You are on page 1of 4

1

Picture ni sir russell sa flagpole

Maligayang pagdating ….

Bagong Punongguro….

Bagong simula sa LMES, Ika -9 ng Setyembre 2019 Naganap ang unang Lunes ng bagong
Punongguro sa Paaralang Elementarya ng Lanatan-Muntingtubig na si G. Russell L. Perez na nagmula sa Paaralan ng
Troadio A. Frontera Memorial Elementary School, alinsabay nito ang pagdiriwang ng kaarawan ng bagong
Punongguro

Maligayang Pagdating G. Russell L. Perez sa LMES. Ang pagdating ng bagong Punongguro


para sa panibagong simula sa Paaralang Elementarya ng Lanatan-Muntingtubig. Sinimulan ng Punongguro I na si G.
Russell L. Perez ang kanyang Lunes sa pamamagitan ng morning preliminaries/flag raising ceremony na
ginampanan ng mga batang mag-aaral, PTA Officers, mga magulang at mga guro sa pangunguna ni Bb. Almira B.
Limbo at Gng. Gloria D. De Castro. Nagbigay ng pahayag si G. Russell L. Perez na hindi mahalaga ang nakalipas, mas
mahalaga ang ngayon bukas at mga darating pa tungo sa unti-unting pagbabago ng paaralan para sa kapakanan ng
lahat ng batang mag-aaral.
2

LMES… Bagong Simula Para sa Bagong Pagasa!!!

“Kapag masaya ka sa ginagawa mo yayakapin mo ito” kasama ang sipag at dedikasyon sa iyong trabaho. Ang
pahayag ng napakasipag na Punongguro na si G. Russell L. Perez. Ipinatupad niya sa mga guro ang pagsasagawa ng
Panunumpa ng Lingkod Bayan at pag-awit ng serbisyo sibil na sinundan ng Post Evaluation batay sa isinagawang
Monday Morning Actvities. Kasama ang mga bagong polisiya ng ating paaralan na ang layunin ay maipatupad ng
maayos para sa kapakanan ng lahat ng mag-aaral.

Picture ng truck ng lupa

Naglilinis pili ka na lamang


3

Ipinagpatuloy niya ang kanyang magandang adhikain para sa paaralan sa pamamagitan ng pagpapalinis ng
buong kapaligiran ng paaralan, sa pamamagitan ng psgtatambak ng lupa sa school ground upang maisaayos at mas
maging kaaya-aya an gating kapaligiran.

Nagkaroon ng pagpupulong ang School Governing Council sa pangunguna ni G. Russell L. Perez bilang
Executive Officer, kasama ang Chairperson na si G. Albert Bautista, at Vice Chairperson Bernabe S. Benda ña at ang
iba pang kasapi ng nasabing organisasyon na ang layunin ng pagpupulong ay para sa katuparan ng ibat ibang
proyekto at programa ng paaralan. Ipinatupad din ang “Prohibiting the use of Single-Used Plastic” No to Plastic, Yes
to Project Bins. Ipinaliwanag ng Punongguro na maiiwasan at mababawasa ang basura sa paaralan sa pamamagitan
ng paglalagay at pagiipon ng mga basurang plastic sa loob ng botelya. Maging ang mga bilihin at paninda sa kantina
ay umiwas din sa napakaraming basurang plastic sa araw araw. Ang mga mag-aaral ay nagkaroon ng kani-kaniyang
botelya sa bawat silid aralan upang dito ipunin ang mga plastic na basura.
4
Picture ng vaccination wala pa

Mga Magulang OK na OK pa rin sa Pagpapabakuna!!!

Nagkaroon ng malawakang pagpapabakuna sa mga batang mag-aaral ng LMES mula Kinder hanggang
ika anim na baitang at naging mataas ang vaccination acceptance rate ng mga magulang. Kinatatakutang isa sa
laganap na sakit ng ating mga kabataan ngayon ang measles o tigdas. Maraming bata kasama ang kan ilang mga
magulang ang pumila sa nasabing proyekto ng Department of Health (DOH). Ang nasabing vaccine ay hindi lamang
para sa tigdas ito ay para rin sa tetanus, diphtheria, polio, tuberculosis at human papilloma virus para sa mga
kababaihang mag-aaral.

You might also like