You are on page 1of 8

Sadlak

Arts and design


ALTER CHRISTUS SCRIPT
[Scene 1: Kumakain ng agahan ang pamilya ni Julian kasama ang kanyang
dalawang anak na si Lukas at si Sandro. Si Lukas na nakatatandang kapatid
ay nagtatrabaho bilang pulis habang ang bunsong si Sandro naman ay patuloy
sa paghahanap ng trabaho.] (1min)

[kalalabas lamang ni Lukas sa kwarto na iiling-iling at tila medyo problemado]

Lukas: “Tay”

Julian: “Bayarin nanaman? Parang hindi na natatapos ang bayarin natin dito
sa bahay ah.”

Lukas: “Hala, si Tatay, wala pa nga po akong sinasabi.” [napakamot sa ulo]

Julian: “Ano ba yon Lukas at napapakamot ka ng ulo diyan?”

Lukas: Kasi Tay, [nakasimangot na unti-unti ngingiti] napromote lang naman


ang pinaka gwapo niyong anak!!!

Sandro: [natigil sa pagseselpon] “Ehem! Ba’t ako nasali sa usapan?”

Lukas: “Ikaw talaga ang kapaaaal kapal mooooo [binatukan nang pabiro]
maghanap ka na rin kasi ng trabaho.”

Sandro: “Bakit kasi hindi niyo nalang po ibenta itong pagkalaki – laki nating
bahay at bumili ng mas maliit. Tatlo lang naman kasi tayo eh, mas
makakatipid po tayo kung gano’n”

Julian: “Ito na nga lang ang natatanging alala na naiwan ng nanay ninyo sa
atin, hahayaan ko pa bang mawala?”

Sandro: “Alam ko na! Magbenta nalang kaya ako ng katawan, ‘tay, total alam
ko naman na maraming nagkakandarapa sa katawan ko eh. Sa pogi kong ‘toh,
benta agad yan HAHAHA” [pabirong sabi ni Sandro habang iginigiling ang
katawan]
[nagtawanan ang mag-aama]

Lukas: [natawa sa pagbibiro ng nakababatang kapatid] Tay! Anak mo? [sabay


turo kay Sandro]

Julian: Lukas! Kapatid mo?

Sandro: Ay grabe. Suggestion lang naman pero kung ayaw niyo pwede naming
macho--- [sumayaw]
Lukas: Tama na nga yan [habang natatawa at kunwaring nagtatakip ng mata]
Julian: “Maghunos dili ka nga. [natawa ng kaunti] Imbis na iyan ang iniisip
mo, maghanap ka na lang ng maganda at mabuting trabaho. Ikaw talagang
bata ka.” [sagot ng amang si Julian habang ginugulo ang buhok ng anak]

Sandro: “Joke lang naman po, [habang nakanguso] masyado ka naman kasing
seryoso ‘tay eh. Pero!!! Sa ngayon mauuna na po muna ako. Nararamdaman ko
na ang buenas ko sa trabaho ngayong araw eh.”

Lukas: “O, tara, sumabay ka na sakin. ‘Tay, alis na po kami.” [nagmano ang
magkapatid sa kanilang ama bago umalis]

Julian: “Mag-iingat kayo ha.”

[Scene 2: Nasa headquarters ng mga pulis kung saan nagtatrabaho si Lukas]


(30 sec)

Police Chief: “O, may bagong kaso, kadarating lang.” [sinasabi habang
papasok at ilalapag ang folder ng kaso sa lamesa]

“Magkakaroon tayo ng drug raid sa darating na sabado. Nakakuha tayo ng tip


sa isang witness na nagsasabing magkakaroon daw ng bentahan sa may plaza
sa araw na iyon. Maghanda ang lahat.” [magtatanguan ang mga pulis at
magsisibalik sa trabaho]

[Scene 3: Nasa isang job interview si Sandro at halatang nagdadalawang isip


ang employer na tanggapin siya dahil sa kakulangan sa kwalipikasyon]
*waiting area* (1min)

Employer: Good morning, please sit down.

Sandro: Good morning ma’am.

Employer: “I’ll be direct to the point with you Mr Saavedra. We need someone
that has at least two years of experience in this field. The skills shown in your
resumé doesn’t seem to reach the standards of this work.

Sandro: “Ma’am please, I really need the job. I need to help my family. I could
do anything just please accept me.” [maluha luha at nakaluhod na sambit ni
Sandroenglish barok toh ah]

Employer: “I’m sorry but I can’t do anything to help you.”

[Malungkot na umuwi sa Sandro sa kanilang tahanan]


[Scene 4: Nadatnan ni Sandrong walang tao sa kanilang bahay]
(30 sec)
Sandro: “AHHH! Bwisit! Bwisit na buhay toh! Ang hirap ng walang pera! Ang
hirap ng walang ambag sa pamilya!

