You are on page 1of 1

Ruth Jazmine E.

Espiso Filipino
9-Newton Talumpati

Kababaihan, Hindi Isang Laruan


Sa tuwing marirnig natin ang salitang ‘kababaihan’, ano nga ba ang
unang pumapasok sa ating isipan? Ang isa ay maaaring mag-isip na ‘bababe
lang yan wala yang masyadong maitutulong na maganda para sa ating bansa’,
habang ang iba naman ay maaaring mag-isip na ‘sus, babae yan dapat siya
ay nasa bahay lamang at gumagawa ng mga gawaing-bahay. Tayo ay laging
napapaisip na hanggang dito lamang ang kakayahan ng mga kababaihan—sa
bahay lamang at naghihintay sa biyayang iaabot sakanya. Ang mg a
kababaihan ay laging itinuturing na bagay o laruan na pinagpapasa-pasahan
at pinaglalaruan lang. Itinatapon na kapag hindi na kailangan Lingid sa alam
ng karamihan ay maraming kakayahan ang isang babae. Ang mga kababaihan
ay kaya ding gumawa ng mga ginagaw ng kalalakihan. Kaya nilang makisabay
sa agos ng buhay gaano man ito kahirap.
Ang mga babae ay mga nilalang na tunay na kahanga-hanga. Sila
ay mayroong malaking tulong sa pagpaaplawak ng ating lipunan,
napaaplawak nila ang ating mga lakas paggawa. Kaya rin ng mga kababaihan
ang mga trabaho ng mga kalalakihan, at kung minsan ay mas nakakataas pa
sila sa mga ito. Ayon sa serbey na isinagawa ng NSO noong 2008, hindi
nagkakalayo ang agwat ng kalalakihansa kababaihan ngunit mas mataas ng
iilang bahagdan ang mga kababaihan keysa sa mga kalalakihan. Ang mga
kababaihan din ay mayroong mas mataas na kabuuang bahagdan patungkol
sa edukatisyon ayon sa serbey ng UNESCO. Ang mga kababaihan ay talaga
ngang unti-unti nang umaangat mula sa nakasanayang pagtingin ng lipunan
sa kanila. Sila ay nagsisimula ng gumawa ng ingay sa iba’t ibang mga sariling
larangan. Isa na dito si Hidilyn Diaz na isang propresyonal na ‘weightlifter’ na
nakapag-uwi ng maraming medalya para sa Pilipinas. Isa lang si Hidilyn sa
marami pang mga kababaihang nagsisimula ng gumaw ng sarili nilang mga
pangalan sa iba’t ibang industriya. Sa mga halimbawang ito ay tunay ngang
mapatutunayan na ang mga kababaihan ay hindi isang laruan na itatapon
nalang kapag pinagsawaan mo na.
Ngayon sa panghuling parte ng talumpating ito, naiba na ba ang
esteriotipikong pananaw ng karamihan ukol sa mga kababaihan? Sa paanahon
ngayon ay unti-unti nan gang nabibigyang pansin ang mga kababaihan sa
kanilang mga tagumpay. Ngunit hindi rin dapat ipagsawalang bahala ang
naitutulong ng mga kalalakihan sa ating ginagalawang lipunan. Ang pagtrato
ng tama at pantay sa lahat ang susi upang tayo ay magkaroon ng isang
mapayapa at tahimik na samhan sa lipunan.

You might also like