You are on page 1of 14

Home Mga Tanong Pamilya Ang Bagong Silang na Sanggol sa Islam

PAMILYA

Ang Bagong Silang na Sanggol sa Islam

Ipamahagi sa Facebook

Ipamahagi sa Twitter

Ipamahagi sa Google+

Ipamahagi sa Reddit
Ipamahagi sa Pinterest

Ipamahagi sa Linkedin

Ipamahagi sa Tumblr

Ang mga bagong silang na sanggol ay isa sa mga pinagmumulan ng kagalakan at palamuti para sa mundo
na ipinagkaloob ni Allah sa kanilang mga magulang, sila’y nakapagbibigay sigla sa mga puso, kasiyahan sa
mga kaluluwa, kaluguran sa mga mata. Sila ay mga bunga mula kung kanino ang kabutihan ay inaasahan
kung sila ay palagiang nananalangin:

“Aming Panginoon! Igawad mo sa kanila ang iyong Habag na katulad ng kanilang pag-aaruga sa akin nang
ako ay batang paslit pa.” [Maluwalhating Qur’an 17:24]

Ang mga bata ay siyang sa bawat bansa ay sa kanila nakasalalay ang pag-asa para sa hinaharap, at sila
ang kabataan ng kinabukasan na sa kanilang mga balikat ay naka-atang ang pag-anyaya sa Islam. Ang
Islam ay tunay na itinaas ang katayuan ng mga bata at inilatag ang mga pag-uugali para sa kanilang
pakikitungo sa lahat ng mga bagay at bawat yugto ng kanilang mga buhay, at mula dito ay ang mga
kaugalian para sa pagsalubong sa kanilang pagdating sa buhay na ito.

Ang ating Propeta (sumakanya ang kapayapaan at mga pagpapala) ay ang buhay na halimbawa, tinuruan,
hinubog ang mga Muslim sa mga kagawian ng Islam, tinuruan sila kung paano sambahin ang kanilang
Panginoon sa pinakamainam na mga pamamaraan. Subalit ilan sa mga Muslim ay lumihis mula sa
kanyang dalisay na mga katuruan at pinalitan yaong ginto para sa mga walang halaga..

Kung kaya narito ang mga kaugaliang itinuro sa atin ng Propeta ‫ ﷺ‬hinggil sa ating mga bagong-silang.

Panghihikayat na magkaroon ng mga Anak

Sinabi ni Allah, “Kaya’t ngayon ay makipagtalik sa kanila at inyong hangarin ang itinalaga ni Allah sa inyo.”
[Maluwalhating Qur’an 2:187]

At ang Propeta ‫ ﷺ‬ay nagsabi, “Pakasalan ang mapag-mahal at pala-anakin sapagkat sa pamamagitan mo,
Ako ay makikipag-paligsahan sa mga nasyon para sa paramihan ng bilang.” [Abu Dawud]

At mahalagang ang mga Magulang ay palakihin ang kanilang mga anak sa pagiging matuwid, upang sa
gayon ang mga Magulang ay makinabang mula sa kanila sa panahon na sila’y nabubuhay at sa pagsapit
ng kanilang kamatayan. Ang Sugo ‫ ﷺ‬ni Allah ay nagsabi,

“Ang isang alipin ay itataas ang kanyang antas at magsasabing, ‘O aking Panginoon paano ito nangyari sa
akin? Sinabi Niya, sa pamamagitan ng iyong mga anak na lalaki pagkatapos niya humihingi ng
kapatawaran para sa iyo’” [ibn Majah]

Unawain na ang nauna ay parehong angkop sa kapwa mga kalalakihan at kababaihan, at tunay na ang
Islam ay hinikayat ang pagpapalaki ng mga batang babae, at si Allah ay kinokondena yaong mga
namighati sa pagsilang ng isang batang babae, at ang Sugo ‫ ﷺ‬ay dumating na itinataas ang katayuan ng
handog na ito mula kay Allah,
“sinuman ang mag-aruga ng dalawang batang babae hanggang sa marating nila ang tamang gulang – siya
at ako ay magkasama na darating sa Araw ng Pagbangong muli (gaya nito) at pinagdikit ang kanyang
dalawang daliri” [Muslim]

ibig sabihin sa Paraiso. Kung kaya mayroon bang hihigit pa na karangalang ibinigay sa mga anak na
babae?!!

