You are on page 1of 7

 

 
BILANG NG MGA ESTUDYANTENG BUMABAGSAK SA 
ASIGNATURANG SIPNAYAN O MATEMATIKA 
PARTIKULAR SA ELEMENTARYA SA BARANGAY 
POBLACION, PULILAN, BULACAN 
 
 
 
 
 
Pamanahong Papel 
(Pagbasa, Pagsusuri at Pagsulat ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik) 
 
 
 
 
 
 
 
Isinulat ni: 
Francis Lloyd V. Galuza 
 
Ipinasa kay: 
G. HERMINIO Q. BULDA 
 
 
 
 
 
 
 
ABSTRAK: 
    Ang  pag-aaral  na  ito  ay  nagtataglay  ng  mga  datos  at  kaalaman  sa  kung 
bakit  maraming  bumabagsak  sa  asignaturang  sipnayan  o  matematika  at  kung  paano 
ito  maiiwasan.  Lumalabas  sa  pag-aaral  na  ito  na  kinakailangan  ng  mga  mag-aaral  na 
bumabagsak  sa  asignaturang  matematika  ang  maiging  pagtutok ng kanilang mga guro 
ayon  sa  kung  saan  sila  nahihirapan.  Kinakailangan  rin  ng  patnubay  ng  kanilang  mga 
magulang  ​ang  mga  batang  ito.  Sa  ganitong  paraan  maiiwasan  ang  pagbagsak  ng  mga 
mag-aaral sa asignaturang sipnayan o matematika partikular sa elementarya. 
 
 
KABANATA I 
PANIMULA: 
  Karaniwang  ibinabagsak  ng  mga  estudyante  partikular  ​sa  elementarya  ang 
asignaturang  matematika.  Sa  hindi  maipaliwanag  na  dahilan,  hindi  maiwasang 
bumagsak  ng  mga  mag-aaral  sa  asignaturang  ito.  Marami  ang  nagsasabi  na  mahirap 
at  marami  rin  naman  ang  nagsasabi  na  nasa  tao  lamang  kung  paano  mo  padadaliin  o 
pahihirapin  ang  bawat  ​lesson  na  inilalahad  ng  iyong  guro.  Gayunpaman,  kinakailangan 
ng  maiging  pag-aaral  upang  malaman  o  matukoy  ang  tunay  na  dahilan  ng  pagbagsak 
higit ng mga bata sa elementarya sa asignaturang sipnayan o matematika.  
 
 
 
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL: 
  Marahil  marami  ang  napapaisip  kung  bakit  nga  ba  karaniwang  ibinabagsak  ng 
mga  mag-aaral  ang  asignaturang  sipnayan  o  matematika  partikular  sa  elementarya. 
Halimbawa  ng  mga tanong ay; talaga nga bang mahirap ang matematika? Nasa lahi ba 
ang  pagiging  mahina  o  magaling  dito?  O  sadyang  nasa  tao  lang  talaga  kung paano mo 
uunawain ang bawat aralin ukol sa asignaturang matematika? 
  Sa  ganitong  pag-aaral,  maaari  tayong  makakuha  ng  mga  kasagutan  hinggil sa 
mga  katanungang  nailahad.  Malalaman  natin  ang  tunay  na  dahilan  ng  pagbagsak  ng 
mga  estudyante  sa  elementarya  sa  asignaturang  sipnayan  o  matematika.  Maaari  rin 
tayong  makapaglahad  ng  mga  paraan  o  mga  dapat gawin ng mga estudyante o maging 
ng  mga  guro  upang  nang  saganon  ay  maiwasan  na  ang  ganitong  mga  kaganapan  na 
marami ang bumabagsak sa asignaturang ito sa elementarya. 
 
 
 
LAYUNIN NG PAG-AARAL:  
1. Makapaglahad  ng  mga  maaring  kasagutan  sa  bawat  tanong  na  tinataglay  ukol 
sa  pagbagsak  ng  mga  estudyante  sa  asignaturang  sipnayan  o  matematika 
partikular sa elementarya. 
2. Makapagbigay  ng  mga  maaring  paraan  sa  kung  paano  maiiwasan  ang  mga 
ganitong  kaso  ng  pagbagsak  ng  mga  estudyante  sa  elementarya  sa 
asignaturang sipnayan o matematika. 
 
 
 
PAGLALAHAD NG SULIRANIN: 
1. Anu-  ano  ang  mga  dahilan  ng  pagbagsak  ng  mga  estudyante  sa  asignaturang 
sipnayan o matematika sa elementarya? 
2. Bakit  hindi  maiwasan  ng  mga  estudyante  sa  elementarya  na  bumagsak  sa 
asignaturang ito? 
3. Bakit  marami  ang  bumabagsak  sa  asignaturang  sipnayan  o  matematika 
partikular sa elementarya? 
4. Paano maiiwasan ang ganitong kaso? 
5. Anu-ano  ang  maaaring  gawin  ng  mga  guro  sa  mga  estudyante  nilang 
bumabagsak  sa  asignaturang  ito  sa  elementarya  at  ganun  din  naman  ng  mga 
estudyanteng ito? 
 
 
 
 
 
 
SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL: 
  Saklaw  ng  pag-aaral  na  ito  ang  mga  mag-aaral  sa  elementarya  sa  barangay  ng 
Poblacion,  Pulilan,  Bulacan  at  ganun  din  naman  ang  tumatayo  nilang  guro  sa 
asignaturang  sipnayan  o  matematika.  Saklaw  lamang  nito  ang  mga  nasa  baitang  apat 
hanggang anim. 
 
