You are on page 1of 2

General Instructions: Answer the following completely.

Make a
thorough research. Cite your sources whenever applicable. This
is your chance to improve your class standing. Your output will
be graded according to “form and substance”. Use the proper
format. Submit this in my e-mail address on or before
November 15, 2019.

I. What are the rules in legal citation? Provide specific examples.

II. What is the judicial affidavit rule? Enumerate the parts of a judicial affidavit.

III. Draft a judicial affidavit on the following set of facts. Supply other relevant facts if
applicable:

“Attorney, kailangan ko daw po gumawa ng judicial affidavit kung saan pinapaliwanag


ko po sa korte na ako po talaga gumawa ng judicial affidavit ko at hindi ko lang po
naintindihan ang tanong nung kalaban naming abogado. Talaga pong nag-direct
examination kami ng dati kong abogado. Medyo mahina at matanda na po ako kaya
pinabalik lang ako kinabukasan ng lawyer ko at doon ko pinirmahan ang jud affidavit
ko. At talaga pong nagpanotaryo ako sa harap ng notary publiko. Pumunta po talaga
ako sa notary.”

IV. Divide the class into two groups. Present the two sides on the following question:
Can a person charged of qualified theft be convicted for estafa? One group will answer in
the affirmative side while the other one will rule in the negative side. This is individual
work. Cite your sources properly.

V. Your client in the person of Starla de Chavez went to your law office. She wanted you
to assist her in filing several charges with civil damages against a police officer. Draft
criminal and administrative complaints IN ENGLISH medium based on the following
set of facts. Delete unnecessary and irrelevant facts if deemed applicable. Cite your
sources properly if you are going to cite specific legal provisions:

Ako po si Starla de Chavez, may sapat na gulang, may asawa at kasalukuyan naninirahan sa 818
Bagong Pag-asa street, Ermita, Manila.

Inirereklamo ko po si PO2 Jerry Yan ng Camp Bago Diwa, Bicutan Taguig City, Regional
Headquarters Support Group. Sa panloloko ayaw niya ibalik ang pera hiniram niya sa akin na
nakakahalaga 150,000.00 pesos. Idagdag pa ang tubo na 120,000.00 pesos sa loob ng isang taon

May 2018 humiram ng 150,000.00 pesos si PO2 Jerry Yan at ang tubo ay 10,000.00 pesos kada
buwan. Sinabi ko sa kanya na ang tubo ay ibigay sa Nanay ko na si Rosalinda Perez, na may
edad na 82 years old, pandagdag sa pang araw araw na pangangailangan ng akin ina.

May 24, 20178 ang halagang 70,000.00 pesos ay naideposito sa kanyang BPI Account ng aking
inaanak na si Marimar Reyes. Sumunod na pangyayari pumunta si PO2 Yan sa bahay namin
kung saan nandoon si Marimar at ibinigay kay PO2 Yan ang pera nagkakahalaga ng 80,000.00
pesos sa loob ng kotse ni Jerry Yan dahil hindi na siya bumaba pa ng kotse. Sa nasabing
pagpapahiram ng 150,000.00 pesos kay Jerry Yan ay walang pirmhana naganap dahil lubos ang
pagtitiwala sa kanya na hindi niya kami lolokohin dahil isa siyang Pulis.

June 2018 ang sinabi niyang simula ng paghiram niya ng pera na halagang 150,000.00 pesos.
Unang buwan ng pagbibigay niya ng tubo, pumunta siya sa bahay ng aking Nanay na malapit din
sa bahay naming at tinapay na Salazar lang ang kanyang ibinigay, wala siya pera ibinigay o tubo.
Hindi niya sinabi sa akin. Nagtataka lang ako bakit wala nababangit ang Nanay ko at tinapay
lang ang sinabi. Huli na ng malaman ko wala pera tubo siya binigay.