Pagbibigay ng mabuting balita ng Pagsisilang

Ang malapit na kamag-anak na sabik na naghihintay ay dapat balitaan upang sa gayon ay matigil na sila
sa pag-aalala at batiin ang mga magulang at manalangin para sa sanggol. Binanggit ni Allah ang mabuting
balitang ito na ipinahatid sa ilan Niyang mga Propeta, mula sa kina Zakariyah ang kanyang anak na si
Yahya,

“At ang mga anghel ay tinawag siya, habang siya ay nakatayong nagdarasal sa loob ng pansariling silid (na
nagsasabi), ‘Si Allah ay nagkaloob sa’yo ng mabuting balita tungkol kay Yahya’.” [Maluwalhating Qur’an
3:39]

Ang Tahnik

Ang ibig sabihin nito ay palambutin ang datiles at pagkatapos ay ipahid ito sa gilagid ng bagong-silang
matapos ang pagsilang o ilang sandali pagkatapos. Ito ay isinasagawa sa paglalagay ng kapirasong
pinalambot na datiles sa daliri at ipapahid ito mula sa kaliwa pakanan sa bibig ng sanggol.

Sinabi ni Ibn Hajr, “at kung hindi makahanap ng tuyong datiles, magkagayon ay gamitin ang sariwang
datiles at kung ito wala rin ay kahit anumang matamis.” [Fath 9/588]

Hindi lang naman kailangang nguyain ang datiles bagkus ay maaaring palambutin ito sa anumang paraan.
Ang gawang pagnguya tulad ng naiulat sa Sunnah ay bagay na natatangi lamang sa Sugo ‫ ﷺ‬dahil sa mga
biyayang inilagay ni Allah sa kanyang laway.
Isinasagawa ito ng ama o ng ina o sinuman mula sa mga Taong Maalam na ang panalangin ay inaasahang
tinatanggap. Kaya dapat niyang isagawa ang Tahnik at manalangin para sa bata katulad ng nakagawian ng
mga Kasamahan ng Propeta.

Si Imam Nawawi ay nagsabi, “Ang mga Pantas ay nagkasundo sa mungkahi ng pagsasagawa ng tahnik
para sa sanggol pagkatapos ng pagsilang nito.” [Sharh Sahih Muslim 4/122]

Si Aisha ay nag-ulat, “ang mga bagong-silang na bata ay dinadala sa Sugo ni Allah at siya ay nananalangin
para sa mga biyaya para sa kanila at ipinapahid ang nginuyang datiles sa kanilang mga gilagid. [Muslim

Pagpapangalan sa sanggol

Ang sanggol ay maaaring pangalanan sa araw ng kanyang pagsilang o makalipas ang pitong araw o
pagkalipas ng ikapitong araw at ito ay naging malinaw pagkatapos mapag-aralan ang lahat ng katibayan
mula sa sunnah.

Ang ama o ang ina ang siyang pipili ng pangalan para sa sanggol. Kung may pagkakaiba sa pagitan nila
magkagayun ang ama ang siyang pipili, maaari niya itong pangalanan mismo o ibigay sa kanyang asawa
ang karapatang pumili. Ang katotohanang ito ay karapatan ng ama na ipinapakita ng alituntunin na ang
bata ay inuugnay at itinatangi sa kanyang ama, na sinabi ni Allah,

“Tawagin sila (mga ampong lalaki) sa (pangalan ng) kanilang mga ama, ito ay higit na makatarungan sa
paningin ni Allah” [Maluwalhating Qur’an 33:5]

Pinapayagan din ang mga magulang na payagan ang iba na magpangalan ang bata, gayong ang ating
Propeta ‫ ﷺ‬ay pinangalanan ang ilang mga anak ng kanyang mga Kasamahan.

Ang pangalan ay nararapat magdala ng mabuti at kapuri-puring kahulugan sapagkat ang Sugo ‫ ﷺ‬ay
nagsabi,
“Sa Araw ng Pagbangong muli, tatawagin kayo sa inyong mga pangalan at mga pangalan ng inyong mga
ama, kaya’t gawing mabuti ang inyong mga pangalan.” [Abu Dawud]

Iminumungkahi na tawagin ang sarili na lingkod ni Allah (Abdullah) o ang lingkod ng anuman sa mga
pangalan ni Allah. At iminumungkahi na pangalanan ang bata alinsunod sa isang Propeta,dahil ayun sa
Hadith,

“Tawagin ninyo ang inyong mga sarili sa mga pangalan ng mga Propeta” [Abu Dawud]

at ang Hadith

“Isang anak na lalaki ang isinilang sa akin ngayong gabi at tinawag ko siya alinsunod sa pangalan ng aking
ninunong si Abraham” [Muslim]

At iminumungkahing pangalanan ang bata alinsunod sa sinumang matuwid na tao sa pag-asang magiging
katulad siya nito. At iminumungkahi na pangalanan ng anumang pangalan na may mabuting kahulugan.

