You are on page 1of 1

Ugaliing kumain ng wastong pagkain upang magkaroon ng malusog na katawan at matibay na

resistensiya. Sa pamamagitan ng pag gawa ng mga routine sa araw-araw, tulad ng pagkain ng tatlong
beses sa isang araw at tamang oras, pag inom ng walo hanggang sampung baso o higit pa at ang pag
eehersisyo araw-araw, makakatulong ito upang magkaroon ng sapat na lakas ang katawan sa mga pang
araw-araw na gawain. Sa paaralan, naituro ang go, grow at glow foods na siyang mga kailangan ng
katawan. Ito ay itinuturo sa mga bata o nasa primaryang lebel pa lamang dahil dito sa yugtong ito,
matututo ng kumain ng wasto ang kabataan. Sa pagbabago ng panahon, nagbabago rin ang mga bagay,
sa material man o sa pagkain. Kasabay ng pagbabago ng panahon, ay nagbabago rin ang takbo ng
pamumuhay ng tao.

Sa mga nakaraang taon, maraming mga kaso o isyu ukol sa nutrisiyon ang nababalitaan. May isyung
tungkol sa obesity o ang pagkakaroon ng sobrang timbang at underweight na kulang sa timbang. Ito ay
may mga solusiyon namang tinalakay. Ang mga nasa listahan ay ang pagkain ng gulay at prutas, pag iwas
sa pag inom ng softdrinks, sobrang pagakin sa matatamis at junk foods. Dulot ng pagiging obesity ay ang
pagkakaroon ng sakit gayundin sa kakulangan sa timbang. Sa pagbabago ng panahon, nagbabago rin ang
pamumuhay ng tao tulad na lamang ng maagang kamatayn na sanhi ng sakit na dahil na rin sa hindi
pagkakaroon ng malusog na pangangatawan. Sa kabila naman niyo, nagkakaroon din ng mga pag aaral
ukol sa kalusugan. Marami ng mga paraan para maging malusog ang isang tao. May mga nadidiskubre
ang mga tao dahil gusto nilang matuto at mabigyang solusiyon ang mga problema. Ang mga gulay at
prutas ay pwedeng kainin sa kahit na anong paraan tulad sa, panghimagas na hindi lamang mga
matatamis na karaniwang kinakain pero pwedeng pang alternatibo rin ang prutas at gulay para dito.
Maging sa mga inumin ay ginagamit ang gulay at prutas. Ang pag eehersisyo ay nakakatulong rin sa
pagkakaroon ng malusog na katawan tulad ng paglalakad lamang ng ilang minute sa araw-araw. Ang
pagkakaroon ng malusog na katwan ay ang reresulta ng magandang buhay. Nagiging aktibo ang isang
tao sa araw-araws sa kahit na anong gawain. Nagagawa ng maayos ang mga bagay at productive sa
gawain. Nakakaiwas ito sa mga masamang bisyo at nagkakaroon ng magandang komunikasiyon sa iba.
Ito din ay nakakaiwas sa mga sakit na pwedeng lumala at maging sanhi ng kamatayan. Nakakatulong ito
sa pagiging aktibo sa paaralan lalo na sa mga aktibidad tulad ng sports. Nagiging aktibo ang isang tao sa
pang araw-araw na gawain sa pagkakaroon ng malusog at matibay na katawan.

Marami mang pagbabago sa buhay ng isang tao na makakaapekto sa kanyang pamumuhay, may mga
paraan at solusiyon naman kung ito ay pagsisikapan. Ang pagiging aktibo sa buhay ay may positibong
pananaw sa mga bagay. Kaya ang pagkain ng masustanyang pagkain na primaryang gawin ay dapat hindi
binabalewa lalo na kung may importansiya ito sa buhay.

You might also like