You are on page 1of 3

Memoramdum

1. Panatilihing malinis at ugaliing magcheck ng iyong ginagamit na truck


bago umalis.

2. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit nang hindi iyong truck lalo na


kung hindi ito ipinapaalam.

3. Para sa pagrespeto sa Rules and Regulation ng DIC, maghipit na


ipinapatupad ng kunauukulan ng TRILENIUM ENTERPRISES ang mga
sumusunod:

a. Ugaliing nakasuot ng kumpletong Personal Protective Equipment


(PPE) bago pumasok sa DIC at panatilihing nakasuot kapag nasa
loob ng truck, kapag nasa customer at DIC.

b. Siguraduhing kumpleto lagi ang laman ng Safety Kit.

c. Pumarada sa tamang paradahan.

d. Maglakad sa tamang lakaran.

e. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdirektang transaction sa DIC.


Lagging ipapadaan sa Coordinator ng Trilenium

f. Mahigpit na ipinababawal ang pagbibigay ng impormasyon sa


DIC at sa customer ng DIC patungkol usapin na para lamang sa
Trilenium

4. Kapag may sira ang truck, maghipit na ipinapatupad ng kunauukulan ng


TRILENIUM ENTERPRISES ang mga sumusunod:

a. Agad na itawag upang masolusyonan at maayos.

b. Hindi maaring gamitin o ibiyahe ang truck.

c. Walang biyahe ang driver hanggat hindi ito naaayos. Liban


lamang kong hinihingi nagpagkakataon at depende sa sitwasyon
kung sakaling kulang ang mga driver o helper.

Page 1 of 3
d. Kung sakaling nasiraan ng truck sa daan, iagad na itawag upang
malaman ang agarang solusyon.

e. Walang magpapaayos ng truck sa labas at walang bibili ng parts


nang hindi ipinapaalam.

5. Para sa tamang pagpaparada at pag-uwi ng truck, maghipit na


ipinapatupad ng kunauukulan ng TRILENIUM ENTERPRISES ang mga
sumusunod:

a. Ang paradahan nang mga trucks ay sa St. Francis Warehouse at St.


Joseph Warehouse.

b. Kapag walang laman ang truck, Bawal magparada sa DIC Planta


o kahit na saang lugar.

c. Maghigpit na ipinagbabawal ang pag-uuwi ng truck sa St Francis o


St. Joseph nang may laman na produkto ng DIC.

d. Kapag may Backload o Pickup trip, ibaba ito sa DIC Planta bago
iparada ang truck sa St. Joseph o St. Francis

e. Kapag wala na magtatanggap ng Pick-up at Backload sa DIC


Planta, tanging ang may laman lang na truck ang pwede
pumarada sa DIC Planta ngunit kinakailangan muna ipagpaalam
sa kinauukulan ng TRILENIUM.

f. Mahigpit naming ipinagbabawal ang mag Backload ng item nang


hindi ipinagpapaalam sa kinauukulan nang TRILENIUM.

6. Para sa pag tamang pagpapakarga ng Diesel sa ERICOIL at PETRON


DONA SOLEDAD, maghipit na ipinapatupad ng kunauukulan ng
TRILENIUM ENTERPRISES ang mga sumusunod:

a. Kailangan ng Purchase Order (P.O) bago magpa diesel sa PETRON.

Page 2 of 3
b. Tanging ang magpaparada sa DIC at aabutan ng Coding o truck
Ban at ang may pahintulot ng kinauukulan ang puwede mag pa
diesel sa ERICOIL

c. Lahat nang mangagaling sa St Francis at St Joseph ay sa PETRON


magpapa diesel. Ugaliin na itawag o humingi ng P.O sa gabi pa
lamang upang may magamit kinabukasan.

7. Para sa mga mahuhuli sa Traffic Enforcer, maghipit na ipinapatupad ng


kunauukulan ng TRILENIUM ENTERPRISES ang mga sumusunod:

a. Kinakailangan itawag muna sa pamunuan para mas magandang


solusyon.

b. Mahigpit na ipinababawal ng pamunuan ang pagbibigay na kahit


na anong lagay at pagkonsente sa maling gawain ng mga Traffic
Enforcer.

c. Hindi sagutin ng pamunuan ang kahit na anong violation o penalty


kung ito pagkakasala at kapabayaan ng driver halibawa ay ang
paglabag sa traffic rules and policy, ang pagbiyahe nang may sira
ang truck, pagbiyahe nang walang driver’s license, ang
pagkonsente sa maling gawain ng traffic enforcer at iba pa.

d. Sagutin lamang ng pamunuan ang violation o penalty kapag ang


lahat nang nakasaad sa itaas ay may pahintulot ng pamunuan
maliban lamang sa pagkonsente sa maling gawain ng traffic
enforcer.

Page 3 of 3

You might also like