You are on page 1of 10

EL FILIBUSTERISMO

ANG WAKAS

Ipinasa ni : Diane Therese M. Huldong

Ipinasa kay : Mrs. Joana De Guzman


XXXIX - KATAPUSAN

Pagod na si Juan Crisistomo Ibarra.

Hindi na niya alam kung saan siya susuot, lulugar. Ang mga bulong bulungan ay nagsasayawan
sa loob ng kanyang utak. Pinapalagay niya na kahit saan siya magpunta’y siguradong
kamatayan, hindi guardia civil, ang humahabol sakanya.

Sa buong buhay ni Simoun ay alam niya ang susunod na mangayayari. Alam niya ang pasikot
sikot ng mga utak ng taong nakapaligid sa kanya. Inaaral niya ito nang masinsinan. Pero hindi
niya namalayan na mayroong palang mas malaking bagay na nagtatago sa mga kalkulado niyang
pagsusuri; Tadhana.

Ngayon niya lamang napagtanto na hindi niya pa rin alam kung ano ang pasikut-sikot ng
tadhana, at ngayong huli na ang lahat; doon pa lang niya nalaman na walang pinapanigan ang
tadhana. Sa kaisa-isang pagkakataon sa kanyang buhay, hindi na niya alam ang kanyang
gagawin.

Habang siya’y tumatakbo patungong kahit saan ay naisip niya na nagbahay ang tadhana kay
Isagani. May tumakas na tawa sa kanyang mga labi at siya’y nagsabi “Pero bakit hindi na kita
napigilan, Isagani?”

Dahil matapos na nagpaalam si Simoun na umalis mula sa bahay ni Kapitan Tiago ay nagtago
muna siya upang makita ang kalunos-lunos na pangyayaring magsisilbing kapayayapaan at
ginhawa ng kanyang kaluluwa, at ng kaluluwa ng nararaming naapi at inuusig. Habang
pinagmamasdan niya ang mangyayari ay nakita niya si Basilio na hinihikayat si Isagani na
lisanin ang lugar na iyon. Halos pagbagsakan niya ng langit at lupa si Basilio sa pagkalikot ng
mga labi nito. Hindi niya naiwasang maglabas ng galit nang hindi tinataas ang kanyang boses.

“Tonto. Dapat kinaladkad mo na lang si Isagani, Basilio!”

Ngunit huli na ang lahat noong nakita niya si Isagani na umaakyat patungo sa sayahan.
Hahawakan na niya sana ang kanyang baril at ipuputok ito kay Isagani ngunit wala siyang
nakapa sa kanyang bulsa. Nakalimutan niya na ibinigay niya pala ito kay Basilio at wala na
siyang magagawa dahil mismong tadhana na ang kumilos para sa kanya.

Alam na niya ang mangyayari. Kung hindi ba naman bulalasin ni Isagani ang pakay niya kay
Basilio. Alam niyang siya’y nabigo. Sa huling pagkakataon na importante ang hindi mabigo; siya
ay nabigo. Binigo ng lahat, pati ng tadhana.

Hindi niya naipaglaban ang kanyang prinsipyo. Wala siyang nagawa kundi maging kawawang
manonood sa isang kasuklam-suklam na palabas. Hindi na napigilan ni Simoun na magalit at
sumigaw. Kaya siya’y napatigil sa pagtakbo at nagsabi:

“Salot sa mundo ang mga humahadlang para sa kapayapaan ng lahat! Isinusuka ko ang mga
pumipigil ng kalayaan ng nakakarami dahil sa dahilan na silang kakaunti ay hindi masisiyahan.
Sila ang karapat dapat na magdusa. Sila dapat ang mailagay sa lugar ng kanilang mga inaapi.
Kayong mga inutil na nagaakalang may mararating kapayapaan ang bayan nang walang
ginagawa at umaasa lamang sa biyaya ng kastila ay dapat na isama ng mga gagong iyon sa
impyerno! Wala man lang kayong sentido kumon na ipagliban iyang pagmamahal niyo sa mga
sarili niyo para mag-alay ng buhay para sa bayan na pinagsilangan ninyo.”

Maraming ilaw ang nagsiklaban sa mga bahay-bahay na nakapaligid kay Simoun. Narinig nila
ang kanyang mga sinabi, ngunit siya’y pinagtabuyan lamang at sinigawan. Napagkamalan siyang
isang baliw. At sino ba namang hindi mababaliw kung walang gustong maniwala sa iyo?

