You are on page 1of 9

“Epekto ng Pambubulas sa mga Mag-aaral ng

ika-11 na Baitang ng STEM 4”

Isang Bahagi ng Pananaliksik

Na Iniharap Kay

Maria Elena R. Daguman, MATF

Profesora

Bilang Pagpatupad sa Asignaturang COR 003

Komunikasyon at Pananaliksik

sa Wika at Kulturang

Pilipino

Ipinasa nina:

Cerbeto, Karylle

Daclan, Dindin

Duga, Cristian

Fajardo, Joan Claire

Gingoyon, Wyndell
KABANATA I

Ang Suliranin at ang Kaligiran Nito

Rasyonale ng Pag-aaral

Mula sa mga sinusubaybayang teleserye sa telebisyon, mga napapanood sa mga

pelikula, mga babasahing libro, sa mga balita at pahayagan hanggang sa sariling karanasan, ang

pambubulas ay siguradong hindi lingid sa kaalaman ng lahat. Ang pambubulas ay isang uri ng

karahasan laban sa mga bata. Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, matatawag na pambubulas ang

paulit-ulit na pangungutya, pananakit nang pisikal o pagbibitiw ng masasakit o mapanirang salita

sa isang indibidwal.

Kadalasang biktima ng pambubulas ay ang mga mahina, tahimik, mahiyain, may

kapansanan, at hindi marunong lumaban na nagtutulak sa mga nambulas na apihin sila dahil

alam nilang hindi sila lalabanan nito. Sa pamamagitan ng pambubulas, maaaring maapektuhan

ang biktima nito sa kaniyang pisikal, emosyonal, sosyal at/o moral na aspeto kung saan maaari

silang humantong sa matinding depresyon at kung malala pa’y umaabot pa ito sa kanilang

kamatayan.

Sa pag-aaral na ito, layunin naming mga mananaliksik na makapagbigay-impormasyon

tungkol sa mga epekto ng pambubulas sa mga mag-aaral ng ika-11 baitang STEM at mahikayat

ang ilang mga nambubulas na tigilan ang kanilang masamang gawain. . Layunin din nitong

tukuyin ang mga dahilan sa likod ng pambubulas sa pananaw ng mga biktima nito, pag-alam sa

uri ng pambubulas na kanilang naranasan, at pati na rin ang pagtukoy sa mga paraang isinagawa

ng mga biktima sa kung paano labanan ito.


Balangkas Teyoritikal

Bilang batayan sa konsepto ng pag-aaral na ito, nilahad ng bahaging ito ang mga

teoryang may kaugnayan at magiging basehan sa daloy ng pag-aaral.

Ayon sa teorya ni Urie Bronfenbrenner (1977, 1979) na “ecological systems”, isinasaad

na ang isang mag-aaral ay nasa sentro ng kaniyang panlipunang kapaligiran na kinabibilangan ng

kanyang grupo, pamilya, paaralan, komunidad, at kultura. Nagkakaroon ng pakikipag-

ugnayanang mga tao sa pamamagitan ng “reciprocal interaction” kung saan maaaring maging

salik ito ng pag-uugali ng isang indibiduwal, partikular sa mga mag-aaral bilang sentro ng

lipunan. Bilang paglilinaw, ang mga “social system” na nabanggit ay kinabibilangan ng mga

indibiduwal na makaiimpluwensya sa mga mag-aaral at lugar na kung saan ang bata ay isang

aktibong kalahok, tulad sa tahanan at paaralan, at sa iba pang mga kapaligiran na maaaring

magkaroon ng di-tuwirang epekto sa mga bata.

Mula naman kay Pellegrini, ang kabataan ay ang panahon na kung saan mataas ang

bilang ng pambu-bully. Ang nasabing pagtaas na ito ay ipinaliliwanag ng “dominance theory”.

Ayon sa teoryang ito, ang pambubulas ay isang agresibong pamamaraan na may layuning

makakuha at mapanatili ang “dominance” ng taong nambubulas (Pellegrini & Bartini, 2001).