Ipinagbabawal na pangalanan ang isang bata ng isang pangalang nagpapakilala ng pagiging lingkod sa iba
bukod kay Allah, halimbawa Abd an-Nabi, Abd ar-Rasul atbp, tulad din ng pagbabawal na pangalanan sila
ng mga pangalang natatangi sa mga di-mananampalataya tulad ng George, Michael, Susan atbp.

Ang mga pangalan ng mga mapang-aping pinuno at mga masasamang tao ay dapat iwasan gaya ng
Fir’awn, Qarun, Abu Lahab atbp.. Ganundin naman ay di kanais-nais pangalanan ng mga Kabanata sa
Qur’an gaya ng ‘Ta Ha’ o ‘Ya Sin’ na naiulat mula kay Imam Malik at mga iba pa. Walang mapapanaligang
Hadith na nauugnay sa dalawa sa itaas bilang mga pangalan ng Propeta ‫ﷺ‬.

Ang Aqiqah
Pagkatapos ng ikapitong araw ng pagdating ng bagong-silang, bilang isang paraan ng pagsalubong dito at
magpasalamat sa Nag-iisa na Siyang nagbigay ng mga biyaya, ito ay ipinag-utos na magkatay ng tupa. Ang
Sugo ‫ ﷺ‬ay nagsabi,

“Ang bawat bata ay nasa panata para sa kanyang Aqiqah na kinatay dito sa ikapitong araw, at dito ay
papangalanan siya, at ang kanyang ulo ay aahitan” [Abu Dawud]

Kung ang bagong-silang ay isang lalaki magkagayon ay dalawang tupa ang kakataying handog, at kung ito
ay isang babae magkagayon ay isang tupa. Ito ang pinaninindigan ng karamihan sa mga pantas at mga
Kasamahan. Ang Propeta ‫ ﷺ‬ay nagsabi,

“Para sa batang lalaki dalawang tupa, at para sa batang babae isang tupa.” [ibn Majah]

Ipinahihintulot na handog na kakatayin ang lalaki o babaeng tupa o kambing, at ito ang pinakamainam.
At para naman sa pagkakatay ng handog na ibang mga hayop ay ang mga pantas ay nagkakaiba tungkol
dito.

Ang pagkakatay ng handog ay nararapat isagawa ng ama o malapit na kamag-anak, ang ating Propeta ‫ﷺ‬
ay nagsagawa ng Aqiqah para sa kanyang dalawang apong lalaki. Kinakailangang ding bigkasin ang
pangalan ni Allah dito habang kinakatay ang handog, at kung ang malapit na kamag-anak ang
magsasagawa ng Aqiqah magkagayon ay dapat niyang idagdag, ‘Ang Aqiqah na ito ay Aqiqah ni ganito at
ni ganoon’ habang binibigkas ang pangalan ng tao kung para kanino ang isinasagawa niyang Aqiqah na
iniulat sa Hadith na isinalaysay ni Al-Bayhaqi.

Ang karne ng katay na handog ay maaaring ipamahagi ng luto na o hilaw pa, subalit ito ay mas mainam
na ipamahagi ng luto na dahil ito ay nagbibigay ng higit na biyaya gaya ng sinabi ng lupon ng mga pantas.

Ang Pag-aahit sa ulo ng sanggol

Sa ikapitong araw matapos ang pagsilang ang ulo ng sanggol ay dapat ahitan. Kaya noong si Al-Hasan ay
isinilang ang Propeta ‫ ﷺ‬ay nagsabi sa kanyang anak na babaeng si Fatima,
“Ahitan ang kanyang ulo at ibigay timbang ng kanyang buhok sa pilak sa mga mahihirap” [Ahmad]

Ang kanang bahagi ng ulo ang dapat unahing ahitan, pagkatapos ang kaliwa tulad ng sinabi sa Hadith,

“Ahitan, at itinuro ang kanang bahagi ng kanyang ulo, at pagkatapos ang kaliwa” [Muslim]

Hindi ipinapahintulot na ahitan ang isang bahagi ng ulo at iwan ang isang bahagi, dahil ito ay ipinagbawal
ng Sugo ‫ ﷺ‬na iniulat ni al-Bukhari. Ang pinakamalakas na pananaw ay nagsasabi na ang ulo ng batang
lalaki o batang babae ay dapat ahitan, tulad ng naiulat na si Fatimah ay tinimbang ang buhok ng kanyang
anak na babae (Muwatta) subalit ang mga pantas ay nagkakaiba ng opinyon tungkol dito, at si Allah ang
mas higit na nakakaalam.

