You are on page 1of 2

Paano mo masasabi na malaya ka

kung may mga tao na pinahihirapan ka

tanong anong kalayaan mayroon ka?

Kung animo'y may nakatali sa katawan

na nagbibilang at kilos mo'y limitado lang

lahat ba ng kaya mo ay kaya mong gawin

kung kilos sa paggawa kapos at katiting

mararating mo pa ba ang pangarap mo

kung mga palaso na ang tatambad sayo.

sino ang magpapakababa sa ganito

Kung magpapaka-taas ang lahat ng tao

na saating palad ang kalayaang magbago

tandaan ang kalayaan ay ang kapayapaan

sa puso at damdamin ng mamamayan

pantay sa hustisya at di patay malisya

pantay sa karapatan ng santinakpan

ng ating minamahal na inang bayan

malaya sa digmaan, malaya sa karahasan.

Kalayaan sa kapayapaan

You might also like