You are on page 1of 2

2019-08-27

REPUBLIKA NG PILIPINAS
LALAWIGAN NG LAGUNA
BAYAN NG KALAYAAN

MEETING/DIALOGUE OF LGU OFFICIALS: MAYOR OR REPRESENTATIVE,


SANGGUNIANG BAYAN, LOCAL FINANCE COMMITTEE AND HRMO WITH CBK PCL
REPRESENTATIVE MS. JOY PINCA, COMMUNITY RELATIONS MANAGER AND HR/GSO
MANAGER ON MATTERS RELATING TO POWER GENERATION, TAXES,
CONTRACTORS/SUB CONTRACTORS AND EMPLOYMENT

 Ang pagpupulong ay bunga noong nag courtesy call ang CEO at COO ng CBK sa
Tanggapan ng Punong Bayan at may hininging mga dokumento ang Pangalawang
Punong Bayan na nais niyang matunghayan.
 11 na contractors lamang ang nagbabayad sa Pamahalaang Bayan ayon sa listahan
ng Ingat Yaman ng Bayan.
 Nagkakahalaga ng Php 157,576.25 ang kabuuang bayad ng 11 na contractors at
maaari itong umabot ng Php 7-8M kung ang lahat ng mahigit 200 contractors ay
magbabayad.
 Nagbigay ang CBK ng list of regular contractors kasama ang kanilang contact
information para sa pagfollow up ng Munisipyo.
 14 ang regular contractors ng CBK. Ibig sabihin, sila ang may long term project at
regular deployment sa planta, may holding office at may maximum na 30 deployment
hanggang 62 kasama ang janitor.
 Simula 2017 ay sinusulatan ng CBK tuwing Enero ang mga regular contractors na
may lagda ng kanilang CAO para sa pagpapaalala sa kanila na makipag ugnayan
sa mga host municipality at magbayad.
 Ayon sa CBK, wala sa kanilang nasasakupan ang pag oobliga sa mga contractors
na magbayad sa host municipality.
 Nung tinignan ng CBK ang situs sa Local Government code, hindi nila masabi kung
saan magbabayad ang mga contractors dahil may kanya kanya silang office sa
ibang lugar.
 Bukas sila sa mas malalim na talakayan patungkol sa situs para mas mapaigting
ang pakikipag ugnayan nila sa contractor na magbayad at makipag ugnayan sa
bayan ng Kalayaan upang sila rin ay makatulong sa pagtaas ng kita ng bayan at
pagkolekta ng tax.
 Nais ng Pangalawang Punongbayan na matunghayan din ang mga nakaraang tax
collection case na hindi pa nakokolekta.
 Humingi ng kopya ang CBK ng ordenansa kaugnay sa tax collection upang kanilang
malaman ang batas sa contractors at subcontractors ng sa gayon ay mailagay nila
ito sa kontrata kasama ang halaga ng tax.
 Maaaring magsampa ng tax collection case para habulin ang mga contractors dahil
time immemorial na sila doon. Kung kinokonsidera ng CBK ang mga contractors na
on site regular contractors, mayroong nakalagay sa Local Revenue Code na “Any
person or individual or any juridical person with regard to business tax must pay the
LGU a certain amount”.
 Humingi ang CBK ng Local Government Code copy para malinaw kung sino sinong
contractors ang qualified sa nakalagay na kwalipikasyon.
 Magbibigay ng kopya ng mga nakaraang kontrata na may petsa ang CBK sa LGU
para kanilang maging reference sa pangongolekta sa mga hindi nagbayad noon.
 Ayon sa MPDC ay minomonitor dapat ng CBK bago magsimula ang taon o ang
panibagong kontrata kung nakapagbayad ba ang kanilang mga contractors ngunit
ang sabi ng CBK ay wala silang control sa pagbabayad ng mga contractors pero
titignan nila ang proseso ng procurement kung paano ineexecute ang kontrata
upang magawan ito ng paraan.
 Kapag nagbigay ng notice ang munisipyo ay mapipilitan silang magsara at hindi na
sila maaaring magtrabaho o mag opisina sa loob ng bayan ng Kalayaan. Magiging
blacklisted sila.
 Ang 700 MW na guaranteed capacity ng CBK ay hindi nila nagegenerate araw araw
pero ito ang maximum na pwede nilang ibigay sa grid depende sa request ng NPC.
 Ang kontrata ng CBK to NPC ay “take or pay”, ibig sabihin kung malaki o maliit ang
kanilang ibibigay na kuryente ay pareho pa din ang magiging bayad.

