You are on page 1of 9

KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral


Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga lokal na literatura, banyagang literatura,
lokal na pag aaral, banyagang pag aaral, sintesis at pagtukoy sa lokal at banyagang pag aaral na
siyang magbibigay kaliwanagan sa aming pag aaral hinggil sa mga mag-aaral na kabilang sa
komunidad ng LGBTQ na naka raranas ng diskriminasyon.
.
Lokal na Literatura
Nakasaad sa artikulong iniulat ng Rappler na bagamat ang kahulugan ng akronim na
LGBT ay alam na ng mga Pilipino, marami pa ring konsepto tungkol dito ang hindi nauunawaan
at marami pa ring Pilipino ang nagugulumihanan sa mga ito. Ayon din naman sa ginawang ulat
ng USAID at ng United Nations Development Programme, kahit ang kataas-taasang hukuman ng
Pilipinas ay napagpapalit-palit ang paggamit ng “LGBTs” at “Homosexual” sa kabila ng malinaw
na pagkakaiba ng mga ito. Kapansin-pansin din na itinuturing nila na isang uri ng sex ang
“lesbian, gay, bisexual, at transgender”.
Sa talakayan na inihatid ni Dr. Margie Holmes, isang eksperto at clinical psychologist, sa
‘First Gender And Sexuality Conference In UP Diliman (ginanap noong Hulyo 15)’, nilinaw niya
ang mga bagay-bagay na may kaugnayan sa sex, gender, at LGBTIQS (lesbians, gays, bisexuals,
transsexuals, intersex, and questioning).
Sabi ni Holmes: Ang sex ay tungkol sa bayolohikal na dimensyon ng ating chromosomes,
gonads, at hormones. Sa kabilang banda, ang gender ay psychosocial at kultural. Inilalarawan
nito kung paano tinitignan ng isang tao ang kanyang sarili at maaari o hindi maaaring tumugma
sa kaniyang anatomiya. Kabilang sa mga konsepto ng mga pag aaral sa kasarian ay ang gender
identity, gender roles, at gender stereotypes. Habang ang gender identity ng isang indibidwal ay
tumutukoy sa lalim ng kaalaman at karanasan ng kanilang sariling gender, ang gender roles
naman ay tumutukoy sa societal norms o pamantayan ng lipunan na may kaugnayan sa
namasdang sex ng isang tao. Kahit na malinaw ang kanilang pagkakaiba, binigyang diin ni
Holmes na ang sex at gender ay magkaugnay pa rin. “Maraming [bagay sa] biology ang nakaka-
apekto sa gender issues,” sabi nito. Isang halimbawa ay ang hormones. Nakaka-apekto ito sa
hitsura ng isang tao na siya ring nakaka-apekto sa kung paano tutugon at magbibigay ng gawain
o roles at stereotypes ang lipunan sa mga partikular na gender.
Sa isang gender binary o heteronormative paradigm kung saan babae (female) at lalaki
(male) lang ang katanggap-tanggap na gender, hindi ibinibilang ang transgender at transsexual.
Binanggit ni Holmes ang tungkol sa mga kaso na hindi pinapayagang makapasok sa mga
pampublikong palikuran, mapababae man o lalaking palkuran sa mga nightclubs, ang mga
transgenders. Ayon kay Holmes, maraming pag-aaral ang nagsasabi na ang transphobia ay
kadalasang mas malala sa homophobia. “Kung ang mga bakla ay nilalait, ang mga transgender
naman ay nilalait at binubugbog.”
