You are on page 1of 2

Interviewee: mga bill ng ano..

nako pag sya ang nakakuha, minsan nakikita ko nandun sa basura mga bill
ng meralco, yan ang ano pasanin ko araw araw.. yung iba kasi oo lang ng oo e, yung ibang may
alzheimers, yung mga nakakausap ko.. pero eto wala.. nako pag nagalit, yan pag sinaway mo doon na
ginagawa nya na magsayang ng tubig tapos yung ano mga basahan itatago nya saan saan , ang ginagamit
nya dun sa tiles kamay nya, hala yung ibang basahan tinago. Minsan nakikita ko nalang nandun sa mga
ano, sa mga mangkok nakalagay, pinagpatong patong.. puno. Tapos yung mga inaano pa, yung mga
malinis tsaka ano mga hugasang baso’t plato paghahaluin nya kasi sya ang nagaano, pinaghahala nya
dun sa mga ano kaya kailangan ifollow up mo, pag merong hugasan hindi ako naano, hinuhugasan ko
nalang para wala na syang ano pa, paghaluin man nya puro malinis, yun ang buhay ko, yun basta araw
araw ganyan. Umaga’t gabi naman pagkasama ko syempre sa umaga magdadasal, yun lagi dinadasal ko.

Interviewer: Ano po yung dinadasal nyo?

Interviewee: Pagalingin mo sya.. sabi ko lord. Ganun lang ano.

Interviewer: Ano po ang pagkakaintindi nyo sa kondisyon po na dementia po?

Interviewee: Ayun nga , basta wala na sya, wala na sya sa ngayong pakialam, gagawin nya kung tama o
mali tapos ang ano nya.. ang reaksyon nya pag sinabihan mo, siguro pumapasok dito, lalabas ditto, after
that wala na, kasi pag pinagalitan ko, mamaya di ka na kikibuin hanggang mamaya o ilang oras
pagkatapos ng wala pang kalahating ano mga isang minuto lang okay na naman, pag inano ko kasi
minsan, natatapat sa pagpapainom ko ng gamot kasi mahirap eh dun mag aano, minsan kasi magagalit
yan, nako pano yan iinom mamaya galit, pero pag susubukan ko mga after two minutes umiinom, di
katulad nun ..yan bago maospital kaya nangayat ayaw uminom ng gamot e, ngayon okay na siya

Interviewer: Pano po ba nalaman yung sakit nya?

Interviewee: Yun nga.. yung naospital sya , pumayat sya, ang primary nya na sakit.. yung severe anemia,
yun yung di sya kumakain non, kahit anong inaano na gamot hindi ---, tapos nung naospital, dun sa
blood center, dyan malapit sa lung center yung bagong tayo . Kasi punong puno ospital nun e madaling
araw, kailangan masalinan ng dugo kasi ano daw.. tas eto nga ayaw na sumunod, salita nya puro, puro
wala sa ano, ayun alas dos ng madaling araw dinala naming sa Fairview, nako pagdating sa Fairview
wala, nilagyan ng oxygen, hinahablot tapos nanampal takot yung mga ano. Kaya nga saakin tatanggapin
daw nila kung magbibigay daw ako ng fifty thousand.. sabi ko nako wala akong ganung kalaking halaga..
bakit fifty thousand, sabi ilalagay daw sa intensive care. Eh iintensive care eh ang lakas lakas, nanampal
nga e, sabi ko irekomenda nyo ko kung saang ospital, wala kong pangdeposito sa inyong ganung kalaki..
ayun dinala kami sa East avenue----- dun kami tinuro nakita ko yung gamit nila ouro East avenue tapos
ang mga doctor nila tumatawag puro mga espesyalista.. Ayun kinabukasan pina CT scan, ayun nalamang
may dementia, initerview muna tapos puro mali tinatanong kung sino ako di nya maano kung sino ako,
birthday di na alam kaya ayun kaya nalaman ko na ganon na may dementia sya.

