You are on page 1of 12

Avila, Bismark, Cruz 1

The Numbers Game: Ang Implikasyon ng Neoliberal na Kultura ng


Tyranny of Numbers sa Pilipinong Mag-aaral

Nina
AVILA, Kaye Antoinette V.
BISMARK, Kent Marc Kobe C.
CRUZ, Gerson Gerard L.

ABSTRAK

Lahat ng bagay ay nasusukat. Walang kahit anong bagay sa ating mundo ang hindi sinusukat—
laki, taas, at dami ng anumang umiiral at namamalagi sa mundo. Ang pagtatakda ng batayan
sa lahat ng bagay ay nagdudulot ng karahasan na nagpapakita ng ating pananaw at posisyon sa
lipunan. Kaakibat ng pandaigdigang pag-unlad ang mas mataas na pagpapahalaga sa mga datos
at mga numero bilang batayan ng pag-unlad ng komunidad, lipunan at ng isang bansa. Dito ay
ipinagpapalagay na kapag mas mataas ang halaga o pagtataya sa isang bagay, tinuturing na
agad na de-kalidad ang bagay na iyon. Makikita ito sa kultura ng Tyranny of Numbers (ToN).
Ang ToN ay tumutukoy sa sistema ng paghusga sa isang tao o institusyon sa pamamagitan
lamang ng mga bilang, dami at laki ng mga numero. Sa Pilipinas, makikita ang ganitong
sistema sa iba’t ibang bahagi tulad na lamang ng pagbibigay ng mas mataas na pagpapahalaga
sa mamahaling mga gamit at produkto na mababakas sa mga gamit na inaangkat natin sa ibang
bansa. Dagdag pa rito ang mas mataas na pagtingin sa mga Pilipinong mas matangkad at
maputi, at higit sa lahat ay ang pagcocompartmentalize sa mga Pilipino na inaangkop sa
kataasan ng kanilang kita o marka sa paaralan. Bagamat nakapagpapaunlad ang ToN ng isang
bansa, nagkakaroon ng pagkagambala ang mga mamamayan na hindi nakasasabay sa daloy ng
pag-unlad o hindi makaabot ng pamantayang kinakailangan tulad ng itinakdang pasadong
marka, sapat na kita at kaaya-ayang pisikal na itsura na nagdudulot ng pagbaba ng kalusugan
ng isang indibidwal. Upang mamulat ang mga tao sa talamak na sistemang ito, binigyang
kahulugan ang ToN at ang implikasyon nito sa iba’t ibang aspektong panlipunan. Binigyang-
diin ang implikasyon nito sa pakikipagkapwa-tao at edukasyon ng indibidwal. Sa larangan ng
edukasyon, ipinakita namin ang ToN bilang pangunahing tagahubog ng grade consciousness
ng isang mag-aaral na nagdudulot sa kanya ng panic, o pagkagambala, upang matapatan ang
batayan ng lipunan. Sa pagnanais na maabot ang status quo, tinalakay namin ang mga bunga
nito sa kalusugan ng indibidwal tungo sa bunga nito para sa lipunan. Sa pagsusuri ng mga ito,
naipakita namin na ang ToN ay nakaugat sa neoliberal na pag-iisip at ang pagpapatuloy ng
ganitong sistema ay magpapasidhi ng social stratification sa pag-aantas at pag-uuri ng lipunang
Pilipino.
Susing salita: Tyranny of Numbers, Grade Consciousness, Neoliberal, Social Stratification,
Anthropometry
Avila, Bismark, Cruz 2

BALANGKAS NG SANAYSAY-SALIKSIK
1. Tyranny of Numbers
a. Depinisyon
b. Tyranny of Numbers sa iba’t ibang aspekto ng lipunan at indibidwal
i. Social Media
ii. Kalakal
iii. Katawan
iv. Edukasyon
2. Mismeasure of Man
a. Depinisyon
i. Gould
b. Kasaysayan
i. Biological Determinism
ii. Racial Measurement
1. Ang pagiging grade conscious ay nakaugat sa lahing
pinanggalingan
3. Grade Consciousness
a. Grade Consciousness bilang pagpapakita ng pagkagambala
i. Sanhi
1. Nais na matanggap ng lipunan
2. Nais na matanggap sa trabaho
3. Istruktura ng neoliberal na lipunan
4. Implikasyon ng Grade Consciousness sa Mag-aaral
a. Transaksyonal na pakikipagkapwa-tao
i. ‘User-friendly’
ii. ‘Reciprocity’
b. Compartmentalization
5. Konklusyon
a. Pagbubuod ng mga mahahalagang bahagi ng sanaysay-saliksik
b. Ang lipunang Pilipino bilang isang malaking Numbers Game
c. Panawagan upang maipakita ang bunga ng ganitong sistema sa lipunang
Pilipino
Avila, Bismark, Cruz 3

