You are on page 1of 3

State of the Nation Address

Batasan Pambansa
Quezon City, Philippines
H.E. Mark Louie A. Castañeda

Vice President Tricia Chioco; Former Presidents Chesca Hernadez and Bernabe Serrano II; Senate
President __________and members of the Senate; Speaker ______________, and members of the
House of Representatives; Chief Justice Coleen Sopongco and our Justices of the Supreme Court;
members of the diplomatic corps; members of the Cabinet; local government officials; members of the
military, police, and other uniformed personnel; my fellow public servants; and, To the people of the
Philippines , my beloved countrymen: Good Evening.
Ngayon ito na ang aking pangatlong SONA, dalawang taon ng simula tayong sumigaw na ayaw na natin
sa mapang-abusong gobyerno, dalawang taon ng simulang tayong mangarap ng makatarungan at
makatao lipunan, dalawang taon ng simula tayong magkaisa para sa pag babago. Nakamit na natin ang
pag babago at ngayon tinatamasa na natin ito. Parang kalian lang nang unang beses akong tumindig sa
harapaan nyo at binigkas ang aking plataporma at proyektong pang gobyerno. Wala pa ako sa kalahati
nang aking termino, tila halos lahat ng aking pangako ay natupad na. Agap na serbisyo, para sa
madaliang pag asenso. Yan ang aking gobyerno.
Hindi Katulad ng dati, Sementadong kalsada ngayon ang mismong lalapit sa malayo nyong pamayanan,
bakuna na ng inyong mga anak ang mismong kakatok sa pinto ng inyong mga tahanan, at pagka may
bagyo relief goods at rescue personel na ang nag hihintay at hindi na ang tao. Ito ang Pag babagong
ipinag laban, at inaani na ito.
Sa sector ng agrikultura, nakaraang taon umangkat tayo ng tatlong metric tons na bigas galing Vietnam,
lubhang masmababa ito sa walong porsyento sa nakaraang sampung taon. Inaasahan sa susunod na taon
hindi na tayo mag iimport ng bigas, sa dahilan na Pilipino na ang magsasaka ng NFA rice at target po
natin bago matapos ang aking termino tayo na ang mag luluwas ng bigas sa ibang bansa.
Bago ako maupo sa pwesto, mayroong pong 17,000 kilometers na farm to market road and hindi pa
nasasaayos. Hindi po sa pag mamayabang at 9,400 kilometers o higit sa limang put’ limang porsyento na
ang natatapos at sa susunod tatlong taon mayayari na ang kabuuang natitirang 7,500 kilometrong farm to
market road network. Maayos na pong maihahatid ang sariwang ani nang ating mag sasaka sa mekado.
On my first year of office, 890,000 jobs were created, but on my second year, almost double the number
generated – close to 1.6 million. Reducing the unemployment rate from 5.1% to 4.3%. As of February
we have provide housing assistance to informal settlers in Pasig City, Quezon City and Manila. During
my two years we helped 540,000 families to have their own homes.
Gaya nga nang aking ipinag-lalaban, I will decongest Imperyal Manila, bilang tugon ko sa layunin na
yan, sa sususnod na taon bubuksan na po sa publiko ang New Clark Green City sa Pampanga na
itatanyag sa buong bansa bilang bagong sentro ng komersyo at mag bibigay ng madaming trabaho sa
sambayanan. Ngayon umiiral na rin po ang Department order 1183 o kilalang uniform minimum wage
order kung saan ito ang mag bibigay ng pantay na minimum na sahod sa lahat ng mangagagwa sa buong
kapuluan. Dahil po sa proyeto na yan mararanasan na po ang pagluwag sa kamaynilaan at mapalalaanan
na ng mga pasilidad ang lahat nang nasasakupan ng Metro manila.
Thru upgrading the curriculum of state Universities and colleges in Rural areas. I increased the budget to
all provincial SUCs’ and State universities and colleges for more than 35%. Hindi na kailangan pumunta
sa Manila, dahil maihahandog na sa mga estudyante na nasa probinsya ang mataas na kalidad ng
edukasyon sa pampublikong kolehiyo at univerdidad. Handog ko ang patas na edukasyon para sa lahat.
