You are on page 1of 1

Johntan A.

Pupa V-1
Ang buhay ng isang tao ay maihahambing sa isang bahag-hari isang simbolismo ng puno ng
kulay at hindi alam kung hanggang saan ang hangganan at saan ang patutunguhan.

Noon ako ay nasa mura idad palamang at wala pang ka muwang muwang sa mundo ako ay
wala ibang iniisip kung pano ako makapag laro sa labas ng bahay . Ultimo ang gutom ay
aking hindi nararamdaman pag ako nag lalaro . Walang ibang iniisip kundi ang aking sarili . Di
ko iniisip noon ang sakripisyo ng aking mga magula para sakin . Di ako tumutulong sa
gawaing bahay at napaka iksi ng aking pasensya Akoy isang musmus na walang pake alam .
Subalit nag bago ang lahat ng iyon nang akoy dumating na sa tamang idad lahat ng bagay sa
paligid ay mas lalo kung naintindihan . Mas hinabaan ko ang aking pasensya sa mga bagay .
Natutulongan ko na ang aking ina sa pag titinda sa aming kalenderia. Nag sisikap sa pag
aaral dahil aking iniisip ang mga sakripisyo ng aking mga magula simula bata ako hanggang
ngayon .
Mula sa aking pagkabata ay may mga pangarap ng akong marating sa buhay kahit
napakapasaway ko noon at tila parang walang pakialam sa paligid at sa pamilya. Simple at
mga mumunting mga pangarap na para sa aking ama,ina at mga kapatid ay nagdudulot ng
malaking tuwa at galak.
Nakagisnan ko sa aking kamusmusang isip ang ordinaryong uri ng pamumuhay. Aking
napagtanto Na kahit hindi kami mayaman may sapat naman na kakayahan ang aming
pamilya para matugunan ang mga bagay na importante sa aming pamumuhay.hindi ko man
noon lage nakakasama ang aking magulang dagil lage silang nasa kalendirya namin ay
lumaki ako sa subog sa pangaral at pag mamahal mula sa kanila. Mayroong pagka-istrikto
sina mama at daddy pangunahing minulat sa aking kaisipan ang pag bibigay kalang at
respeto sa lahat ng may buhay sa mundong ibabaw.Palagi nilang pinapaaalala nila sakin
bawat mali na gagawin mo sa buhay ay may katumbas na kabayaran.
Ako ay isang uri ng tao na mas masaya sa anomang uri ng lakad kapag pamilya ko ang aking
mga kasama hindi kami perpekto. Nag aayaw rin ang aking magulang pero iba pag sila ang
akin kahalubilo.Ngayon na ako ay nasa legal na edad na pamilya ko parin ang aking
kanlungan . At habang sa pag lake ko ay aking napagtatanto kung gaano ako pinag
pala.Ngayon ako ay isang studyante ng Universidad de sta isabel at patuloy na tinutupad ang
aking mga pangarap.
At ang aking mga magulang lage parin nanjan. Patuloy sa pagsuporta sa akin.
Pinagbubutihan ko ang aking pag aaral para saking binuong mga pangarap nong akoy bata
pa at para sa aking mga magulang.
Hindi man kami mayaman . Napalaki naman kami na maging mabuting tao. Nakapag tapos
ng mga kurso, may magandang pinagkakatian at higit sa lahat may takot kami sa diyos at
hinding-hindi kami napariwara.Kagaya ng isang bahag-ari, makulay ang ating buhay huwag
kang masyadong magpapadala. Wala tayong kasiguradohan kung saan man ang kanyang
hangganan, pero tayu ay may kakayanan kung saan natin gostong pumonta ang ating
kinabukasan.

You might also like