The Numbers Game: Ang Implikasyon ng Neoliberal na Kultura ng Tyranny of


Numbers sa Pilipinong Mag-aaral

Sa isa’t kalahating semestre namin sa Ateneo, malimit na maririnig ang mga pahayag
na “Huy, anong grade mo sa LT?”, “Pasado ka ba sa quiz?”, “Yes, naka-A ako!”, at “Paano na,
bagsak na naman ako?” Sa lahat ng ito, hindi kailanman kinamusta ang kalagayan ng
estudyante, bagkus ang markang nakukuha niya ang nagiging pamamaraan ng pangungumusta.
Ang “Kamusta ka na?” ay napapalitan ng “Anong score mo?” at ang ganitong pakikipagkapwa-
tao ay nagiging talamak sa mga paaralan. Nagiging batayan ang mga marka ng isang estudyante
ng kanyang estado sa paaralan, nagiging batayan ang numero sa pagkatao ng indibidwal. Bilang
paglalawig, makikita ang pagpapahalaga sa numero sa lipunang ating kinagagalawan sa
pamamagitan ng iba’t ibang batayan ng kalidad ng isang tao o produkto. Halimbawa, sa isang
banda tinatawag na matikas ang mga lalaking matatangkad, seksi ang mga babaeng mayroong
36-24-36 na vital statistics at de-kalidad ang mga produktong mas mamahalin. Sa kabilang
banda, tinatawag lamang na katamtaman o average ang mga lalaki at babaeng hindi nakaabot
sa ganitong mga batayan at kadalasan ay sinasabing peke at madaling masira dahil mumurahin
lamang ang mga produkto kumpara sa mga mamahalin nitong katapat. Sa ganitong mga
pamamaraan malinaw na naihahayag ang Tyranny of Numbers (ToN), o ang sistema ng
paghusga sa isang tao o institusyon sa pamamagitan lamang ng mga bilang, dami at laki ng
mga numero. Hindi namimili ang ToN; at sa bawat araw na lumilipas, mayroong tao,
institusyon o bansa ang nakakaranas nito. Dahil dito, nais ng papel na itong taluntunin ang
konsepto ng ToN upang mamulat ang mga tao sa ganitong sistema. Sa kanilang pagkamulat
inaasahan namin ang pagkakaroon ng mas malalim na pagkaunawa sa ToN at ang pagtingin sa
kanilang lipunan gamit ang isang lenteng higit sa numero, isang lenteng isinasaalang-alang ang
buong proseso, isang lenteng hindi maka-numero kundi maka-proseso at makatao.

Kahulugan ng Tyranny of Numbers


Batay kay Stephen Jay Gould, ang ToN ay ang pagtingin sa isang kaugalian o aspekto
ng pagkatao bilang pangkalahatan, o naaangkop sa lahat ng lahi ng tao. 1 Ang ToN ay ang
pangangatwirang ang katalinuhan ay mapapakahulugan sa mga tiyak na numero bilang pag-
aantas sa tao.