 
 
 
 
KABANATA II 
KAUGNAY NA LITERATURA SA PAG-AARAL:  
Dahilan ng Pagkabagsak ni Pepe sa Asignaturang Matematika 
  Si  Pepe  ay  isang  masipag  at  matalinong  mag-aaral  nung  siya  ay  nasa  una 
hanggang  ika-apat  na  baitang.  Palagi  siyang  nagkakamit  ng  mga  parangal  sa  kanilang 
paaralan  kaugnay  ng  pagiging  matalino  at  masipag  niyang  bata.  Ngunit  tulad  nga  ng 
nabanggit  nung  una,  hanggang  ika-apat  na  baitang  lamang  sa  kadahilanang  siya  ay 
naging  tamad  at  nawalan  ng  gana  sa  pag-aaral.  Nung  mga  panahong  nagkakamit  siya 
ng  mga  parangal  ay  niregaluhan  siya  ng  kanyang  ama’t  ina  ng  isang  “cellphone”  na 
nagging  dahilan  kung  bakit  nahumaling  siya  sa  pag-iinternet..  Palagi  rin  niyang 
sinasabi  na  kayang-kaya  niyang  maging  “top”  sa  kanilang  klase  sapagkat  siya  ay 
matalinong  bata.  Nang  dahil  sa  pag-iisip  niyang  ganun  ay  hindi  na  siya 
nagbabalik-tanaw  sa  kanilang  mga  aralin tuwing may pagsusulit sa klase. Kaakibat rin 
ng  pag-iisip  niyang  ganito  ay  ang  unti-unting  pagbaba  ng  kanyang  mga  grado higit sa 
asignaturang  sipnayan  o  matematika  hanggang  sa  dumating  sa  puntong  bumagsak 
siya.  Sa  karagdagan,  naging  tamad  na  mag-aaral  si  Pepe.  Ni  wala  na  rin  siyang 
pakialam  kung  siya  ay  pumasa  o  bumagsak  sa  kanyang klase kaugnay ng pagiging adik 
na niya sa pag-iinternet. 
 
 
 
KABANATA III 
PAMAMARAAN: 
  Pagsasagawa  ng  mga  katanungang  kaugnay  ng  tapik na ito. Pagtatanong sa mga 
inbolb  na  tao  patungkol  sa  usaping  tinatalakay.  Pakikipanayam  at  pagkolekta  ng  mga 
datos  ang  pamamaraang  ginamit.  Ito  ay  nakatulong  sa  pagbuo  ng  mga  datos  sa  dami 
ng bilang ng mga mag-aaral na bumabagsak sa asignaturang sipnayan o matematika. 
 
 
 
 
 
 
KABANATA IV 
PAGLALAHAD NG MGA DATOS: 
  Ang mga impormasyong nakalap at nailahad ay sinisigurong totoo at patas. Sa 
kabuuang  datos  nakapagtala  ang  pag-aaral  na  ito  ng  sapat  ng  kabuuan  ng  mga 
mag-aaral  na  bumabagsak  sa  asignaturang  sipnayan  o  matematika  portikular  sa 
elementarya.  Ang  mga  datos  at  impormasyong  nakalap  ay  may  kabuuang  bilang  na 
____ sa barangay Poblacion sa bayan ng Pulilan, Bulacan. 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
KABANATA V 
PAGLALAGOM NG MGA DATOS: 
   
         
Boys 
Asinaturang  Unang  Ikalawang   Ikatlong   Ikaapat na 
Matematika  markahan  markahan  markahan  markahan 
Baitang 4  2  1  4  2 
Baitang 5  4   1  3  2 
Baitang 6  1  2  1  0 
         
Girls 
Asignaturang  Unang  Ikalawang  Ikatlong  Ikaapat  na 
Matematika  markahan  markahan  markahan  markahan 
Baitang 4  0  0  1  1 
Baitang 5  2  0  3  1 
Baitang 6  1  0  0  0 
 
  Kung mapapansin sa tsart sa itaas ay mas karaniwang maraming lumiliban na 
mga  estudyanteng  lalaki  kaysa  babae  mula  sa  baitang  apat  hanggang  anim  sa 
asignaturang sipanayan o matematika. 
 
 
 
KONGKLUSYON: 
  Lumalabas sa pag-aaral na ito na kinakailangan ng mga mag-aaral na bumabagsak 
sa  asignaturang  matematika  ang maiging pagtutok ng kanilang mga guro ayon sa kung 
saan  sila  nahihirapan.  Kinakailangan  rin  ng  patnubay  ng  kanilang  mga  magulang  ang 
mga  batang  ito.  Sa  ganitong  paraan  maiiwasan  ang  pagbagsak  ng  mga  mag-aaral  sa 
asignaturang sipnayan o matematika partikular sa elementarya. 
 
 
 
 
 
REKOMENDASYON: 
  Ang  kaso  ng  pagbaksak  ng  mga  estudyante  sa  asignaturang  sipnayan  o 
matematika  partikular  sa  elementarya  ay  maiiwasan  kung  ang  bawat  magulang  ng 
mga  mag-aaral  na  ito  ay  papatnubayan  at  gagabayan  ang  kanilang  mga  anak  sa 
kanilang  pag-aaral.  Maari  rin  maiwasan  ito  kung  ang  bawat  estudyante  ay  mag-aaral 
ng mabuti. 
 
TERMINOLOHIYA: 
1. Suliranin- ito ay isang pangyayari na dapat matugunan 
2. Datos- bilang ng nakalap na impormasyon 
3. Saklaw- sakop 
4. Pananaliksik- pag-aaral ng isang problema o suliranin 
5. Pakikipanayam-pag-iinterbyu o pagtatanong 
6. Populasyon- tiyak na dami o bilang ng isang bagay o dami ng isang lugar 
 
 
LISTAHAN NG SANGGUNIAN: 
-www.google.com 
-www.facebook.com 
 
 

You might also like