You are on page 1of 11

Filipino – 10

Nobelang
“Maganda pa ang
daigdig”

Salimin R.
Mangudadatu
X-Emerald
Filipino – 10
Nobelang
“Maganda pa ang
daigdig”

Salimin R.
Mangudadatu
X-Emerald
Maganda pa ang Daigdig

Buod ng Nobela:

Nobela ni Lazaro Francisco, ang Maganda pa ang Daigdig ay naglalahad


sa buhay ni Lino Rivera. Si Lino ay anak ng magsasaka at dumanas ng
pagdurusa sa sistemang piyudal.

Nagbalik siya sa Pinyahan makaraan ang digmaan, at hinanap ang


kaniyang anak na si Ernesto. Makikilala niya si Kumander Hantik na
hihimukin siyang sumama sa kilusan upang wakasan ang bulok na
sistemang agraryo. Tatanggi si Lino.

Darating sa buhay niya si Pari Amando na nag-aari ng malalawak na


lupain at magpapanukala ng pagbabago. Tahimik na sana ang
pamumuhay ni Lino, lalo na't napaibig siya kay Bb. Sanchez.

Darating ang sandali na masasangkot siya sa gulong, at pagbibintangang


pumatay sa isang lalaki. Mabibilanggo siya, ngunit makatatakas, kasama
ang iba pang bilanggo, at magbabalik sa kaniyang lalawigan.

Ang pangkat ni Lino ang magsisilbing tagapagtanggol ng naaaping


magsasaka. Sasapi rin siya sa pangkat ni Don Tito, na isang
makapangyarihang panginoong maylupa.

Magwawakas ang nobela sa bakbakan ng mga rebelde at tropa ng


pamahalaan. Pagkaraan, maihahayag na walang sala si Lino na taliwas
sa paratang na siya'y mamamatay-tao.
Pagpapahalaga
Ang panalangin ay mabisang paraan sa matapos ang giyera o ano mang
hindi pagkakaunawaan sa panig ng dalawang taong nagtatalo.

Sa lahat ng problema o sitwasyon ay mayroong solusyon. Kahit gaano


pa man ito kahirap mayroon pa ring pag-asa at mga taong may
mabubuting loob na tutulong. Hindi kailangan na ang buhay dito sa
mundo ay hindi pantay. May mga mayayaman, may mga mahihirap.
Ngunit ang pagsubok ng buhay ay walang pinipili, kahit sino ka man
presidente ka man ng bansa o ordinaryong tagapagbenta ng popcorn sa
daan

Hindi pwedeng wala kang pagdaanang pagsubok sa buhay kaya isa-isip


natin na normal lang ang mga ganitong bagay sa mundong ating
ginagalawan. Nararapat lamang na hindi tayo mawalan ng pag-asa.
Manampalataya lamang tayo, at magtiwala. Bigyang pansin natin ang
mga taong magmamahal sa atin at ang mga pangarap na ating nais
makamit. At sigurado, ipapakita ng Diyos na maganda pa rin ang
daigdig.

Sa ano mang problema, hindi dapat tayo matakot. Kailangan natin


harapin at ayusin ang ano mang problema natin. Huwag nating hayaan
na sirain ng iba ang buhay natin lalo na kapag tayo ay inaakusahan ng
isang krimen na hindi tayo gumawa. Sa huli ang tama din naman ang
mananaig kaya’t kung wala naman tayong ginawang masama sa iba,
hindi natin kailangan magtago at magdusa sa halip ipaglaban natin ang
ating sarili.
A. Tagpuan

Ang Tagpuan ng kuwento ay sa Pinyahan. Ang


lugar kung saan ipinanganak si Lino.

B. Mga Tauhan

Lino Rivera
- Siya ay anak ng magsasaka at may isa siyang anak si
Ernesto.
Ms Loreto Sanchez
- Isang Principal at banal na may lihim na pagtingin kay
Lino.
Padre Amando
- Amain ni Ms. Sanchez. Nagmamay-ari ng malawak
na lupain at nagpanukala ng pagbabago.
Ernesto
- Nag iisang anak ni Lino.
Kumander Hantik
- Kasapi ng mga HUK na hihimukin si Lino na
makasapi sa kanilang samahan upang wakasan ang
bulok na sistema ng agriraryo.
Koronel Carlos Roda
- Pinuno ng mga military laban sa mga HUK.
Mapagparaya sa pagibig niya kay Ms. Sanchez.
Aling Ambrosia
- Siya ang labandera ni Bb. Sanchez. Siya ang
nagbalita sa amo niya na nahuli na si Lino
Cayetano Tarantella
- Siya ang piñata ni Lupo Pinlak gamit ang tubo. Siya
rin ang dahilan kung bakit pinagbintangan si Lino na
pumatay ditto.
Kabo Lontoc
- Siya ang dumakip kay Lino
C. Banghay

