You are on page 1of 1

SAWIKAIN

1. Kapilas ng buhay - kabiyak o asawa ng isang indibidwal


Si Lola Julieta ay naglalakad sa hardin nina Aling Nena kasama ang kanyang kapilas
sa buhay na si Lolo Romeo.
2. Nagbibilang ng poste - isang tao na hindi nagtatrabaho
Ang kanyang panganay na kapatid na nakapagtapos na ng pag-aaral siyam na
buwan na ang nakakalipas ay nagbibilang pa rin ng poste hanggang ngayon.
3. Ibaon sa hukay - kalimutan
“Hindi mo pwedeng ibaon sa hukay ang lahat ng utang mo sa akin,” sigaw ni Malou.

4. Bantay-salakay - nagbabait-baitan
Hingid sa kaalaman ng nakararami, si Ryan ay nagbabantay-salakay lamang upang
makuha ang loob ng kanyang amo para siya ay pautangin.

5. Kibit-balikat - wala kang pakialam o wala kang alam sa bagay na tinanong ng
isang tao
Nang pinag-usapan na ang tungkol sa karapatang-pantao, si Rody ay nagkibit-balikat
na lamang.

6. Alog na ang baba - matanda na
“Hindi ako naniniwala na alog na ang baba niya! Tignan mo, mukha parin siyang bata,”
bulong ni Manong Iking.

7. Isang kahig, isang tuka - ang kinikita'y hustung-husto lamang sa pagkain
Sa kalagayan ng ekonomiya ngayon, isang kahig, isang tuka ang pinag-dadaanan ng
mga Pilipino.

8. Pagputi ng uwak - isang imposibleng pangyayari
“Saka lang kitang tatawaging maganda kapag puti na ang mga uwak!” sigaw ni Ciara
kay Joselle.

You might also like