1
Stephen Jay Gould, The Mismeasure of Man (New York: W.W. Norton & Company, 1996), 20.
Avila, Bismark, Cruz 4

Alinsunod naman kay Muller, ang mga tao ay nawiwili sa mga numero at ang bagay na
higit na nagpapalitaw dito sa metric fixation ay ang paghangad na palitan ang sariling
pagpapasya at sukatin ang mga karanasang pantao batay sa mga pamantayang itinakda ng
lipunan.2 Magkaibang-magkaiba ang pagpapasya at pagsusukat. Ang pagpapasya ay alam
nating personal, subhektibo, at pansariling opinyon lamang. Ang pagsusukat naman, sa
kabilang banda, ay ang pagpapatotoo sa mga bagay o pangyayari na obhektibo. Sa gayon,
tinuturing ni Jolly ang Tyranny of Numbers bilang bunga ng maling akala sa maling paggamit
ng impormasyong estadistikal ng mga estadong tumutugon ng mga suliranin.3
Ginagamit na ang mga standardized measurement bilang diskarte upang mapagbuti pa
ang mga institusyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng gantimpala sa mga taong may mga
pinakamatataas na numero, o sa mga umabot sa kanilang itinakdang marka. Ang mga hindi
naman umabot sa itinakdang bilang ay parurusahan.4
Nakikita ang ToN sa iba pang aspekto ng lipunan, saklaw nito ang social media, ang
merkado at mga bilihin, ang katawan at kalusugan, at ang edukasyon. Sa mga lugar na ito
napapansin ang mga sitwasyon kung saan ang mga numero ang pangunahing batayan ng
kanilang mga desisyon.
Sa pag-usbong ng Social Networking Sites (SNS) tulad ng Facebook, nagkakaroon ng
‘Facebook depression’ ang mga nahuhumaling dito. Ang Facebook ay nagiging paligsahan sa
paramihan ng ‘friends’ na mayroon online kung saan ang karamihan ay naglalagay ng mga
bagay na maaaring ipagmalaki upang sila ay makarami ng likes.5 Katulad nito ang kalagayan
ng iba pang plataporma kagaya ng Youtube at Instagram; ang estadistika ng bawat gumagamit
ay nagiging batayan ng paglaganap ng salapi. Dahil sa posibilidad ng pagkakaroon ng kita,
hinihigitan ng purong numero ang kalidad ng mga laman ng mga ibinabahagi sa mga sites na
ito.
Mayroong pagkakataon naman na metrik ang pagtingin sa katawan ng indibidwal at
doon binabatay ang pagiging kaakit-akit niya. Biometrics ang tawag sa pagsusukat ng tangkad,
bigat, edad, at iba pang katangian ng tao. Malimit na ginagamit ang biometrics sa pag-intindi
ng kalusugan ng tao, subalit hindi ito ang tanging nagdidikta nito.6 Gayunpaman, may iilang

2
Jerry Z. Muller, The Tyranny of Metrics (New Jersey: Princeton University Press, 2018), 7-8.
3
Richard Jolly, Population and Development Review 21, no. 4 (New Jersey: Wiley-Blackwell, 1995),
876.
4
Jerry Z. Muller, The Tyranny of Metrics (New Jersey: Princeton University Press, 2018), 7-8.
5
Charlotte Blease: Too Many ‘Friends,’ Too Few ‘Likes’? Evolutionary Psychology and ‘Facebook
Depression: Review of General Psychology 15, no. 1 (Dublin: University College Dublin, 2015), 7.
6
Health Insider, "What's a Biometric Screening (and Why Should I Care)?" https://my.castlighthealth
.com/blog/what-is-a-biometric-screening/, (January 25, 2018).
Avila, Bismark, Cruz 5

tao, lalo na ang iyong walang masyadong kaalaman sa medisina, ang naniniwalang ang
biometrics ay siyang pangunahing sukat ng kalusugan. Kitang-kita ang ganitong
pagpapahalaga sa proseso ng pagtanggap ng mga flight attendants kung saan ang mga aplikante
ay nangangailangang umabot sa itinakdang tangkad upang matanggap bilang flight attendants.7
Ang ganitong maling pagkaunawa ay maaaring magpayabong ng kulturang nakabatay sa mga
numero upang husgahan ang kalusugan, o pagkakaakit-akit ng tao, katulad ng pagtanong ng
vital statistics ng isang babae bilang sukat ng kanyang pagiging kanais-nais.

