You are on page 1of 178

Filipino

sa Piling Larang

PY
Sining at Disenyo
O
C
Kagamitan ng Mag-aaral
E D
EP

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng


mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan,
kolehiyo, at/o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at
ibang nasa larangan ngedukasyon na mag-email ng kanilang
D

puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa


action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang iyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Filipino sa Piling Larang – Sining at Disenyo
Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Limbag 2016

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi.Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas


Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot
ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit
sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga gawain ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon ang
sinumang lalabag dito.

Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,


ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,

PY
pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas
Copyright Licensing Authority (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa
paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito.
Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC

O
Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD
C
Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral
D
Corazon L. Santos, PhD
Chuckberry J. Pascual, PhD
E

Tagasuri ng Sining ng Pagtuturo: Genaro Gojo Cruz, MA


Tagasuri ng Wika: Wilma B. Bitamor, MA
Pabalat: Teresa Bernadette L. Santos
EP

Tagapamahala ng Pagbuo ng Kagamitan ng Mag-aaral


Bureau of Curriculum Development
Bureau of Learning Resources
D

Inilimbag sa Pilipinas ng __________________________

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd – BLR)


Office Address: Ground Floor Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax: (02) 634 – 1072; 634 – 1054; 631 – 4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Talaan ng Nilalaman

KABANATA I – KULTURANG POPULAR


“Excerpt mula sa Bata...bata...Paano Ka Ginawa?” .............................2
Ni: Lualhati Bautista
Excerpt mula sa “Naglalayag” .................................................................15
Ni: Irma Dimaranan

PY
Beep, Beep, Beep, Ang Sabi ng Jeep .....................................................29
Ni: Lito Camo
#Pag-ibig ......................................................................................................32

O
Ni: Rolando Tolentino
Ang Sinabi ng Aldub ...................................................................................34
C
Ni: Louie Jon Sanchez
Pilipino’y Maaring Kilanlin sa Pamamagitan
ng Kanyang Pagkain ..................................................................................42
D
Ni: Doreen G. Fernandez
E

KABANATA II – SINING PANTEATRO


Eyeball ...........................................................................................................51
EP

Ni: Alfonso I. Dacanay


Puring ................................................................................................................60
Ni: Vincent M. Tañada
D

Ang Unang Aswang ....................................................................................63


Ni: Rody Vera
Lukso ng Dugo: Rebyu ng Ang Nawalang Kapatid .............................79
Ni: Mary Joy Capistrano
Kung Totoo ang Larong Killer-Killer............................................................82
Ni: Jonathan Alejo Valdez
Dulaang Papet: Pangkabataan at Pangmatanda ..............................85
Ni: Arthur Casanova

iii

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
KABANATA III – ANG MUNDO NG TULA, ANG MUNDO AY TULA
Mga Tula mula sa Text Poet’s Society ................................................... 102
Ni: Frank Rivera
Matapos Matanggap ang Mensahe ng Isang Kaibigang Makata . 103
Ni: Mikael De Lara Co
Kung Bakit Tayo Paluwas at Walang Sunong na Kalakal .................. 104
Ni: Axel Pinpin

PY
Pan-Rush Hour ........................................................................................... 106
Ni: Joselito Delos Reyes

O
KABANATA IV – NAGSASALITA AKONG PROSA!
Good Morning, Sir. Thank You for Calling.
C
How May I Help You Today? ................................................................... 108
Ni: Rolando Tolentino
D
Styropor ...................................................................................................... 109
Ni: Zosimo Quibilan
E

Lamayang Pilipino .................................................................................... 110


Ni: Eros Atalia
EP

Mula sa “Istatus Nation” .......................................................................... 112


Ni: Joselito Delos Reyes
POP! ........................................................................................................... 117
D

Ni: Vlad Gonzales


May Okey pa ba sa Filipino? .................................................................. 119
Ni: Edgar Samar
Mga Selyo at Libro .................................................................................... 124
Ni: Eugene Evasco

iv

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
KABANATA V – SINING BISWAL AT POPULAR NA LITERATURA
Mula sa “Kikomachine Komix No. 2” ..................................................... 128
Ni: Manix Abrera
Mula sa “Pugad Baboy Disisais” ............................................................. 130
Ni: Pol Medina Jr.

KABANATA VI – DISENYO
Nasyonalismo at Arkitekturang Filipino ................................................. 133

PY
Ni: Edson G. Cabalfin
Ang Pagsakay nina Juan Masolong at
Flor Contemplacion Sa MRT .................................................................... 144
Ni: Galileo S. Zafra

O
C
E D
EP
D

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
INTRODUKSIYON

Sa simula’t simula, nakahabi na ang sining sa lipunan, kahit noong panahon na


hindi pa itinuturing bilang “sining.” Hindi pa ito “sining,” i.e. obheto ng pag-aaral, dahil
nakalubog sa iba’t ibang partikular na sitwasyon. Halimbawa, ang mga itinuturing na
maagang bersiyon ng mga dramatikong pagtatanghal ay mga ritwal para sa iba’t
ibang yugto ng buhay ng ating mga ninuno (Fernandez 1996). Gayundin, ang iba’t
ibang anyo ng tula na pinag-aaralan ngayon bilang diona, oyayi, dopayanin, at iba
pa, ay inaawit noon sang-ayon sa mga partikular na konteksto. Ang diona ay inaawit

PY
tuwing may ikinakasal, ang oyayi ay inaawit tuwing nagpapatulog ng bata, at ang
dopayanin ay inaawit kapag namamangka (Lumbera 1986). Pero naganap ang
kolonisasyon, at unti-unti, itong bahagi na ito ng pang-araw-araw na pamumuhay ay
naihiwalay at itinuring nang bukod na gawain—isang espesyalisadong gawain—na
nang maglaon ay tinukoy bilang partikular na disiplina, at binansagan na nga bilang

O
“sining.”

Sa kanyang pag-aaral tungkol sa “pag-angat ng Ingles” sa konteksto ng


C
kasaysayan ng sining sa Kanluran, tinukoy ni Eagleton ang paglamon ng “aesthetic”
sa praktika. Aniya, ang pagturing sa mga “kongkreto” at “historikal” na mga gawain
bilang obheto ng pag-aaral ang siyang maituturing na dahilan ng pagkahiwalay
(alienation) ng sining sa lipunan (Eagleton 1983). Para naman kay Widdowson, ang
D
pagkahiwalay na ito ay kinailangan, lalo noong ika-19 na siglo sa Europa, kung
kailan humina na ang impluwensiya ng relihiyon, at may inaapurang
E

pangangailangan sa pagbuo ng pambansang kamalayan, sa konteksto ng noon ay


umuusbong pa lamang na industriyal, urban, at batay-sa-uring lipunan (1999).
EP

Sa kasaysayan ng Pilipinas, tinukoy ni Lumbera ang penomenon ng


transpormasyon ng sining mula sa pagkalubog sa araw-araw patungo sa pagiging
asignatura sa paaralan, bilang pagbabago ng tradisyon: pabigkas patungong pasulat
(Lumbera 1986). Naganap ito kawangki ng kolonisasyon, isang komplikadong
D

proseso. Komplikado ito dahil hindi naman lubusan at mapayapa ang proseso ng
pananakop—pisikal, espiritwal, intelektwal, kultural. Batbat ito ng mga
kontradiksiyon, at laging nilalabusaw ng iba’t ibang uri ng pagtugon ng sinasakop
(Bhabha 1994).

Sa madaling salita, ang produksiyon ng sining ay bunga ng samu’t saring


historikal na pangyayari. Sa kaso ng Pilipinas, malaking bahagi ng kasaysayan ng
sining ang pagtugon sa kolonisasyon. Kailangan lamang balikan ang panulat nina
Balagtas, Rizal at mga propagandista, Bonifacio at mga rebolusyonaryo, at maging
ang panitikang bayan noong sumailalim na ito ng transpormasyon mula oral
patungong pasulat, upang mapatunayan ito. At kung babasahin ang kasaysayan ng
ating sining bilang isang kasaysayan ng pagtugon, maaaring isipin na hindi naman
vi

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
lansakang mailalapat sa ating sitwasyon ang naging pahayag ni Eagleton tungkol sa
sining sa Kanluran: kahit naging isang uri ng espesyalisasyon na ang sining sa
Pilipinas, mayroon pa rin itong paghugot sa lipunan. Matingkad na katangian ng
sining natin—sa kabila ng katotohanan ng kolonisasyon—ang pagkakawangki nito
sa lipunan.

Dalawang bagay kung gayon ang mahalagang isaalang-alang sa sining: una, na


ito’y isang espesyalisadong gawain na obheto ng pag-aaral at pangalawa sa
konteksto ng Pilipinas, na mayroon itong paghugot sa lipunan. Ang dalawang
nabanggit na ito ang magpapaunawa sa ilang akdang nasa antolohiyang ito na
maaaring sa tingin ng iba’y nagtaglay ng mga sensitibong salita na hindi pa panahon
upang makaengkuwentro o mabasa. Subalit, gaya ng nabanggit na, ang

PY
pagnamnam sa mga likhang sining sa koleksyong ito ay pangunahing dapat
gabayan ng pagturing dito bilang obheto ng pag-aaral na siyang nagpapahiwalay
dito sa lipunan (Eagleton, 1983). Masusupil ang pagyabong ng pag-aaral sa mga ito
kung tatakdaan ito ng limitadong pagtingin sa ilang salita lamang nito na sa
katotohana’y hugot sa lipunan. Bukod pa rito, ang mga salitang nasa likhang sining

O
na ito ay pasya ng manunulat sa kaniyang paglikha. Taglay o nakapaloob dito ang
lahat ng kaniyang paninindigan at isinasaalang-alang sa kaniyang paglikha. Kung
C
gayon, ang pag-engkuwentro sa mga likhang sining ay dapat higit na ituring na
espasyo sa malalim na pag-unawa sa akda at sa lipunang Pilipino.

Ang mga babasahin para sa Sining at Disenyo para sa ika-12 baitang: ang
D
pagbuo ng antolohiyang ito ay bunga ng historikal na pangyayari, i.e. ang
implementasyon ng programang K-12. Ang mga akdang narito ay pawang nalimbag
taong 2000 pataas, at iba na ang produksiyon ng sining sa yugtong ito ng
E

kasaysayan. Hindi man lubos, laganap na ang access ng karamihan sa Internet at


social media. Dulot nito, ang dating mahabang proseso ng pagsusulat at
EP

diseminasyon ng mga akda ay binago na ng Facebook, Twitter, Blogger, at iba pang


blogging at social media platforms. Kasapi na tayo sa isang global na nayon
(1964)—ito ang prediksiyon lamang noon ni McLuhan, na katotohanan na ngayon.

Tulad ng mga akdang nauna sa kanila, ang mga akdang nasa antolohiyang ito
D

ay maaaring basahin bilang mga tugon din sa kasalukuyang panahon, na siyang


historikal na konteksto ng kanilang pagkalikha. Mayroong mga blog entry (Evasco,
Gonzales, Samar), tulang isinulat sa text (Rivera), tulang isinulat para basahin sa
loob ng tren (Co, Pinpin, delos Reyes), novelty song (Revillame/Camo), tweets
(Tolentino), at maging Facebook status (delos Reyes). Kabilang din sa antolohiya
ang rebyu ng kalyeserye, isang teksto na hindi maikakailang bunga ng modernong
panahon (Sanchez).

Sa kabila ng diin sa kasalukuyang produksiyon ng sining, hindi pa rin mawawala


ang impluwensiya ng tradisyon. Narito rin sa antolohiya ang mga tradisyonal na
genre. Nariyan ang iskit (Dacanay), dulang may isang yugto (Vera, Quintos), at

vii

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
monologo (Villanueva, Tañada). Mayroon ding mga akdang maituturing na kapatid
ng mga ito, ang mga kritikal na sanaysay na ukol sa dula (Capistrano, Valdez) at
maging tungkol sa pagkain (Fernandez). Ang sining at disenyong biswal naman ay
matatagpuan sa mga komik istrip (Abrera, Medina) at mga kritikal na sanaysay
tungkol sa espasyo, arkitektura, at pampublikong transportasyon (Cabalfin,
Pamintuan, Zafra). Taglay din ng antolohiya ang ilang dagli (Tolentino, Atalia,
Quibilan), isang malinaw na patunay na buhay pa rin ang tradisyon ng pagsulat ng
anyong ito na unang lumabas sa mga diyaryo noong simula ng ika-20 siglo.

Sa itaas, nabanggit ang katwiran ni Widdowson sa pangangailangan na ihiwalay


ang sining sa lipunan. Aniya, nakatulong ito sa pagbuo ng mga bansa. Sa
paghihistorisa niya sa panitikan, binanggit din ni Widdowson na sa kasabay ng

PY
pagturing dito bilang lehitimong obheto ng pag-aaral at pananaliksik, ay ang unti-
unting pagkabuo ng canon (1999).

Ang pagbuo ng canon ay lagi namang ideolohikal. Makikita ito mula pa sa


negatibong pagtingin ni Plato sa tula, hanggang sa pagpuri dito nina Aristotle at

O
Longinus. Patunay rin ang pagbabago ng kalakaran sa sining at panitikan sa buong
mundo sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan, kung paanong ito ay nahuhubog ng mga
nagsasalpukang ideolohiya. Sa Kanluran, halimbawa, ang Klasisismo ay sinagupa
C
ng Romantisismo, na sinagupa naman ng Realismo, na inigpawan ng Modernismo,
at siyang tinuntungan ng Postmodernismo. Sa Pilipinas, maaaring sabihin na sa
mahabang panahon, malakas ang mga puwersa ng Romantisismo at Realismo.
D
Maaari ding tukuyin ang impluwensiya ng Norte at Timog Amerika, na lumalabas sa
impluwensiya ng estilong marvelous realism at lapit na pormalista.
E

Binanggit ang mga ito dahil kasama lagi ang usapin ng canon (o pagbuo ng
canon) sa bawat antolohiya. Lalong hindi maiiwasan ang usapin na ito sa librong ito,
EP

dahil tinipon ang mga tekstong narito na mayroong imprimatur ng Kagawaran ng


Edukasyon. Ang imprimatur na ito ang maaaring pagmulan ng pananaw na
mayroong malinaw na pagkatawan sa bayan ang antolohiyang ito, i.e. iyong bayan
na sinusuportahan ng estado. Hindi naman maitatanggi ang posibilidad nito.
Gayunman, nais kong bigyang diin na hindi dapat tingnan ang canon bilang
D

monolitiko, at sa halip, ay mas marapat ituring bilang lagi at laging probisyonal. At ito
ang diwa na gumabay sa pagbuo ng antolohiya: kung ang pagbuo ng bawat
antolohiya ay isang pagtatangka na bumuo ng canon, ang antolohiyang ito ay may
gayong layon, oo, pero hindi nangangahulugan na mayroon itong pagpapahayag na
ito na nga, na ito na lamang. Ito ay isa lamang sa maraming pagtataya, dahil nariyan
naman ang Kasaysayan, at ito lamang ang makapagsasabi kung ano ang mananatili
at hindi.

viii

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
PY
KABANATA I. O
C
KULTURANG POPULAR
E D
EP
D

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
1.
Excerpt mula sa
“Bata, Bata…Paano Ka Ginawa?”
Lualhati Bautista

SEQ 1: SCHOOL GROUND. DAY.


Magbubukas ang eksena sa isang choreographed dance number ng mga
batangbabaing kasali sa miss beauty contest. ang tugtog: butsiki.

PY
graduation day ito ng kindergarten class. puno ang school ground. may mga nanay
pa nga na dala pati mga baby nila.

habang ginaganap ang sayaw, kanya-kanyang hanap ng magandang puwesto ang


mga magulang na may dalang kamera para makuhanan ang kanilang mga anak.

O
kabilang na sa kanila si lea. siyempre, nasa kalipunan din ng mga tao sina ojie at
ding. Nakasampay sa kamay ni ojie ang toga na maya, isinusunod iyon kay lea.
COJIE
Nanay, eto ang toga.
LEA
D
Mamaya na iyan, hawakan mo sandali.
E

isang batang lalaki ang nagdadadamba sa upuan habang hinahaklot ang toga niya.

BOY
EP

Ang init-init na po, e! Ayoko nang grumadwyet! Gusto ko po, bagsak


na lang ako!

isang batang lalaking ga-graduate ang iihi na lang sa may upuan niya. lilikha ito ng
D

kislutan ng mga kaklase para maiwasang mabasa ng ihi niya. tilian. aaayy! aayyyy!

isangbatang babaingnagkikislapan ang damit ng kulay gold ang palihim na


pinagkukurot ng nanay niya. nag-aatungal ang bata.

INA NG BATANG NAKA-GOLD

Tumahan ka na sabi diyan! P***** ka, dalawang libo ang ginasta ko sa baro
mo, dalawang libo ang ginasta ko sa baro mo!

SUPERIMPOSE, TITLE AND CREDITS.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
SEQ 2: SCHOOL GROUND. SAME DAY
tapos na ang sayaw ng grupo ng mga bata,palakpakan. papunta sa stage ang
teacher-emcee ng programa.bago pa matapos ang unang sentence ng dayalog niya,
na kina ding at lea na ang camera kaya nasa background na lang ang kanyang
boses.
EMCEE
At ngayon naman po, ang ating mga kandidata ay magpapakita ng kanilang
talino sa pamamagitan ng awit, tula, o sayaw. Una po nating tatawagan ang
candidate number 1. . . si Arlina de los Santos!

(palakpakan)

PY
hahabulin ni ding si lea na papunta na sa backstage. mabilis na iaabot sa kanya ni
lea ang camera sa background,bumabanat na ng “papa, don’t preach” ang
kandidatang tinawag ng emcee.
LEA
Hawakan mo, bibihisan ko ‘yong bata!

O
DING (pahabol, may warning)
C
Meykapan mo naman kahit konti! Hindi mananalo iyan! (kakalabitin ni ojie si
ding)
OJIE(impatient na)
Tatay Ding, eto iyong toga.
D
DING
Mamaya na iyan. Tutula pa raw ‘yong kapatid mo.
E

SEQ 3: SCHOOL GROUND. SAME DAY.


EP

sa likod ng stage, kanya-kanyang bihis at make-up ang mga ina sa mga anak nila.
pinapalitan nila ng casual wear ang long gown ng mga ito. kanya-kanyang bilin,
kanya-kanyang nerbiyos. Nag-o-overlapping ang mga dayalog.

MOTHER 1
D

Iyong lines mo, huwag mong kakalimutan, ha? (kakanta sabay sayaw)

Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe


Matayong ang pangarap ng matandang bingi!

LEA (habang binibihisan si maya)


Huwag kang kakabahan. Basta banat lang ng banat, tapos! Katuwaan lang
naman ‘to. Ang importante, kung ano ang laman ng utak saka ng puso. Hindi ng
mukha. (itataas ng daliri ang baba ng anak)

Sige, ha? Pagbutihin mo!

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
lalapit ang ina ng batang gold ang baro sa teacher nito. hindi na umaatungal
ang bata, pahikbi-hikbi na lang.

INA NG BATANG NAKA-GOLD


Ma’am, sasali na raw po ang anak ko. Kakanta na raw sya.

TEACHER (hassled na hassled sa dami ng inaasikaso)


Sige, sige; ipila n’yo na ro’n, tatawagin ko. (lalayo)

INA NG BATA
(hahatakin ang bata papunta sa backstage)
O, halika na raw, dali; papakantahin ka na!

PY
(biglang atungal uli ang bata. shocked ang ina pero mabilis ding makaka-recover.
aasbaran na naman ng kurot ang anak.)

INA NG BATA
Um’ ikaw talaga!Ang mahal-mahal ng baro mo! Dalawang libo yan, dalawang

O
libo yan!

shot ng emcee sa stage.


C
EMCEE
Ang susunod naman pong magpapakita sa atin ng talino niya ay ang
D
candidate number 7. Estudyante ni Miss Maglinao, kinder section Pussycat. 7 years
old, ang favorite subject nya: math. Maria Natalia Bustamante Gascon.
E

sisiksik si lea papunta sa unahan, nakaumang na ang kamera. kasunod niya sina
EP

ding at ojie.

LEA
Excuse me po! Excuse me po!
D

sa stage, uumpisahan na ni maya ang kanyang tula. kumpleto sa akting.

MAYA
Ang tiyan ng nanay, malaki’t mabilog?
Ano iyon? tanong ni Ojie sa nanay.
Bola? Bola ng basketbol?
Hindi, iba.
Puwedeng paglaruan?
Hindi at may laman.
Ano ang laman, hah, Nay?
Sorpresa, sorpresa!

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Ang sorpresa nang lumabas, ako pala!
Paanong ang bola ay naging si Maya?
Biglang tawa si Nanay:
“Paglaki mo na, Ojie . . . saka mo malalalaman!”*
tawanan ang mga tao. palakpakan
sa kinaroroonan nina lea at ding, sisitahin ni ding si lea. hindi siya makapaniwala.

DING
Turo mo iyon, turo mo iyon? Pambihira ka! . . .Hindi mananalo iyon!

mag-uumpisa ang graduation march. sa backstage, sinusuutan na ng mga ina ng


toga ang kanilang mga kandidata. tangan ni ding ang camera, nasa likuran siya ni

PY
lea. nakaupo si lea sa harap ng anak, minemedyasan ito para sa sapatos na itim na
ipapalit niya sa sandals nito.

DING(to maya)

O
Sana naman, anak, iba na lang ang tula mo. Hindi mananalo iyon.

LEA(to maya)
C
Di bale kahit di manalo, ’no? Hindi naman iyan ang pagandahan.

DING(indignant)
E ba’t sumali ka pa sa beauty contest? Hindi pala pagandahan!
D

MAYA(maypagka-indignant sa tatay at nanay niya)


E

Kuya, akin na’yang toga ko, maka-graduate na


(ilalapit ni ojie ang toga na nakasampay pa rin sa braso niya.kukunin na ni lea ang
EP

toga. hindi pa rin ibababa ni ojie ang kamay.)

OJIE (indignantly)
Gusto n’yong itanong kung ano’ng nangyari sa kamay ko? Namatay na, o. . .
naging bato na!
D

sa isang banda, padarag na binibihisan na rin ng ina angbatang gold ang baro na
pahikbi-hikbi pa rin hanggang ngayon.

______________________
tula ni Maya sinulat ni Levy Balgos de la Cruz

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
INA NG BATANG NAKA–GOLD
Wala na, natapos na ang Miss Kinder.. Ang mahal-mahal pa naman ng baro
mo. Dalawang libo iyan.

aatungal nanaman ang mga bata.


SEQ 4: SCHOOL GROUND. SAME DAY
habang pabalik na sa kani-kanilang upuan ang pinaka-huling mga batang inabutan
ng diploma, balik na naman ang mga kandidata sa kanilang long gown. nakahilera
sa stage.

EMCEE
Ngayon po ay narito na sa aking kamay ang pasiya ng mga hurado sa ating

PY
Miss Kindergarten contest.

panning shot ng audience habang nagkakabigayan ng trophy sa stage. maririnig na


lang ang tinig ng emcee na tatawagin na ang mga miss talent at miss photogenic. sa
hilera ng mga batang lalaki, nagpapakitaan sila ng typewriting paper na tinanggalan

O
na nila ng ribbon at binulatlat. nanlaki ang mga mata nila dahil walangsulat.
C
sa isang panig, nakatalungko na lang ngayon sa may flower pot, tahimik na lumuluha
ang ina ng dala ang gold na baro ng kanyang anak na di napakinabangan, habang
nagkaka-palakpakan sa panig ng audience.
D
bumubulong si ding kay lea. may pag-aalala na rin sa mukha ni lea.
E

DING (nagdaramdam)
Pustahan tayo, hindi mananalo ang anak mo, o! Ang pangit-pangit kasi ng
tula!
EP

makikita rin si ojie na nakaunat pa rin ang kamay at nakasampay na naman doon
ang toga ni maya, para siyang estatuwa sa pagkakatitig nang medyo nakanganga pa
sa toga.
D

sa stage, isang tropeo na lang ang natitira sa mesa. iyong pang miss kinder.
kinakabitan na ng ribbon na may sulat na “first princess” ang pinakahuling tinawag.
hawak na nito ang trophy niya.

EMCEE
At ngayon po, ang pinakamahalagang bahagi ngating timpalak . . .ang
pagpuputong ng korona sa ating Miss Kinder 1996.

panning shot ng audience. tahimik na tahimik lahat.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
EMCEE
Ang atin pong Miss Kinder 1996, because of her simplicity, freshness, poise,
and total personality . . .

Ladies and gentlemen, Miss Kinder 1996 . . .


habang nagsasalita si miss gatmaitan, panning shot ng mga nanay ng
mgakandidata, puro pigil-hininga huling-huli ng camera ang palihim na pag-aantanda
ni ding.

birada ng kapirasong tugtog. nasa stage na ngayon ang cam.

EMCEE

PY
Miss Maria Natalia Bustamante Gascon!

(sabog ang palakpakan. hindi muna agad makaka-react sina lea at ding. saka
biglang bubunghalit ng halakhal si lea sabay lundag, humahagis ang kuyom na

O
kamao, ang ingay-ingay, takaw-eksena.)

LEA
Yes! Yessss!
C
SEQ 5: LEA’S HOUSE. INT/EXT. DAY.
isang party ang ginanap, halos puro bata ang bisita. hindi magkamayaw sa ingay,
D
may ingay pa pati ng stereo. abala si lea sa kusina, walang katulong.susunod-sunod
sa kanya si miss gatmaitan kahit hindi niya masyadong naiintindi.
E

MISS GATMAITAM
Sa maniwala ka’t sa hindi, unanimous decision kami kay Maya. Kasi floating
EP

na floating ang kanyang fresh, youthful look.

LEA
Ding, pakihango na iyang hotdog, masusunog iyan. Maya? ‘Asan ba si
D

Maya? Ojie, sabihin mo kay Maya, dalhan pa iyong mga kaibigan niya ro’n.

OJIE
(may mga kasamang ring mga bisita, mga kapwa batang lalaki)

Nanay, mga kaibigan ko.


LEA
Oh, hi. Paupuin mo sila. Ding, tulungan mo nga akong mag-serve sa mga
bata.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
MISS GATMAITAN
Lea, as I was saying . . . very encouraging ang resulta ng contest na ito para
kay Maya. So I am thinking –
LEA(sisilip sa area ng sala)
Hoy, iyang telepono, tumutunog! Pakisagot lang!

SEQ 6: EXT OF HOUSE. SAME DAY.


sa harap ng isang mesang pambata, habang kumakain ng handa ang mga kapwa
kinder, nakatayo si maya at nakadiin sa mesa ang dalawang siko, halos dumunghal
sa mga kaklase. pa-secretive ang paraan niya ng pagsasalita.

MAYA

PY
Ang nanay ko saka tatay ni Kuya, di mag-asawa ‘no? Ngayon, nag-isplit sila.

ONE GIRL
Naku, Maya, masama iyan. Sabi ng mommy ko, ang pinagsama raw ng

O
Diyos, di puwedeng pag-isplitin ng tao.

MAYA (mapapaunat)
Ba’t naman napunta rito ang Diyos?
C
GIRL
Kasi, Diyos ang nagkakasal sa tao.
D
(palapit si ding sa bahaging ito, may dalang pinggan ng hotdog.)
E

MAYA
Hindi, a. Ang nagkasal sa nanay ko saka sa tatay ni Kuya, Meyor lang . . .
meyor ng Abucay. ’Tanong mo pa sa tatay ko. Tatay, di ba, ang nagkasal sa nanay
EP

ko saka sa tatay ni Kuya, meyor ng Abucay?


(shocked si ding)

DING
D

Maya!

SEQ 7: KITCHEN TO SALA. INT. SAME DAY.


maghahatid ng pagkain si lea sa grupo ng mga bisita ni ojie at susunud-sunod pa rin
sa kanya si miss gatmaitan.

MISS GATMAITAN (mula kusina hanggang sala)

Gusto kong isponsoran si Maya sa contest na ila-launch ng Johnson and


Johnson: search for prince and princess of Manila, 1996. Malaking klase na ‘to, hindi
na trophy lang ang makukuha. Me cash prize na, educational plan . . .

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
OJIE
Nanay, wala na bang ice cream?

LEA
Antayin n’yo, umorder na ’ko uli.
MISS GATMAITAN
May dala na ‘kong application form. Look. All you have to do is sign . . .

OJIE
Nanay, baka matagal pa iyon.

LEA

PY
Hindi, dadating na iyon. Kanina pa ‘ko tumawag.

SEQ 8: KUWARTO NG BAHAY. INT/EXT. SAME DAY.


dito itinago ni ding ang anak na si maya na kinagagalitan niya ngayon.

O
DING
Ke liit-liit mo pa, tsismosa ka na.
C
MAYA (defiantly)
Tsismosa ba iyon, nagsasabi lang ako ng totoo?
D
DING
Maski totoo, may mga bagay na di dapat sinasabi. Hindi na ‘to nahiya!
E

MAYA
Sabi ni Nanay, iyon daw ang totoo, hindi dapat ‘kinakahiya.
EP

DING
E kung magnakaw ka, di mo ikakahiya?
D

MAYA
Sabi ni Nanay, kung ikakahiya mo . . . di mo dapat gagawin.

bubukas ang pinto ng kuwarto, sisilipin si lea.

LEA (to Ding)


Ang nanay mo, nasa telepono. Galit na galit.

lalabas si lea. nakaabang pa pala sa labas si miss gatmaitan. susunod na naman sa


kanya.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
MISS GATMAITAN
Maituloy ko ang sinasabi ko, Lea.

LEA (titili na)


Utang na loob, tigilan mo ako!
hindik na matututop ni miss gatmaitan ang dibdib.

LEA
Kaya ko lang pinasali ang anak ko sa contest, dahil gusto niya. Gusto niyang
tumula, gusto niyang sumayaw. Sabi naman ng teacher; katuwaan lang para lang
masaya ang graduation.

PY
So okay. Nanalo siya, pinakamaganda siya. Tama na, okay? Stop na ro’n.
Ayoko na. Aya-o-ka-o!

O
SEQ 9: EXT OF LEA’S HOUSE. SAME DAY
sa mesa ng mga kapwa bata,, balik na naman si maya para ituloy ang kuwento niya,
sa puwestong tulad din ng kanina.
C
MAYA
Maituloy ko ang kuwento ko, ha? E di nag-isplit na nga ang tatay ni Kuya
D
saka ang nanay ko. Tapos, ang nanay ko saka ang tatay ko na ang naging
magkagano’n.
E

pagdidikitin ang dalawang hintuturo para linawin ang sinasabi.


EP

GIRL
Naging mag-asawa?

BOY
Hindi na pwede. Me asawa na, e
D

MAYA
Hindi mak-asawa, tight lang. Sabi ng mama ng tatay ko, mak-asawa lang sa
kama.

dinig na dinig ni ding. dadagundong ang sigaw niya

DING
Mayaaaaaa!

10

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
SEQ 10: HOUSE. INT. NIGHT.
wala nang bisita. Nailigpit na ni lea ang karamihang ginagamit sa party at mina-mop
niya ngayon ang lapag. aali-aligid sa kanya si ding. nasa itsura nila na pareho silang
may gusting sabihin sa isa’t isa pero nagkakahiyaan pa. habang nililinis ni lea ang
lapag, halatang pumapasok sa isip niya ang “kamunduhan”. kakanta ng mahina,
pahinamad na kanta si lea.

LEA
(isasabay sa tempo ng kanta ang andar ng mop sa semento)

So let it out and let it in,


Hey, Jude, begin . . .

PY
titingin kay ding. makislap ang mata, nanunudyong tatanguan ito ng maikling tango
na tulad sa pagbati sa isang nakitang kakilala kuha agad ni ding gustong ipahiwatig
ni lea. mapapakamot siya sa batok. aatras na tila napapahiya.

O
DING
Pinauuwi ako ng mama ko, e
C
Matitigil sa pagma-mop si lea, mawawala ang ngiti.

Pupunta raw siya sa probinsya. Kailangan daw niyang maka-recruit ng


D
katulong kasi, may mga napangakuan na siya. E walang tatao sa bahay.
E

Tatalikod si lea.
EP

Huwag ka namang galit, o.

tuloy pa rin sa kusina si lea. isasandal ang mop, isa-isa nang ilalagay sa lababo ang
mga huhugasan. sundan siya ni ding
D

DING(nagbago na ng tono, pasita na)


Tuwing uuwi ako sa mama ko, galit ka.

LEA
(biglang baling kay ding, ipapakita dito ang mukha)

Hindi ako galit, ha? Galit ba iyan, o! Hahahaha!Hindi iyan galit, tuwang-tuwa
iyan!
DING
Tuwing tatawagin naman ako ng mama ko, galit ka, e. Ano’ng magagawa
mo, mama ko iyon?

11

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
LEA
Alam mo, hindi ako galit na tinatawag ka ng mama mo. Ang nakakagalit lang,
tinatawag ka ng mama mo para ipakita sa ‘kin na kahit anong oras, puwede ka
niyang tawagin! At wala akong magagawa dahil hindi naman tayo mag-asawa!

Ano, me masabi ka?


DING (after glaring at lea, pagalit)
Aalis na ‘ko. See you when I see you!

pagtalikod ni ding, iaangat at ipapagpag ni lea ang kamay sa paraan ng galit na galit
na pagbabay. galit na galit din ang bitaw niya ng salita.

PY
LEA
Well! See yours when I see yours!

O
SEQ 11: LEA’S BEDROOM. INT. NIGHT.
panning shot ng kuwarto. may karatulang nakapaskel sa ulunan ng kama: “maternity
C
is a matter of fact; paternity, is a matter of speculation”. nakataob ang librong
“Etiquette for Mistresses” ni Julie yap daza sa isang partikular na pahina. nakaupo si
ojie sa tabi ni lea, mukhang nagmumukmok.
D
OJIE
Iyong ibang bata, kahit sampu sila, isa lang ang tatay nila. Hindi ba, Nanay,
E

dapat, gano’n?
EP

LEA
Kaso, hindi laging ganon’n. Minsan, nagkakahiwalay din ang mag-asawa.
Lalo na kung away lang sila nang away.

OJIE
D

Away ba kayo nang away ng tatay ko?

LEA
Ang totoo, kami, hindi.

OJIE
Hindi pala e bakit?

LEA

12

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Kasi, ang tatay mo, nagkatrabaho sa Surigao. Kinuha siyang senior
technician ng isang minahan ng copper. Hindi ako sumama. Kasi, me trabaho din
ako rito.

OJIE
Mas importante pa ba ang trabaho mo kaysa sa tatay ko?

mapapatingin si lea kay ojie. Titimbangin muna ang isasagot bago magsalita.

LEA
May gusto rin akong maging sa sarili ko. May sarili din akong mga gustong
gawin.

PY
OJIE
Hindi ko naiintindihan.

O
LEA
Madali lang intindihin iyon. Tamo: ako, nanay mo ’ko; mahal mo ‘ko . . .Pero
hindi mo rin magugustuhan pag sinabi ko sa’yo na, Ojie, ako na lang ang mahalin
C
mo. Huwag ka nang mag-aral, huwag ka nang makipagkaibigan, kasi, wala akong
kasama. Gusto mo ba iyon?

OJIE
D
Siyempre, hindi. Pa’no naman ako?
E

LEA
Iyon na nga . . .pa’no naman ikaw?
EP

Gano’n din ang mag-asawa. Kahit nagmamahalan sila, iniisip din nila kung
pa’no ang sarili nila.

OJIE
D

Hindi mo na ba mahal ang tatay ko?

LEA
Engot. Siyempre, mahal. Mahal ko ang tatay Raffy mo at mahal ko ang Tatay
Ding mo at mahirap intindihin iyon pero minsan, gano’n.

OJIE (nag-iisip na tatango)


Gano’n.

LEA (kukusutin ang buhok ng anak)


Naiintindihan mo na?

13

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
OJIE
Hindi pa rin.

SEQ 12: WOMEN-IN CRISIS AND SURVIVAL CENTER, EXT., and INT OF
FUNCTION ROOM. DAY.
EXT shot ng center. dapat ipakita ang karatula ng gusali, dito pa lang sa labas, mag-
uumpisa na ang tinig ng isang babaing battered woman.
ROSITA
Binuhusan ako ng gasolina ng asawa ko.

CUT to INT of function room. panning shit ng mga babae. nakaupo sila nang pabilog.

PY
nasa likuran ng grupo ng mga residente sina lea, sister ann, johnny. mga tagapakinig
lang sila sa sharing experience na ito ng mga women survivors of rape and domestic
violence.

O
sa panning shot, makikita na natin ang babaing nagkukuwento: marami siyang
pinsala sa mukha at katawan na bunga ng panununog sa kanya ng asawa. bagamat
C
magaling na ang mga sugat niya. nagdikit-dikit naman halos ang kanyang balat na
bunga ng pagkasunog.

ROSITA
D
Sa pagkabigla ko, ni hindi ko nakuhang matakot. Ni hindi ako nakatakbo.
Amoy na amoy ko ang gasoline sa katawan ko. Tapos, kiniskis niya iyong posporo.
E

Iba na iyong mata niya, parang mata ng demonyo. Sabi niya, akala mo, hindi ko
tototohanin? Tapos, ginanyan niya iyong posporo sa ‘kin. Biglang-biglang nagliyab
ang buo kong katawan.
EP

may disbelief pa rin sa mukha ng babae

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa niya ito sa


D

saakin.

14

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
2.
Excerpt mula sa “Naglalayag”
Irma V. Dimaranan

NOAH
Sandali lang. Ite-text ko lang ito.
Pilit na aagawin ni RICA ang cell phone. Hindi ipapaagaw ni NOAH.

RICA

PY
Puwedeng makita? Puwedeng tumingin?

NOAH
Teka lang, sandali.

O
RICA
Ako ang may-ari ng cell phone.
C
(May lalaking bibili ng bigas.)

LALAKI
D
Pabili nga ng bigas. Sa disinuwebe.
E

NOAH
Ayan, may bumibili ng bigas. Asikasuhin mo na.
EP

RICA (inis dahil istorbo ang LALAKI)


Ano?

Ilalabas ni NOAH ang calling card sa wallet niya. Aliw na aliw ito sa pagpindot.
D

37.
INT. BEAUTY PARLOR. HAPON.
Samantala, nang oras ding iyon.

Ang pag-text ni NOAH kay DORINA.

Makikitang mina-manicure si DORINDA ng baklang BEAUTICIAN. Sa katabing


upuan ay naroon si MAITA at nagpapa-foot spa.

15

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
DORINDA (may paghanga)
Ang bait noong batang ‘yon. Mabuti siya ang taxi driver na natiyempuhan ko.
Isipin mo, may dala siyang rosaryo sa bulsa.
Ang feeling ko safe na safe ako.

MAITA (parang balewala)


Humingi ka na kasi ng leave. Sobra ang pressure ng trabaho mo—stressful,
draining.

Biglang tutunog ang cellphone ni DORINDA. Text ni Noah.

MAITA.

PY
Baka emergency ‘yan?

DORINDA (di mababahala kung sino).


Kung si Mama ‘yan, tatawag ‘yon. Di ‘yon nag te-text. (Ituturo sa

O
BEAUTICIAN na iabot kay MAITA.) Pakiabot mo na sa kanya. (kay MAITA.)
Pakibasa mo na at pakisagot na rin at magsasalamin pa ako.

Iaabot ng BEAUTICIAN kay MAITA.


C
MAITA (habang inaalam ang nag-text).
Pareho pala tayong ng reklamo sa text, eh. Pinagtatawanan nga ako ng mga
D
anak ko. Ang sabi, Mommy, ang tanda mo na. (May pagtataka sa cell phone.)
Wala sa phone book mo. Number lang ito. Basahin ko na nga ang message?
E

DORINDA
EP

Go ahead.

MAITA (babasahin ang message).


HELLO PO. SI NOAH PO ITO. NAKIKITEX LANG PO. SANA OK PO KAYO.
INGAT PO KAYO. (Mahihiwagaan).Sinong Noah ‘yon?
D

Di agad makasagot si DORINDA, aliw na aliw. Pakiramdam niya bigla siyang pinag-
ukulan ng pansin ng bata.

DORINDA.
Naku,sagutin mo na agad. Kung nakikitext-text ‘yon siyempre hihintayin noon
na sasagutin siya agad. Pakisabi, KUMUSTA DIN POKAYO? DITOLANG
AKO SA PARLOR. INGAT DIN PO KAYO. (Magtatawa.)
Paki-send mo na.

Patuloy na maaaliw si DORINDA.

16

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
DORINDA.
Ang tanda ko na nga. Lagi akong ginagamitan ng ”po.”

BAKLA (Sisingit)
Madam, over lang ang paggamit ngayon ng salitang “po” ng mga kabataan.
Minsan hindi pagrespeto ang gamit nila, kundi parte na ng lengguwahe nila.

CUT BACK TO:

38.
INT. TINDAHAN NI RICA. HAPON.
Sa pagpapatuloy.

PY
Samantala, nabigla naman si NOAH sa madaling pagsagot ni DORINDA sa text
niya. Aliw na aliw rin ito.

O
Agad namang nagseselos si RICA.

NOAH.
C
Isipin mo, sinagot agad ako, ang bilis.

Aagawin ni RICA ang cell phone para i-save ang number at pangalan ni DORINDA
sa phone book niya. Matagal na susuriin ang calling card.
D

RICA.
E

Parang narinig ko na ang pangalang ito. ( Mag-iisip.) Saan na nga?


Di ko matandaan.
EP

NOAH.
‘Yan ‘yung babaeng kasama ko noong isang araw. ‘Yung pinatulog ko sa
bahay namin.
D

RICA (mang-iinis).
Alin,’yung matanda? Eh ba’t naman pinagsikapan mo pang matutong
magtext para sa kanya? (Ipapakita na na-save na niya ang pangalan at
number ni Dorinda.) O ayan, na-save ko na ang pangalan ng lola mo.

NOAH.
Ikaw, para kang si Nanay-wala nang nasabing maganda para sa kapwa niya.

Agawin ni NOAH and calling card, inis kay RICA.

Biglang darating si BEBENG para sunduin si NOAH.

17

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
BEBENG
Kuya, si Nanay, nagwawala. Naghi-hysteria kanina pa.

39.
INT. DAMPA NINA NOAH. HAPON.
Sa pagpapatuloy.

Ang problema ni NOAH sa pamilya.

Makikitang gulong-gulo ang isip ni DINDIN dahil sa natirik ang mga mata ng anak sa
mataas na lagnat. Patuloy naman si LORENA sa paninisi sa sinapit ni DINDIN.

PY
LORENA.
Kung hindi ka nag-asawa agad wala kang problemang ganyan.
Hanapin mo ang asawa mo at bahala siyang maghanap ng lunas sa anak
mo. Ni singkong duling wala siyang sustento.

O
DINDIN.
‘ Nay, dalhin na natin ang anak ko sa ospital. Kinukumbulsiyon na.
C
Biglang ihahagis ni LORENA ang kahon ng beads sa ngitngit.

Naririnig ni NOAH ang pagbubunganga ni LORENA habang papalapit na ito kasunod


D
si BEBENG.
E

LORENA.
Sige, ‘yan ang ibayad mo sa doktor! Tingnan natin kung tanggapin nila.
EP

Ayoko nang mag-isip ng solusyon. Ayoko na. Sawang-sawa na ako!

Biglang bubuhatin ni NOAH ang anak ni DINDIN para isugod sa ospital.

NOAH (mamadaliin si DINDIN).


D

Isunod mo ang gamit sa taxi.

40.
EXT.HARAP NG BAHAY NI DORINDA. GABI.
Kinagabihan.

Ang paghingi ng tulong ni NOAH kay DORINDA.

Nagmamadali si DORINDA sa pag-abot ng pera kay NOAH. Samantala, hiyang-hiya


naman si NOAH sa paglalakas-loob. Naiintindihan ito ni DORINDA kaya aapurahin
na habang iniaabot ang pera.

18

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
DORINDA.
Sige na. Sige na. Lakad na.

NOAH.
Ma’am, pasensiya na kayo.Wala kasi akong alam namatatakbuhan at
magtitiwala saakin kundi kayo. Babayaran ko rin ho kapagnagkapera ako.

DORINDA.
Huwag mong intindihin ‘yon. Bilisan mo na at baka kailanganin na ng
pamangkin mo ang gamot.

Hiyang-hiyang aalis si NOAH. Magmamadali.

PY
NOAH.
Salamat ho makakaganti rin po ako.

O
DORINDA (pahabol).
Salamat sa text mo noong isang araw. Ingat ka! Kumusta sa nanay mo!.

Pasakay na si NOAH sa taxi.


C
NOAH.
Makakarating po. Salamat po.
D

41.
E

INT. DAMPA NINA NOAH. UMAGA.


Makalipas pa ang ilang araw
EP

Ang pag-alala ni NOAH kay DORINDA.

Makikitang nagwawalis si NOAH ng bahay. Magaling na si Baby at naglalaro na sa


crib.
D

NOAH.
Uyyy! Kumusta na, baby. Mabuti magaling kana, ano? Ang baby, ang bait-
bait. Mana sa tito.

Sa pagwawalis, makikita niya sa ilalim ng crib ang isang bead bracelet, isa sa mga
paninda. Pupulutin at magagandahan.

NOAH.
Wow, ang ganda ah.

19

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Biglang naiisip na dahilan para makita si DORINDA. Ireregalo niya ang bracelet
bilang pasalamat.

42.
EXT. MANILA REGIONAL TRIAL COURT. HAPON.
Nang araw ding iyon.

Miss ni NOAH si DORINDA. Magbabakasakali ito na bigla niyang makitang muli so


DORINDA. Matagal itong maghihintay.

Makalipas ang ilang sandali, matatanaw na si DORINDA na palabas, hinihintay ng


DRIVER.

PY
Dali-daling lalabas si NOAH sa taxi para lapitan si DORINDA, dala nito ang bracelet
na balot sa plastic.

O
NOAH.
Ma’am, kumusta po? Uuwi na po kayo?

DORINDA
C
Oo, sana.

NOAH.
D
Ma’am, magaling na ang pamangkin ko. Ma’am, may gusto sana akong
ibigay sainyo. (Madaliang iaabot ang regalo sa plastic.)
E

Medyo mag-aalangan si DORINDA dahil naghihintay ang DRIVER.


EP

Parang biglang makikiliti ang buong pagkatao ni DORINDA sa maliit na alaala.


Pahahalagahan ito.

DORINDA (isusuot ang bracelet).


D

Ang ganda. Bagay sa suot ko. Maraming salamat. (Maaalala ang sundo.)
Pauwi ka na ba? O papasada ka pa?

NOAH.
Idinaan ko lang ho talaga ‘yan para makita kayo at magpapasalamat. (Mag-
aabot ng limang daang piso.) At saka nga pala ho ito, pangunang bayad ko.
Huhulug-hulugan ko na lang ho ‘yong one thousand five hundred.

20

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
DORINDA.
Hindi utang ‘yon. Iba ang tulong sa utang. Huwag mo nang isipin ‘yon. Mabuti
pa . . . (Lalapitan ang DRIVER.)Sandali ha. (Sa DRIVER.) Mauna ka na.
Magpapahatid na lang ako.

Susulyap ang DRIVER kay NOAH, may malisya. Aalis na ang van.

DORINDA.
Ano, saan mo gustong kumain?

NOAH
Hindi ho ako kumakain sa class na restaurant, eh. Sa mga sulok-sulok lang

PY
ho. Kung gusto n’yo sa ihaw-ihaw.

DORINDA.
Di doon tayo kakain.

O
43.
EXT. IHAW-IHAW BY THE BAY. GABI.
C
Sa pagpapatuloy.

Mas malalim na pagkakilala.


Makikitang naglalakad sina DORINDA at NOAH sa kahabaan ng bay walk.
D

Hindi mababahala si DORINDA sa edad niya na makitang kasama ang isang


E

NOAH. Mas inaalala lang niya ang kanyang seguridad sa lugar na ito. Maganda ang
takalayan ng usapan nila dito – may social relevance.
EP

NOAH.
Okey lang ba sa inyo dito?

DORINDA.
D

Ano ba ang tingin mo sa akin? Klasista?

NOAH.
Cute ho na judge.

Lalapitan na sila ng waitress para bigyan ng mesa.

NOAH.
Order na po tayo. Sigurado kayong okey lang kayo dito? Ano po ba ang
gusto n’yo? Chicken barbeque or pork barbeque?

21

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
DORINDA.
Chicken.

NOAH (sa WAITRESS.)


Isang chicken barbeque at isang pork. At saka dalawang rice.

Mauupo na sila. Pipilitin ni NOAH na maging kumportable si DORINDA.

DORINDA.
Ako, ang tingin ko sa’yo, masayang kasama, mabuting anak. May takot sa
Diyos.

PY
NOAH.
Siguro ho, nagtitiwala lang nang husto. Di ba ‘yung takot (pagsisikapang
ipaliwanag), takot ka kasi may ginawa kang masama laban sa ‘yong kapwa?
‘Yun ang wala sa mga pumatay sa tatay ko. Pero ako, may tiwala na nakita

O
sila ng Diyos. Kaya mas maniniwala ako sa hustisya sa itaas.

43A.
C
EXT. IHAW-IHAW BY THE BAY. GABI.
Sa pagpapatuloy.
D
Kumakain na sina DORINDA at NOAH.
E

DORINDA.
Hindi ka naniniwala na may hustisya sa lipunan?
EP

NOAH.
Naniniwala ako, buong-buo. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa sa
gobyerno natin at sa bansa natin. Ako naniniwala sa inyo nang husto. Kung
lahat kagaya n’yo, di walang gulo sa mundo.
D

DORINDA.
Anong kagaya ko?

NOAH.
‘Yung may tiwala sa kapwa. May simpatiya. Madaling lapitan.

Mapag-uukulan ni DORINDA ng pansin ang suot na bracelet.

DORINDA.
Ang ganda nito. Gustong gusto ko.

22

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
NOAH.
Pero alam n’yo mas bagay ‘yan doon sa suot n’yo noong isang araw.

DORINDA. (may pagtataka).


Pero paano mo nalaman na mas bagay ito sa suot ko noong isang araw?

NOAH.(mahihiyang aminin).
Kasi inaabangan ko ang paglabas n’yo. Napapikit lang ako, dumaan na agad
kayo. Nakita ko na lamang na kayo sa van n’yo. Sabi ko, sayang.

DORINDA.
Kasi lagi kang nakangiti. At kapag ngumingiti ka, nawawalan ako ng mata.

PY
Kaya hindi mo ako nakita. Teka, bakit mo nga pala ako inaabangan?

NOAH.
Wala lang. gusto ko kayong makita, makausap.’Yun bang bigla akong may
nakilalang ibang klaseng tao sa buhay ko. ‘Yung cool lang ho. Alam n’yo

O
‘yon? Sa amin kasi. Ang gulo ang ingay. Walang katahimikan.

Biglang matatanaw ni NOAH si CRIS.


C
NOAH.
Sandali lang po. Excuse me.
D

Lalapitan ni NOAH si CRIS sa counter. Parang kailangan niyang magpaliwanag sa


E

nakita nito. Mula sa kinatatayuan ni CRIS, hahagurin niya ng tingin si DORINDA.


EP

CRIS (parang kinukutya si NOAH)


Ayos ah. Iba rin ang trippings mo, ha. Ibang klase ang pasada mo.
Alam ba ‘yan ni Chichi-Rica?

NOAH (itatanggi kunwari).


D

Wala ‘yon. Pasahero ko lang. Sinasamahan kong kumain. Halika, sama ka.
Gusto mong kumain?

Iiwan na ito ni NOAH. Babalik kay DORINDA.

DORINDA.
Sino ‘yon?

NOAH.
Kapitbahay namin. Taxi-driver din. Masayahing tao ‘yon. Kasi bading. Mabait.

23

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
DORINDA.
Ikaw din naman ah, mabait. Masarap kang kasama. Ang dami mo nga lang
tanong.

NOAH.
Kasi gusto ko hong matuto. ‘Yung ganoong klaseng gutom sa nalalaman.
Mahirap ang kulang sa edukasyon. Parang pinipilit mo ang sarili mo na
matuto nang matuto.

CUT TO:

43B.

PY
EXIT. IHAW-IHAW BY THE BAY. GABI.
MATAPOS KUMAIN.

O
DORINDA.
Halos kasing-edad mo si Dennis, ‘yung anak ko. Pero hindi ganyan. Lagi kasi
yon nakaharap sa computer, kaya hindi na ako iniistorbo na tanungin.
C
NOAH.
Ang cell phone nga mahirap matutuhan – ang computer pa? Pero napipilit
naman ‘yon eh, kung talagang gusto. Kaso pag mahirap ka, wala kang mga
D
ganu’n. Dapat kasi pantay-pantay ang yaman ng tao.
E

DORINDA.
Hindi nga pwede ganu’n. Dahil hindi pantay-pantay ang talino at kakayahan
EP

ng tao na kumita ng malaki para yumaman.

NOAH.
Di dapat gumagawa ang Central Bank ng maraming pera na ibibigay sa tao.
Parang bigas. Paramihin nila ang paggawa ng pera at ipamigay sa
D

mahihirap. Di walang problema ang mahirap sa paggasta.

Malutong na tatawa si DORINDA. Maaaliw si NOAH na napatawa niya ito.

DORINDA.
Hindi nga ganu’n ang sistema, eh. Ano ka ba?

NOAH.
Ang sarap n’yo palang tumawa. Malutong. Nakakahawa.

24

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Biglang maiilang si DORINDA sa ikinilos niya, sa lugar at katayuan niya. Mapapansin
ni NOAH.

NOAH.
Bakit?

DORINDA.
Wala. Wala. Parang ngayon lang ako tumawa nang ganito kalakas.
Nakakahiya. Baka may makakilala sa akin (Iibahin ang usapan.)Ang sarap
pala ng pagkain dito. Dinadala mo rin ba ang girlfriend mo dito?

NOAH (magkakaila).

PY
Wala nga ho akong girlfriend.

DORINDA.
Eh ‘yung babaeng pasulyap-sulyap sa atin noon? Halata ko siya.

O
NOAH.
Type lang siguro nya ako. Mahilig kasi ‘yon sa gimik, hindi naman niya
maiwan ang tindahan.
C
May paikot-ikot dito na BATANG BABAE na nagbebenta ng single rose. Gusto itong
tawagin ni NOAH para ibili si DORINDA, pero maiilang na baka tuksuhin siya ng mga
D
kakilala niya sa paligid. Ramdam ni DORINDA ang balak ni NOAH.
E

DORINDA (itutuloy ang nasimulang kuwento).


Di pasulyap-sulyap ka rin sa palay.
EP

DORINDA.
Di tutukain mo rin?

NOAH.
D

Ganu’n lang naman ‘yon eh. Parang ka-MU. Kasi nandu’n siya. Siya ang
malapit. Okey naman siya. Mabait. Kasundo ni Nanay at ng mga kapatid ko.
Matulungin.

Sandaling mananahimik si NOAH para basahin ang mukha ni DORINDA.

NOAH.
Alam n’yo tuwang-tuwa akong noong bigla kayong sumasagot sa text ko. Di
ko talaga akalain. Kay Rica ako nagpaturong mag-text.

25

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
DORINDA.
Alam mo naman, tuwang-tuwa rin ako noon na matanggap ang text mo. Kaya
lang puro “po.”

NOAH.
Nahihiya kasi ako.

DORINDA.
Pero napansin ko, habang nag-uusap tayo ngayon, nawawala na ang mga
“po” mo. Binibilang ko kasi kanina.

NOAH (may pagtataka).

PY
Binibilang n’yo?

DORINDA.
Nagbibilang ako ng mga kasinungalingan sa korte. Sanay akong magbilang.

O
Muling lalapit ang BATANG BABAE na may roses. Akma na namang tatawagin ito ni
NOAH. Mapapansin uli ito ni DORINDA. Muli niyang gagambalahin ang atensiyon ni
NOAH.
C
DORINDA.
Noah, mabuti pa, magpabalot tayo ng barbecue. Iuwi mo sa bahay.
D
Pasalubong mo sa mga kapatid mo.
E

Mapuputol na naman ang pagtawag ni NOAH sa batang babae.


EP

44.
EXT. HARAP NG BAHAY NI DORINDA. GABI.
Makalipas ang ilang sandali.

Ang paghahatid ni NOAH kay DORINDA.


D

Bago bumaba si DORINDA sa taxi, aalisin niyo ang SIM card ng cell phone niya at
ibibigay ang cell phone kay NOAH.

DORINDA.
Sa ‘yo na ‘to. Kasi di ba noong isang araw, naki-text ka lang?
Palitan mo nalang ng bagong SIM card.

Hindi ito matanggap ni NOAH. Kung ano-ano ang idadahilan.

26

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
NOAH.
Hindi naman talaga ako mahilig sa cell phone. Kung gusto ko talaga, marami
rin naman akong napupulot sa taxi, mga cell phone na wala nang
naghahabol, iniiwan ko na lang sa kompanya. Marami ring tinda na
secondhand sa bangketa, ‘yung GSM-Galing Sa Magnanakaw.

DORINDA.
Eh kaya maraming nagnanakaw at nang-i-snatch kasi malaki ang market ng
secondhand. (ipipilit ang cell phone.) kunin mo na ‘to. Kailangan mo rin ito sa
trabaho mo, lalo na kapag nasiraan ka sa gabi. Makakatawag ka kapag
emergency.

PY
Pagbabani DORINDA ng taxi, susunod si NOAH para ihatid ito sa gate, pero may
matatanaw siya na magandang bulaklak sa may bakod. Pipitasin ito ay ibibigay kay
DORINDA.

O
NOAH.
Para sa ‘yo. Kanina pa kasi kitang gusto bigyan ng bulaklak.
C
Kikiligin si DORINDA – alam niyang kanina pa di mapakali si NOAHna bigyan siya
ng roses.

