You are on page 1of 37

(Class room)…….

<,..,> Oyy! Bakit nandito tayo diba dapat nandoon tayo sa kabila?

<.,,.> Aba! Malay ko ba’t di mo itanong sa mama mo?

<,..,> Siraulo! tignan mo ohh! bakit nasa kabila yung tukmol?

<.,,.> Oo nga no? tara ipagtanong-tanong na natin to.

(Faculty room)…….

<.,,.> Maam good morning po.

<,..,> Maam bakit nasa kabilang section kami neto ni ***an.

<;..;> Bakit? Ano ba nakuha niyong grades bago kayo grumaduate ng grade 6?

<.,,.> 86..

<,..,> 85..

<;..;> Parehas hindi umabot mga average nyo, may tanong pa?

<.,,.>&<,..,> Wala na po.

(Canteen)…….

<,..,> Tol malas bat nandito tayo? tignan mo puro warrior kasama natin dito.

<.,,.> Tol kailangan maka 87 tayo kung gusto talaga nating makaalis sa
impyernong to.

<,..,> G.

<.,,.> Kita mo yun?

<,..,> Oo hindi lang isa, apat sila tol, ano kaya mo ba?

<.,,.> Tanga! Ikaw ba kaya mo?

<,..,> Please watch me po.

<.,,.> Gung-gong pataasan na lang ano?


2008
“First day of school dapat cool na cool! Mas cool pa sa tubig ng
swimming pool! Dapat talaga maganda na agad ang pasok
Pagpasok mo ng classroom, dapat umuusok!”

- Ganyan ang pakiramdam namin dahil siguradong hindi lang ako ang
nakakaramdam nito tuwing unang araw ng pasukan lalo na at ito ang
unang araw ng aming pagiging highschool. Sa mga panahong ito mo
huhubugin ang sarili mo kung sino ka magiging pag laki mo at kung
ikaw ba ay makakatulong sa republika ng Pilipinas o magiging dagdag
ka lamang sa populasyon.

- Ating ibalik sa kasalukuyang kwento, ng malaman ko at ng aking


matalik na kaibigan na pagtapos ng lahat ng pinag hirapan namin
nung elementary inihiwalay parin kami sa aming iba pang kaibigan.
Dahil sa pang yayaring ito dito kami simulang natuto at mag karoon
ng kaalaman sa pag tatanim ng sama ng loob. Sa pangyayaring ito
kami ay nag kasundong mag higanti at ipakita sa mga kinauukulan na
mali ang naging desisyon nila sa pag lipat nila sa amin ng section.
Kaming dalawa ay nag sumikap sa aming pag aaral hindi lang para sa
ikauunlad ng sarili namin kundi para sa muling pag kabuo ng aming
samahan na tinatawag din naming A.T.O.R hindi ko na ibibigay ang
kabuuang pangalan nito para narin sa aking kaligtasan. Naging
mahirap ang mga pagsubok na hinarap naming sapagkat hindi kami
sanay na mayroong kompetisyon na nangyayari sa aming dalawa.
Mahaba ang naging taon na ito ngunit aking masayang ibinabalita na
kami ay nagtagumpaay sa aming balak na ma promote este
makapasok sa unang section. Nakakuha ako ng average na 89 at 88
naman sa kanya, dahil dito ako ang nanalo at may karapatang pumili,
pumili ng ano?
(Classroom)…….

<.m.> Ayun! Kamusta mga bobo? Bakit ngayon lang kayo?

<.,,.> Oo na ***ina neto naka tsamba ka lang naman kaya andito ka.

<,..,> Uy, uy san na sila? Bat kayo palang nandito? Mag i-introduce pa ba kami?

<.w.> Introduce daw tol baka naman may gusto ka lang makilala?

<.m.> Oo tol kalahati dito kilala ka na wala ng may pake sayo.

<.,,.> Hindi tol may gusto lang talagang makilala yan pakilala nyo nga.

<.m.> Sino ba dyan? Iilan lang naman transferee ngayon puro scholar pa.

<.w.> Saka bobo ka ayaw nun sayo hahahaha.

<,..,> Hahahaha **go malay mo?

(Canteen)…….

<.,,.> Bakit na late kayo?

<(“)> Traffic tol grabe di gumagalaw jeep.

<,..,> Bakit di mo nilipad?

<.w.> Hahaha **go talaga

<.m.> Angas naman nitong bagong salta nato.

<|’’|> Ganyan nga yan pero bobo padin hahaha.

<,..,> Hahahaha ***ina nyo, na miss ko lang kayo mga **go.

<.,,.> Pero sino nga ulet?

<.m.> Ayun daw pre.

<,..,> ***ina neto hahahaha.

<.,,.> **gong to bakla pala gusto, baka mamaya nyan mahal mo na pala ako?

<,..,> Ulol!
2009
“Akin ka na lang(akin ka na lang), Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang(akin ka na lang), Wala nang hihigit pa sa 'yo”

- Ikalawang taon bilang isang high school na estudyante ng I.C.A.


Pagkatapos mapag tagumpayan ang mga masasamang balak na maka
lipat sa unang section nabuong muli ang grupo ng magkakaibigang
buang. Nagkaroon din ng hindi inaasahang balita na ikagugulat ng
madami ngunit ikatutuwa ng mga abnormal na ito.

