You are on page 1of 2

Aralin 18: Ang Pag-unlad ng Kulturang

Filipino

Takdang Panahon: Isang Araw

I. LAYUNIN
1. Alamin ang kahulugan ng kultura.
2. Ibahagi ang mga akda sa literatura at sining ng mga Filipino sa iba’t ibang panahon.
3. Gumawa ng isang sining gamit ang pag guhit, paggawa ng tula, at pag sulat ng
baybayin.

II. PAKSANG ARALIN

PAKSA: Pag-unlad ng Kulturang Filipino

KAGAMITAN: Mga Larawan, Manila paper, glue, Cartolina, Power point presentation

SANGGUNIAN: K to 12, AP4(nationalism)-lh-12

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULA
1. Ibagay ang mga larawan sa powerpoint presentation at magbahagi ng mga
larong pinoy noong kabataan nila.
2. ITANONG:
 Bakit natin kailangan pahalagahan ang sariling kultura?
 Naranasan niyo bang laruin ito noong kayo ay bata pa? at anong tawag sa
mga larong ito?
 Ano ang nararamdaman mo ngayon na nalaro mo ulit ito?
3. Bigyan diin ang mga sagot ng bata.
B. PAGLINANG
1. Talakayin ang ibig sabihin ng kultura at nakapaloob dito (Literatura, Sining,
Musika, Teatro, at iba pa).
 Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang preserbasyon?
 Ano ng aba talaga ang salitang kultura?
2. Iugnay ito sa paksang tatalakayin, Pag-unlad ng Kulturang Filipino.
- Kultura
- Preserbasyon
- Sining at Literatura
- Iba’t ibang akda ng Filipino sa iba’t ibang panahon.
3. Ipabasa ang kasabihan.

GAWAIN A

 Ipakita ang mga salita na nakalagay sa pisara at bigyan ng halimbawa ang


mga istudyante.
 Ipakita ang chart ng Baybayin upang kopyahan nila.
 Isalin ang mga salita gamit ang Baybayin.

GAWAIN B

 Tumawag ng mga istudyante upang pangalanan ang mga tattoo na nasa


pisara.
 Bigyan diin ang mga sagot.
IV. PAGLALAHAT
 Bigyan diin ang mga dinikit na papel sa pisara.
V. PAGTATAYA
1. Pasagutan ang inahandang activity paper.
2. Ipagawa ito sa kanilang sagutang papel.
VI. TAKDANG GAWAIN
1. Kumuha ng larawan na may kahulugan tungkol sa inyong kabataan at lagyan ito ng
tulang Haiku o tanaga sa tagalog. Idikit ito sa inyong asignatura.

You might also like