You are on page 1of 6

Pag-aaral sa mga Pananaw ng mga Mag-aaral sa ika-11 Baitang mula sa CNHS kung saan sila

mas pabor: Pagsusuot ng Preskribong Uniporme o Pagsusuot ng Sibilyan.

Isang pananaliksik na iniharap para kay

_________________________

Bilang pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa Asignaturang Filipino: Pagbasa at


Pagsusuri ng ibat-ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

Inilahad nina:

Dondie Labajo
Aquino Bacayo
Jestoni Abad
Hanael Antoine Mendoza
Christian Jake Duque
Cindy Jane Pacot
Lalaine Javar
Erma Pitogo

Marso 2017
KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

1. INTRODUKSYON

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pananaw ng ilang mga mag-aaral sa ika-11

baitang mula sa CNHS, taong 2016-2017 ukol sa pagsusuot ng uniporme sa nasabing

paaralan. Nais siyasatin ng mga mananaliksik kung ano ang nilalaman ng isipin ng mga

mag-aaral kung saan sila mas pabor: pagsusuot ng preskribong uniporme or pagsusuot ng

sibilyan. Napili ng mga mananaliksik ang paksang ito dahil narin sa direktang

obserbasyon na hindi lahat ng mga mag-aaral sa ika-11 baitang sa CNHS ay sumusuot sa

preskribong uniporme na inirekomenda ng paaralan at dahil nga sila ang unang pangkat o

‘batch’ ng kakapatupad palang na K-12 Program bilang opisyal na kurikulum ng

Pilipinas.

Ayon kay Png. Duterte (2016), balak niyang alisin ang uniporme ng mga

estudyante sa pampublikong paaralan. Katwiran niya, gastos daw lamang ito sa mga

magulang. Malaki raw ang matitipid kung naka plain clothes lang ang mga bata. Ang

balak na ito ni Duterte ay matatandaang suportado rin ng dating Pangulong Gloria

Macapagal Arroyo nang inatasan niya si Education Secretary Jesli Lapus na mag-isyu ng

dalawang ‘Department Orders’ na magtatangal sa pagkakaroon ng uniporme bilang

‘madatory requirement’ sa mga publikong elemetarya at sekondarya.

Ayon kay Luistro (2016), ang nasabing plano ni Duterte ay talaga naming

nakasaad sa polisiya ng tanggapan sa ilalim ng DepEd Order No. 45 Series of 2008.

Nakasaad na hindi nirerequire ang mga estudyante na magsuot ng uniporme at maaring

isuot ang kung anumang ‘existing’ na uniporme ayon sa kanilang kagustuhan.


Dagdag pa ni Luistro, mayroon din namang pinalabas na ‘guidelines’ ang

tanggapn sa kagandahan nang may tamang school attire at nasa ilalim ito ng DepEd

Order No. 46 Series of 2008.

"Ang pangunahing karapatan ng estudyante na pumunta sa paaralan, mag-aral at

matuto ay mahalaga at dapat igalang at itaguyod sa lahat ng oras. Ang kasuotan ng

estudyante ay dapat sumasalamin bilang paggalang para sa mga paaralan bilang isang

institusyon para sa pag-aaral, " (DepEd Order No. 46, Series 2008)

Ayon kay Roguski (1997) sa kanyang pananaliksik na “School Uniforms:

Background of and Descriptive Research”, ang pag-oobliga nga mga mag-aaral na

magsuot ng uniporme ay maaring isang paglabag sa “First Amendment Rights” na

nagbibigay kalayaan sa isang tao na magpahayag sa kanyang tradisyon at paniniwala

kabilang na dito ang pamamaraan ng kanyang kasuotan o hitsura.

“Ang kataas-taasang hukuman ay nagpasiya na ang kasuotan ng mga mag-aaral

ay maaring kontrolin ng mga opisyales ng paaralan kailanman kahit na sila ay protektado

ng ‘First Amendment Protection of Political Speech to nonverbal acts…’ Ito ay hindi

malinaw gayunpaman, kung ang garantiya ng pagiging pribado at Malaya sa ekpresyon

ay magagamit sa pagpili ng mag-aaral ng isusuot na damit (Caruso, 1996)

Kahit wala pamang pormal na anunsyo na inoobliga ang mga mag-aaral na

magsuot ng preskribong uniporme, lalong-lalo na ang unang pangkat ng mga mag-aaral

sa pampublikon paaralan na pasok sa K-12 program, gusto parin malaman ng mga

mananaliksik ang mga hinanaing ng mga mag-aaral at ang kanilang mga pananaw sa

kanilang kasuotan.
2. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pananliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga pananaw ng mga mag-

aaral sa ika-11 baitang mula sa CNHS kung saan sila mas pabor: Pagsusuot ng

preskribong uniporme o pagsusuot ng sibilyan.