DORINDA.
D
Napansin ko nga.
E

Aamuyin ni DORINDA ang bulaklak na bigay.


EP

DORINDA.
Salamat. Hindi ko ito napapansin noon. Mabango pala.

Maiilang sila sa isa’t isa. Parang napakalaking bagay kay DORINDA na binigyan siya
ni NOAH ng bulaklak.
D

Mag-aalangan sila sa pagpapaalam. Kapwa sila nagsisimulang mahulog sa isa’t isa


– mabigat na ang loob sa paghihiwalay.

NOAH.
Pasok ka na.

Papasok na si DORINDA sa gate, pero di pa umalis ang tinign kay NOAH.

Hindi rin makasakay agad si NOAH sa taxi, pinapanood ang paglalakad ni


DORINDA.

27

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
DORINDA (maasiwa, lilingunin si NOAH).
Bakit?

NOAH (mahihiya sa panood sa kanya).


Wala . . . wala. Wala lang. sige, pumasok ka na.

DORINDA.
Nandito na ako, eh. Lakad na.

NOAH.
Hihintayin kong makapasok ka. Para safe ka.

PY
DORINDA (maiilang pero matatawa).
Para safe? Lumakad ka na.

NOAH.

O
Sige. Sweet dreams.

Mukhang hindi pa rin nila mapilit ang mga sarili na magkahiwalay at mawala ang isa’t
isa sa paningin.
C
45.
D
INT. KUWARTO NI DORINDA. GABI.
Sa pagpapatuloy.
E

Isang kakaibang pakiramdam na aaliw kay DORINDA sa mga susunod na araw.


EP

Aamuy-amuyin niya ang bulaklak na parang dama de noche lang, matapos ay iipitin
sa kanyang notebook.

Hihimasin din ang bigay na bracelet – mga simpleng bagay na nagpapahalaga sa


kanyang pagkatao at pagkababae.
D

28

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
3.
BEEP, BEEP, BEEP, ANG SABI NG JEEP
Willie Revillame
Words by Lito Camo

[Verse 1:]
Ako ay may alaga
Aso at pusa
Hindi nangangagat, nakakatuwa
Ang aso ay si doggie

PY
Ang pusa ay is pussie
Hindi nag-aaway
Parang tito vic and joey
Kahit anong gawin, bali-baliktarin
Hindi nangangagat

O
Nakangiti parin
Silang dalawa ay solid, kahit aso't pusa
Ngunit bakit ang tao
Di nila magawa?
C
[Chorus:]
D
Beep beep beep,
Ang sabi ng jeep
Beep beep beep beep beep
E

Beep beep beep,


Ang sabi ng jeep
Beep beep beep beep beep
EP

Beep beep beep


Ang sabi ng jeep
Beep beep beep beep beep

[Verse 2:]
D

Ako'y bumili ng lobo


At lumipad sa langit
Sayang lang ang pera
Ayoko nang maulit
Sana'y naisip ko
Na pagkain na lang
Ang aking binili
Nang hindi nanghihinayang
Kaya sa susunod tatandaan ko na
Ang tama at mali nang hindi nadidisgrasya
Hindi tayo perpekto katulad ng iba
Tayo ay tao lang, at siyempre
Pati sila

29

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
[Chorus:]
Beep beep beep,
Ang sabi ng jeep
Beep beep beep beep beep
Beep beep beep,
Ang sabi ng jeep
Beep beep beep beep beep
Beep beep beep
Ang sabi ng jeep
Beep beep beep beep beep

[Verse 3:]

PY
Doobi doobi dapp dapp(3x)
Doobi doobi dipp dipp
Doobi doobi dapp dapp
Du dapp da dapp
Bee-beep beep beep beep beep beep beep beep

O
Dibby dabba
Dooboo dabba (3x)
Beep beep beep beep beep beep beep beep
Sabi ng jeep, sabi ng jeep, sabi ng
C
Bee bee bee bee bee bee bee bee bee bee bee beep (fast)
Pubo purro bap bap
D
Purro pab bap bap
Beep (18x)
Beep, beep, beep, beep
E

[Verse 4:]
Ang buhay naming tao
EP

Parang gulong ng jeepney


Madalas nasa ilalim
Sa ibabaw si kumare
Minsa'y nauuna, minsa'y nahuhuli
Dapat matulin ka nang ikaw ay makarami
D

Dapat mag-ingat ka sa iyong pagmamaneho


Nang hindi nagagalit
Ang mga pasahero
Wag singit ng singit
Sa mga masisikip
Baka maipit ka
At magkasabit-sabit

30

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
[Chorus:]
Beep beep beep,
Ang sabi ng jeep
Beep beep beep beep beep
Beep beep beep,
Ang sabi ng jeep
Beep beep beep beep beep
Beep beep beep
Ang sabi ng jeep
Beep beep beep beep beep

Mamang tsuper para na sa tabi


Hanggang sa huling biyahe

PY
Mamang tsuper para na sa tabi
Hanggang sa huling biyahe
Beep beep beep beep beep
Beep beep beep beep beep
Beep beep beep,

O
Ang sabi ng jeep
Beep beep beep beep beep C
Beep beep beep
[mama, para!]
Beep!
E D
EP
D

31

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
4.
# Pag-ibig
Rolando Tolentino

Ang simula ng pasukan, parang pag-ibig: commitment ito, may anxiedad; kahit ilang
ulit na, parang bago pa rin.

…………………………………………………………………………………………………..

PY
Ang pag-ibig parang masayang pagbabalik: idea palang, exciting na. kaya
kelangang umalis para makabalik.

…………………………………………………………………………………………………..

O
◙◙ Ang gugma kapareho sang masadya nga pagbalik: idea palang eksayting na.
gani kinahanglan nga maglakat agud makabalik. #Hiligaynon

…………………………………………………………………………………………………..
C
◙◙ Ang paghigugma daw masadya nga pagbalik: ideya pa lang,exciting run. Amo
nga kinahanglan maghalin para makabalik. #Kinaray-a
D
…………………………………………………………………………………………………..
.
E

Wala namang tunay na kahandaan sa pag-ibig. Madalas, just do it!


EP

…………………………………………………………………………………………………..
.

◙◙ Ala namang tutung pamiadya kung lugud. Madalas, gawan mu nya mu!
D

#Kapampangan
……………………………………………………………………………………………….....
.

Pag sinabi ng sinta. “ang bigat mo na kasi” antayin ang arangkada ng hangin at
magpatangay, di naman ah.”

…………………………………………………………………………………………………..

◙◙ Istung sinabi na ning lulugad deka “mabayat na ka kasi” panayan me ing tiyup
ning hangin at takiki na ka mu, “ali naman.” #Kapampangan
…………………………………………………………………………………………………

32

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
…………………………………………………………………………………………..........

Pag umibig sa araw, mag-ingat makita agad ang lahat. Lagyan pa rin ng misteryo’t
pag-aabang.

………………………………………………………………………………………….............

◙◙ Kon magkaila sa adlaw, maghaeong nga makitan it tanan. Butangi ‘ta it misteryo
ag pahueata eang. #Akeanon

…………………………………………………………………………………………………

Umibig pag nagdidilim, may oras, babala’t misteryo, exklusibilidad at excitement.

PY
Ang pag-ibig parang Boracay: isang malaking imahen ng pagnanasa.
…………………………………………………………………………………………………

◙◙ Ro pagkaila hay kapareho it Boracay: isaeang mabahoe nga imahenit ueag.


#Akeanon

O
…………………………………………………………………………………………………

◙◙ Ing lugud anti y among Boracay: metung yang maragul a imahi a pagnasan.
C
# Kapampangan
D
…………………………………………………………………………………………………

Umiibig na parang Biyernes ng gabi: excited na ma ba naman, may kapiling naman,


E

may inaasahan naman.

………………………………………………………………………………………................
EP

Ang leksyon sa pag-ibig parang pagkatalo ni Jessica Sanchez: wag hanapin ang
sarili sa iba.

…………………………………………………………………………………………………
D

◙◙ Ang leksyon sa gugma parehas sa pagkapildi ni Jessica Sanchez: ayaw


pangitaa imong kaugalingon sa uban. #Cebuano

…………………………………………………………………………………………………

Ang pagkalaglag sa pag-ibig may Jessica Sanchez moment: mabigat, di kontrolado,


nanghihinayang, bakit?

…………………………………………………………………………………………………

33

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
5.
Ang Sinabi ng Aldub
Louie Jon Sanchez

Panayam sa Heights Creative Talk, November 6, 2015, Pamantasang Ateneo de


Manila

Kahapon ay ipinagdiwang ng programang Eat Bulaga ang “17th week-sary” ng

PY
samahang Aldub. Ang tagal na pala talaga, kung tutuusin, at talagang naitaguyod at
napanindigan nito ang kasikatan, kung susumahin ang milyong tweets nang itanghal
nito ang sinasabing “Tamang Panahon” sa Philippine Arena, ang kabi-kabilang
talakay at pagpansin sa iba’t ibang daluyan ng lokal at internasyonal media, at ang
sa ngayong walang sawang pagtangkilik ng mamamayan dito. Mahalaga ang

O
pagbibigay-diin sa pariralang sa ngayon dahil nilalang ang Aldub ng
kontemporaneong panahon. Dahil kasama naman talaga rito ang usapin ng
“panahon”, nais kong magsimula ng aking pagbabahagi hinggil sa mga kahingian ng
C
ating kontemporaneong panahon, na mahalagang pinag-uukulan ko ng sa
kasalukuyan ngayon habang sinisikap kong buuin ang mga ideya ko hinggil sa isa
pang kontemporaneong anyong pantelebisyon na nauna ko nang ipinaliwanag, ang
D
Teleserye. Mahahalagang susing salita ko sa aking kasalukuyang pag-aaral ang
kontemporaneong panahon, at ang Teleserye, sapagkat binibigyang kahulugan nila
ang isa’t isa bilang kulturang popular ng ating panahon. Ang Teleserye, sa isang
E

banda, ay ang anyong pasalaysay ng ating kontemporaneong panahon, na


nagtatanghal ng mga kasalukuyang kuwento at drama (na maaaring ilarawang
EP

“aksiyon”, “pagkilos”, o “pagtatanghal”, sang-ayon sa etimolohiya ng salita). Ang


kontemporaneong panahon naman, ang panahong kasalukuyan, ang siyang lumikha
at humubog sa Teleserye, batay sa kaligirang pangkasaysayan ng brodkasting sa
Filipinas at iba pang pag-aanyong pangkultura na nagbibigay-anyo sa ating mga
napapanood ngayon sa telebisyon. Ang tinaguriang “Kalyeserye”, ang
D

pangkalahatang etiketa ng samahang Aldub, ay malinaw na hango sa dalumat ng


Teleserye, ang siyang itinatawag natin ngayon sa mga lokal na soap opera. May
kasaysayan ang mga salita at pagbabansag, kung kaya mahalagang
mapahalagahan ang mga sandali ng pagpapangalan. Nitong nakaraang linggo,
nagbahagi ng kaniyang matalim na paliwanag si Dr. Soledad S. Reyes sa
Rappler.com hinggil sa kaniyang pagbasa sa Aldub. Pinahalagahan niya ang pag-
uugat ng phenomenon sa kasaysayang pampanitikan at diskurso ng kulturang
popular. Hindi naman na natin mapapasubalian ang kaniyang nakitang matalik na
kaugnayan ng pangyayaring ito sa telebisyon sa napakaraming tinangkilik na aliwan
at panitikan mula pa man noong unang panahon. Ngunit sa ganang akin, hindi pa
gaanong naisisiyasat o nadadalumat ang pagpapangalan, kahit naman sa

34

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Teleserye, na tinangka kong gawan ng paliwanag noong isang taon, nang buksan ng
Kagawaran ng Ingles, Pamantasang Ateneo de Manila, ang kursong The Philippine
Teleserye (na muling magbubukas sa susunod na semestre). Ang pagbigkas ng host
ng Eat Bulaga na si Joey De Leon ng salitang “Kalyeserye” sa isa sa mga unang
episode ng phenomena—dahil nga ang mala-mala Teleseryeng umuusbong sa
pagitan nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub, ay nagaganap sa
kalye, sa labas ng malamig, komportable, at makinang na studio ng noontime
show—ay isang muhong dapat nating balikan, sapagkat laman nito ang
makapagpapaliwanag hinggil sa telebisyon bilang nagpapatuloy na kulturang
popular sa Filipinas. Mabilis ang mga paghuhunos sa telebisyon, at ano mang
makapagkamal ng tagal sa eyre ay dapat nang itangi, tulad ng salitang Teleserye,
nainilungsad 15 taon na ang nakalilipas, nang ipalabas ang unang Pangako Sa ‘Yo.

PY
Ang tagal nanatutunghayan natin sa Aldub sa kasalukuyan, at ang samut-saring
diskursong nalilikha nitöpositibo man o negatibo—ay tanda ng isang mahalagang
katangiang dala ng mga telebiswal nateksto ng kontemporaneong panahon: ang
katangiang ito ay ang pagiging rebolusyonaryo,mapagbago.

O
Ano nga ba ang lumikha sa Kalyeserye bilang isang Teleserye? Marahil, isa munang
maiklingpagbabalik-tanaw sa ating kontemporaneong kasaysayan. Nasabi ko nang
C
ang Teleserye ay rebolusyonaryong lohika ng rebolusyon sa Edsa noong 1986, na
nagpabalik at nagtatag na muling demokratisadong brodkasting. Mahalaga ang
kalayaan sa brodkasting sapagkat hindilamang nito nabuksan ang mga posibilidad
ng mga pagtatanghal na telebiswal; binuksan dinnito ang industriya sa daigdig,
D
habang sa isang banda, iniinda pa rin ang pagkakakalat ng mga Filipino sa iba’t
bansa dahil sa naunang itinaguyod na diaspora at kulturang balikbayan ngnapatalsik
E

na rehimen. Sa yugtong iyon, nagkaroon na tayo, hindi lamang ng tanaw


napambansa, kundi tanaw na planetaryo, wika nga ni Gayatri Spivak. Magsisimulang
EP

magkaroon ng kaakuhan ang soap operang Filipino sa pagyugto ng bagong milenyo,


at matapos magsimulang magkaroon ng edukasyon sa pamamagitan ng mga
kapanabay na “Tagalisadong”telenovela mula sa Amerika Latina at mga Asianovela
mulang Taiwan at South Korea, uusbongsa 2000 ang pangalang “Teleserye” (na
pagtatambal ng mga salitang “tele” mula sa telebisyon,at serye, na tumutukoy
D

naman sa pangunahing katangian ng soap opera, ang pagiging tuluyan) sa


pamamagitan ng Pangako Sa ‘Yo, na masasabing hindi lamang unang yugto ng
paggulang ng soap opera matapos ang Rebolusyon ng 1986, kundi pagsapit din ng
soap opera sapagiging kulturang popular na Filipino sa antas na global. Tandaan
natin na nag-trending din ang Pangako Sa ‘Yo sa iba’t ibang panig ng daigdig,
matapos itong mailako sa merkadongpandaigdig. Ang pag-tetrending o pagsikat sa
isperang pandaigdig ay isang mahalagang idinulot ng rebolusyong pantelebisyon sa
Filipinas, na nagsilang nga sa Teleserye. Kung tatanungin ako hinggil sa kahanga-
hangang pagsikat ng Aldub, madaling maipapagunita ang birtud ng Pangako Sa ‘Yo,
na sumikat at pinag-usapan sa di ilang bansa sa Africa, sa America, at sa mga
karatig-bayan sa Timog Silangang Asya. Ngunit ang planetaridad naaking sinasabi

35

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
rito ay hindi lamang dapat ituring na nakatuon lamang ang lansin sa banyagang
awdyens. Dahil nga nangagkalat tayong mga Filipino sa lahat ng lupalop ng daigdig,
hindi kataka-takang makagawa tayo ng ingay bilang isang kultura, lalo na kung
mayroon tayong sabay-sabay na tinatangkilik tulad ng Aldub. Ganitong trend, kung
baga, ang nakita sa isang narinig kong pagsusuri sa bilang ng tweets ng Aldub,
noong kasagsagan ng natatanging pagtatanghal ng “Tamang Panahon”, ang kauna-
unahang pagtatagpo ng ating mga bida mula sa kanilang estadong split-screen. Sa
panahong ito, matapos ng pagbabalik ng demokratisadong telebisyon sa Filipinas,
nakatuon na tayo sa pandaigdigang ispera, kahanayang mga tinatangkilik din nating
serye mula sa US, America Latina, at Silangang Asya. At may bentahe tayo dahil
nangangkalat ang mga Filipino sa buong mundo. May agarang awdyens na tayo
saan mang lupalop na maging mabenta ang ating mga Teleserye. Totoo, nakatulong

PY
nang malaki ang social media sa walang puknat na diskurso hinggil sa Aldub, at
hindi na natin ipagtatanong pa ang dalang kasikatan ni Mendoza mula sa kaniyang
kalát na mga Dubsmash. Ngunit sa isang masusing pagsusuri, makikitang ang
tagumpay ng Aldub ay isang pinagsama-samang pormula ng estratehikong

O
pagpapalawak ng sakop ng telebisyon/ mainstream media sa plataporma ng social
media at ng isang makasaysayang proseso ng paghuhunos ng soap opera matapos
ng 1986, na naghandog nga ng isang pangalang hindi natin akalain ay maitatawid
C
ang sarili matapos ang 15 taon. Kaya talagang nasiyahan ako sa pagdating ng
Aldub. Para sa akin, patunay ang patuloy na pagsikat nito, at ang pagiging
pandaigdigang phenomenon into, sa nararapat na pagpapahalaga sa Teleserye
bilang isang genreng telebiswal na sariling atin. Nang maisip ni De Leon na ipihit ang
D
wika ng umuusbong na pag-iibigan nina Richards at Mendoza patungo sa Teleserye,
sa pamamagitan ng katagang “Kalyeserye”, wari’y naigiit ang panimulang haka ko
E

noong isang taon sa umiiral na pagkamalaganap ng konsepto, at ng pagiging ikoniko


nito sa kulturang popular.
EP

Ngunit ano pa nga ba ang rebolusyonaryo sa Aldub, bukod sa pagiging supling nito
ng Teleserye, na supling na telebiswal naman ng rebolusyong 1986? Una, wari bang
ipinaramdam nito sa noontime show, sa pamamagitan ng Eat Bulaga, isang muhong
telebiswal mula sa sumakabilang panahon (tandaang sumilang ang palabas noong
D

1979), ang tatag nito bilang isang kontemporaneong genreng telebiswal. Agad-agad
na masisilayan dito ang agon o tagisan ng dalawang genre na ito, na bumubuo sa
institusyong telebiswal sa Filipinas. Nang una akong hingan ng pagsusuri hinggil sa
Aldub, ang bagay na ito ang aking pinuna. Ang wika ko, mukhang isinusuko ng
genre ng noontime show ang sarili nito sa hegemoni ng Teleserye, na siyang
bumubuo sa halos pangkalahatan ng ating araw-araw na danas ng panonood ng
madla (tandaang may mga teleserye na nga sa umaga bukod sa traditional na mga
teleserye sa hapon; natural na natatangi ang mga teleserye sa gabi). Mag-iisang
buwan pa lamang noon ang Aldub nang isulat ko ang pagsusuri, at ang totoo,
pinagdudahan ko ang bisa ng walang-plano-plano at biglaang kiligan sa kilalang
segment na Juan for All, All for Juan, na sinusundan ko noon pa man sapagkat

36

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
nakatatawa ang tatlong nagdadala nito na sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo
Ballesteros. Ang sabi ko pa nga, baka kailangang planuhin na ang takda, ang
tamang panahon ng pagwawakas nito. At dahil Teleserye naman ang hulmahan nito,
dapat itong magtapos sa isang maatikabo at kapanapanabik na paraan. Mahirap
ipanukala ang inaasahang kasal dahil may hibong kusang nangyayari ang lahat sa
palabas, nakabatay sa siste at galing ng palitan ng diyalogo, at may epekto ring
mala-mala totoo. Kaya kahanga-hanga ang bawat metapiksiyonal na pagpihit ni
Bayola, aka Lola Nidora sa tuwing nadadala ang magkapareha sa kantiyawan:
aktingan lamang ito, hoy! At saka niya ibabalik ang gunita ng namayapang si Babalu
sa kaniyang paggaya sa pagsasalita nito, na magiging hudyat naman sa
pagtatanong ng “asawa ni”, na batid naman natin ang sagot.Tuluyang binago
ngkiligan ang segment upang maghunos bilang isang Teleserye tanghali, Isang

PY
Teleserye sa kalye, sa ilalim ng sikat ng araw. Ang pag-iral ng segment sa labas ng
studio ay isa na ngang inobasyong masasabi: inilabas na ang ispektakulo, inilapitsa
mamamayan, at sumusugod pa sa kabahayan ng masusuwerteng tinatawagan
upang makapagpamigay ng papremyo. Marami nang dramang inilantad ang Juan for

O
All, All for Juan, at sa ganang akin, malaon nang nagtatanghal ng mga Teleserye ng
tunay na buhay, na unang pinauso ni Willie Revillame sa Wowowee, at kahit sa
kasalukuyan niyang Wowowin. Marami nang umiyak sa palabas bago at matapos
C
mapapremyuhan. Isa lamang ang Aldub sa inobasyon ng mismong segment, na
naghunos na rin nang makailang ulit, sa pamamagitan ng pagpapakilala ng iba pang
host, tulad ng aktres na si Marian Rivera, at nito ngang huli, ng paglikha ng
samutsari at kakaibang karakter tulad ni Lola Nidora, na lola ng naunang
D
ipinakilalang manggagamot at manlalakbay na si Dora the Explorer.
Pinangatawanang tuluyan ng Juan for All, All for Juan ang paglitaw ng isang
E

Teleserye sa palabas, at bumuo na nga ng iba pang karakter na


makapagpapatingkad sa paglalahad ng nakakikilig na pag-iibigang Aldub, na
EP

karaniwang pag-iibigan sa pagitan ng isang guwapong binata at isang katulong.


Nabasa at napanood na natin ang mga pigurang ganito, kaya madaling sundan, at
madaling paunlarin. Naging lunsaran pa ito ng didaktikong mithiin nang magsimulang
bumigkas si Lola Nidora ng mga aral sa buhay, at hindi lamang sa buhay-pag-ibig.
Ikinatuwa ito ng mga taong-simbahan at ginawaran ang Eat Bulaga sa mga handog
D

na pagpapahalaga. Katanggap-tanggap pala ang pagbibihis-babae sa Simbahang


Katolika, basta may dala kang aral, ala Urbana at Felisa. Sa maikling salita, ang
dami nang nangyari sa loob ng 17 linggo ng pagtakbo ng Aldub. Marami na ring
nasabi, at sinasabi pa, tulad ng sa pagkakataong ito na ibinigay ninyo sa akin. May
nagbago ba sa unang munakala ko? Marami. At marami rin akong kinamanghaan sa
araw-araw na pagsubaybay ko rito, bukod sa likas nitong pagkaintertekstwal at
pagkamalikhain. May araw din namang parang walang latoy ang dramahan. Ngunit
napatunayan ng 17 linggong pananatiling tinatangkilik ng Aldub hindi lamang ang
kontemporaneong bisa ng Teleserye; napatunayan din nito ang tibay ng genre ng
noontime show, sa pamamagitan ng Eat Bulaga, na makasabay sa takbo ng
panahon.

37

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Subalit, ang totoo, hindi madaling makita ng maraming nasusuya at nagtataas ng
kilay ang mga sinabi ko na, maging ang mga inilatag na patunay ni Dr. Reyes sa
kaniyang artikulo noong isang linggo. Hindi madaling makita sapagkat mas pinipiling
huwag makita. Hindi pa rin tayo makahulagpos sa mababang tingin natin sa mga
tekstong tulad ng Kalyeseryeng Aldub at ng mga Teleserye sa pangkalahatan. Nang
ipakilala ng Kagawaran ng Ingles ang kursong Philippine Teleserye Elective,
pinagtaasan kami ng kilay ng maramisa social media at binansagan pa nga tayo sa
Ateneo de Manila bilang kapritsoso sa paglalaan ng panahon sa halos walang
kawawaang bagay tulad ng dramang pantelebisyon. Malaki talaga ang kinalaman ng
panahon sa usaping ito, sapagkat maraming bahagi ng kultura ng pang-araw-araw
ang madalas na ituring na karaniwan at hindi na kailangang pag isipan pa. Noong
isang araw, napakamot ako sa ulo nang mabasa ang isang letter to theeditor mula

PY
sa Inquirer, kung saan nagrereklamo ang lumiham hinggil sa “lubhang kababawan”
ng Aldub. Siyempre, narinig na natin ang mga ganito nang makailang ulit. Nabasa ko
rin ito sa kung saan-saan nang ilungsad ang Philippine Teleserye Elective. Malalim
na paratang ang kababawan sapagkat bukod sa matagal nang nagkaroon

O
ngpaglilinaw ang mga tagapagtaguyod ng Araling Pangkultura o Cultural Studies
hinggil dito,nakapagtatakang babaw pa rin ang ating isyu sa kabila ng dami ng
talakay na nahalukay ng pag-iibigang Alden at Yayadub. Binaybay na ng
C
phenomenon ang usapin, mula sa tagumpay nito bilang isang brand sa merkado,
hanggang sa pagiging panitikan nito, na tinupad nga ni Dr. Reyes noong isang
linggo, at sinisikap tuparin ng inyong lingkod sa pagkakataong ito. May binabanggit
si Michel Foucault hinggil sa transdiskursibilidad (transdiscursivity) ng mga teksto.
D
Ang mahusay na teksto, sang-ayon sa basa ko kay Foucault, ay hindi lamang
nakapapaslang ng awtor (na siya ngang nangyayari sa mga kasalukuyang
E

Teleserye, na may mga “awtor” mang naka-byline ay talagang pinatatakbo ng


makinarya ng produksiyon); nakapagtutulak din ito ng iba pang diskurso. Hindi na
EP

marahil pagmamalabis ang sabihing angkin ng Aldub ang transdiskursibilidad, hindi


lamang dahil laman ito ng usapan, mulang palengke hanggang pulpito. Sa isperang
madalas nating binabalingan, ang ispera ng talakayan, marami na itong nasabi, at
marami pa ngang sinasabi, bukod sa natural na pagkiling natin sa mga pigura ng api
at marhinal tulad ni Yaya Dub, ang kakatwang katulong, na noong una’y
D

hinahadlangan ang kaligayahan at halos wala ngang tinig maliban sa kung ano ang
ipatugtog para sa kaniya, na siya namang kaniyang ida-dub. Sa kawalang-tinig ni
Yaya Dub, maraming mga naisatinig, tulad halimbawa ng kapangyarihan ng mga
tagasunod ng Aldub, na hindi naman makatarungang bansagan na lamang na
“bulag” na mga tagatangkilik ng nasabing sikat na textong telebiswal. Sa panahong
nalalapit ang pambansang halalan, wari bang pinasisilay sa ating lahat, lalo na
marahil sa mga nagtataas ng kilay, ang potensiyal ng mistulang kilusang ito, na
nakapagpapuno ng dambuhalang Philippine Arena matapos ng ilang oras ng
paglalako ng tiket at nakapagpatrend sa phenomenon sa social media sa buong
mundo. Laos na, para sa akin, ang pag-alipusta sa mga textong telebiswal tulad ng
Teleserye, dahil binubuhay lamang nito ang tinalikdan na’t nilumang pagpapahalaga

38

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
sa pag-uuri ng mga sining at kultura. At hindi tayo nangangatwiran sa paraang ad
populum dito; ang sinasabi ko lamang, kung nakapagpapakilos nang ganito ang
isang textong telebiswal, malaki ang potensiyal ng mga tulad ng Teleserye na
makapagtulak ng maraming mithi o kabaguhan sa bayan nating sawi. Kapuri-puri, sa
ganang akin ang “kilusang” inilungsad ng pagtatanghal ng “Tamang Panahon”:
ninais nitong magtayo ng mga aklatan. Sabihin na nating pinakikilos pa rin ito ng
kamay ng komersiyo, na nakauumay ding laging marinig, lalo sa bayang ito kung
saan hindi magawang masugpo ang isa pang nagtetrending ngayon sa social media,
bukod sa Aldub: ang tanim-bala sa mga airport. Isa sa mga epektong transdiskusibo
ng Aldub ay ang paghuhunos nito bilang isang pagkilos para itaguyod ang
edukasyon, bagay na bahagi ng malaon nang proyekto ng All for Juan, Juan for All
na mangolekta ng mga plastik na bote para gawing silya sa mga paaralan. Sapat

PY
nang negosasyon para sa akin ang gayong mithiin, kahit kailangang kabakahinang
lintsak na kapital. Sa akin, higit na isang matalinong pagharap sa pagtatakda ng
kapitalang gayong mga interbensiyon, kaysa isang lubos na pagpapalamon dito.May
sariling etika ang ating telebiswal na konteksto na kailangang lubos na unawain,
lalo’tmadali itong problemahin sa paninging Kanluranin. Ang hirap kasi sa mga

O
arkanghel ng media ethics, nakaliligtaan nila, o marahil ay hindi talaga nila nakikita,
na likas sa midyang Filipino ang interbensiyon, ang matalik na ugnayan ng midya sa
C
awdyens, lalo’t kinakabaka araw-araw ang pagkainutil ng mga institusyon ng estado.
Oo naman, may masama itong epekto sa tao, lalo kung umaasa ka na lamang sa
mabuting gulong ng palad. Kaya katanggap-tanggap din sa isang banda ang
pagsasabing problematiko rin ang palagiang pag-asa sa suwerteng dala ng mga
D
pakontes ng palabas na tulad ng Eat Bulaga, o mga reality show kung saan
maaaring maging daan sa pag-ahon mula sa kahirapan ang pag-aartista.
E

Sa huli, kailangang maigiit ang ilang bagay. Likas na mapaglaro ang Aldub, parang
EP

pusóng, naghuhunos araw-araw, dala na rin ng inobatibong katangian ng mga


magulang na genre nito na noontime show at Teleserye. Mahirap tuldukan ang hindi
pa natatapos na pangungusap nito, at araw-araw na pangungusap sa taumbayan.
Ang hula ng ilan sa amin sa Kagawaran ng Ingles, baka umabot pa ito ng Valentine’s
Day. Marami pa sa hanay namin ang ngayon-ngayon pa lamang nakasusumpong sa
D

birtud at kilig ng Teleseryeng aksidenteng sumulpot sa pusod ng noontime show, at


hindi iilan ang hindi nakaiwas magulumihanan sa pangyayaring sinakop ng drama
ang isang institusyonal na palabas na nakamihasnan nang may sarilng anyo at
katangian. Sa yugtong pos-estruktural at posmoderno, madaling bigyang
pakahulugan ang Aldub bilang isang imbensiyon ng kontemporaneong pag-aanyo ng
kultura, kung saan kaibang-kaiba na ang mga danas ng panahon at espasyo. Iyan
ang itinuturo sa atin ng romansang split-screen na masasabing pangunahing balakid
sa pag-iibigan nina Richards at Yaya Dub. Ngunit sa mga yugto ring nabanggit,
totoo, walang forever, at kayhirap makita nito. Papaano kasi, lahat ay nangyayari
ngayon, sa kasalukuyan, at hindi agad-agad mapipiho ang bukas. Kaya rin, sa aking
palagay, noong papasimula ang Kalyeserye, naging mahalagang bahagi ng

39

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
karakterisasyon ni Lola Nidora, na tiyak namang sagisag ng luma, makalumang
pahahon, ang nostalgia niya sa nakaraan. Hindi nga ba iniugnay pa niya ang
kaniyang sarili kay Adolf Hitler? Nakakagitla, nakatatakot, lalo ngayong parang
hinahangad ng taumbayan ang pagkakamit ng pamahalaang may kamay na bakal
dahil na rin sa lubhang pagkabigo ng mga institusyon sa bansa. Iyon kaya ang
subliminal na mensahe sa atin ng mga pagbabalik-tanaw ni Lola Nidora, ng paglitaw
ng kaniyang mga retokadong larawan sa social media, na pangunahing plataporma
ng pagsikat ng Kalyeserye? Mahirap talagang ilugar ang mga sinasabi ng
phenomenon ng Aldub. Kaya talagang ipinagtataka ko ang palagiang paimbabaw na
paghusga rito. Mahirap manatili sa nibel ng rabaw nito sapagkat puspos ito sa siste
at parikala sa kaibuturan, may puso pang naghahangad ng paglilingkod sa
panahong natatalikdan ng estado ang mga responsabilidad nito sa mamamayan.

PY
Siyempre, may politikal na ambiguwidad din naman ito, lalo’t kung isasaalang-alang
ang mga kakatwang posisyon sa ispera publika ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III, na
nananatiling ispektro ng palabas sa pagiging tanging monumento ng tagumpay ng
Eat Bulaga sa larang ng politika. Matagal nang may politikal na kapital ang Eat

O
Bulaga sa katauhan ni Sotto, na makailang ulit na pinulaan dahil sa kaniyang
pangongopya ng teksto, maipagtanggol lamang ang kaniyang inaagiw na
paninindigan hinggil sa Reproductive Health Law. Ganitong mga polaridad, ng
C
paglingap sa mamamayan at pamomosisyon sa politika ang napanagumpayanng
Eat Bulaga sa higit tatlong dekada nitong pamamayagpag, bukod sa pagiging muog
na hindi matibag-tibag sa oras nito ng pagpapaligaya.Papaano mang tanawin, isa
lamang ang Aldub sa isang libo’t isang tuwang naihandog ng palabas, matapos
D
nitong itawid ang genre ng noontime show mula sa lumang panahon ng Bagong
Lipunan patungo sa bagong panahon ng mga milenyal. Tulad ng sa pamamayagpag
E

at pagkamalaganap ng Teleserye, ang sa Aldub ng Eat Bulaga ngayon ay lohika rin


ng rebolusyong dala ng Rebolusyong 1986 sa daigdig ng telebisyon sa Filipinas,
EP

kung saan makikita ang lakas ng taumbayan bilang isang pamayanan ng mga
manonood. Lohika din ito ng paggigiit ng Teleserye sa kaniyang sarili bilang isang
umiiral na kulturang Filipino na nakasumpong ng sarili nitong bait at kakanyahan.
Napakaraming sinasabi ng Aldub hinggil sa kalakarang pangkultura at panlipunan na
humihinging tunghan. Hindi na makasasapat ang pagtataas ng kilay o paghuhusga
D

rito bilang “unmitigated kababawan” at “idiotization” na lamang ng masa. Hindi ba


sila bahagi ng masang tinatawag nila, silang mga naunang
pumukol sa hitik sa kahulugang phenomenon ng Aldub? Ang salitang “masa” naman,
sa etimolohiko nitong pakahulugan ay ang kabuuan, bagaman sa matagal na
panahon ay tumutukoy sa pangkatin ng mabababang uri. Kung mayroong
ganitonguri ng texto na mapaglaro, nakalilinlang, at malikhain, kailangang sumabay
tayong lahat at magtakda ng mga praktika ng pagbasang higit na magdudulot ng
kritikal na pananaw sa tinaguriang “masa” na ito na sa ganang akin ay hindi
mangmang, bagkus may angking ahensiya at tigib ng katalinuhan. Ang Aldub ay
isang mataginting na handog na pagkakataon na makapagbahagi ang lahat, mulang
kanto

40

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
hanggang bulwagang akademiko, ng mga diskurso hinggil sa ating pang-araw-araw
na pamumuhay. Mahalaga ang diskurso sa ano mang panahon dahil patunay ito na
talaga ngang nag-iisip, napapaisip pa tayo. Ang kasalukuyan ang laging tamang
panahon para rito.

TALASANGGUNIAN

http://louiejonasanchez.com/2015/11/08/ang-sinasabi-ng-aldub/

PY
O
C
E D
EP
D

41

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
6.
Pilipino’y Maaring Kilanlin sa
Pamamagitan ng Kanyang Pagkain
Doreen G. Fernandez

ANG LAMAN NG TIYAN BILANG LARAWAN NG SAMBAYANAN

Walang alinlangan pinakapopular sa lahat ng anyo ng popular na kultura ang


pagkain. Bawat isa ay may kinalaman dito, bawa’t isa ay kasangkot dito, bawa’t isa

PY
ay kabakas dito – maging ito ay minsan lang sa isang araw. Lubha itong popular –
bahagi ng sambayanan – kaya’t wala itong awtor, walang indibidwal na tagalikha (di
tulad ng pelikula, serye sa radyo at komiks).

Ang pagkain ay nilikha ng marami: pinag-isipan, pinaunlad, at pinayaman.


Nilikha ito ng sambayanan sang-ayon sa kanilang panlasa, para sa kanilang pag-

O
apruba, para sa pang-araw-araw nilang gamit, at inaasahan para sa kanilang
kasiyahan. Sino ang nagpasimuno, halimbawa, sa inihaw na talong? Walang
alinlangang isang lalaki – o babae. At sino sa inyo ang hindi kumakain? Kahit na
C
nagdidyeta, mulat na mulat ang inyong isip (marahil ay higit pa nga) sa pagkain.

Hindi lamang isang tunay na likha ng mga mamamayan ang pagkain.


Pangunahin din itong laman ng kanilang kamalayan. Ang sinumang lalaki na may
D
sakbat na busog at pana ay naghahanap nito; ang makabagong lalaki na may bitbit
na attaché case ay naghahanap din nito. Ang sinaunang babae ay nagtatalop,
nagbibislad, at nagluluto sa pamamagitan ng apoy; ang makabagong babae ay
E

maaaring magpainit ng anumang pakete na binili sa isang supermarket – subalit


palagiang nasa isip nilang lahat ang pagkain. Higit pa rito, ang pagkamalay na ito ay
EP

hindi lamang dahil sa pangangailangan kundi dahil din sa pangyayaring ang pagkain
ay mahigpit na kaakibat ng buhay ng tao.

LAMAN NG TIYAN AT KAMALAYAN


D

Ang pagkain ay pangunahing nasa kamalayan ng Pilipino. Sinasabi niya ang


oras sa pamamagitan niyon – “pagkakain,” “pagkatapos ng pananghalian.” Sa
pagkain din umiinog ang kanyang alaala: ang Pasko ay palaging puto bumbong at
bibingka sa isang tao; sa iba nama’y ensaymada at tsokolate.

Ang paboritong tiya ay yaong laging gumagawa ng masarap na pastillas de


leche; ang Lola ay laging nagbibigay sa apo ng barquillos at turon; ang mga piyesta
sa bayang pinagmulan ay laging nangangahulugan ng litson; ang mga piknik sa may
palaisdaan ay nagugunita dahil sa inihaw na bangus na pinalaman sa panghuhuli ng
ulang sa ilog sa pamamagitan ng maliliit na sibat, o ang panunungkit ng hilaw na
mangga sa mga punongkahoy sa isang kapitbahay, na pagkatapos ay kakainin na
may bagoong na gawang-bahay.

42

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Maging ang Pilipinong kung saan-saang lugar na nakapaglakbay ay
maraming alam tungkol sa caviar ng Iran at bouillabaise ng Marseilles ay takam na
mangungusap tungkol sa pinalakang hipon nalulukso-lukso pa sa basket at
pagkuwa’y ihahalabos; sa eksaktong asim ng sinigang, sa sawsawan at pamutat at
burong isda.

Lahat ng ito ay patunay na ang pagkain ay napakapopular at tunay na


pansikmurang sangay ng kultura. Bilang isang tunay na likha ng mga partikular na
mamamayan sa isang tiyak na panahon at lugar at dahil laging pangunahin sa
kanilang kamalayan, ang pagsusuri sa pagkaing Pilipino ay pagsusuri sa Pilipino,
isang naiibang paraan (at siyang pinakamasarap) sa pagtuklas ng kanyang
identidad.

PY
HINANGO SA KALIKASAN

Ang katutubong lutuin ng Pilipino, ang kanyang katutubong pagkain bago


manakop ang Espanya at Estados Unidos, ay nagpapakita ng kanyang matalik na
kaalaman at pakikipag-ugnayan sa kanyang kapaligiran. Iyon ay lutuing tuwirang

O
hinango sa kalikasan na masusing sinaliksik at mapanlikhang ginamit.

Sapagkat naninirahan tayo sa napakamaraming pulo na nakalatag sa


C
mayayamang dagat at pinagtatawid-tawiran ng mga ilog, lawa at batis; at sapagkat
ang ating mga ninuno ay karaniwang nananahan noon sa mga pook namalapit sa
pinagkukunan ng tubig, ang ating pinakakagyat na pinagkukunan ng pagkain ay ang
katubigan sa paligid natin. Karamihan sa pang-araw-araw nating pagkain, kung
D
gayon, ay isda at pagkain-dagat.

Kinakain natin halos lahat ng bagay na lumalangoy o lumulutang: mula sa


E

pating (ang kinunot na pating ay batang pating na niluto sa gata ng niyog na


sinasahugan ng malunggay) hanggang sa napakaliit na sinarapan; mula sa
higanteng ulang hanggang sa pinong alamang; mula sa kapis (bago ito maging
EP

bintana, ang laman nito ay inaadobo) hanggang sa tulya na noong una’y


napakamura kaya’t siyang pagkain ng mahihirap; lahat ng klase ng alimasag, mula
sa mumunting talangka, na simpleng inaasnan at habang gumagapang pa’y kinakain
ng mga Kapampangan, hanggang sa igud na nabubuhay sa niyog at sa gayo’y
masarap gawing sarsa.
D

Kinakain natin ang ulo ng isda, sinisipsip ang mga mata, hasang at utak.
Para magkalasa ang mga gulay, nilalagyan natin ito ng sabaw na may kasamang ulo
ng hipon. Inaasnan natin at tinutumis ang itlog ng isda; pinahahalagahan natin ang
lahat ng lamang-tubig sa lahat ng antas ng paglaki nito, mula sa maliit na supling
hanggang sa higanteng inahin (halimbawa’y mula sa maliit nabangus hanggang sa
inahing sabalo).

Alam din natin ang mga espesyal na panahon, lugar at paraan ng pagluluto.
Bagama’t lahat ng nababanggit ay karaniwang kagyat na nakukuha sa sariwa pa, at
masarap kung bahagya at simple lang na iluto, alam natin na mabuting iihaw ang

43

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
bangus, ipaksiw ang banak, kilawin ang dilis o ipais sa dahon ng saging at
pasingawan.

MAYAMANG LISTAHAN NG GULAY

Ang Pilipino bago-bago pa lamang ng naglalakbay ay karaniwang


namamangha sa mga nakaplastik na gulay sa mga supermarket sa Estados Unidos,
sa magandang pagkakabalot at, para sa kanya, sa iilan-ilang klase ng mga ito –
letsugas at repolyo, gisantes, karot at patatas. Nahirit siya sa yamang matatagpuan
dito sa atin. Nariyan ang mga lamang-ugat (gabi, kamote, singkamas); ang mga
dahon, mangyari pa (hindi langpetsay at katutubong letsugas kundi pati dahon ng
bawang, malunggay, alugbate, pako, dahon ng sili) ang mga talbos na iba pa sa

PY
dahon (talbos ng ampalaya, kalbasa at sayote); ang mga panghimagas na prutas na
ginugulay din (langka at saging) at ang mga prutas na gulay, tulad ng talong at
ampalaya; ang mga buto(hindi lang ang mga butyl kundi pati ang mga buto ng
langka); angmga bulaklak (bulaklak ng kalabasa, katuray); at puso ng saging, na
hindi bulaklak at hindi rin prutas; o ang mga ubod, na siyang pinagkagitna ng puno
ng saging.

O
Mayaman ang listahan ng Pilipino sa mga gulay sa buong taon, sapagkat
napagkukunan nila ng mga iyon ang kaparangan, kagubatan, latian at karagatan
C
(halimbawa’y damong-dagat) at maging ang mga lugar na damong-ligaw ang
karaniwang matatagpuan (ang kulitis, saluyot at talinum ay dating mga damong-
ligaw, hindi pinatutubo, at itinuturing na damo sa ilang rehiyon).
D
SENSITIBONG PANLASA
E

Bukod pa sa pangyayaring sinasaliksik ng Pilipino ang buong halaman (kung


ang kabuuan nito’y makakain, mula sa ugat hanggang talbos, mula sa laman
hanggang sa balat), nag-eeksperimento rin siya sa pamamagitan ng panlasang
EP

sinanay sa lahat ng klase ng lasa. Sa gayong proseso ay nakalilikha siya ng isang


buong bokabularyo ng mga lasa: maaskad, malabo, mapakla, manamisnamis,
malinamnam, atbp., kabilang na, halimbawa, ang mga walang-taguriang antas ng
kaasiman. Sasabihin sa iyo ng mga kusinero kung bakit pinakamainam ang kamyas
para sa pagpapaasim ng sinigang na isda; samantalang pinipit na sampalok naman
D

ang dapat gamitin sa sinigang na baboy; at murang dahon ng sampalok naman ang
angkop sa sinigang na manok – isang maselang pag-iiba-iba na maari lang matamo
sa pagkabihasa sa iba-ibang antas ng kaasiman.

Dagdag pa rito, sasabihin sa iyo ng mga kusinero ring iyon kung kalian at
kung sa ano pinakamabuting gamitin ang bayabas, berdeng pinya, dahon ng
alibambang, batuan, berdeng manga at iba pang pampaasim na makukuha sa
parang at gubat. Ang katutubong panlasa ay nakakabatid sa ganitong pinong
pagkakaiba-iba, at sa epekto nito sa maasim na sabaw nalubhang kaiga-igaya
kapag mainit ang panahon.

44

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Sa ganito ring kapaligiran ng mga gulay matatagpuan ng Pilipino ang mga
sarap at pampalasa na nagbunsod sa mga Europeo upang hanapin ang Moluccas:
ang tanglad na ipinapalaman ng mga Bisaya sa litson; ang anis o sangke ng
nagbibigay ng mailap na sanghaya sa ilang klase ng puto; ang kasubha na
isinasama sa aroskaldo; ang dilaw (dilaw na luya) at langkawas na magkahawig
ngunit magkaibang-magkaiba ang lasa; at ang lahat ng klase ng paminta at sili na
dinikdik at ipinampapalasa sa sawsawan o maingat na inihahalo sa dinuguan upang
bigyan ito hindi lang ng anghang kundi pati lasa.

LUNTIANG PALIGID

Marahil, ang dalawang pinakamahalagang biyaya sa Pilipino ng nakapaligid

PY
sa kaluntian ay ang palay at niyog.

Pinalilibutan, ginagayakan at sinusuhayan ng niyog angating buhay, sa


pamamagitan ng palaspas para sa Domingo de Ramos; sambalilo at bola para sa
mga piknik; dinding at bubong para sa mga silungan at entablado; tinting para sa
walis at nitong bandang huli’y para sa kurtina; bunot sa paglalampaso ng sahig;

O
puno para sa gawaing tulay sa pagtawid sa makikitid na ilong; bao na pantabo,
panghulma at panandok. C
Mula sa pagsilang hanggang sa kamatayan, napagkukunan ng pagkain ang
niyog. Ang katas ng bukong bulaklak ay ginagawang tuba; ang malamig na tubig at
malauhog na laman ng buko ay hindi lang nagsisilbing pampalamig pag tag-araw
kundi isinasangkap din sa pinais ng Quezon at sa binakol ng Bisaya; ang kinudkod
D
na lamang magulang ay hindi maaaring hindi isama sa kakanin at siyang
pinagkukunan ng gata (at halos walang Pilipino na makakaisip mabuhay nang
walang alinmang klase ng suman na niluto sa gata, o lutuing tulad ng laing o
E

pinangat); ang makapuno ang pangunahin nating ginagawang minatamis (papaano


ang piyesta kung walang matamis na makapuno?); at pagkamatay, ibinigay ng puno
ang pinakapuso nito upang malasap natin ang malutong na tamis ng ubod sa
EP

lumpyang sariwa.

SUKATAN NG LAHAT NG LUTUIN


D

At mangyari pa, ang palay. Hindi lang pangunahing pagkain natin ito,
pampabigat ng tiyan (isang nalilitong batang lalaki na kakain ng una niyang
tanghalian sa isang tahanang Amerikano ang binigyan ng tinapay na pinalamanan
ng pinatbater at dyeli, at pataghoy na tumelepono sa kanilang bahay. “Pero Mommy,
gusto kong kumain ng kanin!”), kundi siyang sukatan ng pagkain ng lahat nating
lutuin, at sa gayo’y siyang nagdidikta sa ating panlasa at sa malaking bahagi n
gating mga lutuin. Bakit tayo nagpapaasim, o nagpapaalat, o nagpapaanghang?
Sapagkat ang kawalang-lasa, ang kaabahan ng bigas ay naggigiit sa malakas at
matitinding lasang pangkontra, at ang ganitong pang kontra ay hindi kailangan ng
tinapay. Isipin na lang: makakalikha ba tayo ng lutuing tulad ng kari-kari kung wala
tayong kanin na uulaman niyan?

45

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Ang pangyayaring matatagpuan sa lahat ng rehiyon ang bigas, at
manggagawa galapong, ang siyang tunay at kagyat na sanhi ng pagkalikha ng mga
kakaning Pilipino – ang sari-saring puto, bibingka, suman, kutsinta, atbp. Na may
iba-ibang pangalan, hugis, kulay, lasa, simboliko at pang-okasyong gamit – at
karamihan dito ay mga klase ng kakaning gawa sa bigas.

MANOK MAN O TAMILOK

Sa pananaliksik niya sa kalikasan, mangyari pang hindi nakaligtaan ng


Pilipino ang mga hayop sa kanyang paligid. Ni hindi rin niya nililimitahan ang sarili sa
mga baboy at manok na kanyang inaalagaan kundi pinag-uukulan din niya ng pansin
ang lahat ng hayop na gumagala, naninila, gumagapang: ang baboy-damo, ang

PY
labuyo, ang usa na ang lamang tinatapa ay lubhang pambihira at mahal; maging ang
kasa-kasama niyang aso (binansagang asusena at ginagawang pulutan) at kalabaw
(pinagkukunan ng gatas na pinakatatangi-tangi sa paggawa ng mga di-
mapapantayang kendi); pati na ang kanyang sasabungin kapag natalo sa labanan,
at lahat ng di-pangkaraniwan sa iba-ibang rehiyon: ahas, bayawak, dagang-bukid, di-
napisang bibe sa balut, baling, paniki, kamaro, alamid, batang pugita, tamilok, kuhol.

O
At bakit nga hindi? Lahat ng ito ay bahagi ng yaman ng lupa.

Ang kinakain ng katutubong Pilipino, kung gayon, ay nagpapakita hindi lang


C
ng pagiging malapit sa kalikasan kundi pati ng malalim na pag-unawa sa potensyal
niyon; ng pagiging mapag-sapalaran sa mga bagong lasa at kombinasyon ng mga
iyon; ng sensitibong pakikiramdam sa mga panahon ng pagsulong ng kalikasan; ng
kaselanan ng panlasa na lumalasap ng mga pinong pagkakaiba-iba; at ng
D
natatanging paggalang sa kapaligiran na naghahandog sa kanya ng lahat ng ito. Ang
kawalan ng pagsasaka sa pagkain ay pinasimulan at pinaunlad ng mangangaso, ng
mangingisda, ng mambibitag at pagkaraa’y ng magsasaka. At ang ibinubugang
E

panlasa ay matatagpuan pa rin, bagama’t natatabunan ng sari-saring banyagang


idea tungkol sa mga lutuin, sa makabagong Pilipino.
EP

PAG-UNAWA SA KAPALIGIRAN

Tanungin mo ang aral, ang mahilig sa pagkain, ang taong lagalag, at ibig pa
rin nilang sariwa ang kanilang pagkain (hitong pumupusag sa timba, hipong
lumulukso sa basket, alimasag na gumagapang sa kusina) tulad ng sa kanilang mga
D

ninuno; at gusto pa rin nilang simple lang ang pagkaluto niyon, na siyang hinihingi
ngayong kasariwaan: halabos, inihaw, pinaksiw, sinigang, kinilaw. Bakit lulunurin
iyon sa sarsa samantalang napakainam ng natural na lasa niyon, at di na kailangan
pang adornohan?

Ang paraan ng pagluto sa pagkaing kinukuha niya sa kanyang paligid, kung


gayon, ay sumasalamin din sa pag-unawa at pagiging malapit ng Pilipino sa kanyang
kapaligiran. Kanugnog lang ang mga pinagkukunan, at karapatan niyang tamasin
ang kasariwaan ng pagkain. Sa ganitong kalagayan nilikha at pinaunlad ng Pilipino
ang kanyang mgaparaan ng pagluluto.

46

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Lahat ng ito – ang pagkaing natutunan niyang hanapin sa kanyang paligid;
ang paraan ang pagkatuto niyang iluto iyon; ang mga kombinasyong natuklasan
niyang angkop (maasim na sopas para sa tag-araw; matitinding pangkontra sa lasa
kanin) at ang pagiging malapit sa lupa na siyang ugat nito ang mga puwersang
humuhubog sa katutubong lutuing Pilipino.

MGA IMPLUWENSYANG DAYUHAN

Sapagkatdinamiko ang kultura, bukas sa pagbabago, mapang-angkop at


umaangkop, hinubog din ng kasaysayan ang lutuing Pilipino; naitatag ang
superistruktura sa batayang katutubo; nagsipasok at ginawang sarili ang ibang lasa,
pagkain at paraan ng pagluluto.

PY
Walang alinlangang ang Tsino at ang Espanyol ang dalawang makakalas na
impluwensya sa lutuing Pilipino, bagama’t ang Indyan, ang Malayo at ang Arabo ay
nag-iwan din ng kanilang mga bakas, lalo na sa lutuing Muslim.

Utang natin sa lutuing Tsino ang halos lahat ngating papansitin: miki, bihon,

O
sotanghon, pansit Canton, mga papansiting malabubo,opako, mataba o payat.
Namana natin nang husto ang papansitin kung kaya’t ang pangisdaang bayan ng
Malabon ay may talaba at pusit sa pansit Malabon nito; nalikha ng abang Lukban
C
ang pansit habhab, ang “pagkain ng mahirap na bayan,” na sang-ayon kay Monina
A. Mercado ay niluluto sa palengke at kinakain (hinahabhab) sa binalinsusong dahon
ng saging. Ang pansit Molo sa Iloilo ay ang wonton ng Tsino. Nakalikha ang ibang
rehiyon ng mga sarsa sa palabok; ang iba ay nagbubudbod ng ninisnis na tinapa,
D
dinurog na tsitsaron at tsorisong Tsino. Nalikha ang ibang putahe sa pamamagitan
ng pagdaragdag ng sabaw sa papansitin sa paggawa ng lomi at mami.
E

Sa mga Tsino rin natin natutuhan ang pagbabalot ng iba-ibang kombinasyon


ng gulay. Hipon at karne sa manipis na pambalot na gawa sa bigas upang gumawa
ng lumpiya; ang pagpapalaman ng karne sa minasang arina tulad ng siomai o siopao
EP

o pinsec frito, o sa puriko upang gumawa ng kekiam.

Sapagkat ang mga pagkaing Tsino ay dumating dito sa pamamagitan ng mga


mangangalakal na nanirahang kasama ang mga mamamayan at sa kalauna’y
naging bahagi ng populasyon, nakabilang ang mga lutuing iyon sa pang-araw-araw
D

na pagkain, at sa kasalukuya’y matatagpuan sa mga minandalan sa kanto, sa mga


karinderya, sa bahay at sa mga pansiterya.

MALUHONG PAGLULUTO

Iba ang impluwensyang Espanyol, ang pagluluto ng kolonisador, ang lutuin


ng mananakop. Sapagkat nanggagaling “sa itaas,” iyon ay naging “pang-class,” ang
pagkain ng principalia, at sa kalauna’y naging pagkaing pampiyesta.
Unang-una na, iyon ay pagkaing higit na maluho kaysa katutubong pagkain
at lutuing Tsino. Natutuhan natin sa mga Espanyol ang paggigisa (pansinin,
halimbawa, na walang katutubong salita para sa paraang ito ng pagluluto maliban sa
gisa, na hiram sa salitang Kastilang Guisado). Sa halipna gamitin ang kanilang

47

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
langis-oliba, sarsang kamatis at pimenton, ginawa nating local ang paraan ng
paggisa ng bawang. Sibuyas at kamatis.

Nagsimula rin sa Espanya ang mga putaheng tulad ng kosido at putsero,


mga lutuing di sana nakayanan ng katutubong pamumuhay, sanhi ng maluho at
walang-patumanggang kombinasyon ng lamang-baboy, manok at baka, gulay,
tsoriso, hamong Tsino at morilla. Espanyol din ang mga kombinasyon ng kanin at
karne (ang kanin sa mga lutuing ito ayhindi nalang inuulam) na ang pinaghanguan
ay ang paella, tulad ng arros a la Valenciana, at ang bringhe. Walang alinlangang
Espanyol ang iba pang putaheng pampiyesta na ang pagluluto’y ginugugulan ng
pinagsanib na panahon at kasiyahan ng lahat ng matatandang dalaga ng pamilya, at
ng pagpapagod ng mga asawa ng mga kasama: ang mga galantina at relyeno na
masikhay na inaalisan ng tinik at pinalalamanan ng katakot-takot na rekado; ang

PY
maluluhong brazos de Mercedes, tortas imperials, borrachos, suspiros at castillos.
Gayundin ang ritwalistikong chocolate y churros o chocolate y ensaimadas; ang
inasukalang kulay-rosas na jamon Piña para sa almusal kung pasko; ang di-
mawawalang kastanyas at inangkat na ubas at mansanas.