- Ang balitang ikinagulat ng lahat na ikinasaya namin ay ang balitang


“simula ngayong taon ang ating paaralan ay susuporta sa ating sister
school na EAC sa bawat laban nito sa NCAA.” Maliit lamang ang
aming paaralan ngunit ito ay may kakayahang lumaki at dumami kung
maiisipan nilang mag let’s volt in, at mag sama-sama ang limang
campus. Dahil dito agad-agad na nag pulong ang mga buang upang
planuhin at kabisaduhin ang San Juan, Manila. Unang alis at laban
hinding hindi ko malilimutan ang araw at petsa na ito June 10, 2009
Miyerkules, ang araw na kung saan una akong nakatapak sa Maynila
at araw na kung saan una kaming nag kausap. Dahil sa magagaling
kong kaibigan nag karoon ako ng pag kakataon makipag kilala sa
kanilang grupo pero wala kong pake dun sa iba isa lang ang pakay ko.
Sinigurado kong hindi matatapos ang araw na iyon na hindi ko sya
makausap at maka palagayang loob. Umuwi kaming lahat ng nagawa
ang lahat ng pinlano naming, makapag gala sa Maynila, hanapin ang
pinaka malapit na pwedeng pag tambayan sa loob ng anim na oras, at
makausap ko si ***ne. Nasundan ng nasundan an gaming pag suporta
sa EAC. Kahit talunan ang aming kupunan panalo pa din dahil sa
bawat pag alis at pag sama hindi namin napansin na ang dating anim
na grupo ng mga lalaking baliw ay madadagdagan ng apat na babaeng
sabog. Kaming sampu ay guguhit ng kasaysayan sa aming mga buhay
na hinding-hindi namin makakalimutan.
(Canteen)…….

<.m.> Yow naalala nyo nung unang punta natin sa Arena?

(*_*) Syempre naman nagulat pa nga kami may tumabi sa amin na mga ungoy.

(^!^) Hahahaha ang harsh.

<(“)> Ungoy ka din!

<|’’|> Lakas naman nito ni pugo dun ka nga.

<.w.> Wait lang di ba nga dun kami pumwesto bigla alam nyo ba kung bakit?

<,..,> ***na nyo wag ako.

<.,,.> Crush ka kasi neto.

(~o~) Ako? Hahaha kelan pa?

<.,,.> First year pa nakita ka niya nung flag ceremony.

<.w.> Bakit ikaw nag kukwento tol?

<.,,.> Hindi na kasi mag sasalita yung isa dito hahaha.

((*)) Ano naman nagustuhan mo dito, eh tomboy to?

(~o~) Oo nga ano nagustuhan mo sakin?

<|’’|> Oo nga tol di ba bakla ka?

(*_*) “BAKLA KA?”

<.,,.>&<.m.>&<.w.>&<(“)> Hahahahahahaha.

<,..,> Kelangan isigaw? Saka sikreto lang yun.

(~o~) Seryoso bakla ka nga?

<,..,> Syempre hindi no, halikan kita dyan.

<.,,.>&<.m.>&<.w.>&<(“)> Hahahahahahaha.

((*))&(^!^)&(*_*) = 0/////0

<,..,> Uy joke lang yun chill.


2010
“Sayang bakit hindi kita niligawan, ngayon ako'y
nanghihinayang kasi naman tatanga-tanga pa ako noon”

- Dumadating talaga sa punto ng buhay na akala mo umiikot lang sa


mga taong nakakasama mo ang iyong buhay ngunit mayroong mangu-
gulo para lituhin, paikutin at alipinin ka. Hindi ito inaasahan at kung
hindi ka handa maaari mo itong ikamatay, ikamatay sa tuwa.

- Taon na madaming maling desisyon, natalikurang tao, at pag-babago


ng pananaw. Nagsimula sa “oo kami na nga pala” biglaan, hindi ko
din alam. Madaming nagbago pero hindi sa paligid ko. Yan ang
madalas kong marinig na sinasabi nila maliban sa “***na mo asan ka
nanaman”. Hindi nako masyadong makasama dun sa mga buang,
siguro dalawang beses na lang sa isang lingo. Oo magkakaklase kami
at sa iisang classroom lang ang pinupuntahan naming pero lagi parin
silang may sumbat na hindi ako sumasama. Noong una hindi ko
maintindihan kung ano ang ibig sabihin nila sa hindi ko pag sama. Sa
araw-araw naman na ginawa ng Diyos kami-kami padin ang
magkakasama at laging nagkikita kaya tinatanong ko sa kanila saan
ako nag kulang? Wala akong natangap na salita pag ka tapos kong
sambitin ang linyang ito pero pinag babatukan ng mga gung-gong.
Matatapos ang taon na nagkaintindihan din ang mga bobo, walang
lumayo at walang umiwas ang totoo nga niyan ay may dumagdag pa.
Dahil dito napagkasunduan ng mga naiwan na mag tatag ng tinatawag
nilang “batas ka**guhan” na hangang ngayon ay sinusunod naming.
Oo ngayon, ngayong 2018 at patuloy na susundin hangang sa mga
susunod na panahon.
(Clinic)…….

<(“)> Sa wakas ano na? ganito na lang ba agad?

<|’’|> Laro tayo pag uwi?

<,..,> Pass..

<.,,.> ***ina neto porket may iba ng sinasamahan di na sumasama.

<.m.> Sabi sa inyo tol nung una pa lang dapat di na natin pina kausap yan eh.

<,..,> Hahahahaha **go may pupuntahan lang talaga ako.

<.w.> Oo sa kanila ulet, tara na wala kaming support.

<,..,> I-schedule nyo na kasi ng makalaban na yung mga 4th year na yun.

<(“)> Sayo galling yan ah.

(~o~) San kayo pupunta? Ikaw san ka pupunta?

<,..,> Dun lang sa baba.

<.,,.> GG na.

<(“)> Minsan na lang sumama yang syota mo pasamahin mo na.

<.m.> Oo nga, saka kulang kami di nanaman pumasok si ***en.

(~o~) Oh? Bakit parang kasalanan ko pa?

<.,,.> Sino ba? Ikaw lang masisisi dito ikaw umakit sa ***gong to.

<,..,> Ulol!