Ang artikulong ito ay nakatutulong na mas maunawaan ang mga terminolohiya na
mababanggit sa aming isinasagawang pag-aaral. Ito ay nagbibigay ng mga kahulugan sa mga
terminong hindi madaling maunawaan o hindi pamilyaradong salita.
Sayson, F. and Nisperos, M. (2015). Gender and Sexuality 101: Learn before you discriminate.
[online] Rappler. Available at: https://www.rappler.com/move-ph/issues/gender-
issues/100125-gender-sexuality-terms-education [Accessed 3 Apr. 2019].
Sa artikulo naman ni Fritzie Rodriguez (2014), tinalakay ang kakulangan sa karapatan ng
mga LGBT na dapat ay natatamo rin ng mga ito. Ibinahagi niya ang lungkot na nadarama dahil
sa katotohanang mayroong mga taong nakatatanggap ng mas kaunting karapatan kumpara sa
iba dahil lang sa sila’y itinuturing na iba. Ayon sa artikulo, maraming hindi maaaring gawin at
matamo ang mga taong parte ng LGBT dito sa Pilipinas.
Unang halimbawa nito ay ang hindi pagkakakilanlan bilang isang pamilya at walang
karapatan sa pagpili. Si J Cuarez na naninirahan kasama ang kanyang partner nang walong taon
ay hindi naisama ang kanyang partner sa maaaring makatanggap ng benepisyo sa ilalim ng
kaniyang insurance plan. Ito ay dahil hindi sila kinikilala bilang isang pamilya. “Pera ko ‘yun,
choice ko dapat [yung] beneficiary,” angal nito. Si Andie Ramos (21) naman ay naninirahan
kasama ang kanyang partner sa isang informal settlement. Hindi sila kinilala bilang isang
pamilya ng National Housing Authority (NHA) kaya hindi sila nabigyan ng pagkakataon na
makalipat sa mas maayos na tirahan. “Pero [yung] mga kapitbahay namin nakalipat,” reklamo
nito.
Ikalawang halimbawa ay ang pagkabalewala ng kanilang pagkatao at dignidad. Ang mga
hindi maayos na patakaran o polisiya ay humahadlang sa kanila at sa kanilang mga mahal sa
buhay na magkaroon ng access sa ilang mga serbisyong panlipunan na nagbibigay proteksyon.
Ang problemang ito ay tinatawag ng GALANG, isang NGO na nagtataguyod ng gender rights,
bilang “institutionalized homophobia."
Ang paggalang, higit sa lahat ng mga legal na benepisyo, ang pinakapinagkakait at
pinakananais matanggap ng LGBT.
Hindi dapat dinidiskrimina ang iba base sa edad, relihiyon, lahi, katayuan sa buhay,
edukasyon, pananamit, sex, at gender. Madaling sabihin ang ganyang bagay pero marami pa rin
ang hindi ito kayang gawin. Marami ng adbokasiya ang nagbibigay boses sa gender rights sa
paglipas ng panahon sa pag-asang mabibigyan ng tamang kaalaman ang publiko at
maimpluwensyahan ang mga mambabatas tungkol dito; ngunit, marami pa rin ang pinipili at
nananatiling ignorante.
Sinasabi ng ilan na ang relasyon sa pagitan ng parehong kasarian ay nagbibigay banta
sa lipunan. Marami pang mga bagay ang sa tingin ni Rodriguez ang mas nakapagbibigay ng mas
malaking banta sa lipunan: gutom, kahirapan, kasakiman, pagbabago ng klima, pneumonia, Kim
Jong Un. Pero hindi niya lubos na naiintindihan kung paano nakapagbibigay ng labis na pagka-
alarma sa iba ang relasyon ng dalawang taong nagmamahalan.

