You are on page 1of 2

Pamagat ng Aklat: Retorika Masining na Pagpapahayag

Awtor: Jose A. Arrogante


Copyright: © 2007
Tagapaglathala: National Book Store
Lugar: 125 Pioneer St. Mandaluyong City

Kaya Pala … Pusang Ina

May isang ligaw na kuting na biglang dumating sa bahay. Nagsumikmik ito sa may
pintuan. Basang-basa sa napakalas na ampiyas ng ulan… uklong-uklo ang ulo sa
matutulis na balikat, nanginginig sag inaw ang buong murang kalamanan.
Miyaw! Mistula itong batang ulilang nagpapaawa…
Miyaw!... na nagpapakupkop
Dali-dali akong kumuha ng lumang di na ginagamit na tuwalya at marahang
pabalat kong dinampot.
Bahagyang buong lakas itong nagpumiglas-ilap, na parang nagpakitang-hiya, pero
sa higpit ng hawak ko, di ito nakawala kaya ipinaubaya na lang nito ang kahinaan.
Masuyong nilamu-lamukot ko muna nang punas ang malagong maputing budbod-
uling at gintong balahibo bago ko maingat na inilapag sa makintab na tisang sahig ng
kusina.
Aba’y… mabilis na tumakbo’t nagsumiksik sa gilid na siwang ng malaking pulang
plastic na dram.
Hinayaan ko na lang.
Kinuha ko ang stainless na platito, ang dating kainan ng alaga kong aso na
natutong mangalkal sa bukunang pintuan kaya msakit sa loob kong pinaampon dahil sa
mababait at palainom na kapitbahay na nagsipayong patayin dahil masam raw itong
pangitain at baka pa magdala ng kamalasan sa akin.
Nilagyan ko ito ng malamig na sariwang gatas at dahan-dahang itinabi ko sa
kanya, saka ko pinabayaan para mag-asikaso ng pananghalian.
Bumili ako ng isang kilong bangus-Dagupan, sabi ng matandang matabang
babaing manloloko.
Tatlong pirasong malalaki, isang sigangin, dalawang daingin… at pagkakataba rin.
Sinadya kong ihiwalay ang mapupulang hasang at ang balu-balumbong biyuka
matapos asnan ay inuna kong niluto para pannaghalian ng tahimik kong bisita, at tiyak
kong katatakaman nito… at di nga sumala ang kinita ko, himod na himod parang malinis
na hinugasan ng kinainang platito.
Kinagabihan, simot din ang itinabi kong tira-tira’t tinik nang pannaghalian kasama
na ang sa hapunan.
Nagsara ako ng pintuan, nang bigla itong malakas na nangngungumiyaw sa may
pinto, kaya pinagbuksan ko’t pinalabas, na kay bilis namang tumakbo sa damuhan.
Isinara ko ang pinto… sa maya-maya’y naroon na rin uli ang nagpapaampong
ngiyaw ni Lampong, ang ibininyag kong pangalan.
Natuto nang gumala-gala si Lampong sa kabahayan at naglabas-masok na rin
siya sa pintuan.
Pag kumakain ako, tahimik na nakamat lang siyang nakaupo malapit sa may
paanan ko, maamong matiyagang nakatingala sa pagbabakasakling may aksidenteng
mahulog na mumo o buto.
Pag nakahiga ako sa kama, matamang mamata-mata siyang nakaupo sa lapag,
naghihintay sa dalawang beses na tapik ko sa kutson saka maagang sasampa at maingat
na sisiping sa tabi ko, nakunan sa tagiliran ko, o di nama’y sasampa sa tiyan o dibdib ko,
hihiga pag hinahaplus-haplos ko sa ulo, at naging kasiping ko na siya sa pagtulog.
Kataka-taka… biglang mawala ang mga bubuwit na dating panakaw na
naghahabulan sa yerong alulod, sa basurahang basket, sa ilalim ng mesang kainan.
Naging ritwal na naming nap ag papasok na ako sa trabaho tuwing umaga,
kasabay ko siyang lumalabas sa pinto na kadalasa’y sinsabayan o sinusundan niya ako
sa paglalakad, inihahatid ako sa may labasan. Gayundin, pag-uwi ko kinagabihan,
dadatnan ko rin siayng nakahiga sa makitid na pasamano ng bintana , lulundag siya para
salubingin ako pag kumalansing na ang susi.
Isang umaga, hindi ko nalaman kung bakit parang ayaw niyang lumabas ng bahay.
Naghahabulan pa kami para pilitin siyang lumabas. Di ko naisara ang pinto ng saglitin ko
ang bag sa kuwarto saka kampanti akong umalis.Pero wala siya sa likod ko. Isip ko nasa
damuhan siya.
Pagka-uwi ko kinagabihan, wala siya sa pasamano ng bintana, ni sa may
tarangkahan. Sa maririnig ko lang ang kanyang ngiyaw mula sa loob ng bahay. Natalilisan
niya pala ako! Pagbukas ko ng pinto, nilapag ko ang bag sa mesa at tumuloy ako sa
kusina, at uminom ng malamig na tubig. May kakaiba akong naamoy, ‘yong basura…
nakita ko, di natapon ng labandera. Napanisan kasi ako ng tira kaya pinaglalagay ko sa
basurahan. Nakalimutang bitbitin ni Manang pagkatapos mamalantsa.
Naghapunan na akong naiilang sa nangangamoy na iyon. Wala naman akong
makitang tae ng pusa. Niligpit ko ang pinagkainan. Nagtataka ako kung bakit di
ngumingiyaw si Lampong sa labas ng pintuan.

You might also like