You are on page 1of 1

ONLINE GAMES

Sa ating mahal na guro na si Ginoong Alger Amesola, at sa aking mga kaklase magandang umaga po sa
ating lahat.

Ang mga kabataan ngayon ay nahuhumaling na talaga sa paglalaro ng mga online games. Ang mga
kabataan ay madali nang makapaglaro ng mga video games dahil marami na tayong ngayong mga
makabagong teknolohiya na ginagamit para makapaglaro ng mga video games, tulad ng mga personal
computers, laptop at lalong lano na ang cellphone.

Ang paglalaro ng mga ito ay merong mga magandang maidudulot at meron ding hindi magandang
maidudulot sa atin.

Makatutulong ang paglalaro ng online games para magkaroon tayu ng matalas na pag iisip,
makatutulong din ito para sa pakikipag komunikasyos sa mga ibang tao online. Maraming mitututulong
ang palalaro dito, tulad nang sikat na laro na DOTA2 sa computer at Mobile Legends sa cellphone ay
makatutulong ito para mahasa ang iyong mind ang hand coordination dito. Maari ka pang sumali sa mga
tournament at makapag uwi ng premyo pag mananalo kayu.

Pero hindi lahat ng paglalaro ng mga laro na ito ay makakabuti. Maaari tayong magkasakit kapag palagi
tayong nalalaro ng online games. Hindi tayo makapag ehersisyo dahil palagi lang tayong nakaupo at
nakahiga pag naglalaro dito.

Maaari ring masira ang relasyon nyo ng iyong mga mahal sa buhay dahil nakatuun lang dito ang ating
atensyon. Lahat ng ating oras ay masasayang dahil dito. Mapapabayaan mo ang iyong pag aaral dahil
dito, at mawawalan ka ng oras sa pag lilibang kasama ang iyong pamilya.

Tulad ko, ako rin ay mahilig maglaro ng online games noon, halos lahat na ng aking oras ay ginugugol ko
rito, wala na akong oras para mag aral, lano na kapag may pasulit kinabukasan ay hindi ako malasagot
dahil hindi ko napag aralan ang leksyon dahil sa kalalaro ng online games, pero ngayon ay hindi na ako
naglalaro, naisip ko na hindi pala mabuti ang ginawa ko noon, kaya ngayon nag aaral na ako nang mabuti
at mabibigyan kona ng oras ang aking mga mahal sa buhay.

Ang Online games ay ginawa para pampalipas oras lamang, wag nating igugul ang lahat ng oras natin
dito. Matutu tayong mag bigay nang oras sa ating pag aaral at sa pamilya. Gamitin lang ang online
games para pampalipas oras lamang.

You might also like