Natatakot ang ilang mga magulang na baka ang kanilang anak ay maging bakla. “Ang
pagiging bakla ba ang bagong kasamaan na ngayon? Ang kanilang talagang ikinakatakot ay kung
paano tatratuhin ng lipunan ang kanilang baklang anak. Oo, ang lipunan ay maaaring maging
malupit sa iyong anak, kaya’t huwag mo na itong gawing mas mahirap pa para sa anak mo,”
panghihikayat ni Rodriguez.

Kailangan malaman na ang homophobia ay nakakasakit ng tao. Ang sakit ay tunay:


nararamdaman ito ng tao sa lahat ng edad, ng mga pamilya at kaibigan na nawalan ng mahal sa
buhay dulot ng suicide at hate crimes, ng mga LGBT na ginahasa, binully, nilait, at iniwan.

Habang ang anti-discrimination bill ay naisulong na sa kongreso, ang mga LGBT ay


nananatiling mahina ang depensa pagdating sa harassment na maaaring maranasan sa bahay,
trabaho, at paaralan. Kaya naman ay kailangan bigyang importansya ang pagturo ng gender at
sexuality education sa paaralan.

Ang artikulong ito ay nagbibigay kaalaman sa kung ano ang nararanasan ng mga LGBT
sa kabila ng mga polisiya na naipatupad na sa kongreso. Kailangan din na bigyang aksyon ng
mga paaralan ang mga karahasang nagaganap sa mga paaralan. Ito ay tumatalakay sa stigma at
stereotypes tungkol sa LGBT.

Rodriguez, F. (2014). LGBT rights are human rights. [online] Rappler. Available at:
https://www.rappler.com/move-ph/ispeak/57744-lgbt-human-rights-philippines [Accessed 3
Apr. 2019].
Banyagang Literatura

Sa kabila ng paglawak ng komunidad ng mga LGBT sa Estados Unidos, ang mga


pampublikong paaralan ay nananatiling nakakatakot at hindi ligtas para sa mga LGBT. Ito ay
sinusuportahan ng ebidensya na mataas na bilang ng mga insidente na nararanasan ng LGBT
youth tulad ng diskriminasyon, karahasan, pang-aapi, at suicide. Ngunit, kahit man lang ang
pagsisikap na mapangalagaan ang karapatan ng mga mag-aaral na LGBT ay masakit na
tinataliwas sa mga korte at ng paaralan mismo.
Ang librong “The Right to Be Out” ay sinimulan sa pagsasaad ng kasaysayan at pagsusuri
ng pag-unlad hinggil sa mga karapatan ng mga LGBT mula pa noong 1968. Ipinahayag ni Stuart
Biegel, ang may akda, kung ano ang dapat gawin ng mga K-12 na paaralan sa mga nagdaang
kaso, tulad ng pambubully, upang bigyan ng solusyon ang mga LGBT na tao, na takot ilabas ang
kanilang tunay na nararamdaman, dahil ang pambubully ay isang malaking factor na makaka
apekto sa buhay ng isang mag-aaral, hindi man siya kabilang sa mga LGBT na tao. Verbal man o
pisikal na pambubully, ang aktong ito ay hindi katanggap tanggap sa nakakarami, lalo na sa
kabataan. Isinuri ni Stuart ang mga patakaran sa sistema ng pampublikong paaralan ng K-12 na
maaaring maka-apekto sa mga LGBT na mag-aaral at guro.
Ang mga LGBT na mag-aaral ay nakakaranas ng pagmamaltrato sa paaralan na
kinakaharap nila, at nagpapasagabal sa kakayahan nilang magtagumpay bilang magaaral. Mula
sa pagsusuri, may higit na 44.1% ng mga mag-aaral na LGBT ay nakakatanggap ng seksuwal na
panliligalig dahil sa kanilang aktwal o itinuturing na oryentasyon. At 32.7% naman na mga
estudyante ang hindi pinapa-pasok ng kanilang magulang sa paaralan dahil sa kapakanan ng
pagiging ligtas ng kanilang anak.
Hindi lamang ang mag-aaral ang naapektuhan sa mga ganitong kaso, pati na rin ang mga
nakakatanda o mga guro, dahil nahihirapan sila na saluhin ang problema ng kanilang
estudyante, na dapat sila ang nagsisilbing gabay para sa kanilang mga mag-aaral, at sila ang
dapat na nagbibigay ng proteksyon sa mga estudyante bilang pangalawang magulang nila. Hindi
madali para sa mga guro ang ganitong responsibilidad, pero ang buhay at kapakanan ng
kanilang mga estudyante ay nakasalalay din sa kanila.
Sa karagdagan, ang mga opisyal ng pampublikong paaralan ay sumasagawa ng mga
hakbang na magkaroon ng pantay pantay na edukasyon at oportunidad ang mga mag-aaral. Sa
mga hakbang na ito, kasama rin ang mga guro at administrator ng paaralan, dahil hindi pinipili
ang mga tao na gustuhing sumuporta sa mga LGBT na tao, mapabuti lang at mapatagumpay ang
karapatan ng mga LGBT na komunidad.
Ang ibig sabihin ng librong ito na “the right to be out”, na ang pagiging bukas sa sarili
at sa iba ay isang karapatan para sa nakakarami. Dahil dito makikita ang pag-unawa, at
pagpapahalaga ng bawat isa. Nakakatulong ito na mabawasan ang mga negatibong bagay at
patuloy lamang na bigyang halaga ang bawat isa sa atin nang makatulong din na
mapakinabangan ang dignidad ng isang tao, sa ating komunidad at lalo na sa mga paaralan.
Respeto at pag-unawa lang ang tanging magiging solusyon sa mga isyung ganito.