Sa sector ng sandatahan lakas. Nung nakaraang administrasyon tila mas brand new pa ang sandata ng
mga terorista, nang sinalakay nila ang Marawi City noong 2017. Kaya ngayon nakapamili na po tayo ng
mga high tech na armas gaya ng 30,000 pirasong M14 rifles, 100,000 Radio equipment, 10,000 magnum
sniper rifle, 80,000 caliber 45 pistol, combat gear at iba pa. Ngayon di na malalagay sa peligro ang
buhay nang ating hukbong sandatahang lakas. Para naman sa ating hukbong pandagat, aankla na sa
nobyembre sa ating pantalan ang bagong Heneral Aquinaldo Combat carrier, na may bit bit na walong
F16 figther jet, dalawang Anti-submarine helicopter at isang combat utility helicopter galling South
Korea. Inaasahan din pong dadaong na rin sa ating baybayin sa susunod na taon ang Frigate, C-130
plane at Surveillance drone na kaloob sa atin ng Estados Unidos. Dahil po dyan mas lalo na nating
mababantayan ang ating kapuluan, masisindak na ang banta ng terorismo at mapapanatili na ang
katahimikan at kaayusan.
Meron na po tayong na naipatayong Surveillance Island facility sa Sulu, Pag asa Island, Palawan,
Batanes at sa Philippine Ridge o mas kilalang Berham Rise. Para sa lalong mahigpit na bantay dagat.
Para di na tayo ma pa ulit ulit na malooban ng mga bannyagang illegal na nagigisda sa ating karagatan.
At Hindi na po tayo paulit pulit malusutan ng mga terrorista sa ating bakuran.
Sa usapin naman ng sigalot sa agawan ng territoryo sa West Philippine Sea. I will never give even an
inch of our territory. I will fight for what is ours. Ilalaban natin sa mapayapang paraan nang hindi
gumagamit ng dahas. Nakuha na po natin ang suporta ng maraming bansa sa Asya At Europa patunay
na kianakatigan po nila ang Decision ng Arbitral ruling sa West Philippine sea dispute. At kada pang
aankin ng kaaway ipoprotesta po natin ito at pananagutin natin ang dapat managot. Ang Pilipinas ay
para sa Pilipin.
Para naman sa mga tiwali sa mga ahensya ng gobyerno, sa mga empleyadong hindi ginagawa ang
kanilang tungkulin, sa di pumapasok sa kanilang trabaho at sa mga papasyal pasyal lang. Mag impake na
kayo, kahit mag kubli kayo saan mang lupalop ng lupain, kayo’y aking tutugisin. Nasampolan na ang
dalawang opisyal ng Customs, at nasibak na rin sa pwesto ang limang opisyal ng Bureau of
Immigration. Sa mga opisyal ng ahensyang pabagal bagal at kuskos balungos sa paglilingkod kayo na
isusunod ko.
Sa mga nag sisilbi sa publiko at sa local na opsyales na mapagsamantala sa kaban ng taong bayan, ano
man panagalang nakakabit sa inyo, managot and dapat managot. Sa mga pulis na mapag samantala at
mapang api, di ko kayo kukusintihin. Kung sino ang inaabuso sya ang kakampihan ko. Ito ang panahon
para sa bagong hanay ng magigiting na Pulis na tunay na tagapag bantay ng karapatang pantao. Ito ang
panahon na bawal na ang palakasan, panahon upang tuldukan ang nepostismo at panahon upang
buwagin na ang systemang Kumpadrino.
Sa sector ng Enerhiya, simula ako manumpa sa aking tunkulin meron pong 60 sitio ang walang
kuryente, Ngunit ngayon hindi sila gagamit ng gasera at kandila, dahil mahigit sa 3,000 tahanan na ang
ating napailawan. Sa tulong po ni Sec. Viesca marami pang malalayong pamayanan ang maliliwanagan
sa magdamag.
Tungkol namn po sa ating kababayan na si Enkaye Vismanos na nasa death row. Matapos po ang
maraming negosasyon at proseso. Matapos ang paulit ulit na pagliliban ng sentensyang kamatayan sa
ating kababayan, isa po sya sa nabigyan ng pardon ni Hari Abdullah lewis ng Saudi Arabia. Sa mga
OFW mas piniling lumayo sa kanilang pamilya at makipag sapalaran sa ibang bansa. Sa bawat
Pilipinong saang panig man ng mundo hinding hindi ko kayo papabayaan.
Sa sector naman ng imprastraktura, 824 kilometrong tulay mula sa ibat ibang panig ng Pinas ang gawa na,
2,500 kilometrong kalsada ang yari na, hindi kapos, purong semento, eksakto at Solido. Katuwang si DOTC
Sec.Romualdo, Nakapamili na po tayo ng dalawang daang bagong bagon mula sa Germany. Hindi po itong
isang gamitan lang titirik na, at hindi lalo itong sing bagal tumakbo gaya ng dati. Sinisimulan narin po ang
pagbubuo ng Central Luzon Railway na dadaloy mula sa Rehiyon ng kagayan hanggang sa Kamaynilaan.