Ang pag-ahit ay dapat isagawa pagkatapos ang pagkatay ng handog, at ang ating mga matutuwid na mga
ninuno ay nais nila na pahiran ng pabango ang ulo ng sanggol pagkatapos itong ahitan.

Pagkatapos ay ipinapayo na ibigay ang katumbas na halaga ng timbang ng buhok ng sanggol sa pilak para
sa kawanggawa, at ipinapayo na ibigay ang kawanggawang ito sa ikapitong araw din, subalit hindi naman
ito obligado na gawin, bagkus maaari itong ipagpaliban.

Pagtutuli

Ipinag-utos na ang batang lalaki dapat na tuliin, ito ay iminumungkahi na ang pagtutuli isagawa sa
ikapitong araw, subalit kailangan na tuliin bago pa magbinata ang batang lalaki.

Mga Tagbagong silangbataInaKaugalianNanayPanganganakPaslitSanggol

Ipamahagi sa Facebook
Ipamahagi sa Twitter

Ipamahagi sa Google+

Ipamahagi sa Reddit

Ipamahagi sa Pinterest

Ipamahagi sa Linkedin

Ipamahagi sa Tumblr
Gusto mo ba ng marami pang bagay katulad nito?

Kunin ang pinakamainam na usong kwento deretso sa iyong 'inbox'!

HUWAG MAG-ALALA KAMI AY HINDI SPAM

Nakaraang artikuloAno ang Kahulugan ng Islam sa Tagalog?

Susunod na artikuloAgham: Ambag mula sa Islam

MGA KAUGNAY NA ARTIKULO

Mga Pangunahing Haligi ng Islam

Moralidad at Mga Kaugalian sa Islam

Ang ISIS ay Hindi Kumakatawan sa mga Kaugaliang Islamiko


Maglagay Pa Ng Mga Kaugnayang Artikulo

TSEKAN DIN

Ang Pag-aasawa ni Propeta Muhammad ‫ ﷺ‬kay Aisha – Isang Walang Hanggang Kwento ng Pag-ibig

Bakit si Propeta Muhammad ‫ﷺ‬, pinakasalan si Aisha noong napakabata pa niya? Mahalagang mau…

Kunin ang pinakamainam na usong kwento deretso sa iyong 'inbox'!

HUWAG MAG-ALALA KAMI AY HINDI SPAM

PINAKASIKAT

Bakit ang babaeng Muslim ay nagtatakip ng kanyang ulo?

Ano ang Islam, mga Haligi at Paniniwala?

Bakit ipinagbawal ang baboy, Ano ang dahilan?


Ang Talambuhay ni Propeta Muhammad ‫ﷺ‬

LIPUNAN

NAGPAPALIT-PALIT

Ano ang Halal? Isang gabay para sa mga hindi Muslim

Ang layunin ng kaalamang ito ay upang tulungan ang mga di-Muslim na magkaroon ng …

Ang relihiyong Islam ay pangkat ng mga ordinaryong tao na may masidhing pag-ibig sa katotohanan,
dalisay na Islam at ang mensaheng hatid nito - kapayapaan, pagsuko, pagpapasakop sa Makapangyaring
Diyos - Allah.

BAGONG ARTIKULO

Ang Pag-aasawa ni Propeta Muhammad ‫ ﷺ‬kay Aisha – Isang Walang Hanggang Kwento ng Pag-ibig

Ano ang Batas Shari’ah at Gaano Ka Dapat Magpahalaga Dito?

Ang Iyong Madaling Gabay Para Matutunan Ang Islam Para Sa Mga Baguhan

Paano Malalaman na si Muhammad ‫ ﷺ‬ay Propeta ng Diyos?

PINAKASIKAT

Bakit ang babaeng Muslim ay nagtatakip ng kanyang ulo?

Ano ang Islam, mga Haligi at Paniniwala?

Bakit ipinagbawal ang baboy, Ano ang dahilan?

Ang Talambuhay ni Propeta Muhammad ‫ﷺ‬

Ano ang Kahulugan ng Islam sa Tagalog?


2019 © Relihiyong Islam - Lahat ng Karapatan ay Nakareserba | Patakaran sa Pagkapribado

You might also like