Ang “dominance” ay isang salik ng pakikipag-ugnayan kung saan ang mga indibiduwal ay

nakaayos sa isang herarkiya ayon sa kanilang kakayanan o kapangyarihan(Dunbar, 1988). Ayon

pa sa teoryang “dominance”, ang mga kalalakihan na gumagawa ng agresibong gawain na ito ay

lalong pinahahalagahan ng kanilang grupong kinabibilangan at mas “appealing” sa mga grupo ng

kababaihan.
Sinasaad naman sa teoryang “attraction” ni Bukowski, dahil sa kagustuhan ng mga

kabataang mahiwalay sa kanilang mga magulang, sila ay naaakit sa ibang mga kabataang

nagtataglay ng mga katangiang nagpapakita ng kalayaan, (hal. pagpapabaya, pagka-agresibo, at

pagsusuway) at hindi naman sila gaanong naaakit sa mga kabataang nagtataglay ng mga

katangiang higit na naglalarawan ng pagkabata o “childhood”, (hal. pagkamasunurin)

(Bukowski et al., 2000, Moffitt, 1993). Ayon sa mga may-akda, naiimpluwensyahan ng mga

“peer group” ang mga kabataan sapagkat naaakit sila sa pagkaagresibo ng mga ito.

Paglalahad ng Suliranin

Upang maisakatuparan ang layunin ng pag-aaral, humahanap ang pag-aaral na ito ng mga

kasagutan sa mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang epektong naidulot ng pambubulas sa aspetong:

1.1. pisikal?

1.2. mental?

1.3. sosyal?

1.4. moral ng mga mag-aaral?

2. Anong uri ng pambubulas ang kanilang naranasan o nararanasan?

3. Ano ang dahilan ng pambubulas sa pananaw ng biktima ng pambubulas?

4. Anong mga pamamaraan ang ginawa ng mga biktima upang malabanan ang

pambubulas?
Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang pag-aaral na ito upang mabatid at matulungan ang mga mag-aaral ng

pambubulas.

Ang nakinabang sa pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod;

Mga Mag-aaral. Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral upang lubos na

maunawaan at magbigay liwanag ukol sa isyu ng pambubulas upang hindi masangkot sa

ganitong kaguluhan.

Mga Guro. Sa pamamagitan ng pag-aaral na isinasagawa ay matutulungan ang mga guro

na matukoy ang saloobin ng kanilang mga mag-aaral. Tungkulin ng mga guro na hubugin at

linangin hindi lang ang kaisipan kundi maging ang karakter ng bawat mag-aaral. Hindi lamang

pang-akademikong aspeto ang konsentrasyon at marapat maturuan ng wastong pag-uugali upang

lumaki silang may matuwid na pamumuhay. Higit sa lahat , makita sa mga guro ang pag-

uugaling nais maitanim sa kaisipan ng bawat mag-aaral sapagkat sila ang nagsisilbing modelo

kaakibat ang katotohanang mas sinusunod sila ng mga mag-aaral kaysa sa kanilang magulang.

Sa Paaralan. Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa pagpapaunlad at pagpapatupad ng

patakaran ng buong paaralan na may kinalaman sa pambubulas. Ang ganitong patakaran ay

kailangang maisulong sa pakikipagtulungan ng mga tauhan ng paaralan, nagtuturo man o hindi

nagtuturo, at sumasangguni sa mga magulang at mag-aaaral. Kailangang malinaw na

maunawaan ng lahat ng mga kinauukulan ang mga layunin ng patakaran, mga tungkulin at mga

nais makamtan.
Sa Pamahalaan. Nakakatulong ang pag-aaral na ito upang malaman ang bawat hinaing

at paghihirap na nararanasang pambubulas upang magkaroon ng mas matibay na batas laban sa

ganitong uri ng pananakit sa kapwa.