Sa pangamba na baka makilala ay kumaripas siya ng takbo. Akay ang kanyang maletang
punong-puno ng alahas. Habang gumagalaw ay naisip niya na tumungo sa pamamahay ni Padre
Florentino upang magpagaling o mamatay na lamang.

Mas mainam na may mapagkumpisalan siya sa okasyon ng kanyang nalalapit na paghimlay at


mas mainam rin na may katulong siyang umalis ng bansa at hindi na muli tumingin sa kanyang
pinanggalingan, kung siya’y makaligtas pa. Ayaw na niyang makipaglaban pa. Hindi rin naman
ito pinahahalagahan ng mga nasa paligid niya. Kawawa ang mga Indiong iiwanan ni Simoun,
dahil hindi man lang nila nalaman kung ano talaga ang tunay na pakay niya.

Oo, malalaman din ng lahat ang kanyang binalak. Pero sino doon sa lahat na iyon ang talagang
gagamit ng kanilang talino upang makipaglaban sa mga mananakop? Huli na nga talaga ang
lahat, talo na ang mga kababayan ni Simoun, paglapag palang nina De Legazpi. Ang natitira
nalang na ipaglaban ay ang natitira sa kanilang mga dignidad.

Matapos ang kanyang pagtakbo sa kalaliman ng buwan ay narinig na niya ang mapayapang
hampas ng alon na nagmumula sa Dagat Pasipiko, naaninag niya na rin ang malaking tahanan ni
Padre Florentino na namumukod-tanging tumatayo sa hangganan ng talampas. Naisip niya na
pupwede na siyang humimlay kasama ang mga isda at korales kung siya’y tumalon mula roon.
“Ngunit, maitatama ba nito ang lahat ng pagkabigo ko?” Tanong niya sa sarili. Pinagmasdan niya
ang tanawin habang nililipad ng simoy ng hangin ang kanyang magulong buhok. Tinanggal na
rin niya ang kanyang antiparang asul. Makikita sa kanyang mata ang mga luhang naipon. Ngunit
wala ni isa mang may planong bumagsak mula sa kanilang kinalalagyan.

Huminga si Simoun nang malalim at sumabay roon ang malamlam na pagsikat ng araw. Madilim
pa ang paligid, ngunit unti-unti nang sumisilip ang dilaw ng araw upang tila mangasar sa kanya.
Tumingin siya sa mahinang liwanag ng abot-tanaw at saka nagsabing “Araw, ako ba’y iyong
kinukutya? Bakit ginugusto mong umusbong pa, kahit alam mo na naghari na ang kadiliman?”

“Hindi niya ito ginugusto, kinakailangan niya lamang.” Sabi ng isang boses. Lumingon si
Simoun nang dahan dahan at nakita niya ang malulungkot na mata ni Padre Florentino na
pinagmamasadan ang kanyang katauhan. Hindi na nakakibo si Simoun at tumangis na lamang.

“Umayos ka.” Biglang sabi ni Padre Florentino. “Kailangan mo mamahinga.” Sabay niyang
kinuha ang maleta ni Simoun at inalalayan ang tila kawawang paslit patungo sa kanyang
tinitirhan. Habang tinatahak nila ang daan papunta sa tahanan ay tinanong ni Padre Florentino si
Simoun patungkol sa kanyang kalagayan. Sinagot lamang ito ni Simoun ng isang mahinang ingit,
at wala nang nangahas na magsalita pa.

“Nandirito na tayo, anak.” Malumanay na sabi ni Padre Florentino. “Tiburcio! Mayroon tayong
bisita, pumunta ka rito’t magpakilala.” Pagkatapos sabihin iyon ng prayle ay mayroong
matandang sumilip mula sa itaas na hagdanan. Nanlaki ang kanyang mga mata at makikita ang
pawis na tumgaktak mula sa kanyang kalbong ulo hanggang sa noo. Siya si Don Tiburcio de
Espadaña, na kung aalalahanin ay nagtatago mula sa kanyang mapagmalupit na esposa at
natatakot sa sinumang taong hindi ang kanyang matalik na kaibigan na si Padre Florentino.
“Tino, ano ito?” Sigaw niya, “Hindi ka ba nababahala na magpatuloy ng isang estranghero dito
sa iyong pamamahay? Baka isa siyang sugo ni Victorina at ako’y planong dakpin.” Natawa na
lamang si Padre Florentino at inalalayan si Simoun sa kanyang kwarto.

