You are on page 1of 2

Grade level: Grade 1

Subject Matter: Araling Panlipunan

(Kahit sabihin mo lang ito ng casual)

Presentation Proper:

Teacher: Magandang hapon mga bata! Ngayong araw na ito may makakasama tayong isang bata.
Mapagmahal sa kapwa at lalong lalo na sakaniyang pamilya. Niyayaya niya tayo sakanila upang
ipapakilala saatin ang kaniyang buong pamilya. Handa na ba kayo? Osige kung handa na kayo, halinat
kilalanin natin si Scarlett at ang kaniyang pamilya.

*IPAPAKITA ANG IMs

Teacher: (Ituturo yung nakasulat sa bahay)

Oh! May sinasabi si Scarlett (Babasahin yung nakasulat)

Teacher: Si Scarlett daw ang "Bunso sa pamilya, at kinagigiliwan nila." Oh kung mapapansin niyo wala pa
si Scarlett dito! Tawagin nga natin si Scarlett class. Sabay sabay tayo ahhh. Scarlett!!!

(Kukunin yung picture ni Scarlett, aalisin yung bahay na nakadikit tas papalitan ng picture ni Scarlett)

Teacher: Ayan na si Scarlett! At pinapatuloy niya tayo sa loob ng bahay nila. Halina, kilalanin na natin ang
buo niyang pamilya.

*BUBUKSAN NA YUNG BAHAY*

Teacher: Ayan nasa loob na tayo ng bahay nila Scarlett. Oh, andiyan yung nanay niya. Tara kilalalanin
natin siya.

(Babasahin yung nakasulat dun sa bahay: "Ilaw ng tahanan ang tawag sakin, pagalaga sa pamilya ang
aking tungkulin.")

Wow! Ang bait naman ng nanay niya. Tawagin nga natin siya. Nanay!!! (Ididikit yung picture ni nanay)

Teacher: Oh andito din pala tatay niya. Ang sabi ng tatay niya "Haligi ng tahanan kung tawagin, nagta
trabaho para may makain." Tawagin nga natin si tatay. Tatay!!! (Ididikit yung picture ni tatay)

Teacher: Si Ate andito din. Ang sabi niya " Ako ang panganay saamin, responsable at maalagain." Wow
ang galing naman! Ayan, nandito na si Ate!! (Ididikit yung picture ni Ate)
Teacher: Si Kuya may sinasabi, ang sabi niya "Ibibigay ang makakaya , para sa seguridad ng pamilya."
Tawagin nga natin si kuya. Kuya!!! (Iidikit picture ni Kuya)

Teacher: Uyyy andito si Lolo, ang sabi niya "Mahal ko ang aking mga apo, kaya laging nakasubaybay sa
mga ito." Tara magmano tayo. (Ididikit picture ni Lolo)

Teacher: Si Lola nasa loob din pala ng bahay. Ang sabi niya "Aking pagmamahal at atensiyon, sa mga apo
nakatuon." Wow mapagmahal na lola! Tara magmano tayo! (Ididikit picture ni lola)

Teacher: Ayan nakilala na natin ang buong pamilya ni Scarlett. Napaka gandang pamilya hindi ba? Halata
naman na mahal nila ang isa't isa. At alam nila ang kanilang responsiblidad bilang isang kasapi nito. At
dahil ipinakilala na saatin ni Scarlett ang kaniyang pamilya, kayo naman ang magpapakilala sainyong
pamilya sa susunod nating pagkikita. Muli, magandang hapon mga bata!

You might also like