Nang umuwi ako ng Pilipinas, kinausap ko siya ng mukhaan at tinanong bakit tinapay lang ang
binigay sa Nanay ko at bakit wala yung tubo?. Sinagot niya ako na ninkaw daw ang baril niya sa
loob ng kotse at hiniram at iipunin muna daw niya ang mga tubo pangbili ng baril na ninakaw sa
kanya. Ang sabi ko sa kanya humingi siya ng kapalit ng baril na ninakaw sa kanya, bakit
kailangan bumili pa?. Ang sagot niya sa akin hindi niya nireport dahil malaki ang multa at
makaka apekto daw sa kanyang promotion. Sinabi ko ang mahal ng baril, sagot niya kukupyahin
yung ninankaw na baril sa kanya kaya daw may kamahalan.

March 2019 nanghingi na ako ng tulong sa NAPOLCOM, pakiramdam ko hindi niya ako
babayaran dahil lagi siya galit pag napaguusapan ang tubo. May mga panahon na block lahat
niya mga communication namin tulad ng viber at messenger. March 2019 pumunta ako sa Camp
Bago Diwa, Bicutan Taguig City kung saan siya nakadestino at ako ay naligaw sa loob ng camp.
Tinawagan ko siya sa number niya at ayaw niya ituro ang saktong lugar kung saan siya nag
oopisina. Nahanap ko naman at ng makita ko siya ng mukhaan pinapipirma ko siya sa nakuha
niya pera ngunit ayaw niya pumirma dahil wala daw abogado nakaharap. Sinabi ko sa kanya na
nakuha mo ang pera wala abogado nakaharap tapos ngayon ayaw mo pumirma. Sinabi ko sa
kanya na pupunta na ako sa NAPOLCOM, inawat niya ako at maghintay daw ako sa Starbucks
at tatapusin muna niya trabaho niya. Sa Starbucks napagkasunduan naming na hintayin na lang
ang June 2019 at doon maibalik na ang pera hiniram niya dahil inilagay daw niya sa condo na
sinanla sa kanya. Tinawagan ako ng NAPOLCOM at sinabi ko napagkasunduan naming na
intayin na muna ang June 2019.

Nagsimula ako maningil kay PO2 Yan ng tumungtong na ang buwan ng June 2019 to August
2019. Iba iba na ang mga sinasagot niya at puro alibay na marami siya trabaho, toxic, stress daw
siya.

Sa paghahangad ko mabayaran ako ibayo sikap ko siya txt, chat. May dalawa gabi ako nagpuyat
sa kanya para sana magkausap kami sa phone at malaman kung kalian niya ako babayaran.
Panahon July 27, 2019 na inabot hanggang 1:00AM ng July 29, 2019. Nakaranas ako sa kanya
ng pang aasar dahil nagsesend siya ng picture ng patay agad ko denelete dahil takot ako at ilan
beses niya ginawa na magsend ng patay na picture ng bacthmate naming noong highschool kahit
pinahihinto ko na siya. Sinabihan ko siya na tatawagan ko siya dahil 1:00AM at hindi ko na kaya
intayin pa na matapos siya sa pakikiramay. Nang tawagan ko na lahat nagriring pero hindi niya
sinasagot hanggang block na niya ako sa lahat ng communication. Lahat ng paraan ginawa ko na
para masingil siya. Wala lang sa kanya.

Nang sinabi ko kakasuhan ko na siya may halong pananakot ang tinugon niya sa akin na baka
lalo siya maging masama sa paningin ng mga kamag anak ko, hindi makapag pigil na lahat ng
gusto kumausap sa kanya kakausapin na niya, sisiraan, pang aasar, kung anu ano binibintang sa
akin at kaaway daw turing niya sa kin.

Sa pagkakataon ito nagdesisyon ako ituloy na ang reklamo kay PO2 Yan. Hindi ko siya nakitaan
ng pagpapakumbaba na may halong pananakot, masasakit na salita at mga pagbibintang.

-Starla de Chavez

You might also like