Ito ay hindi pagkain para sa mangangaso at sa magsasaka para sa dugong-

O
bughaw o mataas na opisyal ng Ermita, sa ilustrado, sa piyesta. Ang antas ng
pagpasok at ang antas ng pagtingin, at sa gayo’y ang antas ng pagtangkilik.
C
NAGBAGO ANG TAKBO

Natutuhan ng Pilipino sa Amerikano ang mabilis nag pagluluto: ang salad na


D
dagliang ginagawa; ang pie (laging mas mabilis gawin kaysa brazo de la Reina); ang
casserole; ang pizza; ang eladong pakete mula sa supermarket; ang sanwits; ang
manok timplado na at handang iluto; ang mga hipong hindi na lumulukso sa basket
E

kundi masinop na pinupugutan, tinalupan at inihilera sa mga plastik na balutan.


Nagbago ang takbo ng buhay kasabay ng Amerikanisasyon – at nabago na rin ang
pagkain. Hindi na pinatataba sa kural ang kinapong manok sa loob ng ilang linggo
EP

upang ihanda sa isang espesyal na hapunan; binibili na ito na nabalahibuhan na,


tinindig at elado.

Ano ang kahulugan ng lahat ng ito? Kung pagkain ang pinakapopular sa


kultura popular dahil ito ay tunay na likha ng sambayanan, produkto ng kanilang
D

pagkamalikhain atpagiging mapang-angkop, ano ang isinasaad ng pagkaing Pilipino


tungkol sa Pilipino?

BAGAMA’T MAHUSAY UMANGKOP

Sa aking palagay, ang ipinahahayag ng pagkain tungkol sa Pilipino ay ito: na


ang kanyang pinakamalalim at pundamental na bahagi, yaong hindi nababago ng
edukasyon, pagiging aral at impluwensya ng ibang kultura, ay ang katutubong antas,
at ipinakikita siya nito bilang tao na hinubog ng kanyang kapaligiran, mananaliksik ng
kapaligiran ito, at gumagamit dito nang may pang-angkop, imahinasyon at
paggalang. Hindi niya pinagnanakawan ang kalikasan sa pagkuha ng pagkain;
tinatanggap niya ang mga handog niyon bilang biyaya. Ang pagiging malapit niya sa

48

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
lupa ay maaring hindi mahalatabunga ng kanyang Kanluraning kaanyuan, subalit
lumilitaw ito sa kanyang kasiyahan sa pagkain nang walang kubyertos, sa paglasap
niya sa pagkaing para sa kanya’y mangangahulugan ng kabataan, tahanan at mga
gunita ng pinagmulang probinsya.

Gayunman, umaangkop ang Pilipino kapag nakatatagpo siya ng anumang


naaayon sa kanyang panlasa, o para sa kanyang kaalwaan. Subalit hindi siya
nanghihiram na walang ginagawang pagbabago sa hinihiram (mayroong bang pansit
Tsino na tulad ng sa atin na may sari-saring sawsawan at sarsang talong?
Naghahalo ba ang mga Amerikano ng kaong at buko sa fruit salad?). Kinukuha niya
ang hinihiram na bagay o gawi at inaangkin iyon, iniaangkop sa sariling pamumuhay,
hindi bilang manggagagad kundi bilang mapang-angkop na mag-aaral.

PY
Ang pagkaing Pilipino, kung gayon, ay hinuhubog din ng kalikasan, lipunan at
kasaysayan, tulad ng alinmang ibang aspekto ng buhay-Pilipino. Pangangahasan
kong sabihin na sapagkat ito ang pinakatuwirang hinubog ng mga nabanggit na
puwersa, ito marahil ang isa sa pinakatuwirang pahayag ng kung ano ang Pilipino.

O
C
E D
EP
D

49

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
PY
KABANATA II.
O
C
SINING PANTEATRO
E D
EP
D

50

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
7.
EYEBALL
Alfonso I. Dacanay

MGA TALA SA PRODUKSYON

Unang itinanghal sa Rajah SUlayman Theater, Fort Santiago bilang bahagi ng


Dulaang Laboratoryo noong Marso 2000.

Ang mga nagsiganap:


PATRICK Jay Rollan

PY
EILEEN Lotlot Bustamante
ROSEMARY Honielyn Engay
WILSON Dudz Teraña

Sa direksyon ni Raul Alfonso

O
MGA TALAAN NG MANDUDULA
C
Noong Setyembre 1999 ko unang naisip na sumulat ng isang maikling dula tungkol
sa eyeballing. Ito ang personal na pagkikita ng dalawang taong nagkakilala sa
Internet. Pinili kung talakayin ito dahil: (1) sa aking pagkakaalam, wala pang
sumusulat tungkol dito; (2) alam na alam ko kung paano ito nangyayari. Ang aking
D
mga sari-saring karanasan bilang isang chatter – taong mahilig sa internet chatting –
ang nagsilbing inspirasyon ko. Pero baka isipin nyo, karanasan ko ito. Hindi, a!
E

Tanda ko pa noon, sinimulan kong isulat ang dula noong isang Sabado ng
Oktubre. Isang monologo na umaabot ng limang pahina ang resulta. Kinabukasan,
pinabasa ko sa Writers Bloc. Pagkatapos, nag-comment na sila. Doon nagsulputan
EP

ang mga problema ng teksto.

Pebrero 2000 na noong ni-revise ko ang dula. Napili ito para itanghal sa
Dulaang Laboratoryo ng PETA. Ibang-iba na sa orihinal ang second draft ko; halos
magkaiba sila ng kuwento. Pinabasa ko ulit sa Bloc. Naging madugo ang discussion.
D

Malaking tulong ang binigay ni Raul Alfonso (director ng Eyeball), sa akin


noong ni-revise ko ulit ang dula. Nangyari ito pagkatapos ng unang reading ng dula,
kasama sina Lotlot Bustamante, Jay Rollan, at Honielyn Engay (ang mga gumanap
sa produksyon).

Tinugunan ko ang mga tanong tungkol sa mga tauhan: ano’ng klaseng mga
tao sila? Ano ang nagmo-motivate sa kanila? Ano’ng gusto nilang makuha?
Makukuha ba nila ang gusto nilang makuha o hindi? Nang sinagot ko ang lahat ang
mga tanong na ito, naging madali sa akin para i-revise ang dula.

51

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Pagkabigay ko ng ikatlong draft, agad na silang nag-rehearse. Alam ko nang
matagumpay ang kalabasan ng aking dula noong binisita ko si Raul sa Rajah
Sulayman Theater isang gabi, habang nagre-rehearse sila. Ayos na ang lahat.

MGA TAUHAN:

PATRICK 20-23 taong gulang; color at sosyal ang porma.


EILEEN 20-23 taong gulang; chubby ang katawan.
ROSEMARY 20-25 taong gulang; pinsan ni Patrick.
WILSON 20-22 taong gulang; kaibigan ni Eileen.

TAGPUAN:

PY
Sa isang Starbucks-type na coffeehouse.

PANAHON:
Gabi. Kasalukuyan.

O
Sa pagbubukas ng mga ilaw, may makikitang dalawang mesa sa entablado. May
mga tao sa paligid: nagtatawanan, nagbibiruan, nagtsitsismisan, nagtetext, o may
kausap sa cellphone. Sa isa sa mga mesa, may nakaupo na lalaki, si PATRICK. May
dala siyang knapsack. May isang cellphone, isang kopya ng librong The Firm ni John
C
Grisham, at isang susi ng kotse na nakapatong sa kanyang mesa. Patingin-tingin
siya sa paligid, mag-aabang.

Papasok na si EILEEN at WILSON. May hawak na cellphone at isang kopya ng


D
librong The Pelican Brief ni John Grisham si EILEEN, na agad mapapansin si
PATRICK. Madaling itatago ni PATRICK ang libro sa kanyang knapsack.
E

Mananatiling bukas ito. Maingat at palihim niyang pagmamasdan ang dalawa.

WILSON: Sigurado ka bang okey lang sa kanya na may kasama ka?


EP

EILEEN: Ano kaba naman, Wilson? Sabi na ngang okey, eh. Pinag-usapan na
namin iyon last week. Siya pa nga ang nag-suggest no’n.

WILSON: Talaga lang ha. At least, hindi ka magmumukhang tanga sa


D

paghihintay. (Makikita ang bakanteng mesa.) Diyan na lang tayo,


kapatid.

Agad lalapit sina EILEEN at WILSON sa bakanteng mesa. Uupo tatahimik.


Magkakatinginan.

EILEEN: (Excited.) Sobra na ‘tong excitement na nafe-feel ko, kapatid.


Magkikita na kami sa wakas!

WILSON: Sa tinagal niyo ba naman sa pag-chachat, sa pag-papadala ng email


at sa pagtetelebabad, dapat lang,’ no. Teka, pa’no kayo magkikita
dito?

52

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
EILEEN: Eto. (itataas ang libro.)

WILSON: Isang libro?

EILEEN: Mind you, kapatid. Itong libro’y di basta-basta libro lang. Libro ni
Grisham’ to. Siya’ng nagpakilala sa akin kay Patrick sa Internet. Tama
naman na siya din ang magpakilala sa akin sa kanya, di ba?

WILSON: Korek ka diyan, kapatid.

EILEEN: Pero kapatid, I can’t help but wonder. Pa’no kung isang malaking
pagkakamali itong eyeball namin?

PY
WILSON: Over ka naman, Eileen. Ba’t mo naman nasabi ‘yan?

EILEEN: (Saglit.) Wilson, four months na kaming magkakilala ni Patrick.


Naging maganda at malapit ang friendship namin sa buong time
na’yon. Kilala mo ako, Wilson. Bihira akong makaranas ng ganoong
klaseng friendship sa isang lalake. (Saglit.) Pa’no kung mawala lahat

O
‘yon?

WILSON: Sa tingin mo ba, mawawala lahat ‘yon?


C
EILEEN: Pwedeng mangyari, di ba? Pa’no kung di niya ako magustuhan?
Pa’no kung di ko sya magustuhan? Pa’no kung –
D
WILSON: Pa’no kung magkagustuhan kayong dalawa? ‘Yan ang dapat mong
isipin, Eileen. Ikaw talaga, umaandar na naman ang pagka-praning
E

mo. Nag-wo-worry ka masyado. Think positive, kapatid.

EILEEN: Pero tingnan mo ako, kapatid.


EP

WILSON: Ang nakikita ko ay isang mabait at magandang babae na


mapagmahal at madaling ma-insecure. Hay naku, mukhang
ninenerbyos ka na naman. Halika, bibigyan kita ng aking special anti-
nervousness therapy.
D

Maghahawakan sina EILEEN at WILSON ng kamay.

WILSON: Inhale . . .exhale . . . inhale . . exhale . . .

Exaggerated ang kanilang breathing exercise. Ilang beses nilang uulitin.

WILSON: Ano, kapatid? Relaxed ka na ba?

EILEEN: Oo. Salamat, kapatid.

WILSON: Ang dali mo kasing ma-tense. Pero di bale, kaibigan naman kita, kaya
okey lang, You’re going to have a great eyeball, okey?

53

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
EILEEN: Oo na, oo na. (Titingin sa relo.) Seven-ten na.

WILSON: Ano’ng oras ba ang eyeball niyo?

EILEEN: Alas siyete (Titingin sa paligid.) Nasaan na kaya siya?

WILSON: Late lang’ yun siguro, Eileen. Alam mo naman, Filipino time. O di
kaya, (Titingin sa loob ng coffeehouse.) baka nasa loob!

Mabilis na magbre-breathing exercise mag-isa si EILEEN.

WILSON: Ano, o-order na ba tayo? Ano’ng gusto mo?

PY
EILEEN: Ikaw na lang. Baka ma-tense ulit ako pag uminom ako.

WILSON: (Matatawa.) Baka nga. O sige, lakad na ako. Titingnan ko sa loob


kung’andoon siya.

O
EILEEN: Balik ka agad, ha? Kung makita mo siya, sabihin mo sa aking kung
ano’ng itsura niya. Di kasi kami nagpalit ng scanned pic.

WILSON: Of course, kapatid (Paalis.) Ang mga gamit natin, ha?


C
Papasok si WILSON sa loob ng coffeehouse. Patingin-tingin sa paligid si EILEEN.
Kukunin ang cellphone niya. May tatawagan. Walang sagot. Uulitin. Wala pa ring
sasagot. Itatabi ang cellphone. Patingin-tingin ulit siya sa paligid. Mapapansin niya si
D
PATRICK. Titingnan niya ito. Mapapansin ito ni PATRICK, at daling iiwas ng tingin.
E

Lalabas si ROSEMARY. Pupunta sa mesa ni PATRICK. Uupo.

ROSEMARY: She’s not there, Patrick. (Saglit.) Ba’t napakaseryoso ang itsura mo?
EP

PATRICK: Nakita ko na siya, Rosemary. (Ituturo si EILEEN.) There.

ROSEMARY: (Makikita si EILEEN.) Siya ba ‘yan? She looks so . . . healthy.


D

PATRICK: Too healthy for me.

ROSEMARY: Are you sure he’s the one?

PATRICK: Oo. She has a copy of The Pelican Brief. Damn, di ko akalain na
ganyan ang itsura niya.

ROSEMARY: You sounds as if you’re disappointed.

Tatahimik si PATRICK.

ROSEMARY: Hindi kaba magpapakilala sa kanya?

54

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Hindi sasagot si PATRICK.

ROSEMARY: Where’s your copy of the The Firm?

PATRICK: Tinago ko sa knapsack.

ROSEMARY: (Maiintindihan.) You can’t be serious, Patrick.

PATRICK: Look at her, Rosemary. Look at me. Can you imagine us together?

ROSEMARY: That’s beside the point. Sinasabi mo na ikaw ang nagyaya sa kanya
na mag-eyeball kayo. Obligado ka pa rin na magpakilala sa kanya.
(Saglit.) Maaawa ka naman sa kanya, Patrick.

PY
PATRICK: Maawa ako sa sarili ko pag nakita ako ng mga friends ko na kasama
at kausap ko siya.

ROSEMARY: Hello?! Okey ka lang?

O
PATRICK: Look. Eileen’s a nice girl, but she’s not my type.

ROSEMARY: Nice? Anong nangyari sa funny, sensitive at sweet? I remember you


C
using those words to describe her on the way here.

PATRICK: (Saglit) Opinions change.


D
Tatahimik ang dalawa.
E

ROSEMARY: Hindi ka ba nanghihinayang?

PATRICK: Sa ano?
EP

ROSEMARY: Patrick, sinabi mo sa akin na four months kayo nag-uusap ni Eileen


over the Internet. Nag-uusap din kayo sa phone, di ba? That’s a lot of
energy and time spent. That should count for something.
D

Hindi iimik si PATRICK.

ROSEMARY: Hindi kaba nanghihinayang doon?

PATRICK: Syempre, nanghihinayang doon?

ROSEMARY: But why are you letting it all go to waste? Dahil hindi mo lang type
itsura ni Eileen?

Hindi sasagot si PATRICK.

55

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
ROSEMARY: Ganyan ba ang pagpili mo ng girlfriend, Patrick? Kailangan bang
maganda ang mukha at katawan? (Saglit.) Mahiya ka naman. Pinsan
mo nga ako, pero babae din ako.

May tatawag kay ROSEMARY mula sa loob ng coffeehouse.

ROSEMARY: I’ll be back. Itutuloy pa natin ‘to.

Mapapansin ng dalawa ang susi ng kotse sa mesa. Magtitinginan sila, na parang


pareho ang iniisip. Kukunin ni ROSEMARY ito bago pa makakilos si PATRICK.
Papasok si ROSEMARY sa loob ng coffeehouse. Makokonsensya si PATRICK.
Kukunin ang cellphone. Magsisimulang mag-dial. Susulyapan ni EILEEN.
Magdadalawang-isip. Titigil. Itatabi ang cellphone.

PY
Lalabas si WILSON mula sa loob ng coffeehouse. Babalik sa silya.

EILEEN: (Excited.) Nakita mo siya?

O
WILSON: Wala, kapatid. Pero ang daming papa doon sa loob , my God!

EILEEN: Talaga? Sinu-sino? Kasama ba doon si Pope John Paul II?


C
WILSON: Corny mo, ah. Papa ang sinasabi ko, hindi Santo Papa.

EILEEN: (Matatawa.) Alam ko, binibiro lang kita, ‘no. (Titingin sa relo.)
Ang tagal naman ni Patrick.
D
WILSON: (Titingin sa paligid.) Parating na ‘yon siguro. Be patient, my friend.
E

Magrelaks ka pa. Mukhang nagiging tense ka na naman.

EILEEN: Ano’ng gusto mong gawin ko? I-deadma kung gaano ka-importante
EP

itong eyeball sa akin?

WILSON: Wala naman akong sinasabi, ah. (Saglit.) Alam mo, kapatid, okey na
okey ang suot mo ngayon. Parang date ang pupuntahan mo, hindi
eyeball.
D

EILEEN: Talaga? Feeling ko’y parang pupunta ako ng libing.

WILSON: You can’t go wrong with black, Eileen. Kaya nakaitim din ako, at
tingnan mo ‘yung ibang tao rito nakaitim rin.

EILEEN: ‘Yung buhok ko, ayos pa naman ba?

WILSON: Ayos na ayos pa, kapatid.

EILEEN: ‘Yung make-up ko, okey pa rin ba? Ate ko pa ang naglagay niyan.

WILSON: Okey na okey pa rin.

56

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
EILEEN: Talaga bang bagay itong buong itsura ko sa akin?

WILSON: Bakit naman hindi?

EILEEN: Iba kasi ang feeling, e. Medyo nakakapanibago.

WILSON: Di ka lang sanay lumabas ng bahay, kapatid. Relaks ka lang.


lumalabas na naman ang mga insecurities mo. You look good, Eileen.
Hindi naman siguro matatakot o lalayo si Patrick sa bihis mo ngayon.

EILEEN: Wala lang. Naisip ko lang kung gaano kalaki ang pinagbago ng buhay
ko since nagpakabit kami sa Internet. Sobrang tuwa ko at pagte-thank
you kay Daddy noong nag decide siyang mag-subscribe. Tingnan mo

PY
ako, sino bang mag-aakala na pwede akong magbihis nang ganito?
Makikilala ko ba si Partick kung wala ang Internet? Isang blessing din
na nakilala ko si Patrick. Noong nakilala ko siya, pwede palang may
magkagusto sa akin, kahit hindi pa nakikita ang itsura ko, posible pala
na may manligaw sa akin, kahit hindi pa nakikita ang itsura ko.

O
Posible din pala na may magmahal sa akin. Di ko akalain na ganoon
kasarap pala ang feeling ng may nagmamahal. O kahit may
nagkakagusto sa iyo. May pag-asa pa ako, may pagkakataon pa ako.
C
Katahimikan

WILSON: (Magre-Raise The Roof.) ALIEN!!!


D
Magtatawanan ang dalawa.
E

EILEEN: Walanghiya ka talaga, Wilson. Sinisira mo ang drama ko.

May tatawag kay WILSON sa loob ng coffeehouse.


EP

WILSON: Teka sandali, kapatid. Naghihintay na ang aking cappuccino.

Papasok si WILSON sa loob ng coffeehouse. Titingin si EILEEN sa relo. Titingin sa


paligid. Kukunin ang cellphone. Tatawag ulit. Balewala ang cellpohone. Saglit na
D

titingin kay PATRICK.

EILEEN: (Sa sarili. Tense) Nasaan kana, Patrick?

Lalabas si ROSEMARY. May dalang espresso. Babalik sa upuan. Hindi


makapalagay si PATRICK. Paulit-ulit niyang hinahawakan ang kanyang knapsack at
cellphone.

ROSEMARY: Come on, Patrick. What are you waiting for? Magpakilala ka na.

Hindi kikilos si PATRICK.

57

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
ROSEMARY: Look at her. Naiinip na siya. Huwag mo nang patagalin ito.

PATRICK: Pinapahirapan mo naman ako. Rosemary.

ROSEMARY: It doesn’t have to be, Patrick.

PATRICK: Easy for you to say. Paano kung ikaw ang nasa kalagayan ko?

ROSEMARY: Gagawin ko ang dapat. Magpapakilala ako sa kanya.

PATRICK: Kahit di mo gusto ang itsura ng tao?

PY
ROSEMARY: (Saglit.) Kahit hindi ko gusto ang itsura niya.

PATRICK: Liar. Sinasabi mo lang ‘yan dahil convenient sa iyo.

ROSEMARY: Patrick, I’m not asking you to spend the whole night with her. Ang

O
gusto ko lang, magpakilala ka sa kanya, probably spend a little time
with her, make a good excuse to leave para hindi siya masaktan, then
C
umalis kana. (Saglit.) It’s the right thing to do, Patrick. You owe that
much to her.

PATRICK: But it’s not me.


D

ROSEMARY: (Magtataka.) It’s not you?


E

PATRICK: (Dahan-dahan.) It’s not me.


EP

ROSEMARY: Hindi kita maintindihan, Patrick. Care to enlighten me?

PATRICK: Rosemary, siguro kaya mong makitungo at makihalubilo sa ibang tao,


but not me. May image ako. Gusto ko i-maintain iyon. I have to look
D

good, at hindi lang sa bihis at porma. Ang mga tao na makakasama


ko, they have to make me look good. (Saglit.) Tingnan mo si Eileen.
Ngayon na nakita ko na siya, I realize that she will not make me look
good. Sa tingin moba, bagay kami? I’m sure you yourself would say
na di kami bagay.

Hindi makakapagsalita si ROSEMARY.

PATRICK: I feel sorry for Eileen, pero mas maaawa ako sa sarili ko pag
nagpakilala ako sa kanya. Pag ginawa ko ‘yon, para bang hindi ako

58

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
naging totoo sa sarili ko.Much as I would like to, hindi ko talaga
magawa. Kaya sana, maintindihan mo ako, Rosemary.

Katahimikan. Hindi makaimik si ROSEMARY sa galit.

PATRICK: Are you all right?

Masamang tingin ni ROSEMARY kay PATRICK. Mabilis siyang gagalaw. Kukunin


ang mga gamit at magsisimulang umalis.

PATRICK: Saan ka pupunta, Rosemary? Hintay!

PY
ROSEMARY: (Kinokontrol ang galit.) You’re nothing but a jerk, Patrick. She’s better
off without knowing you.

Aalis si ROSEMARY.

O
Madaling kukunin ni PATRICK ang mga gamit niya. Tatayo. Tatayo din si EILEEN.
Lalapit kay PATRICK. Mabilis na lalakad paalis si PATRICK nang harapin siya ni
C
EILEEN.

EILEEN: (Mahihiya.) Um… Patrick?


D
PATRICK: (Iibahin ang boses.) Excuse me? Kilala ba kita?

EILEEN: (Mapapahiya.) Ay! I’m very sorry.


E

Madaling hahabulin ni PATRICK si ROSEMARY. Biglang mahuhulog ang kopya ng


The Firm mula sa kanyang bukas na knapsack. Mahuhulog sa semento ang libro.
EP

Makikita ito ni EILEEN. Titingin kay PATRICK, na biglang maninigas ang katawan at
mananatili sa kinatatayuan. Mapait ang kanyang mukha. Dahan-dahan lalapit si
EILEEN sa libro. Pupulutin niya ito. Dahan-dahan siyang lalapit kay PATRICK.

Haharap si EILEEN kay PATRICK. Makikita sa kilos niya ang mararamdamang galit.
D

Sasampalin niya sana ito, ngunit pipigilin ang sarili nang mapansin ang mga tao sa
paligid. Saglit na tititigan ang libro. Dahan-dahan niyang pupunitin ang front cover
nito. Dahan-dahan din niyang ibabalik ang libro kay PATRICK.

PATRICK: Eileen…

Ikukumpas ni EILEEN kay PATRICK na huwag na siyang umimik. Papasok si


EILEEN sa loob ng coffeehouse. Sasalubungin siya ni WILSON, na agad na
susunod sa kanya, nagtatanong kung saan siya pupunta. Mananatili si PATRICK sa
kanyang kinatatayuan.

TELON

59

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
8.
PURING
Vincent M. Tañada
Mga Tala Tungkol sa Dula:
Isa sa mga unang dramatikong monologong isinulat ni Atty. Vince Tañada
noong siya’y nasa hayskul pa lamang ang “Puring.” Tubong-Balic-Balic, Sampaloc,
Manila si Vince Tañada, isa sa mga tagapagtatag ng Philippine Stagers Foundation,
Inc. (PSF), pangkat ng mga kabataan, karamiha’y mga tinedyer. Marami nang
natanggap na mga gawad at parangal ang pangkat na ito. Si Vince Tañada rin ang
nagsisilbing Artistikong Direktor ng PSF.

PY
Pinaksa ni Tañada sa dramatikong monologong “Puring” ang buhay ng isang
babaeng nagpapatakbo ng karinderya sa kanilang pook. Inilalarawan dito ang
realidad ng pagkakarinderya na ginawa niyang matalinong katatawanan, bagay na
nagpapatunay ng atidyud at pananaw niya sa buhay.

O
Ang Dula:

Tauhan:
PURING (50), may-ari ng isang karinderya
C
PANAHON:
Kasalukuyan
D
LUGAR:
Isang puwesto ng karinderya sa Balic-Balic, Sampaloc, Maynila
E

PURING:
EP

Ayyyy, langaw! Ang daming langaw! Bugaw na nga 'ko nang bugaw, ito namang
mga langaw ayaw pa rin umalis! Parang nakadikit na sa mga kalderong di naman
kalinisan at naulingan na, pero di naman marumi! Abababa! Of course, maganda
naman ang hygiene ko, kaya kayong mga langaw, bakit ayaw n’yong bumitaw, kahit
bugaw ako nang bugaw! Shoo fly don't bother me! My God! Are you deaf or blind? Di
D

n’yo ba nakikita ang pambugaw ko? Kayang-kaya kayong pisain nito. Pero bakit
parang ’di kayo natatakot? Ano’ng akala n’yo rito, buntot ng parol o pompom ng
cheerleader? Ang tatanga n’yo! Matakot kayo! Matakot kayo! Why don't you just
leave me alone! Leave me alone!

Bakit naman kasi puro langaw ang mga kustomer ko? Nasaan na sila? Sina Mrs.
Kasusuhan, Aling Paking, ang mag-anak ni Tiyo Pabling tsaka si Mr. Brocho.
Everyday ba ganito ang life? Di ba sabi ng isang sikat na writer: “No man is an
island,”eh woman ako kaya ba I'm alone? Kaasar ha! Ang monggo ko, kung nakikita
n’yo lang ang monggo ko! Kanina lang ang sigaw ko, louder pa sa kampana ni
Imang: Monggo! Monggo kayo riyan. Sa kahihintay sa kustomer, pagkatapos
mababad sa ilalim ng init ng araw, ayan, "naging toge na! My gulay, gusto ko nga

60

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
palitan na ang tinda ko! My goodness, gusto ko yatang isigaw imbis na monggo, toge
kayoriyan! Bili na kayo ng toge!

Haaay naku, ito ngang paksiw na bangus ko gusto na ring mag-give up! Kanina lang
sa palengke para kang may sore eyes, bakit ngayon para ka nang may black eye!
Ano ka? Jinombag ng kapwa mo isda, aba underdog ka pala, you're not a fighter.‘ At
tsaka bakit nangingitim ka na? Alam ko uso ngayon mga Jaya, Rochelle ng Sex
Bomb, Whitney Tyson at Jinky Oda, pero gumaya ba? Remember, hindi hito ang
binili ko kanina. You're not ' a catfish, you're a milkfish! S****! Dahil ba yan sa suka?
Kainis ka ha! You're drowning in endless sorrow, at ang amoy mo! (Aamuyin-ang-
kilikili) My God, what’s the difference!

Speaking of mga amoy, teka, teka, teka,ano itong naaamoy ko?‘ May patay ba?
Bakit parang may najokil? Don't tell me, ginawa ng sementeryo itong five-o'clock?

PY
May nag away ba? Siguro meron na namang nagrambol na kabataan kagabi at may
na-ice pick na naman sa tagiliran! Eh, bakit dito malapit sa karindera ko itinapon ang
nabubulok na bangkay ng Iintek na nagripuhan? Pero parang dito nanggagaling.
S*** na malagkit parang isa sa mga kalderong ito nanggagaling ang amoy. The smell
is right here, my goodness. Guys, reminder, food kayo, hindi kayo garbage can.

O
(Isa-isang bubuksan ang mga kaldero hanggang sa mabuksan ang pangatlong
kaldero.) My God! It's you! Hindi- ka lang dying, you're dead! Angela Bopiz! What
happened? Why are you not breaking it to me gently? Don't die in front of me! My
C
God, napakabata mo pa, hindi ko kakayaninl Kahapon ko lang niluto ang Bopiz na
ito, ngayon para na siyang tinadtad na sanitary napkin ng Iolang nireregla. Bakit
ganyan ang smell mo, ano ka, suka ng lasinggerong namulutan ng sisig? Baka
naman pwede ka pang tumagal kahit na you smell like pozo‘ negro na ang kulang na
D
lang mga tauhan ni Malabanan. Please stay, stay for me, kaya mo‘yan! Ayan!
Nagmamatigas. Feeling independent. Sige don’t listen. Ang tigas ng ulo mo!
Goodbye then!
E

Wala na ba kong maaasahan sa inyo, mga p******* kayo! Pinaghihirapan ko pa


naman kayo. (Bubuksan ang pang-apat na kaldero.) You, Adobo, ikaw ang last card
EP

ko, huwag kang bibigay. Sa lahat, alam mong ikaw ang pinaka-long lasting. Kaya
mong magre-reincarnate. Kahit second or third life kaya mo! Huwag kang gagaya sa
mga ka-batch; mo. Pero bakit parang nanlalagkit ka? S*** na malagkit, ano ka, may
split personality? Adobo ka, hindi ka ginataang bilubilo! Pero I believe in your
capacity. Napakarami mo nang pinagdaanan, ikaw ang pinaka-versatile kaya alam
D

kong tatagal ka pa. Ganyan naman kaming mga primera klaseng chef, dapat
versatile din, dapat magaling mag-invent at mag-reinvent! Katulad nitong adobo ko,
nagsimula ’yan na Bistek Tagalog‘ nung Lunes, kung hindi nabili, tanggalin ang mga
biIug-bilog na sibuyas, lagyan ng additional suka, paminta, bawang, pakuluin, voila,
Adobo na siya sa Martes. Kung di parin mabibili, lagyan lang ng asukal na
pula,simmerit, then yes to fad o na siya sa Miyerkules. Kung iniisnab pa rin ng mga
kustomer mo, lagyan ng pinya, dagdagan ng sabaw, Pork Humba na siya sa
Huwebes. Kung di pa rin mabibili, kunin ang mga baboy, sahugan ng, ampalaya,
okra, talong, sili, sitaw at gata, Bicol Express na siya sa Biyernes! Kung di pa rin
mabibili, tadtarin mo lahat ng nasa Bicol Express mo, dagdagan ng ubod, ibalot sa
lumpia wrapper, eh di may Lumpiang Sariwa ka na sa Sabado. Kung sa Linggo may

61

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
natira ka pa rin, iprito mo ang Lumpiang Sariwa, eh di may pangmiryenda ka nang
Pritong Lumpia.

Ganyan lang naman ang versatility nating mga cooks, kaya sa negosyong ito, bakit
maymalulugi? Sa meryenda, kung may spaghetti kang nakahiwalay ang sauce, at
hindi ito nabibili, bukas, ihalo ang sauce, lagyan ng cheese, i-bake, eh di may baked
spaghetti ka na. Kung di pa rin mabibili, tanggalin ang cheese sa ibabaw. lbabad sa
tubig ang spaghetti. Lagyan ng konting gatas at carrots, sabawan, eh di may sopas
ka na sa isang bukas. Kung magtatanong ang kustomer mo bakit pula ang sopas
mo, sabihin mo ganyan talaga ang Italian Food, parang Minestrone‘yan, kaya kung
magrereklamo pa rin, bigla mong ihirit, Bon-a-petite, hindi na makasasagot ang mga
kustomer mong galing Kundiman Talipapa o Plaza Noli o Galas, dahil hindi nila
maiintindihan ‘yon!

PY
Maggagabi na! Matatapos na naman ang boring na araw na ito! My God! Ang mga
ulam ko, mananatiling ulam pa rin. Pero what the heck, ‘wag kayong makikialam,
hanggat may tao, may magugutom at hanggat may magugutom, may kakain at
hanggat may kakain, may bibili ng mga ulam na‘yan. Ganyan kami sa Balic-Balic,
walang sumusuko! Pahirap nang pahirap man ang buhay kakai't kakain kami! Kaya’t

O
bukas na bukas magluluto pa rin ako, kahit mga langaw na Iang ang matirang
kustomer ko! C
Ulam! Ulam kayo riyan! Bagong luto! Bagong luto!

(Magdidilim)
E D

-Wakas-
EP
D

62

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
9.
Ang Unang Aswang
Rody Vera

Itinanghal nuong Ikawalang Taon ng Virgin Labfest 2006.


Ang mga nagsiganap:

ASO ..……………………………………………………….…………… NAR CABICO


PUSA ……………………………………………………….….…. ANNA CATAMORA
BABOYRAMO ……………………………………………….……. ROSELYN LORIA
ASWANG…………..…………………………………………………… AMIHAN RUIZ

PY
LALAKI …………………………………………………………………ACEY AGUILAR
ASAWA NG LALAKI …………………………………………… SKYZX LABASTILLA
KORO ………………………………………………………. CHRISTINE PENSERGA
…………..…………………………………………………. CHRISTINE DUMANGUIN
……………………………………………………….…………….. ALISON SEGARRA
……………………………………………………………………….….. ALVIN OBILLO

O
..……………………………………………………………………......... JM CORDERO
……………………………………………………………………….… ABNER DELINA
………………………………………………………………….… SKYZX LABASTILLA
………………………………………………………………… SHEENLY VEE GENER
C
Sa direksyon ni …………………………………….……………………. HERBIE GO
E D

Ang Unang Aswang


Rody Vera
EP

Mga Tauhan:
ASWANG – 14 na taong gulang
ASO/KORO
PUSA/KORO
BABOYRAMO/KORO
LALAKI
D

INA NG ASWANG

Desisyon ng direktor kung ibabahagi ang mga papel ng ASO, PUSA, at


BABOYRAMO sa isang aktor o isang grupo ng mga aktor na gagampanan ang papel
bilang KORO.

Ang tagpuan ay madalas magaganap sa kagubatan, subalit may ilang eksenang


magaganap sa kabayanan/kabihasnan. Hindi kailangang baguhin ang entablado;
maaari itong baguhin sa pamamagitan ng ilaw.

63

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
PROLOGO:

Sa simula, bibigkasin ng lahat ng gaganap ang sumusunod na tula/kuwento.

LAHAT: Ang unang aswang ay naulilang sanggol


na sumuso sa dugo ng bangkay niyang ina.
Ang tangi n’yang tanod ay ‘sang pusang itim
at ‘sang asong may pangil na nagkrus ang talim.
Nasimot ang bangkay, naubos ang makakain
saka niya sinipsip ang puso ng saging.
May ‘sang baboyramong mabangis ang ayos
na naawa sa kanya’t nagpasusong lubos.

PY
At pagkaraos, ang unang aswang ay nagdalaga
at sinipingan ng ‘sang binatang galing sa bayan.
Nang magsilang ng bagong anak ang aswang
una niyang kinain ang tingkis ng bata
Bago niya dinukot ang malambot na atay

O
at saka nginasab ang bawat laman.

Ang unang aswang ay isang hayok na babaeng


C
kumakain sa sariling bunsong akay-akay.
Kungalin ang dahilan: pagkaulila sa ina
o bangis ng mga hayop na sa kanya’y nag-aruga?
Gatas ba ng halimaw ang nagpasungit sa kanya
D
o bulaklak ng saging na makamandag ang dagta?
Ang lahat ay tumuro sa kanyang pagkabata;
walang isang lumingon at nagbintang sa binata.
E

ANG ASO
EP

ASO: Nakatindig ang matitigas na balahibong nagdikit sa aking balat. Ang hingal
ko’y mainit halos umusok ang nagtutubig kong nguso. Pumapatak ang laway
sa lawit kong dila; mga patak ng asidong bumubutas sa lupa. Ang taglay ko’y
bangis na nagmula sagalit at poot na inipon nitong daigdig! Ang galit at poot
D

na ito’y iniitsa ng bawat kamalayan sa mundo. Inaasinta sa kawalan o, kung


wala man ang kalaban, basta na lamang inihahagis sa kawalan. Walang
pakundangan, basta mailabas lamang. At pagkaraa’y muling papayapa ang
kalooban. Pero ano ang nangyari sa lakas ng tinapon? Di naman ito
naglalaho, bagkus pumipintig, nagsisilab. At ang poot, pag natipon,
nagmimistulang bulkang naghihintay na sumabog para muli itong ipukol sa
laksa-laksang nilalang na minsang nagtampo, nagsungit, nagliyab nagdilim
ang paningin.

Ako nag bulkang iyan! Nakatindig sa mataas na bundok; tinatanaw ng


nagbabaga kong mga mata ang kapayapaang inasam niyo at pilit
pinananatili. Ako ang lumulon sa galit at poot na inyong tinapon. Naghihintay

64

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
lang ng tamang pagkakataon para muling ibaliksa inyo ang galing sa inyo.
Ako ang itim na butas na humihigop ng lahat ng nilikha ng Maykapal. Ako
ang puwitan, ako ang labasan, ako ang imburnal, ang lalagyan ng burak at
bawat bahong hindi niyo matiis langhapin. Ang bahong ito ang nagpakrus sa
aking mga pangil. Ang itim ng burak ang alkitrang ipinahatid sa balat kong
kumukunat. At sa takdang panahon, sa badya ng kalikasan, muli kong
ibabalik ang inyong kinalimutan.

ANG PUSA

PUSA: Mga mata ko lang ang iyong nakikita sa dilim. Pero ikaw kitang-kita ko
ang buo mong pagkatao. Nangangatog ka habang naglalakad dito sa
gubat. Kung anu-anong pumapasok sa isip mo. At ang isip mo’y

PY
nagluluwal ng mas malaking halimaw hanggang di mo mapigil ang
iyong hininga.

Ganito magsimula ang takot mo: May ikinuwento sa iyo nung ika’y
sanggol pa. Tandang-tanda mo ang sinabi ng malaking boses ng
iyong magulang: “Huwag diyan, kundi kukunin ka nila.” At ngayon,

O
tatawid ka sa mapanglaw, madawag, madilim na gubat. Ang iyong
mga mata’y makakakita ng paniki sa kaunting kibot ng dahon ng
punong mayabong. Makakarining ka ng kaluskos, o yabag na dati-
C
rati’y hindi mo napapansin. May kakalabit sa iyong siko, may
maaamoy kang insenso. At ang mga ito’y sapat nang sangkap para
magsama-sama sa iyong sentido na siyang bubuo ng hugis ko. Isang
maitim na halimaw na may dalawang bolang matang nagninignas,
D
hinihintay kang tumawid sa hanggang ikaw din ang nagtakdang
bawal.
E

At bago ko pa man gawin ang iniisip mong gagawin ko. Nauna na ang
iyong sindak. Kakaripas ka ng takbo o kaya papanawan ng ulirat.
Sisigaw ka o magdarasal. Magtatago sa kumot. Pero ang tutoo’y
EP

hinihintay ko lamang na dumaan ka. Nakangiti ako, nanghahamon,


“Sige subukan mo.” Ang sinumang walang takot ang siyang
makakatawid. Pero ngayon, hindi ko na nakikita ang mga
matatapang. Hindi na sila nagagawi sa hangganan ng takot. Ako ang
halimaw ng iyong sindak.
D

ANG SANGGOL

Mula sa malayo may darating na isang babaeng nakaitim. May kuwintas sa kanyang
leeg. Tila mayroon siyang tinatakasan. Mapapalingon ang BABAE sa malayo. May
maririnig tayong putok ng baril. Tatamaan ang BABAE at hihilata sa gitna.

ASO: Nakita ko siyang walang malay, dilat ang mga mata, pero may kulay
pa ang balat. Kamamatay lamang. Inihagis mula sa kabihasnan.
Biktima ng isang bayang nagpapanggap na banal. Babaeng
nakapanghawa ng prayle? Babaeng nanghamon sa nakaugaling
tradisyon?

65

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Makikita ng ASO ang kuwintas na nakasabit sa leeg ng BABAE. Hahablutin niya ito
sa pamamagitan ng kanyang ngipin.

ASO: Dito sa bukana ng gubat. Kung saan walang kaluluwang


magtatangkang pumasok, hinila ko ang bangkay papaloob. Mahaba-
habang kainan ito. Uunahin ko ang ulo, at pagkatapos ay ang dibdib,
bago ang tiyan. Masarap ang puso, ihuhuli ko ang atay. Isipin ko pa
lamang, ako’y naglalaway. Binuka ko ang aking bunganga, handing
itarak ang nagkrus kong pangil sa bungo ng patay. Nang mamataan
ko ang tiyan ng babae. May gumagalaw sa loob. Parang bukol na
nagpipilit humulagpos.

PUSA: May sanggol sa loob ng tiyan.

PY
ASO: Anak ng diyablo! May hayop sa loob na ibig huminga.

PUSA: Buksan mo ang tiyan.

ASO: Bakit pa? Sabay ko na silang uulamin.

O
PUSA: Nagmamakaawa, uha nang uha sa loob. Naghihintay na madampihan
ng hangin.
C
ASO: Nagmamakaawa.

PUSA: Ako na nga.


D
ASO: Akin iyan.
E

Nag-aaway ang ASO at PUSA. Sa gitna ang away na ito. Lalabas mula sa bangkay
na babae ang ASWANG bilang isang sanggol.
EP

ASO: Isang manipis ngunit nakapaghihilakbot na ungol at iyak ang


pumalahaw sa gubat.

PUSA: Kahit ako’y kinilabutan.


D

ASO: Dahan-dahan niyan sinipsip na parang gatas ang dugo ng kanyang


ina. Namutla ang bangkay. Nang maubos ang dugo’y nginata nito
ang laman hanggang lumikha ito ng butas sa gitna ng tiyan.

PUSA: Buhay siya.

ASO: Pero mamamatay din ang batang iyan pag nagutom.

PUSA: Ganyan ang batas ng kalikasan.

ASO: Ang buwan!

66

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
PUSA: Bilog.

ASO: Pag ito’y namatay uungol ako, isang ungol na maririnig sa buong
kagubatan, pati na rin sa karatig bayan. Upang malaman nilang may
isinilang at may namatay.

PUSA: Doon! May isang punong saging. Ang puso nito’y nagsisimulang
bumuka pa lamang.

ASO: Magandang pagkakataon. Bilog ang buwan at ang puso ng saging ay


pabukadkad pa lang.

PUSA: Kapag ang dagta ng bagong bukang puso ay pumatak sa labi ng

PY
walang malay na sanggol, may lakas siyang tataglayin na higit pa sa
sampung tao.

ASO: Inusog ko ang bata gamit ang aking nguso. Hanggang siya’y
gumulong-gulong patungo sa tapat ng puso.

O
PUSA: Inasinta ang namumuong dagta na ngayo’y papatak na.

ASO: Sa takdang sandali ngpagbagsak ng perlas, kinagat ko ang ilong ng


bata.
C
PUSA: Napanganga ang kanyang bunganga.
D
ASO: Pumatak at sumuot ang dagta sa munting lalamunan. Nagsara ang
bunganga.
E

PUSA: Tatlong araw na nahimbing ang sanggol. Pero di nangyari ang


anumang inaasahan namin.
EP

ASO: Mukhang mamamatay na lamang ang batang ito. Kaya’t sa ikatlong


gabi, ako’y nagpakaungol-ungol. Nagtayuan ang balahibo ng mga
nahintakutan. Nagsara ng bintana ang bawat nakatira sa bayan.

PUSA: Sa ikatlong araw, pagkalipas ng palahaw ng mabalahibong aso,


D

dumating ang pagkalaki-laki, at kahindik-hindik na baboyramo!

ANG BABOYRAMO

Isang malakas at nakakakilabot na tunog ang nagmumula sa BABOYRAMO.

BABOYRAMO: Pinatay niya ang mga anak ko! Sinugod ko sila pero may dala
siyang pana at tinamaan niya ako sa pigi. Ilang araw din
akong di makalakad. Ang akala ko mamamatay na rin ako.
Mabuti’t napatigil ako sa may ilog at doon ay hindi ako
naubusan ng maiinom. Nang gumaling ang sugat ko, saka ko
lamang ipinagluksa ang dalawang kong anak. Dinampot, tinali,

67

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
at kinargang papalayo sa akin. Ilang araw akong lumuha, di
ako mapakali. Gusto kong isubsob ang pangil ko sa puno.
Narinig ko pa noon ang tili at hinagpis ng isa kong anak nang
takluban niya ito ng lambat at pagtusuk-tusukin ng sibat.
Marahil yung isa’y nawalan ng malay. (Sa ASO at PUSA)
Nang muli akong makaladkad, wala na sila. Pero kinabukasan,
dumating kayong dalawa at inalay ito sa akin.

Iaalay ng ASO ang kuwintas sa BABOYRAMO.

BABOYRAMO: Ang walang malay na sanggol na nagmula sa lahi ng halimaw


na pumatay sa aking mga anak. (Lalapit, aamuyin ang buhok
ng sanggol) Binugahan ko siya ng mainit kong hininga.

PY
Pinakita ko sa kanya ang aking mga pangil. Nagsisigaw ako.
“Paghigantihan mo ang aking mga anak!” At ikaw! Ikaw ang
unang makakatikim ng paghihiganting iyan! Iniangat ko ang
aking paa at itinapat sa kanyang ulo. Isang tabig ko lang,
mapipisa ka. Pero sa isang iglap na di ko inaasahan, kumapit
ang sanggol sa isa kong suso. May pumatak na gatas sa labi

O
niyang maliit. At tulad sa maraming sanggol na naghahanap
ng masisipsip na katas ng buhay, kinabig niya ang utong,
patungo sa nauuhaw niyang labi. Di mapigilan kong inalay ang
C
utong na naghahanap din ng sanggol na sisipsip. Ang galit ng
ina ay napalitan ng damdaming pamag-aruga. Ang tangkang
pagpatay, ay napalitan ng kalinga. Ako’y inang inagawan nila
ng mga anak. Pero ako’y ina ring punung-puno ang dibdib sa
D
sasabog kong gatas.

Mabilis ang daan ng panahon sa entablado. Magdadalaga ang ASWANG. Isusuot ni


E

BABOYRAMO ang kuwintas sa ASWANG. Nagmamasid lamang ang mga hayop.


EP

ANG PAGDADALAGA

ASWANG: (Tinitingnan ang sariling ari, patago. Kinakabahan.) may sugat. Pero
di ko makita… at hindi humahapdi. May dugo at di ko alam kung bakit.
Marahil sa aking pagtulog. O baka mayroon akong nakain? Dito sa
D

aking kamang gawa sa tuyong dahon, nagmantsa ang dugo at halos


di ko napansin nang ako’y gumising at bumangaon hanggang may
kaunting kirot sa tiyan ko. Para akong nag-iinit, nahihilong di ko
malaman. Ako ba’y may sakit? Hindi naman ito namamaga. Sinapnan
ko ng dahon upang di na siya magpatuloy pang dumaloy.
Kinagabihan, natakot na ako. Nagkulong ako sa aking kama, nagkubli
at di nagpakita. Patuloy ang daloy ng dugo. Pakiwari ko ako’y
manghihina. Pero hindi. Ako’y nagugutom, nauuhaw, at nagsusungit
pagkat sadyang napakainit. Nagpapawis ang buo kong katawan.

BABOYRAMO: Kasabay ng buwan ang indayog ng iyong katawan.

68

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
ASWANG: Ang buwan! Namimintog. May binubulong ang buwan, Inay. Mga
mahihiwagang salitang di ko maintindihan. Parang usok na nanunuot
sa aking ilong at aabot sa aking sinapupunan. Ang nararamdaman
ko’y ang diwata ng buwan, sa aking kalamnan. Mainit… Paglipas ng
ilang araw, tumigil din ang dugo. At ang buwan, hindi na namimilog.

ANG BINATA

LALAKI: Dito, malaya kong magagawa ang kahit na ano’ng gusto ko. Dito
walang batas. Walang reglamento. Dito sa gubat, isa akong binata.
Wala akong anak. Dito sa gubat, ang gustuhin ko ang siyang
mangyayari. Ang tanging hadlang lamang ay kung umulan, bumagyo

PY
at walang masilungan. Dito puwede akong maghubad kung kailan ko
gusto. Dito puwede akong kumain nang hindi nagpapasalamat.
Puwede akong kumanta ng awiting bastos, o magbilang ng bituin, o
bulbol nang walang hiya-hiya. Malaya! Puwede akong pumatay ng
babuy ramo. Tulad ngpagmamayabang ng aking ama nuong magbalik

O
siya mula dito isang araw labing-apat na taon na ang nakalipas.
Sampung araw siyang nanatili dito. Walang nakakaalam kung
magbalik pa siya. Ang sinumang mangahas sa gubat na ito ay di na
nagbabalik. At ang nagbabalik ay di na nagbabalik ang katinuan ng
C
isip. Kahit na si Ama. Nung una namin siyang makita, kitang-kita ang
tagumpay at saya sa kanyang mukha. May dala siyang dalawang
batang baboy ramo.
D
Siya ang unang taong nakagawa nuon. Ang akala ng marami’y may
tagapagtanggol siyang anghel. Pero makalipas ang dalawang linggo,
E

nagbago ang paniniwala ng mga tao. Hindi pala anghel kundi isang
maligno. Isang araw, natagpuan namin si Ama sa tuktok ng tore ng
simbahan, gumigiik na parang baboy. At tulad ng baboy na itinaboy ni
EP

Kristo sa bibliya, ang ama ko’y tumalon at nalaglag sa paanan ng


bukana ng simbahan.

Pero matibay ang tapang ng aking loob. Ang nangyari kay Ama ay
hindi mangyayari sa akin. Apat na araw na ako dito. Malaya! Masarap
D

ang buhay sa gitna ng gubat. (Maghuhubad siya) nang ako’y iluwal,


ako’y hubad. Ngayon, ang pagsuong ko sa gubat ay pagbabalik sa
pinagluwalan. Tanggapin mo ako, kagubatan!

Papasok ang ASWANG. Pagmamasdan ang LALAKI. Pamamalingon ang LALAKI.

Magkakatinginan sila, matagal. Mapapansin ng LALAKI na siya pala’y nakahubad.


Tatakluban niya ng kamay ang kanyang ari at muling magbibihis. Nakatindig lamang
ang ASWANG, nakatingin sa kanya.

LALAKI: H-hindi ko alam na may ibang tao dito.

ASWANG: (Lilingon sa paligid). Hindi kita maintindihan. Ano’ng salita mo?

69

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
LALAKI: Hindi kita maintindihan. Ano’ng salita mo?

ASWANG: Parang galit na ibon ang tono ng iyong dila. Mabilis, putol-
putol, pero may malambing na indayog.

LALAKI: Paano ka nabuhay sa gubat na ito? May mga magulang ka?

ASWANG: Ngayon lang ako nakakita ng tulad mo.

LALAKI: Naiintindihan mo ba ako?

ASWANG: Nagsasalita, nakapag-iisip. Nakatatayo sa dalawang paa. Di


tulad ng ina ko na apat ang paa. Nuon pa man, pakiramdam

PY
ko’y iba ako sa kanila. Pero ikaw! Ikaw na isang dayuhan ang
siyang mas malapit sa anyo ko. Ano nga ba ako?

LALAKI: Ilang taon ka na? Birhen ka pa ba?

O
ASWANG: Ang buka ng iyong bibig, ang ngiti sa iyong labi. May ibang
damdaming sumisikbo mula sa kaloo-looban ng akin katawan.
Nagpapainit na hindi ko pa naramdaman kahit kalian. Ano’t
napadpad ka dito sa madawag na tahanan ko?
C
LALAKI: Babae, mag-isa ka?

ASWANG: Halika dito sa higaan. Lumakas ang kabog ng aking dibdib.


D
Eto, o hawakan mo.

Anteka… Wala bang magagalit? Hindi ba ito kasalanan?


E

LALAKI:

ASWANG: Ituro mo sa akin. Bakit ako nakakaramdam ng matinding init?


EP

(Tatawa.)

LALAKI: Malaya ang gubat. Walang salamin, walang bintana. Walang


usiserang makakati ang dila. Walang batas. Walang bawal.
Ang napapaniginipan ay nagiging katotothanan. At ikaw, kung
D

sino ka man ay para sa akin.

Yayakapin ng Lalaki ang Aswang. Magdidilim.

Pagbukas ng ilaw, paalis ang LALAKI. Ibibigay ng ASWANG ang kanyang kuwintas
na minana sa kanyang ina-inahan niyang BABOYRAMO. Bilang kapalit, ibibigay
naman ng LALAKI ang kanyang panyolitong itinatali sa kanyang leeg.

ANG PAGHIHINTAY

Pagbukas ng ilaw, wala na ang LALAKI sa piling ng ASWANG.

ASWANG: Iniwan ako sa higaang ito. Puno ng alaala at pag-aasam.

70

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
BABOYRAMO: Makinig ka sa akin! Hindi mo sila kilala!

ASWANG: Ilang ulit akong nagpabaling-baling dahil di makatulog, di


mapakali. Laging naghihintay. Ilang ulIt akong bumabangon,
tumatanaw mula sa siwang ng ginawa mong kubo.

BABOYRAMO: Mas mabangis pa sila sa atin. Ang mga ngiti at yakap nila ay
mga punyal na mas malalim ang tarak. Huwag kang
pabubulag. Masakit ang magsisi.

ASWANG: Doon, nakikita ko, sa malayo, isang bayan na di ko pa


napupuntahan kahit na minsan. Tagpi-tagpi ang pagkakakilala
ko sa bayang iyan.

PY
BABOYRAMO: Huwag kang lumingon diyan! Hindi mo kilala ang bayang iyan!
Ang bayang iyan ay puno ng madidilim na lihim.

ASWANG: Dahil mula lamang sa mga pagitan ng mgapuno ng

O
gubatnaaaninagan.

BABOYRAMO: Maiitim na hangarin na tinabingan ng ngiti at kagandahang


asal.
C
ASWANG: Isang putol na dingding, putol na pintuan.

BABOYRAMO: Mga bakod na galit sa kapwa. Walang pagtitiwala.


D
ASWANG: Isang ngiti ng dalaga.
E

BABOYRAMO: Ngiting habol ay makamkam ang yaman ng iba.


EP

ASWANG: Halakhak ng lalaking walang buhok sa ulunan.

BABOYRAMO: Isang prayleng nagbabanal-banalan. Halakhak ng isang


makapangyarihang suwapang.
D

ASWANG: Isang manok na tumitilaok, dura ng isang matanda.

BABOYRAMO: Nagmumurang sugarol, mataimtim ang maiitim na panalangin


laban sa kaaway.

ASWANG: Yakap ng isang binata sa isang dalaga.

BABOYRAMO: Mga pangakong hindi matutupad. Ikaw ang mag-iingat.

ASWANG: Minsa’y nakakarinig ako ng awit, malungkot, minsan masaya.


Buhay na buhay ang dakong iyon.

71

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
BABOYRAMO: Buhay sa umaga, sa gabi’y ang mga panaginip nila’y pawang
adhika ng kadiliman. Inggit, pagkamuhi, pandidiri sa kapwa.
Huwad ang kanilang mga ngiti, ang kanilang mga pangako,
ang kanilang mga yakap. Ingatan mo’ng sarili, anak. Ang
binata…

ASWANG: Ikaw na napadpad sa gubat na ito ay lagi kong hinihintay.

BABOYRAMO: Huwag magpapatihulog ang puso sa bisig ng binata.

ASWANG: Dahil ang sabi mo, darating ang araw, dadalhin mo ako doon.
At ipakikilala mo ako sa liwanag. Pinabaunan ko siya ng
kuwintas na minana ko sa yumao kong ina.

PY
BABOYRAMO: Hindi ka nakikinig!

ASWANG: Dati rati, halos araw-araw kang dumarating. At dito sa higaan


tayo’y nagsisiping. Tinuruan mo akong humalik, yumakap kahit
noo’y di ko alam ang dapat damhin. At ang halik na iyo’y

O
nagsindi ng damdamin sa akin. Isa akong babae, ang sabi ng
damdaming iyon. Tumulo ang dugo sa aking ibaba. Nang
ipasok mo ang dila sa bibig ko, may kung anong kidlat na
C
sumiklab sa aking kalamnan. Tinuro mo sa akin ang sarap ng
pagtatalik.

Hindi makapagpigil ang ASWANG magsisimula siyang umalis. Haharangin siya ng


D
BABOYRAMO; halos mag-away ang dalawa. Sa isang iglap tatakbo palayo ang
ASWANG, patungo sa kabihasnan.
E

BABOYRAMO: Hindi ka nakinig! Kung gayon, nalalapit na ang iyong hinagpis.


Isa kang taong nag-iisip, isa ka ring hayop na mapusok ang
EP

damdamin.

SA KABIHASNAN
D

Papasok ang ASWANG, naninibago sa kanyang paligid. Subalit ang hiya at pag-
aalangan ay mawawala nang makita niya ang LALAKI.

LALAKI: Ikaw, Ano’ng ginagawa mo rito?

ASWANG: Di ka na nagbabalik.

LALAKI: Paano mo nalamang…?

ASWANG: ...Ni nag-iwan ng halik. Kung saan ka matatagpuan.

LALAKI: Umalis ka na. Maraming makakakita.

72

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
ASWANG: (lilingon sa paligid.) Nararamdaman ko ang mga mata ng
ibang sumisilip sa akin. Nararamdaman ko ang tulak ng
kanilang pandinig, naghihintay na meron akong sasabihin.
Nagtataka. Bagong tao. Dayuhan babae. (Sa Lalaki.) Ang sabi
mo ipakikilala mo ako.

LALAKI: Umalis ka na.

ASWANG: May takot sa iyong mga mata. Ang mga titig ng iba parang
nanduduro. Hindi ka na masayang ako’y makita.

LALAKI: Matagal na yun.