“Ipaghahanda kita ng pagkain. Samantala, ika’y maglinis muna ng iyong sarili at magpahinga.”
Inatasan ni Padre Florentino na manmanan muna ni Don Tiburcio si Simoun. Ayaw niyang
mangyari ang nangyari noon kay Juli. “Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.” Bulong ng
pari palayo ng silid. Nang dumating na si Padre Florentino ay wala na sa silid si Don Tiburcio at
nakahiga na sa kama ang pagod na si Simoun.

Dinig sa buong silid ang hampasan ng alon, at parang nangunguha ng kasama ang tela ng
kurtinang inililipad ng hangin. Nanghuhumaling na sumama sila sa dagat. Agad na isinara ni
Padre Florentino ang bintana. Nakita nito sa isang upuan na nakapatong ang maleta. Nakabukas
na ito, at puno ng alahas at isang larawan ang nilalaman.

Naaninag ng prayle ang babaeng nasa litrato. Maganda, mapupungay ang mata at masaya ang
ngiti. Nakilala niya na si Maria Clara sa kumbento noon. Siya’y kasalungat ng dalagang nakita
niya sa litrato, ngunit nandoon parin sa kanya ang mapupungay niyang mata; na para bang
humihingi ng tulong kanino man.

Isinarado niya ang maleta at lumubas uli sa silid upang kuhanin ang pagkain. Noong siya’y
pumasok ay naamoy ni Simoun ang handa at bahagyang napangisi.

“Tinola.” Mahinang sabi ni Simoun.

“Kailangan mo ito upang ika’y lumakas agad.” Matigas na sabi ng Prayle.

“Hindi na po kailangan, padre. Plano kong humimlay dito, habang wala pang nagiisip na
humabol sa akin. Magiting na ang paraang ito kaysa makipaglaban at hindi paniwalaan ng
sangkatauhan.”

Nagulat dito si Padre Florentino. Ang napakasakim sa si Simoun ay susuko lamang dahil sa
ngayon ay walang nangahas na maniwala sa kanya? “Dios mio, Simoun. Paano naman ang
susunod pa na mga henerasyon? Hindi mo ba sila pagtutuunan ng pansin o paglalaanan ng kahit
katiting lamang ng iyong palaisipan?”
Napaupo sa kanyang kama nang bahagya si Simoun, pagkarinig niya sa binitiwang mga salita ng
prayle.

“Ako’y nabibigla sa inyong mga sinasabi, Padre Tino. Ngunit, huli na ang lahat.”

“Paanong huli na?”

“Siguro mababalitaan niyo ito dalawang araw pa ang nakalipas kung hindi pa ako nagpunta rito.”
Patawang sinabi ni Simoun. “Binalak kong ipasabog ang bahay ni Kapitan Tiago. Alam ko na
alam ninyo na may importanteng kasal na nagaganap roon.” Nakita ni Simoun ang pangamba sa
mukha ni Padre Florentino, at muling nagpatuloy. “ Kaya ko iyon ibinalak ay para sumiklab na
ang rebolusyon, at mawala na ang mga salot na linta na pilit na sinisipsip ang dugo ng ating
bayan.”

“Ngunit Simoun, kailangan mong maunawaan na hindi roon nagtatapos ang problema ng
Filipinas. Marami pa ang darating na kasunod nila, at mas magiging malaki ang mga linta na
sisipsip sa kung ano mang itinira ng mga nauna pa.” Pangangatwiran ni Padre Florentino.

Nagpakawala ng mapait na ngiti si Simoun at umigit. “Wala na po kayong dapat ikabahala.


Sinira na ng pamangkin niyong si Isagani ang lahat.” Nasindak si Padre Florentino at sinabi
“Anong kahangalan ito? Kung hindi iyon napigilan ni Isagani sa tamang oras ay marahil na siya
rin kasama ng iba pang mga inonsente ang nasama sa pagsabog! Mainam at napigilan niya ito.”

