You are on page 1of 1

Bakit nga ba bawat isa sa atin ay nangangailangan ng sapat na edukasyon?

Ang
edukasyon ang magsisilbing gabay upang tayo ay magkaroon ng magandang
kinabukasan. Lalo na't sa panahon ngayon hindi na sapat na makatungtong ka lamang
sa paaralan at matuto ng simpleng pagbasa at pagsulat dahil ang uri ng lipunan na
ating ginagalawan ngayon ay talo at dehado ang mga taong walang pinag-aralan.
Edukasyon ang natatanging gamot sa kamangmangan. Ang pagkakaroon ng salat at
kulang na kaalaman sa maraming bagay ang siyang nagiging balakid upang hindi natin
makamtan ang ating mga gustong makamit at marating sa buhay. Sa paghahanap ng
trabaho nangangailangan na mayroon kang kursong natapos kung gusto mong
magkaroon ng mataas na pasahod. Mahirap makipagsapalaran ang taong mababang
antas lamang ang natapos dahil sila ang mga taong napag-iiwanan sa anumang
larangan. Dahil dito sa mababang uri ng trabaho sila bumabagsak. Ito and reyalidad na
ating kinakaharap ngayon at hindi natin maikakaila na ito ang tunay na kalakaran sa
mga taong kulang ang pinag-aralan.

Ito ay katunayan na mahirap mapabilang sa mga mangmang sa ating lipunan


kaya't nanaisin mo ba na maging isa sa kanila?. Ang edukasyon ay para sa lahat, ito
ang programa ng ating pamahalaan ngayon. Ang natatangi na lang nating obligasyon
ay ang tulungan ang ating mga sarili. Maging mapursigi sana tayo para lubusan nating
mawakasan ang hirap ng kamangmangan, hindi lamang para sa ating kinabukasan
bagkus ay para sa ating inang bayan. Walang pinipiling edad ang edukasyon.
Hanggang mayroon tayong pagkakataon at oras para makapag-aral ay samantalahin
natin ito. Huwag natin itong ipagwalang-bahala. Mahirap man o mayaman lahat tayo ay
may karapatan sa Edukasyon. Hindi lamang ito mag-aahon sa atin sa kahirapan,
bagkus ay ito rin ang natatanging pamana sa atin ng ating mga magulang na kailanman
ay hindi mananakaw ninuman. Mahal ang edukasyon pero mas mahal ang maging
mangmang.

You might also like