PY
ASWANG: Wala ka bang naalala?

LALAKI: Paano tayo magsasama, ni hindi tayo makapag-usap?


Lagi lang tayong nagtitinginan.

O
ASWANG: Pinakain kita. Hinayaan kitang samsamin ang anumang nais
mo sa gubat ko.

LALAKI: Huwag mo akong guluhin. May pamilya akong minamahal.


C
ASWANG: May bunga angating pagsisiping. May anak ako.

Hahawakan niya ang sariling sinapupunan. Mauunawaan ng LALAKI.


D
LALAKI: Paano ko matitiyak na iyan ay talagang akin? Maraming
E

binatang nangangahas pumasok sa gubat. At bawat isa sa


kanila’y may kuwentong ipinagyayabang.
EP

Itutulak ng LALAKI ang ASWANG. Sasadsad ang ASWANG sa lapag.

ASWANG: Ang aking ina’y pinatay ng tulad mo. At ang ina kong nag-
aruga sa aki’y nanakawan ng dalawang anak. Ang mga
lalaking nagsipasok sa gubat ko magkakatulad (Lilingon sa
D

paligid) Hindi mo iyan magagawa dito. Hindi mo masisipingan


ang bawa’t babaeng maibigan mo. Dito, may bakod ang lahat.
May mga matang manunumbat. Kaya doon mo tinupad ang
maiitim mong balak sa gubat.

LALAKI: Umalis ka na. Parating na’ng aking asawa.

Kukuha ng itak ang LALAKI at mistulang hahamunin ang ASWANG. Lalabas ang
ASWANG. Lalabas ang ASAWA ng LALAKI, makikitang nagdadalantao din ito.

LALAKE: (sa sariling asawa.) Mag-ingat ka.

73

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
ANG PAGBABAGO NG ANYO

Sa sariling higaan sa gubat.

ASWANG: (Sa malaking bugso ng damdamin) “Asawa!” Nais kong punitin ang
langit, tuklapin ang nakapasking buwan at bituin. Nais kong tumbahin ang
mga puno,tapyasin ang mga baging, ipukol ang mga bato, hugutin ang
mgaugat, wasakin… wasakin ang gubat. At ang higaang ito na pinagsaluhan
namin ay nais kong pagliyabin. “Asawa!” Tatlong buwan nang di nalalapit sa
puno ng saging. Tatlong buwan nang di umaagos ang dugo saakin. May
namimintog sa loob ng aking tiyan. May anak ako. Iyun ang sabi ng ina kong
baboyramo. “Asawa!” (Sisigaw.)

PY
Maririnig ang ungol ng ASO.

ASWANG: Mahal pa rin kita. Pero ang pagmamahal na ito’y nakatindig sa


isang lawa ng matinding apoy ng galit. Wala akong ititira kundi
ikaw.

O
ASO: Ang unang aswang ay malungkot na dilag.

PUSA: Anim na buwang tumaghoy sa gubat.


C
BABOYRAMO: Ang aking dalaga di maubusan ng luha.

ASO: Nakiramay ang aking alulong.


D
PUSA: Pero pinipigil niya ang takbo ng panahon.
E

ASO: Naririnig ko siyang minsan, pagkatapos ng napakahabang


pananaghoy, biglang tumawa, nakahihindik na tawa. At ang
EP

sinasabi niya, “Ang poot kong ito, maghahati sa katawan ko.”

May maririnig na sigaw.

BABOYRAMO: Nagsimula na.


D

Mula sa likod ay liliwanag ; makikita natin ang ASWANG, nakatindig at nakabuka


ang binti.

ASWANG: Hindi! Hindi kita iluluwal! Ikaw ang una kong iaalay sa pag-ibig
ko sa kanya. Ang pag-ibig ko sa kanya. Ang pag-ibig kong
kinulapulan ng poot, ng nagliliyab kong galit. (Kikirot ang tiyan)
Aaah! Matitiis ko iyan! Di mo masisilayan ang liwanag nitong
daigdig. Anak ko, mabuti pang ipikit ang mga mata at huwag
nang tumikim ng simoy ng hangin. Malunod ka sa aking tubig,
sa kamandag ng aking dugo. Hindi ako magiging ina! Pagka’t
ang ina’y may natitirang awa. (kikirot, mas matindi) Aaaah! Pilit
kang lumalabas! Nagpipilit na tumakas. Aaaah! Ang sakit! Ang

74

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
kirot! Magtigil ka! Magtigil kaaaa! (Matinding sakit ang
daranasin ng ASWANG, bago mistulang humupa ang kirot at
hilab ng tiyan.) Aaaah! Pilit na hinihiwa ako sa dalawa. Pilit na
hinahati ang aking katawan. Hindi na ito kirot ng batang
nagmamakaawang isilang. Kirot na ito ng aking sariling
pagkamuhi sa kaayusang di ko mapanalunan. Ang mga
huwad nilang kaugalian. Ang nagbabalatkayo nilang mga
batas. Sa gubat nila ipinamamamalas ang maiitim nilang
pagnanasa, ang madadamot nilang kalooban. Sa bayan,
tinabingan nila ng mga ngiti at pagkamagalang ang kanilang
kahayupan. At pag di sila makapagpigil, sa gubat nila ito iniihi,
iniire at ako! Ako ang tampulan ng kanilang putik. Ngayon,
napupuno na ang tampulan at napapanahon nang ibalik ang

PY
naipong latak. (Mas ibayong kirot. Ang mararamdaman.)
anong sakit! Anong kirot ang mahati sa liwanag at dilim, sa
lupa at langit, sa pag-ibig at pagkamuhi. Aaah!

Isang malakas at mahabang sigaw ang maririnig. At sa isang kislap ng kidlat,

O
maghahati ang katawan ng ASWANG.

PUSA: Naghati! Naghati ang katawan mula sa baywang. At doon niya


natagpuan ang bunga ng kanyang pag-ibig, ang bunga ng
C
kanyang galit. Isang sanggol ang kumikislot sa isang pugad ng
matris!

BABOYRAMO: Ang kirot at hapdi ng isang babaeng nasawi ay hindi kayang


D
tablan ng damdaming ina. Kinuha niya ang sanggol na kikislot-
kislot sa hati niyang katawang ngayo’y lumilipad.
E

ASO: Dala ang sanggol, pumailanlang siya sa langit.


EP

PUSA: Pagkataas-taas, tumagos sa mga ulap.

BABOYRAMO: At doon niya tinupad ang krimen niyang kinubli.

ASWANG: Ikaw na walang malay ang uunahin ko! Ipikit ang mga mata at
D

huwag nang gumising pa.

PUSA: At namutawi sa kanyang bibig ang kay raming masasamang


salita na siyang nagpahaba ng makamandag niyang dila!
Isang dilang manipis, matalim!

ASO: At ang dilang iyan ang tumusok sa dibdib ng sanggol niyang


daladala. Sinipsip ang laman hanggang mamutla ang walang
buhay na bata. Humumpak ang dibdib, nangulubot ang balat,
naubos ang laman, nanuyot, gamaan.

PUSA: Saksi ang mga anghel na nagkubli sa mga ulap. Kahit sila’y
napamulagat. Kumulog, kumidlat!

75

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
ASWANG: Ako ang kabaligtaran ng mabuti niyong hangad!

BABOYRAMO: At nang matapos ang krimeng malagin, iminulat niya ang


kanyang paningin at nakitang siya’y hiwalay sa sarili. Hati ang
katawan, pati ang kamalayan. Dagling gumagapang ang
pagsisisi. Sumigaw siyang muli.

ASWANG: Ano itong nagawa ko? Anak ko! Anak ko!

ASO: Pumaimbulong siya mula sa kalangitan.

PUSA: Nagpatihulog tumagos sa mga ulap.

PY
ASO: Natapos ang gabi, nagdugtong ang katawan. Subalit ang
kaluluwa’y tuluyan nang naghiwa-hiwalay.

PUSA: Ang hinagpis, hindi napawi.

O
BABOYRAMO: Paglulustay na walang halaga ang pagpatay sa sariling anak.
Walang ibang nasaktan kundi ang ina.

ASWANG: Mahal pa rin kita. Aaaah!


C
Mula sa malayo, ang ASAWA ng LALAKI, buntis, ay biglang kikirot ang tiyan. Ang
mahabang dila ng ASWANG aytatarak sa kanyang sinapupunan. Mapapahiyaw ito
sa sakit, magdudugo ang paligid na kanyang ikinahimatay. Mamamatay ang
D
ASAWA.
E

ANG PAGHIHIGANTI

Isang nakagigimbal na taghoy ng LALAKI ang maririnig. May dalang itak, papasok
EP

ang LALAKI.

LALAKI: Ayun! Ang babaeng salot! Nag-uulol! Tumatakbo! Lumilipad!


Ano’ng uri ka ng diablo? (Tatakbo, titigil.) Naglaho! Ayun! Nag-
anyong asong ulol. Maitim ang buhok! Nagkrus ang pangil!
D

Kagat-kagat ang isang batang walang malay! Iyan ang anak


ko! Habulin! (Tatakbo, titigil.) Naglaho! Ayun! Nag-anyong
baboyramo. Naghihingal ng hiningang kay init! Ilan sila, pero
iisa! Ibalik mo ang anak ko! Naglaho. Ang babaeng diablo,
ngayon naniningil. Ang anak ko…ang kawawang bunso ko. At
ang asawa ko, nakaratay sa kama niyang naglawa ang dugo.
(Matitigilan) Ayun! Isang pusang itim! Sa ibabaw ng bubong!
Patayin muling naging aso! At muling nanging halimaw na
baboyramo! Isa kang diablo!

76

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Ako! Ako ang harapin mo! Hindi na tumigil ang dugo ng asawa
ko! Nangisay siya’t pumanaw. Ang mga mata niya’y puno ng
takot at pagtataka. Wala siyang muwang, tulad ng sanggol na
dinagit nitong babaeng nagpapalit-palit ng anyo! Hangal! Hindi
lamang sibat ang itatarak ko sa dibdib mo kundi pati ang sarili
kong kamao! Aaay! Ang gubat, ang gubat naniningil ng kapalit.
Ako na lamang ang mamatay!

Magpapakita ang ASWANG sa tuktok. Sapo ang munting duguang sanggol na


dinagit niya sa ASAWA ng LALAKI.

ASWANG: Hindi ka mamamatay, iyan ang sumpa ng aking pag-ibig sa


iyo. Subalit habambuhay mong aasamin ang mamatay, yan

PY
ang sumpa ng poot kong walang awa. Pagka’t bawa’t anak
mong nagpipilit na lumuwal ay dadagitin ko upang busugin
ang gutom kong hangin. Maging ang anak natin na iyo ring
tinakwil ay aking kinain. At ito, masdan mo, lalaking taksil.
Masisimot ang loob, ang tangi mong ililibing ay balat na

O
mahihipan ng hangin.

LALAKI: Kahit ang pinakamalupit na malignong nilikha ng demonyo ay


lumalambot sa iyak ng isang bata. Pero ikaw, ano’ng taglay
C
mong tibay ng puso at hindi ka matinag?

ASWANG: Pinigil ko ang aking pagiging ina. Para sa pag-ibig na iyong


binawi. At habambuhay kong pagsisisihan ang aking
D
pagkakahati. Subalit ito’y huli na. at di na muling mabubuo.
E

LALAKI: Ako na lamang ang lurayin at hindi ako aangil. Maawa ka sa


anak ko! Patawarin mo ako!
EP

ASWANG: Tandaan ang pait ng damdaming iyan. Pagkat habambuhay


mo rin itong madarama. Ganito rin ang ginawa ko sa ibinunga
ng ating pagsasama.

Itatarak ng ASWANG ang mahabang dila sa bumbunan ng sanggol. Isang malalim


D

na taghoy ang magmumula sa kaibuturan ng kalooban ng LALAKI.

77

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
ANG PAGLULUKSA

ASO: Tahimik ang bayan.

PUSA: Mga kandilang nagtatanod na lamang ang tumatanglaw sa


mga bahay.

BABOYRAMO: Sa utak ng lalaki, mahapding pagsisisi sa nagawang


kalapastanganan sa nagdaang araw.

ASWANG: Ako ang unang aswang ng bayang ito. Ako ang salamin ng
kanilang kabulukan. Ako ang salamin ng ayaw nilang harapin!
Nagsimula sa isang pagnanasang makamtan ang langit. At

PY
ngayon, isang buhay ng malungkot man ay malalim naman
ang pag-unawa. Malungkot sapagkat nakikita ko ang dilim na
sila rin ang nagdulot. At maraming magiging tulad ko, nasawi,
itinapon sa gubat ng mga lihim. At magiging tulad nila ako.
Ikaw yun, kung nanaisin mo.

O
-TELON-
C
E D
EP
D

78

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
10.
LUKSO NG DUGO
Rebyu ng Ang Nawalang Kapatid
Mary Joy Capistrano

Dulaang UP
Panulat at Liriko ni Floy Quintos
Musika ni Ceejay Javier
Direksyon ni Dexter Santos

PY
Kuha ni Ronn Bautista
Kasabay ng mabagal na ritmo ng awit ang pagpasok ng mga tauhang nababalot ng
makukulay na pinta ang mukha at katawan. Natatakpan lamang ng tela ang kanilang
mga pribadong bahagi. Mahahaba ang buhok ng mga tauhan, babae man o lalaki.

O
Isang spektakulo ang paglabas ng limang matitipunong lalaki – ang magpipinsan na
mula sa lahi ng Pandava at Kaurava. C
Epiko Tungong Teatro

Halaw sa epikong Mahabharata ng India ang naratibo ng dulang “Ang Nawalang


Kapatid.” Makailan nang naisalin sa iba’t ibang wika ang naturang epiko. Makailan
D
na rin itong naitanghal sa iba’t ibang bersyon, nilagyan ng musika, at iba pang
inobasyon dito sa Pilipinas. Noong 2010, itinanghal ang bersiyon ng epiko bilang
isang dulang pambata ng Ateneo Children’s Theatre. Sa pagsasara ng ika-38 na
E

panahon ng Dulaang UP, isang bagong adaptasyon ng dula na mas mapangahas


ang ipinapalabas sa Tanghalang Wilfrido Ma. Guerero sa Palma Hall ng UP Diliman.
EP

Tampok sa nasabing dula ang diskurso ng kapangyarihan, pamilya at katapatan.


Umikot ang kwento sa alitan ng mga pamilyang Pandava at Kaurava, sa kanilang
“quest for power,” na humantong sa isang giyera matapos matalo ni Prinsipe
Yudhisthira sa labang pustahan kay Prinsipe Duryodhana.
D

Samantala naiwan naman kay Karna, ang pagpapanatili ng kapayapaan sa


magkabilang panig. Si Karna ay lehitimong anak ng Padanva sa Diyos ng Araw.
Ipinatapon siya sa kagubatan at lumaki sa kalinga ng mga unggoy.

Nakapayong sa epiko at dula ang politika, ekonomiya at kultura ng katutubong


pyudalismo sa India. Ang indibidwal ay pag-aari ng kanyang pamilya at ng kanyang
amo. Kinaharap ni Karna ang napakahirap na responsibilidad ng “pagpanig,”
Kailangan niyang pumili sa pagitan ng kanyang mga kapatid at ng taong
pinangakuan niya ng tapat na serbisyo. Hangga’t maaari ay ayaw ni Karna na
matuloy ang giyera. Kaya pilit niyang hinihikayat si Duryodhana na huwag nang
isulong ang laban. Gayunman, huli na para pigilan niya ang malaking giyera na
humantong sa kamatayan ng magpipinsang Yudhisthira, Bhima at Arjuna.

79

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Hukom na Manonood

Ang adaptasyon ay isang pagsasalin hindi lamang ng wika kundi ng ideolohiya at


kultura. Sa akto ng adaptasyon, may tiyak na pagsaalang-alang sa orihinal na akda
at sa pagsasalinang wika at lipunan. Mahalaga ring konsiderasyon sa anumang
adaptasyon ang milieu, kasaysayan at ekonomiyang pampolitika ng orihinal na akda
at ng pagsasalinang lipunan. Sa adaptasyon, may kalayaan at responsibilidad ang
tagasalin sa pag-aangkop sa manonood at sa pagpapagitaw ng ideolohiya ng akda.

Sa pahayag ng manunulat na si Floy Quintos para sa kanyang adaptasyon,


humanap siya diumano ng anggulo na maaantig ang damdaming Pilipino. Ayon kay
Quintos, sa halip na bigyang-diin ang sagupaan sa pagitan ng Kaurava at Pandava,

PY
na madalas pokus ng mga ibang bersiyon ng Mahabharata, higit na itinuon ang
kwento sa bahaging kailangang mamili ni Karna kung kanino papanig.

Dito makikita ang kultura at politika ng pagpanig, pagdedesisyon, at paghuhukom


bilang mga diskurso ng kapangyarihan. Anumang desisyon at pagpanig ay isang

O
politikal na aktong hindi kailanman dapat nakahiwalay o nakalutang mula sa
masalimuot na reyalidad ng lipunan.

Ngunit sa anumang adaptasyon at pagtatanghal, gaano man ang konsiderasyon sa


C
bagong anggulo o pokus, higit na kailangang tiyaking maipapapukaw ang asembleya
ng politika at ideolohiya ng akda. Halimbawa, sa dula, lumitaw ang mga isyu ng pag-
ibig, sakripisyo at pagtimbang sa relasyon sa pamilya. Habang pinatutunayan sa
dula ang kapangyarihan ng pag-ibig, may pangangailangang epektibong madiskurso
D
ang paglulugar sa babae sa diskurso ng pag-ibig at kapangyarihan. Kailangan ng
interpolasyon sa mga sitwasyong tila pahayag ng wagas na pag-ibig, ngunit sa
totoo’y pagsasailalim ng babae sa kapangyarihan ng lalaki at uring panlipunan.
E

Halimbawa, isinumpa ng asawa ni Haring Dritarastra ang sarili upang damayan ang
EP

hari sa kanyang pagiging bulag. Tila pag-ibig din ang naghatid kay Duryodhana
upang maghiganti sa kanyang pinsan sa pamamagitan ng pustahan. Kung tutuusin,
sa higit na pagbibigay-diin sa pag-aagawan ng magpinsan sa pag-ibig ng dalagang
si Draupadi, higit na lumabnaw ang nauna nang dahilan ng alitan na agawan sa
posisyon ng pagiging hari. Gayon ang matutunghayan sa halip na malinaw na
D

maitagni na ang babae’y isinasadlak bilang pag-aaring pinag-aagawan o posisyong


pinagpupustahan.

May pangangailangan ring liwanagin na bagama’t may pokus sa pamilya ang


adaptasyon ay mayroon na itong tiyak na koneksyon sa manonood na Pilipino. Higit
sa anupaman, kailangang mahusay na mapagtagni na ang konsepto ng pamilya ay
hindi payak na kultural o tradisyonal na konsepto. Ito’y isang produkto ng mahabang
proseso ng pagtutunggalian ng kapangyarihan, ng pang-ekonomiyang pang-aalipin,
at ng pananaig ng mga makapangyarihan.

Kung susuriin, halimbawa, tila naging tunguhin ng dula ang patunayan na walang
mas hihigit pa sa relasyon ng pamilya. Kahit na ang sinumpaang tungkulin sa isang
tao na kinilala kang kapamilya sa kabila ng pinagmulan mo. Ngunit kailangang

80

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
linawin na ang pamilya ay hindi lang tungkol sa relasyon sa pagitan ng mga
magkakaanak o tungkol sa pag-ibig sa kalahi at kadugo.

Dahil ang puno’t dulo ng away ng pamilya ay tagisan ng makalalaking ideolohiya,


tagisan para sa pang-ekonomiya at pampolitikang kapangyarihang makakamit ng
kung sinumang mauupo sa poder.

Tulad nga ng sabi ni Friedrich Engels sa kanyang Origin of the Family, Marriage and
Private Property, ang pamilya ay isang pang-ekonomiya at pampolitikang
mekanismo. Maaari itong magpanatili ng dominanteng sistema tulad ng pyudalismo
at kapitalismo, habang maaari rin naman itong magsilbing kontra-gahum.

Tuntungang Entablado

PY
Mahaba at matagal na ang koneksyon ng India at Pilipinas, mula sa impluwensiya sa
ating wikang baybayin ng wikang Sanskrit, hanggang sa mga oral na panitikan at
tradisyon. Ang Mahabharata, kung gayon, ay isang paraan ng pakikipagkonekta sa
mga kultural na ugat ng mga Pilipino sa mga kapatid-bansa tulad ng India.

O
Maging ang Pilipinas ay hitik sa mga epiko. Sa dami ng bilang ng mga grupong
etniko na naninirahan sa bansa, hindi maitatanggi ang dami ng mga kwentong
bayang naglalaman ng ating kasaysayan, politika at ideolohiya. Sa panahon na
C
rumaragasa ang mga neoliberal na kultural na produkto – at sa patuloy na
pagkalabusaw ng mga mapagpalayang identipikasyon at kultura at politika – may
tiyak na pangangailangang sandigan ang tradisyonal, katutubo at bagong kulturang
mapagpalaya.
D
Isang bagay ang balikan ang mga tradisyon at kultura, ngunit ibang bagay rin ang
E

lumikha ng mga adaptasyong hindi lamang gagawa ng koneksyon kundi lilikha ng


mapagpalayang koneksyon para sa mapagpalayang mga kolektibong aksyon.
EP
D

SANGGUNIAN:
http://www.philippinecollegian.org/lukso-ng-dugo

81

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
11.
Kung Totoo ang Larong Killer-Killer
Jonathan Alejo Valdez

PY
Sipat Lawin Ensemble
Source: https://jkanicoche.files.wordpress.com/2014/06/sle-profile-canvas.jpg
Date viewed: May 5, 2016, 10:42 a.m.

O
Walang pagod ang mga manonood sa pagtakbo para matunghayan ang susunod na
eksena sa baliw na larong ito. Duguang mga bangkay dulot ng kaliwa’t kanang
pagpapatayan ng mga estudyante ng Class Hope ng Our Lady of Guadalupe High
C
School ang nagkalat sa paligid ng Museong Pambata. Habang hinaharap ng mga
estudyante ang lagim ng larong pinipilit silang magbarilan, magpaluan, at
maghiwaan, naroroon kaming manonood, naaaliw habang tinutunghayan ang
karahasan na para bang kami ang diyos ng kanilang kapalaran.
D
Ito ang handog ng pagtatanghal ng Sipat Lawin Ensemble (SLE) na pinamagatang
E

Battalia Royale, isang inter-active site-specific na pagtatanghal kung saan hindi


lamang nasasaksihan ng mga manonood ang bawat eksena, kundi kabilang na rin
sila sa bawat pangyayari ng palabas.
EP

“Kup** ang mundo. Wala kang magagawa kundi ang lumaban.” – Kakai

Halaw ang kuwento ng Battalia Royale sa nobelang Battle Royale ni Koushun


Takami. Sa nobela, isang pangkat ng mga mag-aaral sa high school ang sapilitang
D

ipinaglaban-laban sa isang programang nilikha ng pamahalaan upang sugpuin ang


kanilang namumuong diwa ng paghihimagsik. Sa bersyon ng SLE, bahagi ng
bagong Filipino curriculum ang programa na naglalayon umanong ihanda ang
kabataang Pilipino sa pagpasok nila sa tunay na mundo. Sa parehong bersyon,
kinakailangang magpatayan ng mga kabataan upang manalo – mamatay silang
lahat kapag higit sa isa ang mananatiling buhay sa pagtatapos ng laro.

Binuo ng SLE ang dula sa tulong ng apat na Australianong manunulat. Mula sa script
na nakasulat sa wikang Ingles, isinalin ng SLE ang ilang bahagi at pinasukan ng
Pilipinong konteksto at sensibilidad.

Puro mga Pilipinong aktor ang nagtanghal sa produksyon ng SLE. Inamin pa ng mga
Australianong manunulat na angkop ang dula sa konteksto ng Pilipinas – lalo na ng

82

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
urban nitong sentro – dahil halos pang-araw-araw na realidad dito ang karahasan.
Pamilyar sa mga Pilipinong manonood ang bigat at pait ng totoong karahasan sa
antas na hindi mapapantayan ng mga manonood ng Japan o Australia kung saan
maaaring magsilbing palabas o spectacle lamang ang pagtatanghal. Sa ganitong
gawi, masasabing Pilipino nga ang dulang ito.

Tulad ng isinalarawan sa nobela, kalat-kalat na tilamsik ng dugo ang makikita sa


magulo at madilim na tagpuan ng dula. Mas lalo pang napatindi ang pagiging
makatotohanan ng dula dahil sa putok ng props na baril, paggamit ng mga tauhan sa
mga sandatang mukhang tunay, at maging ang pagganap ng mga kawani ng SLE
bilang mga tagapangasiwa ng laro at taga-gabay sa manonood sa susunod na mga
eksena.

PY
“Hindi choice maging mabuti. ‘Yun ang dapat!” – Victor

Site-specific ang pagtatanghal kaya lumilikha ito ng atmosperang nakabatay sa tono


ng dula. Habang nagkakagulo ang mga tauhang estudyante sa pagtakbo at
paglaban sa isa’t isa, tumatakbo at nakikipagbuno rin ang mga manonood para

O
makita ang mga eksena. May panganib ding matamaan ng sandata, matilamsikan ng
dugo, o mabunggo ng mga tauhan ang manonood.

Dahil sa estilong ito, mas umiigting ang relasyon ng mga manonood sa


C
pagtatanghal. Pinalilitaw din nito ang reaksyon ng mga manonood sa mga
nakakabiglang elemento ng dula at maaaring maihahambing ng mga manonood ang
kanilang reaksiyon sa isa’t isa. Dahil dito, nagsisilbing daluyan ang dula sa iba’t
ibang pananaw ng mga manonood sa tema at mga isyung tinalakay ng
D
pagtatanghal.
E

Mas pinaigting pa ng SLE ang partisipasyon ng mga manonood sa pamamagitan ng


pagbibigay ng pagkakataon sa kanilang magpasya sa magiging takbo ng dula. Sa
kalagitnaan ng palabas, ihihinto ng guro ang laro at itatanong sa mga manonood
EP

kung gusto ba nilang ititigil ang palabas at ililigtas ang natitirang mga estudyante.
Kung may 30 na manonood na boboto na itigil ang laro, ihihinto na ng SLE ang
pagtatanghal.

Gayundin, mayroon pang bahagi ng dula kung saan lalabas ang guro na may
D

kasamang estudyanteng nagmamakaawang mabuhay. Itatanong ng guro sa mga


manonood kung dapat bang patayin ang tauhan o pabayaang bumalik sa laro.

Ayon sa direktor na si JK Anicoche, tinitingnan ng SLE ang pagdudula bilang isang


negosasyon sa pagitan ng mga manonood at ng dula, at sa pagitan ng mga
manonood sa kapwa nila manonood. Sa pamamagitan ng mga interaktibong bahagi
ng dula, nasisipat ng mga tagapalabas at maging ng ibang mga manonood ang
kanilang bawat takot, gulat, at galit.

Dahil sa ganitong mga eksena ng dula, mas napalawak ng kuwento ang orihinal na
tunggaliang inihapag ng nobela – kung makakayanan ba ng tao na patayin ang
kaklase niya. Sa dula, ibinabato rin ang katanungan sa mga manonood na kung

83

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
matitiis ba nila na masaksihan ang marahas at karumal-dumal na eksenang
nakatambad sa kanila.

“Not playing the game is standing up and saying we’ll not kill each other…” – Jessica

Ayon kay Anicoche, wala pang pagkakataong naitigil ang palabas dahil pinipili ng
karamihan sa mga manonood na ituloy ang dula. Minsan raw, ang naging resulta ng
botohan ay 200:10, kung saan sampung manonood lang ang tumutol.

Batay sa mga panayam, karamihan sa mga manonood ang nagsabing pinili nilang
ipagpatuloy ang pagtatanghal dahil gusto nilang sulitin ang presyo ng ticket o ‘di
kaya’y gusto nilang malaman kung ano ang magiging resolusyon ng dula. Ngunit
may isang pagkakataon kung saan nag-walkout ang isang manonood dahil para sa

PY
kanya, ito ang hinihingi ng pagtatanghal: ang umalis para talikuran ang karahasan.

Sa unang tingin, marahil tinitignan ng ilang manonood ang dula bilang nakaaaliw na
palabas lang. Ngunit para naman sa ilang pumili na ituloy ang dula, bagamat

O
nauunawaan nila na ang pagkakataong itigil ang palabas ay pagkakataon nilang
tumindig laban sa karahasan, mas pinili pa rin nilang masaksihan ang pag-usad ng
dula. C
Alin man ang piliin ng mga manonood, maaaring sinasalamin nito ang reyalidad kung
paano natin tinitignan ang isyu ng karahasan at pakikiramay sa kapwa-tao. Bagaman
maaaring sabihin na laru-laro lamang ang ipinalabas ng Sipat Lawin Ensemble,
nagawa nitong humakbang mula sa pormal na espasyo ng teatro at mang-akit ng
D
mga manonood na maaaring hindi karaniwang nanonood ng dula. Sa larong ito,
walang entablado, at dinurog ang fourth wall na naghihiwalay sa manonood at
E

pagtatanghal. Wala man itong inaalok na sagot sa mga tanong ng dula tungkol sa
pagkahumaling natin sa karahasan, nagawa pa rin nitong mambulahaw ng kaisipan.
EP

Sa huli, hindi ba’t ang layunin ng anumang sining ay hindi magpatahan ng kalooban
kundi balisain ang mga tulog na damdamin? Sa antas na ito, nanggugulat at
nanggigising ang Battalia Royale.
D

SANGGUNIAN:
http://www.philippinecollegian.org/kung-totoo-ang-larong-killer-killer/

84

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
12.
Dulaang Papet: Pangkabataan at
Pangmatanda
Arthur Casanova
Isa sa mga anyo ng dulaang pangkabataang kinagigiliwan nang lubos ay ang
papetri. Mga pagtatanghal ng mga dulaang papet, makikita ang mga manonood na
kasama ng mga kabataan...ang mga magulang lolo't lola, yaya, mga kapatid at iba
pa. Tunay na ang mga pagtatanghal ng dulaang papet ay hindi lamang pambata
kundi para rin sa mga nakatatanda at matatanda.

PY
Ang mga pangkat ng dulaang pambata, pantinedyer at pangkabataan na
nabuo sa ating bansa ay patuloy na nag-eeksperimento ng iba't ibang anyo at estilo
ng pagtatanghal kabilang na ang mga anyo ng dulaan ng mga Hapones na bunrako,
wayang golek at wayang kulit ng Indonesia at Malaysia, hand puppet na isang
adaptasyon ng MAYA Theater ng Thailand, pati na mga kanluraning marionette at

O
black theater na teknik. Marami rin sa mga pangkat na ito ang nagtaguyod sa
paggamit ng mga katutubong panitikan bilang batayan ng kanilang mga iskrip.
Kabilang sa mga grupong ito ang Teatrong Mulat ng Pilipinas, NMPC Puppet
C
Theater/Black Theater of Manila/PIA Black Theater, National Council for the
Welfare of Disabled Persons (NCWDP) Puppet Group, Dulaang Adarna,
Puppeteers Association of the Philippine, Tali-Galaw at Biyaheng Eskwela ng
Neozep. Dahil itinuturing na mga pangkat pangkabataan, marami sa mga manonood
D
ng mga ito ay mga bata at tinedyer. Isinama na mg kasaysayan ng mga pangkat na
nabanggit sa naunang aklat ni Arthur P. Casanova na Kasaysayan at Pag-unlad ng
Dulaang Pambata sa Pilipinas (2006) kayat minabuting hindi na isama ang talakay
E

ng mga ito sa aklat na ito. Matutunghayan sa susunod na talakay ang iba pang
aktibong pangkat panteatrong nagtatanghal ng mga dulang papet.
EP

ANINO Shadow Play Collective ( 1992)

Itinatag noong 1992 ang ANINO Shadow Play Collective, isang pangkat ng
mga multi-media artist na ang layunin ay palaganapin ang sining ng dulang anino
D

(shadow play) at dulaang Papet sa Pilipinas. Nagsasagawa ang grupo ng mga


pagtatanghal, eksibit, video, publikasyon at mga palihan. Itinatag ang pangkat na ito
nina Alwin Reamillo, Bernadette Selina at Junivic Adrion na pawang mga guro ng
Philippine High School for the Arts (PHSA), at ang mga kasapi nito ay mga mag-
aaral na nagtapos sa PHSA at mga praktisyuner ng sining.

Simula noong 1992, nagtanghal at nagsagawa ang pangkat ng mga palihan


sa iba't ibanglugar tulad ng mga museo (Museo Pambata, CCP Museum, Music
Museum), mga plasa (Remedies Circle, sa harap ng Mauban Municipal Hall), mga
shopping mall (Glorietta), mga bar (Conspiracy) at sa barkong habang ito'y
naglalakbay.

85

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Nagsusulong ang mga produksyon ng ANINO Shadow Play Collective ng
mga usaping pampulitika, panlipunan at pangkapaligiran; kasaysayan ng Pilipinas,
buhay sa lipunan at kultura;mga kuwentong-bayan, alamat at mga salaysayin ng
mga Pilipino. Ilan sa mga produksyon ng pangkat ay ang mga dulang ganap ang
haba: “Ibalon” (batay sa epiko ng mga Bikolano) at “Florante at Laura” (batay sa
klasikong awit ni Francisco Baltazar); 3-7 minutong “Oyayi sa Mundo” (itinanghal sa
saliw ng mga awit ng Buklod), “Manong Pawikan” (itinanghal sa saliw ng mga awit ni
Joey Ayala),“Hiroshima” (itinanghal sa saliw ng mga awit ni Dirty Kitchen); at 4-15
minutong naratibo tulad ng “Reyna Elena,”“Juan Picas,” “Mariang Sinukuan” at
“Bituing Marikit.”

Binubuo ang ANINO Shadow Play Collective ng kolektibong artist na ang


karamihan ay mga mag-aaral at nagtapos sa PHSA. Nagsimula ang pangkat bilang

PY
gawain ng mga mag-aaral sa sining-biswal na gumamit ng sining ng pagsasalaysay
at komposisyong biswal. Napatanyag ito sa mga mag- aaral kung kaya’t nagtanghal
ang pangkat ng mga pribadong pagtatanghal sa labas ng klase. Walang telebisyon
sa PHSAdahil boarding school ito. Nasa itaas ng bundok ang kampus nito at kapag
panahon ng tag-ulan o tagbagyo, nawawalan ng kuryenre roon. Mahalagang may
flashlight ang mga mag-aaral upang makakilos sa iba't ibang lugar. At dahil

O
kagubatan ang kapaligiran nito, mayaman ito sa mga biswal na imahe, anyo at
tekstura. Sa pamamagitan ng mga elementong ito, nagsama-sama ang mga mag-
aaral upang maglaro ng ilaw at anino. Gamit ang flashlight na itinututok sa puting
C
tela at ng mga paboritong tugtugin, ginagawa nila ang mga imaheng ito upang aliwin
ang mga sarili kapag may brownout. Bunga ng mga improbisasyon sa ganitong
pagkakataon, nakabuo sila ng mga produksyong itinanghal nila sa mga ‘esaytal at
iba pang mahalagang okasyon. Nang malaunan, ang pagtatanghal ng mga dulaang
D
anino na kung minsa'y tinatawag nilang “Moving Painting” ay naging permanenteng
tampok sa taunang Makiling Arts Festival at nag-iwan ng mayamang alaala sa mga
nagtapos na mga mag-aaral.
E

Ang dulaang anino ay isang eksperimental na pagtatanghal ng papet sa


pamamagitan ng konsepto na bunga ng pangangailangang makagagad ng
EP

alternatibong pamamaraan sa sining ng pagkukuwento na gumagamit ng ilaw, anino,


tunog at galaw. Una itong nabuo bilang ko-kurikular na gawain ng mga mag-aaral na
taunang isinasakatuparan at bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Sining Biswal ng
PHSA noong 1979 at pormal na isinanib sa pang-akademikong program na sa ilalim
ng klase na Studio Techniques and Materials ng Departamento ng Sining Biswal
D

noong I987. Ang unang pagtatanghal na nakarating sa mga manonood sa Maynila


ay ang ginawa ng isang pangkat ng mga guro at mga manlilikha ng pelikula na
pinamagatang “Ang Rizal at Hidalgo Mashadow Play” (1990) at ang"Kuwento ng
Army" (1991). lpinasok ito ng pangkat sa CCP Gawad para sa Alternatibong
Pelikula. Ang dalawang dula ay pawang nagwaging Unang Gantimpala sa
magkasunod na taon.

Ang mga pelikulang ito ay iminungkahi sa CCP Outreach Program na


nagpursigeng bumuo ng isang pangkat na gumagamit ng dulang anino at kanila
itong inilakbay at itinanghal sa iba't ibang panig ng Pilipinas. Isang pangkat na
kinabilangan ng mga mag-aaral sa hayskul, ng mga nagsipagtapos sa PHSA, mga
Iabas sa paaralang kabataan at mga guro ang bumuo ng mga 30-minutong iskit na

86

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
nagtampok ng mga popular na awitin, orihinal na komposisyon, tunog
pangkapaligiran at mga alternatibong etnikong himig. Bukod sa mga pagtatanghal,
nagdaos din ang grupo ng mga palihan sa paglikha ng mga papet. Sa pagtatapos ng
mga palihan,itinatanghal ang mga dulang papet ng mga kalahok na nagpatunay ng
galing at pagkamalikhain ng maraming Pilipino. Inilakbay ng CCP ang pagtatanghal
sa Luzon noong unang hating taon at pagkatapos ay nagpalabas naman sa Visayas
at Mindanao noong ikalawang hating taon. Itinuring itong pinakamatagumpay na
proyekto ng CCP Outreach Program noong mga panahong iyon. Nakapagtanghal
ang pangkat ng apatnapu't limang (45) beses at nagkaroon ito ng lehitimong taguring
ANINO Shadow Play Collective noong 1992.

Kamangha-mangha ang haba ng listahan ng mga nabuong programang


pang-edukasyon ng pangkat. Naglakbay ang pangkat noong 1992 sa buong bansa,

PY
nagdaos ng mga palihan at nagtanghal sa mga pangunahing lungsod. Sinalihan ang
mga palihan ng mga lokal na organisasyong pangkalinangan, mga guro at mag-aaral
ng mga paaralang pampubliko. Kabilang sa mga palihan ang paglikha at
pagpapakinis ng mga papet at pagbuo ng mga konsepto sa pagtayanghal ng dulang
anino. Ang repertoryo ng mga pagtatanghal na dinala sa mga lalawigan ay naghatid
ng aliw at matagumpay na nailatag ang mga usapin ukol sa pagkamakabayan,

O
kamalayang pangkapaligiran at katarungang panlipunan sa iba't ibang rehiyon sa
pamamagitan ng sining-biswal, musika at panulaan ng dulang anino. Pagsapit ng
ikalawang taon ng pangkat, nagsumikap silang magdaos ng mga ebalwasyon ng
C
kanilang mga pagtaranghal sa buong bansa. Ilan sa mga kasama ang nagkaroon ng
suliranin ukol sa kanilang komitment. Lumikha sila ng mga bagong materyales at
nagdagdag ng mga orihinal na komposisyon bagamat wala silang permanenteng
lugar para sa mga palihan nila.
D
Nagpatuloy ang mga pagtatanghal ng mga dulang anino bilang bahagi ng
Outreach Program ng PHSA at nagtamo ito ng magandang pagtanggap mula sa
E

mga batang manonood sa iba't ibang lugar na pinagtanghalan. Ilan sa mga


produksyon ng pangkat ay: “Telebisyon para sa Bagong Mundo,” eksperimental na
interpretasyon sa paper ng isang awit na “Kontra-Gapi” ni Edru Abraham tungkol sa
EP

kasalukuyang kalagayan ng mga programang pantelebisyon at kung paanong


nakatutulong ang telebisyon sa pagbuo ng higit na magandang mundo; “Kwento ng
Aray” eksperimental na interpretasyon sa papet ng isang awit hinggil sa kapaligiran
na likha ni Edwin Quintero para sa pagdiriwang ng 1990 Earth Day. Ang awit ay
tungkol sa pagwawalang bahala ng tao sa kanyang kapaligiran at kung paano
D

gumanti mg kalikasan.

Konsepto at disenyo ni Benteng Umaaray, isang mag-aaral ng Philippine


High School for the Arts; “Agtayabun,” desperimental na interpretasyon sa papet
tungkol sa mitikal na paglalakbay sa kalawakan, lupa at karagatan ng lbon—Diyos
ng Bukidnon. Gumamit ito ng kumbinasyon ng rear-projected images at ng flashlight-
enhanced na mga papet. Konsepto at disenyo ni Noel Manasca; “Magellan” na
gumamit ng papet na may tatlong dimensyon at inilarawan ang tuso at
nakakatawang pagsapit ni Magellan sa Pilipinas at kung paanong sinupil ito ng mga
katutubo. Awit ni Yoyoy Villame, konsepto at disenyo ni Benteng Umaaray;
“Granada,”isang soloista-naghaharing-uri/pulitikong Papet na labis na naaaliw sa
iba't ibang sandatang nakamamatay. Lumalabas na ang granada ay isang prutas na

87

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
galing sa España na pumuputok at pinatatalsik ang mga tao mula sa tanghalan. Awit
ni Yoyoy Villame, konsepto at disenyo ni Benteng Umaaray; “Bunso,” dulang anino
na gumamit ng liwanag ng kandila at naglarawan ng pangarap ng isang bata. Ang
oyayi ay nagsimbolo sa malupit na mundo sa isang tuwirang paraan at hindi
nakatago sa eskapismo. Orihinal na awit na nilikha at itinanghal ni Juan Makiling;
“Buchikik,” isang soloistang nagpasok ng nakaaaliw na paglalaro ng mga salitang
Intsik.

Nagtunggalian ang soloista at ang koro sa isang mala-showbiz na


pagtatanghal. Awit niYoyoy Villame; “Araw-Ulan,” eksperimental na interpretasyon
sa paper ng musika ngpangkat na Lampas Isip; “Labanan,” eksperimental na
interpretasyon sa papet na gumamitng papet ng mga Indones na gawa sa kahoy at
anino ng mga papetir. Nakatatawang dulatungkol sa tunggalian, musikang
instrumental ni Joel Ayala; “lsnel at Tipak,” isangkumbensyunal na papet na may

PY
tatlong dimensyon, eksperimental na interpretasyon ngisang orihinal na pabula na
nagbigay-diin sa pagtalikod sa mga negatibong saloobin atpagpapahalaga sa sarili.
Liriko ni Roselle Pineda at musika ni Filmer Flores; “Kamay,” isangdulang gumamit
ng anino ng mga kamay ng papetir sa overhead projector; at “Nanay KongKalbo”
eksperimental na interpretasyon sa papet na may tatlong dimensyon ng orihinal

O
naawiting pangkapaligiran ng ANINO Shadow Play Collective. Ang awit ay hinggil
sa pagsiraat pag-alipusta sa lnang Kalikasan. Noong Marso, 1993, nagtanghal ang
pangkat sa:Meycauyan, Bulacan; San Fernando, Pampanga; San Fernando, La
C
Union; Lungsod ngUrdaneta, Pangasinan; Vigan, llocos Sur; Lungsod ng Laoag;
Gasan, Marinduque;Sorsogon PHSA-Makiling; Laguna at Tarlac.

Noong Hulyo, 1993, nagtanghal naman ang pangkat sa Lungsod ng Puerto


D
Princesa; Lungsod ng Zamboanga; Lungsod ng Pagadian; Lungsod ng Tangub;
Lungsod ng Marawi; Lungsod ng Butuan; Lungsod ng Koronadal; Lungsod ng
General Santos at Lungsod ng Cebu. At noong Agosto, 1993, nagtanghal sila sa
E

mga sumusunod na lungsod: Lungsod ng Calbayog; Lungsod ng Silay; Lungsod ng


San Carlos; Lungsod ng Iloilo; Lungsod ng Roxas at Lungsod ng Aklan. Ang mga
direktor ng pangkat ay sina Junivic Andrion, A'win Reamillo at Bernadette Selina.
EP

Ang pangkat ay may kolektibong artista na binubuo nina Rowena Bayon, Jaspar
Cosico, Eduardo Dunca, Dante Gomez, John Lee, Noel Manacsa, Raphael
Pagarigan, Rainier Pengson, Roselle Pineda, Rolando Royong II, Mae Urtal at
Raymond Velasco.
D

Nakadalo ang pangkat sa iba't ibang festival ng sining tulad ng 1993 UP Arts
Festival Nagtanghal din ang pangkat sa Pundaquit Festival of the Arts na
pinamagatang “Mashadow; Shadow Play ANINO” na ginanap noong Disyembre 10,
1994 sa Ramon L. Corpus Hall sa Zambales. Pinamunuan ang Festival nina Coke
Bolipata (Musika), Didi Dee (Sining biswal at Crafts) at Sarri Tapales (Teatro at
Sayaw)

Noong 1994, natamo ng pangkat ang isang video grant para sa Ship for
Southeast Asian Youth Alumni Association sa pakikipagtulungan ng Foundation for
Philippine Environment. Layunin nitong itampok ang isang multi-midya sa
pagtatanghal ng dulang anino. Labinlimang (15) minuto lamang ito na nagtampok sa
mga naunang paboritong pyesang tulad ng “Mindanao” at “Paglaum,” isang orihinal

88

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
na komposisyong nananawagan ng pagkakaisa ng mga mamamayan ng Mindanao;
“Nanay Kong Kalbo,” na ukol sa kapaligiran; “Agtayabun,” pinaikling epiko ng mga
Bukidnon at ang “Magellan,” klasikong rendisyon ni Yoyoy Villame tungkol sa
pagkakatuklas ng Pilipinas.

Lumahok din ang pangkat sa Lusong Theater Festival (1996) at sa Pundaquit


Arts Festival noong 1997 at muli ring dumalo ang pangkat sa UP Arts Festival noong
1997. Pagkaraan ng mga ito, isang kumprehensibong modyul na pampalihan ang
nilikha ng pangkat para sa pamayanan ng San Antonio, Zambales noong 1998-
1999. Sa pagsusumikap at pagsuporta ng CASA San Miguel, nakapagsagawa ang
pangkat ngpalihan sa papetri at mga pagtatanghal ng mga dulang anino para sa
mga lokal na kabataan. Nagtapos ang palihan sa isang resaytal na pagtatanghal na
nilikha ng mga kalahok. Isinakatuparan din ng group ang "Chinchuan Arts Festival

PY
Shadow Play Performance and Workshop" (1998) kung saan nagbahagi ng kanilang
galing ang mga artist mula sa Hong Kong, Taiwan at Pilipinas; at ang Ayala Summer
Shadow Play Workshop," walong (8) linggong programa ukol sa Shadow Puppetry
Workshop para sa mga kalahok ng Ayala Children's workshop na ginanap sa Ayala
Museum.

O
Samantala, itinanghal ng grupo ang “May lsang Bayan...” sa kolaborasyon
nina Joey Ayala, Noel Cabangon at Coke Bolipata. Itinanghal ito kaugnay ng
pagdiriwang ng Sentenyal ng Kalayaan noong 1998 sa CASA San Miguel Sunken
C
Garden, San Antonio, Zambales. Sinundan ito ng “Tabi-tabi po...” na batay sa '14.ng
Alamat ng Isdang Pula-pula" ni Biboy Royong kasama ang ilang mga piyesang
pangkalikasan at ilang mga katatawanan ukol sa buhay kasama ang espesyal na
partisipasyon nina Coke Bolipata at Joey Ayala. lpinalabas ito sa CASA San Miguel
D
Corpus Hall, San Antonio, Zambales noong 1999. Marami ring kolaborasyon ang
ginawa ng pangkat kasama ang mga bantog na artist at musiko kabilang na sina
Alfonso "Coke" Bolipata, Joey Ayala, Noel Cabangon, Grace Nono at ang mga
E

bandang Razorback at Wolfgang. Bumuo ang pangkat ng mga produksyon sa


Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, UP Theater, Glorietta Activity
Center at CASA San Miguel. Samantala, noong 1999, isangseminar—palihan ang
EP

isinagawa ng pangkat ukol sa posibilidad ng pagpapasok o pagsasanib ng dulang


anino sa kurikulum sa elementarya ang idinaos sa pagtataguyod ng kaguruan ng St.
Scholastica's College, Manila.

Nakalikha rin ang pangkat ng maraming video sa kolaborasyon ng South


D

East Asian Youth Arts Program at Lakbay TV. Kabilang dito ang “Agtayabun,”“Nanay
Kong Kalbo,” at “Magellan.” Ang “Mindanao” at “Paglaum” ay idinirihe ni Jon Red
samantalang ang "Kuwento ng Aray" at "Tipak at Isnel" ay tumanggap ng gawad-
parangal mula sa Cultural Center of the Philippines, Rustan's Light Foundation at sa
Movie Workers Development Foundation, Naisakatuparan din ng pangkat ang ilang
palihan ukol sa eksplorasyon ng dulaang anino at telebisyon sa Hong Kong. Ang
mga kuwento mula sa Hong Kong at Taiwan ay binigyang-interpretasyon sa
pamamagitan ng dulang animo na pinatingkad ng teknolohiya ng telebisyon.
Nagplano at naghanap ng paraan ang prodyuser nitong Hong Kong Diocesan Audio
Visual Center kung paano ito magagawa sa buong Asya.

89

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Isinakatuparan din ng grupo ang "Sahado sa Adarna Shadow Play
Workshop" (1999), Palihang ibinigay sa mga mag-aaral at gurong kalahok sa Adarna
Summer Workshop Series; "Shadow Puppetry and Television Taping Workshop
(1999), palihan ukol sa integrasyon ng mga kuwentong mula sa Hong Kong at
Taiwan at ng ANINO Shadow Play habang naghahanap ng posibleng pagtatanghal
sa telebisyon sa pagtataguyod ng Audio Visual Center of Hong Kong Catholic
Diocese; “Grade School Program Development Workshop” (1999), palihang
isinagawa na may layuning tumuklas ng posibilidad ng integrasyon ng dulaang anino
sa program ng pang-elementarya na inorganisa at nilahukan ng kaguruan ng St.
Scholasticas College, Manila Grade School; “ANINO-Zambales Shadow Play
Workshop,” buong taong programang ginanap sa CASA San Miguel na nagsama ng
mga pangunahing kurso sa Puppetry, Light and Shadow Effects, Music Improvisation
at Movement and Acting para sa Zamhales Shadowplay Troupe.

PY
Dumalo rin ang pangkat sa Chin Chuan Arts Festival sa Taiwan (1998); sa
Ganap Theater Festival (2000) at sa 1st lnternational Festival of Shadow Theatre in
Greece (2001). Samantala, ilan sa mga mahalagang pagtatanghal ng pangkat ay
mga sumusunod: "Sa Kaharian ng Araw,” dulang berso ni Onofre Pagsanghan na
ginamitan ng Generation X na dibisa o teknik, binuo sa pakikipagtulungan ng

O
Pangkat Malaya, itinanghal sa UP Theater Dance Studio, UP Diliman, CASA San
Miguel sa San Antonio, Zambales at sa Ganap Theater Festival sa Lungsod ng
Quezon noong taong 2000; “Sa Uyayi ng Ulan,” premyadong dulang pambata ni Nic
C
Pichay na nilapatan ng ilaw at aninong prodyeksyon para sa produksyon ng
Dulaang Talyer sa Abelardo Hall, UP Diliman, Lungsod ng Quezon noong
Nobyembre 2001; "Si Pedro at ang Lobo, “halaw sa “Peter and the Wolf” ni Prokofieff
na itinanghal sa Metro Manila Community Orchestra, Miriam College, Loyola
D
Heights, Lungsod ng Quezon at sa Equitable-PCI Bank, Lungsod ng Makati noong
Hulyo 2001; “ANINO sa Museo,” buwanang palabas sa Museo Pambata, mula
noong Abril 2001; “lhalon,” sa UP Abelardo Hall, UP Diliman, Lungsod ng Quezon at
E

sa Petras Castle, Petras, Greece; Museo Pambata, Roxas Blvd., Manila; First
International Shadow Theatre Festival, Patras, Greece; Casa San Miguel, San
Antonio, Zambales; National Arts Center, College, Los Bafios, Laguna; Waterwoods,
EP

Baliuag, Bulacan; National Commission for Culture and the Arts sa Intramuros,
Manila noong 2001—2002.

Kabilang din sa mga nalikhang produksyon ng pangkat ang mga sumusunod:


‘Victor Hugo: Gargoyles Whisper and Dance,” sa pakikipagtulungan nina Anton
D

Juan, Coke Bolipata at Myra Beltran na itinanghal sa French Spring Festival, Cultural
Center of the Philippines noong Hunyo, 2002; at “Sine Ka Ba, Jose Rizal?”
disenyong biswal ng ANINO Shadow Play na isinanib sa produksyon ng “Musicat,”
isang musikal na produksyon ni Nonoy Gallardo tungkol sa buhay ni Dr. Jose P.
Rizal na itinanghal sa Music Museum, Greenhills, San Juan, Metro Manila noong
Enero-Pebrero 2002.

Patuloy na lumikha ang pangkat ng mga repertoryong nauukol sa


pangangalaga ng kapaligiran at iba pang mga makabuluhang produksyon. Isa sa
mga plano ng pangkat ang paggamit ng dulaang anino sa muling pagsasalaysay ng
maraming katutubong epiko at mga kuwentong-bayan ng ating bansa. Kabilang sa
mga Art Director ng ANINO Shadow Play Collective sina Datu Arellano, Gerard Baja,

90

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Marc Cosico, Otto Hernandez at Mele Yamomo.Nagsilbing papetir at mananaliksik
ng pangkat sina Christian Earl Altas, Ana Cabardo, MichaelFajardo, Laya Roman,
Daniel Querijero, Ruth Gadia, Nina Gomez, Kathlee Torre, Alfred Capital, Alab
Pagarigan, Angelo Manzano, Danilo Luna, Erwin Sumang at Don Bonustro. Kasama
tin sina Melecio Yamomo, Jr, at’KC Camposuelo sa mga Founding Incorporator ng
ANINO Shadow Play Collective. Naging Ehekutibong Direktor ng pangkat si Melecio
Yamomo, Jr. noong 2000-2001.

Isinakatuparan din ang palihang itinaguyod ng Levi Strauss sa Museo


Pambata (2003), mga palihan samga araw ng Sabado't Linggo para sa ilang
benepisyaryo ng iba't ibang sentro ng mga kabataan sa Lungsod ng Maynila.
Samantala, noong, Abril 5-6, 2003 sa Edades Hall of the City Museum sa Lungsod
ng Dagupan, Pangasinan, nagdaos ng isang Palihan sa Pagsulat ng Iskrip si Rene

PY
O. Villanueva na kumatawan sa PETA. Dinaluhan ito ng mga partisipant ng isa pang
naunang palihan sa dulaang anino ng ANINO Shadow PlayCollective na dinaluhan
ng mga mag-aaral sa elementarya. Ang mga nabanggit na palihan ay itinaguyod ng
Metro Dagupan Culture and Arts‘ Council (MDCAC) sa pamumuno nina Honorata
Siapno, Pangulo ng MDCAC, ni Hannah Reyes, Secretariat for the Arts Council at ni
Rany Cendana, Committee Director for Theater of the Arts Council ng Lungsod ng

O
Dagupan, Pangasinan. Layunin ng palihang isinagawa ni Rene O. Villanueva na
magamit ng mga bata ang kanilang imahinasyon at linangin ang kanilang mga
kakayahan sa pagsulat ng iskrip, na maaaring magamit ng mga kabataan sa pagbuo
C
ng mga produksyon sa dulaang pambata sa kani-kanilang mga paaralan. Isa sa mga
dulang nilikha sa palihan ay ang “Ako si Betel” na nabuo sa loob ng ilang oras
lamang ng isang pangkat ng mga batang nasa ikaanim na baitang at ng mga nasa
unang taon sa hayskul na sumali sa palihang isinagawa ng ANINO Shadow Play
D
Collective. Itinanghal ang dulang nabanggit, kasama na ang ilang produksyon ng
mga kalahok sa palihan kasama ng Philippine Philharmonic Orchestra sa Bangus
Festival noong 2003. Ang mga palihang isinagawa ng ANINO Shadow Play
E

Collective at ng PETA ay may layuning ilantad ang mga kabataan sa mga gawaing
pansining at pangkultura at upang magtulungan upang makabuo ng mga malilchaing
proyektong pampamayanan. ldinaos din ng grupo ang “ANINO sa Dagupan” (2003),
EP

buong araw na palihan tuwing Sabado't Linggo sa loob ng dalawang linggo para sa
mga piling mag-aaral sa hayskul na ginanap sa Dagupan City Museum at
pangwakas na pagtatanghal sa opisina ng ANINO ng Dagupan Shadowplay
Troupe.
D

Kabilang din sa mga festival at malalaking pagdiriwang na dinaluhan ng


pangkat ang Pilak Luzon Grand Production (2004) kaugnay ng pagdiriwang ng ika-
25 anibersaryo ng CCP Outreach Program. Bagamat nagsimulang magturo ang
grupo ng dulang anino noong 1996, noon lamang taong 2004 puspusang nagdaos
ang pangkat ng mga palihan at pagbuo ng pangkat na may mithiing makabuo ng
pambansang federasyon ng mga pangkat ANINO. Kabilang sa federasyong nabuo
ang ANINO ng Zambales na nakabase sa CASA San Miguel, Zambales, ang CAP-
ANINO na nakabase sa Museo Pambata ng Maynila at ang UP-ANINO ng UP
Diliman. Itinanghal naman ng pangkat noong taong 2004 ang mga produksyong
“Florante at Laura” dulang aninong ganap ang haba na batay sa klasikong awit ni
Francisco Baltazar na ipinalabas sa CASA San Miguel, Zambales, at sa Chameleon
Dance Studio sa Lungsod ng Quezon, sa Dagupan City Astrodome noong 2004; at

91

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
ang “Titser ng Bayan,” dulang anino nina Glecy Atienza at Bobet Mendoza, lahok ng
Alyansa sa National Theater Festival, Cultural Center of the Philippines noong 2004.