(~o~) Siya naman may sabi na sawa na daw sya sa mga mukha nyo.

<.m.>&<.,,.>&<.w.>&<(“)>&<|’’|> ***na mo!

<,..,> hahahaha pinraktis sabay-sabay.

<.,,.> Edi ok lang pala kung kunin namin to lagi sayo?

(~o~) Wag naman sa lagi hahaha.


2011
“Kay tamis ng ating samahan sa lungkot at kaligayahan,
Tunay na kaibigan, kasamang maaasahan”

- Huling taon na bilang high school. Mabilis ang mga pang-yayari saglit
lang ang panahon sana pinahalagahan ko bawat oras kasama yung
mga buang.

- Bilang pinaka mataas sa antas ng aming paaralan grupo narin namin


ang humawak at nag patakbo sa mga importanteng bagay. Mga event
tulad ng buwan ng wika, nutrition month, at intramurals. Sa pag
hawak namin sa mga nasabing event masasabi ko din naman na lahat
kami ay lumaki ng matitino. Aaminin ko na hangang sa ngayon hindi
ako naniniwala sa mga ginawa ko noon dahil pakiramdam ko mas
matured ako nung mas bata pa ako. Pero lahat ng bagay may
katapusan dumaan ang taon na ito ng hindi namin na pansin biglaan
ang lahat nakita na lang namin ang sarili namin nan aka suot ng puting
toga at magkakayakap sa likod ng stage. Naalala ko pang maigi kung
kanino napunta yung rosas ko na dapat ay iibibigay sana sa mga
magulang. Nakakatawang isipin at balikan ang mga nag daang
panahon kasama yung mga buang. Hindi ko lubos na maisip kung
pano ko sila napag tiyagaang samahan sa loob ng hindi lang apat na
taon. Dahil elementary pa lang ata kami na ang mag kakasama. Kahit
gustuhin naming mag aral sa iisang paaralan habang buhay hindi ito
maaari may kanya-kanya kaming pangarap at gustong marating sa
buhay. Kaya pagkatapos ng araw din na ito nag kanya-kanya kami ng
lakad para sa hinaharap namin.
(Mcdo)…….

(~o~) Sigurado ka na ba dyan? Diba sabi mo try mo lang yan?

<,..,> Oo try lang malay mo kaya pala? Hahaha.

(~o~) Sige dalawang sakay lang naman papunta sa school nyo eh.

<,..,> Lagi akong pupunta dun susunduin padin kita pahingi ako ng schedule mo.

(~o~) Hahahaha ang sweet ni bakla.

(^!^) Ang sabi 11 mag kikita-kita parang kahapon pa kayo dito ah?

<.,,.> Ang galing nga nyan ni ***ne simula nung naging sila hindi na to na late.

<,..,> Oi ***go on time naman ako nun.

<.,,.> On Filipino time.

(~o~) bakit pala kayo mag kasama?

(^!^) Nag kasabay kami sa trike papunta dito.

(~o~) ahhh.. nagkasabay.

<,..,> yung isa taga Villa Luisa, yung isa taga Mindanao tapos magkasabay kayo sa trike?

<.,,.> Mindanao ***ta nag kasabay nga lang kame.

(~o~) Mukha mo 9:30 pa lang 11 ang usapan tapos sabay kayo dumating?

<,..,> Hahahaha beng, baka gusto din mag pancake saka kape.

(~o~) Oo kape para makaramdam naman ng kaba hahaha.

<.,,.> ***na nyo lovebirds bahala kayo dyan.

<,..,> Ano ba kasi pre? tayo mag kababata dito wala ka bang ikukwento?

<.,,.> WALA!

<,..,> Chill! Magagamit mo na ba yung binigay ko sayo nung birth day mo?

<.,,.> ***NA MO!

<,..,> Hahahahahaha
2012
“Ang mahalaga ikaw ay masaya, ‘Wag mong intindihin ang
sasabihin ng iba Sila ang may problema”

- Masyado ba akong natuwa? Masyado ba akong nag enjoy? Ang alam


ko lang hindi lang para sa akin itong ginagawa ko. Nag-aaral akong
mabuti dahil una sa akin ito. Yung mag-aaral ka kasi wala kang ka
alam-alam sa pinag aaralan mo yun ang mag bibigay sa iyo ng
kakaibang saya.

- Nakakilala ako ng mga mabuting tao simula pa lang. Nag papasalamat


ako dahil nakilala ko ang mga taong ito. Sila ang mga naging una
kong kaklase pag tungtong ko ng kolehiyo. Hindi ko maipaliwanag
pero mabilis na naging dikit ang Section na napuntahan ko pero mas
may ikinagulat pa ako bukod sa pag pasok ko ng pinto sa una kong
subject. May nakita akong pamilyar na muka. Hindi ko lubos na
maisip kung bakit nasa parehas kaming classroom nun. Pero ok din
pala kung may isang kahit papaano ay magiging kapalagayan mo ng
loob sa isang lugar na hindi mo masyadong kabisado. Siya ay kaklase
ko noong high school kahit na mag kaklase kami hindi rin kami
ganoong nakakapag usap dahil nasa magkaibang grupo kami ng
pinang-galingan. Hindi ko na natupad ang pangako ko. Pero tingin ko
naman maiintindihan nya ito.
(LPU)…….

<,..,> Di mo sakin sinabi kayo pala ni ***ren.

<’\’\> Di mo lang tinatanong, tara palabas na daw sila classroom.

<,..,> Buti na lang may kasama nako pag napunta dito hahaha.

<’\’\> Oo pre nakakahiya din minsan kilala na nga ako nung guard eh.

<,..,> Hahahaha minsanan na lang ako pumunta dito di tulad nung first sem.

(\.-./) Diyan na pala kayo, tara sa labas.

