Professional Documents
Culture Documents
Yes
Yes
“Good morning!” masigla at may ngiti sa labing si airplane boy ang bumungad sa pagdilat ko. Nage-
ehersisyo siya.
Hinila niya ‘yung kamay ko at dinala ako sa isa sa mga mini restaurant dito sa Edge. “Namamaga na ‘yang
mata mo” sabay nguso sa mata ko.
Wala ako sa mood kaya nakapag-sungit ako sa kan’ya. “Hindi ko alam, tulog ako no’n”
Tumawa siya nang mahina, nakakapagtaka ‘tong lalaking ‘to. Sa kabila ng pagsusungit ko sa kan’ya at
walang sawang pagdadrama ko hindi niya nakuhang magalit sa’kin.
Umiling siya at humawak sa baba niya. “Tignan mo ‘to. Magsasabi ng kung anu-ano tapos kapag
tinanong kung bakit sasabihin wala. Abnormal ka ba?”
“Aray putangina naman, maawa ka naman sa’kin” sinamaan ko ulit siya ng tingin
Hindi ko siya pinansin at naglakad nang naglakad hanggang sa makapunta sa building kung nasaan ang
kwarto ko.
Nang makarating na ako sa floor ko, nakasunod pa rin sa’kin si Airplane boy. Hinarap ko siya. “Hoy, bakit
ba sunud ka nang sunod?”
Nginisihan niya ako at napa-facepalm siya ‘yun bang parang nang-aasar. “Dito rin ang kwarto ko. Ayan o”
sabay turo niya sa k’warto.
Medyo napahiya ako kaya ‘di na lang ako kumibo at dinabog ‘yung pinto.