You are on page 1of 1

PANALO: ISANG HULING YUGTO

ni Janin Verdad

Ako po ay lubos na nalulugod at ako ay nagkaroon ng opurtunidad upang magsalita sa harapan ninyong lahat.
Nais kong bigyan ng kaluwalhatian ang aking Makapangyarihang Lumikha sapagkat kung wala ang Kanyang
mga pagpapala at gabay, hindi magiging posible ang lahat. Hindi ko makaligtaan ang mga pagkakataong
iniharap niya sa akin. Hindi po lingid sa ating kaalaman na ang pag-aaral ay mahirap, ngunit kung ano ang
hirap ng estudyante upang mag-aral ay siya ring hirap ng mga guro sa pagtuturo. Madalas ay kina-iinisan
naten ang mga gurong laging pumupuna ng ating mga marka at pag-uugali, ngunit ito ay ilan lamang sa mga
patotoo na ang ating mga guro ay hindi lamang guro sa propesyon, kundi guro din sa kanilang mga puso dahil
ang tunay na guro ay nagmamahal ng kanyang mga estudyante. Kaya sa aming mga guro, maraming maraming
salamat po sa walang sawang paggagabay sa amin sa tamang daan.

Marami ang nagsasabi na ang buhay high school ay siyang pinakamasayang bahagi ng buhay estudyante. Ako
ay naniniwala sa kasabihang ito dahil lubos akong nagalak sa apat na taon kong pag-aaral sa high school.
Andiyan ang aking mga kaklase na walong oras ko nakakasama limang beses sa isang linggo. Isa kayo sa mga
tumulong sa akin upang mahubog ang aking personalidad. Naway magtagumpay tayo sa anumang landas na
ating tatahakin.

Sa aming mga magulang at pamilya na laging nariyan, maraming maraming salamat po. Kayo ang siyang
gumagabay sa amin sa tamang landas. Kaya sa mga estudyanteng katulad ko, wag po natin ipa-sawalang
bahala ang pag-aaral na ibinibigay ng ating mga magulang.

At sa akin, sa ating pagtatapos, nawa’y wag nating kalimutan ang lahat ng ating natutunan. Sa pagtatapos
nating ito, isang pinto naman ang magbubukas para sa ating hinaharap ngunit hindi ibig sabihin nito na dapat
nating madaliin lahat sa ating buhay. Kung ano man ang nais natin sa buhay, hindi importanteng makuha o
makamit natin agad ito, ang importante ay matutunan nating magsumikap upang makamit ang mga ito. Muli
maraming maraming salamat po. Mabuhay tayong lahat.

You might also like