You are on page 1of 3

ANGKING TALENTO AT GALING ATING PAGYAMANIN!!!

Ang sports ay isang paraan hindi lamang upang maipakita ang mga kasanayan at talento ng
bawat mag-aaral kundi pati na rin ang pagbuo ng diwa ng pagiging isports at camaraderie ng
bawat indibidwal. Layunin nitong pagyamanin ang angking galing di lamang sa pagsasayaw pati
na rin sa ibat-ibang sports upang mapagtanto ng bawat mag-aaral ang kanilang mga kalakasan
at kahinaan upang ito ay mapabuti.

Ang mababang paaralan ng Maribago ay nagdiriwang ng Intramurals 2019 noong ika 16 ng


Agusto. Taon-taon itong isinasagawa ng paaralan upang makahanap ng panibagong atleta na
sabik at hangad na maisalang sa matataas na competition gaya ng City Palaro o CIVIRAA.

Nagkaroon ng pagbubukas ng programa na pinanguluhan ng ating aktibong Pinuno ng Paaralan


na si Maria I. Pangatungan. Idiniklara nya na opsiyal ng magsisimula ang ibat-ibang paligsahan
sa palakasan sa alinmang larong bola o atleta.

Isa sa mga highlight ng aktibidad ay ang Mr. and Ms. Intramurals 2019 kung saan rumampa ang
magaganda at naggwagwapohang mag-aaral ng elementarya. Isa sa mga layunin ng aktibidad ay
ang makalikom ng pondo para masuportahan ang bawat atleta na susulong sa matataas na
competition at pati na rin sa proyekto na makakatulong sa pagpapabuti hindi lamang ang
kalidad ng paaralan pati na rin ang kapakanan ng bawat mag-aaral.

Ang pangwakas na bahagi ng akitibidad ay ang deklarasyon at seremonya ng paggawad kung


saan hindi lamang ang mga nagtagumpay ang iginawad ng premyo upang makilala ang kanilang
pagsisikap kundi pati na rin ang mga natalo na aktibong lumahok sa ibat-ibang larong bola o
atleta.
MES Humataw sa Unit at District Meet

Humakot ng maraming karangalan ang Paaralang Elementarya ng Maribago sa ginanap na Unit


Meet noong Setyembre 20, 2018 at sa nauna ng ginanap na District Meet noong Agosto 16,
2019. Ang athletics ay ginanap sa Camella Homes, Pajac Lapu-Lapu City at ang Table Tennis
naman ay sa mababang paaralan ng Abuno.

UNIT MEET

Ashliey F. Tapil Jeffryan D. Paquibot


1st 100m sprint 1st Table Tennis Boys
1st 200m sprint
1st Long Jump Shan Pierce Paquibot
3rd Table Tennis Boys
Lovely H. Mabuting
2nd Long Jump Iragh T. Maravilla
1st Table Tennis Girls
Glyzel A. Montifalcon
1st Javelin Throw Nexxis Vendic Pangatungan
1st Shot Put 3rd Chess Boys
1st Discus Throw

Althea Mae P. Vergas


2nd Javelin Throw
2nd Shot Put
2nd Discus Throw

Geniel Roquillas
3rd Javelin Throw
3rd Shot Put
3rd Discus Throw
GARBO NG MES
Ipinagdiriwang ng Datag Maribago Lapu-Lapu City ang kapistahan ng St. Francis De Assisi noong
ika 13 ng Setyembre 2019. Isa sa pinakabongga at pinaka hihintay na aktibidad ng Barangay ay
ang Maribago Guitara Festival. Ito ay taonang pagdiriwang kung saan ang lahat ng paaralan na
nasakop ng Barangay Maribago ay magtitipon-tipon upang maipamalas ang angking talento sa
pagsayaw. Kabilang sa lumahok ay ang Mataas na Paaralan ng Maribago, Mababang Paaralan
ng Buyong, Rizwood colleges, Zacharyville at Maribago Day Care Center.

Ang Maribago Elementary School ay nanalo bilang First Runner at naparangalan din ng Best in
Street Dancing. Nakasungkit din ng maraming karangalan ang isa sa mga mag-aaral ng Maribago
Elementary School na si Yurie Lee Valiente. Sumabak siya bilang Festival Queen ng Tribu
Maribago at pinarangalan bilang Festival Queen Best in Costume at tinanghalan din bilang
Maribago Guiatara Festival Queen 2019.

You might also like