Biegel, S.(2010) The Right to Be Out: Sexual Orientation and Gender Identity in America’s Public
Schools. Minnesota.

Sa artikulong isinulat ni Blum, sinagot dito ang tanong na “Bakit palagi mong maririnig
na mahalagang ilantad ang sarili (to come out of the closet)?” Ayon kay Blum, kapag itinatago
mo ang iyong pagkatao, napakahirap para sa iyo na mahalin ang iyong sarili. At napakahirap
mag-mahal ng iba kung hindi mo mahal ang iyong sarili. Samakatuwid, sa loob ng closet na
pinananatilihan ng iyong pagkatao ay malungkot. Dahil walang nagmamahal sa’yo doon.
Ang pagiging totoo ay ang pundasyon ng pagiging malapit sa isa’t-isa. At kung gusto
natin ng mas maayos na relasyon sa iba, kailangan nating matutunan kung paano maging mas
maging totoo. Lahat naman tayo ay gusto ng mas maayos na relasyon.
May dahilan kung bakit tinatawag ang mga isinasagawang pagmartsa at pagdiriwang na
“Pride”. Ang pride ay kasalungat ng salitang kahihiyan o shame. Ang kahihiyan ang dahilan
kung bakit nararamdaman natin na tayo ay nahihiwalay sa iba at sa ating sarili.
Ang paglalantad ay isang mahirap na proseso at nangangailangan ng buong katapangan
at matinding lakas ng loob. Kung tayo ay mawawalan ng tapang at lakas ng loob na lumantad,
habang-buhay tayong makukulong sa ating sariling selda at mapipilitang magpakasal sa taong
hindi naman natin mahal. Ngunit, kung talagang handa ka na para ihayag ang iyong sarili,
makatutulong ito sa’yo na mas maging mahusay na katuwang sa buhay, manggagawa, kamag-
anak, kaibigan, at mamamayan ng bansa.
Blum, A. (2015). This is Why Coming Out is Important (Even After You’ve Come Out). [online]
Gay Therapists Who Are Results Oriented - Gay Therapy Center. Available at:
https://www.thegaytherapycenter.com/adam-d-blum-mft/2016/4/why-coming-out-is-
important-even-after-youve-come-out [Accessed 4 Apr. 2019].
Lokal na Pag-aaral

Tinalakay sa pag-aaral na isinagawa ni Thoreson ang tungkol sa kalagayan ng mga LGBTQ


youths sa mga paaralan. Sabi dito, ang mga LGBTQ youths ay nakararanas ng verbal at physical
bullying, sexual assault at harassment. Kadalasang salarin ng mga ganitong gawain ay mga mag-
aaral din at ang tugon naman ng mga guro ay kung hindi man nila ito bibigyang pansin ay sila rin
mismo ay makikisali sa pambubully. Ang epekto nito ay kawalang pokus o konsentrasyon sa
pag-aaral, pagiging suicidal, anxiety, depression, o/at serious psychological distress.
Thoreson, R. (2017). “Just Let Us Be” | Discrimination Against LGBT Students in the Philippines.
[online] Human Rights Watch. Available at: https://www.hrw.org/report/2017/06/21/just-let-
us-be/discrimination-against-lgbt-students-philippines [Accessed 3 Apr. 2019].
Sa pag-aaral naman na isinagawa nina McSherry et. al., nakasaad na tulad ng karamihan
sa ibang mga bansa sa mundo, ang Pilipinas ay walang terminolohiya sa ating wika ang
tumutukoy sa iba’t-ibang kategorya ng sexual orientation.
Nag simula ang ideolohiya ng machismo na siyang pundasyon ng misogyny at
homophobia nang sakupin ng Kastila ang Pilipinas. Noong panahon ng Kastila lumaganap ang
Katolisismo na pinaka kumontrol sa ating lipunan.
Alice McSherry, Eric Julian Manalastas, J. C. Gaillard & Soledad Natalia M. Dalisay (2014): From
Deviant to Bakla, Strong to Stronger: Mainstreaming Sexual and Gender Minorities into Disaster
Risk Reduction in the Philippines. University Of The Philippines Diliman. Manila. Pg. 5-7.