[pagod at malungkot na napaupo si Sandro sa sahig habang iniisip kung


ano ang gagawin ng maalala ang pagbebenta sa kanilang bahay]

[agad na hinanap ni Sandro ang titulo ng bahay at agad ring umalis]

Sandro: “Patawarin mo ko, tay. Parte ko lang ang kukunin ko.” [sambit niya
bago tuluyang umalis]

[Scene 5: Scammer and Sandro] (30 sec)


Sandro: “Ikaw ba yon? Sagradong dalawang milyon ito ha.”

Scammer: “Tamang tama ka ng nilapitan. Ako ang bahala.”

Sandro: “Kukunin ko rin naman yan ulit, kailangan ko lang magpadami ng


pera.”

Scammer: “Isang salita ako kaibigan. Kalahating milyon para sayo ngayon.
Kailangan ko pa kasing kunin yung isa’t kalahati pa.”

Sandro: “Salamat, pinagkakatiwala ko muna sayo yan ha” [shake hands]

Scammer: “Hindi ka nagkamali ng nilapitan.”

[Scene 6: Bahay-aliwan] ( 1min 30 sec)

Sandro: “Mukhang masaya rito ah.” [pumasok si Sandro sa nasabing bahay


aliwan]

[Scene 6a: ipapakita rito na naglilibot si Sandro sa bahay aliwan at


nagwawaldas ng pera sa iba’t ibang mga babae at mga alak ng mapadpad siya
sa sugalan]

Sandro: “Saya dito ah, Magkano ba tayaan rito?” [lasing na tanong ni Sandro
ng makaupo sa sugalan]
[may mga prostitute rin na lumalapit kay Sandro at may ilang prostitute rin na
lumalapit sa mga ilang nagsusugal]

Sugalero 1: “Magkano ba kaya mo?” [payabang na sagot nito]

[Scene 6b: pinapakita ang paglalaro ng dalawa at ang unti unting pagkatalo ni
Sandro at pagkaubos ng kanyang pera]

Sugalero 2: “Alas! Talo ka, akin na ang bayad mo.”

Sandro: “Utang muna, babalikan kita dala ang bayad mo” [kinakabahang
sagot ni Sandro]

Sugalero 2: “Ano ang tingin mo sakin, hangal?” [sagot nito habang padabog na
hinampas ang lamesa]

Sandro: “Paano kita babayaran kung hindi mo ko hahayaang makalabas?


Baka magulat ka, mas marami akong pera kaysa inaasahan mo”

Sugalero 3: Eh sira pala ulo neto eh— [sinuntok at pinalayas ng bar]

[Scene 7: Drug Lord and Sandro]

Sandro: “Yung pera ko asan?”

Scammer/ Drug Lord: “Anong pera?”

Sandro: [aambahan ng suntok pero dumating ang mga body guard na drug
pusher]

Scammer/ Drug Lord: “Wala na yung perang sinasabi mo, at ngayon pag
hindi ka sumunod sa utos ko, [tawa] poof! Bigyan nyo na ng destino yan.
Siguraduhin nyong malakas bentahan sa lugar na pupuntahan nyan.]

[Scene 8: Dumating ang mga lalaking pinagbentahan ni Sandro ng bahay at


lupa sa kanilang tahanan]

New House Owner: “Magandang araw po, alam ho naming nakakabala ho


kami pero para hindi na tayo magkasakitan pa, umalis na ho kayo sa bahay na
ito.”
Julian: “Anong ibig niyong sabihin? Bahay ko ‘to! Kayo dapat ang lumayas
dito! Umalis kayo bago ako tumawag ng pulis!”

New house owner: “Hindi ko ho alam kung sino kayo o kung ka- ano ano niyo
man ang nagbenta sa ‘kin ng bahay na ito per”[naglabas ng papeles] “Ito ho
ang patunay na ibinenta na sa’kin ni Sandro Saavedra ang bahay at lupa na
ito. Kaya kung ayaw niyo ho na ako ang tumawag ng pulis umalis na ho kayo.”

Sandro: “Hindi, hindi maaari. Hindi----”

New House Owner: [tinulak palabas si Julian]

Julian: [Walang nagawa kundi maglakad palayo habang tinatawagan ang anak
na si Sandro] “Sandro sagutin mo ang tawag ko bata ka!

[Scene 9: Lukas and Sandro with Phone Call]

*Dumating si Lukas sa bahay nila nang ibang tao na ang kanyang naabutan*
House Owner: Umalis ka na rito! Hindi niyo na bahay ‘to. Ibinenta na ‘to ng
kapatid mo samin. Wala na rin ang tatay mo rito.

Lukas: Pero—[phone call*

*entrance Sandro na may kausap rin sa phone, nasa magkabilang side sila ng
stage*
Lukas: Yes Chief? May drug raid saan?
Sandro: Sa Plaza Parablés? Oo nandito na ko.
Lukas: Malapit ho ako sa Plaza Parablés
Sandro: Oo na! Ibebenta ko na nga! Ano?! Anong ibig niyong sabihin na trap
to?! Mga siraulo pala kayo eh magpapabenta nalang kayo timbog pa!
Lukas: I’m on my way
*baba ng phone.*
Lukas & Sandro: *frustrated* Arghh!