Kasaysayan
Ang mga kontrobersiya patungkol sa kababaan ng mga Black at Indian at ang kataasan
ng mga White ay matagal nang nakatatak sa kasaysayan ng tao. 8 Ang mga hakbang para sa
pagtatatag ng kaayusan ng isang lipunan ay nagdulot ng mga ideyolohiya kung saan ang mga
tao ay nababatay sa iba’t ibang hirarkiya base sa kanilang mga pansariling katangian. Sa
pagsasagawa ng saligang ito, tuluyang tinanggap ng mga tao na mayroon ngang kaugnayan
ang lahi ng isang indibidwal at ang kanyang katalinuhan—na maaari ring tawagin na biological
determinism.
Ang biological determinism ni Plato na nagsasabing ang mga pamantayan sa pag-asal,
at ang pagkakaiba sa aspektong socio-economic sa mga pangkat ng tao—lalo na sa lahing
pinanggalingan, antas sa lipunan, at kasarian ay minana at bunga ng pagkakaiba noong
pagkakapanganak pa lamang.9, 10

Racial Measurement
Sa kasaysayan ng racial ranking, ang mga Indian ay kinilala bilang mas mababa sa mga
White, at ang mga Black naman ay ang pinakamababa sa lahat ng mga lahi. Sinasabing ang
craniometry ang basehan ng pag-aantas sa mga lahi.11 Mayroon ding mga grupo na mayroong
iba’t ibang interpretasyon sa nasasabing racial ranking: ang mga hard-liners at mga soft-liners.
Ang mga hard-liners ay ang mga taong lubusang naniniwala na ang mga Black ay nakabababa
sa lahat na siyang nagbibigay katwiran na nararapat lamang ang pagkaalipin at kolonisasyon
na kanilang natamasa. Ang mga soft-liners ay naniniwala rin na ang mga Black ay nakabababa

7
Fehl Dungo, “How to become a Flight Attendant in the Philippines – Jobs and Requirements of
Airline Companies Hiring,” https://philpad.com/how-to-become-a-flight-attendant-in-the-philippines-jobs-and-
requirements-of-airline-companies-hiring/, (March 1, 2013).
8
Stephen Jay Gould, The Mismeasure of Man (New York: W.W. Norton & Company, 1996), 63.
9
Gould, 20.
10
Katya Gibel Azoulay, Reflections on ‘race’ and the biologization of difference: Patterns of Prejudice
40, no. 5 (London: Informa UK, 2006), 353.
11
Gould, 63.
Avila, Bismark, Cruz 6

sa lahat, ngunit may mga argumento rin sila na nagsasabing ang kalayaan ng isang tao ay hindi
nakabatay sa kanyang naturang katalinuhan.
Napaloob ang mga Black sa racial discrimination na gumamit ng craniometry, kung
saan ang kanilang mga biological na katangian, partikular ang istruktura ng kanilang bungo,
ay inihalintulad sa istruktura ng bungo ng mga unggoy. 12 Mayroong mga librong nailimbag
noon na nagpapakita ng mga paglalarawan sa bungo ng mga Black. Minsan pa’y nagkakaroon
ng mga pagmamalabis sa mga larawan katulad na lamang sa libro nina Nott at Gliddon, kung
saan ang bungo ng chimpanzee ay pinalaki at ang panga ng Black ay pinahaba upang
magkaroon ng impresyon na mas mababa pa ang mga Black kaysa sa mga unggoy.13
Sa libro ni Linnaeus na Systema naturae makikita ang unang depinisyon ng mga tao
ayon sa mga termino ng modern taxonomy, ngunit pati rito ay laganap ang racial discrimination
dahil mayroong pagsasama ng lahi sa scientific name ng tao. Ang mga Black ay pinangalanang,
Homo sapiens afer, at sinasabing sila ay “ruled by caprice”, habang ang mga White naman ay,
Homo sapiens europaeus, at “ruled by customs”.14

Tyranny of Numbers sa Grade Consciousness


Bilang mga mag-aaral, isa sa pinakamahalagang epekto ng ToN ay ang pagdudulot ng
grade consciousness sa mga mag-aaral. Ang pagiging grade conscious (GC) ay ang
pagtangkilik sa marka bilang batayan ng tagumpay. Sa isang banda, ang pagiging GC ay
maaaring makabuti sa mga mag-aaral dahil binibigyan nito ng pagganyak ang mag-aaral upang
magsikap para sa magandang marka.15 Ngunit sa kabilang banda, ang ganitong sistema ay
nagiging sanhi ng hindi pagkakapantay-pantay ng mga mag-aaral sapagkat mayroong
makakakuha ng mataas na marka at mayroong hindi dahil sa simula pa lamang ay mayroong
iba’t ibang kasanayan ang bawat indibidwal.16 Dahil dito, nanaisin ng bawat mag-aaral na
magkaroon ng mas mataas na marka upang makasali sila sa mas nakatataas na estado, at ayon
kay Bowen, ang pagkakakilala sa mag-aaral ay makikita na lamang ayon sa key numbers and
metrics.17 Bukod dito, nagiging sanhi ng grade consciousness ang pag-iiba sa katayuan ng mga
indibidwal na lipunan sa kasalukayan. Ayon kina Renson et al., sa “The Influential Capitalist