Banyagang Pag-aaral
Ayon sa pananaliksik nina Joanna Almeida, et. al., sa “Emotional Distress Among LGBT
Youth: The Influence Of Perceived Discrimination Based on Sexual Orientation”, natuklasan na
mas malaki ang posibilidad na maranasan ang pagmamaliit ng mga taong LGBT sa kanilang sarili
kaysa sa mga heterosekswal at non-transgender na tao.
Isa rin sa mga natuklasan ay mas umuulat ang mga lalaking LGBT ng pambibiktima sa
kanilang sekswal na oryentasyon. Bilang resulta, mapapansin na mas mataas ang depressive
symptoms kumpara sa kanilang mga heterosekswal at non-transgender na lalake. Samantalang,
mas mababa ang depressive symptoms sa mga babaeng LGBT kumpara sa mga heterosexual at
non-transgendered na babae. Iminumungkahi ng mga resulta na mas mabigat ang epekto ng
diskriminasyon sa sekswal na oryentasyon sa mga lalaki kumpara sa mga babae.
Gayunpaman, kailangan pa ng mga karagdagang pag-aaral. Kadahilanan ay ang
kakaibang pamamahagi ng mga sekswal na oryentasyon sa mga kasali sa LGBT. Napansin na
mas malaki ang probabilidad na kumilala bilang gay ang lalaki at bisekswal o kadalasang
heterosekwal ang babae. Maaring mas kaakibat ang mga lalaki sa komunidad ng LGBT bilang
resulta nito.
Joanna Almeida, Renee Johson, Heather Corliss, Beth Molnar, Deborah Azrael (2009): Emotional
Distress Among LGBT Youth: The Influence of {Perceived Dscrimination Based on Sexual
Orientation, Springer Science, Business Media LLC, 1001-1014, 38:7
Ayon sa pananaliksik nina Emilie D’Amico at Danielle Julien sa kanilang artikulong
pananaliksik, “Discourse of Sexual Orientation and Gay, Lesbian, and Bisexual Youth’s
Adjustment: Associations with Past and Current Parental Acceptance and Rejection”.
Nakakaapekto ang pagtanggap o pagtanggi ng mga magulang sa sekswal na oryentatuon ng
kanilang mga anak.
Pinagaralan ang kaugnayan ng quality bond ng mga magulang at mga anak at ang
pagbunyag ng sekswal na oryentasyon nila. Nakita na ang mga GLB (Gay, Lesbian, Bisexual) na
umamin ng kanilang oryentasyon ay may mas mataas na acceptance rate sa kanilang mga
magulang sa pagkabata. Malamang ang paglaki sa isang supportive na environment ay
nakakagawa ng malakas na bond para makatulong sa pagbunyag ng sekswal na oryentasyon sa
mga magulang. Napansin din na ang mga babae ay mas mataas ang pagkatanggap ng kanilang
ama at mas mababa ang kabuuang lebel ng pagtanggi ng mga magulang kumpara sa mga lalaki.
Gayunpaman, kahit parehas ang lebel ng pagtanggap sa parehas na kasarian, mas mataas
naman ang pagtanggap ng mga ina sa mga anak na lalaki sa pagkabata nila, kumpara sa mga
babae.
Lampas sa usaping relasyon sa mga magulang, iminumungkahi ng mga resulta na kapag
mas maagang naunawaan ng isang indibidwal ang kanilang sekswal na oryentasyon, mas malaki
ang posibilidad na ibunyag ito sa kanilang mga magulang. Tulad ng inaasahan, kumpara sa mga
hindi nagbunyag, nakita na mas maliit ang proporsyon ng mga nagbunyag ang naninigarilyo o
umiinom ng alcohol sa kabilang banda, mas mataas ang posibilidad na ang mga hindi
nagbunyag na indibidwal ay mahikayat sa paggamit na mga substance dahil sa stress na
nagresulta sa pagtago ng totoo nilang sarili. Kasalungatan naman ang mga GLB na umaabuso sa
alcohol at droga ay mas maliit ang posibilidad na magbunyag ng kanilang sekswal na
oryentasyon sa kanilang mga magulang.

