You are on page 1of 4

Batayang Teyoretikal

Ayon sa librong “Facilitating Learning: A Metacognitive Process” nina Maria Rita D. Lucas at

Brenda D. Corpuz (2007), may iba’t-ibang teorya tungkol sa proseso ng pagkatuto at mga salik

na nakakaapekto dito pati na rin mga pamamaraan sa pagtuturo. Una na rito ay ang likas na

proseso ng pagkatuto, dito mas epektibo ang pagkatuto kung ito ay intensyonal na proseso sa

pagbuo ng kahulugan galing sa impormasyon at karanasan. Pangalawa, ay hangad sa proseso ng

pagkatuto, ang tagumpay sa pagkatuto ay nakasalalay sa maayos na representasyon ng

kaalaman. Pangatlo, pagbuo ng kaalaman, ang matagumpay na mag-aaral ay naipag-uugnay ang

bagong impormasyon sa dating alam na sa mas makabuluhang paraan. Pang-apat, pag-iisip na

may estratehiya, ang matagumpay mag-aaral ay nakakabuo at gumagamit ng makatwirang

paraan ng pag-iisip upang makamtan ang pagkatuto. Panglima ay ang pag-iisip kung ano ang 3

iniisip, mataas na ayos ng estratehiya sa pagpili at pagmomonitor ng mental na operasyon sa

malikhaing pag-iisip at kritikal na operasyon. Pang-anim, pagkatuto mula sa mga konteksto,

sinasabi na ang pagkatuto ng isang mag-aaral ay naiimpluwensyahan ng kapaligiran, kabilang na

ang kultura, teknolohiya at mga paniniwalang instruksyonal. Sumunod dito ay ang motibasyon

at ang emosyonal na impluwensya sa pagkatuto, ito ay kung paano natututo ang isang mag-

aaral sa pamamagitan ng motibasyon. Sinasabing ang motibasyon ng isang mag-aaral ay

naiimpluwensyahan ng indibidwal na emosyon, paniniwala, interes at kaugalian sa pag-iisip.

Hindi lamang ang emosyon ang naiimpluwensyahan ng motibasyon pati na rin ang sarili. Ang

pagiging malikhain ng isang mag-aaral ay makikita sa paggawa ng mga gawain na bagaman

mahirap ay nagagawa dahil sa personal na interes ng mag-aaral at bukal sa kanyang kalooban

na gawin ito. Ayon naman sa impluwensya ng pagdebelop, ang pagkatuto ay pinakaepektibo


kung ibaiba ang debelopment ng nakuhang kaalaman mula sa pisikal, intelektwal, emosyonal at

sosyal na kapaligiran. Ang pagkatuto rin ay naiimpluwensyahan ng pakikisalamuha, relasyon sa

sarili at pagkakaroon ng komunikasyon sa iba. Ang mga salik sa pagkakaiba-iba rin ng bawat

indibidwal rin ay nakakaapekto rin sa pagkatuto sapagkat bawat mag-aaral ay may iba’t-ibang

estratehiya ay kakayahan para matuto mula sa kani-kanilang karanasan maging ng lahi. Mas

matututo rin ang isang mag-aaral kung ang lingwahe, kultura at sosyal na background na iba-iba

ay napag-isa. Batayan rin kung paano itinuturo ang asignatura, paraan ng pag-ases at batayan

kung may natutunan.

Ayon naman kay Bustos at Espiritu (1985) na tinuran ni Laurente, nakakaimpluwensya sa pag-

unawa ng estudyante ang paraang gamit ng guro kaya dapat lang na mabisa ito. Sa makatuwid,

nakasalalay sa asal at estratehiyang gagamitin ng guro kung makakamtan ang nais niyang

maunawaan ng estudyante. Sa ibang banda, nakasalalay pa rin sa estudyante ang pagkatuto at

hindi sa titser at pamamaraan ng titser lamang. Ang estudyante pa rin ang pipili kung gaano siya

kabilis matututo. Ang guro lamang ay tumutulong may kailangan ang estudyante.

