You are on page 1of 2

Reyes, Markus Gerard O.

Seat #35 1E MT

TENDONITIS
Ang tendonitis o tendinitis ay isa sa mga sakit sa sistemang kalamnan na kung saan ang
mga tendons ay nagkakaroon ng pamamaga dahil sa sobrang paggamit ng mga skeletal muscles.
Ang ating mga tendons ay kumakabit sa ating mga buto hanggang kalamnan. Karamihan ng mga
kaso ng tendonitis ay galing sa mga gawain katulad ng paghahardin, pagkakarpinterya, paglilinis
ng bahay, at paglalaro ng mga isports katulad ng tennis at golf. Ang pagkaroon ng maling pustura
sa bahay o sa trabaho ay posibleng maging sanhi ng pagkakaroon ng tendonitis. Bukod sa mga
aktibidad na ganito, posibleng magkaroon ng sakit na ito sa mga impeksiyon katulad ng mga kagat
ng aso o pusa sa mga kamay at daliri.

Mayroong ilang sintomas ang tendonitis. Isa sa mga ito ang pagkakaroon ng sakit sa
tendon at sa mga nakapaligid dito. Kadalasan ay lumalala ang sakit na nararanas habang ang
indibidwal ay gumagalaw. Maaaring biglaan ang sakit na maidudulot ng sintomas na ito, lalo na
kung mayroong presensya ng calcium. Posible ring makakita ng bukol na malapit sa tendon na
nakakuha ng sakit. Nagkakaroon rin ng pamamaga, init at pagpupula sa lugar na malapit sa
tendon. Lahat ay pwedeng magkaroon ng tendonitis, ngunit, ito ay mas karaniwan sa mga taong
edad 40 at pataas. Ito’y dahil ang mga tendons sa ating katawan ay mas hindi nakakaranas ng
diin, hindi masyadong nababanat, at mas madali itong mapunit.

Sa halip na ipabayaan ang sakit na ito, ang mga nagkakaroon ng tendonitis ay


inirerekomendang gumamit ng mga pagtrato o treatments upang sila’y magkakaroon ng kaunting
sakit. Ang mga treatments na karaniwa’y ginagamit ay ang pagpapahinga, paggamit ng heat pack
at ice pack, pagiinom ng mga pain relievers tulad ng ibuprofen, at pagbabanat o pagehersisyo.
Minsan ay ginagamit ang extracorporeal shock wave therapy (ESWT) na kung saan gumagamit ito
ng shock waves upang masira ang mga calcium na malapit sa tendon. Ngunit, ginagamit lang ito
kung hindi nakakatulong ang mga treatments sa sakit na ito. Ang pinakaimportante ay iwasan
ang pagkaroon ng tendonitis, gamit ang pageehersisyo, stretching, at pagpapahinga kung
mayroong sakit na nararanas.
MGA SANGGUNIAN

Nordqvist, C. (2017, December 04). Tendinitis: Types, symptoms, causes, and treatment.
Retrieved September 24, 2018, from
https://www.medicalnewstoday.com/articles/175596.php

Tendinitis. (n.d.). Retrieved September 24, 2018, from https://www.webmd.com/fitness-


exercise/arthritis-tendinitis#1

Tendonitis. (n.d.). Retrieved September 24, 2018, from


https://www.nhs.uk/conditions/tendonitis/

You might also like