Layunin nitong masagot ang mga ispesifik o tiyak na kasagutan sa mga sumusunod:

1. Saan mas pabor ang mga mag-aaral? Pagsusuot ng uniporme o sibilyan?

2. Saan mas komportable ang mga mag-aaral?

3. Saan mas nakakatipid ang mga mag-aaral?

4. Ano-ano ang mga nag-udyok sa mga mag-aaral na magsuot ng sibilyan?

5. Ano-ano ang mga posibleng epekto nito sa paaralan?

3. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay magiging mahalaga sa mga mag-aaral, mga guro, mga

administrador, mga magulang at mga mananaliksik.

Mga Mag-aaral. Makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral sapagkat masasagot nito

ang kanilang mga katanungan at mga agam-agam kung ano ang kahalagahan ng uniporme at

kung paano ito nakakaapekto sa paaralan at pati narin sa mga adbentahe ng pagsusuot ng sibilyan

at kung paano ito nagbibigay kalayaan sa mga mag-aaral. Mabibigyang boses ang mga mag-aaral

para mailahad din nila ang kanilang mga pananaw ukol sa isyung ito.

Mga Guro. Malaking tulong ito sa mga guro dahil pagkatapos ng pananaliksik na ito, mas
mauunawaan nila ang mga kadahilanan kung bakit hindi lahat ng mga mag-aaral sa ika-11

baitang ay nagsusuot ng uniporme at mabigyang konsiderasyon ukol dito.

Mga Administrador. Sa pamamagitan ng resulta ng pananaliksik na ito, mas maiintindihan ng

kinauukulan ang mga hinaing at pangangailan ng mga mag-aaral ukol sa kasuotan. Dahil dito,

maaari nilang mahimok ang kooperasyon ng mga magulang para tulungang umangkop ang

kanilang mga anak. Maari din nila ito gamiting basehan o konsiderasyon sa pagpapasiya sa mga

susunod pang mga polisiya or ano mang pamamalakad tungkol sa uniporme ng mga mag-aaral.

Mga Magulang. Mas maintindihan ng mga magulang kung bakit ang kanilang mga anak ay

pumapasok na hindi nakasuot ng uniporme at para mas maliwanagan sila kung bakit gustong

magsibilyan ng kanilang mga anak. Sa pamamaraang ito, maari nilang suportahan ang kanilang

mga anak sa kanilang mga pangagailangan sa paaralan, lalong-lalo na sa uniporme.

Mga Mananaliksik. Maari itong gamiting basehan o referens para sa mga susunod pang mga

pananaliksik na may kaugnayan sa nasabing paksa.

4.SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ginawa ay nakapaloob lamang sa mga mag-aaral ng Cansojong

National High School, taong 2017. Ang mga mag-aaral sa ika-11 baitang lamang ang naging

pokus ng pag-aaral. Nakasentro ang pananaliksik tungkol sa pananaw ng mga mag-aaral sa ika-

11 baitang kung saan sila mas pabor: Pagsusuot ng uniporme o pagsusuot ng sibilyan.

Apatnapung respondente ang sumagot sa pinakalap na sarbey kung saan tig-sampu ang kinuha sa

bawat seksyon ng nasabing baitang. Naisin man ng mga mananaliksik na lahat ng mga mag-aaral

sa ika-11 baitang ang tumugon sa sarbey, hindi ito nangyari dahil sa kakulangan ng oras at sa

kalakihan ng populasyon.
5. KATUTURAN NG TALAKAYAN

Uniporme- Ay ang opisyal na kasuotan ng isang mag-aaral sa isang paaralan.

Sibilyan- Ordinaryong kasuotan o damit na maaring gamitin sa pang-araw-araw.

Mananaliksik- Ito ay tumutukoy sa mga mag-aaral na nagsasagawa ng pananaliksik

batay sa napiling paksa.

Pananaliksik- Ito ay akademikong papel na ginagawa sa mga mag-aaral dahil sa pag-

aaral ng isang tiyak na paksa.

You might also like