Mga Mananaliksik. Makatutulong ang pag-aaral na ito para magiging gabay at

sanggunian sa mga isasagawang kaugnay na pananaliksik.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa pambubulas na karaniwang nararanasan ng

mga mag-aaral. Sakop nito ang mga epekto ng pambubulas sa pisikal, mental, sosyal, at moral na

aspeto ng mga mag-aaral, mga dahilan ng pambubulas, uri ng pambubulas na nararanasan ng

mga mag-aaral at ang mga pamamaraang isinagawa ng mga biktima upang malabanan ito.

Ang pag-aaral na ito ay nilimitahan lamang sa apat na pu’t lima (45) piling mag-aaral na

nasa ika-11 na baiting ng STEM N4 sa Unibersidad ng Southwestern (SWU), kabilang nito ang

labing tatlo (13) na lalaki at tatlumput dalawa (32) na babae na may karanasan sa pambubulas

bilang mga tagatugon. Sila ang pinili ng mananaliksik dahil sila ang lubos na makatutulong at

makatutugon sa mga suliranin ng pag-aaral. Sa pamamagitan din ng mga respondenteng ito,

magiging instrumento sila sa katagumpayan ng pananaliksik na ito.


Kahulugan ng mga Katawagan

Inilalahad ang kahulugan ng mga katawagan ayon sa pagkagamit sa pananaliksik na ito

upang madaling maunawaan ang isinasagawang pag-aaral.

Agresyon. Katagang inilalapat o ginagamit upang ilarawan ang napaka malubha o

masidhing damdamin hinggil sa isang tao o bagay.

Pambubulas o “Bullying”. Paghahari-harian o pagmamaton; isang uri ng pang-aapi o

panunupil, na isa ring ugali mapanalakay, mapaghandulong, o agresyon na kinikitaan ng

paggamit ng dahas, pamimilit o pamumuwersa, o koersiyon(sapilitan) upang maapektuhan ang

ibang tao, particular na kung ang ugali ay kinagawian at kinasasangkutan ng kawalan ng

katimbangan o hindi patas ang kapangyarihan.

Cyber-Bullying. (Pagmamaton sa Internet) ay ang paggamit ng Internet at iba pang

kaugnay na teknolohiya para sadya at paulit-ulit na makasakit ng kapwa tao. Dahil sa patuloy na

paglaganap nito, lalo na sa mga kabataan, nagsusulong na ng mga batas at kampanya upang ito’y

matigil na.

Depresyon. Isang sakit sa pag-iisip na inilalarawan ng malawakang mababang mood na

sinamahan ng mababang pagtingin sa sarili (nawala ang pagpapahalaga sa sarili), kawalan ng

interes o kasiyahan sa mga normal na nakasisiyang mga gawain.

Peers. Kasamahan

Saloobin. Paniniwala, palagay, atityud o kabuuan ng positibo o negatibong damdamin

ng mga respondente.
CREATIVE WRITE BACK TO THE POEM JUSTICE BY RSG

Written by: Wyndell B. Gingoyon

I wish there's a perfect justice in my country

Like what the poem describe how would it be

Having the right justice without using money

And living peacefully and in harmony

But life seems unfair,

There's no thing such as perfect.

In this cruel world,

Living your life is the only thing.

So justice maybe ignore to other people,

They got used to our system.

Just living the life that was started,

But knowing they're doing the wrong thing.

I wish people are like justice.

Blind, equal, and pure.

To earn the justice what we like,

We should start it in ourselves first.


CREATIVE WRITE BACK TO THE POEM JUSTICE BY RSG

Written by: Joan Claire P. Fajardo

This is the justice system of my country,

How I wish this will become what I wanted to be.

but it that seems that people's brain is drill with money,

and all the things they've done is manipulated.

Were living in such a cruel world.

Seeking the justice we want,

But considering the wrong one

Would be the failure of the innocent one.

People is losing the chance,

Seeking their justice to be noticed at least once.

Because of this toxic system,

People suffer with this single problem.

People longing for a chance,

To have the justice they're seeking.

Then let's make some change

For the sake of all of us to have a justice.

You might also like