Noong Pebrero 4, 2005, itinanghal ng pangkat ang mga dulang “Mga Anak
ng Araw” at ang “Ang Hukuman ni Mariang Sinukuan” bilang mga lahok sa “Dula-
Daluyan 2005,” isang Children and Youth Theater Festival na itinaguyod ng PETA-
MTTL noong Pebrero 3-6, 2005. Ang unang dula ay tungkol sa alamat kung bakit
iba-iba ang kulay ng mga lahi, isang dulang anino na ibinatay sa bersyon ni Rene O.
Villanueva na inilathala ng Lampara Books. Ang ikalawang dula naman ay hinggil sa
isang salaysayin kung bakit gumagawa ng pugad ang mga ibon sa ibabaw ng mga
punongkahoy.

Kabilang sa mga palihan at programang pang-edukasyon ng pangkat ang

PY
mga sumusunod:(1)"CAP-ANINO" (2005-2006), palihan tuwing Sabado sa buong
taon upang matulungan ang mga batang nagtataguyod ng kapayapaan na bahagi ng
Children's Advocacy Program ng Museo Pambata na bumuo ng repertoryo ng mga
orihinal na dulang anino; (2) Ang Pakikipagsapalaran ni Radiya Mama-apan" (2005),
intensibong palihan na ginanap sa loob ng labindalawang (12) araw ng Sabado
upang sanayin ang mga boluntaryong mag-aaral na kasapi ng UP Manila - Dulaang

O
Pahinungod sa pagbuo ng mga produksyon ng dulang anino at upang magturo sa
mga kabataang magtanghal ng mga dulang anino. C
Noong 2007, binuo ng pangkat ang produksyong “Shadows of the Future, of
Children, of the Environment”tungo sa malusog at masayang bukas para sa mga
bata. Isa itong presentasyong may habang tatlumpung (30) minuto na nagsanib sa
ilang mga pyesang pangkapaligiran ng ANINO Shadow Play Collective mula 1992
D
hanggang 2005. Isinulong nito ang mga pag-asang inaasam ng mga kabataan sa
kinabukasan. Kuwento ito ng isang batang babaeng nalulungkot at naiiyak sa
sugatang Inang Kalikasan. Inakala niyang sa pamamagitan ng pag-idlip ay
E

magigising siyang nagamot at naginhawahan na ng Inang Kalikasan. Lumipad ang


batang babae kasama ang agila ng Pilipinas, lumangoy kasama ng mga pawikan at
mga pating ngunit sa tuwing iigting ang drama, nasasaksihan niya ang pangangaso,
EP

pagbebenta ng mga katutubong hayop, urbanisasyon, polusyon at pagkalbo ng mga


kagubatan na pumapatay sa kalikasan. Inisip niya kung ano ang magaganap sa mga
nilalang, kasama na ang mga tao kapag maglaho ang kagubatan at ang hangin at
tubig ay nakalalason. Tinanong niya kung kailan kikilos ang mga tao upang malutas
ang kanilang mga ginawa sa Inang Kalikasan. Kikilos ba sila pag huli na ang lahat?
D

Nilinis ng mga kabataan ang kapaligiran, nagtanim ng mga punongkahoy,


pinaalagaan ang mga hayop at halaman at sinuportahan ang pangangalaga ng mga
ito. At sila ay naglaro sa pook na malinis ang kalawakan, malinis na tubig at sa
malinis na mundong pinalilibutan ng mga ibon, paruparo, bulaklak at punongkahoy.

Itinanghal muli ng grupo ang “Florante at Laura” na isinadula ni Ian Victoriano


(katuwang si Nono O. Pardalis). Kabilang sa mga naglaan ng boses ng mga paper
sina Evan Britanico (Florante), Emily Britanico (Laura), Jasper Cosico (Adolfo at
Kengkoy, ang sidekick), Bor Ocampo (Aladin), Roselle Pineda Flerida, Ruth Alferez
(Paruparo, Psychiatrist) at Sam Meow Arellano (ang naghihingalong leon). Kasama
sa malikhaing pamunuan at boses sina Chris Carandang (kasama si Datu Arellano)
bilang mga kompositor/musiko at Donna Cher de la Cruz, manunugtog ng piyano;

92

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Datu Arellano (prodyuser ng soundtrack, kompositor, direktor pangmusika, musiko,
recording & mixing, papetir); Teny Arellano (ehekutibong prodyuser, papetir); Biboy
Blu (karagdagang disenyong pambiswal); Marc Cosico (disenyong pambiswal,
papetir, Sundalo 1, Sundalo 2, Leon); Andrew Cruz (“Anino” the narrator,
shadowactor-mover, papetir); Rosabelle Pangilinan (artist, papetir); Daniel Querijero
(disenyong Pambiswal, Duke Briseo); Laya Roman (disenyong pambiswal, papetir,
karagdagang kamera, Antenor); Don Slaubayba- director ng dulang Anino, papetir,
Menandro, Haring Linseo); Ian Segarra (koryograpiya para sa Anino, ang
tagapagsalaysay); at Teta Tulay (artist, papetir).

Binubuo ang Board of trustees ng ANINO Shadow Play Collective nina


Teny Luna Arellano, Alfonso Corpus Bolipata, Fernando Crus Josef ar Cristina Lim-
Yuson. Sa kasalukuyan, ang pangkat ay itinataguyod ng Museo Pambata

PY
Foundation, CASA San Miguel Foundation at Ibarang Arts Foundation.

Tropang Paltok

Nagtatanghal ang Tropang Paltok na nakabase sa Lungsond ng Baguio ng


mga papet sa mga pagdaraos ng Panagbenga Festival. Gumagamit ang pangkat ng

O
mga papet na marionette sa kanilang pagtatanghal sa mga lansangan kasama ng
iba’t ibang pangkat na ang karamiha’y mga mag-aaral sa mababa at mataas na
paaralan ng mga street dancing. Sa isang pagdiriwang ng Panagbenga Festival,
C
nagwagayway ng karatula ang pangkat na may nakasulat na pariralang “Flowers for
Peace” at ang rationale na “Flowers bloom to remind us to toil for inner peace and
sow the seeds by harmony in our small and distressed world.”
D
Binubuo ang grupo ng dalawampung (20) kasapi na nakasuot ng mga
maskarang gawa sa paper-mache, may bitbit na labindalawang (12) mga papet na
nakasuotnng bahag at tapis. Lumibot ang mga papet sa mga kalsada sa Sesssion
E

Road. Nakaantabay ang pangkat sa hulihan ng dalawang oras na street dancing na


parade. Sumasayaw ang mga papet na labis na ikinatuwa ng mga turistang
dayuhan. Kasama ng Tropang Paltok ang isandaan at walong (108) mga kabataang
EP

tumugtog ng mga musical na instrumentong gangsa, ang katutubong gong ng mga


taga-Cordillera. Samanatal, nakasuot ng mga tradisyunal na bahag at mga makulay
na pang-itaas ang mga mag-aaral ng Pinsao Public High School na nagpamalas ng
mga sayaw na kinoryograp sa saliw ng musikang Cordillera at sinamahan ng hip
hop. Ang “Flower for Peace” na parade ng Tropang Paltok ang nang-agaw ng
D

eksena sa pagdiriwang ng Panagbenga Festival.

Napabantog ang Tropang Paltok, isang grupo ng mga aktibista, bunga ng


kanilang pagtatanghal ng produksiyong “Anito” sa mga lansangan sa Lungsod ng
Baguio sa loob ng tatlong taon upang itaboy ang mga negatibong epekto ng
komeryalismo. Si Edgardo Espiritu ang pangunahing tagalikha ng mga maskara ng
grupo para sa pagtatanghal ng “Anito.” Tinalakay ng dulang “Anito” ang problema
ukol sa World Trade Organization at kung paano nito winawasak ang kulturang
Cordillera. Naakit ang mga dayuhan sa mga maskara at papet na ginamit ng mga
pangkat sa dula. Sa pagdiriwang ng Panagbenga Festival 2003 at pagtatanghal ng
“Anito”, gumamit ang grupo ng mga makulay at mga imahe ng kultura ng palay/bigas
ng mga lalalwigan ng Kalinga at Ifugao. Sa unang tingin, animo’y mga kinopya

93

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
lamang na mga maskarang Indonesyo ang kanilang mga maskara dahil sa mga
pangil na nakalarawan sa mga ito. Ngunit gumamit ng mga simbolong Cordillera ang
grupo. Bawat maskara ay nagdedekorasyunan ng koronang nagsisimbolo ng
kalawakan, ng lawin sa Pilipinas at mga ulap. Pininturahan ang mga maskara ng
mga heometrikong sagisag mula sa mga tattoo ng mga katutubong Ifugao, Kalinga ,
Bontoc at Ibaloi. Gumamit ang mga maskara ng mga balbas na gawa sa istro na
nagmistulang mga tangkay ng palay. Ang mga mananayaw na pinturado ng kulay-
luntian ay suot ang mga maskara habang sumasayaw sa saliw ng tunog ng mga
tambol. Labindalawang (12) kababaihang pinturado ang mga mukha ang
sumusunod sa mga nakamaskarang mananayaw. Nagtanghal ang grupo sa tapat ng
mga dayuhan ng mga department store at restawran upang itaboy ang mga walang
kaluluwang espiritu ng labis na komersyalismo.

PY
Ang artistikong director ng Tropang Paltok na si Edgardo Espiritu ay aktibo
ring sumali sa isang konsyertong nagtatampok sa mga tula ni Andres Bonifacio na
ang layunin ay ang labanan ang kahirapan at walang katapusang pagtaas ng presyo
ng langis at mga suliranin sa pulitika. Nilikha nina Edgardo Espiritu at dalawang
manunulat ng awitin sa baguio ang orihinal libretto ng “Ang Supremo,” isang musical
na nais nilang itanghal sa iba’t ibang bahagi ng Luzon. Bahagi ng konsyerto ang

O
limang (5) tula ni Bonifacio at siyam (9) na tula ng isang kompositor na itinagni sa
kasaysayan. Apat (4) na babaeng mang-aawit at siyam (9) na kasapi ng banda na
pawang mga kasapi ng Tropang Paltok ang nagbigay-interpretasyon sa mga
C
bagong awitin ng University of the Cordillera (dating Baguio Colleges Foundation, isa
sa mga matandang unibersidad ng lungsod). Sinisi ng konsyerto sa mga pangulo ng
Pilipinas ang mga suliraning panlipunan at pang-ekonomiya ng bansa. Binigyang-
interpretasyon ang mga tula ni Bonifacio na “Ang Mga Cazadores,” “Pag-ibig sa
D
Tinubuang Bayan,” “Tapunan ng Lingap” at “Huling Paalam” ni Dr. Jose Rizal sa
saliw ng mga gitara at tambol.
E

Teatro! (1992)

Itinatag ang pangkat pandulaang TEATRO! Nina Tim Dacanay at Gamay


EP

Arkoncel-Dacanay noong Setyembre 1992 sa Lungsod ng Davao. Pangunahing


layunin ng pangkat na ito ang mga sumusunod: (1) Tumulong sa pagpapalaganap
ng dulaan bilang isang mabisang paraan ng pagpapahayag; (2) Makapagtanghal ng
mga orihinal at dulang salin; at (3) Magsanay ng kapwa artista sa dulaan sa larangan
ng sining, estetika at iba pang aspektong teknikal sa pagbuo ng produksyon.
D

Pinamunuan ang pangkat ni Tim Dacanay samantalang aritisikong director


naman si Gamay Arkoncel-Dacanay. Aktibo ring kasapi ng grupo si Benjie Torrijos.
Nagtanghal ang pangkat ngmga dulang realistiko, ekspresyonistiko, pasayaw,
musical at papetri sa wikang Filipino. Sa kanilang mga produksyon, binigyang-diin
nila ang mga isyu tungkolsa karapatang pangkabataan, suliraning pangkalikasan o
ekolohikal at pagkamakabayan. Tinangkilik ng grupo ang mga orihinal na akda ng
mga kontemporanyong mga manunulat ng dulang salin o adaptasyon mula sa mga
dulang dayuhan. Nais din ng grupong bumuo ng isang Playwrights Circle. Nagsilbing
tagapagdaloy si Gamay Arkoncel-Dacanay sa taunang palihan sa Sining at Dulang
Pambata, Teatro at Pag-arte para sa kabataan at Drama para sa mg guro.

94

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Kabilang sa mga palihang ibinigay ng Teatro! ang Children’s Art and Drama
para sa pito(7) hanggang labindalawang (12) taong gulang. Dito, isinasanib ng
Teatro! ang pagsasalaysay ng kuwento, paggawa at pagtatanghal ng mga papet at
maskara, malikhaing drama at malikhaing galaw at tunog. Sa mga palihang ito,
nagkaroon ng mga tiwala sa sarili ang mga bata na humarap sa mga manonood.
Nagkaroon sila ng mga bagong kaibigan at ng pagkakataong makihalubilo sa kapwa
bata, Nagtatapos ang palihan sa isang pagtatanghal na pinanonood ng mga
magulang, kapatid at kamag-anak ng mga batang kasali.

Samantala, ang Creative Summer Workshop para sa mga batang may edad
na apat (4) hanggang anim (6) na taong gulang ay nagwawakas din sa
pamamagitan ng pagtatanghal ng mga dulang pambata. Bukod sa sining ng
pagkukuwento, sinasanay rin ang mga batang lumikha ng mga improbisasyon.

PY
Kasama rin sa palihan ang pagpipinta, pagdo-drowing, malikhaing drama,
malikhaing galaw at tunog mga awit at laro at maging ng tinatawag na papercraft.
Ang palihang ito ay iniangkop sa metodolohiya ng Steiner/Waldorf at sa mga antas
ng paglaki at debelopment ng mga bata batay sa mga pag-aaral ni Piaget sa
larangan ng Sikolohiya.

O
Lumikha rin ang pangkat ng mga dulang papet na “Si Pagong at si Matsing”
na ipinalabasnila sa iba't ibang paaralan at pamayanan sa Lungsod ng Davao. Isa
pa sa mga ginawang produksyon ng Teatro! ay ang “Alamat ng Apoy” ni Rene Q.
C
Villanueva. Mayroon ding Clown Show ang grupo na itinatanghal sa iba't ibang
okasyong pambata. Halimbawa ng kanilang Clown Show ay ang "Walang Dayaan"
na itinanghal sa paraang mima. Ang dulang pambatang ito ay tungkol sa
pakikipagkaibigan at kahalagahan ng papangkat na gawain. Ilan lamang ang mga ito
D
sa mga dulang itinanghal ng pangkat sa iba'tibang paaralan at pamayanan sa
Lungsod ng Davao. Itinuring na pangunahing produksyon ng pangkat ang “Sa
Ngalan ng Ama 1" at ang"Sa Ngalan ng Ama 2" na itinanghal noong 2004. Itinanghal
E

naman ng pangkat ang "Love Ko si Mom" nang isagawa nila ang mga Puppet and
Dance Drama Tour noong 2004.
EP

Naghandog din ang pangkat ng programa para sa Teen Theater at ng Teatro


sa Klasrum. Isinasagawa angTeen Theater Workshop ng Teatro! sapanahon ng tag-
araw. Ang mga partisipant na ang mga edad ay Iabintatlo (13) hanggang labinsiyam
(19) na taong gulang, ay nalilinang ang tiwala sa sarili, sariling pagpapahayag,
pagiging mahusay na pinuno at pagkamalikhain. Katuwang din ang pangkat sa
D

proyektong Sagip Moral ng Good Shepherd Sisters sa paglinang ng kakayahan at


kasanayanng mga kabataang nasa relokasyon sa Iabas ng Lungsod ng Davao. Ang
pangkat din ang nagpasimuno sa Youth Drama Festival para sa mga grupong
panteatro sa mga hayskul sa Lungsod ng Davao na sinimulan noong Enero, 1993.

Itinuturing ng pangkat na pinakamahusay na produksyon nila ang mga


dulang "Sa Tambakan ng Laruan” ni Tim Dacanay at "Tonyo, Pepe" at "Pule" nina
Rene O. Villanueva, Malou Jacob at Paul A. Dumol noong 1993 at ang"Kung Paano
Ko Pinatay si Diana Ross" ni Rody Vera noog 1992.

95

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Animo Puppet Theater Group

Isang pangkat na pang—edukasyong nagtatanghal ng mga papet at


nakabase sa Isla ng Negros, binubuo ang kasapian ng Animo Puppet Theater
Group ng mga kabataang nagtataguyod ng pagpapalaganap ng kahalagahan ng
kapaligiran at ng impluwensya nito sa buhay ng mga tao. Nakapagtanghal ang
pangkat na ito sa mga paaralan, baranggay at mga pagdiriwang ng mga pamayanan
simula noong 2000. Itinatampok ng pangkat ang mga kuwentong nakaugat sa mga
realidad ng buhay sa Pilipinas at tumatalakay sa mga sensitibong usapin.
Nagbibigay ng aliw at edukasyon ang kanilang mga palabas sa mga kabataan,
tinedyer at mga matanda. Ang mga kabataan ang lumilikha ng kanilang
mgapagtatanghal at bunga nito ay natuturuhan nila ang mga usaping
pangkapaligiran ng kanilang pook sa kontekstong panlipunan, pampulitika at

PY
pangkalinangan. Nililinang ng mga kabataan ang kanilang mga kasanayan sa
larangan ng pamumuno, pagsulat ng dula, pagsasalita sa harap ng publiko,
nagtuturo sa ibang kabataan at nagsisilbing mga huwaran para sa mga manonood at
pamayanan.

Nagtanghal ang pangkat sa German Expo Tent sa Rockwell, Lungsod ng

O
Makati noong Oktubre 17, 2006 na itinaguyod ng DED Deutscher Enrricklungsdienst,
Figaro Foundation at German Month Expo. Labis na nagbigay-aliw sa mga
manonood na kabataan at matatanda, ipinamalas ng Animo Puppet Theater Group
C
ang mga dulang papet na nauukol sa kamulatan sa kahalagahan ng kapaligiran at
ang kanilang malikhaing pagpapahayag na bumalot sa katauhan ng mga kabataang
manonood. Dalawang dulang paper ang ipinalabas ng grupo. Nasa wikang Ilonggo
ang dulang papet na "Akbyan Kagulangan” samantalang nasa wikang Ingles naman
D
ang "Sea Kingdom." Aug dulang papet na “Abyan Kagulangan" ay tungkol sa
magpinsang Mario at Biboy. Mula sa lungsod si Mario, samantalang magtotroso
naman si Biboy. Ginagalugad ng magpinsan ang kagubatan at tinuturuan ng bawat
E

isa ang ukol sa mga katutubong mga hayop tulad ng spotted deer, flying fox at ng
leopard cat. Nang minsang nagkabagyo, binaha ang buong bayan nila at naglaho si
Biboy. Nang matagpuan siyang sugatan, ipinaliwanag niya sa kanyang ama at sa
EP

mga taumbayan na ang baha ay bunga ng labis na pagtotroso. Natanto ng kanyang


ama ang realidad ng kanilang mga aksyon kung kayat tumawag siya ng isang pulong
upang mag-isip ng mga alternatibong pagmumulan ng kanilang kabuhayan upang
mapangalagaan ang kanilang mga buhay.
D

Nagsasalaysay ang "Sea Kingdom" ukol sa mga hayop na naninirahan sa


korte ng King Shark na nag-uulat tungkol sa karagatan. Nang mahuli ng lambat ang
pating, sea cow at pagong, dinaklot naman ng pugita si Tikyo, anak ng mangingisda
at ipinaliwanag ng dolphin kung paano sinisira ng mga tao ang korales at kung
paanong inilalagay ng mga tao ang kanilang mga buhay sa panganib dahil sa
paggamit ng dinamita sa pangingisda, pagsira sa mga bakawan, atbp. Ipinaliliwanag
ni Tikyo sa kanyang ama, na pinuno ng isang pangkat ng mga mangingisda, ang
lahat ng iyon. Sa bandang wakas, nagpasya silang lumikha ng sanktwaryo at gawing
masaya at mapayapa ang buhay ng mga naninirahan sa kaharian ng karagatan.

Nagpalabas din ang grupo sa North Transport Terminal ng SM City Bacolod


noong Abril 22-26, 2008. Kaugnay ito sa pagdiriwang ng International Earth Day

96

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
2008. Nagtaguyod ang SM Bacolod ng resaykling sa loob ng isang linggo. Sa
okasyong ito, tradisyunal at di-tradisyunal na mga basura ay naipagpalit nila ng pera.
Halimbawa ng mga tradisyunal na basura ay ang mga papel, plastic, botelya, mga
latang lalagyan ng sopdrinks, metal at kartun habang ang mga halimbawa naman ng
mga di-tradisyunal na basura ay ang mga cartridge , electronic waste, computer
printers at appliances. Kasama ng Anino Puppet Theater Group sa proyektong ito
ang Art Association of Bacolod, Binhi Creative Arts, Pintor Kulapol at ang Puwersa
Pintura na nagtampok ng sining mula sa mga niresiklong mga bagay.

Dumalo ang grupo sa “Tell Me a Story Mr. Cloud Project: An Environmental


Multi-Media Video Art Film for Children by the Children” noong Agosto 28-30, 2006
sa Children’s Biodiversity Mini Earth Camp. Itinaguyod ito ng Patrimoine Sans
Frontieres (PSF), Paris,France at ng Enigmata Creative Circle, Inc. sa

PY
pakikipagtulungan ng Departamento ng Edukasyon, Dibisyon ng Isla ng Camiguin,
Philippines. Dinaluhan ito ng tatlumpu’t anim (36) na mag-aaral at mga tagapayo ng
tatlong (3) local ng mga paaralan: Sangay Central School, Anito Elementary School
at Balbagon Elementary School.

Binigyang-diin ng palihan ang iba’t ibang teknik sa malikhaing teatro at

O
improbisasyon. Binuo ang pangkat ng mga tagapagdaloy ng palihan ng mga musiko,
manlilika ng pelikula, artist sa larangan ng sining-biswal at mga manananghal sa
teatro. Sa bawat pagtatapos ng isang araw na palihan, may mga pagtatanghal na
C
nagaganap na tulad ng pelikula o islayd ukol sa biodiversity dokumentaryong
pelikulang “Nilasong Buhay” ng The Correspondence; “The Journey of Life” ng
Moby’s video; “On Earth As It Is In Heaven” ng Animo Puppet Theater mula sa
Lungsod ng Bacolod; premyadong pelikulang Iranian na “Colours of Paradise.”
D
Itinampok din sa Earth Camp ang konsyerto ni Waway Saway, Writing and Healing
Workshops in Pompet’s Villaraza, Theater Workshop nina Greg Naduma at Felimon
Blanco, Creative Group Dynamics ni Rosalie Zerrudo at Film Making ni Soni Kum.
E

Trumpets Playhouse
EP

Ang produksyon ng Trumpets Playhouse na “Mr. Noah’s Big Boat” ay isang


adaptasyon mula sa Bibliya na itinanghal sa tradisyon ng bunrako ng mga Hapones
na itinanghal noong Hulyo at Agosto 2004. Ang kuwento ay nagsisimula kay Noah
na nagsusumikap na linisin ang lahat ng mga basurang nakolekta sa kapaligiran.
Pinagtawan lamang siya ng kanyang mga kapitbahay. Kinausap ng Diyos si Noah
D

tungkol sa balak nitong linisin ang lahat ng basura sa mundo. Binigyan niya si Noah
ng tatlong tagubilin: lumikha ng isang arko, maglulan dito ng tigdalawa ng bawat uri
ng hayop sa mundo at isakay ang kanyang pamilya sa arko. Ang dulang pambata ay
sa panulat at direksyon ni Jaime Del Mundo. Itinampok sa dula ang mga tinig nina
Gary Valenciano at Bituin Escalante, musika ni Rony Fortich at disenyo ng tanghalan
ni Mio Infante, at disenyo ng paper ni Niel de Mesa na binuo nina Liz Batoctoy at
Benny Batoctoy. Itinanghal ang dula noong Hulyo 10, 17, 24, 31 at Agosto 7 sa
Music Museum, Greenhills SHopping Center, San Juan, Metro Manila.

Inabot ng dalawang (2) taon ang paghahandang ginawa ng pangkat sa


pagbuo ng “Mr. Noah's Big Boat.” Noong una, nais ng malikhaing pamunuan na
gawin ito sa estilong black theather o sayaw ngunit pagkaraan ng serye ng

97

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
talakayan, nagpasya silang pagsanibin ang ibat ibang anyo ng sining — papetri,
maskara, mima, sayaw at musikal na katatawanan. Ito ang dahilan kung bakit nabuo
ang orihinal na dulang ganap ang habang musikal na nagtampok ng mga papet na
kasinlaki ng tao. Naging katuparan ng pangarap para kay Niel de Mesa ang
proyektong ito dahil maliit pa siya'y mahilig na siya sa mga papet na marionette at
ninais na niyang lumikha ng mga papet na kasinlaki ng tao. Naging inspirasyon din
niya ang pagkapanood niya ng "Little Angel Marionerre Theater," bantog na dulaang
paper ng London. Gayunpaman, tinagurian ng pangkat na"Yodette" ang mga papet
na kanilang nilikha at ginamit sa produksyon. Kumbinasyon ito ng Yoda at
Marionette. Ganoon pa man, pagkaraan ng ilangpagpupulong, nagpasya ang
malikhaing pamunuan na bumuo ng tradisyunal na papetri ng mga Hapones— ang
bunraku. Literal na kahulugan ng bunrako ang papet at pagkukuwento at nauugnay
sa mga mananalaysay na naglalakbay sa bansang Japan. Gumagamit ang bunrako

PY
ng mga paper na kasinlaki ng tao. Hindi ito gumagamit ng mga tali upang pagalawin
ang iba't ibang bahagi ng katawan ng papet bagkus, isa hanggang tatlong tao ang
nagpapagalaw ng mga bahagi ng papet.

Sa "Mr. Noah's Big Boat," pinagsanib ang bunraku papetri at ang black
theater para mabigyang—diin ang tinatawag na "suspension of disbelief " sa teatro.

O
Nakasuot ng itim na damit ang mga papetir. Kinoryograp ang kanilang mga galaw
kasabay ng mga papet at maging ang mga sayaw. Dahan-dahan nagsasanib ang
mga papet sa kurtinang itim kung kayat makikita lamang ang mga paper na
C
maliwanag na inilawan na ang epekto ay tila ang mga papet lamang ang mga
gumagalaw sa entablado. Magaang na mga materyales lamang ang ginamit sa
pagbuo ng mga papet upang hindi mahirapan ang mga papetir sa kanilang
paggalaw. Idinisenyo ring realistiko ang mga papet batay sa pangangatawan at
D
hitsura ng aktor na nagsagawa ng mga boses. Halimbawa, kamukha ni Mr. Noah si
Gary Valenciano samantalang kahawig naman ni Bituin Escalanre si Mrs. Noah.
Heometriko at istaylistiko ang disenyo ng mga papet upang maabot ang panlasa ng
E

mga bata. Sinaniban din ni Niel de Mesa ang disenyo ng mga papet ng mga
elemento ng Disney na may apat na mga daliri sa kamay at apat sa paa. Naiiba rin
ang ibang mga karakter tulad ng karakter na Old T na isang asong may mga salamin
EP

sa mata; si Newt, ang tagapagsalaysay na asong kulay-berde at asul; may


dreadlocks ang mga giraffe; may malalaking pouches ang mga joeys; kulay-berde
ang mga unggoy; may berdeng mata at kulay-rosas ang mga tuka ng mga pato.
Ganoon din, hindi lamang nagsasalita ang mga papet kundi sumasayaw rin ng strut
at umaawit pa. ltinampok sa"Mr. Noah's Big Boat" ang mga boses nina Mr. Pure
D

Energy Gary Valenciano bilang Mr. Noah, Bituin Escalante bilang Mrs. Noah, Robi
Joseph ng AKAfellas bilang Noahs per dog Newt at ang tagapagdisenyo ng paper na
si Niel de Mesa bilang Slack at iba pa.

Virlanie Puppet Theater Group

Nagtatag din ng isang pangkat panteatrong papet ang Virlanie Foundation na


nakabase sa Lungsod ng Makati at nangangalaga ng mga batang kalye. Donasyon
buhat sa Springboard Foundation ang mga materyales na ginamit sa pagtatanghal
ng mga papet na tulad ng iskrip, papet at tanghalan. Itinuturo ng mga pagtatanghal
na ito ang pangangalaga sa kalusugan ng mga batang-kalye.Nauunawaan ng mga

98

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
manonood na kabataan ang mga pangunahing tuntunin sa pagpapanatili ng maayos
na pangangatawan bunga ng kanilang napapanood na dulang papet.

Limang beses sa loob ng isang linggo, ang Virlanie Puppet Theater Group
ay nagtatanghal sa Paco, Divisoria at iba pang mahihirap na distrito sa Maynila at
nagpapalaganap ng integrasyong panlipunan. Isinasanib ng Virlanie Mobile Unit
(Virlanie Puppet Theater Group) na ito ang mga komponent na edukasyon,
sikolohikal na serbisyo at kalusugan. Interaktibo ang paraan o estilo ng
pagtatanghal. Nakaupo ang mga manonood na kabataan sa lapag. Sa kanilang
pagtatanghal, matutunghayan ang isang babaengpapet na buhat sa likuran ng itim
na tabing at tapos ay kakausapin ang mga manonood. Tungkol ang kuwento ng
dulang papet sa isang pamilyang naninirahan sa lansangan. Ang mga bata sa
kuwento ay naliligo sa maruruming ilog na ginagawang tambakan ng mga basura.

PY
Isang karakter na uod ang lalabas at magwiwikang kapag patuloy silang pupunta sa
ilog, papasoksila sa katawan ng mga bata. Hindi makikinig ang mga kabataan sa
karakter na uod hanggang sa sila ay magkakasakit. Isang nars mula sa sentrong
pangkalusugan ang magpapaliwanag sa mga bata kung bakit sila nagkasakit at
hihimukin sila nitong huwag nang pumunta pang muli sa maruming ilog. Aktibong
lalahok ang mga manonood at hihiyaw ng "Opo" sa mga papet habang hindi

O
magkamayaw sa pagpalakpak at sinasagot ang bawat itanong ng mga papet. Sa
pamamagitan ng ganitong uri ng pagtatanghal, natuturuan ang mga kabataan ng
pag-iwas sa panganib na dulot ng maruming kapaligiran.
C
Kauna-unahang Festival ng Paper

Iba't ibang mga pangkat panteatrong nagtatanghal ng papet ang sumali sa


D
ginanapna kauna-unahang festival ng papet sa Pilipinas. Ginanap noong Agosto 13-
15, 2008 sa Cultural Center of the Philippines Tanghalang Huseng Batute
(Experimental Theater) itinaguyod ang festival na ito ng Samahan ng mga Papetir ng
E

Pilipinas, Inc. (SPP) sa pakikipagtulungan ng Tali Galaw, Roppets Edutainment


Productions, Inc. (ROPPETS), ANINO Shadowplay Collective (ANINO),
Teatrong Mulat ng Pilipinas (MULAT) at ng Black Theater of Manila (BTM) at ng
EP

ventriloquist na si Ony Carcamo.

Ventriloquism

Itinuturing si Ony Carcamo bilang pangunahing ventriloquist at


D

nakapagtanghal na mula noong 2000 sa iba't ibang panig ng ating bansa. Nilikha
niya noon ang namumukod-tanging Laff and Learn Kidshow Ventriloquism Program
na nagtuturo sa mga kabataan ng pagbuo ng mabuting personalidad o pagkataosa
pamamagitan ng mahika, katatawanan, at ng sinaunang sining na kung tawagin ay
ventriloquism. Madalas maanyayahan si Ony Carcamo sa mga masining na
pagtatanghal at mga mahalagang okasyong pampanitikan at panteatro.

Roppets Edutainment Productions, Inc. (ROPPETS)

Natamo ng Roppets Edutainment Productions, Inc. (ROPPETS) ang


kagalang-galang na gawad-parangal na Who's Who in the Philippines and the
National Consumers Counril bilang Most Outstanding Educational Entertainment

99

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Company para sa taong 2001. Nagsasagawa ang pangkat ng mga lakbay-aral,
pagtatanghal sa iba't ibang mall, sa mga pagdaraos ng mga piging tulad ng mga
kaarawan ng mga kabataan at iba pang mga okasyong panlipunan sa iba't ibang
panig ng Pilipinas. May mga sangay ito sa Manila, Pampanga, Cebu, Negros at
Davao.

Sa kabilang dako, ang ibang mga pangkat na kalahok sa festival na tulad ng


Tali Galaw, Teatrong Mulat ng Pilipinas at Black Theater of Manila ay nailahad
at naisalaysay na ang kasaysayan sa naunang aklat na Kasaysayan at Pag-unlad
ng Dulaang Pambata na inilathala noong 2006 ng UST Publishing House kayat
hindi na isinama pa sa aklat na ito. Samantala, tinalakay natin ang ANINO
Shadowplay Collective sa unahang bahagi ng kabanatang ito.

PY
O
C
E D
EP
D

100

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
PY
KABANATA III.
O
C
ANG MUNDO NG TULA,
D

ANG MUNDO AY TULA


E
EP
D

101

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
13.
Mga Tula mula sa Text Poet’s Society
Frank Rivera

Frank Rivera, p. xxi


Pamaskong Tanaga sa Taon ng Tandang

Ang Tandang ngayong Pasko


May virus man ng bird flu
Sa kawali diretso

PY
Gutom kasi ang mundo.

Frank Rivera, p. 5
Bagong yunit ng telepono

Nabago rin ang direktoryo

O
Kaya puro lamang numero
Nabura ang pangalan mo.
Ngayon ang tanong ko:
Sino ito? Sino ito?
C
Faye Cura, p. 120
Tirik
D
Napapagod din ang bus.
Sa gitna ng daang krus,
E

Napakong maka-Hesus.

Heterotopia
EP

Ako’y nakipanalamin
Sa Cadillac sa madilim
Na lansangan.
Nitong mukhang di maangkin!
D

Guho

Lumindol sa simbahan
Matapos ang kumpisal
Di matinag na altar,
Pumantay sa luhuran.

SANGGUNIAN
Rivera, Frank. Text Poet’s Society. Manila: UST Publishing House, 2006.

102

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
14.
Matapos Matanggap ang Mensahe ng Isang
Kaibigang Makata
Mikael De Lara Co

Matagal na kaming hindi nagkikita


ng makatang si Diego. Malungkot din kaya
ang huni ng mga kuliglig sa bayan ng San Pablo?

PY
Hindi ko mailarawan ang kagandahan
ng mga ilog sa San Pablo
sapagkat hindi pa ako nakararating doon.
Kanina, nabasa ko ang kaniyang mensahe:
“Masigasig ang kalikasan

O
sa iyong mga tula ngayon, kaibigan.”
Hinaharaya ko siyang nakangiti, kamay-sa-tiyan,
habang sinasabi ito. Sa labas ng aking bintana,
C
umuugong ang mga sasakyang tumatahak sa Avenida.
Naglalako ng sampaguita at ilang-ilang ang mga paslit
sa paanan ng Labingwalong Istasyon ng Tren.
May mabibili kaya ang isang pirasong baryang pilak
D
na nakasabit sa kalangitan? Maalinsangan
sa sinapupunan ng Maynila. Sa susunod
na buwan, pupunta ako sa San Pablo
E

at magdadala ng isang boteng alak.


Mapilit ko kayang uminom si Diego?
Pakikinggan namin ang tinig
EP

ng mga nalalagas na dahon.


Magkukuwento ako tungkol sa bundok
na nakasiksik sa aking dibdib.
Sakaling malasing siya, tiyak ko,
tatanungin niya ako, “Paano kang nakauwi?”
D

At tutugon ako, “Hindi naman ako umalis.”

SANGGUNIAN:
http://nbdb.gov.ph/index.php?option=com_content&task=view&id=786&Itemid=122

103

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
15.
Kung Bakit Tayo Paluwas at Walang
Sunong na Kalakal
Axel Pinpin

Palungsod ang direksyon nitong ating lakad


ngunit hindi upang magluwas ng kalakal

PY
manapa’y mga placard sa tagdang kawayan
itong ating bitbit at magiting na tangan
sa halip na tiklis nitong prutas at gulay!

O
Wala tayong sasakyan or arkiladong trak
dahil pinili nating sa kalye’y maglakad
sunong ang hiyaw nitong ating paghahangad
hindi para maglako ng aning kalakal
kundi ay maningil ng malaong pautang!
C
D
Gaya nang inaasaha’y mayroong papara
mga haragang pulis na mang-aabala
hindi para manita sa sobrang kargada
E

at papalao’y mangotong para arkabala


kundi’y upang harangin itong ating martsa!
EP

Pagbabawalan tayong maglakbay, maglakad


kahit wala tayong batas na nilalabag
basta’t bawal raw tayo ro’n sa kalunsuran
baka makita ng turistang namamasyal
D

sakit raw sa mata itong ating Lakbayan!

Kung nadarama lamang ng mga turista


sakit ng kalooban nitong magsasaka
libangan nila’y libingan ng ama’t ina
mga asawa’t anak dinukot, nawala
sa pakikibaka sa inagaw na lupa!

104

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Marahas na pagpigil sa ating pagluwas
ay nagpapabilis at nagpapakaripas
sa mauuna pang hiyaw ng pagpipiglas
bagkus harangan ay lalong mag-uumalpas
sa mayro’ng utang buhawi ang ating lakas!

Kumot yaring ulan at balanggot ang araw


hindi makakaiga hindi rin lulusaw
sa sariwang diwa ng magiting na sigaw:
Lupa nating bungkal, bawiin sa gahaman!
Sa Gyerang Magsasaka, ro’n sa kanayunan!

PY
Daluyong kaming mananagasa sa harang!
Martsa sa araw at sa gabi’y maglalamay!
Maalab na salubong pantighaw sa uhaw!
Malapit na kami! Ilang hakbang na lamang!
Maghanda’t maniningil tayo ng pautang!

O
C
E D
EP
D

SANGGUNIAN:
http://nbdb.gov.ph/index.php?option=com_content&task=view&id=785&Itemid=122

105

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
16.
PAN-RUSH HOUR
Joselito Delos Reyes

Dapat walang pagsalang deretsong riles ang liston


ng iyong abuhing pantalon upang hindi mapahiya
sa kintab ng kabibiton mong Lunes at sapatos
na karengga ng magpakailanman mong kurbata’t
nanggagalaiting kuwelyo ng bihis-Makati o Ortigas.

PY
Dapat humahalimuyak ka kahit lampas-lampasan
sa di-pahuhuling alas-otso ang sirit ng pawis sa noo,
sa batok, sa likod ng hindi magkamayaw na kriskrusan
ng minutong ikakaltas sa iyong kinsenas at katapusan.

O
Dapat kumpleto ang lingguhang ulat ng iyong pinagpala
sa lahat na laptop na bumibigat, lumalapad,
bumibigat bawat hinihingal na estasyong isinabit mo
C
sa balikat, iniiwas sa sunggab at balya ng mga obrerong
gaya mo, kanina lamang ay mabango at bibong-bibo.

Muni mo, mali lahat ang pakana ng gobyernong ilayo


D
sa mga makahaywey na tao ang terminal
na umiilap kada segundong pag-init
ng punong-tainga ng pipirma sa iyong iniingat-ingatan,
E

iniimpok-impok, itinatago-tagong pampamilyang leave.

Madidili mong via crucis kahit hindi santo-santo


EP

ang riles na ito, kahit alam mong malayong-malayo


ka sa pagiging berbo, kahit alam mong umaastang
Golgotha ang araw na itong lubhang kaylayo pa
sa umento, mainit na kape, pansine, pang-apartment,
pang-ipon sa kabuhayang ipinangako mo sa sariling
D

ikukubli sa nakangingilong sagitsit ng pambayang tren


na iisang ruta lamang ang alam: walang balikan.

SANGGUNIAN:
http://nbdb.gov.ph/index.php?option=com_content&task=view&id=768&Itemid=122

106

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
PY
KABANATA IV.
O
NAGSASALITA AKONG
C
PROSA!
E D
EP
D

107

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
17.
Good Morning, Sir. Thank you for Calling.
How May I Help You Today?
Rolando B. Tolentino

Ang call center ang tinatawag na bagong sunshine industry. Nakapaloob ito
sa sangay ng information technology (IT). Sa 32 projects na inaprobahan ng Board
of Investments at Philippine Economic Zone Authority sa unang kalahati ng 2002,
anim ay call centers. Inaasahan itong magbigay ng 150,000 na bagong trabaho sa

PY
susunod na apat o limang taon. Ginagamit ang call center para magbigay ng
technical support sa mga kliyente at global partners ng mga kompanya. Hangad ng
gobyerno na malagay ang bansa sa “the call center map of the world.” Noong 2000,
ang bansa ay kumita ng $10 milyon mula sa call centers, $2 milyon lang ang lamang
sa India.

O
Mayroong isang teacher English Department ng University of the Philippines,
malakas ang loob na nag-resign sa pagtuturo. Sa awa ng Diyos, natengga ng anim
C
na buwan bago nakakuha ng trabaho. Mula sa pagtuturo ng composition at term
paper writing sa mga estudyante, siya na ngayon ay nasa night shift, kada pasok sa
kanya ng tawag mula sa Bowling Green, Ohio, o Pozzorubio, Pangasinan, binabati
D
niya ang tumawag at inuunahan sa pagsabi “How can I help you today?” perfect ang
kanyang aral na diction, siya na taga-Dadiangas, Mindanao, at hihinaan niya ang
volume habang tumitili ang kanyang kausap, nagrereklamo sa kanya. Sinasalo niya
E

ang bumubuhos na sama ng loob ng kostumer, na dapat sana ay nakalaan kay Bill
Gates. Ikaw man ang magiging unang trilyonaryo sa kasaysayan ng mundo,
makakabayad ka ng sasalo sa iyo ng sama ng loob mula sa mga graduate at
EP

professionals na ibinase ng iyong yaman sa call center sa Alabang. “How can I help
you today?” kami nga ay hindi matulungan ng sarili, tumutulong para sa iba! Biglang
naiisip ng kaibigan ko, ano ang mas mabuti---ang iedit ang mga composition ng
mgabatang magtatrabaho rin naman sa mga multinational corporation o siyang
nagtatrabaho ngayon sa ilalim ng global na dibisyon ng paggawa? Kung hindi siya,
D

sila. Kung hindi ngayon, bukas din. Kung hindi rito, sa ibang lugar doon.

108

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
18.
Styropor
Zosimo Quibilan

Basa na sa kasasagwan ang mga binata. Kanina pa sila pasulyap-sulyap sa


bahay namin sa dulo ng bukid na naging lawa.

Bagot na ako. Umuulan pa rin at walang kuryente. Sira ang TV at putol ang
dalawang kuwerdas ng gitara.

PY
Sa di kalayuan, nagpalutang-lutang ang dalawang bata. Nakasakay sila sa
malapad na styropor.

Maingat silang nagsagwan patungo sa gitna. Pero kahit anong pag-iwas,

O
natumbok pa rin nila ang marupok na Bangka ng mga binata.

Nang magdikit, tumalon ang isang binata sa styropor. Nahati ito sa tatlo at
C
nahulog silang lahat sa bahang apat na araw nang hindi humuhupa.

Hindi ko naisip na baka malunod sila. Mababaw lang ang tubig. Kabisado nila
ang pag-ahon at paglusong ng bukid sa pagluluksong-baka dito kapag tag-araw. Sa
D
halip, natuwa ako, tapos naawa. Nang umahon ang dalawang bata, nahati pa muli
ang laruan nila. Nadurog nang tuluyan ang styropor. Naging maliliit na puting isla.
E

Dahil hindi na makapaglaro sa baha, umalis na rin sila. Lalo pa akong nainis.
Nadagdagan ang katotohanang wala pa ring kuryente at malapit nang maggabi.
EP

Tumitig nalang ako sa tubig na walang kasing-itim. Doon ko nakita ang


repleksiyon ng ulap sa baha. Nagbabagong-anyo. Anumang anyo ang gusto ko,
nagkakatotoo. Napawi rin ang inis ko sa posibilidad na nakalantad sa harap ko.
D

109

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
19.
Lamayang Pilipino
Eros Atalia

ISA SA PINAKAMASARAP tambayan kapag walang mapuntahan o magawa ay ang


lamayan. Pambihira kasi ang tanawin sa loob at labas nito. Isa kasing maliit na
pamayanan ang lamayan. Halos lahat ng institusyon ay may kinatawan.

1. Nandito ang isa sa pinakamalaking sector ng bansa . . . ang mga PT


(professional tambayan). Tahimik kung gumawa ng ingay ang mga
naglalamay. Pwedeng ngumiti at tumawa huwag lang hahalakhak. Nakakahiya

PY
kasi sa namatayan (baka isiping ipinagdiriwang ang kamatayan ng kanilang
kamang-anak). Maasahan ang pagbabad magdamagan ng mga ito.

2. Nandito rin ang mga gambling magnate dahil may instant casino. May tong its,
madyong at sakla. Kapag medyo malawak ang bakuran ng lamayan, may pa-

O
binggo rin. Pwedeng magsugal (walang huli, basta’t may kaunting pangkape sa
pulis na oorbit) at ang tong ay mapupunta sa namatayan (pantulong sa laki ng
gastos sa pagpapalibing).
C
3. May caterer. Wantusawa sa inumin at tinapay. Halos kada isang oras ay may
naglalabas ng pangmiryenda. Isa ito sa panghatak ng tao para di mawalan ng
D
naglalamay. Kung medyo bigtime ang lamayan, minsan ay may pansit o sopas
(pero kadalasan, sa last night ang special na pakain).
E

4. May mga artist. May libre ring konsyerto ng mga gitarista na biglang naging
instant folksinger. May ilang lamayan na may videoke. Limang piso kada kanta.
Hati sa kita ang may ari ng videoke at ang may patay.
EP

5. May mga social thinker. Alam ng mga ito ang sanhi at solusyon ng problema
ng bansa. Kadalasang nagtitipon-tipon dito ang mga senior citizen at
bahagyang nakapag-aral o feeling naging gifted child.
D

6. May mga religious people din. Sila din angbahala sa kaluluwa ng namatay. Sila
ang tagalakad at taga build up sa namatay para naman mapunta ang kaluluwa
nito sa langit. Tunay na maasahan ang mga taong ito. Sige-sige at maya’t
maya ang pagdarasal.

7. Mawawala ba naman ang mga politiko? Sympre hindi. Present sila sa


anumang lamayan. Hindi totoong boto ang habol ng mga ito. Bukal sa puso
ang pakikiramay, pagpapadala ng bulaklak, pagbigay ng abuloy at
pamumudmod ng pocket calendar na nakabandera ang kanilang mga
pagmumukha.

110

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
8. Nandito rin ang mga That’s Entertainment Saturday Edition. Mga kabataang
ginagawang Luneta ang lamayan. Sya nga naman. Magandang palusot sa
mga magulang na kaya ginabi ay nakipaglamay. May mga magulang ba
naman na hindi tuturuan ang mga anak na makipagkapwa sa pamamagitan ng
pakikipaglamay.

9. At higit sa lahat . . . ang pinakaimportante sa lamayan . . .ang mass media. Sila


ang nakakaalam ng buhay ng may buhay. Lahat ng latest na balita’t tsismis ay
alam. Pati na ang buhay ng namatay at ang mga kamag-anak nito. Silarin ang
in-charge sa pagpapaliwanag sa mga bagong dating kung ano ang kinamatay,
paano namatay, kelan namatayan at kelan ang libing. Pati ang handa sa
lamayan at kung sino-sinong personalidadang present sa lamayan.

PY
Hindi ba’t iba talaga ang Lamayang Pilipino? Sori at dapat ko nang tapusin
‘to. Aalis pa po ako makikipaglamay lang muna po ako. Kita-kits mga kasalamin.

O
C
E D
EP
D

111

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
20.
MULA SA ISTATUS NATION
Joselito delos Reyes

SYNTHETIC FRIENDSHIP

Minsan, hindi ko na alam kung ang makakasalubong, makakatanguan, o makakaapir


ko ay ka-Facebook ko na pala. May mga pagkakataon ding nakita, nakamayan, at
naipakilala na sa akin ang isang tao na malaon ko na palang “kaibigan” sa fb. Hindi
niya rin ito pansin dahil hindi naman siya nagsabing “Magka-Facebook na pala tayo.”

PY
At least, hindi ko man makaapir ang maraming “kaibigan” ko sa fb, magkakaroon
naman ako ng bastardong kuting, si Eliot, dahil sa kaibigan sa synthetic medium na
ito. Meow, dawg.

O
DIKTATORYAL

Diktatoryal ang palakad ko sa aking Facebook. Lalo na sa aking wall. Kung gusto
C
kong burahin ang ilang komento, binubura ko. Gusto kong itama o maliin ang status
ko, nagagawa ko nang walang sukal sa dibidb.

Hangga’t kaya ng pang-unawa ko, iniiwan ko ang komento, pinapabayaan ko sa


D
thread nang masaksihan ng makakabasa ang itinatakbo ng satsatan. Nakatanggap
ako ng masasakit na komento (halimbawa: “Maipit sana daliri mo sa ibinabalibag na
pinto.” Sakit kaya nun). Minsan, tinatanggap ko ang kamalian at hindi ko na
E

binabago para mabalikan ko ang pagkakamali. Nang matuto ako kung sakali. Kung
tama ako, hindi ko na inire-reiterate. Ayoko ng overkill.
EP

Binagyo na ako ng puna. Natuto ako doon. Kaya hindi ko na pupunahin uli si Anne
Curtis. May mangilan-ngilan ding papuri. Maniwala kayo, nakakataba ng puso.
Anlakas makapagpa-cholesterol.

Diktatoryal ang account ko sa fb. Ako ang madalas na diktador (minsan, asawa ko).
D

At kung sakali mang naghahanap ka ng paksang gusto mong isulat ko, busisiin ko,
tandaan mo, ako ang diktador.

Bakit ko ito isinusulat ngayon? Ito ang dikta sa akin ng asawa ko. Para daw
mapaliwanagan ko ang mga nagbabasa ng ipinoposte ko dito sa akingdiktatoryal na
pader.

Ang nakipagbasagan ng mukha para sa bayan ay ang mga tulad ni Felix Savon at
Teofilo Stevenson ng Cuba. Kahit anong alok sa kanila ng kapitalistang bansa (the
name of the country starts with U and the preseident’s initials are B at O) para
talikdan nila ang Cuba at kumita ng milyong USD, hindi nila ginawa. Sa halip, nag-
train sila ng maraming boksingerong handang makipagbasagan ng mukha para sa
kanilang bansa.

112

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
That’s why Olympic boxing is almost equal to Cuban domination. Iyon nga lang may
tulad ni Rigondeaux na nang-iwan.

“Para sa bayan” your face. Pramis, hindi ito tungkol kay Pacman. Pero hindi ko kayo
mapipigilan sa pag-iisip na si Pacman din ang tinutukoy ko.

TUNGKOL KAY PACQUIAO

Hindi ko sasayangin ang istatus na ito para ihantad na panatiko ako ni Pacquiao: na
sinundan ko ang halos lahat ng laban niyang ipinalabas sa telebisyon: noong
panahong wala pa halos cable, Internet, pay-per-view sa Pinas, at flat screen; na
pwede akong lumaban ng quiz bee na tanging tungkol sa kanya lamang ang

PY
paksang itatanong.

Hindi ako susulat ng tungkol kay Pacquiao dahil alam kong mahabang proyekto ang
isulat siya – isang librong may tatlong daang pahina siguro – lalo’t sasabihin ko ang
lahat ng gusto ko ng sabihin tungkol sa laban niya sa boksing at buhay nya.

O
Hindi ako susulat ng tungkol kay Pacquiao ngayong panahong ito maraming hindi
nakakaunawa sa boksing, na nakikita lamang ang boksing bilang palaruan ni
Pacquiao, na walang nakikitang sining sa gilas, sa ilag, sa palitan ng suntok. Hindi
C
nauunawaan ang boksing sa labas ng coverage ng telebisyon.

Hindi ako susulat ng tungkol kay Pacquiao pero hindi ako magsasawang ikuwento sa
aking mga anak na nasaksihan ko sa aking panahon ang pinakamagaling na
D
boksingero hindi lamang dito sa Asya, kung hindi maging sa mundo.

Hindi ako susulat ng tungkol kay Pacquiao at sa kanyang napakaraming panalo, sa


E

kaniyang pagkatalo na nagpatingkad sa kaniyang katayuan bilang taong may


tagumpay at kabiguan. Hindi lamang tumatapak, humahalik sa lupa kung
kinakailangan upang simbolikal na sabihing dito siya nagmula.
EP

Hindi ako susulat ng tungkol kay Pacquiao para lamang purihin siya. O hiyain. O
sumakay sa mainit na paksa. O para lamang sabihing panahon na para tigilan niya
ang pakikipagbasagan ng mukha at simulan ang pagbasag sa kahirapang bumalot
sa bansa. O talakayin ang kaniyang naging pagkukulang sa pakikipagtuos sa
D

kalabang dapat ay kilalang-kilala na niya. Sa madaling salita, makisawsaw sa


napapanahong usapin.

Hindi ako susulat ng tungkol kay Pacquiao para sa lamang itrumpetang may alam
ako sa boksing kahit pa hindi ko man lamang natikman kahit isang kapirasong tapik
ng boksingero sa aking mukhang hindi na kailangan pang basagin. Hindi ako
eksperto. Hindi magyayabang na eksperto. Tagahanga lamang ako ng boksing na
nagsimula noong wala pa sa guniguni ng lahat ang isang pangalang Pacquiao.

Nakita ko ang pagluhod ni Rolando Navarette sa kamao ni Bazooka Limon noong


halos aanim na taon pa lamang ako at bago angaming telebisyon Nivico; ang talo-
panalong buhay ni Rolando Bohol sa Araneta; si Dodie Boy at Gerry Peñalosa –

113

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
mga boksingerong malayong matawag na mayaman at makapangyarihan; ang
matagal sa tronong madugong ipinagtatanggol ni Luisito Espinosa sa Japan, sa
Amerika, sa Mexico, sa Pilipinas.

Interesado ako kung bakit hindi naging propesyonal na boksingero sina Felix Savon
at Teofilo Stevenson ng Cuba.Kung bakit hindi umiskor si Onyok Velasco sa kabila
ng pagpapaulan ng suntok kay Daniel Petrov Bujilov ng Bulgaria sa Olimpyida sa
Atlanta. Hinangaan ko Leopoldo Cantancio kahit hindi siya nakakuha ng medalya sa
olimpiyada sa Los Angeles noong 1984, noong wawalong taong gulang ako.

Humiyaw ako sa katuwaan sa tansong medalya ni Leopoldo Serrantes sa Seoul


noong 1998at Roel Velasco sa Barcelona noong 1992. Kinilala ko ang nagkait ng
ginto kay Anthony Villanueva, si Stanislav Stepashkin ng Russia noong 1964 sa

PY
Tokyo.

Hindi ako susulat ng tungkol kay Pacquiao dahil maraming dapat banggitin sa
kaniyang kadakilaan. Hindi ako susulat kay Pacquiao sa kabila ng tuksong dapat
gawing litanya sa kasaysayan ang kaniyang buhay. At sa pagkakataong ito, hayaan
ninyong humingi ako ng paumanhin, ito na ang huling pagkakataon na isulat siya

O
nang hindi sa parang palibro na tungkol sa boksing. Tungkol sa boksing, na ang
totoo, tungkol talaga sa buhay natin. C
BISIKLETA

Matanda na ako nang matutong mamisikleta. Maghahayskul na yata ako noon. Kahit
D
pa may bisikleta at nagpapahiram ang mayayaman naming kapitbahay dati, hindi
ako natuto. Natuto ako nang bumili ng bisikleta ang nanay ko para sa aming
magkakapatid. Noon lang ako nag-aral manimbang sa dalawang gulong.
E

Nang matuto naman akong mamisikleta, hindi na ako napigil sa paglalakbay sakay
man ng dalawang gulong na kakarag-karag na bisikletang pula o tangay lang ng paa
EP

kong tadtad ng nunal.

Nang matuto akong mamisikleta, hindi na ako nasiyahan sa maliit na gulong.


Hiniram ko ang bisikleta ng kuya ko. Itong pamasok niya sa trabaho. Unang taon sa
hayskul nang mamisikleta ako nang malayo, naikot ko ang Bulacan. Maraming
D

bayan. Malalayong bayan.

KUNG MAKAKATAPOS KA

Wika nga ng matandang siste ng sibilisasyong nag-iisip, buwis at kamatayan lang


ang sigurado sa mundo. Kahit hindi mo planuhin, magbabayad ka ng buwis at
matetepok ka. Sa kung paanong paraan ka magbabayad ng buwis at paano
matetepok. Iyan ang hindi tiyak.

114

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Unahan ko na ang iba. Kahit malamig na Enero pa lang, isang mainit na pagbati na
sa inyong pagtatapos sa kolehiyo.

Marso, kung inaakala mong makakatapos ka at wala ka namang sariling kompanya,


maghanap ka na ng trabaho. Masarap balik-balikan ang mismong pagtatapos pero,
maniwala ka sa akin, nakakakaba kung hindi ka makahahanap ng trabaho agad.

Dapat kang kabahan dahil umaasa na sa iyo ang kung sino mang pinangakuan
mong tutulungan kapag nakagradweyt ka na. Tutulong ka na sa pagdaragdag ng
pambili ng pagkain at pambayad sa kuryente. Hindi ka na dapat tumulong sa
pagdaragdag sa gastusin. Pero hindi.

