You are on page 1of 2

HINDI makapaniwala ang 33-anyos na si Jose na halos 97% ng kanyang mga ugat sa puso ay lubha ng

barado. Ito ay ayon sa isang dalubhasa sa puso na sumuri sa kaniya upang matiyak ang sanhi ng kirot sa
kaniyang dibdib. Halos kalahati niyaong namamatay sa sakit sa puso ay wala man lamang kabatiran na
mayroon sila nito.

Subalit ano nga ba ang pinagmulan ng kalagayan ni Jose? ‘Sa loob ng 33 taon ay kumain ako ng
makokolesterol na pagkain. Hindi ko pinansin ang bagay na ang mga pagkaing ito ay mapanganib sa
aking kalusugan,’ ang malungkot na sabi ni Jose.

Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging mahilig kumain lalo na sa mga makokolesterol na pagkain. Sa
kadahilanang ito ay hindi natin masyadong napapahalagahan kung ano nga ba ang nakabubuti at
nakasasama para ating katawan.

Inihayag ng isang doktor na dalawa sa bawat tatlong Pinoy ang mayroong mataas na kolesterol sa
katawan.

Paliwanag ng mga dalubhasa, mayroong dalawang uri ang kolesteros— ang High-density Lipoprotein
(HDL) na magandang uri ng kolesterol, at ang Low-density Lipoprotein (LDL), na siyang kontrabida sa ating
kalusugan.

Ang LDL umano ang kumukuha ng kolesterol at fat cell na naglalagay sa ugat na maaaring magpabara sa
daloy ng dugo at pagmulan ng mga komplikasyon sa kalusugan tulad ng sakit sa puso.

Ayon sa mga doktor, maging ang mga kabataan ay maaaring magkaroon ng mataas na
kolesterol. Kabilang umano ito sa ilang maling paniniwala na tanging ang mga matatanda lang ang
maaaring tamaan nito.

Narito ang apat sa disadvantages na makukuha natin sa madalas na pagkain ng karne.

1.Pagtaas ng lebel ng iron sa utak. Mahalaga ang iron sa atin lalo na sa mga kababaihan para manatiling
malusog subalit ang sobrang iron sa ating utak ay nagiging sanhi ng Alzheimer’s disease. Ang meat ay
source ng iron kaya kung masosobrahan tayo sa pagkonsumo nito ay masosobrahan din tayo sa iron at
ganito na nga ang mangyayari.
2.Tataas ang panganib sa kanser. Alam na natin na ang mga hayop na inihahanda para kainin ng tao ay
karaniwang pinapalaki ng higit pa sa natural nilang paglaki. Hindi lamang ito kalupitan sa hayop kundi
mapanganib din sa kakain nito. Kapag kinain na natin ang mga hayop na dumaan sa ganitong proseso ay
para na rin nating ipinasok sa ating katawan kung anuman ang ipinasok sa kanila, cancer causing
chemicals, hormones at iba pa.
3.Nakakapagbara sa daluyan ng dugo. Ang compound na matatagpuan sa red meat na tinatawag na
carnitine ang siyang nagiging sanhi ng atherosclerosis. Ang atheroscerosis ay ang paninigas ng ating
arteries na siyang nagiging dahilan ng cardiovascular disease. Ang bakteryang matatagpuan sa ating
bituka ang siyang nagcoconvert ng carnitine sa trymethylamine-N-Oxide at ang compound na ito ang
siyang nagiging dahilan para mabarahan ang daluyan ng ating dugo at manigas ang ating baga.
4.Nakakaapekto sa iyong mood. May mga pag-aaral na ang mga taong palakain ng karne ay nagkakaroon
ng hindi magandang mood swing habang ang mga tao na mas pinipili ang mga gulay at alalay lamang sa
pagkain ng karne ay ang mga tao na palaging may magandang mood.

Kung ang pagkain mo ay mataas sa kabuuang dami ng taba, saturated fat, kolesterol, at mga calorie,
kailangan mong gumawa ng mga pagbabago. Ang mabuting pagkain ay maaaring umakay sa mabuting
kalusugan at labanan ang maraming masamang epekto ng isang masamang pagkain.

Ang wastong pagkain ay isang malaking bagay para sa ating kalusugan. Sa pamamagitan ng makatuwirang
pagpili sa ating kinakain ay bubuti ang ating pakiramdam at tutulong sa atin na maiwasan o labanan ang
ilang karamdaman.

You might also like