1. Simula

Nakaupo sa isang palapag si Lino Rivera at iniisip niya ang


utang na loob niya kina Bb. Loreto at Padre Amando.
Napagtanto niyang paglapitin ang puso ni Koronel Roda at
Bb. Sanchez sapagkat ito ang naiisip niyang paraan upang
mabayaran ang kaniyang utang na loob sa kanila.

2. Gitna

Inutusan ni Benigno si Bidong na sumanib sa kanila at


patayin si Lino dahil hadlang ito sa pgiging gobernador
niya. Tumakas si Bidong ngunit pinatay siya nang mahuli
ng mga tauhan ni Benog. Sinunog ang mga bahay sa lupain
ni Lino at nahuli ang lider ng HUKBALAHAP
3. Wakas

Pagkatapos ang ilang araw, nahanap na si Lino at isinabi sa


kanya ang tungkol sa kalagayan ni Bb. Sanchez.
Pinuntahan agad siya ng mga ito. Nagkita silang dalawa ni
Bb. Sanchez at ni Lino at pagkatapos ay nag-usap ang
dalawa ng matagal. Humingi sila ng tawad sa isa’t isa ukol
sa mga pagkukulang nila. Pinasalamatan din nila ang isa’t
isa ukol sa mga pangyayaring hinding hindi nila
makakalimutan. Nang ika-8 ng gabi, binawian na ng buhay
si Bb. Sanchez

D. Pananaw

Naipakita sa Nobela na ang pagbabago ay maaring


masimulan sa puso at sa Sarili. Sa katauhan ni Didang na
napasama at napariwara ang buhay ngunit nakabangon
siya muli dahil sa pagnanais niya na magbago.
Sa kabila ng lahat ng naangyari, maipapakita pa rin na
maganda pa ang daigdig---na hindi ito puro kasamaan na
tulad ng iniisp ng iba. Sa katauhan ni Padre Amando at
Loreto naipakita na may mga tao na nagpapahalaga pa sa
buhay ng iba kahit pa hindi nila ito kamag-anak
E. Tema

“Sa buhay, hindi maaaring sumuko basta-basta na lamang.


Kinakailangang harapin ang mga problema dahil hinding-hindi
naman ito matatakasan”.

F. Damdamin

Ang mga pangyayari sa nobela ay hindi malayong


maganap sa tunay na buhay. Ang lupa ay sanhi ng
problema sa panahon natin ngayon.

Ang ating magsasaka ay walang sariling lupa at kung


mayroon man ay kinakamkam ito ng mga sakim na may-
ari ng lupa. Makikitang hawig ito sa karanasan ni Lino.

G. Takbo ng kuwento

Sa isang nobela ay nagpapakita ng kahalagahan ns


isang tauhan.
Kay Pari Amando makikita ang kagandahang-loob
sa kapwa, at isa siyang ehemplo ng pagiging
matulungin at hindi mapang-abuso sa kapwa, lalo na
sa mahihirap.
Sa katauhan nina Don Tito at Dr. Benigno Sityar
ipinakita ang buhay-pulitika, kung saan laganap ang
korupsyon sa sarili at sa kapwa, pandaraya, at pag-
aalipusta sa kapwa. Kay Huli masasalamin ang
tanyag na dalisay ng dalagang Pilipina.

Sa katauhan ni Didang pinakita ang mga tao na


napilitan na gumawa ng masama at labag sa
kanilang kalooban dahil sa kahirapan ng buhay.

H. Pananalita

- Ang diyalogong ginamat sa Maganda pa ang Daigdig


ay tagalong

I. Simbolismo

Sa nobelang Daluyong, ito ay sumisimbolo sa isang


matinding kaguluhan at gyera ngunit ito din ay
sumisimbolo sa panibagong pag-asa.Pagkatapos ng
sunog ay mananatili ang mga abo na nagsisimbolo
ng mga aral mula sa pangyayari at ang isang walang
laman na lupain ay sumisimbolo ng panibagong
bukas na pwedeng simulan.

You might also like