12
Stephen Jay Gould, The Mismeasure of Man (New York: W.W. Norton & Company, 1996), 65.
13
Ibid.
14
Gould, 66.
15
Edsys, “Grades and Students: Psychological Effects of Grades on Students,” https://www.edsys.in/
grades-students-psychological-effects/, (January 29, 2015).
16
Ibid.
17
Howard R. Bowen, The Tyranny of Numbers in The Phi Delta Kappan, vol. 44, no. 9 (Phi Delta
Kappa International, 1963), 427.
Avila, Bismark, Cruz 7

Culture: Grade Consciousness of Ateneo Students,” ang pagpasok ng neoliberal na hinagap ay


nagdulot ng pagbabago sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas.18 Dagdag nina Renson et al.:

Neoliberalist ideas changed the goal of education from forming critical citizens for a healthy
democracy to focusing on their development of functional skills to be economically
productive.19
Ayon din kay Gerrard, dala ng neoliberalismo ang pagbabago sa pagtingin sa existence
ng isang tao.20 Ang existence ayon kay Gerrard ay ang pagkatutong paunlarin ang sarili upang
makapagbigay ng halaga sa lipunan. Sa mga salita ni Gerrard:

…[E]xistence has been scholarized; thus, to learn is to work on oneself, and to work on
oneself is to accrue value, competitiveness, and flexibility.21
Mula sa ganitong pananaw, maipapaliwanag ang matinding pagpapahalaga ng lipunan
sa marka ng mga estudyante o di kaya’y ang pagtatapos ng pag-aaral. Halimbawa, nito lamang
ay nadatnan namin ang isang tindahan ng Dairy Queen na naghahanap ng aplikante at ang
pangangailangan ay isang college degree. Nakababalisa mang isipin kung bakit kinakailangang
makapagtapos ng pag-aaral upang makapaghain ng ice cream tulong ng makinarya, ganito na
ang estado ng ating lipunan. Ang pribadong sektor ay nagbibigay ng mas mataas na
pagpapahalaga sa mga aplikanteng matataas ang marka, nakapagtapos ng pag-aaral o mas
mataas pa ang natapos.
Dulot ng ganitong istruktura ng lipunan, nagkakaroon ngayon ng panic, o
pagkagambala sa mga mag-aaral na makakuha ng matataas na marka dahil magbibigay ito ng
trabaho sa kanila sa kalaunan. Ang panic na nadudulot nito ay nakasasakit sa sikolohiya ng tao.
Ayon sa Edsys, ang panic na ito ay pumapatungkol sa kahihiyan na makukuha ng mag-aaral
dahil sa mababang grado.22 Walang sinuman ang may kagustuhan magpakita ng mababang
marka at dahil sa mabababang marka nagkakaroon ng inferiority complex ang mga mag-aaral
sa iba nilang kaklase na nakasasama sa kanilang kalusugan. 23 Dulot ng kahihiyang ito ang
pagbaba ng pagkatuto ng mga mag-aaral dahil mas nanaisin na lamang nilang huwag mag-aral
kung hindi natutumbasan ng matataas na marka ang kanilang pagsisikap. Kapag nawalan ng