Interviewer: Ano po yung naramdaman nyo nung nalaman nyo pong may dementia sya?
Interviwee: Na may dementia sya? Wala .. kasi sabi ng doctor kailangan tanggapin mo yan, dahil yun
talaga yan, kailangan ng ano dyan , dahil walang ibang magiintindi kundi ikaw tapos kung ano ang
ginagawa wag mong kokontrahin, oohan mo lang sya dahil yun na talaga sya, hanggang ngyaon ganun
ang advise sakin pag chinecheck up ito ng neurology, tapos eto ngayon babalik na kami after three
months—pero minsan di ko na mapigilan ang sarili ko pag sobra na pasaway e— lalo na pag umuulan
tapos lalabas tapos magagalit sya---- ayun ang buhay ko

Interviewer: Pano nyo po tinanggap yung kondisyon nya po na may dementia po sya?

Interviewee: Ayun nga, 2015 ata yun nung naospital ito taon na rin ang binibilang naming sa pabalik
balik naming sa doctor, doon sa anemia nya tsaka sa neurology pareho lang sila, dalawang taon narin
atang pabalim balik. ------------

Interviewer: Ano ano pa po ang mga paghihirap na hinaharap nyo po habang nagaalaga po kayo ng
asawa nyo na may dementia po?

Interviewee: Tuwing umaga.. syempre una ko magising eh, ala lalo na kapag biyernes kasi nag nonobena
pa eh, Alas tres ng umaga gising na ako hanggang alas singko tapos ako mag nobena, tapos
inaantabayanan ko na sya, pag basa yung diaper nya, gigisingin ko ayaw, pinapabayaan ko nalang
inaantay ko pag gising nalang nya kaya pag linggo nagsisismba ako kaya lang ang isip ko nandito kasi
mamaya, kasi minsan di naman sinusunod yung pinsan nyang nagaalaga sa kanya di sinusunod
minumura pa , buti nalang kadugo kaya tinatawanan nalang, yung mga apo ko naman mga takot di rin
sila sinusunod. Kaya yun ang ano ko, minsan pag uwi ko galling simbahan--- hanggang alas syete pasado
pa tulog pa lalo na kapag nabasa ng ihi matagal bumangon, basa pati bedsheet tsaka kutson. Ayan tapos
wala kong ibang inisip kundi gamot nya saka yung diaper, minu minuto yan, yan ang inaano ko kasi sa
tanghali may gamot umaga hapon tapos sa gabi yung gamot nya para sa dementia tatlong kase, ayun
wala kong ginawa ang pinakasquaretime ko yung gamot pinaprepared ko para ready na, pag alas
muwebe minsan naka higa na, papabangunin ko, sumusunod naman. Sa umaga naman bago kami
magkape, inaayos ko na yung pang umaga nya na gamot nag aabang na yan. Wala na kong ibang
movement. Kaya ayon ang aking buhay. Ewan ko lang sa ibang ano kasi yung ibang ano na may
alzheimers ewan ko lang ano yung buhay nila.. kung papaano sila nagaalaga kasi ito hindi pwede eh
medyo masigla kasi ang katawan, kaso pasaway naman …pag umuulan masahol pa sa pato, gusto
magtampisaw sya, maya maya magdadala ng balde at tabo umuulan yun tapos magdidilig daw siya.. hay
nako

Interviewer: Pano nyo po hinaharap yung mga problema na po nay un?

Interviewee: Wala.. umaasa ako sa panginoon na gamitiin nyang instrumento yung mga doctor nya na
gumaling.. yun lang kasi wala eh naniniwala ako bilang katoliko na pasanin mo ang sarili mong krus at
sumunod kay kristo ayun . kasi ganun lang ang dasal ko sa umaga tuwing paggising ko bago ako lumabas
dadasalin ko yan ---ama dalangin ko sa araw na ito na pasanin ko ang krus at sumunod sayo .. waa

You might also like