You are on page 1of 1

“AKING IROG“

Isinulat ni: Universal Doctor Soliven

Ang pag-ibig ko para sa iyo’y


Wagas at hindi maikaila
Aking sinta’y hindi basta-basta
Hindi mawari dahil biglaan
Kahit tayo ay kailan pa lamang

Sinta ako’y sobrang maligaya


Dahil ika’y aking nakilala
Distansya nating dalawa’y sobra
Ngunit hindi ito naging hadlang
Sa lahat ng dumaang problema

Tayo ay mas lalong tumatag


Para bang tayo’y hanggang dulo
Simula ng ika’y nakilala
Mundo kong walang ka buhay-buhay
Sinta iyo’y binigyan ng kulay

Ako sayo’y nagpapasalamat


Sapagkat ako ay nagkaroon
Nang direksyon sa noo’y patapon
Dahil sayo at sa pag-ibig na rin
Ngayo’y makulay na nagniningning

At ito’y maihahalintulad
Sa bit’wing kumikislap sa dilim
Malayo man ngunit aabutin
Sinta ito’y ating kakayanin
Hanggang sa ating huling sandali

You might also like