<’\’\> Tara sa SM.

(~o~) ***ren sasama pa ba kami?

<,..,> Sama tayo?

(\.-./) Kamusta nga pala quiz niyo sabi nito ni ***rl wala daw pumasa ah.

<,..,> Oo nga eh ngayon lang din ako napag quiz na pangalan lang nakasulat.

(~o~) Bakit beng? Mahirap ba talaga?

<,..,> Oo eh.

<’\’\> Mahirap talaga doodle lang naisagot ko eh.

<,..,> Hahahaha nakapag doodle ka pa sa lagay nayun?

(\.-./) Puro ka kalokohan ***rl.

(~o~) Ikaw anong trip mo bakit di na kita ramdam?

<,..,> Paanong di ramdam?

(\.-./)&<’\’\> ………..
2013
“Nag-aaliw sa usok at beer lang ang kasama, mas ok pang
laging gan’to, nalilimutan ka”

- Kung noon akala ko mabilis na ang oras, mali pala ako ang oras ay
imahinasyon lamang. Pwedeng maging sobrang bagal pwede rin
naman maging sobrang bilis. Lahat ng ito ay naka depende parin sa
bawat aksyon na gagawin mo.

- Dalawang libo at labing tatlo. Pangalawang taon ko na sa pag kuha ng


kursong inhinyero akala ko sa unang taon pa lang susuko na ko. Doon
ako nagkamali hindi pala ako ang susuko. Hindi ako matalino oo lahat
ng grado ko ay puro sabit lang dahil bawal bumagsak. May tinatawag
kaming “retention policy” o bawal talagang bumagsak wala eh hindi
ko alam tagalugin. Sisimulan ko ito sa pangalawang sem kung saan
tumatak sa isip ko ang mga pangyayaring hindi ko inaasahan. Ika-lima
ng nobyembre sa taong ito midterm exam sa major subject. May
natangap akong tawag nagmadali akong lumabas para sa hindi
magandang balita. Anim na oras din siguro akong naka-upo sa
rotonda bago ko maalala na may exam nga pala. Hindi na ko nag
special exam tinamad din akong pumasok. Nakakapang-sisi sana hindi
ako tinamad, sana hindi ko na lang pinansin, sana tinuloy ko lang.
Pero ganun talaga lahat ng sana o bakit ay nasa huli. Natapos ang
semestre ng may tatlong bagsak buti na lang may bagsak din si ***rl.
Kahit papaano nakakagaan sa loob na hindi lang ako ang mag
papaalam sa napakasayang section na ito.
(Parklane)…….

<.,,.> Kamusta pre kaya pa ba?

<.m.> Yan ***ta! kalandian kala mo gwapo.

<.w.> Simulan na yan ng makarami may kasama tayong broken.

<,..,> ***go! Wala na yun bakit wala pa iba?

<.,,.> Wala? Ano to? Wala lang? di ka nga marunong uminom tapos bigla ka mag-
yayaya?

<,..,> Wala lang pre na miss ko kayo hahaha.

<.,,.>|<.m.>|<.w.> BAKLA!

<,..,> ***NA NYO! hahahaha

(Greensborough) …….

<(“)> Nakumpleto din ang mga ungas sa wakas.

<|’’|> Di ka padin nakaka move on?

<,..,> Ulol ako pa?

<.,,.> Kunin nyo wallet buklatin nyo ng malaman.

<,..,> Wag ako ***GO! Hahahaha.

<.m.> Sino ba taya ngayon?

<,..,> Sagot ko na.

<.w.> Sabi na di pa talaga to nakaka moveon.

<,..,> Siraulo! sagot ko lang kasi sinagot naman ni ***an yung kahapon.

<|’’|> Araw-arawin nato ng makalimot tong ***go.

<(“)> Nararamdaman kong magiging mahaba tong sembreak na to.

<,..,> Mag shi-shift nga pala ko pre, ikaw na bahala sakin.

<.,,.> Sabi sayo mag I.T. ka na kasi agad eh.

<,..,> Eto na oh.


2014
“Barkadang matatag hangang sa ngayon, Minsan man mag
kita tiyak may kwela, Yan ang aking mga tropa”

- Sa oras kung saan ka pinaka namomroblema doon mo makikita kung


sino ang mga totoong tao na nakapaligid sayo. Mas lalo mong
makikilala yung mga akalang kilala mo na minsan nakakagulat dahil
akala mo wala kang maaasahan sa hilatsa pa lang ng mukha pero sabi
nga nila don’t judge the book by it’s cover.

- Wala na nga pala ako sa CEAT nasa CSCS nako. Masaya ako at
tinangap ako ng dean ng maluwag sa kanyang puso. Tinuloy ko lang
ang pag-aaral ko na parang walang nangyari. Sa loob ng dalawang
sem o isang taon dito naka habol sa upang maging regular na
estudyante. Naging mag kaklase pa kami ni ***an ang maganda pa
nito lumipat din ang isang tukmol galing sa Adamson sapagkat
nalalayuan daw sya. Tatlo kaming mag kakaklase sabay-sabay
namroblema ng bigyan kami ng di maka-taong project. Bukod sa
bumalik ang sigla ko sa pag-aaral, inaabangan ko na din ang bawat
araw na dumadating makasama lang yung mga tukmol na humatak
sakin pataas nung nasa baba ako. Sila nga pala yung nag sabi sakin na
pag napagod pahinga lang walang sukuan. Ito yung mga ***gong pag
sinamahan mo habang buhay ka nang sasamahan nakakairita din pala
minsan.
(Food square)…….

<.,,.> Kain pre.

<,..,> San nga ba debut ni ***ai, anong oras tayo pupunta?

<(“)> Sa kanila lang daw, paano yan pre magkikita kayo?