18
Renson Alvior et al., The Influential Capitalist Culture: Grade Consciousness of Ateneo Students
(Quezon City: Ateneo de Manila, 2016), 3-4.
19
Ibid
20
Jessica Gerrard, All That Is Solid Melts Into Work: Self-Work, The ‘Learning Ethic’ And The Work
Ethic in The Sociological Review, vol. 62, no. 4 (2014), 862-879.
21
Ibid.
22
Edsys, “Grades and Students: Psychological Effects of Grades on Students,”
https://www.edsys.in/grades-students-psychological-effects/, (January 29, 2015).
23
Ibid.
Avila, Bismark, Cruz 8

pagganyak mag-aral ang tao, papasok na muli ang pagkagambala na hindi siya
makapaghahanap ng trabaho kung kaya’t pipiliin muli nilang mag-aral. Makikita rito ang isang
siklo ng pagpa-panic, pagsuko, pagsisikap, pagsuko at pagpa-panic na magmuli hanggang sa
makapagtapos ang mag-aaral ng kanyang edukasyon at papasok na siya sa mundo ng
kapitalismo bilang isang manggagawa.
Makikita na ang ToN sa pamamagitan ng grade consciousness ay nagiging instrumento
ng neoliberal na sistema kung saan mas pinahahalagahan ang tao bilang commodity ng kita.
Nagiging talamak ang proseso ng commodification dahil walang magagawa ang tao upang
kumawala sa sistema sapagkat hindi siya mulat sa sistemang kumokontrol sa kanya.

Grade Consciousness at Pakikipagkapwa-tao


Aming isinaad na mula sa istruktura ng lipunan na pahalagahan ang mga numero
nagmumula ang pagkagambala ng mga estudyanteng makakuha ng matataas na marka. Mula
naman sa pagkagambalang ito nagmumula ang iba’t ibang paraang ginagawa ng mga mag-
aaral upang makakuha ng mataas na marka. Isa na rito ang pagbuo ng mga transactional
relationships sa kanilang kapwa mag-aaral. Sa aming paglalakbay sa akademya, malimit
naming nakakasalamuha ang mga taong tinatawag ngayong user-friendly sapagkat
makikipagtulungan ang taong iyon upang makamit ang kanyang kagustuhan at pagkatapos ay
mawawala na ang komunikasyon sa pagitan ng dalawa. Sa ganoong pamamaraan makikita ang
transactional na pakikipagkapwa-tao. Ayon kay Banazadeh, ang transaksyonal na pakikipag-
kapwa ay nakaugat sa pangangailangan.24 Sa ganitong konteksto, ang pangangailangan ay ang
pangangailangang makakuha ng mataas na marka. Dagdag pa rito, ang transaksyonal ay
umiikot sa ideya ng pagkamit ng pinakamainam na sitwasyon para sa sarili kapalit ng
pinakamababang pagsisikap na ibinibigay. Bilang mga mag-aaral, mapapansin ito sa ugali ng
mga estudyanteng “Okay lang yan, mataas parin naman ang makukuha mong grade diyan kahit
di ka mag-effort!” Una, ang ganitong pag-iisip ay nagpapakita ng mas mababang
pagpapahalaga sa pagkatuto ng estudyante sapagkat mas binibigyang halaga ang marka
makukuha kaysa sa bagong kaalamang makakamtan sa paggawa ng takdang gawain. Ikalawa,
ang ganitong ugali ay nagiging sanhi ng transakyonal na ugnayan ng estudyante sa kapwa
estudyante dahil ipinapakita nito ang matinding pagpapahalaga sa marka. Bilang pagbabalik,
ang kamustahan sa kapwa ay napapalitan ng kamustahan sa gawain at marka. Huli, ang

24
Payam Banazadeh, “How to Create Transformational Relationships Instead of Transactional?”,
https://medium.com/@payamban/how-to-create-transformational-relationships-instead-of-transactional-
b066ccfda252, (April 23, 2018).
Avila, Bismark, Cruz 9

ganitong pag-iisip ay nagpapasidhi ng transaksyonal na pakikipagkapwa ng estudyante sa


kanyang guro na sa aming paniniwala ay hindi nararapat sapagkat ang bawat guro ay hindi
lamang nagbibigay ng marka kundi bagong perspektibo’t pagkatuto sa estudyante. Sa pagbuo
ng mas maraming ugnayang transaksyonal, nababawasan ang mga nabubuong ugnayang
transformational na iginigiit ni Banazadeh na mas mahalaga sapagkat kung ang transaksyonal
ay nakaugat sa pangangailan, ang transpormasyonal ay nakaugat sa pagnanais – pagnanais na
makipagkapwa-tao at bumuo ng makabuluhang ugnayan.25 Ayon kay Banazadeh:

Transformational relationships should transform you even though by nature you are not
meant to be the primary focus. They should change you, make you better, create a bigger pie,
create more love, more meaning, and hopefully a better world. Limit your transactional
relationships and move to a new state of mind, you would be happier, and have more
influence and control over what happens around you.26
Samakatuwid, dahil sa pangambang makakuha ng mataas na marka, nakaliligtaan ng
mag-aaral ang mas mahalagang gawain, ang bumuo ng mga transpormasyonal na ugnayan na
sa huli ay magiging mas makabuluhan kumpara sa kahit anong taas na markang kanyang
makukuha.

25
Payam Banazadeh, “How to Create Transformational Relationships Instead of Transactional?”,
https://medium.com/@payamban/how-to-create-transformational-relationships-instead-of-transactional-
b066ccfda252, (April 23, 2018).
26
Ibid.
Avila, Bismark, Cruz 10

Marka bilang Marka ng Pagkatao ng Mag-aaral


Bukod sa pagbuo ng transaksyonal kaysa transpormasyonal na ugnayan sa kapwa, isang
bunga ng grade consciousness ay ang compartmentalization sa mga mag-aaral. Bilang
pagsisimula, naranasan naming mahusgahan base sa aming marka. Halimbawa, noong high
school kami, madalas kaming mapuri kapag ang marka namin ay 90 pataas. Sinasabing
matatalino kami at magiging matagumpay sa hinaharap, ngunit kapag bumaba ang markang ito
sasabihan kaming ayusin ang aming marka dahil hindi raw magandang mababa ang marka at
kailangang maging honor student upang mas masigurado ang trabaho. Hindi maikakaila ang
praktikal na pananaw na ito, ngunit sa kabilang banda, hindi rin dapat nagiging basehan ang
marka ng pagkatao ng kahit na sino sapagkat sa pagbaba ng marka maaaring may iba’t ibang
salik ang dapat na bigyang pansin tulad ng sikolohiya ng mag-aaral. Pagdating ng kolehiyo,
lalong sumidhi ang nagaganap na compartmentalization. Mayroong nababansagang nerd,
bookworm, weird dahil matataas ang kanilang marka at mga bobo, tanga at hangal, dahil sa
mababa nilang marka. Hindi rin maikakaila na mayroong mga guro na naghahati sa kanilang
klase ayon sa marka kung saan ang mga nahuhuli subalit nagsusumikap ay laging natatalo ng
mga binansagan ng magagaling ng guro. Sa ganitong uri ng sistema sa pamantasan, lalo pang
sumisidhi ang pagpapahalaga sa marka na nagbubunga sa mas matinding pangamba ng mag-
aaral. Malaki ang nagiging gampanin nito sa sikolohiya ng mag-aaral. Halimbawa, ang isang
mag-aaral na nabansagang bobo ay makikilala ang sarili niyang bobo at ang mag-aaral na
laging binabansagang matalino ay hindi masasanay na makagawa ng kamalian. Samakatuwid,
sa kahit anong lente tignan, higit na makikita ang mga negatibong dulot ng GC kaysa sa mga
mabubuti nitong nagagawa.
Dahil dito, hindi namin isasaad na itigil na ang sistema ng ToN ngunit nais naming
manawagan na huwag lamang numero ang gawing batayan ng husay at tagumpay ng kahit
sinuman lalo na ang mga mag-aaral. Bagkus, nangangailangang bigyan ng mas mataas na
pagpapahalaga ang mga kakayahang hindi kailanman masusukat ng kahit anong numero tulad
ng pakikipagkapwa-tao, pagiging tapat at masikap, estado ng sikolohiya ng tao at iba pa.
Kailangang bigyan pansin ang mga kakayahang makakabuo hindi ng transaksyonal kundi
transpormasyonal na ugnayan sapagkat kailanman hindi magiging sapat ang transaksyonal na
ugnayan sa pagbuo ng isang maunlad na komunidad, lipunan at bansa. Nais naming ipahiwatig
na ang tao ay tao dahil hindi siya kailanman magiging isang pormula dahil hindi masasabi ng
numero ang lahat ukol sa isang indibidwal bagkus makikilalang tunay ang isang tao mula sa
paraan niyang makipagkapwa-tao at makibaka sa araw-araw na pamumuhay.
Avila, Bismark, Cruz 11

