You are on page 1of 2

ANG PANGULO NG PAGBABAGO

Tuwing ika-6 na taon ang ating bansa ay nagkakaroon ng halalan para makapili tayo ng
karapat dapat na mamumuno sa ating bansa. Ngayong taon, naganap ang halalan 2016 at
tayo’y nagkaroon na ng bagong pangulo. Magaganap na nga ba ang pagbabago sa ating bansa
dahil sa ating bagong pangulo? Masosolusyunan na kaya ang kahirapan at mga krimen?
Hanggad ng mga nakararami na Oo, ang kasagutan sa mga tanong na ito.

Si Rodrigo Roa Duterte kilala rin sa palayaw na Digong, ang bagong halal na pangulo ng
Pilipinas. Ipinanganak noong March 28, 1945 sa Maasin, Leyte kay Vicente Duterte, dating
Gobernador ng Davao, at Soledad Roa, isang guro at civic lider. Siya ang kauna unahang pangulo
na galing sa Mindanao.

Si Duterte ay kilala bilang pinakamatagal na alkalde ng Davao, na may halos 22 taon na


namahala. Kilala ang Davao City noon bilang “murder capital” ng bansa, dahil sa pamamahala ni
Duterte, naging malaki ang pagbabagong tinatamasana ngayon ng Davao na kapayapaan at
kaayusan na kung saan ay kinikilala na ito ngayon hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa
ibang bansa sa pagiging “the most peaceful city in Southeast Asia”. Siya ay binansagang "The
Punisher" ng Time Magazine, dahil sa kanyang malakamay na bakal na pamamalakad at sa
kaniyang masidhing kampanya laban sa krimen tulad ng paggamit ng bawal na gamot at
pagnanakaw.

Maraming Pilipino ang nakapansin nitong pamamalakad ni Duterte at sa mga


pagbabagong ginawa niya sa Davao. Dahil dito naniniwala ang mga Pilipino sa katagang “change
is coming”. Malaki kasi ang posibilidad na tuluyan ng magbago ang pamahalaan ng bansa
ngayong president na si Duterte. Sa katunayan, hindi pa nauupo si Pangulong Duterte sa
kanyang pwesto ay marami ng sumusuko na sangkot sa droga, dito natin makikita na
mababawasan ang mga kriminal at krimen sa bansa.

Lahat tayo ay inaasam na magkaroon ng isang pinuno na handang gawin ang lahat para
sa kanyang sinasakupan. Inaasam din nating lahat ang pagbabago ng ating bansa. Kaya ang
pinuno natin ay kailangang gawin lahat upang maipakita ang kaniyang pagpapahalaga at
handang magsakripisyo para sa kanyang bansa.
ILAW NG ATING BUHAY

Sino nga ba ang nagsisilbing ilaw ng ating buhay? Isa lang ang una nating maiisip, iyon
ay ang ating ina. Ang ina ay masasabing ilaw ng ating buhay dahil sila ang gumagabay at nag-
aaruga sa atin. Pinupuno nila tayo ng pagmamahal at walang tigil na pagsasakripisyo upang
mapalaki tayo ng maayos. Ang bawat magulang, partikular ng mga ina ay walang hinangad kung
hindi ang magandang kinabukasan ng kanilang mga anak bilang mga bagong tao na sa
hinaharap ay gaganap ng mahalagang papel sa lipunan.

Siyam na buwan tayong dala dala ng ating ina sa kaniyang sinapupunan. Hindi pa man
tayo lumalabas ay ramdam na natin ang kanyang pagmamahal na walang kapantay. Dinala nila
tayo ng may buong pag- iingat at kailanma’y hindi tayo pinabayaan.

Hanggang sa tayo ay lumaki at nagkaisip, lagi pa rin nila tayong ginagabayan kung ano
ang tatahakin ng ating buhay. Tinutulungan nila tayo sa ating mga problema at nagsisilbing
kaibigan na rin natin, na laging nariyan at handang umagapay sa atin.

Minsan, may panahon na nagiging pasaway tayo at lumalaki ang ulo na nagpapagalit sa
ating ina. Ngunit kahit sagot- sagutin natin sila, hindi pa rin nila magagawang itakwil tayo, gaya
nga ng kasabihang “walang magulang ang di nakakatiis sa anak”. Mas tinutulungan pa nila
tayong itama ang mga pagkakamaling ating nagawa at gawin tayong mabuti sa paningin ng
Diyos.

Alam natin na hindi lahat ng ina ay magkakapareho. ba’t iba ang ugali ng ina. Iba’t iba
ang paraan ng pagpapalaki nito sa kanilang mga supling pero ang pag-ibig ng ina ay iisa. Walang
hanggang at walang katulad.

Hindi man sila perpektong tao sa mundo, hindi naman sila nagkukulang sa pagmamahal,
pag-aaruga at paggabay sa ating buhay.

You might also like