<,..,> Edi magkita, as friends.

<.,,.> As friends, ULOL iiyak ka lang sa madaming tao.

<(“)> HAHAHAHAHA

<,..,> Iiyak ***ta, di ako umiyak.

<.,,.> Sabi sayo pre nalasing natin yan eh.

<(“)> Hindi mo maalala?

<,..,> ULOL!

(Debut)…….

<.,,.> Pang ilan ka pre?

<(“)> Panlima ako.

<|’’|> Seven sakin.

<.m.> Mag kasunod tayo pre.

<.w.> Pang sampu ako, ikaw pre pang-ilan ka?

<,..,> Thirteen sakin.

<.,,.> Oh! Hindi ka ata naimik dyan?

<,..,> May singaw ako, masakit.

<.m.> Singaw ***TA! sa kabilang mesa ka nakatignin.

<,..,> ***go hindi.

<.,,.>|<(“)>|<|’’|>|<.m.>|<.w.> MAHINA! MAHINA!


2015
“Hindi ako sanay sa biglaan, Unti-unti na lang sanang nawala.
Di ko man lamang nalaman na mawawala.”

- Bakit laging may problema sa buhay? Kadalasan, ang tao, kapag


humaharap sa malaking problema o sitwasyon na mahirap kaharapin
ang laging tanong ay bakit?

- Ang problema sa buhay bigla-biglang dumadating hindi ito inaasahan.


Kung may kakayahan lang akong lutasin ang bawat problema na
dumarating sa buhay ko buburahin kong lahat iyon. Pero dahil isa din
akong buhay na tao at hindi perpekto dadating din ang mabibigat na
panahon. Nag simula ang aking 2015 sa balitang uuwi ang aking tatay
galing sa bansang tsina. Magandang balita, pero hindi para sa amin.
Sa pag papauwi kasi sa aking ama ngayon taon walang kasiguraduhan
kung sya ay makababalik pa o hindi. Dahil dito mas pinili ko munang
huminto sa pag-aaral kahit sa isang semestre lang. Huminto nga ako
sa pag-aaral pero hindi na ako nakabalik makalipas ang isang
semestre. Bukod sa nakaramdam ako ng katamaran hindi din sapat
ang naging ipon namin upang maituloy ko ang aking pag-aaral. Alam
ko na kung gusto ko talagang makapagtapos kailangan kong kumilos.
Hindi ako makakapagtapos sa naging una kong paaralan pero
sisiguraduhin kong makakapagtapos ako. Nalaman ng mga kumag na
hihinto ako sa pag-aaral nalungkot sila kunwari na naging dahilan
upang mag-inuman.
(Baba)…….

<.,,.> Titigil ka pre?

<,..,> Oo titigil muna, pero baka bumalik din, ewan.

<(“)> Sayang ***go dalawang taon na lang pre.

<.,,.> Titigil din kasi ako pre, baka sa susunod na sem.

<,..,> Tuloy na din kayo?

<(“)> ***NA NYO! Lumipat nga ako dito dahil sa inyo tapos iiwan nyo lang din ako?

<,..,> ***GO! Sorry na biglaan yung sakin.

<.,,.> Hindi biglaan sakin, Sinabi ko nayun matagal na para makapag ready kayo.

<,..,> Pre halos mag dadalawang dekada na tayo mag kakilala siguro naman alam mo na?

<.,,.> Oo ***go size 12 ka.

<(“)> Yung sakin pre?

<.,,.> Diba sabi mo gusto mo ng blonde?

<(“)> Yan dapat ganyan walang limutan.

<.,,.> bili kita mais mamaya.

<(“)> ***GO! Hahahaha.

<,..,> Paano ba yan pre mauuna kang grumaduate?

<(“)> Oo nga eh, di bale pre pag nag katrabaho ako pag aaralin kita.

<,..,> ***tado hahahaha.

<.,,.> Mag papadala ako buwan-buwan ng allowance mo ha.

<,..,> Hahahahahaha ***na nyo talaga.

<.,,.> Sakto yan pre graduation mo uuwi ako, ako mag sasabit ng medal.

<(“)> Ako aakyat kasama mo sa stage pag suma kana, sumakabilang buhay.

<,..,> ***GO! Hahahahahahahaha.


2016
“Makikisilong lang, Magpapalipas ng ulan, Kwentuhan lang
ang katapat, Pero mas masaya kung ilabas ang gitara”

- Ang mga tambay ay makikita natin sa ibat-ibang sulok ng bansa. May


tambay sa mga kanto-kanto, eskenita, court, mall, bilyaran, at kalsada.
Isa lang ang ibig sabihin nito malala ag suliraning kawalang ng
trabaho ng maraming Pilipino.

- Hindi ko akalaing mabibilang ako sa mga matatawag na tambay sa


Pilipinas. Walong buwan matapos ko sa paghinto sa pag-aaral
matatawag kong tambay-bahay ako. Hindi ako masyadong lumalabas
dahil hindi naman talaga ako pala-labas maliban na lang kapag may
humatak sakin palabas. Nag tagal pa ang pag tambay ko ng tatlong
buwan saka ako nasampal ng realidad. Akala ko nung una na aabot ng
isang taon ang pagtambay-bahay ko. Natapos ito ng halos Oktubre na
ng sinubukan ko ng mag-apply para sa trabaho. Una kong apply sa
SM pala-pala IQOR. Wala akong kaalam-alam sa pinasok kong
***guhan. Umupo ako kaharap ang isang medyo may itsurang babae
at nag simulang magtanong ng ingles. Hindi ko namalayan na
nagkukwentuhan na pala kami tungkol sa mga bagay-bagay tinigil nya
na ito at sinabing bumalik ako mamayang 11:30 ng gabi para sa final
interview daw. Natuwa ako dahil lumabas ako ng masaya, yung mga
kasabay ko medyo malungkot. Sayang lang dahil hindi ako pumunta
para sa final interview sa kadahilanang tinamad ako at gabi na natakot
akong iba ang ugali ko kapag inaantok at baka kung ano pa ang
masabi ko sa interviewer. Pagkatapos nito naka hanap din naman ako
ng trabaho at inakalang hindi na mag-aaral pero nakakamiss padin
pala ang paaralan dahil nagawa ko paring talikuran ang trabaho na
kaya na sanang buhayin ang sarili ko at tatlo pang tao.
(CityHomes)…….

