You are on page 1of 1

Ang Pateros ay isang bayan sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas.

Kilala ang Pateros


sa industriya ng paggawa ng balot, isa itong pagkaing Filipino na galing sa itlog ng
itik o bibe na dumaan sa pertilisasyon. Tatlo o limang araw na ibinibilad sa araw
ang itlog ng itik at pagkaraa'y isinisilid sa malaking supot. Salitan ang paglalagay
sa isang malaking buslo ng mga supot ng itlog at ilalatag sa kusot o ipa na
pinainitan sa ilang sentigrado. Pinipihit ang mga itlog nang dalawa o tatlong beses
sa isang araw at iniinit ang kusot sa umaga at sa hapon sa mga araw na malamig.
Sinisilip sa liwanag ng kandila ang mga itlog sa ika-pito, ikalabing-apat, at
ikalabing-walong araw. Sa pamamaraang ito ay malalaman ang mga bugok at
hindi na mabubuong sisiw. Ang mga itlog na normal ay inilalaga at saka ibinebenta
bilang balot.

Kadalasang binebenta ang balot sa gabi at ang mataas na protina ang nagiging
dahilan upang isabay sa serbesa. Kinakain ito kadalasan nang may asin, suka, at
sili.

You might also like