magaling____, maaari mo bang
ipaliwanaga ang nais iparating ng tula.
Binibini, ang nais pong ipahiwatig ng
tula maraming pagsubok sa buhay ng
Mahusay! tao.
(Magbibigay ng Star)

Sino ang makapaglalarawan ng


mahahalagang pangyayari sa tula?
Ako po Binibini
Sige____.
Ang buhay ay guryon marupok,
malikot.
Dagitit,dumagit saan man sumuot
O, paliparin mo‟t ihalik sa Diyos,
Bago pa tuluyang sa lupa‟y
sumobsob!
Magaling ang iyong kasagutan
_____?
Ang buhay ng tao ay parang guryon
sapagkat ang bawat tao ay may
paniniwala sa Diyos.
Naiintindihan?
Opo. Binibini
Bakit kaya inihahambing ang guryon
bilang mabisang sandata sa pagsisikap
sa buhay?
Ako po Binibini
Oh sige ___.?
Sapagkat ang guryon ay nagsisilbing
sandata sa bawat isa sa atin.
Magaling, May karagdagan paba?
Opo, Binibini.
Sige___. Ano amg iyong kasagutan?
Sapagkat ano mang lakas ng hangin
ang dumating sa pagpapalipad mo ng
guryon ay mananatili itong balanse at
hinahawakang mainam.
(Magbibigay ng star)
Mahusay! Tulad nga ng sinabi ni___.
Ano man ang lakas ng hangin ang
dumating sa pagpapalipad mo ng
guryon ay mananatili itong matibay
kung ito ay balanse at hinahawakamg
mainam.
Naiintindihan niyo ba?
Opo, Binibini.
Anong mga simbolo ang ginamit sa
Tula?
Ako po Binibini.
Sige____?
Ang puso daw po na marangal ay
nagwawagi.
Magaling!
(Magbibigay ng star)
Isa pang kasagutan?
Binibini, ang solo‟t paulo‟y sukating
magaling nang hindi mag-ikit o
kaya‟y magkiling.
Tama! Lahat ng inyong kasagutan
(Magbibigay ng star)
Ito po ay sumasalamin sa buhay ng
tao.
Magaling!
(Magbibigay ng star).
May iba pa bang kasagutan?
Binibini!
Sige____?
Sa buhay po ng isang bata kung
paano siya nagpalipad ng Guryon.
Maari___?
(magbibigay ng star)
May kasagutan pa ba?
Wala napo Binibini!
Ngayon ang tulang Guryon na ito ay
sumasalamin sa buhay ng isang tao
tulad ng isa sa nasabi sa tulang ito na
ang pisi‟y tibayan mo anak, at baka
lagutin ng hanging malakas. Ito ay
tunay sa buhay ng tao sapagkat pag
hindi matibay ang iyong paniniwala sa
iyong sarili at sa Maykapal ay
maaaring malagot ng iba ang iyong
mga pangarap sa buhay na guisto
mong marating.
Maliwanag ba ?
Opo. Binibini
Pamilyar ba kayo sa ponemang
suprasegmental?

C. ABSTRAKSYON
Magbalik tayo sa tula,
Paano ihahalintulad ang guryon sa
kasalukuyang mga laruan na kinahihiligan
ng mga bata?

Binibini, Ibang iba ang laruang


ginagamit ngayon ng mga bata
kumpara noon dahil ang mga
kabataan noon ay mahilig sila sa mga
laruan na sila mismo ang gumagawa
ng kanilang laruan. Samantalang
ngayon ay madami na ang
gumagamit ng mga teknolohiya kaysa
aktwal na ginagawa noon.
(Magbibigay ng star)
(Maaring magkakaiba ang sagot ng
mga mag-aaral )

Ipaliwanag ang ginawang paghahalintulad


ng guryon sa buhay na makikita sa
pinakahuling saknong.
Binibini ang buhay daw po ay
guryon: marupok, malikot na maaring
ihalintulad sa buhay sapagkat
dumadating sa puntong marupok o
rurupok ang bawat isa sa atin kapag
may pagsubok.
Tama! Mabuti naman at may natutunan
kayo sa ating tinalakay.
(Magbibigay ng star).

D. APLIKASYON

Ngayon naman, nahati ko na kayo sa


limang pangkat. Ang bawat grupo ay
magtatalaga ng kani- kanilang lider.
Mayroon akong inihandang limang
mahiwagang papel na naglalaman ng
iba‟t-ibang larawan. Sa pamamagitan ng
mga larawan na nakapaloob sa inyong
papel, nakasalalay dito kung ano ang
inyong gagawin na aktibidad. Kayo ay
kailangang makagawa ng nakaatang na
gawain sa loob ng limang minute.
Matapos ninyong magpalitan ng iba‟t
ibang ideya tungkol sa mga aktibidad na
gagawin, kailangan ninyong maibahagi
ang naisip ninyong tula sa harap ng klase
sa loob ng dalawa hanggang tatlong
minuto .

Pero bago ninyo umpisahan ang ating


gawain, sasabihin ko muna ang
pamantayan sa pagbibigay puntos sa
inyong gagawing aktibidad.
Naiintindihan ba ng lahat?
Opo, Binibini.
PAMANTAYAN:
Pamantayan Deskripsyon Puntos

Orihinalidad ng tula Gumamit ng 40%


kakaiba at
napakamalikhaing
pamamaraan sa
pagbuo ng tula.

Pagganap ng mga Ang bawat kasapi 30%


tauhan/Partisipasyon ng pangkat ay
nagpamalas ng
kakaibang galling
pakikilahok.

Pagkamalikhain Ang bawat 30%


miyembro ay
ngpakita ng
pagiging
malikhain
Kabuuang puntos 100%

Mga bata tapos naba kayo? Nakalampas


na ang sampung minutong palugit?
Opo Binibini.
Ihanda na ng unang pangkat ang kanilang
tula sapagkat ilalahad ninyo dito sa harap
ng ating klase. Kasunod ang pangalawang
pangkat.
Simulan niyo na_____.
Mahiwagang Papel 1
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng
isang tula sa pamamagitan ng mga
larawan at ipipresenta sa unahan)
Nakakaaliw namang talaga ang inyong
tula. Kabigha-bighani ang taglay ninyong
talino at dahil diyan bibigyan ko kayo ng
tigda-dalawang star!

(Bibigyan ng dalawang star amg bawat


miyembro ng grupo)

Kasunod naman ang pangalawang grupo.


Umpisahan niyo na____.
Mahiwagang Papel 2
(Ang mga mag-aaral ay gagawa ng
tula.)
Nakabibighani namna talaga ang inyong
ginawa. Kabigha bighani ang inyong
taglay na talento at dahil diyan bibigyan
ko kayo ng tigda-dalawang star!

(Bibigyan ng dalawang star ang bawat


miyembro ng grupo)

Kasunod naman ang pangatlong grupo.


Umpisahan niyo na______.
Mahiwagang Papel 3
(Ang mga Mag-aaral ay isasagawa
ang kanilang tula)

E. EBALWASYON
Panuto: Sa pamamagitan ng Word
Association, magbigay ng mga salita,
bagay o pahayag na maiiugnay dsa
salitang guryon. May isa ng sagot na
ibinigay upang iyong sundan.

GURYON
IV. TAKDANG ARALIN

Sa 1/8 illustration board, gumamit ng


isang larawan na naglalarawan sa tula.
Maaring gumamit ng iba‟t ibang kulay
upang lalong magkaroon ng buhay ang
inyong sining.

You might also like