<.m.> Nagpapainom na si kumag medyo bigtime na.

<,..,> Unang sahod binigay ko kila mama yung mga sunod satin nayun hahahaha.

<(“)> Pwede kana mag aral ulit nyan pre. Enroll na tara.

<.w.> ***tado nakaka dalawang buwan pa lang yan oh.

<|’’|> Ang tanong magaaral ka paba pre?

<,..,> Hindi din ako sigurado pre sayang lang kasi talaga naka tsamba nako oh.

<.m.> Halimbawa pre makaalis ulit si tito babalik ka pa ba?

<,..,> Siguro pre, pero baka hindi na sa La Salle.

<(“)> ***go bakit? Ayaw mo na ba sakin?

<.m.> Anyare sayo pre diba itong kumag na to yung bakla? Bakla ka na din ba?

<(“)> ***TADO!

<,..,> Hahahahahaha.

<(“)> ***go mag-aral ka na ulit.

<,..,> Oo pre ipon lang ako, mga isang taon pa.

<.m.> Baliw! Maaaubtan ka ng K-12 kaka next year mo.

<,..,> Hindi yan, tiwala ka lang hahaha

<|’’|> Sinasadya nya yan pre para abutan sya ng K-12

<,..,> Paanong sasadyain?

<(“)> Ahh manyak nga pala ng mga bata to.

<,..,> ***tado! Hahahaha.

<.m.> Hinidi tinangi, baka yun talaga pakay pre?

<(“)> Tumpak huli ang hinayupak

<,..,> Mga ***GO! Hahahahaha.


2017
“Nasaan ka man ngayon, ano mang oras na ikay may
kailangan, tawag ka lang sa amin at parang nandito ka na rin”

- Bakit nga ba marami sa ating mga Filipino ang may kagustuhang


makalabas ng bansa? Simple lang ang kasagutan, baka kinuha ng mga
magulang? Yan ang nagning kwento ng isa sa mga kumag Hindi nga
nag paalam bigla lang umalis. Nakakagulat isang araw makikita mo
na lang naka jacket na.

- Ang kaibigan ko ng halos isang dekada ay biglang lumisan ng walang


pasabi. Ng makausap isa lang ang nasabi “baka umiyak ako” sobrang
nakaka ***go. Ang kaibigan kong ito ay hindi hirap sa buhay ang
totoo nga nyan ay sobrang nakakaluwag sila sa buhay. Nakakapagtaka
na iwanan nya ang Pilipinas sa kadahilanang gusto nya lamang
makaranas ng snow. Huli ko lang nalaman na may sakit pala ang
kanyang ama na asa ibang bansa din. Hindi nag kukwento ang ***go.
Pero higit sa lahat nag-pasa ako ng resignation letter na buong pusong
tinangap ng manager ko dahil isa sya sa mga pumipilit na bumalik ako
sa pag-aaral. Inayos ko ang mga dapat ayusin kinuha ko ang mga
dapat kuhanin. Lumipat ako ng paaralan at ang napili ko ay ang
CVSU-Silang sa kadahilanang mas malapit kesa sa Indang. Natapos
ang mga proseso, unang araw orientation sa rooftop di ako nakikinig
nag mamasid-masid lang nanunuod sa bawat aksyon ng tao ng may
masipat ang aking mata.”LUMINDOL”
(Skype)…….

<.,,.> Pre ano? Kamusta back to school ka na din daw?

<,..,> Oo pre, Sa CvSU ako papasok sa may Silang. Anong din?

<.,,.> Mag-aaral din ako dito pre balik ako High School parang K-12 daw dyan.

<,..,> Oh! Sayang naman pre naka 3rd year ka na dito eh.

<.,,.> Oo pre sayang, Oi daan pala kayo sa bahay andun si tita kunin nyo padala
ko.

<,..,> Size 12 ba yung akin?

<.,,.> Oo hahahaha.

(Greensborough) …….

<.w.> Balita dun sa tropa nating Amerikano?

<,..,> Nakabuntis daw pre ipapadeport na dito.

<(“)> Hahahahahaha ***GO!

<.w.> Tignan nyo mga post ng hayup na yun nakahawak din ng snow hahahaha.

<,..,> Nakahanap daw sya dun ng part time tatlo daw.

<.m.> Dami ahh. Ilan bang pamilya binubuhay nun?

<,..,> Mag-aaral daw sya ulit.

<(“)> Anong pag-aaralan nya dun? Ka***guhan?

<.m.> ***tado pag nag-aral yun dun uulit yun ng high school.

<,..,> Oo pre uulit nga daw talaga sya.

<.w.> Sayang yung pinaghirapan nyang kata***duhan dito sa pinas.

<(“)> Hahahahahahaha.
2018
“Ang aking lihim na pakay, Ay ang lahat ng ito’y gawing
tunay”

- Nasa kalahati na agad tayo sa taon ng dalawang libo’t labing dalawa.


Ako ay nag aaral ng mabuti. Oo nag-aaral ako ng mabuti mamatay ka
man. Natutuwa ako dahil hindi ako minamalas sa mga section na
napupuntahan ko.

