You are on page 1of 2

Pinagmulan

Isinulat ni Khriszha Mae Maceda

Inang Bayan kung saan ako nagmula,


Pilipinas ang tawag ng yaring madla,
Mayroong iba’t ibang wika,
Kaya nama’t noong araw ay mahirap ang magsalita.

Ilokano, Tagalog, Bisaya at marami pang iba,


Pinagbuklod at pinag-isa,
At nabuo ang wikang ating nakasanayan,
Pangulong Manuel Quezon maraming salamat.

At gayundi’y paumanhin,
Ang iyong pinaghirapan ay di na napapansin,
Banyagang walang awa,
Ating kabataan ang puntiryang sakupin.

Paano na kung kabataan ay tuluyan nang kalimutan?


At ang wika ay tuluyan nang sukuan?
Ano na ang pag-asa ng ating bayan?
Gat. Jose Rizal patawad.

Tuluyan nalang ba tayong magbubulag bulagan?


Ating Wika ay paunlarin at wag kalimutan,
Sapagkat tayo ay ‘di makakarating sa ating pupuntahan,
Kung hindi natin kayang lumingon sa ating pinagmulan.
Dugo at Pawis
Ni Lhynzie Buna

Sa mga kamay ng manananakop,


Bansa’y ipinaglaban ng ating mga ninuno,
Mula sa palakasan hanggang katalinuhan,
Ating nakamit ang ating kalayaan.

Baril, Itak at Wika ang armas,


Sa isang digmaang puno ng dahas,
Mga Bayaning nag-alay ng kanilang buhay,
Ating bigyan ng pagpupugay.

Dugo ng mga mandirigma saati’y lumalatay,


Pawis ang puhunan ng Inang Bayang gagabay,
Kabataan, wikang banyaga’y ating ipagliban,
Kabataan! Wikang Filipino ang ipaglaban!

Mga bayaning inialay ang buhay parasa kinabukasan,


Aming tutuparin ang pagiging pag-asa n gating bayan,
Kabataan, ating yakapin at tangkilikin,
Wikang Filipino, mahalin at paunlarin.

You might also like