1
2019-08-27

 Lumiliit ang kita ng CBK simula nung mag umpisa ang kanilang operation noong
2001 samantalang mas nangangailangan ng kuryente ang mga tao habang
tumatagal ang panahon.
 Nakaproject na ang kita ng CBK hanggang sa matapos ang kanilang operation sa
2026 at lumiliit ang kita nila dahil tumataas ang operation cost kaalinsabay ng labor
cost habang fixed ang kanilang revenue.
 Wala na ang capital recovery fee na nakukuha ang CBK. Ang nakukuha na lamang
nila ay operations and maintenance fee na multiplyer ng kinikita nila sa computation
ng NPC.
 Ang reference ng pagbabayad sa business tax ng 2019 ay ang certificate ng
unaudited revenue ng 2018 na may kabuuang halaga na Php 12M.
 Bukas ang CBK para sa recomputation pero kailangan nila ng justification sa
proseso ng computation.
 Napag usapan kung bakit ang declared payment lang ng CBK ay Php 1.5B
samantalang pagpinagsama ang kita ng Kalayaan 1 at 2 ay magakaroon ito ng Php
2.7B.
 Ayon sa CBK, pinaghahatian ng tatlong bayan ang kita ng planta kahit may kanya
kanyang planta ang Caliraya at Botocan dahil ang main facility ng pump and storage
powerplant ay nasa Kalayaan ngunit ang mga reservoir ay nasa Lumban at Cavinti.
 Magbibigay ng kopya ang CBK ng MOA ng tatlong host municipalities patungkol sa
paghahati hati ng revenue na naibibigay ng Kalayaan 1, Kalayaan 2, Caliraya at
Botocan.
 Ang reference ng computation ng CBK pagdating sa mga business taxes ay
nakalagay sa written agreement na nagmula sa gobyerno dahil sila ang may
jurisdiction kung magkano ang porsyentong babayaran at kung sino sino ang mga
bayan na maghahatihati.
 Ang allocation ng manpower ay 45% sa Lumban, 45% sa Kalayaan at 10% sa
Cavinti.
 Noong naprivatized ang CBK, inabsorb pa din ang mga nakaraang empleyado at
ang mga naggaling sa NPC ay ay inabsorb din ng CBK dahil nasa agreement iyon.
 Sinusulatan ng CBK ang lahat ng host municipalities from time immemorial
hanggang ngayon kapag may bakanteng posisyon sa CBK. Kahit sinong kwalipikado
sa posisyon ay dadaan sa proseso ng pagtanggap ng CBK. Kung walang
kwalipikado mula sa host municipalities ay hahanap sila ng ibang tao mula sa ibang
lugar.
 Ayon sa CBK ay hindi na possible na magkaroon pa ng bagong MOA patungkol sa
employment dahil ito ay magiging pag mamay ari nan g Philippine Government sa
Pebrero 2026.
 Dahil isa lang ang pump and storage powerplant sa buong Pilipinas ay ang mga
engineers at technicians lang nila ang may alam kung paano magpatakbo nito kaya
naman may posibilidad na sila pa din ang kuhanin na empleyado ng bagong
magmamay ari ng planta.
 Ang lahat ng transaksyon ay nasa Philippine Peso sapagkat ang revenue code ay
Philippine Peso.
 Susunod ang CBK sa kung ano man ang maging bagong computation at sa mga
bagong batas at ordenansa na ipapatupad ng LGU.
 Magbibigay ng furnished copy ang CBK ng National Statement of Power Generation.
 Humingi ng kopya ang MPDC ng updated status ng available funds kaugnay ng
ER1-94
 Hindi na tumatanggap ng bayad ang DOE dahil nagreconcile na sila ng mga
previous accumulated funds base sa pending na liquidation at submitted projects na
hindi naaksyunan. Habang hindi pa tapos ang final reconciliation ay magkakaroon ng
MOA.
 Maaaring ipatawag o ang CBK mismo ang pumunta sa mga barangay at host
municipalities para sa filing ng MOA.
 Hindi pa nairerelease ang electrification fund dahil wala pang guidelines kaugnay
nito.
 Maaaring ibahagi ang electrification fund sa mga Nonprofit organizations.
 Mairerelease lamang ang accumulated funds kapag meron ng pirmadong MOA at
napiling proyekto para paglaanan nito.

You might also like