- Sa hindi inaasahang pangyayari nadagdagan ang matatawag kong mga


kapatid sa ibang magulang. Siguro nga talaga lapitin ako ng mga
baliw. Pero swerte padin ako na kahit alam ko sa sarili ko na hindi ko
pa naipapakilala ang sarili ko ng lubos tingin ko ay matatangap nila
ito ng lubos. Kumbaga nakita na nila si Brian ngunit hindi pa nila
nakikita si Ferndale. Pero saka na, mahaba pa ang panahon mas
makikilala pa namin ang isa’t isa ng lubos. Nadadagdagan
nababawasan ganyan pa ang lagay sa ngayon pero kita mo na agad
ang tatagal sa dadaan lang. Mag-iiwan ako ng malaking espasyo baka
madagdagan pa sa susunod.
(GC)…….

<(“)> Tinamad ako kanina pre.

<.w.> Ginawa mo?

<(“)> Binuksan mga FB nyo may mga nakita akong kakaiba.

<,..,> ***ta ka.

<|’’|> Hahahahahahaha.

<.m.> Balita pre.

<(“)> Mahabang kwento mga pre, pero may isang tumatak.

<.w.> ***ta ayan n asana hindi sakin.

<,..,> ***na mo, parang ako nanaman na pag-tripan neto.

<(“)> May malandi dito pre, alisin na natin.

<.w.> Sino ba?

<|’’|> yung nag back to school pre, ***na send ko mga printscreen.

<,..,> Hayop kayo sabi na, kaya pala may mga convo na hindi sakin.

<(“)> Sa susunod kasi pre usap, usap lang.

<,..,> ***na mo, yan lang ba ginagawa mo sa trabaho mo?

<(“)> Minsan pag walang gawa hahahahaha.

<.w.> Share mo dito pre lahat. Hahahaha.

<(“)> May mga picture pa pre. Mukang kagagaling lang sa JS hahahaha.

<,..,> ***na nyo talaga hahahahaha. Wala ng matago.

<.w.> Sa susunod kasi pre mag kusa kang mag kwento para di ka napapagkwentuhan.

<|’’|> Oo nga pre, kelan ba namin makikita yang mga yan?

<,..,> Pag natsambahan Hahahaha, o di kaya hindi na.

<(“)> Madamot ***ta.


First Day Funk by: Parokya ni Edgar

Akin ka na lang by: Itchyworms

Sayang by: Parokya ni Edgar

Salamat by: The Dawn

Ituloy mo Lang by: Siakol

Bakit Ba by: Siakol

Tropa by: Siakol

Biglaan by: 6 Cycle Mind

Tambay by: Sponge Cola

Dear Kuya by: Sugar Free

Loveteam by: Itchyworms

<.m.> Papu

<.w.> Krung

<(“)> Dino

<.,,.> Ging-Ging

<|’’|> RobeRt

<’\’\> Carol

<,..,> Bi-polarbear

(*_*) Luningning

(~o~) Mariposa

(^!^) Milagring

((*)) Luz

(\.-./) Kapoy
LEVEL: 1

CHARACTER: (Mrs.) The Guardian

PLANET: GMRC

ATTRIBUTES: May katandaan na, pero hindi pa din


kami sigurado kung anong itatawag sa kanya dahil
bigla syang nag pakasal nag karoon ng
malawakang kalituhan kung anong apelyido ang
gagamitin para tawagin sya.

POWER: Sakto lang naman, pero nagulat pa din


kami dahil sa tagal namin sa elementarya hindi
naming lubos maisip kung bakit parin kami
mayroong subject na good morals and right conduct.
Wala naman sa amin ang nagbabalak maging
kriminal pero pinag-tiisan padin namin ito. Ang
subject nya ay tumatagal ng isang oras, nasasaiyo
na yun kung papasukan mo pa ba ito o hindi dahil
unang klase pa lang sinabihan nya na kami na
“matatanda na kayo alam nyo na ang tama sa
mali”.
LEVEL: 2

CHARACTER: (Mr.) Soldier

PLANET: Scouting

ATTRIBUTES: Classified

POWER: Power triper, pero pikon at hindi mo


gugustuhing mapikon sy sayo. Payat lang si mr.
soldier na medyo makikitaan na ng namumuong
bagyo sa ulo. Kaya minsan napagtripan namin ito
ng sya ay biglang nag pakalbo. Sinabihan sya ng
“boss mukang nalusaw na yung bagyo ah?” hindi sya
umimik pero nagulat kaming lahat ng dumating
ang biyernes at lahat ng trainees para maging eagle
scout ay tinawag, isa na ako at ang ***go kong
kaibigan na nagbiro sa kanya. Nang bigyan nya
kami ng bubble gum at panguyain buong training
pero may twist mag papalitan kami kada sampung
minuto. Simula noon hindi na kami nang asar pa
ng mga guro.
LEVEL: 3

CHARACTER: (Ms./Mr.) Slope

PLANET: Algebra

ATTRIBUTES: Sir sya pero gusto nya maam ang


itatawag sa kanya. Bonga mag uniform laging
bukas hangang pusod with matching pamaypay.

POWER: Magaling kung sa magaling magtuto si sir.


Maam maiintindihan mo talaga kahit hindi ka
making. Minsan nag bigay sya ng surprise recitation
lahat nasurprise pero dahil nga magaling sya
magturo confident din kaming lahat na
masasagutan naming ang itatanong nya. Tumingin
sya sa class list at namili ng pangalan sa kamalasan
hindi nasagot ng dakilang napili nya ang tanong
nya. Nung araw ata nay un meron sya dahil nakita
namin na umilaw yung mga mata nya sabay sigaw
ng”WHERE IS THE FCUKING SLOPE?”
LEVEL: 4

CHARACTER: (Sir.) Tan

PLANET: Theology

ATTRIBUTES: Korning mga jokes at mala homely na


pagtuturo sabayan ng boses na tunog lullaby.