Konklusyon
Tinalakay sa papel na ito ang kahulugan ng Tyranny of Numbers, ang iba’t ibang
pagpapakita nito sa social networking sites, sa kalakal, sa katawan at kalusugan, at sa
edukasyon. Tinalakay din kung papaano nagmula sa biological determinism sa konteksto ng
racial measurement ang ToN hanggang sa ito’y nagmanipesta sa kulturang grade
consciousness sa mga mag-aaral na Pilipino ngayon kung saan ang pangunahing sukatan ng
pagpahalaga ng bawat isa ay base sa grado, na nagdudulot ng pagkapinsala ng pakikipag-
ugnayan nila sa isa’t isa. Gayundin, naiugnay ng papel na ito ang neoliberal na implikasyon ng
pagiging grade conscious kung saan pinaka-iingatan ng mga mag-aaral ang kanilang mga
grado sapagkat ito lamang ang karaniwang tinitingnan ng mga kompanya sa pagtanggap ng
mga empleyado.
Buhat ng pagsisimula ng ToN sa paaralan, maaga nang natutong manghusga ang mga
mag-aaral ng iba, at ng sarili, nang hindi komprehensibo at base lamang sa isang aspekto ng
kanyang pagkatao: kung ano man ang maaaring mabilang ng paaralan. Hanggang sa pagtanda
ay nakatuon na lamang ang lahat sa kanya-kanyang mga estadistika at nakakalimutan nang
pagtuunan ng pansin ang iba pang aspekto ng pagkatao na salik rin naman sa kahalagahan ng
indibidwal bilang isang tao. Kaya nilayon ng papel na ito ang pagkamulat ng mga mambabasa
sa sanhi at bunga ng grade consciousness; nang mapagtanto na hindi kailangang maglaro sa
Numbers Game upang manalo sa laro ng buhay, kundi sa pagkilala at sa pagsasama-sama ng
kakayahan at katangian ng bawat indibidwal.
Avila, Bismark, Cruz 12

Talasanggunian

Alvior, Renson et al. The Influential Capitalist Culture: Grade Consciousness of Ateneo
Students, 2016.
Azoulay, Katya G. Reflections on ‘race’ and the biologization of difference. Patterns of
Prejudice 40, no. 5, 353.
Banazadeh, Payam. How to Create Transformational Relationships Instead of Transactional?
April 23, 2018. Accessed May 1, 2019. https://medium.com/@payamban/how-to-
create-transformational-relationships-instead-of-transactional-b066ccfda252.
Blease, Charlotte. Too Many ‘Friends,’ Too Few ‘Likes’? Evolutionary Psychology and
‘Facebook Depression. Review of General Psychology 15, no. 1, 2015, 1-13.
Bowen, Howard R. The Tyranny of Numbers. The Phi Delta Kappan 44, no. 9, 1963, 427.
Dungo, Fehl. How to become a Flight Attendant in the Philippines – Jobs and Requirements of
Airline Companies Hiring. March 1, 2013. Accessed May 4, 2019.
https://philpad.com/how-to-become-a-flight-attendant-in-the-philippines-jobs-and-
requirements-of-airline-companies-hiring/
Edsys. Grades and Students: Psychological Effects of Grades on Students. January 29, 2015.
Accessed May 1, 2019. https://www.edsys.in/grades-students-psychological-effects/
Gerard, Jessica. All That Is Solid Melts Into Work: Self-Work, The ‘Learning Ethic’ And The
Work Ethic. The Sociological Review 62, no. 4, 2014, 862-879.
Gould, Stephen Jay. Mismeasure of Man. New York: W.W. Norton & Company, 1996.
Health Insider. What's a Biometric Screening (and Why Should I Care)? January 25,
2018. Accessed April 19, 2019. https://my.castlighthealth.com/blog/what-is-a-
biometric- screening/.
Jolly, Richard. The Tyranny of Numbers: Mismeasurement and Misrule. 1995, 875-882.
Muller, Jerry. The Tyranny of Metrics. (New Jersey: Princeton University Press, 2018), Epub
Edition.

You might also like