[Scene 10: Paalis na sana si Sandro sa plaza ng tumawag sa kanya ang


kanyang ama]

Julian: “Hello?! Sandro! Nasaan ka?! Pupuntahan kita! Mag usap tayo!”

Sandro: “Nasa plaza Parablés ho ako tay pero wag na ho kayo pumunta rito—”
[bago pa matapos sa sasabihin si Sandro ay pinutol na ang tawag] “Hello?!
Tay? Arghhh”
[Scene 10a: tuluyan na sanang maglalakad palayo si Sandro ng may pumigil sa
kanya]

Sandro: [maglalakad na palayo ngunit napatigil ng may magsalita]

Lukas: [di pa nakikilala ang lalaki] “Taas ang kamay!” [tinutukan ng baril]
“Ikaw ba ang kasama—” [napatigil si Lukas sa pagsasalita ng humarap ang
lalaki at malaman niyang kapatid niya ito] “Sandro?!”

Sandro: “Kuya.” [maluha luhang sambit ni Sandro]

Lukas: “Anong ginagawa mo dito?”

Sandro: “Kuya, Hayaan mo ‘kong magpaliwanag---”

Lukas: “Anong ginagawa mo dito?!” [nanggigigil at nanginginig na tanong ni


Lukas]

Sandro: “Kuya ‘yung bahay—Yung bahay naibenta ko kuya.”

Lukas: “Ano?!”

Pulis sa radyo: “Lukas anong balita? Nandyan ba ang mga drug dealers?”

Sandro: “At ang tanging paraan para mabawi ko ‘yon ay magbenta ng droga
para sa kanila. Kuya hindi ko na alam anong gagawin ko kuya. Nagsugal ako,
nagwalwal, iwinaldas ko lahat ng perang nakuha ng nalaman kong naloko ako-
--”

Pulis sa radyo: “Lukas?! Sumagot ka! Pupunta na kami diya---”

Lukas: [tinanggal ni Lukas ang earpiece na nagsisilbing komunikasyon sa mga


kapwa pulis]

Lukas: “Walang hiya ka! Wala kang utang na loob! Saan ba kami nagkulang?!
Pagkatapos ng lahat ng ginawa namin para sa’yo ito ang igaganti mo?!” [galit
na sabi ni Lukas habang nakatutok parin ang baril] “Pagkatapos ng lahat ng
isinakripisyo ko para sa’yo”, ito?!”

Sandro: “Kuya, patawarin mo—”

Julian: “Lukas! Anong ginagawa mo ibaba mo yan!”

Lukas: “Itay! Alam mo ba yung katarantaduhang ginawa ng magling mong


bunso binenta lang naman niya ‘yung bahay. At hindi pa nakuntento nag adik
pa. napakagaling nga naman talaga---”
Julian: “Oo, alam ko! Pero hindi sapat na rason ‘yon para tutukan—”

Lukas: “Alam mo?”

Sandro: [luluhod sa harap ng tatay] “Tay, patawarin mo ko. Alam mkong sa


ganitong pagkakataong hindi na ko nararapat na tawaging anak mo. Pero tay
handa akong pagsilbihan ka bilang anak mo. Patawarin mo ko ‘tay”
Lukas: “Ahhhh!” [hindi na napigilan ni Lukas ang kanyang galit at ipinutok
ang baril kay Sandro]

Julian: “Huwag!” [agad na humarang sa bala si Julian]

Lukas & Sandro: “Itay!” [lumapit kay Julian]

Lukas: “Itay! Bakit ninyo ginawa iyon? Itong anak ninyo ang nagbenta ng
bahay at inilustay ito sa mga walang kwentang bagay. Pero bakit? Bakit ninyo
isinakripisyo ang buhay ninyo para sa kanya?!” [magkahalong galit at lungkot
na sambit ni Lukas]

Julian: “Huwag mo ng isipin kung anong ginawa ko para sa kapatid mo ang


mahalaga ikaw, ikaw ang anak ko ay mananatiling malinis ang konsensya. At
ikaw ay mananatili sa puso ko bilang ang anak ko na lubos kong
pinagkakatiwalaan. At ikaw Sandro, magbago ka. Huming ka ng tawad sa
kapatid mo, at lalong lalo na sa kanya.” [tumuro sa taas] “Tanging siya lamang
ang makapagdadala ng tunay na pagbabago sa buhay mo. Magsisi ka, at
humingi ng tawad sa kanya, at tatanggapin ka niya muli ng buong buo.”
[tuluyan ng nawalan ng buhay si Julian kasabay nito ang pagdating ng mga
pulis at ang paghuli kay Julian]

Sandro: “Patawarin mo ko ‘tay!” [sigaw niya habang hinihila na siya ng mga


pulis]

Lukas: [tuloy ang pag-iyak] “Ahhhhhh!” [halo halong emosyong sigaw ni Lukas]

--WAKAS--

You might also like