POWER: Kami ay nasa isang Christian school kaya


hindi mawawala ang mga ganitong subject. Hindi
naman naging mahirap ang subject na ito dahil
may paniniwala si sirtan na “kapag ikaw ay
nakatulog ikaw ay pagod” kaya tuwing klase nya
kalahati ng classroom ay pagod.
LEVEL: 5

CHARACTER: (Ms.) Palafox

PLANET: Chemistry

ATTRIBUTES: Magaling humawak at mag-balasa ng


baraha este index cards.

POWER: Dito ako unang nakaramdam ng takot kada


martes at huwebes pakiramdam ko mayroon na
akong trauma sa mga araw na ito. Mag sisimula
ang klase ng babalasahin nya ang hawak na index
cards at bubunot kung sino ang mag li-lead ng
prayer mag tutuloy-tuloy ito hangang sa matapos
ang 3 oo tatlong oras na klase. Kaya sa klase nya
imposibleng hindi ma magic bunot ang iyong
pangalan. Dapat lagi ka lang ready at kabisado mo
na dapat ang kantang “table of elements”.
LEVEL: 6

CHARACTER: (Mr.) Feasibility

PLANET: English

ATTRIBUTES: May malakas na pangangatawan


minsang makikitang umaakyat ng puno para mag
harvest ng manga o di kaya ay mamitas ng chico.

POWER: Mabagsik parang tiger. Dahil kami ay


naturingang section-one , ang tingin sa amin ay
matatalino at mga pala-aral. Pero nag muka rin
kaming mga bobo ng araw para i-submit ang
feasibility papers namin na burador pa lamang. Ala
syete pa lamang halos lahat kami ay iyon na ang
ginagawa kaya ng sabihin nyang”pass you’re papers”
at kakaunti lamang ang nakapag bigay tinanong
“is this it ?” sabay labas ng classroom at iwan sa mesa
ang mga papel. Walang huminga, lahat nilabas ang
mga gawa at dinagdagan para umabot sa 300 words
na limit. Kanya kanyang dagdag sa mesa para may
roon maipasa.Nang sya ay makabalik tinanong nya
kung bakit dumami ang naipasang papel. Walang
sumagot, pinunit nya ang mga gawa namin at
binato sa labas dahil 4th year na kami nasa 4th floor
na din kami. Kitang kita sa labas ang dahan-
dahang pag bagsak ng mga papel namin na parang
confetti.
LEVEL: 7

CHARACTER: (Mr.) Gwapo

PLANET: Geometry

ATTRIBUTES: Hindi pseudonym ang pangalan na yan


apelyido nya talaga yan.

POWER: Alam niya na mahirap ang subject niya at


hindi niya na pinahihirapan pa ang mga nagiging
estudyante niya dahil sinasabi nya na agad kung
may posibilidad ka bang pumasa o wala. Siya yung
tipong masasabi mong manyak na prof. Dahil
makikita mo kaagad sa galaw nya. Ang maganda
lang isa sya sa mga prof. na madaling pakisamahan
at hindi ka maiilang mag tanong sa kanya kahit sa
gitna pa ng klase dahil sa matamis nga syang mag
salita at halos ikaw na din ang sasagot sa itinanong
mo.
LEVEL: 8

CHARACTER: (Ms.) Luzviminda

PLANET: Philippine History

ATTRIBUTES: Kahit alam mong halos fresh grad. Pa


lang si maam mapapansin mo kaagad na parang
mas matanda pa sya sa lola mo dahil sa mga
binibigay na trivias.

POWER: Kada simula ng klase hindi present ang


sasabihin mo kay maam. Kung gusto mong mag
karoon ng attendance, kailangan mong mag bigay
ng balita o trivia na maisheshare mo sa klase. Kada
lunes alas syete ng umaga ganito ang gagawin mo
minsan nga nag iimbento na lang kami kung ano
ang trivia na pwede mong sabihin hangang
dumating sap unto na puro ka***guhan na lamang
ang pinagsasabi namin.
LEVEL: 9

CHARACTER: (Ms.) Uno

PLANET: Programming

ATTRIBUTES: High I.Q, mataas ang reasoning saka


sya lang ang nag-iisang teacher na nacrushan ko.

POWER: Matalino talaga si maam witty pa. Isa lang


ang naging drawback sa magandang mga
katangian nya, hindi sya magaling mag paliwanag.
Mahirap at nakakalito ang subject na tinuturo nya
major pa ito. Madalas na kapag hindi mo
naintindihan ang tinuro nya ang sasabihin nya
lang ay “LOGIC lang yan”. Dahil sa hindi biro ang
subject na tinuturo nya marami ang umuulit na
kuhanin ang subject nya pero lagi nya ring sinasabi
na”once na bumagsak ka sa subject ko pasado ka na
sa susunod”. Masarap sa tenga lalo na kung
ibinagsak mo ng isang beses ang subject nya.
LEVEL: 10

CHARACTER: (Mr.) Trunks

PLANET: Phed

ATTRIBUTES: Fboii ng sinaunang panahon, malakas


ang boses pero hindi pa sya sumisigaw.

POWER: Swimming instructor pero tingin ko talaga


hindi sya marunong lumangoy. Paano ko nasabi? Sa
loob ng anim na buwan o isang sem kahit isang beses
hindi ko nakitang mabasa yung bumbunan nya.
Manilis ang mata kahit hindi nalulunod handa
nyang bigyan ng cpr basta maganda. Paano ko
nasabi ulet? Irreg. nako at ang mga kaklase ko sa
subject na ito ay mga tourism students na binubuo
ng 1sang lalaki para sa walong babae. Ikaw na
mismo ang mag-sasawa.

You might also like