Professional Documents
Culture Documents
Malaya Ka Na
Malaya Ka Na
Tandang tanda ko pa
Tandang tanda ko pa yung mga ngiti mong ako ang nagpinta
Yung pag kislap ng mga mata mong nangungusap
Yung pagbitaw ng mga labi mo sa mga katagang
Mahal, mahal na mahal kita.
Mahal, ako nga ba'y minahal mo ng tunay o naging pampalipas oras lamang
Sa mga panahong nangungulila ka sa kanya
Mahal, ako nga ba'y naging prayoridad mo o isa lamang sa mga pinagpipilian mo habang hinihintay mo
siyang magbalik?
Tinanong kita
Ah sandali mas mabuting sabihing pinapili kita
Mahal, sino ba sa aming dalawa? Ako ba o siya?
Bumilis ang pintig ng dibdib
Na tila ba may mga dagang nag uunahan sa kesong nakahain
Ang sakit isipin na dinurog ka niya noon, dumating ako upang buuin ka
Ngunit ikaw rin pala ang dudurog sa akin ngayon.
Ngunit mahal, mahal na mahal parin kita. Nawa'y sa pagkakataong ito maging masaya ka sakanya.
Dahil mahal, malaya ka na!