Umiling si Simoun. “Ah, prayle, doon lang kayo natakot. Ang mawala ang iyong kapamilya
kaysa mawala ang inyong bayan.” Hindi mabasa ang mukha ng prayle. “Bayan o Sarili? Tayong
mga Indio’y hindi magkakamalay sa isang bagay kung walang pamilyang madadamay. Kaya
halos tatlong-daang taon na tayong nagpapakaalila sa sarili nating bansa.” Pilit na iniba ni Padre
Florentino ang takbo ng usapan. Kahit alam niya na wala na siyang kawala kay Simoun, mas
mabuti nang malaman kung sino talaga ang hinaharap niya. “Anong ibig sabihin ninyo sa
‘tayong mga Indio?’ ”

Nanghina ulit si Simoun. Hindi na niya naiisip ang kanyang binibitiwang salita. “ Balak ko pong
mangumpisal. Ano pa ang saysay na mabuhay kung wala din namang makakakilala sa iyong
totoong pagkatao? Iyon ay isang pagtatraydor sa sarili.” Pinagmasdan ni Simoun si Padre
Florentino, at sinabing “Padre, alam kong may namumuo na na palaisipan sa kalooblooban niyo
kung sino ako. Alam ko rin po na pinagmasdan ninyo kanina sa aking maleta ang nagiisang
bagay na may halaga sa akin.”

“Juan Crisostomo Ibarra.” Sagot ng pari.

“Tawagin niyo na lang po akong Simoun.”

“Simoun.” Pagpapatuloy ni Padre Florante, “Anong ang nais mong ipagkumpisal?”

Umabot nang magdamagan ang naganap na pangungumpisal. Hindi na napansin ang Tinolang
nilamig na sa kakahintay ng bibig na kakain rito. Hindi na nakapagpahinga ang dalawa. Parehas
silang nabago ng mga rebelasyon na ibinunyag ni Simoun. Simula sa kanyang inosenteng unang
pagbalik sa Filipinas hanggang sakanyang huling mapaghiganting pagbalik sa kanyang bayan.

Mas lumungkot ang mga mata ni Padre Florentino ngunit sumiklab rito ang sakit at poot na hindi
niya naramdaman noon dahil sa pagkapribilehiyo ng kanyang pamumuhay. Alam ni Padre
Florentino ang mga pinagagawa ng iba sa orden, kahit na sila’y nagpanata na hindi magbubuhat
ng kamay at hindi maliligaw sa landas ng luho at dumi. Ngunit sila’y nagtatago sa kanilang mga
rebulto’t mayayamang kaibigan upang mapanatili ang kadiliman. Namulat na si Padre
Florentino.

“Anak, alam kong may kunsensiya ka pa na natitira sa loob ng puso’t isip mo. Pinapatawad na
kita sa kasalanang ginawa mo dahil batid ko na ginawa mo lang iyon para sa ikabubuti ng mga
kababayan mo. Ngunit ika’y sumusuko na kahit marami pang kailangang gawin. Hindi ako pabor
sa dahas ngunit pabor ako sa kalayaan ng aking minamahal na bayan. Pinapatawad na kita sa
plano mo, ngunit alalahin mo na ang Diyos lang mismo ang makakapagpatawad nang lubos sa
iyo.” Katahimikan ang nanaig sa buong silid hanggang nagsalit ulit si Padre Florentino, “Anak,
may iisa lamang akong hihilingin sa iyo.”

“Ano po iyon?” tanong ni Simoun.

“Mag-ahit ka.” Tumango si Simoun na para bang alam ang ibig sabihin ng prayle at dali-daling
naglinis ng sarili.
Lumipas na ang araw at nag-umaga na uli. Nakaimpake na ang maleta ni Simoun at may
nakakakalat na dalawang botelya ng gamot at isang lubid sa silid. Mapapansin ang namukadkad
na sigla nito. Tapos na siyang matulungan ni Padre Florentino sa pagaayos.

“Salamat po, Padre...” Kinamayan nila nag isa’t isa ngunit naudlot ang pagsasalita ni Simoun
noong may narinig silang mga mabibigat na katok. Nagkatinginan silang dalawa sa silid na tila
ba may pagkakaunawaan kung anong dapat mangyari.

“Diyos ko, patawarin niyo po ako sa aking gagawin.” Ani Padre Florentino.

“Padre Florentino! Lumabas po kayo. Gurdia Civil ito!” Ani ng boses na nasa kabila ng pinto.