Matatapos mong maipadala via email ang resume mong tiyak na manipis pa, naiinip

PY
ka dahil isa sa sampu lang ang yayaya sa iyong interbyuhin ka. At dahil tag-araw na
nang matanggap mo ang imbitasyon para sa interbyu, papawisan ka nang husto.
Lalo kung ang pananamit mo ay hindi na nababagay sa tag-araw: long sleeves o
bestida.

Mawawala ang lahat ng pinraktis mong sagot sa interbyu matapos mong makitang

O
nakasimangot ang mag-iinterbyu sa iyo. Papawisan kang lalo. Mabubulol ka.
Magkakamali sa pag-iingles. Magkakabuhol-buhol ang sasabihin mo na tatahiin ng
“eh, uhm, uhhh, buntong-hininga, now, haaay,” at marami pang ibang hindi galing sa
C
pinraktis mong sagot. Lalong sisimangot ang nag-iinterbyu sa iyo.

Iiyak ka pag-uwi. Magsisisi kung bakit hindi nasabi ang mga pinraktis. Kakain ka at
kukunsumo ng kuryente. Sa unamong tangka at kabiguan, may mainit na yakap na
D
naghihintay sa iyo. “kaya mo ‘yan, sa una lang ‘yan,” sasabihin niya saiyo habang
inaalo ka sa iyong paghagulhol. Kapag limampung beses nang nangyayari ang
pagkabigo, makakarining ka na ng “Tatanga-tanga ka kasi, ayaw mong pagbutihin,
E

parang gusto mo na lang tumambay nang tumambay.” Matatawa ka na lang. o


maiiyak.
EP

Matapos ang average waiting period na limang buwang walang trabaho, may
tumanggap din sa iyo. Panggabi. Malayo ang trabaho, mga dalawang oras ang
biyahe. Malayo rin sa nakasulat sa diploma mo ang gagawin mo para makatulong sa
bumibili ng bigas at nagbabayad ng kuryente sa bahay n’yo. Pero para lang
masabing “nagtatrabaho” tyatyagain mo ang lugar ng trabaho na halos nasa ibang
D

time-zone na.

Ang pinakamatagal na sandal ng trabaho ay yung pinag-aaralan mo ang trabaho


mo. Ito rin ang pinakamasakit sa ulo na hindi maiibsan ng kakarampot na sweldo.
Kahit pa makabili ka ng ilang kapsula ng mefenamic acid at tablet ng paracetamol. At
dahil uubuhin ka na dahil sa trabahong panggabi, bibili ka na ng cough syrup.

Pakatanggap mo ng suweldo, sa unang suweldong lubos na pinaghirapan, dun mo


lang malalaman na ang sinasabi sa iyo ng kompanya na suweldo mo ay hindi totoo
matapos umepekto sa iyo ang unang kasiguruhan sa buhay: buwis. Malaking
walang-hiyang buwis.

115

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Pagkatanggap mo sa suweldo, muli mong babaguhin ang kuwenta ng mga
pagkakagastusan mo sa susunod na labinlimang araw bago mo matanggap uli ang
suweldong binurike mula sa buwis. Isa lang ang siguradong sagot diyan, kulang.
Muli kang iiyak.

Muli mong maaalala ang masarap na buhay noong nag-aaral ka pa nang kaunti at
nagbubulakbol nang marami. Maaawa ka sa sarili mo, itatanong mo sa iyong sarili:
“Ganito ba ang buhay?” Ikaw din ang sasagot. Oo. Pero kahit papaano, at least hindi
mo pa nararanasan ang ikalawang kasiguraduhan ng buhay.

Pero dahil hindi ka pa gumagradweyt habang binabasa mo ito, hindi mo pa ito iisipin.
Buti na lang.

PY
IPAD APP 2
Andaming manlolokong gumagawa ng app para sa iPad. After nung nakakasirang
app na “bathroom weighing scale,” may kumakalat naman i-Katol (beta version).
Walang amoy pero siguradong sunog ang iPad. Manloloko talaga. Walang
napapatay na lamok. At least libre. Subukan ko sa Galaxy III, sasabihin ko sa inyo

O
kung ayos dun.

(Sarap pala maging tech writer/reviewer)


C
SABONG
D
Narito sa Coloong, habang inaamoy er tsinetsekan ang test ng mga pyupil ko,
nagdatingan ang mga barkada ng bayaw ko. Galing sa sabungan sa Malanday. Mga
talunan kaya idinaan sa kwentuhan ang hinagpis over bottles of pulang kabayo.
E

Matagal ko nang inaasam ang larong Tekken Cock Derby sa fb. Sana mai-develop
ito ng mga pyupils ko sa darating na panahon kapag nagtatrabaho na sila sa Zynga
EP

or some other game development company. Isasagawa ang sabong online via fb.
Aalagaan muna ang sisiw, papalakihin na parang Animal Farm. Tapos magkakaroon
ng Virtual community ng mga sabungero sa buong sansinukob parang Ragnarok:
Dun sila magsasabong. Wala nang sabungan totoo! Wala nang mamamatay na
tandang! Matutuwa ang PETA at PAWS! Wala nang magagalit na asawa!
D

Magkakaroon na ng world peace! I’m the king of the world! Bwa hahaha!

116

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
21.
POP!
Vlad Gonzales
DSC_1058
Madalas ang tendensiya ko na magpaulit-ulit. Isa ito sa pagtatangka kong
magpanatili ng memorya. Ang ulit-ulitin ang mga kuwento at alaala para siguradong
hindi makakalimutan. Mas madalas kesa madalang, nakakalimutan kong hindi pala
ako nakalimot nang ilang beses, o nakalimutan ang mga pagtatangka na huwag
makalimot. Isa sa mga madalas kong ulit-ulitin ay mga kuwento tungkol sa mga
pamilya, sa mga binubuong ritwal, sa panahong hindi tumitigil sa pag-andar.

PY
Star Wars ang latest na kinahihiligan ng mga pamangkin kong sina Nimra at Barrick.
Dati, ang hilig ni Nimra ay Transformers at Power Rangers, pati si Barney na sa
sobrang pagkagusto niya’y napabili ako ng malaking stuffed toy nito noong hindi
namin naabutan ang Barney mascot sa isang kiddie party. Si Ayek (palayaw ni

O
Barrick), consistent pa rin sa kanyang Teenage Mutant Ninja Turtles addiction. May
mga patutuluyin siyang bagong mga palabas at laruan sa kanyang gunita, pero
laging naiiwan sa ngayon sina Leo, Donnie, Raph at Mikey.

DSC_1164
C
Sa amin ng kuya kong si Bryan, Super Sentai series ang aming kinalakihan. First
generation Transformers na may kasabay pang Go-Bots. Bioman at Shaider.
D
Maskman at Masked Rider Black. Voltes V. Voltron. He-man at She-ra. Sa
pagkakatanda ko, mas mailap ang laruan sa amin kesa sa mga pamangkin ko sa
ngayon, pero nabiyayaan naman kami ng ilang Transformes at Go-bots, He-man, GI
E

Joe, Bioman, Voltron (yung maliit lang, saka yung car version), Captain Power.
Tuwing may kaarawan o iba pang espesyal na okasyon, pumupunta kami sa
Novaliches Bayan, sa Tropical Hut Department Store. Sa labas ng Tropical, may
EP

tindahan ng mga laruan. Doon kami nakakadiskarte ng mga regalo paminsan-


minsan. Natatandaan kong Tropical Hut ang burger of choice namin noon, bago
magkaroon ng shift papunta sa Jollibee. Hindi ko matandaang nahilig kami sa Mcdo
kahit kailan.
D

DSC_1113
Bumili pa rin ng laruan si Nimra noong nakaraang Christmas vacation. Star Wars:
the Force Awakens na action figures. Hindi na nga lang siya interesadong paglaruan
ang mga iyon, mas for display only. Si Ayek na dati’y mas tahimik, mas madaldal at
agresibo na sa pagpapabili ng kanyang TMNT. Paminsan, masyado nang makulit
kesa sa gusto ko. Kung anuman, at least consistent pa rin siya sa gusto niya. At
kung anuman, hindi pa nila nalalampasan ang record ng tito nilang umiyak mula D’
Square Novaliches hanggang sa may Zabarte, umiyak dahil gustong magkaroon ng
bagong bisikleta na nakita sa bayan. Matingkad na asul at mabigat na bakal ang
mga alaala ko ng bisikletang iyon. Si Kuya Nimra, mas mahilig na sa paggigitara.
Pareho silang adik sa Internet at games. Noong pagpasok ng bagong taon, mas

117

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
kami pa ng nanay ko ang excited magsindi ng mga lusis at fountain. Medyo
nalungkot ako noong napansin ko ang detalyeng iyon.

DSC_1097
Nagpabili si Ayek ng baril-barilang may bula noong namasyal kami sa Quezon City
Memorial Circle, ikatlong araw ng bagong taon. Isa na rin iyon sa nagiging ritwal
namin tuwing bagong taon, ang gumising nang maaga at pumasyal sa UP o sa
Circle, maglakad-lakad at kumain ng agahan pagkatapos. Sa partikular na araw na
iyon, mas interesado si Ayek na maghanap ng baril-barilan imbes na lumakad.
Nakahanap naman kami pero hindi mapagana ni Ayek ang mekanismo ng baril,
masyadong mabagal ang mga daliri para magpalabas ng mga bula. Kaya tumulong
na ang Kuya Nimra niya. Ang ginawa na lang ni Ayek ay maghabol ng mga bula. Sa
loob ng ilang minuto, nakipaghabulan at nakipagsapakan ang pamangkin ko sa

PY
singkuwenta pesos na likhang-kalaban. Sigurado akong umaandar ang TMNT sa
kanyang isip.

DSC_1135
Ganoon siguro ang pakiramdam ni Mama sa mga partikular na saglit ng aming
paglaki ni Kuya. Iyon siguro ang inaasam-asam ni Papa habang nagtatrabaho siya

O
sa Saudi, iyon siguro ang ugat ng bakas ng hinayang sa mga mata niya sa tuwing
makakauwi siya para magbakasyon, nanghinayang dahil may hindi naabutan. Ang
panahon na parang isang baril-barilang may lamang bula. Mga pamangking dati’y
C
naglulusis at ngayon ay nagta-tablet na lang. Anak na handang umiyak mula
Novaliches hanggang Caloocan para makasakay sa asul na bisikleta. Mga batang di
mapakali tuwing bisperas ng pasko o bagong taon, atat na atat na pilasin ang mga
pambalot sa kani-kanilang regalo. TMNT kaya? Barney? Transformers o Go-Bots?
D
Hindi na sila makapaghintay. Gusto na nilang matapos ang pag-aabang.

Ang pag-aabang sa pagtatapos ng isang yugto. Ang panahon na parang tapon o


E

takip sa isang sisidlang unti-unting naglalabas ng oras, ng mga sandali. Sa umpisa,


patak-patak, paunti-unti, napakahirap pag-isipan kung paano makakapuno ng kahit
isang baso ng mga alaala. Kung hindi maingat, kung hindi mapalad, hindi
EP

mapapansing lumolobo ang takip, umaalsa, itinutulak palabas. At bigla-bigla, hindi


na namalayan, BOOM! Sumabog ang takip, at rumagasa ang mga sandali na
parang tubig, minsan parang hangin, dire-diretso at walang tigil, patungo sa iba-
ibang direksyon. Kung hindi maingat, kung hindi mapalad, malilingat ka sandali, at
sa isang iglap–hindi na pala sila bata. Hindi na pala sila ang dating sila.
D

SANGGUNIAN:
http://vladgonzales.net/blog/2016/01/16/pop-2/

118

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
22.
May Okey pa ba sa Filipino?
ni Edgar Samar

[Nauna kong binasa ang sanaysay na ito para sa Blue Bag Talks ng Loyola Schools
noong 20 Setyembre 2006 sa harap ng ilang kapwa-guro sa Ateneo. Napapanahon
pa rin sa ngayon sa harap ng usapin ng pag-aalis ng Filipino sa kolehiyo sa
maraming pamantasan bunsod ng CHED Memorandum Blg. 20–2013.]

Ngayon ang ikatlong pagkakataon dito sa Ateneo ngayong semestre na hinilingan

PY
akong magsalita tungkol sa wika. Iyong una, mula sa kaibigan at bata ring manunulat
na nagtatrabaho na pala para sa website ng Ateneo, si Mitzie Correa. Nag-text siya
isang araw, humihiling ng 16-word line na puwede umanong ilagay sa rotating
banner ng site para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ano raw ba ang halaga para

O
sa akin ng sariling wika? Hindi madali para sa akin na bigla-biglang gulatin ng
ganoong tanong, lalo pa’t sa pagkakaalam ko, araw-araw ko namang ginagamit ang
wikang kinalakihan ko sa San Pablo kapag nakikipag-usap ako sa loob at labas ng
C
Ateneo. Handa naman akong harapin ang tanong, kung talagang kinakailangan.
Pero naman, sa loob ng labing-anim na salita lang?

Noong panahong iyon, mabuti’t binabasa kong muli para sa klase ko sa Filipino 14
D
ang nobelang Bata, Sinaksak, Sinilid sa Baul ng paborito kong manunulat na si Tony
Perez. Sa ikaanim na kabanata ng nobela na pinamagatang “Tatlong Panaginip,”
E

pinasok ng kuwento ang mga naratibo ng kubling-malay ng tatlong pangunahing


tauhan, sina Ike, Benny, at Cez, na magkakasamang nangungupahan sa Cubao.
EP

Kapansin-pansin na iba sa wikang ginagamit nila kapag gising at


nakikipagkuwentuhan sa isa’t isa, nasa sariling wika ng kani-kanilang kabataan ang
panaginip ng bawat isa: Kapampangan, Waray, Cebuano. Kinagabihan din, ito ang
ini-email ko kay Mitzie na nangailangan lang ng labinlimang salita: “Sa sariling wika
ko lamang kayang managinip nang matapat sa pinakamalalalim kong takot at pag-
D

ibig.”Bukod kay Perez, salamat din siyempre sa background ko sa Sikolohiya, at sa


patuloy na pagbabasa kay Freud hanggang ngayon kahit pa nga hindi kami
nagkakasundo sa ilang bagay. Sa kanya ko higit na naunawaan ang bisa ng
binibitiwan nating salita bilang pahiwatig, isang silip sa sarili nating niloloob. Tuwang-
tuwa ako sa kinalabasan ng banner kaya’t inilagay ko rin ito sa aking LiveJournal.

Pero nasundan nga iyon, at ng hindi hamak na mas mahaba. Para naman ito sa isyu
ng The Guidon kaugnay pa rin ng Buwan ng Wika. Sinadya ako sa Kagawaran ng
Associate Editor nito na si Anna Dimerin upang magsulatumano ng artikulo para sa
kanilang kolum na “Chalk Marks,” at siyempre ukol sa pambansang wika. Ngayon,
hindi lalampas sa 1,000 salita. Halos matunaw ang alaala ng aking 16-word line para

119

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
sa Ateneo website. “Ano’ng minimum?” tanong ko agad, gaya ng tanong ng mga
estudyante ko kapag may pagsusuri silang kailangang gawin para sa isang papel.
Mga 800 words daw. Mabilis ang transmutation noon sa isip ko: mga 3-pahinang
double-spaced.

Nang inupuan ko na, saka ko natiyak na iba na nga ang hinihingi sa akin ngayon
kompara sa nauna. Kung dati’y sarili kong wika, ngayo’y pambansang wika. Kahit
Tagalog ako, alam kong magkaiba iyon. Hindi na nga ganoon kadaling panindigan
iyong sarili pa lamang, paano pa kaya iyong pambansa? Para sa isang klase sa PhD
sa UP sa ilalim ni Dr. Rosario Cruz-Lucero, binabasa ko naman noon ang ilang aklat
na inilathala ng Summer Institute of Linguistics, kabilang ang A Voice from Many
Rivers na katipunan ng panitikang-bayan ng mga Subanon na may salin sa Ingles.

PY
Noon nakatawag-pansin sa akin ang isa nilang kuwentong-bayan ukol sa matsing na
naghahanap ng aawit ng inadung, ang kanilang epiko.

Hindi ko na uulitin dito ang lahat ng isinulat ko para sa Guidon. Ibig ko lamang igiit

O
dito ang iniisip ko samantalang pinagmumunian ang kuwentong-bayan na iyon na
nakasulat sa isang katutubong wika sa Filipinas na hindi ko nauunawaan, at
binabasa ko na lamang sa salin sa isang wikang banyaga.
C
Kaya imbes na maghain ng mga sagot, pinili kong ilahad nang di-tuwiran, sa
pamamagitan ng pagbasa sa kuwento ng matsing, ang mga paunang tanong na
halos nakakaligtaan nang harapin. Ilang paunang tanong, gaya ng: Iisa ba ang
D
tinutukoy nating lahat dito sa tuwing babanggitin natin ang Filipino?
Nagkakaunawaan ba talaga tayo, kung gayon? Ikalimang taon ko pa lamang ng
E

pagtuturo sa mga Atenista, walang-wala sa karanasan ng mga gurong lagi kong


tinitingala simula nang una akong makipagkilala sa Ateneo noong 1998, subalit
EP

laging hindi mawala-wala sa isip ko kung nagkakaunawaan ba talaga kami ng mga


estudyante ko. Nakuha ba nila ang mga ibig kong kong sabihin? Ang mas mahalaga:
nakuha ko ba ang mga ibig nilang sabihin—kung paanong sa palagay ko’y
naintindihan ako ng mga naging guro ko noon?
D

Tanong pa lamang ang kaya kong buuin, sa palagay ko, kaya ipinasa ko kay Anna
angnatapos kong artikulo, 994 ang word count sa Microsoft Word. Makalipas ang
halos isanglinggo, binalikan ako ni Anna upang hilingang magkaltas ng “ilang talata”
dahil hindi umanonila naisip na mas mahahaba nga pala ang salita sa Filipino kaya’t
ang espasyong dati’ysapat na sapat sa 1,000 salita sa Ingles ay hindi maaari sa mas
kakaunting salita saFilipino. Paboritong-paborito ko ang pagkakaltas ng labis na
salita, labis na parirala, o labisna pangungusap sa papel ng mga estudyante ko
habang ipinaalala ko lagi sa kanila nakagaya ng naisip ni Rilke samantalang
nagmamasid kay Rodin, gaya ng paglililok ang pagsusulat. Mahalagang makilala
ang bisa ng pagtatapyas upang lumitaw ang binubuong hubog. Samantalang
nagkakaltas ako ng “ilang talata” sa sanaysay ko, parang nakikini-kinita kong iiling-

120

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
iling si Rilke samantalang umaalingawngaw ang huling pangungusap sa isa sa
pinakapopular niyang tula na una kong nabasa nang sumali ako
sa Heights noon: You must change your life. Mukhang mas nauunawaan ko na
ngayon: nasa you talaga ang diin, wala samust. Nasa akin na tinititigan pabalik ng
bawat salitang binibitiwan ko, bawat isinusulat na tula o kuwento o
sanaysay: Ako ang kinakailangang magbago sa buhay ko. Bigkas lamang ang
nagbubukod ng akó sa akò. Ang sariling nananagot ay pinananagutan ang sarili.
Nang makaya kong isuko ang ilang nasabi na, nakapagbawas ako ng 88 salita.

Ngayon nga ang ikatlong pagkakataon. At bigla’y ibig kong maniwala sa bisa ng siklo
ng tatlo sa mga epiko at katutubong naratibo, kaya’t nagpaunlak na agad ako sa
paanyaya, maliban siyempre sa hindi ako makatanggi sa aming chair na si Ma’am

PY
Coralu Santos. Naisip ko, kung tatantanan na ako ng paksang ito pagkatapos ng
ikatlo, bakit hindi harapin na agad habang maaga. Ngayon, ang tanong, “May papel
pa nga ba ang Filipino sa mga klase?”

O
Ang totoo, naisip kong hindi yata isang guro sa Filipino ang pinakamainam na
tanungin ukol sa halaga ng patuloy na paggamit ng wikang Filipino sa classroom.
Ano pa ba ang inaasahang sagot mula sa akin? Kung hindi nagtagumpay noong
C
dekada 70 ang Pilipinisasyon dito sa Ateneo, at hindi itinatag ang Kagawaran ng
Filipino, baka wala ako ngayon sa pagtuturo ng Panitikan na nasa Filipino. Sa mga
klase sa Filipino, napakalinaw ng papel nito bilang “talambuhay ng ating lahi,” ayon
nga sa pagkilala ni Rolando S. Tinio na nagtatag ng Kagawaran na bumubuhay sa
D
akin ngayon, at sa marami kong pangangailangan bilang tao.
E

Binubuksan ng Filipino ang pag-iisip ko tungkol sa ating nakaraan sa simpleng


pagkatuklas sa ilang salita. Salita pa lamang! Hindi ko na kailangang siyasatin pa rito
EP

ang argumento ng mga estrukturalista sa kanilang problematisasyon sa


signipikasyong itinatatag ng mga salita. Sapat na silang lunsaran ng pag-iisip ukol sa
nahihirapan na tayong lingunin ngayon na nakaraan. Habang sariwa pa rin ang
krimen sa isang bata na inilarawan ni Tony Perez sa nobela niyang Bata, Sinaksak,
Sinilid sa Baul, nakilala ko naman ang salitang “pangawan” na ginagamit nating
D

salita para sa bilangguan sa ilalim ng lupa, at iyon pa lang, may hiwaga na: kulungan
sa ilalim ng lupa? Subalit may higit pa palang kabuluhan ito para sa mga sinaunang
Tagalog. Tawag nila ang pangawan sa “kulungang kahoy para sa menor de edad na
kriminal, at ginagamit na pagtatanghal ng kriminal sa publiko.” Ngayon, bata ang
kriminal, hindi biktima na gaya sa naratibo ni Perez. Sanlaksang espekulasyon na, at
puwersa tungo sa pananaliksik sa kasaysayan o pagsulat na malikhain ang
binubuksan ng isang salita pa lamang na hindi ko matatagpuan kung hindi ko
kinikilala na maaaring may sinasabi ang wika ko sa akin, maaaring may itinatawid na
dunong ito sa akin mula sa nakaraan. Anong kasaysayan mayroon ang isang bayan
na may tiyak na espasyo para sa mga batang nagkakasala?

121

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Hindi ko maiwasang maalala ang dokyumentaryong Bunso ni Ditsi Carolino ukol sa
karanasan ng mga batang preso, at gaya ni Anthony na nagdarasal na, “Lord, sana
po hindi umulan para tuyo ang tutulugan ko.” Kung saan-saan na ako tinatangay ng
isang salita.

Nangyari rin ito nang isinusulat ko ang tulang “Huling Awit kay Mariang Makiling”
para sa huling papel ko noon sa klase ni Sir Mike Coroza sa Panitikan ng Filipinas
noong Ikalabinsiyam na Dantaon. Hulagway lamang ng mga puno sa Makiling ang
nasa alaala ko sa madalas kong pagkakampo noon doon bilang boy scout. Paano ko
maisusulat ang mga iyon kung hindi ko mapapangalanan? Sa pagsusulat, ang
limitasyon ko’y ang hanggahan din lamang ng aking mga salita. Nakatulong sa
bahaging ito ang una at ikalawang tomo ng seryeng Filipino Heritage na may mga

PY
artikulo ukol sa iba’t ibang halaman, bulaklak, insekto, at hayop sa Filipinas.
Kahanay ng tangile, bagtikan, apitong, palosapis, at yakal, doon ko natagpuan ang
punong lawan na nagamit ko sa ikawalong saknong ng aking tula: “…Sa ugat ng
lawan/kayo nagniniig, kasiping ang sigpaw/ na walang nahuli kungdi mga sigay.”

O
Kinakausap ng persona ang hindi matagpu-tagpuang si Mariang Makiling. Bago ko
pinangahasang gamitin ang “lawan,” laking tuwa ko nang sa pagbuklat sa UP
Diksiyonaryong Filipino ay makita kong may ikalawa pang kahulugan ito maliban sa
C
pagiging punongkahoy—ito rin ang salita para sa “parusa sa tao dahil sa paggawa
ng pagkakasala.” Kaya naman aalingawngaw doon ang bawal sa nararamdaman sa
isa’t isa ni Mariang Makiling at ng kaniyang mangingibig.
D
Subalit ang paggamit ng Filipino ay hindi nga paghalukay lamang ng mga salitang
hindi na natin halos ginagamit o naririnig ngayon. Kamakailan lamang, nagwagi ang
E

“lobat” bilang salita ng taon, mula sa sanaysay na isinulat ng isang kasama sa


Kagawaran, si Jelson Capilos. Ayon kay Jelson, “Mula sa babalang ‘battery low,’
naimbento ng Filipino ang ‘lobat’ upang tukuyin ang baterya ng cell phone na malapit
EP

nang maubos ang enerhiya, gayon na rin bilang slang na tumutukoy sa kawalan ng
gana o lakas, matinding pagod o panghihina ng isang indibidwal, lalo na pagkatapos
ng isang nakapapagod na gawain, o di kaya’y ang pagdanas ng isang mahirap na
sitwasyon.” Tayo nga lamang ang may ganitong salita, sa karanasan lamang natin
D

maaaring mabuo ang ganitong uri ng signipikasyon. Sino ang magsasabing hindi
nga ito Filipino kung tumatawid ng mga rehiyon sa buong Pilipinas ang milyong
subscribers sa ilang cellphone network sa bansa.

Kaya naman, kung babalikan ko ang tanong, “may papel pa ba ang Filipino sa
klase?,” ibig kong alalahanin na hindi tiwalag at tapos nang proyekto o kasangkapan
ang wika na maaaring pagpasyahan kung maaari pang gamitin o ilapat sa isang
lokasyon o disiplina. Nakapaloob ang pambansang wika sa bawat disiplina at
karanasang kumikilala sa talik at pluralidad ng kaniyang paligid, ang aktibong paligid
na patuloy na kumakatha ng mga sagisag upang magkaroon ng saysay hindi lamang
sa loob, kundi sa lalo na sa labas ng kaniyang mga tanaw.

122

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Patuloy ang pagtatangka nating magtulong-tulong sa paghubog sa Atenista bilang
mga “tao kasama ang kapwa,” subalit ano ang alam natin sa diskurso ng kamalayan
ng milyong kababayan natin na patuloy na dinadaluyong ng iba’t ibang kulturang
popular na siyang pangunahin sa mga tagakatha, sa palagay ko, ng tinatawag natin
ngayong wikang pambansa—ang di-mabilang na mga tabloid sa bangketa, ang
Liwayway na isa sa pinakamatandang magasin simula pa noong panahon ng
kolonyalismong Amerikano, ang mga dumaraming lokal na palabas sa telebisyon at
kasabay nito, ang pagsasalin ng mga Koreanobela at Tsinovela sa Filipino bilang
isang mukha ng kakaiba nating pagharap sa globalisasyon, ang pilit na lumalabang
industriya ng pelikula na isinasalba ngayon ng independent at digital film, ang
pagsibol ng mga bagong banda at kanta sa kaliwa’t kanan, o ang muling nabuhay na
paglaganap forwarded jokes sa celphone dahil sa unlimitxt na natatawanan natin

PY
dahil nauunawaan natin.

Isang linggo pagkatapos ilunsad ng Ateneo ORP ang aking koleksiyon ng mga tula
noong Mayo, ang Pag-aabang sa Kundiman: Isang Talambuhay––nagpo-promote

O
na rin po ako––umuwi ako ng San Pablo upang tuparin ang pangako sa ilang
kaibigan sa Junior Holy Name Society sa aming Katedral na nauna na ngang
lumuwas sa Maynila para lamang dumalo sa launch ko. Pag-uwi, noon ko natanggap
C
ang pinakamagandang review sa aklat. Sabi sa akin ni Raph, na kumukuha na
ngayon ng Biology sa UST, “Kuya Egay, si Mama, umiiyak nung binabasa ‘yung libro
mo, okey na kami.” Halos maiyak ako noon. Okey na kami. Muli kong naalala kung
bakit ako nagsusulat, at kung bakit ako nagsusulat sa Filipino. Lalo kong napagtibay
D
na may saysay pa itong mga pagbabasa, at pagbabasa ng mga akda sa Filipino.
Bihirang mahuli ang gayong sandali ng pagkakaunawaan. Bakit ko susukuan ang
E

wika na maaari, kahit maaari lamang na magparamdam sa mga mag-aaral na


nauunawaan nila ang isang bagay, matapos basahin ang isang tula ni Ma’am Beni
EP

Santos, o kuwento ni Vim Yapan, at kahit paano, kahit gaano kaliit, may naging okey
sa kanila. Iyon lang, at ako, okey na okey na rin ako.
D

SANGGUNIAN:
http://edgarsamar.com/2015/03/01/may-okey-pa-ba-sa-filipino/

123

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
23.
Mga Selyo at Libro
ni Eugene Evasco

"I dream that my face appears on a postage stamp." --John Cheever

Taliwas kay Cheever, hindi ako nangangarap na nalagay sa mga selyo. Wala pa
yatang Filipinong manunulat--isasama ba ang mga bayaning-manunulat na sina
Rizal, Bonifacio, at Plaridel?--ang natatampok sa mga ito. Isa na ring nanganganib
na praktika ang paggamit nito sa panahon ng cellphone, e-mail, at ng instant

PY
messaging. Bibihira na rin ang pangongolekta ng mga pirasong ito, na itinuturing
kong isang likhang-sining. Inis na inis ako kapag nakatatanggap ng mga sulat na
gumagamit ng metered machine. Pakiwari ko'y kinulang sa creativity ang taong iyon,
o baka nagmamadali lang talaga sa paghulog ng sulat. Laging payo ko sa mga
kaibigang sumusulat nang tradisyonal sa akin: gumamit ng stamp. "Bakit?"

O
Nagtataka nilang tanong. Mas lalong nakakainis kapag nakatatanggap ako ng kahon
ng padala, na punumpuno ng selyo, at minamarkahan ng pentel pen at ginuguhitan
ng bolpen ng kartero. Pakiwari ko'y vandalism iyon ng mga painting. Marahil, takot
C
sila na gamitin ulit ang mga piraso ng papel sa susunod na sulatan. Sana tinatakan
na lang.

Libangan ko noong bata ako ang pangongolekta ng mga ito. Hindi ko nalilimutang
D
isulat sa mga slumbook--Hobby: Philately. "Ano `yun?" Pagtataka lagi ng mga
kaklase. Natatawa na lang ako sa sariling pretensiyon dahil ang "philately" ay hindi
lang pangangalap ng selyo kundi sistematikong pag-aaral ng mga ito. Ang akin noo'y
E

isang libangang-bata lamang. May mga taong naging uso ito sa aking mga kababata
sa aming kalye. Paramihan kami sa koleksiyon at nagyayabangan sa mga naiibang
selyo mula sa ibang bansa. Inggit ako sa kababata ko na may mga stamps mula sa
EP

Russia. Inggit ako sa kaklase ko na may mga stamps ng mga tauhan ng Disney.
Mayroon din naman akong kakaibang selyo mula sa Belgium kaso ninakaw sa akin
ng aking pinsan.

Sa una'y hindi pa ako marunong kunin ang nakadikit na selyo sa sobre. Nagtatangka
D

akong pilasin ang pagkakadikit hanggang sa maging kasingnipis ng tissue paper ang
selyo. Nanghihinayang ako kapag napupunit ang selyo sa aking mga pagtatangka.
Mabuti na lang, natutunan ko ring gumamit ng tubig para mawala sa pagkakadikit
ang mga selyo. Para akong naglalaba noon. Puno ang batya namin ng mga piraso
ng makukulay na papel. Pagkaraan ng kusang pagkakahiwalay ng selyo sa sobre,
patutuyuin ko ito sa latag ng manila paper. Pagkaraan, iiipit ko sa makapal na libro
para maging unat na unat ang mga selyo na bumaluktot dahil sa tubig. Ingat na ingat
akong hindi mapunit ang mga butil-butil na papel sa gilid. Sa ganitong libangan:
bawal ang punit na selyo. Hindi ito karapat-dapat mailagay sa stamp album. nauso
rin noon sa amin ang trading ng mga stamps. Nagkataong ang dami kong People
Power at Ninoy Aquino stamps, kaso'y ayaw ito ng mga kababata ko dahil mayroon
din sila nito. Nagpapahingi rin ako sa aking ina ng mga selyo sa kaniyang kaopisina.
Halos linggo-linggo, nagkakaroon ako ng mga 50 bagong selyo mula sa iba't ibang

124

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
bansa. Kapag dumarating ang mga sulat ng kamag-anak, hindi ako interesado sa
nilalaman kundi sa selyo. Noon ko napansin na politikal ang selyo mula sa Libya
(doon nagtatrabaho ang pinsan ng aking nanay bilang nars). Itinampok nila ang
karahasan ng Estados Unidos sa pagbobomba't pagpapasabog ng kanilang
bansa.Ipinakita sa mga selyo ang mga sugatang bata na isang guho. Gustong-gusto
ko iyon kaso'y ayaw ng aking mga kaibigan dahil sa mga larawan ng sugatan at mga
patay na Libyan. Napansin ko ring boring ang mga stamps mula sa Saudi at Hong
Kong--iisa ang disenyo at nag-iiba lang ng kulay. Pinakagusto ko sa aking koleksiyon
ang first day cover ng 1986 Haley's Comet, ang ebolusyon ng bandilang Pilipino, ang
mga selyo na trianggulo ang hugis. Naaalala ko rin ang mga selyo ng mga prutas
mula sa Malaysia, ang mga sayaw sa Thailand, at ang mga iba't ibang bersiyon ng
Olympics sa ibang bansa.

PY
May anim akong stamp album. Pero marami pa akong selyong hindi mailagay sa
album, kaya inilagay ko na lang ang mga iyon sa mga sobre. Inayos ko batay sa
mga bansang pinagmulan. Mga selyo ang bumuhay sa akin sa mga patay na araw
ng bakasyon. Isa ito sa mga dahilan kung bakit napalapit ang interes ko sa social
studies. Nakilala ko ang mgakultura sa daigdig sa pamamagitan ng mga imahen sa
piraso ng papel. Kaso'y ipinagbawal sa akin ng aking magulang ang pagkahumaling

O
dito. Sabi ng aking tatay, "papel lang, pinag-aaksayahan mo ng pera." May mga
bagay raw na mas kapaki-pakinabang. Hindi na nila ako nabibigyan ng mga
pasalubong na selyo mula sa opisina. Binawasan din ang aking baon dahil
C
natuklasan nilang bumibili ako ng mga itinitindang selyo (mga first day covers,
mgaselyong hindi pa nagagamit, mga nakapaketeng selyo ng ibang bansa). Natigil
na rin ang aking pakikipagsulatan sa mga penpal mula sa ibang bansa.
D
Sa ngayon, itinatago ko pa rin ang mga selyong karapat-dapat kong kolektahin. Hindi
ko lang alam kung kailan manunumbalik ang pinaslang kong libangan. Minsan, nang
magawi sa Central Post Office, sa Lawton, Manila, namakyaw ako ng mga gustong
E

selyo. Natuklasan kong may Philatelic Division pala doon. Hindi na ako mapipigil ng
magulang ko sa aking libangan. May trabaho na ako, sariling pera, at hindi na hihingi
sa kanila ng baon para lamang sa mga piraso ng papel. Pero pagkaraan ng
EP

maraming taong pagkakatigil sa pangongolekta, nakaramdam akong iba na ang


sigasig ko sa mga selyo. Hindi na tulad ngdati ang pagkakasabik. Nakalulungkot.
Hindi ko alam kung paano ibabalik ang dating pagkarahuyo. Bibihira na rin ang
sumusulat sa akin. Di hamak daw na mas mainam ang e-mail. May cellphone naman
para bumati sa mga kaarawan. Kawawa rin naman ang mga bata sa panahon
D

ngayon at naipagkait sa kanila ang ganitong libangan. Nakakahanga rinang ibang


bansa na patuloy na ginagandahan ang disenyo ng kanilang mga selyo. Imaheng
kultura ang itinatampok ng mga piraso ng mga papel na ito. Hindi ako sigurado, pero
may pakiramdam akong hindi pa umaangat ang kalidad ng mga disenyo nito sa
bansa. Kung mayroon mang magaganda, limited edition ito o napakyaw na ng mga
collectors. Ang dami-dami namang mahuhusay na artists at illustrator sa bansa.
Sana kunin silang bagong taga-disenyo ng mga selyo. Puwede rin namang itampok
ang mga tourists spot sa bansa. O ang mga klasikong sining-biswal at mga sining na
katutubo.

125

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
O puwede rin ang ginawa ng US Postal Service. Nagulat ako nang masaliksik ko ito
sa Google. May selyo na mula sa ilan sa mga paborito kong librong pambata--
"Charlotte's Web" ni E.B. White, "Where the Wild Things Are" ni Maurice Sendak, at
ang "Frederick" ni Lionni. Sana, mangyari din ito balang-araw sa bansa. Pero
mukhang matatagalan pa iyon. Kailangan pang mag-ukit ng mga aklat pambata sa
kamalayan ng mga batang mambabasa. Kailangan pang gawing kultura sa mga bata
ang pagbabasa ng aklat. Kailangan pang makalikha ng iconic na tauhan mula sa
literaturang pambata. Kung maisasakatuparan iyon, sana mailahok ang isa sa mga
tauhan ng aking aklat pambata.Sana makarating sa akin kahit alinman sa mga selyo
nina Wilbur. Kahit lahat na. Maghahanap muna ako ng mga penpal.

PY
Posted by nasadulongdila @ 1:49 pm

O
C
E D
EP
D

SANGGUNIAN:
http://nasadulongdila.blogspot.com/2006/01/mga-selyo-at-libro.html

126

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
PY
O
KABANATA V. C
SINING BISWAL AT
D

POPULAR NA
E

LITERATURA
EP
D

127

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
24.
Mula sa “Kikomachine Komix No. 2”
Manix Abrera

PY
O
C
E D
EP
D

128

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
PY
O
C
E D
EP
D

129

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
25.
Mula sa “Pugad Baboy Disisais”
Pol Medina, Jr.

PY
O
C
E D
EP
D

130

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
PY
O
C
E D
EP
D

131

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
PY
O
KABANATA VI. C
DISENYO
E D
EP
D

132

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
26.
Nasyonalismo at Arkitekturang Filipino
Edson G. Cabalfin

As nationalism in general promotes freedom, so must nationalism in architecture foster


creative freedom. The genius of a nation can be expressed not only in one form or in a
few forms, but in a wealth of forms. . . A distinctive contemporary Philippine architecture
can emerge only from the architecture’s expanded and deepened awareness of the
architectural heritage of his country and from his empathy with the people whom his
buildings serve.
— Leandro V. Locsin

PY
Sa kasaysayan ng pagbubuo ng bansa, nagiging bahagi ng landas ng pagtuklas ng
sarili ang pagbubuo ng kaakuhan. Parang tao na may identity crisis, ang isang bansa
ay kailangang sumailalim din sa isang proseso ng pagtuklas. Ang pagtuklas ng
identidad at kinalalagyan sa mundo ay madalas na nagiging tema ng gayong

O
paghahanap. Hindi kaiba ang sitwasyon ng Filipinas. Dahil ang Filipinas ay
maituturing na musmos pa lamang (isang daang taon pa lamang, sa katunayan),
dumaan ang sambayanan sa isang maikling panahon upang makita ang
“pagkabansa” bilang isang identidad. Dahil na rin sa nakakabit ang kultura sa
C
pagbubuo ng identidad ng isang bansa, kadalasang naging kaugnay pa rin ang mga
katanungan ng identidad sa mismong pagbubuo ng kultura ng bansa. Kaya nagiging
bahagi ng usaping pangkultura ang paghahanap na iyon. Hindi nakalalayo ang
arkitektura sa mga usapin ng kaakuhan. Sa katunayan, naging bahagi na ang
D
arkitektura sa paghahanap ng pambansang kaakuhan dahil na rin ang arkitektura ay
isang malinaw at klarong manipestasyon ng kultura (Vale 1992). Hinahanap ang
E

kongkretong katangian ng identidad sa arkitektura dahil nakikita ang arkitektura


bilang manipestasyon ng gayong kultura.
EP

Ang paghahanap ng pambansang kaakuhan sa arkitektura ay napapaloob sa


katanungang “Ano ang arkitekturang Filipino” o “Mayroon ba tayong maituturing na
arkitekturang Filipino?” May mahabang tradisyon na ang gayong paghahanap ng
kasagutan (Villanueva 1958, Alcudia 1966, Klassen 1978, Klassen 1986, Perez III,
Encarnacion at Dacanay 1989, Tiongson 1990, Locsin 1993, Encarnacion-Tan 1995,
De Leon 1995, Fernandez 1995, Lichauco 1995, Locsin 1996). Subalit, dahil tila
D

walang nakasasagot sa tanong na ito, marami ang nawawalan tuloy ng interes at


pag-asa sa kung ano nga ba ang ating kaakuhan. Dahil walang sagot, wala na nga
ba tayong identidad? Dahil hindi matanto ang katugunan sa tanong, nanatiling isa
itong pangarap, patuloy pa ring inihahanap ng katugunan. Ang tila hindi pagka-
karoon ng kasagutan, o ang hindi pagkakaroon ng iisang pananaw na pina-
niniwalaan ng nakararami, ay nagkakaroon ng implikasyon hindi lamang sa
kasalukuyang henerasyon ng mga Filipino kundi maging sa susunod na henerasyon.
Dahil hindi nakikita ang gayong pag-unawa sa sariling kaakuhan, maaaring
mabigyan ng maling mensahe ang mga kabataan na wala tayong sariling kaakuhan.
Sa madaling salita, hindi nabibigyan ang kabataan ng posibleng pamamaraan ng
pagtuklas ng kanilang identidad.

133

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Sisikapin ng papel na ito na tuklasin ang mga hakang pumapailalim sa katanungang
“Ano ang arkitekturang Filipino?” Lilinawin ang mga potensyal na suliranin ng gayong
mga haka, bibigyan ng alternatibong pag-unawa, at payayabungin ang usapin ng
kaakuhan sa ibayong kritikal na lapit. Sa pamamagitan ng mga pamamaraang ito,
inaasam na makauusad na tayo sa usapin ng kaakuhan sa arkitekturang Filipino.

PROBLEMATISASYON NG NASYONALISMO

Ipinakita ni Roxas-Tope (1998) ang ilan sa mga nagiging suliranin ng usaping


nasyonalismo, kaugnay sa kontekstong Asyano. Dahil ang kaisipang nasyonalismo
ay bunga ng pangyayaring historikal sa Europa (sinasabi ng iba na lumabas daw ito
noong huling kalahating bahagi ng ika-18 siglo (Hutchinson 1994, 5–6), iba ang
naging pangyayari sa Asia. Kung ang Europeong konteksto ng nasyonalismo ay

PY
umaayon sa konsepto ng pagsasama-sama o konsolidasyon, naging kontrakolonyal
ang pagkiling sa Asia. Dahil na rin sa magkatulad na karanasang kolonyal ng mga
bansang Asyano, nagiging magkatulad din ang naging pagbubuo ng nasyonalismo
dito (Roxas-Tope 1998, 20–21). Bagaman may paglaban at katugunan sa
puwersang kolonyal, kadalasan ang mga itinuturing na bourgeois ang pumapalit, at
siyang nagpapatuloy ng sistemang mapaniil ng mga kolonisador. Aniya:

O
It would renew and strengthen ties with the colonial center, perpetuating old
colonial structures, while gradually turning inward as it accumulated power
C
and wealth, losing its fragile ties with the masses whose exploitation would
continue unabated despite independence. (Ibid.,22)

Nangangahulugan, ang sariling mamamayan ng bansa ang siyang


D
nagpapalaganap ng mapaniil na mga operasyon at sistema. Kadalasan, itinatago
ang mga operasyong ito sa likod ng mga “programang pambansa” (Ibid., 23).
Kaakibat din, kadalasan, ang pagnanasa ng “pagkakaisa” bilang isang sistema ng
E

homogenization. Dito, inaasam ang pagkakaroon ng “iisa” na kasaysayan, kultura,


identidad, hangarin bilang integral sa “programang pambansa.”
EP

Ano ngayon ang nangyayari? Bakit ito nagiging masama?

Dahil may “iisa” na idealisasyong itinatakda, lahat ng hindi umaayon sa


gayong mga pamantayan ay isinasantabi. Ang sinuman o anumang hindi umaayon
ay hindi na, halimbawa, maituturing na Filipino, kapag hindi ito sumusunod sa
D

kategorya ng pagiging Filipino. Kaugnay sa homohenisasyong ito ang kulturang


sinasabi na “pambansang kultura.” Wika ni Ernest Gellner sa kaniyang papel na
“Nationalism and High Cultures” (1983), nakikita niya ang nasyonalismo bilang
pagpapataw ng isang kulturang kadalasan ay dayuhan o taliwas sa mga aktuwal at
nagaganap na kultura. Banggit niya:

The basic deception and self-deception practiced by nationalism is this:


nationalism is, essentially, the general imposition of a high culture on society, where,
previously low cultures had taken up the lives of the majority, and in some cases of
the totality, of the population. It means that generalized diffusion of aschool-
mediated, academy-supervised idiom, codified for the requirements of reasonably
precise bureaucratic and technological communication. It is the establishment of an

134

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
anonymous, impersonal society, with mutually substitutable atomized individuals,
held together above all by a shared culture of this kind, in place of a previous
complex structure of local groups, sustained by folk cultures reproduced locally and
idiosyncratically by the micro-groups themselves. This is really what happens.
(Gellner 1983 sin Hutchinson & Smith 1994, 65)

Ang pagpapataw ng “iisang pambansang kultura” ang siyang nagiging


madalas na sigaw ng mga nasyonalista. Ang diskurso ng nasyonalismo, sa
pagkakataong iyon, ay umaasa sa pagbubuo ng iisang kultura na pag-uusbungan ng
iisang pambansang kaakuhan (Roxas-Tope 1998, 26). Dahil sa iisang identidad na
inaasam, walang lugar sa anumang kaakuhan na hindi tumutugma sa pambansang
identidad. Wika nga ni Roxas-Tope:

PY
The totalized identity tends to eschew any form of alterity or malformation. It
is capable of imposing a silence and an invisibility on carriers of difference by
persecuting them or by constructing them as aberrants. Totalizing can be a
violent, invasive form of othering which may result in psychological trauma or
internal/external exile. (Ibid.)

O
Ang operasyon ng “othering” o ang pagsasantabi ay nagaganap sa anumang
identidad na hindi umaakma sa idealisasyong pambansa. Sa pagsasantabi, ating
itinuturing na hindi tugma, hindi bahagi, taliwas, kumokontra, nasa labas, isang
C
kontradiksyon ang mga bagay na inilalagay natin sa kategoryang “iba.” Nagiging
masama ang gayong operasyon dahil may naitatakdang pribilehiyado. Nagiging
elitista ang gayong pananaw.
D
USAPING POSTCOLONIAL

Dulot ng karanasang kolonyal at kadalasang mapaniil na bisa nito, naging


E

natural ang paghanap ng ibayong kaparaanan kung paano tutugunan ang gayong
puwersa. Kinailangan ngayon ang alternatibong pananaw at diskurso na maaaring
magligtas sa tila walang pag-asang sitwasyon ng mga nakakolonisa. Papasok
EP

ngayon ang diskursong postcolonial. Ang mga pag-aaral ayon sa usaping


postcolonial ay sinasabi na umuusbong at may malaking kaugnayan sa usaping
kolonyal. Kung may isang damukal na depinisyon ang nasyonalismo, mayroon ding
ilang pakahulugan ang postcoloniality. Subalit para sa pag-aaral na ito, mas
gagamitin ang depinisyon na ipinahayag ni Ania Loomba (1998). Aniya, ang salitang
D

postcolonial ay makikita sa dalawang aspekto: una, ang salitang post- ay


nagbabadya ng kapanahunang matapos ang kolonyal na karanasan; ikalawa, ang
post- sa salita ay tumutukoy rin sa pag-alpas sa usaping kolonyal (Loomba 1998, 7).
Wika pa niya:

It has been suggested that it is more helpful to think of postcolonialism not


just as coming literally after colonialism and signifying its demise, but more
flexibly as the contestation of colonial domination and the legacies of
colonialism. (Ibid. 12)

Mahalaga para sa atin, sa aking palagay, ang operasyon ng pag-alpas at ang


pagbagtas tungo sa mga usapin ukol sa kung paano natin maaaring usigin at

135

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
hamunin ang mga estrukturang kolonyal na nanatili pa rin sa ating bansa kahit wala
na ang kolonisador. Mahalaga itong pagkakataon lalo na sa mga tinatawag na
neocolonization na laganap sa kasalukuyang lipunan at kultura (Sartre 2001).
Bahagi ng diskursong postcolonial angpagtatakda ng alternatibong mga pananaw at
kaisipan laban sa mga kanonikong mga kaisipang umaayon sa Euro-Amerikanong
tradisyon. Hindi naman sinasabi na palibhasa’y galing sa “kanluran” ay maituturing
na agad na “masama,” subalit mas mabuting isipin na kailangan ang pagiging kritikal
sa mga pananaw na ipinapataw sa atin lalo na kung ang mga kaisipang ito ay
nagsasantabi ng mga sistemang pangkultura ng mga kinolonisa. Banggit ni Legasto:

Postcolonialism critiques Western hegemony which has legitimized


colonialism and has continued to marginalize cultural production/knowledge of co-
lonials and former colonials. (Legasto 1993, 6–7)

PY
Mahalaga rin dito ang kaisipan ni Antonio Gramsci ng gahum (hegemony).
Para sa kaniya, hindi kailangang pinupuwersa ang pagtanggap ukol sa sariling
identidad at pagkatao. Sa katunayan, mas lubos na nagiging epektibo kung maluwag
na tinatanggap ng tao ang sitwasyon. Dito, tila pinalalabas na ang posisyon sa
lipunan at ang pagpapalakad ng pamunuan ay naturalisado. Isa itong

O
impluwensiyang di-puwersado. Kadalasan sitwasyong pangkultura ang nagiging
lunan ng pagtatagpo at tunggalian (Childs at Williams 1997, 231).
C
Sa pagtalakay ng postcolonial, isa sa madalas na lumalabas na tema ay ang
operasyon ng recuperation o ang pamamaraan kung paano natin naibabalik o
nakukuhang muli ang dating lakas o kapangyarihan (Roxas-Tope 1998, 31). Dahil
ang kolonyal na karanasan ay nakapagdulot ng mapaniil at mapanupil na mga
D
sistema sa lipunan, kailangang magkaroon ng pagtatamo muli ng dating lakas.
Halintulad sa isang katawan na nawalan ng lakas matapos ang patuloy na
paglalabas ng enerhiya, kailangan ang ibayong pagtatamo ng lakas upang maibalik
E

ang dating kalagayan. Gayundin sa kolonyal na karanasan. Ang postcolonial na


diskurso ay isang proseso ng rekuperasyon. Bukod pa dito, kung dati ang mga
isinasantabi ay binawian ng lakas, nakikita din ngayon ang kailangang pagbibigay ng
EP

kapangyarihan. Kapangyarihang itaguyod at ipagpunyagi ang sarili, laban pa rin sa


dating sistemang mapanupil. Ang dating nawalan ng boses ay binibigyan ng boses,
ang dating isinasantabi ay ibinabalik sa loob, ang dating “iba” ay nagiging bahagi
muli ng nakararami (Ibid., 39). Samakatwid, ang usaping postcolonial ay kailangang
tumalakay kung paano natin maaaring ibalik ang nawalang kapangyarihan. Isa itong
D

tahasang paghanap ng alternatibong pananaw at isang maláy na proseso ng


pagtatamo ng nararapat na kapangyarihan. Gayunman, mas lubos itong nagiging
makabuluhan sa mga itinuturing natin na “iba.”

PAGBALANGKAS NG TANONG

Hindi maipagkakaila na ang nasyonalismo ay isang mainit pa ring usapin


hanggang ngayon. Sa arkitektura, ang gayong layuning nasyonalismo ay makikita
natin sa katanungang “Ano ang arkitekturang Filipino?” Matagal nang naihain ang
katanungang iyon, simula pa noong dekada sesenta nang manumbalik ang
matinding pagmamahal sa sariling bayan, lumakas ang kilusang nasyonalista, at

136

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
sinimulan ang pagsusuri sa nananaig na mgapamantayan at kaisipang
pinalalaganap ng Amerika (Maceda 1986). Dahil rito, lumabas rin ang matinding
pangangailangan na unawain at tuklasing muli ang sariling pagkatao ng mga
Filipino, kung kaya nagkaroon din ng biglaang pananaliksik at pagtuklas ng
kaakuhang Filipino.

The search for cultural roots in order to be able to reconstitute the lines of
cultural development: the need to develop a national language that could
unify the people; the urgent task to redefine culture from a nationalist
perspective—these became the overwhelming concerns of the nationalist
movement. At the same time the movement gave birth to cultural forms that
addressed relevant political, economic, and social issues. (Maceda 1986)

Identidad ang naging partikular na pokus ng mga usapin. Maging sa

PY
arkitektura, ang mga arkitekto, akademista, at kritiko ay napasailalim sa masalimuot
na talakayan ukol sa identidad sa arkitektura (Villanueva 1958, Alcudia 1966,
Klassen 1978). Para kay Locsin, isa sa ating National Artist for Architecture, ang
nasyonalismo sa arkitektura ay ang pagpapamalas ng gayong pambansang
kaakuhan. Banggit niya:

O
Nationalism in architecture may thus be defined as the expression of national
identity through architectural forms as influenced by history and culture. It is also
the response to political, economic, social and cultural concerns and needs, a
C
response that provides appropriate structures, expresses values and ideals and
endeavors to shape the future. (Locsin 1993)

Kung babalikan natin ang tanong na “Ano ang arkitekturang Filipino” bilang
D
kumakatawang kaisipan sa usapin ng identidad sa arkitektura, mahihinuha natin ang
ilang mga palagay. Ito mga hakang nakatago sa likod ng tanong. Ang tanong ay
hindi rin basta-basta nasasagot gawa ng mga nakakawing pang mga isyu at usapin.
E

Ipinakikita rin dito ang nagiging problematisasyon ng mga inihayag na palagay.


EP

Una, ang identidad sa arkitektura ay nakikita bilang isang depinisyon. Sa


paghahanap ng identidad sa arkitektura, ang madalas na ginagamit ay yaong
katangiang umaayon sa iisang partikular na depinisyon. Maging ang paggamit ng
kaisipang depinisyon ay nakapagbibigay ng implikasyon. Ang depinisyon, na siyang
galing sa Ingles na salitang definition, ay nagmula sa Latin na definere, o “ang
pagtataya ng hanggahan.” Sa dahilang pagtatakda ng hanggahan ang nagiging
D

pinakadiwa ng “depinisyon,” gayundin ang kaisipan sa identidad bilang isang


depinisyon: ang identidad ay ang katulad ding pagtatakda ng hanggahan. Kung
gayon, ang paghahanap ng identidad sa arkitektura ay isang proseso ng paghanap
ng gayong hanggahan ng identidad. Ang anumang bagay na umaayon sa partikular
na parametrong inihanay ng isang depinisyon ay umaayon samakatwid sa identidad
na iyon. Halimbawa, ang paraan natin ng pag-intindi sa estilo ng renaissance sa
Europa, maging sa naging kaanyuan nito sa Filipinas. Dahil ang estilo ng
renaissance ay nagbunsod sa iba’t ibang ehemplo sa pagdaan ng panahon,
ginagamit ang mga partikular na elementong makikita sa isang gusaling renaissance
bilang palatandaan ng gayong estilo. Yamang ang mga elementong naitakda bilang
partikular sa estilong renaissance, ang mga mag-aaral na gusto pa ring gumamit ng
estilong renaissance ay maaaring mag-angkin o humalaw mula sa elementong iyon

137

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
at ilagay sa kanilang sariling disenyo. Nagiging mahalaga pa rin ito sa
pagsasakategorya ng mga gusali ayon sa estilo. Lumalabas ngayon ang mga
bansag sa mga gusali bilang nabibilang sa estilo o anyong, halimbawa baroqueo dili
kaya’y neo-classic dahil sa napupunang mga elemento na ginamit ng nagdisenyo.
Makikita natin ito madalas sa historyograpiyang pang-arkitektura ayon sa isang
estilisadong kategorisasyon.

Ano naman ang nagiging suliranin dito? Ang pagtingin sa identidad bilang
isang depinisyon ay siya mismong nakahahadlang sa patuloy pa ring pagtuklas ng
sariling kaakuhan. Ang implikasyon ng paglagay sa isang depinisyon ay ang
paglalagay ng identidad sa isang kahon. Ang identidad, samakatwid, ay pinipilit
nating ilagay sa isang estado o pangangatawan na hindi nagbabago. Estatiko ang
pagtingin sa identidad.

