You are on page 1of 3

Adiksyon o Nagbibigay ng leksiyon?

ni: Melvin Dasco


Maraming mga mag-aaral ang gumagamit ng Social Media kanilang
ginagamit ito sa pagkuha ng impormasyon,libangan ,pakikipagkilala at iba
pa. Ngunit ang lahat ng bagay ay may positibong bahagi at may negatibong
bahagi.Malaking porsiyento ng mga mag-aaral na gumagamit ng Social
Media ay nalululong ditoat nahihirapan sa paaralan dahil sa kakulangan ng
interes sa kanilang edukasyon.Ang mga pinakakillalang apps na nagdudulot
nito ay ang Mobile Legends,Facebook,Youtube,at iba pa.
Ano ba ang adiksyon?Ang adiksyon ay malakas na interes sa isa o
marami pang bagay na nagiging dulot sa pagpaliban ng mga gawain o
tungkulin na nakaatang sa isang tao.Ang Facebook ay isa sa mga
pinakamalaking rason sa pagkawala ng interes sa pag-aaral.Sa app na ito
nagagawa ang pagbabahagi ng letrato ng sarili,mga pangyayari,at iba pa.Isa
ito sa pagiging daan ng cyberbullying na sumasanhi sa pagkawala ng lakas
ng loob sa mga gawain.
Ang Youtube naman ay application na nagbibigay ng abilidad sa
manunuod na pumili ng kanilang gustong panuorin at ang abilidad na ibahagi
ang mga letrato at videos sa buong mundo. Ang mga mag-aaral ay maaaring
makakita ng mga delikado at masasamang videos na magiging dulot ang
pagiging negatibo sa paaralan at pakikipagkapwa.
Ang Mobile Legends naman ay laro na nakaimpluwensiya sa buong
internet dahil sa sikat nito. Ito ay dahilan sa pagliban ng mga estudyante sa
paaralan dahil gusto nilang mapataas ang kanilang ranggo sa larong ito.
Itong larong ito ang pinakanakakasama sa pag-aaral ng mga estudyante.
Bilang isang estudyante, aking nasubukan na gamitin ang mga application na
ito.
Ang mga application na ito ay nagbibigay din ng magandang resulta.
Ang Facebook ay nakakapagbigay ng karanasan sa pakikipag kapwa upang
masanay ang isang tao omag-aaral na makihalubilo sa mga tao.Ang Youtube
naman ay nakakapagbigay ng ibat-ibang aral na matatagpuan sa vidieo
lamang.At ang Mobile Legends naman ay nagbibigay ng “presence of team
work”dahil ang bawat laban dito ay hindi mapapanalo ng isang tao lamang.
Lahat ng sobra ay nakakasama kaya’tmatuto tayong lagyan ng
limitasyon an gating gawain upang hindi ito tawagin na adiksiyon kundi isang
libangan lamang.

“NO HOME WORK POLICY HINDI DAPAT MAIPASA BILANG BATAS”


NI:AIRA R. ILUSTRE
Isang batas na No homework policy ang gusto ipatupad ng
pamamahalaan. Nilalayon nito na ipagbawal ang pagbibigay ng ng
takdang-aralin sa mga mag-aaral mula kinder hanggang high school.
May dalawang house bill na ipinanukala sa kamara ito ay ang house
bill No.3611 na nag babawal na magbigay ng takdang aralin araw-
araw. Ang isa naman ay ang House Bill No.3883 na tuwing weekends
lang ipatutupad.
Karamihan sa mga estudyante at mga guro ay hindi
pabor dito.Bilang isang mag-aaral ang takdang aralin ay isang
pagsubok upang mas lumawak pa an gating kaalaman sapagkat
ibinibigay sa atin ang sapat na oras upang makahanap ng tamang
kasagutan sa isang gawain. Isa pa hindi rin naman ito hadlang upang
makapiling at makasama natin ang ating pamilya minsan pa nga ay ito
pa ang nagiging dahilan ng pagiging malapit ninyo sa isat-isa tulad ng
matutuwa sila dahil nakikita ka nilang matulong kapag nahihirapan ka
at mayroon kang hindi alam. Bukod dito maaapektuhan din ang mga
ka guroan sapagkat kapag nilabag nila ang batas na ito ay mag -
mumulta sila ng 50,000.
Sa kabilang banda ang punto naman ng pamahalaan na nais
magpatupad ng batas na No homework policy ay upang magkaroon
ng panahon na makapag bonding ang buong pamilya sapagkat
nawawalan na raw ng oras ang isang mag-aaral na makasalamuha ang
kanyang pamilya dahil pag-uwi sa kanilang bahay ay gumagawa pa
sila ng takdang aralin. Isa pang dahilan ng pamahalaan ay maaring
makaapekto sa kalusugan ng estudyante ang pagpapadala pag-uwi ng
mga aklat . Bukod dito ang iba namang estudyante ay pabor dito sa
panukalang No home work policy sapagkat pag-uwi nila ay gumagawa
pa sila ng gawaing bahay at minsan ay ang iba ay nagtratrabaho
upang masuportahan ang kanyang pag-aaral.
Subalit sa bandang huli ay isipin natin ang makakabuti
sa maraming estudyante at mga kaguruan. Kaya karapat dapat na
hindi ipatupad ng pamahalaan ang No homework policy sapagkat
marami talaga ang hindi pabor dito sa panukalang ito.
Kinasanayan natin ang magkaroon ng takdang aralin kaya paano
nalang kung ipatupad ang No homework policy? Hindi lang isa o
dalawa ang maaari nitong maapektuhan kundi napakarami,hindi lang
ng mga estudyante kundi ang atin ding mga kaguruan. Kaya kailangan
ibasura ang ganitong klase ng batas sapagkat “wala itong magandang
maidudulot makikinabang lang ang tamad mag aral na tao”

You might also like