You are on page 1of 1

Tagisang Agua kontra Aire

AGUA KONTRA AIRE; kaninong grupo kaya ang magwawagi? Ika labing pito ng Setyembre
taong dalawang libo at labing siyam ay nagkaroon ng pagbubukas sa buwan ng Sci-Math sa
MCNHS Senior High School Department. Sa unang araw nagkaroon ng patimpalak sa mga
kategoryang Science Quiz, Math Quiz, Scrap art, at Poster-making. Nagpakitang gilas ang mga
kalahok na mga mag-aaral sa mga nasabing kategorya na kanilang kinabibilangan kaya naman
nagbunga ito ng patas at matiwasay na laban. Narito ang mga nanalo sa bawat kategorya. Sa
Science Quiz Grade 11, nasungkit ang unang pwesto ni Rose Marie Pedere mula sa grupong
Aire, sumunod naman si Shekinah Faith Lorezo mula naman sa Agua, at pangatlo sa pwesto si
Lhorlie Ann Calilung na mula rin sa Agua. Sa Science Quiz sa Grade 12 pinangunahan naman
ito ni Blaire Sarmen mula sa Agua, pangalawa si Essielve Batistil mula sa grupong Aire at
pangatlo naman si Miles Costillas na nagmula rin sa Aire. Sa kategoryang Math Quiz Grade 11
nanguna sa puwesto si Timothy James Palermo galing sa grupong Aire, sumunod si Charles Keth
Pedrera mula sa Agua, at pangatlo naman si Harold Bacala na galing sa Aire. Ang resulta para
sa mga nagwagi sa kategoryang Scrap art at Poster-making ay iaanunsiyo pa sa darating na
kulminasyon sa buwan ng Sci-Math ngayong ika dalawampu't pito ng Setyembre. Sila ang mga
mag-aaral na lalahok at magtataas ng bandera ng MCNHS sa darating na District Level nayong
Setyembre 25. Patuloy pa rin ang pagtutuos at paghahanda ng mga lalahok sa mga kategoryang
Hataw at Rampa. Anong grupo kaya ang magwawagi?? Sigaw Agua at Aire!!!

You might also like