Sa mga nangyayari ay naiiyak na lamang si Don Tiburcio sa takot. Huli na ang kanyang
masasayang oras sa tahanan ng kanyang kaibigan. May guardia civil na nakatunton sa kanyang
kinahihinatnan at wala na siyang kawala.

“Padre,” ani Simoun, “pataguin niyo na po si Don Tiburcio sa taas. Alam ko kung para kanino
ang mga katok na iyan.”

Bago pa man umalis si Padre Florentino ay binilinan niya si Simoun. “Crisostomo, mayroon
akong kilala sa Maynila na makakatulong sa pagalis mo ng bansa. Hanapin mo ang pangalang
Antonio Saile at siya na mismo ang lalapit sa iyo.”

Agad na pumunta si Padre Florentino sa taas para pagaanin ang loob ng kanyang kaibigan.
Naghanda naman si Simoun sa mangyayari sa baba. Ang mga katok sa pintuan ay naging mas
malakas, dahil ang mismong kumatok ay mas lalong umiinit ang ulo.

“Padre Florentino, ito na ang huling pagkakataon ninyo! Buksan niyo ang pinto.”

Agad na binuksan ni Ibarra ang pinto at dali-daling hinablot niya ang baril ng guardia civil.

“Sino ka?” Bulalas ng guardia civil. Iyon na lang ang narinig sa kanya dahil siya’y pinalo ng
ilalim ng sarili niyang baril. Hindi niya nakilala si Simoun dahil ito’y nagiba na ng anyo buhat ng
pagaahit ng kanyang bigote’t buhok.

Pagdating ng panibagong araw ay wala nang Simoun at Tiburcio sa bahay ni Padre Florentino.
Naabutan na lang ng guardia civil na nagngangalang Perez si Padre Florentino na nakagapos at
nanghihingi ng tulong. Mayroong lamang itong kaunting gasgas at sugat na natamo mula sa
hindi nakikilalang lalaki.

Hindi na rin nahabol pa si Simoun dahil wala nang nakakita rito, pati sa Maynila ay tumahimik
na rin ang usap-usapan tungkol sa kanya. Tatlong taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin
natahimik ang mga tao tungkol sa pangkat ni Matanglawin na mas lalong lumakas dahil sa mga
donasyon sa mga hindi pa nakikilalang nilalang mula sa Europa. Marami na ring umanib sa
kanilang pangkat na galing sa grupo ng magaaral na nakulong dati. Ito ay naging dahilan ng
pagkakatalo ng mga kastila dahil hindi pa rin nila namamalayan na mayroong isang kawani na
pinaglilingkuran ang Filipinas at hindi ang Espanya.

Bumalik na si Isagani sa tahanan ni Padre Florentino at ipinagtapat sa kanyang amain ang


kanyang ginawa noong gabi ng piging nina Paulita’t Juanito. Tinanggap ng kanyang amain si
Isagani at tinanggap din ni Isagani ang kanyang amain dahil nagtapat rin ito sa nangyari
patungkol sa pagatake sa kanya at ng guardia civil.

Habang sila’y tumatanaw sa Dagat Pasipiko, napangiti ang prayle.

“Saan po kayo nasisiyahan?” tanong ni Isagani

“Naalala ko lang na may iniwan si Crisistomo na mga alahas at relikaryo saakin. Sabi niya’y,
iyon daw ay isang simbolo ng kanyang pasasalamat. Gawin ko raw kung ano ang gusto ko sa
mga alahas na iyon.”

“Nabanggit niyo nga po iyon sa akin. At dahil po sa isa o dalawang alahas roon ay nakapagtayo
na po ako ng aking sariling tanggapan. Pero ang palagi kong naririnig sa inyo ay wag gagalawin
ang relikaryong ginto, dahil nanggaling iyon sa isang ketongin.”

“Marahil nga. Pero napagtanto ko lamang ngayon na iyon din ay napakahalaga sa kanya.”
Dagdag ng matanda.

“Edi, ibig sabihin ay…”

“Padre Florentino! Mayroon pong dalawang lalaking nagahahanap sa inyo!” sigaw ng isang
alalay. Tinignan ng padre ang kanyang pamangkin at natawa ng bahagya.
“Oo, iyon nga ang ibig sabihin. Halika na’t makipagkilala ka sa aking mga matatalik na
kaibigan.”

You might also like