You are on page 1of 2

Pangako, akoʼy maghihintay.

Kailan nga ba napagtanto ng


puso na Ikaw ay gusto ko na?
Noon bang akoʼy iyong
kinamusta?
O di kaya noong nagkatinginan
tayo ng mata sa mata?
Hindi lubos maisip kung bakit
nga ba?

Nagising ako isang araw,


Laman ng isip ay ikaw
Ang hinaharap sa aking isipaʼy
bumalitawtaw
Posible bang tadhana sa atin ay
dumalaw?

Pilit na tinatago ang lihim na


pagtingin
Sapagat natatakot na akoʼy
hindi mo pansinin
Kayaʼt patuloy ko paring
ipinapanalangin
Na sana isang araw ako rin ay
iyong mahalin
Ayaw kitang pangunahan
Baka mauwi lang sa kamalian
Ang sanaʼy walang hangganan
At tayo pa ay magkasakitan

Ngunit huwag kang mag-alala


Sapagkat hihintayin kita
Hanggang sa maging sigurado
ka na
At masasabi mong ikaw ay
handa na

Sa panahon na inilaan para sa


ating dalawa
Sa panahon na wala nang
pagdududa
Sa panahong sigurado na tayo
sa isaʼt-isa
Sa panahon na ang Maykapal
ang nagtakda

You might also like