PY
Ikalawa, ang pagka-Filipino sa arkitektura ay nakasalalay sa iisang pam-
bansang identidad. Tulad din ng nabanggit na, ang paghanap ng identidad ng
pagka-Filipino sa arkitektura ay maitatali natin sa kilusang nasyonalista noong
dekada sesenta. Maiuugnay natin, kung gayon, ang mga nakatagong balakin na
ipahayag ang “iisang pambansang identidad” sa pamamagitan ng pagtatalaga ng

O
mga sistemang nagbubuo ng kaakuhan. Ang pamahalaan ay nagtatalaga ng mga
kasangkapan o sistema upang mapalaganap ang isang pambansang identidad at
kultura. Ang arkitektura ay isa sa gayong mga kasangkapan o sistema. Ang
C
lehitimisasyon ng isang pambansang kaakuhan ay maluwalhating natatanggap ng
nakararami, dahil na rin ito ay nanaturalisa o naituring na “natural” na pangyayari.
Ang arkitektura bilang isang konkretong obheto at produkto na nakikita at bahagi ng
karanasang pang-araw-araw ay maaaring magsilbing kasangkapan sa
D
pagpapalaganap ng gayong kaisahan. Kaugnay din ng gayong nasang pambansang
identidad ang identidad sa arkitektura bilang “iisa” rin. Hinahangad, maging sa arki-
tektura, ang isang homoheneisadong identidad.
E

Ikatlo, ang kaakuhan sa arkitekturang Filipino ay nakatuon sa mga “bukod-


tangi” na elemento at katangian. Makikita natin ang hangarin para sa
EP

homoheneisadong identidad sa mga komentaryo at sa madalas nang pagkokompara


ng arkitektura sa mga mas “buo” daw na kultura. Tulad ng Hapon at Tsina, ang mga
“dakilang sibilisasyon,” na mas madali raw makita ang partikular at kaibang
katangian ng kanilang arkitektura. Dahil sa paghahambing sa gayong “buo” na
kultura, nakikita na ang arkitektura natin ay sinasabi na walang identidad, dahil
D

walang makitang “buong identidad.” Mamamalas natin dito na nakakawing pa rin ang
pagtingin sa pagiging “buo at homoheneisado” na kultura upang magkaroon din ng
isang “buo at homoheneisado” na arkitektura. Madalas gamitin ang mga kapuna-
punang katangian ng arkitektura bilang batayan ng “buong” identidad. Halimbawa,
kapag sinabing arkitekturang Hapones, madalas na pumapasok sa isipan ang mga
elemento ng Torii, ang imahen ng isang dambanang shinto, shoji iskrin, ang mga
banig na tatami, at iba pa. Kung arkitekturang Thai naman, palaging lumilitaw ang
spires, ang mga lilok na ginto, ang patong-patong na bubong bilang pangunahin at
tampok na mga katangian. Hinahanap ang “kakaiba” o “bukod-tangi” na mga
elemento bilang pagtukoy sa kaakuhan.

138

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Subalit mapapansin natin sa gayong pagkakategorya ang nagaganap na
stereotype. Sa stereotype, inilalagay ang isang bagay o identidad sa isang partikular
na imahen o kaisipang madaling maproseso at maunawaan (Loomba 1998, 59).
Kung kaya, upang madaling maunawaan at matukoy ang isang arkitekturang
Hapones, madaling natatandaan ang pinaka-“diwa” nito dahil sa natukoy na mga
elemento. Ang nagiging problema nito, tulad sa iba pang pag-stereotype, ang isang
bagay ay nailalagay pa rin sa isang estatikong imahen o kaisipan. Hindi
napapayagan ang anumang hindi umaayon sa gayong imahen.

Kawangis sa arkitekturang Filipino, pilit ding hinahanapan ito ng “likas at


katangi-tanging” mga elemento upang madaling matukoy ang pagka-Filipino.
Sumasailalim ito sa operasyong pag-stereotype. Kailangan daw matukoy rin sa
arkitekturang Filipino ang mga elementong ito, upang masabi na mayroon din tayong
“buong” kaakuhan. Dahil hindi ito ang katotohanan at ang tunay na umiiral,

PY
nahihirapan tuloy makakita ng partikular at katangi-tanging mga elemento sa
kondisyong Filipino.

Kaya sinasabi na wala raw tayong “dakilang tradisyon sa arkitektura.” Kung


wala bang kakaiba at katangi-tanging mga elemento ang arkitektura natin, wala na

O
ba tayong maituturing na Filipino sa ating arkitektura? Nakaankla pa rin ang
konsepto ng “pagkakaiba” sa ibang kultura bilang pundamental na operasyon ng
pagtatakda ng sariling kaakuhan.
C
Ikaapat, ang “arkitekturang Filipino” ay nakaugat sa usapin ng “kaakuhang
Filipino/pagka-Filipino.” Upang masagot natin ang katanungang “Ano ang
arkitekturang Filipino?” haharapin muna natin ang katanungang “Ano ang pagka-
D
Filipino?” o “Paano natin maituturing na ang isang bagay ay Filipino?” Ang usapin ng
kaakuhan sa arkitektura, kung gayon, ay nakatali sa usapin ng kaakuhan ng
pagkataong Filipino.
E

Ang tanong ng “Ano ang arkitekturang Filipino?” ay isang masalimuot na


tanong, na hitik at mayaman sa iba pang mga isyu at usapin na kailangang salain at
EP

usisain bago pa man ito mabigyan ng sagot. Ipinahahayag ng tanong ang


masalimuot na pagtalakay sa identidad ng Filipino. Hindi natin ito basta-basta
masasagot kung titingnan din natin ang pagka-Filipino bilang isang depinisyon.
Bukod pa dito, ang katugunan sa “pagka-Filipino” ay isa pa ring proseso na
nagbabago sa pana-panahon at sumasailalim sa isang proseso ng transpormasyon.
D

Ang usaping identidad ay nakakawing sa kontekstong sosyo-historikal na


ginagalawan ng gayong identidad. Samakatwid, dapat tayong tumaliwas sa kaisipan
ng pagka-Filipino bilang isang diwa o essence na hindi nagbabago at matatagpuan
sa ilalim ng lahat na itinuturing natin na Filipino. Banggit ni Priscelina Patajo-Legasto:

Filipino-ness or the cultural identity of the Filipinos is conventionally


associated with the rhetoric of traditional politicos, nationalistas and academics.
This rhetoric of Filipino-ness assumes the existence of an essential Filipino
belonging to a homogeneous Filipino community, belonging to one Filipino
nation. (1998, xv)

Bilang pamalit na kaisipan sa identidad ng Filipino bilang isang “essence,”


ipinapanukala niya ang kaisipan ng identidad at yaong kaugnay sa bansa bilang

139

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
bunga ng mga pangyayaring pangkultura at iba’t ibang cultural practices tulad ng
teatro, sining at mass communication (ibid.). Pagpapalawak ito ng identidad ayon na
rin sa mga bagay na kadalasan nating itinuturing na nasa labas ng “karaniwang”
pagkakaunawa sa identidad.

PAGHAHALILI NG BALANGKAS

Dahil sa ipinahayag na mga punto ukol sa mga nakatagong palagay at haka


kaugnay ng tanong na “Ano ang arkitekturang Filipino?” hindi gayon kasimple ang
magiging sagot. Maaari nating ipakita ang iba’t ibang aspekto ng pagbabago, o ang
mga posibleng transpormasyon ng usapin. Isa itong pagbabago mismo ng batayang
kaisipan na ating ginagamit sa pagtatanong ukol sa pagsulong ng arkitekturang
Filipino.

PY
Una, mula sa identidad bilang isang produkto o obheto tungo sa identidad
bilang isang proseso at dinamikong pangyayari. Hindi na natin titingnan ang
identidad bilang isang estatikong kaganapan, bagkus ay uunawain nating isang
proseso ito. Lubos itong mas mapagpalaya, maunawain, at bukás sa sarisaring
kaanyuan at kaibhan ng identidad upang maisama natin bilang identidad ng Filipino.

O
Bilang proseso, kinikilala nating ang identidad ay hindi isang end product o
kahahantungang produkto, kundi isang pagbabagong-anyo, isang pangyayari na
C
patuloy pa ring nagbabago. Kung dati, ang identidad ay nakikita bilang iisa,
konkreto at nailagak sa isang ikinahong depinisyon, ang identidad ay mas mabuting
unawain bilang malaya, hindi estatiko, maramihan at iba’t iba ang maaaring
magtakda ng kabuluhan. Wika nga ni Roxas-Tope (1998, 213): “Identity therefore
D
must be regarded as a process rather than an artefact or outcome.”

Ikalawa, mula sa identidad na nagmumula sa itaas tungo sa isang pam-


E

bansang identidad na nagmumula sa nakararami. Ang pambansang identidad na


noong una ay sumusunod sa programa ng pamahalaan upang palaganapin ang
ideolohiyang pinili ng gobyerno ay binabago ngayon bilang isang tunay na
EP

artikulasyon ng pambansang hangarin. Pambansa: nangangahulugang buong


bansa. Ang turing sa buong bansa ay isang pagkilala sa lahat ng aspekto at bahagi
ng bansa. Ibig sabihin din nito, ang pambansang identidad ay hindi dapat
nanggagaling sa isang maliit at piling grupo, hindi mula sa elite lamang.
Kinakailangang nagmumula ito sa nakararami. Wika ni Alice Guillermo:
D

In order to recuperate the concept, national identity must be articulated into the
people’s discourse and be aligned with their interests. . . . Furthermore in its
revolutionary meaning, the national identity which is not a petrified concept is linked
up with a large project of social change. Thus it has a class articulation, as it aligns
itself with the interests and causes of the majority of the Filipinos who constitute the
working class and the peasantry (Guillermo 1999, 12).

Sa pamamagitan ng identidad na tunay na kumakatawan sa mayorya, ang


nasyonalismo, kung gayon, ay binabago bilang isang pagpapayaman at
pagpupunyagi ng adhikain ng nakararami.

140

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Ikatlo, mula sa identidad sa arkitektura bilang mga “katangi-tangi” na mga
elemento at katangian tungo sa identidad sa arkitektura na tumutukoy sa mga
kontekstong Filipino. Tataliwas na rin tayo sa pagtutumbas ng identidad sa
arkitektura bilang “bukod-tangi/distinct” na mga elemento at katangian. Samakatwid,
mas uunawain natin ang pagkaiba ng isang arkitektura, hindi dahil sa mga panlabas
na kaanyuan lamang nito at sa halip ay mas kumikiling sa partikular na proseso ng
pagbabago at pakikibagay ng arkitektura sa kontekstong kinapapalooban nito.
Gayunman, ang arkitekturang Filipino ay hindi nakatali sa pagkakaroon ng
kakaibang elementong panlabas, bagkus ay nakaugnay sa mga ispesipikong
kondisyon ng karanasang Filipino. Mga karanasang umuusbong sa mga partikular
na kondisyong pisikal, pang-ekonomiya, pampolitika, at pangkultura ng Filipinas at
ng mga Filipino.

PY
Ikaapat, mula sa identidad na homoheneisado at iisa, tungo sa identidad na
hybrid, iba’t iba, magkasalikop, at magkadaop. Bilang alternatibong kritikal na lapit sa
isang identidad na iisa at homoheneisado, ipinapalit na kaisipan ang hybridity sa
kultura at identidad. Ang konsepto ng hybridity ay nagmumula sa teknikal na
depinisyon ng pagsasanib at pagtatagpo ng dalawang uri ng ispesi (Loomba 1998,
173). Subalit sa diskursong postcolonial, inangkin ngayon ang hybridity bilang

O
paghamon sa mga operasyon ng essentialism at mapanglahat na mga lapit:
“Hybridity resists essentialism by recovering and reinscribing previously suppressed
voices and by encouraging new and unlikely combinations of cultural forms” (Roxas-
C
Tope 1998, 212). Kung dati-rati, pilit na hinahanap ang isang “puro” at “orihinal” na
identidad, binubuwag na ito at inuunawa ang identidad bilang isang proseso na hindi
pa tapos at buo (ibid.).
D
Kung uunawain natin ang kultura bilang isang pangyayaring hybrid,
tinatanggap na rin natin ang mga pagtatagpo ng mga kultura. Samakatwid, ang
kulturang Filipino ay hindi na nakikita bilang isang purong katutubong kulturang
E

“nabahiran” ng dayuhang kultura, bagkus ay mas mabuting tingnan bilang kultura na


naging lunan ng pagtatagpo ng iba’t ibang kultura. Madalas na nga nating marinig na
ang Filipinas, sa katunayan, ay binubuo ng napakaraming kultura. Mas tumitingkad
EP

ngayon ang kahalagahan ng pagkilala ng gayong dibersidad at pagiging magkakaiba


ng kulturang Filipino.

Katulad sa kontekstong pang-arkitektura, ang arkitekturang Filipino ay dapat


sumailalim sa gayong pagkilala ng pagkakaiba at pagsasanib ng kultura. Ang
D

arkitekturang Filipino, ayon sa mga nabanggit na pag-unawa, ay maaaring intindihin


bilang pagdadaop ng iba’t ibang pangyayaring pangkultura. Ang arkitekturang
Filipino ay hindi lamang yaong tumutukoy sa katutubo. Ang sarisaring katugunan at
ekspresyong pang-arkitektura ng Filipino sa pagdaan ng panahon ay bahagi ng
kabuuan at itinuturing nating arkitekturang Filipino.

141

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
ARKITEKTURANG FILIPINO SA HINAHARAP

Dahil sa mga ipinahayag na pagbabagong-anyo ng mga batayang kaisipan,


bumubukal ang mga panibagong alternatibo sa pamamaraan ng paglinang ng
arkitekturang Filipino. Paano natin bubuuin ang tanong na “Ano ang arkitekturang
Filipino?” tungo sa ibayong katanungan?

Naniniwala ang sumulat na may kailangang pagbagtas mula sa dating


nakasanayang tanong. Sinasabi dito na kailangan tayong magkabit ng mga
panibagong tanong sa lumang tanong. Mahalaga pa ring tuklasin ang sagot sa “Ano
ang arkitekturang Filipino?” subalit ipinanukala dito na maaari din nating itanong ang
isyu na “Ano ang tutunguhin ng arkitekturang Filipino?” Ibig sabihin nito, kailangan
na nating umusad maging sa pagtatanong. Sa dahilang dinamiko ang pagtingin sa

PY
identidad, gayundin ang magiging pananaw sa hinahangad nating identidad. Hindi
natin maipapako ang identidad sa iisang panahon, kaya’t isang continuum din ang
magiging pagtingin sa arkitekturang Filipino. Isa itong patuloy na proseso ng
transpormasyon at pagtatagpo. Samakatwid, kailangan nating patuloy na tuklasin
ang mga potensyal at posibleng landasin na maaaring tahakin sa arkitekturang
Filipino. Kailangan ang isang maláy na pagtuklas. Kailangan ang pagtutulungan at

O
partisipasyon ng lahat upang tayo ay makaabot sa inaasam nating kahihinatnan.
Ang arkitekturang Filipino ay kailangang mabigyan ng pagkakataong lumago at
malinang. Kailangang umusad ang pananaw sa arkitektura. Kailangang maging
C
malayuan ang pagtanaw sa arkitektura. Ang lahat ay bahagi ng pagbubuo ng ating
kaligiran, kung kaya’t nasa ating mga kamay ang pagbubuo ng arkitektura. Ang lahat
ng ating mga lapit at pamamaraan ng pagbubuo ng arkitektura ay kinikilala bilang
mga lehitimong paraan ng pagbubuo. Ang arkitekturang Filipino ay kailangang
D
unawain din sa ating mga sariling pamantayan. Bahagi ng paglago ng arkitektura
ang pagbalangkas ng mga pamantayang nararapat para sa atin. Kaya’t ang
arkitekturang Filipino ay kailangan sumailalim sa patuloy na pagkilatis.
E

Sa hinaharap, ang nakikitang arkitektura ay yaong may kabuluhan para sa


ating mga Filipino. Samakatwid, sa pagtatanong ng patutunguhan ng arkitekturang
EP

Filipino, kailangan din nating sagutin kung ano ang mahalaga at may kabuluhan para
sa atin. Kung gayon, huwag na tayong magpapatali sa katanungang “Ano ang
arkitekturang Filipino?” bagkus ay lakipan pa natin ito ng ibayong mga katanungan
na “Ano ang potensyal ng arkitekturang Filipino sa hinaharap?” at ang kaisipan na
“Ano ang mahalaga at may kabuluhan sa ating mga Filipino?” Sa pagpapalawak ng
D

ating mga pamantayan, ating mapalalago at mapayayabong ang sarili nating


kabihasnan tungo sa ating pagharap sa mga pagsubok ng panahon at ng realidad.

PAGLALAGOM

Ipinahayag sa papel na ito ang pagtatagpo ng nasyonalismo at kaakuhan sa


arkitekturang Filipino. Ang nasyonalismo, bilang pagtuklas ng identidad, ay
nakapaloob sa kung paano din natin titingnan ang kasaysayang pang-arkitektura. Sa
pamamagitan ng usaping postcolonial, ating kinikilala ang mga operasyon ng
rekuperasyon, pagliligtas at pagdait ng kapangyarihan bilang mga lapit sa usapin ng
nasyonalismo. Tumitingkad ang konsepto ng hybridity bilang kritikal na pag-unawa sa

142

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
kultura at identidad. Kaalinsabay nito, kinikilala na rin ang kasaysayang pang-
arkitektura bilang lunan ng gayong rekuperasyon.

Mula pa rin sa gayong mga katotohanan, ang arkitekturang Filipino ay


tinitingnan sa ibayong pananaw at kaisipan. Nagkakaroon ng paglipat mula sa
arkitekturang Filipino bilang isang produkto lamang tungo sa isang proseso na
patuloy pa ring gumagalaw. Ang arkitekturang Filipino ay iniisip din ngayon hindi
lamang bilang pagtatamo ng isang estilo kundi mas marapat na tingnan bilang
dinamikong pagtuklas ng identidad ayon na rin sa mga nagaganap na pagtatagpo,
pamamagitan, at pagbabagong-anyo. Hindi rin ito isang obhetong pasibo na
tumatanggap ng kung anu-anong impluwensya kundi isang lunan ng
transpormasyon. Sa dahilang ang arkitekturang Filipino ay binubuo nating lahat na
mga Filipino, lahat tayo ay bahagi at kawaksi sa pagbubuo ng ating sariling kaligiran

PY
at kinabukasan. Hindi natin maipagkakaila, samakatwid, ang pamamaraan na ang
arkitekturang Filipino ay marapat na magsilbing lunan ng karanasan, daluyan ng
kalayaan, at instrumento ng pagbabago sa ating Inang Bayan.

Ang artikulong ito ay unang nailimbag bilang “Nasyonalismo at Arkitektura: Post-


colonial na Paglilinang sa Arkitekturang Filipino” Bulawan 3: Journal of Philippine Arts and

O
Culture. National Commission for Culture and the Arts (2001).

TALASANGGUNIAN
C
Abueva, Jose, ed. 1998. Filipino nationalism: Meanings, goals and relevance. Mula
sa Nasyonalismong Filipino: Sari-Saring kahulugan, patuloy at nagbabagong
mga layon at dumadaloy na ugnayan, inedit ni Jose Abueva. Quezon City:
D
University of the Philippines Press.
Alcudia, Paterno. 1966. Can we develop a native architecture. Philippine Institute of
Architects (PIA) Journal. Philippine Institute of Architects. Volume no.:????
E

Chaterjee, Partha. 1993. National history and its exclusions. Mula sa Nationalism,
inedit nina John Hutchinson at Anthony Smith. 1994. Oxford University Press.
EP

Childs, Peter, at R.J. Patrick Williams. 1997. An introduction to post-colonial theory.


Prentice-Hall.
De Leon Jr., Felipe. 1995. The unity of spatial concepts in Philippine architecture and
other arts. National Symposium on Filipino Architecture and Design, Disy-
embre 7–9, Sentro ng Arkitekturang Filipino, University of the Philippines.
Encarnacion-Tan, Rosario. 1995. Appreciating perceptions of Filipino space. Na-
D

tional Symposium on Filipino Architecture and Design, Disyembre 7–9,


Sentro ng Arkitekturang Filipino,
Fajardo, Brenda. 1995. Pag-unawa sa espasyong Filipino. National Symposium on
Filipino Architecture and Design, Disyembre 7–9, Sentro ng Arkitekturang Fili-
pino.
Gellner, Ernest. 1983. “Nationalism and High Cultures.” Mula sa Nationalism, inedit
nina John Hutchinson at Anthony Smith. 1994. Oxford University Press.

143

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
27.
Ang Pagsakay nina Juan Masolong at Flor
Contemplacion sa MRT:
Ang Diskurso ng Paglalakbay sa Panahon
ng Kolonyalismo at Globalisasyon1
Galileo S. Zafra
May nunal daw sa paa ang mga Filipino.

PY
Ito ang karaniwang paliwanag kapag nauungkat ang hilig ng mga Filipino na
maglakbay. Tingnan ang pagsisikip ng trapiko sa mga lansangan dahil sa dami ng
sasakyan, komyuter, at pedestriyan. Nagpipilit ang marami na bumili ng awto kahit
wala pa ngang sariling bahay. Laging may pila sa Roxas Boulevard para makakuha
mg visa sa US Embassy. Laganap ang migranteng manggagawang Filipino sa iba’t

O
ibang panig ng mundo.

Tila nga napakanatural sa mga Filipino ang maglakbay. At dahil nga parang
C
natural, mahirap humanap ng rasyonal na paliwanag kung bakit. Kaya sininisi na
lamang ang nunal. Sa sanaysay na ito, sisikaping suriin kung ano ang tila natural at
ilantad ang diskurso ng paglalakbay gamit ang tatlong teksto: ang naratibo ni Juan
Masolong, ang pelikula ni Flor Contemplacion, at ang MRT.
D
PAGKAHABA-HABA MAN DAW NG PRUSISYON ANG NARATIBO NI
E

DON JUAN MASOLONG AT ANG PAGLALAKBAY SA PANAHON NG


KOLONYALISMONG ESPANYOL
EP

Ang “Salita ni Don Juan Masolong, na kauna-unahang Kristiyano dito sa bayan ng


Lilio sa panahong pagdating ng Kastila dito sa kapuluan sa Luzon, sampu ng
kamula-mulaan ng pagiging bayan nitong bayan ng Lilio sa taong 1572" ay isang
salaysay tungkol sa pagkakatatag ng bayan ng Lilio sa Laguna (Quirino at Garcia
1958). Batay sa anotasyon nina Carlos Quirino at Mauro Garcia, pabigkas na
D

kumalat ang naratibong ito noong unang panahon ngunit nito lamang siglo 18 ito
naisulat. Inihain din nila ang paliwanag ni Trinidad Pardo de Tavera na laganap
noong huling dekada ng kolonyalismong Espanyol ang ganitong naratibo tungkol sa
kasaysayan ng bayan at palaangkanan (genealogy) ng mga kauna-unahang
nanirahan sa bayang ito.2

Si Juan Masolong, na mula sa angkan na kauna-unahang naghawan ng


bayan ng Lilio, ay isa sa mga unang bininyagan ng mga Kastilang unang nagpunta
sa Ba-i. Ang pagbinyag kay Masolong ay simula ng pagsakop ng mga Kastila sa
bayan Lilio, Nagcanlang, at Mahayhay. Dumating ang iba pang mga paring buhat sa
Espanya makalipas ang ilang taon. Bininyagan din ang mga taga-Lilio at Nagcanlang
at nagsimula ang paglaganap ng mga sakramento at aral ng simbahan. Sa simula,
ang mga sakramento ay tinanggap ng mga taga Lilio mula sa Nagcanlang. Ngunit

144

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
gumawa ng paraan ang mga maginoo ng Lilio upang magkaroon sila ng sariling pari
sa kanilang bayan. Nagpadala sila ng representasyon sa Maynila para makipag-
usap sa Gobernador at Audiéncia Real. Ibinunga nito ang isang probisyong-real na
tumiyak na hindi na mawawalan ng sariling pari ang Lilio.3

Bagaman salaysay talaga ng pagkakatatag ng bayan ng Lilio, ang naratibo ni


Masolong ay puwede ring maging lunsaran para suriin ang diskurso ng paglalakbay
sa panahon ng kolonyalismong Espanyol. Maaaring uriin ang mga paglalakbay na
nakapaloob sa naratibo sang-ayon sa aktor na gumanap nito at sa motibo ng
paglalakbay.

Una, ang paglalakbay ng Kastila para sakupin ang mga pamayanan.


Halimbawa nito ang pagdating ng Kastila sa Maynila at Ba-i, Nagcanlang, Lilio, at

PY
Mahayhay; ang paglusong ng mga Kastila sa tubig at pagsira sa mga lic-ha; at ang
pagdating ng mga pari mula Espanya upang palaganapin ang mga sakramento at
aral ng Kristiyanismo. Pangunahing manlalakbay rito ang mga Kastila. Gaya ng
ipinakikita sa salaysay, magkatuwang ang militar at relihiyoso upang palaganapin
ang kapangyarihang Espanyol. Limang Kastila lamang (maliban sa relihiyoso) ang
binanggit na nanguna sa mga kampanya sa iba’t ibang bayan ng Laguna kaya

O
kinailangan nila ang tulong ng mga Filipino mismo bilang dagdag na puwersa at
gawing mas madali ang paglalakbay. C
Ikalawa, ang paglalakbay ng taumbayan na iniutos ng Kastila. Halimbawa
nito ang pagpapauwi ni Heneral Salcedo kay Masolong upang tipunin ang mga
kababayan para sumalubong sa mga Kastila; paglalakbay ng 30 Sogbojanin na
kasama sa kampanya ng Kastila; pagpapakaon ni Heneral Salcedo kay Tomalar sa
D
nabihag na piyohin; pagpapauwi niHeneralSalcedo kay Tomalar upang tipunin ang
mga kababayan; pagpapauwi kina Masolong at Coyamin sa Lilio; at paglipat ng ilang
maginoo ng Lilio sa Nagcanlang. Manlalakbay rito ang taumbayan mismo ngunit
E

bilang pagsunod lamang sa utos ng Kastila.

Ikatlo, ang paglalakbay ng taumbayan na inudyukan. Halimbawa. Nito ang


EP

pagpunta ni Masolong at Lacangolo sa Ba-i upang magpabinyag; pagpunta ng taga-


Lilio sa Nagkanlang para tumanggap ng iba’t ibang sakramento; at paglalakbay ni
Don Gaspar Cahopa, taga-Lilio para maging Kapitan Bansal ng Nagcanlang.
Manlalakbay rito ang taumbayan. Hindi tuwirang sa Kastila ang utos na maglakbay
sila ngunit maaaring udyok ito ng kanilang pinuno (karaniwan, ang kinikilalang
D

maginoo ng pamayanan), ng pangakong posisyon sa pamahalaan, o ng


pagkakaloob ng mga sakramento ng simbahan.

Ikaapat, ang paglalakbay ng taumbayan nang kusa. Halimbawa nito ang


pagpunta ng mga maginoong sina Bansalan, Homanda, at Mandiig kina Tayao
upang pag-usapan ang pagtatatag ng Malaquing Lilio; pagdulog ng maginoo ng Lilio
sa padre probinsiyal upang bigyan sila ng sariling pari sa Lilio; at pagpunta ng ilang
maginoo ng Lilio sa Maynila upang makipag-usap sa Gobemador Heneral at Real
Audiencia para mabigyan sila ng permanenteng pari. Manlalakbay rito ang
taumbayan. Walang Kastilang nag-uutos o nag-uudyok. Masasabing kusa ang
paglalakbay. Sa ilang pagkakataon pa nga, tulad ng presentasyon ng mga maginoo
ng Lilio sa Maynila, ang paglalakbay ay tila pagsuway sa iniutos ng Kastila.

145

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Ikalima, ang paglalakbay ng taumbayan bilang tugon sa pananakop.
Halimbawa nito ang pagkuta ng taga-Nagcanlang sa talahiban; pagtakas ng taga-
Nagcanlang sa San Lucas; at pagtakbo ng mga taga-Mahayhay nang marinig ang
putok ng baril at ingay ng tambor. Paglalakbay ito ng taumbayan bilang tugon sa
pananakop ng mga Kastila sa kanilang pamayanan. Marahas ang paglalakbay na ito
gaya ng ibinabadya ng mga salitang “pag- kuta,” “pagtakbo," “pagtakas” na ginamit
sa naratibo.

Ipinakikita ng paglalakbay ng mga Kastila sa iba’t ibang bayan ng Laguna na


ang paglalakbay nila sa Filipinas ay hindi neutral at ahistorical na pamamasyal
lamang sa karagatan at kapuluan kundi nakaugnay sa pagpapalaganap at
pagpapatatag ng kanilang kapangyarihan bilang conquistador. Umaalingawngaw sa
kanilang paglalakbay sa iba't ibang bayan ng Laguna ang motibo sa paghahanap ng

PY
bagong daanan patungong Moluccas (mula sa salitang moloc o moluco na ang ibig
sabihin ay exquisite omasarap) na pinagkukunan ng mga Portuges ng especias
(spices).4 Ipinaliwanag ni Magellan na kung makatunton ng daang patungong
Moluccas na pakanluran, o salungat sa karaniwang ruta ng mga Portuges,
magkakaroon ng karapatan ang korona ng Espanya na ariin ang isla (Mallat 1994,
2). Ang ekspedisyon ni Magellan ang una sa anim na ekspedisyong humamon sa

O
monopolyong komersiyal ng mga Portuges sa Timog Silangang Asya.5

Para sa mismong manlalakbay na sina Magellan at kasamang


C
kosmograpong si Rudy Falero, binuo ang isang batas na tumitiyak sa misyon ng
paglalakbay at sa tatanggaping gantimpala hung magtagumpay sila sa misyong ito.
Tutuklas si Magellan ng mga islang mayaman sa especias. Sa loob ng sampung
taon mula pagkatuklas, walang makapupunta sa mga islang ito gamit ang parehong
D
ruta nang walang permiso mula sa Hari na siya lamang may karapatang
makipagkalakalan sa mga lupaing ito. Bilang gantimpala, matatanggap ng dalawang
abenturero ang 20 porsiyento ng netong kita sa kalakalan ng unang ekspedisyon.
E

Tatanggapin din nila ang titulong “adelantado” (apelasyong dating iginagawad sa


gobernador ng lalawigan) na maipamamana nila bukod sa pamamahala ng mga
islang matutuklasan nila (Mallat 1994, 3). Hindi limitado ang kasunduan sa pagitan
EP

ng Hari at ng mga abenturero.Kasangkot din. ang mga komersiyante ng Sevilla


na,nagpaluwal sa pamahalaanpera para sa armas atiba pang kagamitan
sasasakyang-dagat (Mallat 1994,4).

Ilang buwan pa lamang sa paglalayag, dumanas ng iba't ibang hirap sina


D

Magellan at ang tripulasyon. Kinapos sila ng pagkain. Nagbanta ang ilan na iiwan
ang ekspedisyon (ibid.). Tiniyak naman ni Magellan sa kaniyang mga tauhan na
pansamantala lamang ang dinaranas nilang hirap, matatagpuan din nila ang mga
lupaing sagana sa ginto, at mamumuhay sila nang mariwasa sa piling ng kanilang
pamilya.

Samakatuwid, nakalulan sa limang barkong naglayag mulang Sevilla noong


19 Agosto 1519 patungong Pasipiko ang pampolitika at pang-ekonomiyang interes
ng hari ng Espanya, ng abenturerong si Magellan (hindi nakasama si Falero), ng
mga komersiyante ng Sevilla, at ng marami pang ibang sumama sa mahaba at
mapanganib na ekspedisyon. Para sa Hari ng Espanya, ang tagumpay ni Magellan
ay paghamon sa komersiyal na monopolyo at imperyal na kapangyarihan ng mga

146

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Portuges; para kay Magellan, yaman at katanyagan bilang manlalayag; para sa mga
komersiyante, tubo sa ipinaluwal na puhunan; para sa tripulasyon, katuparan ng
pangarap na magkaroon ng magandang buhay.

Hindi maituturing na ganap na tagumpay ang ekspedisyon ni Magellan.


Namatay ang abenturero at tanging ang Victoria lamang na pinamunuan ni Juan
Sebastian de Cano ang nakabalik sa Espanya noong 1522. Lulan ng Victoria ang
mga especias na may halagang higit sa ginastos sa buong plota (fleet) ni Magellan
(Reed 1967, 2). Dahil dito, nahikayat si Haring Carlos V sa magandang pangako ng
mga lupain sa Pasipiko kaya nagkaroon ng iba pang ekspedisyon sa pangunguna
nina Juan Garcia Jose de Loaisa (ikalawang ekspedisyon), Sebastian Cabot
(ikatlong ekspedisyon), Alonzo de Saavedra (ikaapat na ekspedisyon), at Ruy Lopez
de Villalobos (ikalimang ekspedisyon) hanggang sa pormal na masakop ng mga

PY
Kastila sa ekspedisyon ni Miguel Lopez de Legaspi ang Maynila noong 15 Mayo
1571. Bawat ekspedisyon ay sinamahan ng mga pari na naging tungkulinang
kumbersiyon ng mga dinatnang katutubo, pagpapatunay na sa simula’t simula ay
magkatuwang na ang estado at simbahan sa pananakop. Dapat ding idiin na sa
pagtatapos ng siglo 16, hindi na lamang ang pangangalakal ng especias ang interes
ng mga Kastila. Naroon na rin ang pangarap ng Espanya na magtatag ng imperyo sa

O
Asya na magsisimula sa balak na eksplorasyon at kolonisasyon ng Tsina (ibid., 15-
16) C
Sa pamamagitan ng mga eksplorasyon nina Salcedo, de Saz, at De Goiti,
natiyak ng mga Kastila ang kumpigurasyon ng kapulaan. Ginamit na batayan ito sa
paggagawad ng encomienda sa mga opisyal at sundalo ng Kastila na hindi pa
nababayaran sa kanilang serbisyo mula 1565. Ang encomienda ay karapatang
D
iginawad ng hari na tanggapin at gamitin ang tributo ng mga nasakop kapalit ng
tungkuling pangalagaan ang espiritwal at temporal na kagalingan ng mga taong
nasasakupan ng kanilang encomienda lalo na ang pagtatanggol sa kanila at
E

pagpapanatili ng kaayusan sa lupain. May 257 encomienda sa Filipinas noong 1591,


31 ang reserbado sa korona at 236 ang pribado (Patanne 1996, 204). Samakatuwid,
nabigo man si Magellan na makabalik matapos na makapaglayag sa mga isla sa
EP

Pasipiko, inani pa rin ng mga nagpatuloy ng kaniyang ekspedisyon ang pampolitika


at pang-ekonomikong biyaya ng paglalakbay at pananakop. Mula sa pagiging
pangunahing manlalakbay ng mga Kastila, unti-unting napalipat sa mga Filipino ang
akto ng paglalakbay. Ngunit masasabing pagsunod lamang sa mga Kastila ang
paglalakbay na ito. Sa simula, nanguna sa ganitong uri ng paglalakbay ang mga
D

maginoo. Halimbawa nito ang pagpapauwi ni Heneral Salcedo kina Masolong at


Tomalar upang tipunin ang mga kababayan para sa pagdating ng mga Kastila.
Pansinin na bago pinalakbay sina Masolong at Tomalar ay naganap muna ang
pagbibinyag sa kanila. Samakatuwid, bagaman may posturang malaya ang
paglalakbay nila, sa katunayan ay may kontrol na sa kanila ang mga Kastila. Sa
pagtanggap nila sa sakramento ng binyag, kasabay na rin nito ang pagkilala sa
kapangyarihan ng Kastila. Sa katunayan, may misyon silang tinupad sa proseso ng
kolonyalismo—nagsilbi silang tulay sa pagitan ng niga Kastila at taumbayan na
kumikilala sa kanilang katayuan sa lipunan.

147

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Habang lumalaganap ang kapangyarihan ng Kastila sa kapuluan, lalo
namang nagiging aktibong maglakbay ang mga Filipino—maginoo at karaniwang
tao. Makikita ito halimbawa sa pagpunta ng taga-Lilio sa Nagcanlang para
tumanggap ng iba’t ibang sakramento, gayundin sa paglalakbay ni Don Gaspar
Cahopa, taga-Lilio, para maging Kapitan Bansal ng Nagcanlang. Sa unang malas,
tila kabalintunaan ang kalayaang maglakbay samantalang tumatatag ang
kapangyarihan ng mga Kastila dito sa Filipinas. Ngunitang totoo, nangyari ito dahil
naitatag na sa panahong ito ang mga institusyon ng kolonyalismong Espanyol na
gumabay sa paglalakbay ng mga tao.

Pangunahin sa mga institusyong nakaapekto sa paglalakbay ang patakaran


ng reduccion. Isa itong paraan ng pagsasaayos ng pamayanan na nagsasama-sama
sa hiwa-hiwalay na populasyon upang mas madali itong mapamahalaan (Reed
1967, 34). Iba’t ibang estratehiya ang ginamit ng mga Kastila upang hikayatin ang

PY
dinatnan nilang pamayanan na lumipat at manirahan sa mga sentro ng reduccion,
ang cabecera o poblacion. Niregaluhan nila ng mga damit, asin, karayom, suklay, at
tibor ang mga Cagayano sa Apayao upang manirahan sa mga kapatagan ng
Cagayan. Nag-alok ang mga Dominikano ng libreng pabahay para sa mga Zambal.
Naggawad ang pamahalaang sibil ng mga titulo at karangalan. Nagtungo sa mga

O
liblib na pamayanan at nanggamot ang mga paring may kaalamang medikal.
Tinuruan ng mga pari ang mga bata; sa ilang pagkakataon, pansamantalang tumitigil
sa Seminario de Indios na malapit sa kumbento ang mga anak na kinalauna’y
C
siyang himikayat sa mga magulang na maging Kristiyano at lumipat sa mga sentro
(Reed 196.7, 4.3-49).

Sa ilang pagkakataon, kapag nabigo ang panghihikayat ay gumagamit na rin


D
ng puwersa ang mga Kastila. lsang halimbawa nito ang paggamit ng dahas sa mga
nanlabang Zambal noong siglo 16. Lumusob ang 600 sundalong Kastila, binihag ang
pinakamalalakas na mandirigma, at pinuwersa ang may 2,000 Zambal sa reduccion.
E

Ngunit ang paggamit ng puwersang militar ay bibihira. Batid ng mga Kastila na.lalo
lamang lalayo ang loob ng mga Filipino. Limitado rin ang sandatahang lakas ng
Kastila na nakakalat sa kapuluan (Reed 1967, 49-50).
EP

Ang dapat idiin, gumamit man ng panghihikayat o pamumuwersa, marahas


pa rin sa esensiya ang patakaran ng reduccion tulad ng iba pang aparato ng
kolonyalismo. Ang mga komunidad noon ay namuhay sa pagsasakang tumutugon
lamang sa kanilang pangangailangan, kung kaya ang paglipat ng mga tao sa
D

reduccion ay nangahulugan din ng pagkahiwalay nila sa lupa at tubig na


pinagkukunan nila ng ikabubuhay (Constantino 1975, 60).

Sentro ng reduccion na ito ang cabecera o poblacion. Ang anyo ng cabecera


ay isinunod sa anyo ng Maynila, ang itinakdang kapital ng Filipinas. Noong Hunyo
1571, tiniyak na ni Legaspi ang mga lugar sa Maynila na pagtatayuan ng plaza,
katedral, palasyo ng pamahalaan, at ng 500 bahay para sa mga kolonyalista. Ang
mga lansangan ng Maynila, gayong hindi pa nalalatagang lahat ay minarkahan na:
bawat lansangan ay patungong lahat sa plaza at sa katabi nitong simbahan (Mallat
1994, 103-4). Samakatuwid, bagaman aktibo nang naglalakbay ang taumbayan na
tila nagpapakita ng kanilang mobilidad, ang totoo, ang direksiyon ng kanilang
paglalakbayay naitakda at nililimitahan na ng mga landas patungo ng mga sentro ng

148

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
kapangyarihan sa Maynila at sa bawat pamayanan. Iminapa na para sa kanila ang
kanilang patutunguhan.

Dahil sa sentralidad ng simbahan sa buhay ng mga tao at ng pamayanan,


nagiging literal ang salawikaing “pagkahaba-haba man ng prusisyon/sa simbahan
din ang tuloy.”

Pangunahing estruktura sa cabecera ang simbahan. Napakahalaga ng


simbahan bilang institusyon at bilang arkitektura upang kilalanin ng taumbayan ang
sentro ng kapangyarihan. Sa katunayan, sa panahon pa lamang ng mga
ekspedisyon sa kapuluan ay naging panghikayat na ang misa at altar sa mga tao.
Linggo ng Palaspas noong 1521 nang magtungo si Magellan sa Butuan sa Caraga.
Itinayo ang isang altar na pinalamutian ng mga dahon at bulaklak at idinaos ang

PY
unang misa na dinaluhan mg mga tripulasyon ni Magellan at ng mga Filipinong
nanirahan sa lugar na ito (Mallat 1994, 7).

Bilang institusyon, nagpakilala ang simbahan ng iba't ibang ritwal at


sakramento tulad ng binyag, kumpisal, kasal, libing, pagdarasal ng rosaryo na
nagtakda ng regular na pagbisita sa simbahan (ibid., 240-43). Karaniwang maringal

O
ang pagdaraos ng ganitong mga ritwal at sakramento. Sa misa mayor, inihuhudyat
ng putukan ang pagtaas ng banal na ostiya. Umakit din sa mga tao ang pag-awit ng
koro sa saliw ng musika ng organo (Reed 1967, 46-47). Simbahan din ang
C
pinagmulan at nagpalaganap ng iba’t ibang okasyon na humihikayat ng paglahok ng
taumbayan: pista ng patron, semana santa, banal na araw ng simbahan.
Ipinagdiriwang ito sa pamamagitan ng maliliwanag na prusisyon, parada ng mga
banal na imahen, saliw ng masasayang musika, at ingay ng mga putukan. Mayroon
D
ding palaro, bazaar, inuman, at sabong. Sa katunayan, kahit ang politikal na
pagdiriwang tulad ng paggunita ng tagumpay laban sa mga Tsino, pagtanggap sa
bagong gobernador, pagsalubong sa magandang balita mula Espanya—ay nagiging
E

mga relihiyosong pagdiriwang (Mallat 1994, 240-43). Wari'y bawat pagkakataon ay


ginagawang selebrasyon upang magkaroon ng dahilang magpunta ang mga tao sa
simbahan.
EP

Bilang arkitektura, ang simbahan ay kapuwa representasyon at estratehiya


ng kolonyalismo.Una, ang simbahan ay mabisang paraan para sa sentralisasyon ng
mga tao. Hindi lamang sari-saring ritwal, sakramento, at pagdiriwang ang humila at
humalina sa tao para magtipon sa simbahan, kundi maging ang estruktura’t
D

kaanyuan nito. Ginawang kaakit-akit ang labas at loob ng simbahan. Sa labas,


pinakatampok ang tatlong lebel na fachada o frontis na tinatampukan ng malapad na
pintuan, nitso ng mga santo, bintana, krus, piramide, malalaking banga, anghel,
estilisadong ulap (Jose 1991, 55). Ang mga kolumna at poste naman ng fachada ang
nagbibigay ng dramatiko at dekoratibong anyo, ng monumentalidad at elegansiya sa
simbahan (Coseteng 1972, 20). Sa loob, pinakakamangha-manghang bahagi ng
simbahan ang altar mayor. Pinakasentro nito ang sagrario (tabernakulo) na
tinatahanan ng Santisimo (Holy Eucharist) kung kaya magarbo at madetalye ang
mga palamuti nito. Pista sa pandama, lalo sa paningin ang loob ng simbahan, bunga
ng paglalaro ng liwanag na nagmumula sa mga candeleros,hachas,faroles, rampara,
candelejas, at aranas upang itampok ang ningning, yaman, at hiwaga ng simbahan
(Jose 1991, 72).

149

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Nakaakit ang mga ornamentales ng simbahan hindi lamang dahil sa kahali-
halina ito sa pandama. Binuhay ito ng mga ritwal, salaysay, at misteryong
nakaugnay sa mga ito. Halimbawa, sa sagrario pinaniniwalaang nananahan ang
Santisismo. Ang piedras de aras naman, ang maliit na batong altar sa mesang
pinagmimisahan ng pari ay sinasabing markado ng limang sugat ni Kristo.
Ipinapakita ng mga halimbawang itona ang mga ornamentales ay hindi na lamang
mga walahg buhay na bagay; binuhay ito ng mga naratibong nag-iwan ng mas
mariing bakas sa kamalayan ng mga tao.

Sinisigurado rin ng pagmamantine ng simbahan na gawing regular at


madalas ang pagbisita ng mga tao dito. Taumbayan ang abala sa paglilinis at
pagpapalamuti ng simbahan. Noong siglo 17 sa Taytay, Rizal, halimbawa, gumawa
ng sistema ang mga Heswita upang maghalinhinan ang taumbayansa pagwawalis.

PY
Kahit ang mayayamang kababaihan ay tumupad ng tungkuling ito. Karaniwan ding
itinatakda sa konstitusyon ng iba’t ibang cofradia ang maglinis at mag-alay ng
bulaklak sa mga sa mga santo (ibid., 72).

Ikalawa, ang simbahan ang naging representasyon ng kolonyalismo’t


kapangyarihang Espanyol. Ang estruktura ng maraming simbahan ay rektanggulo at

O
nahahawig sa mahahabang bodega, nakatampok ang simple't nag-iisang nave na
nagbibigay rito ng malakahong anyo (ibid., 54). Makakapal ang mga pader ng
simbahan, sinuportahan ng mga cantrafuertes, astribos, machones: (buttresses) na
C
nagpatatag sa estruktura. Bagaman praktikal ang layunin ng ganitong estruktura-ang
labanan ang lindol at pananaIakay naging biswal na patotoo rin ang ganitong
arkitektura ng katatagan at kapangyarihan ng simbahan at ng pamahalaang
kolonyal. Naging imaheng biswal ng kolonyalismong Espanyol, kung gayon, ang
D
arkitektura ng simbahan.

Ikatlo, ang simbahan ay epektibong estratehiya ng pagmamanman ng


E

taumbayan. Sa isa o magkabilang tabi ng fachada nakatayo ang isang campanario


na bumabahay sa mga kampana ng simbahan. Tamang-tama ang taas ng
campanario bilang poste ng surveillance para manmanan ang pananalakay ng mga
EP

Moro at magbigay-babala sa pagdating ng mga sasakyang-dagat. Kaya nga sa


Indang, Cavite, Rizal, Cagayan, Loay, at Bohol ang mga simbahan ay nasa gilid ng
dalisdis. Ang mgasimbahan din tulad ng San Joaquin at Miag-ao (Iloilo), Laoang
(Northern Samar), San Jacinto (Masbate), at Loon (Bohol) ay malapit sa baybay-
dagat at nakatayo sa mga gilid ng plateau na tumatanaw sa mga ilog (Jose 1991,
D

52). Ipinapakita ng campanario na ang arkitektura ng simbahan bilang instrumento


ng pananakop ay hindi lamang totoo sa antas simboliko. Estratehiko rin ang
arkitektura upang apektibong mabantayan ng mga Kastila ang kanilang
nasasakupan. Hindi lamang ang taas ng campanario ang napakinabangan para sa
depensa ng kolonya at para manmanan ang mga sakop. Ang kampana mismo ay
tuwirang nasangkot sa gawaing pangmilitar. Tinutukoy rito ang kinaugaliang
pagtunaw ng mga kampana upang mapagkunan ng bakal para sa kanyon sa
panahon ng digmaan (Coseteng 1972, 25). Ang pangmilitar na gamit ng campanario
ay inangkin din naman ng mga Filipino. Halimbawa, ang campanario ng Paoay,
Ilocos Norte ay ginamit ng mga Katipunero noong 1896, at muli, ng mga gerilya
noong panahon ng Hapon 1942-1945 (Coseteng 1972, 25).

150

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Sa mas di-lantad ngunit mas epektibong paraan, naging mahalagang
instrumento rin ng pagmamanman ang campanario para sa maraming nasasakupan.
Tinutupad ng campanario ang ilang mahahalagang tungkulin ang pagtawag sa mga
tao para sa misa at paghahayag ng mahahalagang okasyon sa buhay ng mga
parokyano binyag, kasal, kamatayan. Ngunit bukod sa espiritwal na tungkulin,
tinutupad din nito ang ilang sekular na tungkuIin tulad ng pagpapatunog ng oras,
pagbabala ng sunog at pananalakay ng kaaway, paghahayag ng pagdating ng
mahahalagang tao, at pananda ng manlalakbay upang hindi maligaw dahil higit itong
matataas kaysa mga puno (Jose 1991, 63). Dahil may tinutupad din itong tungkulin
na mahigpit na nakaugnay sa pang-araw-araw na buhay at usaping pangkaligtasan
ng taumbayan, malay man o hindi, laging nakatuon ang pandinig ng tao sa tunog ng
kampana. Naging sentral na estruktura ng kolonyalismong Espanyol ang
campanario. Sa katunayan, ang espiritwal na teritoryo ng isang misyong relihiyoso

PY
ay sumasakop hanggang doon sa mga nakaririnig ng tunog ng kampana. Ito ang
batayan ng idiomang “bajos las campana.” Sa gayon, naging pangunahing
institusyon din ng simbahan at kolonyalismo ang campanario. Hindi na laging
kinailangan ang puwersa ng militar o ang masid ng mga pari at opisyales na Kastila.
Sapat na ang nakatindig na campanario upang tiyakin na laging nakatutok ang
atensiyon ng mga sakop sa direksiyon ng may kapangyarihan at umiral ang

O
disiplinang inaasahan sa isang masunuring nasasakupan.

Sa pagtatapos ng naratibo ni Masolong, isinasalaysay na kusa nang


C
isinasagawa ng mga Filipino ang paglalakbay. Sa katunayan, hindi lamang sariling
desisyon ang paglalakbay kundi taliwas pa sa iniuutos ng Kastila. Pansinin ang mga
halimbawa: dumulog ang mga maginoo ng Lilio; pumunta ang ilang maginuo ng Lilio
sa Maynila upang makipag-usap sa Gobernador Heneral at Real Audiencia tungkol
D
sa pagbibigay sa kanila ng permanenteng pari (at nang makaiwas sa utos ng padre
probinsiyal na lumipat sila ng bahay papuntang Nagcanlang at doon
makapagsimba); at nagkita-kita ang mga maginoong sina Bansalan, Homanda; at
E

Mandiig kina Tayao upang pag-usapan ang pagtatatag ng Malaquing Lilio. Pansinin
na ang mga manlalakbay rito ay mga maginoo at may kinalaman ang kanilang
paglalakbaysa pagtatatag ng sariling cabecera sa Lilio. Kinikilala ng mga Kastila ang
EP

ganitong inisyatiba kahit tila sumusuway sila sa utos ng ibang Kastila, sa kasong ito,
ng pari sa Nagcanlang, dahil sa huling pagsusuri, tanggap at kinikilala pa rin ng
taumbayan ang kapangyarihan ng Kastila. Sa tila kusang paglalakbay na ito higit na
napatutunayang matatag na ang kapangyarihang Espanyol.
D

Hindi lang nangyari ito dahil sa bisang iba’t ibang aparato ng kolonyalismo.
Maiuugat din ito sa matagumpay na pag-uugnay paglalakbay ng mga tao sa
panlipunang mobilidad. Totoo ito lalo sa kaso ng maginoo. Pansinin na ang uring
maginoo ang may inisyatibang bumuo ng cabecera, magtayo ng sariling parokya, at
magkaroon ng permanenteng pari. Ang totoo, ang mga maginoong ito ang ginawang
kolektor ng mga tributo. Samakatuwid, namamayani ang interes pang-ekonomiya sa
pagsisikap na magtayo ng sariling cabecera sa Lilio. Pinatototohanan ito sa
katapusan ng naratibo ni Masolong. Dito nakalista mga pangalan at tiyak na
halagang ambag ng mga maginoo para matuloy ang presentasyon sa Maynila.

151

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
ANG NARATIBO AT DISKURSO NG MIGRASYON NG
MANGGAGAWANG FILIPINO SA BUHAY AT PAGBITAY KAY FLOR
CONTEMPLACION .

Tulad ng mga maginoo ng Nagcanlang, sa paglalakbay rin inihahanap ng


katuparan ang panlipunang mobilidad ni Flor Contemplacion—isang Overseas
Contract Worker (OCW), babae, ina—na nagtungo sa Singaporeupang maging
katulong. Si Flor nga rin pala ay kababayan ni Masolong, taga-Laguna. Isinapelikula
ang kaniyang buhay at pagkamatay sa The Flor Contemplacion Story.

Si Flor ay nabitay sa Singapore dahil sa bintang na pagpatay sa kaibigan


niyang si Delia Maga at sa alaga nitong bata. Sakop ng naratibo ng pelikula ang mga
pangyayari mula noong Pebrero 1995 nang mabalitaan ng pamilya ni Flor sa Laguna

PY
ang nalalapit na pagbitay, hanggangnang ilibing si Flor noong 26 Marso 1995.
Kinasangkapan ng pelikula ang kapangyarihan ng gunita ng mga pangunahing
tauhang kasangkot sa trahedya upang isalaysay ang madulang buhay ni Flor: ang
gunita ni Efren, Helen, Russel, Emilia Frenilla, Sandrex, Virginia Parumog; at ang
gunita mismo ni Flor na nakapaloob sa alaala ni Angie, na nakaibigan niya sa
kulungan. Ang mga gunitang ito ang naglahad ng sala-salabid na pangyayaring

O
magpapalalim sa pagkabatid natin sa buhay ni Flor. Bukod sa mga balik-tanaw na
ito, itinampok din sa mismong naratibo ng pelikula ang pagsangkot ng people’s
organization; ang pahiwatig ng pagpapabaya ng pamahalaan; ang lumbay at
C
pagdurusa ni Flor sa bilangguan; ang pakikiisa ng sambayan sa pamamagitan ng
rally, vigil, pagsunog sa bandila ng Singapore, pakikilamay, at pakikipaglibing.

Bilang isang true-to-life film na nagsasalaysay ng buhay ng isang historikal


D
na tauhan, naninimbang ang pelikulang ito sa kahingian na maging matingkad at
kapana-panabik samantalang nagiging matapat at makatotohanan sa realidad na
isinasapelikula. Ang totoo, gaano man kasinsero ang intensiyon ng manlilikha ng
E

pelikula ay hindi nito magagawang likhaing muli sa telon ang katotohanan sa buhay
ni Flor. Gaano man kasinop at kasinsin ang pagbungkal ng mga datos, produkto na
ito ng mga alaala, sabi, at dokumentong nilikha ng iba't ibang tao. Samakatuwid,
EP

hindi na natural at nyutral kundi produksiyon na rinng kamalayan ang mga datos.
Kung gayon, hindi na dapat suriin kung gaano katapat ang pelikula sa katotohanan
kundi kung ano ang katotohanang nililikha ng pelikula at kung paano nililikha ang
katotohanang ito.
D

Isa lamang ang pelikula ni Joel Lamangan sa tatlong pelikulang lumabas na


may kaugnayan sa buhay ni Flor. Ang dalawa pang iba ay ang OCW: Bagong
Bayani ni Tikoy Aguiluz at Victim No. I: Delia Maga, Jesus, Pray or Us! A Massacre
in Singapore ni Carlo Caparas. Ginamit ni Aguiluz ang pamamaraang dokumentaryo
na may posturang walang-kinikilingan sa pamamagitan ng pagsasadula ng dalawang
bersiyon ng pagkamatay ni Delia Marga at ng kaniyang alaga. Nakatuon naman ang
pelikula ni Caparas kay Delia Maga na itinampok bilang unang biktima. Isinadula rin
nito ang dalawang bersiyon sa pagkamatay ni Delia. May kani-kaniyang estratehiya
ang pelikula nina Aguiluz at Caparas upang papaniwalain ang manonood sa
isinasalaysay ng kanilang pelikula. Bukod rito, pareho nilang isinapelikula ang
dalawang bersiyon ng nangyari kay Flor. Gayunman, nagkakaisa ito sa paglalagay
ng pagdududa sa iginawad na hatol kay Flor.

152

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Sa pagsasadula ng dalawang bersiyon ng pangyayari sa pelikula nina
Aguiluz at Caparas, tumitingkad ang kapangahasan ng pelikula ni Lamangan na
nagtampok ng iisang bersiyon lamang ng trahedya. Nanindigan ang pelikula na
inosente si Flor, at si Delia naman ay pinatay ng kaniyang amo. Kasabay ng
pagpapawalang-sala ng pelikula kay Flor ay mariing kinondena ang gobyernong
Filipino at Singapore. Naging malaya man ang pelikula sa pagpili ng isang bersiyon
ng katotohanan, gumamit ito ng mga estratehiya--pagkuha sa tunay na kambal na
anak ni Flor para gumanap sa pelikula, pagkasangkapan sa gunita ng mga historikal
na tauhan—upang akitin ang manonood na paniwalaan ang napili nitong bersiyon ng
katotohanan. Ano nga ba ang diskurso ng pelikula na pinatatanggap sa bisa ng mga
kumbensiyong magkasabay na naghahatid ng kapanabikan at katotohanan?

Ang paglisan ni Flor sa San Pablo, Laguna ay pagpapasiyang binuo para

PY
humanap ng magandang kinabukasan para sa pamilya. Ngunit ang paglakbay ni Flor
ay hindi lamang bunga ng desisyong personal. Nakaangkas sa kaniyang
paglalakbay ang kasaysayan at diskurso ng migrasyon ng mga manggagawang
Filipino, gayundin ang mga politikal at ekonomikong interes ng mga bansang kapuwa
nagluluwas at tumatanggap ng lakas-paggawa.

O
Hindi na bago ang pangingibang-bayan ng mga Filipino para magtrabaho sa
ibang bansa. Kung pagtitiwalaan ang detalyadong pag-aaral ni Carlos Quirino
tungkol sa mga unang paglalayag, ang kauna-unahang tao na naglakbay sa buong
C
mundo ay hindi Portuges o Kastila, kundi isang Cebuano, ang alipin ni Magellan na
bininyagan niyang Enrique (Quirino 1989, 14-15). Si Enrique ang maituturing na
kauna-unahang migranteng manggagawang Filipino. Walapang 20 taong gulang si
Enrique nang matagpuan siya ni Magellan sa pamilihan ng alipin ng Malacca. Higit
D
na napakinabangan ni Magellan si Enrique bilang interpreter nang makarating sila sa
isla ng Limasawa. Naglayag sila patungong Cebu at namalagi roon sa loob ng
tatlong linggo hanggang sa salakayin nila ang isla ng Mactan kung saan nakasagupa
E

nila si Lapu-Lapu. Nasawi si Magellan, at humalili si Duarte Barbosa, ang kaniyang


bayaw. Inutusan nito si Enrique na hingin kay Humabon ang mamahaling bato na
ipinangakong ibibigay ng mga Cebuano sa Hari ng Espanya. Napag-isip ni Enrique
EP

ang masaklap na kinabukasang naghihintay sa kaniya sa Espanya, kaya kasama si


Raja Humabon, binalak nila ang isang pakana para lupigin ang mga Kastila at
makuha ang barko at mga gamit dito. Isang tanghalian ang inihanda ni Humabon at
dito pinaslang ang mga Kastila. Binanggit ni Quirino ang isa pang teorya na kaya
pinaslang ng mga Cebuano ang mga Kastila ay dahil ginahasa nito ang kababaihan
D

ng Cebu (Quirino 1989, 14-15).

