You are on page 1of 2

Fe B.

Gabiana TTH 2:55 – 4:25PM


BSBA - I

Ating Kalikasan
Kung ikukumpara natin ang kalikasan noon at ngayon, mapapansin natin ang ilang pagbabago na
nagaganap sa ating kapaligiran.Noon ang kalikasan natin ay sagana sa mga likas na yaman,
maraming puno, sariwang hangin, magandang kapaligiran, tanawin at malinis na dagat at
ilog.Pero ngayontayo ay namumuhay wsa isang kalikasan na animoy bangungot na kikitil sa
sanlibutan at walang buhay na kapaligiran.Pansinin ninyo an gating ilog, dibat napakarumi na
nito? Ang mga mapangabusong tao ay ginagawang tapunan ng mga basura ang ating ilog! Yan
ang kasalukuyang kalikasan na ginagalawan natin ngayon.

Iyan ay isa lamang sa mga linyang binabanggit ng karamihan sa atin ngunit paano kung sa isang
iglap ay ang pinangangalagaan mong kalikasan ay unti-unti na palang nasisira?Hahayaan na lang
ba natin itong tuluyang mangyari?

Pagpuputol ng mga puno, pagsunog sa kagubatan,pagtapon ng mga basura at kemikal sa ilog at


mga usok na nanggagaling sa pabrika at sasakyan—iyan ay ilan lamang sa mga karaniwang
gunagawa nating mga Pilipino na ang hindi natin alam na tayo pala ang siyang gumagawa ng
paraan upang tuluyang masira ang kalikasan at sa simpleng mga bagay na ito ay mayroon pa lang
malaking epekto sa atin. Ang halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng bagyo at lindol na siyang
kumikitil sa buhay ng libo-libong mga tao dahil sa ating pagwawalang bahala at kapabayaan ang
hindi natin alam ay ginagantihan na pala tayo ng kalikasan.

Sa mabilis na pagtakbo ng panahon, ang bilang nating mga tao ay dumarami’t lumaalaki rin. Sa
halip na atin pang mapakikinabangan ang kalikasan ay wala na tayong makukuha mula dito dahil
sa ating mga maling gawi. Tayo mismo ang gumagawa ng paraaan upang masira ang kalikaasan.
Eh, tayo rin naman ang nangangailangan.

Ni minsan ba naisip natin na kung hindi dahil sa atin ay hindi mangyayari ang ganito na sa araw-
araw ay sinisisi mo ang sarili mo kung bakit marami ang naghihirap dahil lahat ng ginagawa natin
ay siya ring bumabalik sa atin? Sana may paraan pa para maitama natin ang ating mga mali dahil
hindi na natin hahayaan na tuluyan pang masira ito.

Bilang isang kabataan,mag-aaral o kung sino ka o ano man ang antas mo sa buhay ay sana
mapukaw ang inyong mga puso na sa simpleng isinulat kong ito ay makita ng bawat isa sa atin
kung gaano kahalaga ang inang kalikasan. Hindi pa huli ang lahat may magagawa pa tayo para
muling maibalik sa dati ang lahat simulan natin ito sa pagtutulong-tulong at pagkakaisa sa
pamamagitan ng paglilinis at pagtatanim mg mga puno upang sa mga susunod na henerasyon ay
makita nila kung gaano kaganda ang kalikasan.

Ibig ko lamang ipabatid sa lahat, nagawa man nating sirain ang kalikasan, hindi pa huli upang
magbago. Sama-sama tayong magkapitbisig at igugol ang ating oras sa ating nasirang kalikasan.
Hindi man madaling mabago ang lahat subalit kung pagsisikapan natin ay magagawa natin ito.
Fe B. Gabiana TTH 2:55 – 4:25PM
BSBA - I

You might also like