Ayon naman sa impluwensiya ng pagdebelop, ang pagkatuto ay pinakaepektibo kung iba-iba

ang debelopment ng nakuhang kaalaman mula sa pisikal,intelektwal,sosyal na kapaligiran. Ang

pagkatuto rin ay naiimpluwensyahan ng pakikisalamuha, relasyon sa sarili at pagkakaroon ng

komunikasyon.
Konseptwal Framework ba to ?

Ang mga salik sa pagkakaiba-iba ng bawat indibidwal rin ay nakakaapekto rin sa

pagkatuto sapagkat bawat mag-aaral ay may iba’t-ibang estratehiya at kakayahan para matuto

mula sa kani-kanilang karanasan. Mas matututo rin ang isang mag-aaral kung ang itinuturong

lingwahe,kultura at sosyal na background na iba-iba ay napag-isa.

Review of Related Literature eme eme

Isang mahalagang kasangkapang nagagamit ng tao sa paglinang ng mga kasanayang

nabanggit ay ang wika. Ikinunsider itong kasangkapan sapagkat sa wika napapahayag ng tao ang

kanyang kaisipan at saloobin. Sa wika nagkakaroon siya ng pagkakataon na makipag-

interaksyon sa mga taong nasa lipunan at sa pamayanang humubog ng kanyang kamalayan. Sa

wika kanyang naibubulas ang damdaming maaaring sumikil sa kanyang pagkatao. Sa wika

lamang nakapag-uunawaan ang mga tao, sinasalim nito ang mga kultura,kaisipan,kasanayan at

sining ng sambayanan. Napag-uugnay-ugnay ng wika ang ibat-ibang salik ng kalinangan ang

wika ang masistemang simbolo sa tinig at sulat na ginagamit ng tao sa pagpapahayag ng

kaisipan at damdamin. Mahalaga ang wika di lamang sa sarili kundi sa pakikipag-interaksyon na

rin sa kapwa at sa lipunan. Ginagamit sa pagkakuha ng impormasyon, pagtatamo ng edukasyon,

gayon din sa pagsisiwalat ng damdamin, saloobin at kaisipan. Sa wika napapabilis at napapgaan

ang isang gawain.

Sauce:

https://www.academia.edu/4018283/REVIEW_OF_RELATED_LITERATURE_AND_STUDIES
Backgrawnd ng Pag-aaral

Lahat ng tao ay may iba’t-ibang ideya tungkol sa pagtuturo, Para sa isang mag-aaral, ito

ang pangunahing gawain ng guro upang siya’y makakuha ng bagong kaalaman sa mga bagay-

bagay o pangyayari sa paligid.

Ang asignaturang Filipino ay dinisenyo ng departamento ng edukasyon upang

mapalawak ang kaalaman ng bawat Filipino patungkol sa sariling wika. Ayon kay Abad at

Ruedas, Ang wika ang pinakamalinaw at pinakamahusay magbigay ng himaton sa kung ano ang

particular na pananaw ng tao sa daigdig na kanyang ginagalawan.Dahil dito, binigyang diin ng

bawat paaralan ang pagtuturo ng asignaturang Filipino

Makikita rin natin sa bawat paaralan ang mga suliranun na dapat bigyang pansin sa

pagtuturo ng asignaturang Filipino, lalong-lalo na kung ang mga estudyante ang pag-uusapan.

Una, Nakakawalang gana sa mga estudyante ang pag-aaral ng asignaturang Filipino, sapagkat

wala silang interes na matutunan ito. Pangalawa, pinagwawalang bahala nila ang pag-aaral ng

asignaturang Filipino sapagkat para sa kanila, ito’y hindi napapakinabangan pagkatapos ng

kanilang pag-aaral. Patungkol naman sa mga guro, ang mga suliranin na nakakaapekto sa

kanilang pagtuturo ay ang mga sumusunod: Una, sila ay nagtuturo ng asignaturang Filipino

kahit na hindi ito ang kanilang “Field of Specialization” sapagkat konti lang ang kumukuha ng

mayorya sa asignaturang ito kaya kulang ang mga guro na nagtuturo sa nasabing asignatura.

Ikalawa ay madalas nilang isinasaisip na ang asignaturang Filipino ay madaling maintindihan

kaya hindi sila nag-aaral ng malalim para sa pagtuturona nakakaapekto rin. Ito ay isang

tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo.

You might also like