You are on page 1of 2

TABLEAU

INTRODUKSYON
J: Isang mapagpalang umaga sa ating lahat! Wow! Talagang kahanga-hanga ang
ating nasaksihang tableau! Simula pa lang ng ating programa, bongga na!
N: "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at
malansang isda: kaya ang ating wika'y pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay
nagpala"—ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si
Gat Jose Rizal na nagbigay kahalagahan ng wika sa buhay ng isang tao.
J: Tama! Ang wika ng isang bansa ay siyang masasabing kaluluwa na nagbibigay
buhay dito. Ito ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga komunidad na
naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at
nagkakaisa ang bawat tao.
N: Higit sa lahat, nagsisilbi ito bilang ating pagkakakilanlan.
J: Kaya nga ngayong umaga, ating saksihan ang isang palatuntunan ng ating
paaralan bilang pagbibigay kahalagahan sa Wikang Filipino na may temang:
Both: Filipino: Wika ng Saliksik!
J: Ngayon pa lang ay binabati na natin ang bawat isang naririto magmula sa mga
magulang, sa mga mag-aaral, sa administrasyon ng ating paaralan, sa mga kapwa
ko guro, at maging sa ating mga bisita. Maligayang panonood sa lahat!
N: Tumayo po tayong lahat at ating awitin ang pambansang awit ng Pilipinas sa
pagkumpas ni Binibining Joaquine Cruz, presidenta ng Student Council ng ating
paaralan.
PAMBANSANG AWIT
J: Manatili tayong nakatayo para sa isang doksolohiya sa pangunguna ni Binibing
Emy Galapon.
DOKSOLOHIYA
N: Para sa isang pambungad na pananalita, malugod kong tinatawagan ang ating
punong-guro na walang iba kundi si Ginang Merlita Patrimonio.
J: Pasalubungan ng isang masigabong palakpakan!
PAMBUNGAD NA PANANALITA
Both: (Adlib ukol sa sinabi ni Ms. Pat)
J: Sa pagpapatuloy ng ating programa, ito na ang panahon para ipamalas ng ating
mga talentadong mag-aaral ang kani-kanilang mga talento.
N: Kaya wala nang patumpik-tumpik pa. Atin nang inaanyayahan ang mga mag-
aaral mula sa unang baiting sa pangunguna ng kanilang tagapayo na si Binibining
Catherine Nietes! (Picture taking with kids after mag-ayos)
J: Palakpakan!
N: Wow! Napakahusay naman nila! (Adlib)
J: Ngayon naman ay ating inaanyayahan ang mga nasa ika-dalawang baiting para
sa kanilang presentasyon, sa pangunguna na kanilang tagapayo na si Ginoong
Christian Gerol Aquino. (Picture taking with kids after mag-ayos)
N: Palakpakan natin sila!
PRESENTASYON NG GRADE 2
J: Mahusay din ang ating mga mag-aaral na nasa ikalawang baitang.
N: Ngayon naman ay matutunghayan natin ang napaka-cute na presentasyon ng
ating mga mag-aaral mula sa Nursery, Kinder at Prep, sa pangunguna ng kanilang
tagapayo na si Ginang Belinda Rana.
J: Pasalubungan natin sila ng isang masigabong palakpakan.
PRESENTASYON NG NURSERY, KINDER, AT PREP
J: Mahusay din ang ating mga mag-aaral na nasa ikalawang baitang.
N: Ngayon naman ay matutunghayan natin ang napaka-cute na presentasyon ng
ating mga mag-aaral mula sa Nursery, Kinder at Prep, sa pangunguna ng kanilang
tagapayo na si Ginang Belinda Rana.
J: Pasalubungan natin sila ng isang masigabong palakpakan.

You might also like