Professional Documents
Culture Documents
Kapa Nalu Nan
Kapa Nalu Nan
ni Janin Verdad
Marami ang nagsasabi na ang buhay high school ay siyang pinakamasayang bahagi ng
buhay estudyante. Ako ay naniniwala sa kasabihang ito dahil lubos akong nagalak sa apat
na taon kong pag-aaral sa high school. Andiyan ang aking mga kaklase na walong oras ko
nakakasama limang beses sa isang linggo. Isa kayo sa mga tumulong sa akin upang
mahubog ang aking personalidad. Naway magtagumpay tayo sa anumang landas na ating
tatahakin.
Sa aming mga magulang at pamilya na laging nariyan, maraming maraming salamat po.
Kayo ang siyang gumagabay sa amin sa tamang landas. Kaya sa mga estudyanteng katulad
ko, wag po natin ipa-sawalang bahala ang pag-aaral na ibinibigay ng ating mga magulang.
At sa akin, sa ating pagtatapos, nawa’y wag nating kalimutan ang lahat ng ating natutunan.
Sa pagtatapos nating ito, isang pinto naman ang magbubukas para sa ating hinaharap
ngunit hindi ibig sabihin nito na dapat nating madaliin lahat sa ating buhay. Kung ano man
ang nais natin sa buhay, hindi importanteng makuha o makamit natin agad ito, ang
importante ay matutunan nating magsumikap upang makamit ang mga ito. Muli maraming
maraming salamat po. Mabuhay tayong lahat.