D’Amico & Julien (2012): Disclosure of Sexual Orientation and Gay, Lesbian and Bisexual Youth’s
Adjustments: Associations with Past and Current Parental Acceptance and Rejection, Routledge
(England and Wales), 215 – 242.
Pagtukoy sa Lokal at Banyagang Pag-aaral
Lokal na Pag-aaral
Ang unang lokal na pag-aaral na aming ibinahagi ay isinagawa ni Ryan Thorsone, isang
mananaliksik, na kabilang sa samahan ng LGBT Rights Program. Ang pag-aaral na ito ay
mayroong pamagat na “Just Let Us Be” | Discrimination Against LGBT Students in the Philippines
na sinuportahan ng institusyon ng Human Rights Watch na matatagpuan sa Manila, Philippines.
Sa ikalawang pag-aaral naman na isinagawa nina Alice McSherry, Eric Julian Manalastas,
J. C. Gaillard & Soledad Natalia M. Dalisay ay naglalayong talakayin ang isyu ng “Deviant to
Bakla, Strong to Stronger: Mainstreaming Sexual and Gender Minorities into Disaster Risk
Reduction in the Philippines.” Inilathala ito sa Palma Hall Annex 114 UP Diliman, Quezon City na
matatagpuan sa Pilipinas.

Banyagang Pag-aaral
Ang banyagang pag-aaral naman na aming tinalakay ay isinagawa ng mga mananaliksik
na sina Joanna Almeida, Renee Johson, Heather Corliss, Beth Molnar, Deborah Azrael at
naglalayong magbigay kaalaman at kalamayan tungkol sa paksang “Emotional Distress Among
LGBT Youth: The Influence Of Perceived Discrimination Based on Sexual Orientation.”
Isinapubliko ito sa tulong ng Department of Society, Human Development and Health; Harvard
School of Public Health (HSPH), Institute on Urban Health Research; Northeastern University,
Harvard Youth Violence Prevention Center; HSPH, Department of Health Policy & Management;
HSPH, Department of Health Policy & Management; HSPH, Division of Adolescent and Young
Adult Medicine; Children's Hospital Boston, at Division of Adolescent and Young Adult
Medicine; Children's Hospital na matatagpuan sa Boston, MA (USA).
Sumunod na pag-aaral naman ang kina Emilie D’Amico at Danielle Julien na
pinamagatang “Discourse of Sexual Orientation and Gay, Lesbian, and Bisexual Youth’s
Adjustment: Associations with Past and Current Parental Acceptance and Rejection”. Inilathala
ito sa ilalim ng Taylor and Francis Group na naka rehistro sa lugar ng Howick Place of England,
London.

Sintesis
Tinalakay sa kabanatang ito ang mga mahahalagang terminolohiya at ang kaugnayan ng
mga ito. Ang sex na tungkol sa genitals, gender na kung pano tingnan ang sarili, at sexuality
kung kanino nagkakagusto. Tinalakay din ang mga karapatang hindi natatamo ng mga LGBT sa
Pilipinas sa kabila ng mga sunod sunod na LGBT movements. Ang mga pamilyang LGBT ay
kadalasang hindi kinikilala bilang isang pamilya. Kadalasan ring nababalewala ang pagkatao’t
dignidad kaya’t marami sa mga bakla ay nilalait at marami sa transgender ang binubugbog.
Binahagi sa kabanatang ito ang mga epekto ng pangmamaltrato ng iba sa mga LGBTQ
youth, pati na rin ang pagkabahala ng mga magulang sa paglalantad ng kanilang anak.
Maraming natatakot at nawawalan ng gana na pumasok sa paaralan at maraming
psychological distress ang nararanasan nila. Ang pangmamaltrato rin na nakikita sa paligid ang
rason kung bakit ayaw lumantad ng isang tao. Sinabi dito na karapatan natin ilantad ang tunay
na pagkatao dahil ang pagtatago nito ay magreresulta lamang sa napakarami pang negatibong
pangyayari tulad ng pangyayari na pakiramdam natin ay nahihiwalay tayo sa iba.
Malaking impluwensya din ang maibibigay ng magulang sa kanyang anak. Kung ang
isang bata ay lumaki sa isang supportive na pamilya, magiging madali na lang para sa kanya
na ilantad ang sarili. Ngunit, kung ang bata naman ay lumaki sa isang homophobic na
pamilya, napakahirap para sa kanya na tanggapin at mahalin ang sarili.

You might also like