Samakatuwid, hindi pa man nasasakop ng Espanya ang Filipinas, naka-


angkas na ang paglalakbay ng Filipino sa pang-ekonomiya at pampolitikang interes
ng makapangyarihang bansa. Ginamit nina Magellan at Barbosa ang kaalaman ni
Enrique sa wika upang mapadali ang pagsakop sa mga isla. Nang narito na ang mga
Kastila, ginamit naman ni Salcedo ang kaalaman sa kultura, ang kasanayan sa
paglalakbay, ang estado bilang maginoo nina Masolong at Tomalar upang mapadali
ang pagsakop sa mga bayan ng Laguna.

Nang sakupin naman ng Estados Unidos ang Filipinas noong 1898, madaling
nakapaglakbay ang mga Filipino patungong Amerika. Nagsimula ang malawakang

153

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
rekrutment ng mga manggagawang Filipino para sa mga plantasyon ng tubo at pinya
sa Hawaii nang pigilin ng Japan ang migrasyon ng mga Hapon patungong Estados
Unidos na pumigil sa suplay ng cheap labor mula Japan. Kumita ang mga Filipino
doon ng apat hanggang sampung ulit kompara sa laki ng kita nila sa Filipinas. Noong
dekada 1920, kinuha ng mga magsasaka sa California ang mga Filipino. Pagdating
ng dekada 1930, may 45,208 migranteng Filipino ang itinala sa census ngunit
tinatayang may 30,000 hanggang 100,000 Filipino ang nasa Estados Unidos
(Dinnerstein 1979, 217—19). Ang mahigpit na pangangailangan sa manggagawa ng
Estados Unidos ay bunga ng napakabilis na paglawak ng industriya noong
kalagitnaan ng siglo 19. Umunlad ang mga bagong industriya ng oil refining, iron at
steel. Lumawak din ang market sa ibayong dagat. Mulang 1880 hanggang 1930,
may 25 milyong migranteng manggagawa ang tumulong upang maisulong ang
industriyalisasyon ng Estados Unidos (ibid., 119--21).

PY
Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nangailangan namanng
lakas-paggawa ang Estados Unidos para sa konstruksiyon at rehabilitasyon ng mga
estasyong militar sa iba't ibang bahagi ng mundo. Nirekrut ang libo-libong Filipino na
ipinadala sa Guam, Okinawa, Wake Islands, Korea, at Vietnam (Baiara 1996, 14).
Mulang 1965 hanggang 1975, ang migrasyon ng mga Filipino ay lumago mulang

O
3,130 hanggang 31,751. Marami sa mga ito ay mga estudyante o middle class
professional. Kung marami sa mga manggagawang pumunta sa Estados Unidos
noong mga unang dekada ay mula sa sektor ng agrikultura, ang mga migrants
C
pagkaraan ng 1965 ay karaniwang mga skilled professional tulad ng mga doktor at
nars (Dinnerstein 1979, 258--59). Ito ang tinaguriang brain drain na yugto ng
migrasyon dahil marami sa nangibang-bayan para magtrabaho ay may mataas na
antas ng pinag aralan, kasanayan, at kaalaman.
D
Simula naman noong dekada 1970, naging malawakan at sistematiko ang
paglalakbay ng mga Filipino para magtrabaho sa ibang bansa, Sinamantala ni
E

Dating Pangulong Marcos ang umuunlad na konstruksiyon sa Gitnang Silangan na


bunga ng tumataas na pangangailangan sa langis. Tumutugon ito sa dalawang
pangunahing problema ng bansa: ang kawalan ng trabaho at papalaking utang
EP

panlabas (de Guzman 1996, 3). Noong 1996, may humigit-kumulang sa 6.4 milyong
Filipinong nagkalat sa 145 bansa sa Europa, Asya Pasipiko, at Aprika (ibid.).

Mula sa panahong ito, ang migrasyon ng manggagawang Filipino ay hindi na


lamang tumutugon sa pangangailangan ng mga bansang tumatanggap ng lakas-
D

paggawa kundi maging sa kondisyon ng paggawa sa Filipinas na sa huling


pagsusuri ay likha pa rin naman ng paglaki at lalo pang pagpapalaki ng kapital ng
mayayamang bansa tulad ng Estados Unidos. Samakatuwid, samantalang tila
nakatutulong sa ekonomiya ng mahihirap na bansa ang eksportasyon ng lakas-
paggawa, ang totoo, nirereprodyus lamang ng ganitong sitwasyon ang pananatili ng
di-pantay na pag-iral ng industriyalisadong bansa at mga bansang gumagapang
patungo sa landas ng industriyalisasyon at pag-unlad. Dahil ang pagluluwas ng
lakaspaggawa ay mastinitingnan bilang solusyon sa kawalang-trabaho at kahirapan
sa Filipinas, at hindi bilang patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng
mayayamang bansa, nagiging utang-na-loob pa ng mga Filipino ang
makapagtrabaho sila sa ibang bansa. Nagkakaroon tuloy ng dahilan upang baratin

154

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
sa sahod at ipagkait ang iba pang benepisyong nararapat sanang tanggapin ng
manggagawang Filipino.

Sa huling pagtutuos, biktima ng pagpapalago ng kapital ng mauunlad na


bansa at ng mayamang uri sa mahihirap na bansa ang migranteng manggagawa. Sa
konteksto ng mauunlad na bansa, kailangan nilang tumanggap ng migranteng
manggagawa dahil lumiliit ang kanilang aktibong domestikong lakas-paggawa.
Bunga ito ng mababang birth rate (resulta rin ito ng pag-unlad ng pamumuhay) at
pagtanda ng kabuuang populasyon. Mas nahihikayat din ang nakababatang
populasyon sa mga non-labor-intensive job. Kasabay nito, dumararni ang highly
technical at white collar na trabaho na mas umaakit sa kanila. Bunga nito, tumataas
naman ang demand sa migranteng manggagawa na nagmumula sa mga bansang
tulad ng Filipinas (Tigno 1996, 19).

PY
Sa konteksto naman ng mahihirap na bansa, tinutugunan ng pagluluwas ng
lakas-paggawa ang suliraning pinansiyal ng bansa. Mulang 1990 hanggang 1994,
nagpasok ang migranteng manggagawa ng 9,743 bilyong dolyar sa ekonomiya.
Noong 1995 lamang, 4.7 bilyong dolyar naman ang kontribusyon ng migranteng
manggagawa sa kaban ng bansa (Batara 1996, 12).Kinakatawan pa lamang nito ang

O
halagang pumapasok sa pamamagitan ng mga remittance na dumaraan sa mga
bangko. Kung isasama sa kwenta ang dumaraan sa impormal na tsanel tulad ng
pakikipagpadala at door-to-door, aabot sa 10 bilyong dolyar ang kontribusyon ng
C
migranteng manggagawa sa ekonomiya (de Guzman 1996, 4).

Sa katunayan, hindi pa man umaalis ang mga migranteng manggagawa ay


ginagatasan na sila ng gobyerno: processing fees, consular at passport fees, NBI
D
clearance at marami pang iba. Bukod dito, may kontribusyon pa ang bawat
migranteng manggagawa sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Tinatayang kumikita ang pamahalaan ng P14 milyon araw-araw mula sa
E

kontribusyong ito. Idagdag pa rito ang buwis na kanilang binayaran. Samantala,


nagbabayad ang migranteng Filipino ng mulang P18,000 hanggang P75,000
depende sa kanilang destinasyong bansa (Batara 1996, 12). Hindi lamang gobyerno
EP

ang kumikita kundi pati mga kapitalistang nagrerekrut ng manggagawa.

Samakatuwid, ang migrasyon ng manggagawang Filipino ay tugon kapuwa


sa pangangailangan ng lakas-paggawa ng mayayamang bansa at sa suliraning
pinansiyal ng mahihirap na bansa. Bukod dito, tinutugunan din nito ang problema sa
D

unemployment at underemployment na maaaring magdulot ng destabilisasyon sa


ekonomiya at gobyerno. Dahil marami ang nabibigyan ng trabaho sa ibang bansa,
nagkakaroon ng stabilizing effect sa nililisang bansa bunga ng pagpapahinahon sa
anumang ligalig na maaaring magmula sa isang di-kontentong populasyon.

Sa ganitong konteksto, nakapagtatakang ipalabas ang isang komersiyal na


pelikulang maituturing na salungat sa pagpapalago ng kapital lalo sa mayang bansa.
Subalit kung susuriin, walang dapat ipagtaka sa pelikulang Flor. Totoong
napatampok sa pelikula ang kapabayaan ng mga opisyal sa Embahada ng Filipinas
sa Singapore; hindi ito nakapagbigay ng mahusay na abogado kay Flor at hindi rin
sinubaybayan ang kaso. Inilarawan din ang di-makataong sistemang legal sa
militaristikong estado ng Singapore.Ito ang naging hatol ng pelikula sa kaso ni Flor:

155

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
nagpabaya ang gobyernong Filipino at naging mabangis ang gobyerno ng
Singapore. Kaya nang matuloy ang pagbitay kay Flor, tinanggal sa puwesto ang mga
opisyal sa embahada at pansamantalang itinigil ang pagpapadala sa Singapore ng
mga OCW. Samantala, sa ibang bansa na may mas makataong mga batas para sa
dayuhang manggagawa at may mga opisyal ng embahada ng Filipinas na higit na
nakatutupad ng kanilang tungkulin, patuloy lang ang pagkalakal sa manggagawang
Filipino.

Dahil sa nakapokus lamang kay Flor at sa karanasan niya sa Singapore,


pinakitid ng pelikula ang naratibo ng migranteng manggagawa. Kaya sa huling
pagsusuri, hindi talaga kinokontra ng pelikula sa paglalakbay ng mga Filipino para
magtrabaho sa ibang bansa. Bukod sa makitid na tanaw ng pelikula sa karanasan ng
mga OCW, may isa pang estratehiya upang hikayatin ang paglalakbay ng mga

PY
manggagawa. Ito ang pagtatampok kayFlor bilang huwaran——bilang bayani—tulad
ng taguring “bagong bayani” sa libo-libong migranteng manggagawa. Nagpakasakit
si Flor para sa kaniyang pamilya. Biktima siya ng pagpapabaya ng gobyerno, ng
panloloko ng asawa, ng inhustisya ng Singapore. Sa kabila nito, humantong siya sa
kulungan hanggang sa kaniyang kamatayan, at sa proseso’y naitanghal ang
kaniyang kabayanihan. Para sa karaniwang pamilyang Filipino, siya ang inang

O
handang magpakasakit para sa kaniyang mag-anak; para sa migranteng
manggagawa, siya ang katulong na huwaran ng tapang at lakas; para sa marami
pang ibang Filipino, siya ang kababayang patuloy pa ring inaapi ng mayayamang
C
bansa; at para sa estado, siya ang perpektong halimbawa ng bayaning handang
mag-alay ng buhay para sa pamilya at sa bayan.

Sa naratibo ni Juan Masolong, naakit maglakbay patungong Nagcanlang si


D
Gaspar Cahopa dahil binigyan siya ng titulong capitan bansal. Ang mga migranteng
manggagawa naman ngayon ay hinihikayat sa pamamagitan ng titulong bagong
bayani. At epektibong midyum ang pelikula upang isakatuparan ang pagiging bayani
E

ni Flor. Sa pelikula, itinampok ang madudulang bahagi sa buhay ni Flor: pagluha ng


inang nawalay sa asawa’t mga anak, pagkagapi sa malalamig na rehas ng
bilangguan, pagsasalikop ng mga kamay habang humihingi ng awa sa Maykapal.
EP

Bukod sa kuwento ng biktimasasyon sa Singapore, isisiwalat ng pelikula ang


kuwento ng biktimasasyon sa piling ng kaniyang asawang may kalaguyo. Tinutupad
ng pelikula ang kumbensiyon ng melodrama habang humihikayat ng simpatya para
kay Flor na dinuhagi sa loob at labas ng kaniyang bayan—biktima ng mga banyaga,
ng kapwa FIlipino, at kahit ng mahal niya sa buhay.
D

Hindi lamang ang kumbensiyon ng melodrama na ginamit sa pelikula ni Flor


ang kinasangkapan upang tanghalin siyang bayani. Ang buhay ni Flor ay inorganisa
ng buong wika at midyum ng pelikula—direksyon, sinematograpiya, disenyong
biswal at awral, editing, at pagganap. Nagtulong-tulong ang iba’t ibang aspekto at
taktika ng wika ng pelikula para itampok ang kabayanihan ni Flor. Tututok ang
kamera sa mga kamay ni Flor na bumabakas sa kamay ng mga anak sa salaming
pumapagitan sa kanila habang dumadaloy ang luha nilang mag-iina, tulad ng
pagtatampok ng madudulang buhay ni Kristo sa mga relieves, cuadros, at nitso.
Dadagundong ang mabibigat na tunog ng tarangkahan sa piitan, at aalingangaw ang
tagulaylay ng musikang nagtatahi-tahi sa malulungkot na eksena, gaya ng ingay ng
kampana at halina ng musika mula sa koro at organo. Paglalaruan din ang ilaw ng

156

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
kamera para itampok ang malupit na pagtortyur ng militar kay Flor at ang kalunos-
lunos na buhay niya sa bilangguan, kaparis ng paglalaro sa liwanag at dilim sa loob
ng simbahan upang itanghal ang misteryo at ringal nito. Sa katunayan, ang buong
wika ng pelikula ay nahahawig sa pagpapalamuti at arkitektura ng simbahan. Ang
pagtutugma ng mga imahen ng simbahan at pelikula ng buhay ni Flor ay
nagsasalikop sa MTV ng pelikulana paulit-ulit ipinalabas sa telebisyon at sa tuwing
magsisimula ang iskrining ng pelikula. SA MTV na ito, inawit ni Nora Aunor ang
theme song na Kahit Konting Awa sa loob ng Manila Cathedral na pinalungkot sa
paglalaro sa liwanag-dilim ng mga kandila samantalang isinisingit sa pag-awit ang
mga piling eksena sa pelikula.

Sa ganitong pagpapahalaga sa pagpapakabayani at paglalakbay, si Nora


Aunor, ang superstar ng pelikulang Filipino, ay magiging dakilang icon ng

PY
manlalakbay. Ituturing na penomenal ang taas-baba-taas-babang galaw ng kaniyang
buhay at sining. Susubaybayan ng mga tao ang mga kuwento tungkol sa 30 ulit na
pagpapalipat-lipat niya ng bahay. Susundan ang mga tsismis tungkol sa paglisan at
pagbabalik ng kaniyang mga anak sa kaniyang tahanan. Pagpapasa-pasahan ang
maalat na pagtitinda niya ng tubig sa riles ng tren sa Bicol. Sasamahan siya ng
kaniyang mga tagasuporta sa mga martsa at kampanya sa politika. Dadakilain ang

O
paglalakbay niya sa iba’t ibang larang ng sining ng musika, teatro, at pelikula.

Ayon sa datos ng Philippine Overseas Employment Authority (POEA), ang


C
average buwanang sahod ng mga domestic helper o DH nang nasa Singapore pa si
Flor noong 1994 ay ayon sa sumusunod: Hong Kong, P12,631; Taiwan, P14,526;
Japan, P26,039; Singapore, P3,254-5,207; Malaysia, P3,905-5,207; Italy, P26,039;
Canada, P20,831; USA, P13,019 pataas;Middle East, P3,905-5,207 (Rimban 1995,
D
38). Kung papaniwalaan ang mga datos na ito at iisiping tumatanggap lamang si Flor
ng P3354-5,207 bawat buwan, hindi naman pala pambihira ang biyayang ekonomiko
na ipinapangako ng trabaho sa Singapore. Kung gayon, ang pagpipilit ni Flor at
E

marami pangkatulad niya na manilbihan sa ibang bansa ay maaaring hindi na bunga


ngpraktikal na dahilang kumita nang malaki kundi bisa na ng mga diskursong
nakapaloob sa pelikula ni Flor, sa MTV ng pelikula, at sa buhay ni Nora Aunor.
EP

Ang pagbibigay ng politikal at ekonomikong pribilehiyo at ang reduccion ay


mga halimbawa rig mga praktika at institusyong pumuwersa sa mobilidad ng
taumbayan sa panahon rig mga Kastila. Lantad, kung minsa’y marahas pa nga ang
mga praktika at institusyong ito dahil siyang inaasahan sa isang panahon ng
D

pananakop. Ngunit sa panahong nagdeklara na ng kalayaan ang mga dating


kolonya at tila may sari-sariling pasiya na saepag-ugit ng kani-kaniyang politikal at
ekonomikong tadhana, ang mga taktika para itulak ang mga tao na maglakbay ay
nakaangkas na sa mga estratehiyang lumilikha sa mga tao bilang suheto.

Ang paglalakbay halimbawa ni Flor putungong Singapore ay hindi na bunga


ng pamumuwersa ng gobyerno ng Filipinas o ng Singapore. Tila sariling pasiya niya
ang lisanin ang San Pablo at maging DH sa ibang bansa.Ngunit hindi rin naman
totoo na ang “sarili" na nagpasiya rito ay hiwalay sa mga puwersa at diskursong
panlipunan. Sa kaso ni Flor, gusto niyang bigyan ng magandang kinabukasan ang
kaniyang mga anak. Ang pasiya niya, samakatuwid, na magpaalipin sa ibang bansa
ay bisa na ng panlipunang paglikha sa kaniya bilang babae, ina, anak, asawa at bisa

157

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
na rin ng paniniwala na sa paglalakbay mahahanap ang katuparan ng mga
pangarap.

Ang Pagsiksik at Paggitgit ng Diskurso ng Paglalakbay sa MRT

Ang diskurso ng paglalakbay nina Masolong at Contemplacion ay isinisiksik


na rin sa pang-araw-araw na gawain tulad ng karaniwang paglalakbay. Ang diskurso
ng paglalakbay nina Masolong at Contemplacion ay nakasakay na rin sa diskurso ng
MRT.

Ang EDSA MRT III ang tinaguriang Showcase of the Philippine Modem Mass
Transportation. Isa itong 16.8 kilometrong sistema ng transportasyon na bahagi ng

PY
network ng magkakarugtong na mass rail transit lines na itatayo sa Metro Manila.
Ibinabandila itong solusyon sa trapikong nililikha ng 2.3 milyong komyuter na
dumaraan sa EDSA araw-araw, gayundin sa polusyon sa mga pangunahing
lansangan ng Metro Manila. Magsisimula ito sa North Avenue Quezon City
hanggangsa TaftAvenue, Pasay City. Mayroon itong 13 estasyon (MRT Primer 1997,
1).

O
Ang MRT III ay itinatayo ng isang consortium, ng malalaking FiIipinong
korporasyon. Kilala bilang Metro Transit Corporation, binubuo ito ng mga
C
sumusunod: Fil-Estate Management, Inc; Ayala Land, Inc. Anglo-Philippine Oil and
Mining, Corp; Ramcar, Inc.; Unilab Group of Companies; Allante Realty and
Development, Inc.; at DBH Investment Company. Ang mismong konstruksiyon ay
isasagawa ng Sumimoto Corporation at Mitsubishi Heavy Industries, Inc. (ibid., 2).
D
Hindi nakapagtataka kung maraming korporasyong nagkainteres na
sumosyong magtayo at magpatakbo ng MRT III. Sa dami ng mga komyuter na
E

dumadaan sa EDSA araw-araw at sa pangangailangang bumiyahe sa mga


lansangang nag-uugnay sa mga pook residensiyal at pangnegosyo, malaking salapi
ang nakataya sa pagtatayo ng MRT III.
EP

Ang totoo, marami nang ibang kompanyang kahit walang karanasan sa


pagtatayo ng mga impraestrukturang pantransportasyon ang sumusugal sa ganitong
negosyo. Tulad halimbawa ng pagtatangka ng Benpres at First Philippine Holdings
Corporation na manguna sa rehabilitasyon ng North Luzon Expressway, ang sira-
D

sirang haywey na nag-uugnay sa Maynila at Central Luzon. Ang Benpres at First


Philippine Holdings Corporation ay kapuwa pag-aari ng mga Lopez, na siya ring may
hawak ng ABS-CBN at Meralco. Ano nga ba ang pakinabang na makukuha ng
kompanyang mangunguna sa rehabilitasyon ng expressway? Tataasan ang toll rates
ng 900 porsiyento na tinatayang mag-aakyat ng 585 bilyong pisong revenue sa
susunod na 25 taon. Para sa mga kompanya ng Lopez, ang kontrol sa North Luzon
Expressway ay nangangahulugan ng kontrol sa mga negosyo at komersiyong
kakabit nito. Magkakaroon din sila ng right of way para sa kanilang mga linya ng
telepono, tubig, koryente, at iba pangtransmission line: (Coronel 1996, 322-35).

Sa MRT III, mapapansing ang mga korporasyong nagkainteres na lumahok


sa konstruksiyon nito ay mga korporasyong kasangkot sa industriya ng sasakyan at

158

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
development ng lupa. Tiyak na malaki ang kikitain ng consortium mula sa 600,000
hanggang isang milyong pasaherong kaya nitong ilulan araw-araw. Malaki rin ang
pakinabang nila sa mga negosyo, lalo na ang mga mall, na itatayong kasabay ng
MRT. Para sa mga korporasyong kasama sa consortium na may kaalaman sa
paggawa ng mga sasakyan,ang MRT III ay estratehiya para makalikha ng
espasyong gagalawan ng mas marami nitong ibebentang sasakyan. Para naman sa
mga korporasyong kasama sa consortium na may kinalaman sa pagdevelop ng lupa,
ang MRT ang maghahatid ng publiko sa iba’t ibang real estate venture nila. Ang
interes ng mga Lopez na pumasok sa larangang ito ang siya ring interes na
namamayani sa mga korporasyong sangkot sa pagtatayo rig MRT.

Ngunit hindi lamang sa ganitong tuwirang paraan nagiging kasangkapan ng


kapital ang pagtatayo rig MRT III. Sa simbolikong antas, lumilikha ang kapital ng

PY
representasyon na sumasabay sa pamamayani nito, tulad ng paglikha ng
koloyalismong Espanyol ng representasyon sa katatagan at kalakihan ng simbahan.
Ayon nga sa primer, ang MRT “responds to the clamor for a more permanent
solution to the traffic problem, and for an efficient, reliable and comfortable rail-based
transit system” (MRT Primer 1997, 1). lpinapangakong aabot lamang ng 30 minuto
ang biyahe mulang North Avenue sa Quezon City hanggang Taft Avenue sa Pasay

O
City na sa kasalukuyan ay tumatagal nang dalawang oras kapag kasagsagan ng
trapiko sa mga pangunahing lansangan. Ang mga tren ng MRT ay patatakbuhin na
elektrisidad kaya hindi ito maglalabas ng mga pollutant na karaniwang nagmumula
C
sa diesel at makinang pinaaandar ng gasolina. Sinasabi sa pag-aaral ng Asian
Development Bank na kapag nagsimula na ang operasyon ng MRT, mababawasan
nang 50 porsiyento ang polusyon sa EDSA. Sa peak hours, ang interval ng tren ay
2% minuto. Maglalagay rin ng escalator at elevator (isang pagsulong kompara sa
D
LRT sa Monumento-Baclaran) sa mga pangunahing estasyon (ibid., 4). Ang ganitong
pangako ng MRT ay umaayon sa pangako ng development, teknolohikong
pagsulong, at modernisasyon sa panahon ng globalisasyon.
E

Bukod dito, inoorganisa rin ng kapital ang espasyo ayon sa imahen nito sa
pamamagitan ng MRT. Natatangi sa MRT bilang land-based transport system ang
EP

angat at taas nito sa lupa. Ang LRT sa Monumento-Baclaran ay nakatayo sa 14.27


ft. vertical clearance. Mas mataas ang vertical clearance sa MRT III dahil nakatayo
ito sa mas mahaba at mas malapad na lansangan. Ang vertical clearance na ito ang
magbibigay sa mga pasahero ng aerial perspective gaya ng mararanasan kapag
dumaraan ang mga sasakyan sa mga flyover na naging monumento ng
D

administrasyong Aquino. Ngunit kaiba sa mga flyover na nakatindig lamang sa mga


pangunahing interchange, mas regular at tuloy-tuloy ang taas ng MRT na nagbibigay
ng mas konsistent na aerial perspective.

Ano ang bisa ng ganitong aerial perspective? Hindi pa tapos ang MRT sa
EDSA. Ngunit madali nang danasin ng mata ang inaasahang mararanasan sa
pagsakay sa MRT kung tatayo ka sa isang overpass sa EDSA. Makikita mula sa
level na ito ang mga bubong ng malalaking bahay, facade ng mga dambuhalang
department store, iba’t ibang estilo at taas ng mga high rise building—mga simbolo
ng umuunlad at masiglang ekonomiya. Hindi lamang ito. Tatambad din sa paningin
ang mga billboard ng iba't ibang produkto ng mga korporasyong multinasyonal at
transnasyonal. Hindi katulad ng kapag nasa kotse o bus na titingala pa, ang

159

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
pagsakay sa MRT ay magbibigay ng mas komportableng anggulo para makita ng
ganitong mga tanawin.

Sa katunayan, isang bagong teknolohiya na naman ang ipinakilala.


Tinagurian itong Channel Big o Mr. Big, ang telebisyon para sa mga komyuter ng
EDSA at itinuturing na pinakamalaking outdoor electronic billboard sa Asya ngayon.
Nasa tuktok ito ng Robinson's Apartelle. Mayroon pang tig-isangnakatayo sa
Megamall at Quad, Isa itlong dambuhalang outdoor television na may sukat na
11,757 square inches at nagkakahalagang P200 milyong piso. May malalaki at
complex cathode ray tubes at light sensors ito na nagbibigay ng “sharp and crisp full
color images” at awtomatikong nag-aadjust ng picture resolution kaya malinaw,
matalas, makulay na makikita ang mga imahen, araw man o gabi. Rumerehistro sa
iskrin nito ang regular product advertisements, weather report, dollar pesorates,

PY
music video, movie trailers, health tips, time checks, trafic situationer, monitoring
tips,stock results, headline news mulang 6 AM hanggang 10 PM (Channel Big
Advertisement). Tinutupad samakatuwid nito ang mga tungkulin ng campanario sa
panahon ni Masolong. Sa magkasamang pagbibigay ng mga public service message
at pangongomersiyo ng iba't ibang produkto, umaalingawngaw rin dito ang motibo sa
konstruksiyon mismo ng MRT: tugon diumano sa suliranin ng trapiko ngunit ang

O
totoo’y pangongomersiyo.

Hindi dito natatapos ang papel ng MRT sa organisasyon ng espasyo para


C
itampok ang kapital. Lumilikha ang MRT ng network sa mga establisimyentong
komersiyal, partikular na sa mga mall, sa dalawang paraan. Una, iniuugnay nito ang
mga residensiyal na lugar sa mga establisado nang komersiyal na lugar. Nakasaad
nga sa primer ng MRT: “Business and commercial establishments will become more
D
accessible; shopping centers will also benefit tremendously since it will be easier for
suburb dwellers to go to the malls” (MRT Primer 1997, 4). Ikalawa, ang
konstruksiyon ng MRT ay nagiging dahilan para magtayo pa ng mas maraming
E

establisimyentong komersiyal. Muli, sa primer ng MRT, tinitiyak nito sa mga


komyuter na magiging komportable at konbenyente ang pagbibiyahe nila: “Waiting at
the stations will not be an ordeal since most stations will have view decks and
EP

commercial establishments such as eateries and convenience stores" (ibid., 4). Ang
totoo, ang itinatayong establisimyentong komersiyal lalo sa mga pangunahing
estasyon ay higit pa sa mga kainan at tindahan kundi malalaki ring department store.

Ngayon pa lamang ay lantad na ang kontradiksiyon sa ipinamamaraling


D

comfort at convenience ng publiko laban sa ekonomikong interes ng mga kapitalista.


Sa realidad, pangunahing konsiderasyon naman talaga ang pagtatayo ng mga
establisimyentong komersiyal. Makikita ito halimbawa sa pagpili ng pagtatayuan ng
mga estasyon. Inaanunsiyo ng MRTC na magkakaroon ng estasyon sa Ortigas at
Kamuning. Sa katunayan pala, ang Ortigas Station ay itatayo sa harap ng ADB
parking lot, kalahating kilometro ang layo sa kanto ng Ortigas. Ang estasyon ng
Kamuning ay nasa tapat ng Channel 7. Mahigit kalahating kilometro ang layo sa
Kumuning. Taliwas ito sa rekomendasyon na itayo ang estasyon sa mga
pangunahing interseksiyon para maging komportable sa mga tao. Iyon pala, sa mga
pagtatayuan ng estasyon, may mas malalaking espasyo rito na maaaring
pagtindigan ng mga mall na mapagnenegosyohan ng consortium. Sa katunayan,
kung sasakay ngayon sa nakatayong LRT, ang puno at dulong estasyon nito ay mall.

160

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Walang kawala dahil ang bababaan mula sa LRT ay ekstensiyon na ng malalaking
pamilihan. Pinaplano na ng kapital ang paroronan ng mga tao tulad ng ginawang
plano ng mga mananakop na Kastila na nagmapa ng mga daan sa loob ng
reduccion patungong plaza at simbahan. Umaalingawngaw rito ang salawikain
tungkol sa prusisyon: Pagkahaba-haba man daw ng biyahe, sa mall din ang tuloy.

Tingnan na lamang halimbawa ang SM Megamall na lumilikha ng buhol-


buhol na trapiko kapag nagdeklara ng Midnight Sale. Makikita rito ang sinkular na
lohika ng pagtatayo ng MRT at trapiko. Itinayo ang MRT upang lutasin ang problema
sa trapiko, na sa isang banda ay nililikha rin ng mga mall, upang sa bandang huli’y
maging dahilan ng pagtatayo ng mas marami pang mall na maaaring pagmulan ng
mas matindi pang problema sa trapiko. "

PY
Ang SM Megamall ay dambuhalang rektanggulong estruktura, tulad ng nave
ng simbahan, na may anim na palapag, isang development sa tatlong level na
fachada ng simbahan. Binubuo talaga ito ng dalawang malaking gusali ngunit dahil
magkalapit naman, mula sa labas, halos iisang dambuhalang estruktura lamang ito.
Sa loob, nilalaro ang paggamit ng mga ilaw. Sa mismong department store ng SM,
ang liwanag ay galing lamang sa mga puting ilaw. May kadiliman at higit na

O
mapaglaro sa mga kulay ng liwanag sa maliliit at specialty shops at restaurants. Sa
basement, karaniwan naman ang orange at red neonbulbs bukod sa puting liwanag.
Naroon pa rin ang paglalaro ng liwanag katulad sa simbahan ngunit sa halip na
C
candeleros, faroles, at aranas, ang gamit ngayon ay skylight, puting ilaw, at iba-
ibang kulay ngbombilya.

Ang anim na palapag ng Megamall na iniugnay sa fachada ng simbahan at


D
ang paglalaro ng ilaw sa dalawang estruktura ay simula lamang ng mga
paralelismong makikita sa simbahan at sa mall bilang makabagong simbahan.
Maikokompara ang maliliit na billboard na tinutumpakan ng larawan ng artista at
E

advertising model: sa mga retablo at pigura ng santo pakalunayan, ang pagsasabit


ng sampagita o paghawak o paghipo ay kapuwa ginagawa sa mga santo at mga
artista. Sa simbahan noon, lumilikha ngmga pagdiriwang ang mga pari upang sa
EP

tuwi-tuwina’y bumisita rito ang taumbayan. Sa mall, paminsan-minsan ding


nagdedeklara ng Midnight Sale na humihikayat sa mga konsyumer o miron na
makipagsiksikan. Sa simbahan noon, pinamamangha ang mga tao ng magagarbo at
mamahaling ornamentales at iba pang kagamitang pansimbahan. Sa mall, hindi
nauubos ang pagdagsa ng mga produktong lalasing sa mga pandama. Marami pang
D

makikitang pagkakatulad ang isang malikhaing imahinasyon. Wari'y may ganap nang
pagtatagpo ang dalawang institusyong ito kapag itinampok ang kasalukuyang
penomenon ng, pagdaraos ng misa sa loob ng mall.

Samantala, naipaliwanag na rin sa simula kung paanong ang simbahan sa


panahon ng kolonyalismong Espanyol ay nagiging mall na rin tuwing may
mahahalagang okasyon ang simbahan dahil sa prusisyon, pagtatanghal ng
masasayang musika, putukan, palaro, bazaar, inuman, sabong, at iba pa. Wala
pala halos pagkakaiba ang mall at simbahan.

Nakatakda ang iba’t ibang pangalan, gawain at shops sa bawat palapag: ang
basement ay tinawag na “festival” at naroon ang video arcade, fast-food, repair

161

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
shops,package delivery, skating comfort room; ang ground level ay ang “gardens” na
kinaroroonan ng supermarket, bakery, National Bookstore, workshop, Benetton,
Giordano, optical shop, record bar; ang 2nd level ay ang “colonnade” at naroon ang
Cinderella, Guess, ATM, Island Spice, shoeshop; ang 3rd level ay tinaguriang
“silverscreen” at “boulevard” na kinalalagyan ng cinema, computers, audio and
videos, boutique; ang 4th level ay ang “promenade” na may art walk, fine dining,
furniture, antiques, specialty bookstore; at ang 5th level ay ang “summit” na
kinaroroonan ng megatrade hall, parlor, telecommunications, spa.

Mahihiwatigan sa pagsasalansan ng mga tindahan, produkto, at serbisyo ang


makauring organisasyon ng espasyo, na nakapagpapaalaala sa maka-uring
partisyon din sa simbahan. Sa ibabang bahagi ng mall matatagpuan ang karaniwan,
pangmasa, pang-araw-araw. Sa itaas matatagpuan ang mga bagay na nakaugnay

PY
sa kasaganaan, high culture, class (Tuble 1993, 15). Kailangang maglakbay paitaas
gumamit ng escalator upang makakita ng maganda at marangya. Ngunit higit pa sa
pagsakay ng escalator, ang totoong kailangan ay ang panlipunang mobilidad upang
ganap na madanas at makamit ang biyaya ng summit. Ang panlipunang mobilidad
na ito ay matatamo lamang kung maglalakbay sa ibang bansa kung saan
ipinapangakong matutupad ang pangarap na umakyat sa antas ng lipunan.

O
Isang nagsasariling mundo ang mall. Taglay nito ang iba't ibang paninda,
estilo, aktibidad—may pluralismo at eklektisismo. Ngunit gaya ng ipinapaalaala sa
C
organisasyon nito ng espasyo, plural at eklektik lamang ito sa may salapi. Dito
pumapasok ang papel ng mall sa diskurso ng paglalakbay: upang maranasan ang
ganap na sayang dulot ng pluralismo at eklektisismo, kailangang magkaroon ng
panlipunang mobilidad na matutupad sa pamamagitan ng paglalakbay.
D
Bagaman kapital ang namamayani sa teksto ng MRT, hindi ito ang
pumeprenteng motibo sa pagtatayo nito. Sa paglalakbay ng migranteng
E

manggagawa, nagiging utang-na-loob pa nila ang magpaalipin sa ibang bansa


samatalang itinataguyod nila ang estado at kapitalista. Gayundin sa MRT, nagiging
utang-na-loob pa ng publiko ang pagtatayo nito samantalang kapital pa rin ang
EP

pinamamayani nito. Ang lohika ng pagtatayo ng MRT ay nakabatay sa obserbasyong


masikip ang mga lansangan sa kalungsuran samantalang kulang pa rin ang mga
sasakyang pampubliko. Dahil dito, maalala ang problema sa trapiko. Ngunit ang
suliranin sa trapiko ay hindi lamang usapin ng sikip ng lansangan at dami ng
sasakyan. Usapin ito ng konsentrasyon ng mga tao sa iisang lugar dahil sa kawalan
D

ng oportunidad sa ibang lugar—ang siya ring dahilan ng pagtatrabaho ni Flor sa


ibang bansa at ang pangangailangang magtayo ng MRT. Samakatuwid, ang
pamamayani ng kapital sa kalakarang global ang, sa huling pagtutuos, siyang
nagdudulot ng suliranin na pinipilit lutasin ng mga hungkag na lunas na lalo lamang
magpapatatag ng ganitong kapital at kalakaran.

Tumutulong din ang MRT sa pagsugpo sa mga antagonistikong tendensiya


sa lipunan, gaya rin ng ginagawa ng paglalakbay ng migranteng manggagawa. Kung
sa panahon ng pananakop ng Kastila, mas gumagamit ng puwersa para sugpuin
ang posibleng antagonismong panlipunan sa pamamagitan ng mga institusyon ng
kolonyalismo, sa panahon ng globalisasyon, ang mga estratehiya ay hindi
mahahalata at hindi lantad. Ang konstruksiyon ng MRT Ill ay nagkakabisa sa

162

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
impresyong may ginagawa ang pamahalaansa suliranin ng mga mamamayan. Kahit
nakalilikha ito ng pambihirang trapiko sa Kamaynilaan lalo sa EDSA habang itinatayo
ito, kahit paano’y nagiging maluwag ang pagtanggap dito dahil nakikitang
sinosolusyonan ang problema ng publiko. Ang dating na ito ang gumagabay sa
edifice complex ng mga Marcos sa pagtatayo nito ng samu’t saring edipisyo, ni Cory
sa pagtatayo ng flyover, at ni Ramos sa pagtatayo naman ng MRT. Ang mga
edipisyong ito ang tila nagiging pamana ng bawat administrasyon at kongkretong
manipestasyon na may ginawa ang pamahalaan upang mapaginhawa ang buhay ng
mamamayan.

Ang organisasyon ng espasyo sa MRT ay tumutulong sa pagsugpo ng


antagoniskong tendensiya sa isa pang paraan. Ang taas ng MRT ay lumilikha ng
aerial perspective na nagbibigay distansiya sa realidad na nasa ibaba kung saan

PY
mas lantad ang kontradiksiyon ng kapitalismo—mga pulubi sa kalye, batang
lansangan, taong grasa, puta. Ngunit para sa mga pasahero ng MRT, na karaniwa’y
ang masa na siyang mas sensitibo sa mga kontradiksiyong panlipunang ito,
maglalaho na sa kanilang masid at danas ang ganitong mga kontradiksiyon. Ang
taas ng flyover, LRT, MRT, at malls ay nagtatanghal sa ipinamamaraling
kasaganaan at kaunlaran samantalang nagkukubli naman sa tunay at mararahas na

O
epekto ng globalisasyon na mas maoobserbahan at mararanasan sa ibaba.
C
PAGBAKLAS SA DISKURSO NG PAGLALAKBAY: KUNG BAKIT WALA SA NUNAL
ANG HILIG MGA FILIPINONG MAGLAKBAY

Mula sa panahon ng kolonyalismo hanggang sa panahon ng globalisasyon,


D
ang paglalakbay ay naging mahalagang bahagi ng pagpapatatag ng pang-
ekonomiya at pampolitikang kapangyarihan. Kung sa panahon ng kolonyalismo,
nakaugnay ang diskurso ng paglalakbay sa mararahas na aparato ng pananakop, sa
E

panahon ng globalisasyon ay sumisingit at gumigitgit ito sa pang-araw-araw na takbo


ng buhay. Ang mga estratehiya ng pagpapairal ng kapangyarihan ay wala lamang sa
pang-ekonomiya at pampolitikang larangan kundi nasa kultura. Kaya kailangan ang
EP

pagsusuri at pagsisiwalat ng diskurso sa mga pang-araw-araw na gawi at praktis


tulad ng paglalakbay. Bahagi ng hinuhugis na kultura ang kasabihan na ang hilig ng
mga Filipino na maglakbay ay nasa kaniyang nunal sa talampakan. Pinatutunayan
ng pagsusuri na hindi ito usapin ng nunal kundi usapin ng kapangyarihan.
D

Dapat tumuklas ng ibang landas tungo sa paglaya. May isa pang paglalakbay
na makikita sa salaysay ni Masolong na hindi natalakay. Ito ang paglalakbay ni
Mandaquilao sa Burnay kung saan niya nabili ang de cadma na ginamit niya sa
pakikipaglaban sa mga mananakop na Kastila. Mahirap uriin ang paglalakbay na ito
dahil tila hindi ito sakop ng naratibo ni Masolong at ng pananakop. Ang landas ng
ganitong paglalakbay ang dapat pang tuklasin. Si Mandaquilao ang sumunod sa
mga bayani ng epikong bayan na hindi napaloob sa diskurso ng mga mananakop.

Ang paglalakbay rig Filipino ay hindi usapin ng nunal kundi ng pagpa pairal
ng kapangyarihan at paghamon dito sa iba’t ibang panahon ng pananakop at
pakikipaglaban.

163

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Mga Tala

1. Nirebisang bersiyon rig artikulong inilathala sa Lagda 1, Opisyal na journal ng


Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Unibersidad ng Pilipinas
Diliman, 1999, mga pahina 145-74.

2. Ang naratibo ni Juan Masolong ay isinalin at binigyang anotasyun nina Carlos


Quirino at Mauro Garcia. Ipinaliwanag nila na ang sulat-kamay na manuskrito
ng naratibo ni Masolong ay galing sa pamangkin ng yumaong si Antonio
Graino, ang bibliophile ng Madrid. Ang manuskrito ay 32 pahina sa papel
Catalan at itinala ng tatlong iba't ibang sulat-kamay. Ayon daw kay Dr.
Trinidad Pardo de Tavera, ang ganitong mga naratibu tungkol sa kasaysayan
ng kanilang bayan at palaangkanan (genealogy) ng mga unang nanirahan sa

PY
bayang ito ay pangkaraniwan sa maraming bahagi ng Filipinas hanggang sa
pagtatapos ng pananakop ng Kastila. Noong 1908, nakakuha rin si Tavera ng
isang sulat-kamay na manuskrito na katulad sa manuskrilo nina Quirino.
Nanggaling naman ito sa isang Buenaventura Dimaguila. Tinataya nina
Quirino at Tavera na ang manuskrito ay mga kopya ng orihinal na
dokumento. Ipinapalagay rin na ang manuskrito nina Quirino ay ginawa sa

O
mga unang dekada ng siglo 18, ayon na rin sa pagpapatotoong pinirmahan ni
Alejandro Nuestro del Rosario, apo na talampakan (great great grandson) ng
orihinal na awtor. Sa pagsusuri ng sulat-kamay, tinta, papel, at ortograpiya ng
C
Tagalog na ginamit, naniniwala rin sina Quirino na ang manuskrito ay nabuo
noong siglo 18. Aug unang labintatlo't kalahating pahina lamang ang isinalin
dahil ito ang tuwirang nagsasalaysay sapagkakatatag ng bayan ng Lilio. Ang
mga sumunod na pahina ay salaysay tungkol sa Lilio pagkaraan ng 1658
D
(Quirino at Garcia 1958, 13-49).

3. Pagbubuod ng awtor sa naratibo ng Juan Masolong:


E

Nang dumating ang mga Kastila sa Maynila, tumungo sa Ba-I, isang


Francisco Orquin ang nagpapunta kina Masalong, dalawampung taon noon,
kasama si Lacangolo, isang maginoo ng Ba-I, para salubungin ang mga
EP

Kastila. Sa Ba-I, bininyagan siya at pinangalanang Juan Masolong. Si


Masolong ay panganay na anak ni Tayao, na panganay namang anak ni Gat
Apy. Sila, kasama ng mga kapatid at alipin ang kauna-unahang naghawan ng
bayan ng Lilio.
D

Pagkaraan ng talong araw, pinauwi si Masolong ng Maestre de


Campo na si Don Juan Salcedo. Inutos din nitong tipunin ang mga
kababayan upang salubungin ang mga Kastila. Nang dumating si Masolong
sa Lilio, tinipon nga niya ang kaniyang ama, kapatid, at iba pang kamag-anak
na umabot sa tatlumpung lalaki. Iniwan nila ang kanilang mga asawa sa
bukid.

Nang dumating ang mga Kastila sa Nagcanlang, nakarinig ang mga


tao ng putukan kaya't nagkuta sila sa talahiban. Isang maginoo,
siMandaquilao, ang may baril na de Cadma na nabili sa Burnay. Lumaban
siya sa mga Kastila ngunit napatay siya ng mga ito. Tumakas patungong San

164

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Lucas ang mga kasamahan niya. Binihag ng mga Kastila ang isang lalaking
piyohin na dinala nila sa Lilio.

Dumating ang limang Kastila sa Lilio. Kasama nila ang 30


Sogbojanin. Sinalubong sila ng mga tao. Kinaumagahan, lumusong ang
mga Kastila sa tubig. Nakita nila doon ang mga lic-hang inaaring larawan
ng mga tao sa una, pinagbabaril bago sinunog ng mga Kastila. Binigyan ni
Salceda ng isang krus na tumbaga si Masolong at sinabing ingatan at
siyang gamiting sandata. Ipinagbilin muli na tipunin ang mga tao at huwag
matakot kung dumating ang mga pari na magbibinyag sa lahat. Ipinakaon
ni Salcedo sa piyohing bihag si Tamalar, ang pinuno sa Nagcanlang. Nang
dumating sa Lilio, hiniling ni Tayao na patawarin si Tomalar. Pinatawad
naman siya ni Salcedo at pinatipon din nito ang mga tao para magpabinyag

PY
kung dumating ang mga pari.

Lumakad ang mga Kastila patungong Mahayhay, kasama ang mga


Sagbojanin, si Masolong, at si Coyamin. Malalim-lalim pa ang madaling-
araw nang pumasok sila sa Mahayhay. Narinig ang ingay ng baril at tambor
sa kanilang pagpasok kaya nagtakbuhan ang mga tao. Nang magliwanag,

O
pinauwi ni Salcedo sina Masolong at Coyamin. Dinatnan nila sa bahay ni
Tayao ang mga maginoo: si Bansalan, taga-Ilaya, si Homanda, taga-
Munting Lilio; si Mandiig taga-Oplis. Nag-usap-usap sila, tinipon ang
C
kanilang mga kababayan, at pinagpisan ang apat na bayan para mabuo
ang Malaking Lilio. Pinamunuan ito ni Masalong.

Dumating ang mga padreng buhat sa Espanya makalipas ang ilang


D
taon. Bininyagan ang mga taga-Lilio at Nagcanlang. Nagsimula na
angpaglaganap ng sakramento ng binyag at iba pang aral ng Diyos.
E

Bagaman naging Kristiyano na ang lahat ng mga taga-Lilio, wala pa


ring padreng nanahan dito. Sa Nagcanlang nagsisimba, nagkukumpisal,
naglilibing ang mga tao. Nang maging guwardan sa Nagcanlang si Padre
EP

San Diego Aponte, at nang dumating ang hukom na si Don ]uan Banol,
ipinatawag ng hukom si Masalong upang gawing Kapitan Bansal ng
Nagcanlang. Hindi maiiwan ni Masalong ang Lilio. Sa halip, iniharap niya
para maging Kapitan Bansal ang kaniyang pamangkin, si Don Gaspar
Cahopa. Dahil mabait at sumusunod sa anumang utos ng Diyos, tinanggap
D

siya ng Hukom. Iyon ang kauna-unahang paghahalal ng Kapitan Bansal na


Tagalog sa hukuman ng Ba-i.

Matapos ang ilang taong pagsisimba ng mga taga-Lilio sa


Nagcanlang, minaralita nila ang layo ng sisimbahan. Nag-usap ang lahat ng
maginoo at dumulog sa padre probinsiyal upang mabigyan ang Lilio ang
sariling padre. Ibinigay ng padre probinsyal si Padre Miguel de San Lucas.
Mula noon, dumami ang mga tao at dumami rin ang natutong sumulat at
kumanta ngpapuri sa Diyos. Nang si Padre Pedro de los Santos ang
guwardan ng Lilio, pinaalis ito ng padre probinsiyal at pinauwi ang mga tao sa
Lilia patungo sa Nagcanlang buhat ang kanilang mga bahay. Naunang

165

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
sumunod sa utos sina Don Gaspar Cahopa, Don Diego Labonin, at Don
Gonzalo Mamili, mga maginoo.

Gumawa ng paraan si Tayao at ang kaniyang mga kapatid upang


pangalagaan ang Iupang minana nila kay Gat Apy. Nagpisan ang mga
pinuna at gumayak ang ilang maginoo para makipag-usap sa Gobernador at
Audiencia Real sa Maynila. Labinlimang piso ang ginasta: sampung piso nito
ang galing kay Masolong, limang piso mula kay Don Benito Capono. Bukod
pa rito ang ibang gastusin sa presentasyon at sa mga pintakasi. Pagkatapos
ng pag-uusap, nag-bigay ng isang probisyon-real na tumitiyak na hindi na
mawawalan ng padre guwardan ang Lilio. Si Padre Bernardino de San
Pascual ang naging guwardan pagkatapos ng pag-uusap sa Maynila.

PY
4. Isa itong proyekto sa paglalayag na unang iniharap ni Fernando de
Magallanes o Magellan, isang Portuges, sa Hari ng Portugal. Binalewala ito
ng hari kung kaya inilapit ito ni Magellan sa hari ng Espanya, si Carlos V.
Ipinaliwanag ni Magellan na kung makatutunton ng daan patungong
Moluccas na pakanluran o salungat sa karaniwang ruta ng mga Portuges,
magkakaroon ng karapatan ang korona ng Espanya na ariin ang isla kasama

O
ng Portugal batay sa mandato mula kay Papa Alexander VI noong 4 Mayo
1498 (Mallat 1994, 2). C
5. Nanguna ang Portugal sa eksplorasyon sa ibayong dagat ng mga Europeo.
Ang panahon ng imperyalismo ng mga Europeo sa Timog Silangang Asya at
India ay nagsimula sa bantog na paglalayag ni Vasco de Gama. Nang
magapi ng mga Portuges ang magkasamang puwersa ng Gujarati at Ehipto
D
sa Diu noong 1509, nagtatag sila ng imperyong komersiyal na binuo ng mga
factory at maliliit na mga trading post sa mga estratehikong siyudad ng Goa
Ormuz at Mallaca (Reed 1967, 1).
E
EP
D

166

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
TALASANGGUNIAN
Bailon, Rowena 1996. Pares-Pares: Ang ugnayang Ilokos-Hawaii. Diliman Review
44(4):33—37.

Batara,John G. 1996. Kalagayan at pagsasamantala. Diliman Review 44(4): 10-14.

Constantino, Renato. 1975. The Philippines: A past revisited. Manila.

Coronel, Sheila S. 1996. Squeeze play on the highway. I Magazine 2(1) (Enero-Marso).
Philippine Center for Investigative journalism.

Coseteng, Alicia M. L. 1972. Spanish churches in the Philippines. UNESCO National

PY
Commission of the Philippines.

De Guzman, Arnel F.U. 1996. Pagkababae, pagka.-Pilipino, pagkamanggagawa. Diliman


Review 44(4): 3-9.

De la Costa, Horacio. 1965. Readings in Philippine history. Manila: Bookmark.

O
Del Rosario, Rosario. 1997. Globelisasyon sa Pilipinas. Diliman Review 45(1): 98-33.
C
Dinnerstein, Leonard, Roger I. Nichols. at David M. Reimers. 1979. Native and strangers:
Ethnic groups and the building of America. New York: Oxford University Press.

Ion Media (Column). 1995. Furor over Flor: How the media went overboard in the
D
Contemplacion case. 1 Magazine 1(2) (Abril-I-Iunyo). Philippine Center for
Investigative journalism.

Jose, Regalado Trota. 1991. Simbahan: Church arlinzr0l011ialP/lilippincs, 1565-1698. Ayala


E

Museum.

Mallat,Jean. 1994. The Philippines: History, geography, customs, agriculture,industry and


EP

commerce of the Spanish colonies in Oceania. Salin ni Pura Santillan-Castrence.


Manila: National Historical Institute.
D

167

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Kulturang Popular
1) Bautista, Lualhati. Bata, Bata...Paano Ka Ginawa? Screenplay.
Mandaluyong City: Cacho Hermano Publishing, 1997.

2) Dimaranan, Irma. Naglalayag (Silent Passage). Quezon City: University of


the Philippines Press, 2006.

RebyungTeleserye
3) Sanchez, Louie Jon. “Ang Sinasabi ng Aldub.”Mula sa
http://louiejonasanchez.com/2015/11/08/ang-sinasabi-ng-aldub/

Novelty songs

PY
4) “Beep, Beep, Sabi ng Jeep” sung by Willie Revillame, words by Lito Camo

Flash Fiction
5) “Good Morning, Sir. Thank You For Calling. How May I Help You Today?”
from Tolentino Roland. Sakit ng Kalingkingan: 100 Dagli sa Edad ng

O
Krisis. Quezon City: University of the Philippines Press, 2005.

6) “Styropor” from Quibilan, Zosimo. Pagluwas. Quezon City: University of


the Philippines Press, 2006.
C
7) “Lamayang Pinoy” from Atalia, Eros. Taguan-Pung at Manwal ng
Pagpapatiwakal (Level Up). Pasay City: Visprint, Inc.
D
Pick up lines
8) “Pag-ibig tweets” from Tolentino, Rolando. #Pag-ibig: Mga Aporismo ng
E

Pagnanasa’t Pagsinta. Naga: Ateneo de Naga University Press, 2014.


EP

Textula
9) Rivera, Frank. Text Poet’s Society. Manila: UST Publishing House, 2006.

Tulaansatren
10) Co, Mikael. “Matapos matanggap ang mensahe ng isangkaibigang
D

makata” from
http://nbdb.gov.ph/index.php?option=com_content&task=view&id=786&It
emid=122

11) Pinpin, Axel. “Kung bakit tayo paluwas at walang sulong na kalakal” from
http://nbdb.gov.ph/index.php?option=com_content&task=view&id=785&It
emid=122

12) Delos Reyes, Joselito. “Pan-rush hour” from


http://nbdb.gov.ph/index.php?option=com_content&task=view&id=768&It
emid=122

168

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
Rebyu ng pagkain
13) Fernandez, Doreen. Pilipino’y Maaaring Kilanlin sa Pamamagitan ng
Kanyang Pagkain” from Tolentino, Rolando and Gary Devilles. Kritikal na
Espasyo ng Kulturang Popular. Quezon City: Ateneo de Manila
University Press, 2015.

Blogging
14) Gonzales, Vlad. “Pop!” from http://vladgonzales.net/blog/2016/01/16/pop-
2/

15) Evasco, Eugene. “Mga Selyo at Libro” from


http://nasadulongdila.blogspot.com/2006/01/mga-selyo-at-libro.html

PY
16) Samar, Edgar. “May Okey pa ba sa Filipino?” from
http://edgarsamar.com/2015/03/01/may-okey-pa-ba-sa-filipino/

O
SiningPanteatro
17) Capistrano, Mary Joy. “LuksongDugo,” from
http://www.philippinecollegian.org/lukso-ng-dugo/
C
18) Valdez, Jonathan Alejo. “Kung TotooangLarong Killer-killer” from
http://www.philippinecollegian.org/kung-totoo-ang-larong-killer-killer/
D
Iskit
19) Dacanay, Alfonso. “Eyeball” from Vera, Rody. 10x10x10: Sampung
E

Tigsasampung Minuto ng Dula. Manila: UST Publishing House, 2005.

One-act play
EP

20) Vera, Rody. “Ang Unang Aswang” from Vera, Rody. Mga Piling Dula
mulas a Virgin Labfest 2005-2008: Unang Antolohiya. Manila: Cultural
Center of the Philippines, 2009.

Monologo
D

21) Tañada, Vincent. “Puring” from Casanova, Arthur. Isahan: Kalipunan ng


mga Dramatikong Monologo. Mandaluyong: Anvil Publishing Inc., 2012

Puppet show
22) “Dulaang Papet: Pangkabataan at Pangmatanda” from Casanova, Arthur.
Kasaysayan at Pag-unlad ng Dulaang Pantinedyer sa Pilipinas. Manila:
UST Publishing House, 2009.

Komik istrip
23) Abrera, Manix. Kikomachine Komix Blg. 2: MgaTagpong tila nagpapaka-
weird, kunwari pa-deep, sarap sapakin. Pasay City: Visprint, Inc., 2006.

169

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.
24) Medina, Pol Jr. Pugad Baboy Disi-sais. Manila: Pol Medina Jr. Noveltis,
2003.

Graphic novel
25) Samar, Edgar. Janus Silang at Tiyanak ngTabon adapted by Carljoe
Javier, illustrated by Natasha Ringor. Quezon City: Adarna House and
Anino Comics, 2015.

Sining biswal
26) Edson Cabalfin, “Nasyonalismo at Arkitekturang Filipino” from Tolentino,
Rolando and Gary Devilles. Kritikal na Espasyong Kulturang Popular.

PY
Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2015.

27) Zafra, Galileo. “Ang Pagsakay nina Juan Masolong at Flor Contemplacion
sa MRT: Ang Diskurso ng Paglalakbay sa Panahon ng Kolonyalismo at
Globalisasyon” from Tolentino, Rolando and Gary Devilles. Kritikal na

O
Espasyong Kulturang Popular. Quezon City: Ateneo de Manila University
Press, 2015. C
E D
EP
D

170

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2016.

You might also like