Sinisimulan na din po ang biding sa Cagayan de Oro –Davao Railway. Para sa mas mabilis na daloy ng
transportasyon, para sa mas mabilis na pagsulong.
Sa susunod na taon matatapos na rin ang kasalukuyang ginagawang Aurora International Airport at Negros
Oriental International airport. At sa oras na magawa na ang mga paliparan, maitatanyag sa mundo ang
ganda nang ating bayan, dadagsa ang turismo at maraming kabuhayan ang mabubuo.
Binansagan tayo ng Reuters bilang New Asian Tiger Economy. Tinanyag din tayo ng Forbes Magazine
bilang Asian Fastest Blooming Economy. Sa katunayan bumaba ang Self Rated Poverty sa dating 22%
ngayon 10% na lang, Bumaba rin ang Self rated hunger mula sa 8% ngayon 4% na lang. Walong put’
walong beses din tumaas ang stock market na mag dudulot nang pag baba ng presyo ng mga bilihin.
Mukhang di nag bibiro ang mga banyagang jurno. Patunay po nito na malayo na ang ating narating at
malayo ang ang ating lalakbayin.
Sa sector nang Edukasyon katuwang si Sec. Vergara, Nakapagpatayo na tayo ng karagdagang 20,000
silid aralan, sapat na bilang upang tumanggap ng lahat ng Senior High School Students na naka enroll sa
taong ito, dahil po dyan hindi na po nating kailangan umupa ng mga pribadong eskwelahan.
Nangagailangan din po ang gobyerno ng mahigit 35,000 na karagdagang guro para sa susunod na
pasukan. Tunay nga po nasa edukasyon ng kabataan nakasalalay ang kinabukasan ng sambayanan.
Bumaba na rin po ang crime volume ng bansa sa dating 420,000 kaso ng krimen, at ngayon ay 120,000
kaso na lang ang naitala ng PNP noong naraang taon. Isang taon pa lang sa posisyon si PNP chief
Gerodias kagilas gilas na sa tungkulin, Talagang tagapagtagol ng lipunan ang tikas ng ating bantay
bayan. Saludo ako sa Inyo.
Lumawak na rin ang sakop ng Philhealth at mas marami pa itong naging myembro sa dating 45 milyong
beneficiaries ngayo’y 80 milyon na nito. Mas palalawigin pa natin ito. Mas marami pang pilipinong
matutulungan at mas mapagtitiibay pa natin ang kalusugan ng pamilyang Pilipino.
Salamat kay Kardinal Dan at Reverend Fr. Gregory para sa mga aral spiritual, at sa mga panahon na
pinang hihinaan ako ng loob kayo ang aking kaagapay. Sa bawat myembro na aking Gabinete na
katuwang ko sapag papayabong ng ating bansang sinilangan. Sa bawat Pilipinong na kaisa at
nakiipagtulungan sa gobyerno. Maraming Maraming salamat po.
Gaya nga nang sabi ng akin ng aking ama, “Gawin ang ikakabuti ng lahat at wag sa iilan”. Tunay nga
po kabutihang panlahat ang handog ng agap na Gobyerno. Sama sama po nating ipaglaban kung ano ang
tama, sugpuin ang katiwalian,at iwaksi ang kahirapan. Pagbabagong nararanasan at pagbabagong
matitikman hanggang sa suusnod na angkan.
Sa bawat pilipinong nag babayad ng tamang buwis, sa bawat pilipinong handang mag binat ng buto, sa
bawat kampyon na dala ang bandera ng Pilipinas, Sa bawat OFW na handang mag sakripisyo at sa
bawat naglilinkod sa publiko ng tapat. Parte kayo ng pagbabagong nagaganap.
Kung nakakapag lakad ka sa dilim na walang pag aalingang peligro, Wag ka mag pasalamat dahil ito ay
para sa Pilipino.
Kung nabibili mo lahat ng yong pangagailangan at nakakapag aral ka sa kolehiyo wag mo itong
tanawing utang na loob dahil ito ay para sa Pilipino.
Sa bawat magandang trabaho na pinapasukan, sa bawat maayos na tulay na tinatawid, sa bawat
pribilehiyo at tulong na natatangap , Sa bawat katahimikan na nararanasan sa bawat kasaganahan na
nakakamtan, Sa bawat magsasaka, negosyante,magaaral , inhinyero kababaihan, kabataan, ,
mangingisda, katutubo, manggagawa, at sa ordinaryong Pilipinong na ramdam ang asenso. Ginawa ko
lang kung ano ang para sa Pilipino.
Ito ang Gobyernong para sa Pilipino at ang talumpating ito ay alay ko Para sa Pilipino,
Mabuhay ang Pilipinas! Magandang gabi at maraming maraming salamat po!

You might also like