You are on page 1of 2

Ikaw

Levi Celerio
Pag-ibig masdan ang ginawa mo
Winasak ang abang puso ko
Tulutan ang samo ko lamang sa'yo
Bihagin ang babaing eto

Ikaw ang aking panaginip


Ikaw ang tibok ng dibdib
Puso'y humihibik
Dingging umaawit
Tinataghoy ay pag-ibig

Ikaw ang ligaya sa buhay


Sa piling mo'y walang kamatayan
Puso ko'y nangumpisal
sa Birheng dalanginan
Na ang pangarap ko'y ikaw

Ikaw ang aking panaginip


Ikaw ang tibok ng dibdib
Puso'y humihibik
Dingging umaawit
Tinataghoy ay pag-ibig

Ikaw ang ligaya sa buhay


Sa piling mo'y walang kamatayan
Puso ko'y nangumpisal
sa Birheng dalanginan
na ang pangarap ko'y
ikaw.

You might also like